image
image
image

CHAPTER THIRTY-THREE

image

Ilang araw pa lang na wala si Maurr sa condo pero pakiramdam ko’y ang tagal na niyang nawala. For the first time in my life naging importante sa akin ang kalendaryo. Narinig ko na noon pa ang mga kuwento ng OFW na mga kasamahan ni Mommy na ini-ekisan nila o binibilugan ang mga araw na nagdaan para mabilang nila kung ilang tulog na lang at makakauwi na sila ng Pilipinas. Sa ganoong paraan ay namo-motivate raw sila na ipagpatuloy ang buhay.

Hindi ako OFW pero nakigaya na rin ako sa kanila. Katunayan, bago mag-umpisa ng araw ko’y kalendaryo agad ang tinitingnan ko kaya alam kong eksaktong isang linggo nang nasa Iceland si Maurr, pero isang beses pa lang siyang natawag. Iyon ang araw na pinakilala niya ako sa lolo’t lola niya. I was very hopeful matapos ang araw na iyon. Inisip kong magsisimula na ang mga magagandang sandali naming mag-asawa. Pero parang umasa lang pala ako sa wala.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may marinig na tunog ng buzzer. Napalingon ako sa front door. Sinilip ko muna sa maliit na butas ng pinto kung sino ang nasa labas. Nang makita kong mga haliparot kong kaibigan, kaagad ko iyong binuksan.

“Surprise!” sigaw nilang tatlo.

May dalang pink and blue balloons si Shane. Si Keri naman ay isang bouquet ng red roses. Pero kay Felina ako natuwa. Mabango at katakam-takam ang bitbit niya. Mainit-init na Yellow Cab carbonara, pizza, and fried chicken. 

Napahawak agad ako sa tiyan. Tamang-tama. Hindi pa ako nakapananghalian.

“We know you are so sad, girl, kaya we’re here,” pa-conyong sabi sa akin ni Keri sabay halik sa pisngi ko.

“Tsaka alam din naming wala ka nang pang-Yellow Cab ngayon,” nakangising dugtong naman ni Felina. Nauna na ito sa living room. Parang kanya ang bahay na siya pa ang kumuha ng mga kubyertos na gagamitin namin sa kusina.

“Ang ganda pala ng place ni Sir Maurr, ‘no?” komento naman ni Shane. Patingin-tingin ito sa paligid. Nang makita ang larawan ng lola at kapatid na babae ni Maurr nagtanong agad kung sino ang dalawa. Nang sabihin ko sa kanya, napa-wow. “Nasa lahi pala nila ang good looks.”

Napaismid si Felina. “Ask me about the mom.”

“Na-meet mo na siya?” hindi makapaniwalang tanong nila Keri at Shane.

Naisip ko, hindi naman pala tsismosa ang Felina. Hindi niya pinagkalat ang encounter niya with Mrs. Halvorsen.

“Hindi masyadong maganda si Mom pero ubod ng katarayan.” Nang tingnan ko’t magtama ang paningin namin, kahit wala pa akong sinasabi binawi niya ang pang-ookray. “Well, may hitsura naman kahit papaano—-she looked more Japanese than Filipino at masasabi ring maganda pero ang sama ng ugali! As in!”

“Mas mataray pa ba sa mommy ni Yolanda?” tanong ni Keri.

“Parang naging anghel ang mommy ni bru kung ikompara.” At humagalpak pa ng tawa si Felina. “At least si Doktora Anai naman nasa lugar ang katarayan. Tsaka hindi tayo minamata. Pero iyong mom ni Sir Maurr, wagas kung mag-inarte. She’s a typical Pinay na nakapag-asawa lang ng foreigner akala mo na kung sino.”

Nang maalala ko si Mommy medyo nalungkot ako. More than a month nang wala kaming communication. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanila ni Ate sa States. Ang sabi nila noon sa akin kung magkakatuluyan kami ni Tadpole ay ira-write off na ng ospital nila ang utang namin sa pagkaka-hospitalized kay Dad doon nang kung ilang buwan. Halos kalahating milyong dolyar iyon, eh. Pero dahil sinuway ko si Mom at walang kasalang naganap may pakiramdam akong natuloy ang pagbebenta ng bahay sa Maryland para mabayaran ang utang namin. Napahinga ako nang malalim.

“What’s wrong?” si Keri.

Tinaas pa niya ang baba ko dahil bigla akong napahukot at napatingin pa sa ibaba.

“I’m just worried about Mom.”

Nagkatinginan silang tatlo.

“Bakit?” tanong ko sa kanila.

“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?” tanong naman ni Felina.

Napailing-iling ako. Dahil do’n kinuha ni Shane ang iPad niya sa bag at pinakita ang nasagap na balita tungkol sa mommy at ate ko. Lumitaw daw sa Facebook Home niya ang balita mula sa isang kakilala na friend ni Ate. May isang bagong Pinoy family na nag-move in daw kamakailan sa dating bahay ng isa sa mga tinaguriang pinaka-successful Filipino immigrants daw sa US. Ang bahay na naka-post sa status ng nagngangalang Mrs. Corabel Santos ay mismong bahay namin sa Maryland!

Hindi ako nakapagsalita. Isa lang kasi ang ibig sabihin no’n. Binawi ng mga Faulkner iyong pangako na i-write off ang utang namin. Bago ko pa mamalayan, nag-unahan na sa pag-agos ang mga luha ko. Na-guilty ako nang husto. Nagsisihan tuloy ang tatlo. Bakit naman daw kasi nabanggit-banggit pa iyon.

**********

image

We were having Christmas dinner together with my grandparents when suddenly mom handed me her iPad. She was grinning from ear to ear. Nagtanong tuloy ang lola ko kung ano ang ikinasiya ni Mom. Nang makita ko ang news article mula sa isang Maryland news outlet, pinangunutan ako ng noo. Ang tampok kasi sa balita ay tungkol sa isang Filipino doctor na nasangkot sa isang medical lawsuit kung kaya napilitang ipagbili ang bahay para may pambayad sa areglo. Hindi ko na kailangan pang mabasa kung ano ang pangalan ng doktor para malamang mommy iyon ni Eula. Kalakip kasi ng artikulo ang mansyon nila.

“Oh my God!” nasambit ko. Pinanlamigan ako agad.

“Ano ba! Ang OA nito. Hindi mo naman siya tunay na biyenan. Pinikot ka nga lang nila, eh. Karma na iyan sa kanya. Akala mo kasi kung sino,” asik sa akin ni Mom sa pure Tagalog para hindi maintindihan ng mga grandparents ko. Si Dad na medyo may alam ng kaunti sa lenggwahe ay napamaang. Tumingin siya sa akin na parang humihingi ng paliwanag.

“Eula’s mom was involved in a medical lawsuit. She was involved in a botched surgery and the patient almost died,” explain ko naman.

Nang-usisa na tuloy ang mga lolo’t lola ko. Kaanu-ano ko raw ang kinukwento kong doktora? Tiningnan ako ni Mom nang masama. Parang binabalaan na huwag akong magsabi nang totoo. Hindi na raw dapat malaman ng mga grandparents ko ang koneksyon ko sa mga Anai. But then Dad didn’t get her warning stare at ito ang nag-relate sa parents niya ng relasyon ko kay Doctor Anai.

“You got married in the Philippines without telling us?” hindi makapaniwalang tanong ni Amma sa akin. Tila may himig pagtatampo ito.

My sister Annette didn’t say a word. Si Mom lang ang nag-react sa ginawa ni Dad. Hinampas niya ito sa braso at pinandilatan. Bakit pa raw kinuwento. Nabaling sa kanya ang atensyon ng mga lolo’t lola ko.

“Why don’t you want us to know?” may talim na ang tinig ni Amma.

Medyo naalarma ang mommy ko. Mataray ito at madalas pinapalampas ni Amma dahil mahal na mahal siya ni Dad, pero kapag naiinis sa kanya ang lola ko’y wala ring magagawa ang nanay ko.

“They’re nothing, Mother. I mean—-that Doctor Anai deserves what she got.”

Pinangunutan ko ng noo si Mom. Paano niya iyon masasabi gayong wala kami sa sitwasyon at hindi buo ang detalye sa news? Napailing-iling ako sa pagiging judgmental niya.

“I am talking about Maurr’s wedding. Why were we not informed?”

Napahinga nang malalim si Mommy. Inirapan niya muna ako bago sumagot kay Amma. “It’s because the wedding was not real.”

“Not real? As in fake?” Si Lolo naman.

“No. What I mean is—-”

“So it wasn’t fake?” Ang lola ko ulit.

Nasukol na si Mom kung kaya kinuwento na ang buong detalye. Nang naintindihan na nila lolo’t lola ang sitwasyon namin ni Eula, ako naman ngayon ang tiningnan nila. How come daw na nang ipakilala ko ang asawa ko sa kanila mukhang hindi naman nila nakita sa akin ang sinasabi ni Mom na napilitan lang ako. It seemed like Eula was so special to me. Ganoon daw ang tingin nila. Kaya nga raw, kapag natapos ang last chemo session ni Amma sa susunod na buwan ay bibisitahin niya kami ng special girl ko sa Pilipinas.

“Special girl?” umubo pa si Mom. Tiningnan na naman siya ni Amma.

“Why? What’s wrong with the girl?”

“Nothing’s wrong with the girl, Mama. She’s very sweet and very beautiful,” nakangiti namang sagot ni Dad. Lalong nainis sa kanya si Mom. Ako nama’y parang napatango absent-mindedly.

**********

image

Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa buong Christmas holiday na walang matinong kasama. Ang mga kaibigan ko kasi’y pasulpot-sulpot lang sa condo. Once lang sila nag-overnight. Niyaya rin naman sana nila akong mag-stay sa kanila, pero hindi ko kayang iwan ang lungga ni Maurr. Feeling ko kasi kapag nandoon ako kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila ko sa kanya. I just told myself, hindi magtatagal at uuwi na rin siya. Ang pangako niya sa akin ay darating sa New Year. Sabay naming sasalubungin ang 2017. Dumating at lumipas ang New Year’s Eve pero walang lumitaw ni anino ni Maurr. Tapos nakita ko sa post ni Drae kasama ng pinsan ng hinayupak na magkasama silang nag-celebrate ng bagong taon with the mystery girl na tingin ko super sweet at touchy feely pa sa asawa ko.

“Shit! Wala ka talagang kwenta, Maurr!” sigaw ko.

Pangalawang araw ng 2017 at wala akong ginawa kundi umiyak, magmura, at umiyak. One time nga dahil nagsisisigaw ako sa loob ng condo kinatok ako ng gwardiya. May nag-report daw na neighbor ko at inaalam nila kung ano ang nangyayari dahil mukhang mayroon daw akong kaaway sa loob.

“Wala, Kuya. Nagre-rehearse lang ako sa role ko sa play.”

Sinipat ni Kuya Guard ang mukha ko na para bagang duda siya sa akin, pero hindi naman nagkomento pa. Mayamaya, bago ito tuluyang tumalikod may sinabi itong ikinabigla ko.

“Buntis ho ba kayo, ma’am?”

“Ho? Sinong buntis?” kaila ko pa sana.

Ngumiti lang siya sa akin. Sana raw buntis daw ako kasi grabe ang itinaba ko. Pag-alis nga ni Kuya Guard tiningnan ko ang hitsura sa full-length mirror sa kuwarto at no’n ko napansin na totoo nga namang lumaki ang balakang ko pati na ang puson.

Shit, hindi ko pa nasasabi ito kay Maurr!

Nang sumunod na araw at hindi pa rin nagparamdam ang hunghang, hindi na ako umasang babalikan pa nga niya ako. Lalo pa’t dumalas nang dumalas ang post ni Drae ng mga larawan nilang apat na tila nag-do-double date habang nagliliwaliw sa tourist spots sa Iceland. Kaya pagsapit ng Three Kings, nagpasya na akong mag-impake habang naghahanap ng malilipatang apartment. May nakita ako malapit sa university. Pwede nang pagtiyagaan dahil isang semestre na lang ang need ko to graduate.

“Sigurado ka ba rito sa ginagawa mo, bru?” tanong sa akin ni Felina minsang binisita namin ang naturang lugar. “Baka hindi mo kayanin dito? Remember, sanay ka sa magandang place.”

“Please don’t discourage me. Kailangan ko ito.”

Napabuntong-hininga si Felina saka hinalikan ako nito sa pisngi bago kami naghiwalay.

“Hindi na kita mahahatid sa condo, ha? May lakad pa ako, eh.”

“Okay lang. Malapit lang naman iyon, eh. Pero tulungan n’yo akong tatlo bukas. Maghahakot na ako ng mga gamit ko, eh.”

“Sige, bru. Ingat.”

**********

image

Hindi ko ini-expect na sasalubungin niya ako ng banda, pero masyado naman yatang malamig ang reception niya sa pagdating ko. Ni hindi pa niya pinailawan ang condo. Tulog na ba agad ang babaeng iyon? Mga ala-una hanggang alas dos nang umaga naman ang tulog no’n. At eleven thirty pa lang ng gabi.

Strange. My place felt cold.

Nang maipasok ko na ang mga bagahe sa kuwarto, sinilip ko agad ang banyo. It looked so clean and dry in a weird way. Ang una kong napansin ay ang pagkawala ng mga feminine wash na dapat ay katabi ng shower gel, shampoo, at body wash ko. Nang buksan ko ang cupboard wala na ring laman iyon ni kapiraso ng mga toiletries niya! Kinabahan ako kaya napatakbo ako sa kuwarto niya. Doon ko napag-alaman na nilayasan na niya ako dahil wala nang lamang gamit iyon liban sa kama at desk na pag-aari ko.

Alam kong disoras na ng gabi, pero hindi pupwedeng hindi ko malaman kung saan siya nagpunta. I called her friend Keri. Hindi ito sumagot. I also called her friend Shane. Cannot be reached. Iyong Felina ang huli kong tinawagan at sa kanya ko nalaman lahat.

“Thank you for the info, Felina. I really appreciate it.”

Pagkapaalam ko kay Felina, nag-shower lang ako at bumaba na rin para puntahan sa bago niyang apartment si Eula.

**********

image

Napagod na rin ako sa kakaabang ng bubuwit kung kaya naidlip na rin, pero mayamaya’y nagising na naman ako sa malakas na kalabog.

Punyeta! Hindi yata ako patutulugin ng lintik na mga alaga ng apartment na ito!

Binuksan ko ang ilaw at dinampot na agad ang isa kong tsinelas. Lintek lang ang walang ganti. Pota! Ilang gabi na akong puyat sa ipis at bubuwit na maya’t maya’y gumagapang sa legs ko habang ako’y nakahiga. Wala pang isang minuto akong gising nang makita ko ang isa sa mga pumuyat sa akin. Binato ko ito ng tsinelas. Sapol. Dedo. Buti naman. Winalis ko ang ipis palabas ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, napaatras ako bigla. Nagkagulatan kami ng lalaking nakatayo roon.

“Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.?!”

He stared at me with his mouth agape.

“What are you doing here?” tanong niya.

“Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa iyo niyan? Ano ang ginagawa mo rito?”

Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. “Why did you leave home?”

“Hindi ko naman home iyon, eh.”

“Mom already told me everything. I knew she dropped by the house and insulted you and your friend. Please forgive her. She could be mean sometimes but she’s a good person.”

I rolled my eyes.

“Is that why you left the house?”

Nanggigil ako sa narinig. Paanong napaka-insensitive ng taong ito? Bakit hindi niya balikan ang pinaggagawa nitong nakaraang mga araw?

“Labas ang mommy mo sa problema nating dalawa. Napag-isip-isip ko lang na—-it’s high time we deal with our problem headon. Masyado na nating pinatagal ang pagsasama na wala namang patutunguhan. Alam ko namang wala kang pakialam sa akin. Bed warmer nga lang ang tingin mo sa akin, di ba? Pwes, siguro sa pagpunta mo sa inyo ay nabago na ang tingin mo. Palagay ko rin ay may nakita ka nang parausan kung kaya hindi mo ako naalala agad.”

“What the fvck are you talking about?”

“Tigilan mo nga ako! Magkukunwari ka pa. Pictures don’t lie!”

Mukha pa ring clueless ang mokong. Kinuwento ko na nang buung-buo ang pangako niyang napako tapos ang mga double-dates nila ni Drae at no’ng mystery girl. Pagkatapos kong magsalita nakita ko siyang napangiti.

“Pinagtatawanan mo ako?” galit kong asik sa kanya.

“That girl is Liljah’s sister, my cousin, too.”

Natigilan ako. Pinangunutan pa ako ng noo. Imposible ang sinasabi niya! Ang sweet nila kaya.

Dinukot niya ang cell phone at pinakita sa akin ang mga pictures. Iyon daw ba ang dahilan ng pagsisintir ko? Tinuro pa niya ang girl. Nang hindi ako sumagot, kinuwento na niya kung bakit nagkasama silang apat. Medyo na-home sick daw si Drae kung kaya napagpasyahan nilang magpinsan na i-tour ito sa tourist spots ng Reykjavik. Dahil magkakilala na raw silang dalawa ng kaibigan ko sa Pilipinas pa lang, minabuti pati no’ng magulang ni Lilja na mag-extend muna siya ng kung ilang araw para naman hindi masyadong mawindang doon si Drae.

“Eh bakit ang sweet-sweet ninyong dalawa?” giit ko pa.

“Are you jealous?” nakangiti niyang tanong.

Inirapan ko siya saka tinalikuran. Pumasok na rin siya sa lungga ko at maingat na isinara ang pinto. Nakailang hakbang ako papasok ng apartment nang may dumaang bubuwit. Napatili ako sabay atras. Nagulat siya. Nang makita ang kinatatakutan ko, napamura siya.

“How can you live here?”

Bago pa ako makasagot, may lumipad na ipis. Sumigaw na naman ako. Hinila niya ako’t niyakap saka hinalikan sa ulo.

“I’m here now. Don’t worry. I’ll protect you.”

Umiyak na ako sa balikat niya. I felt sorry for myself.

Pagkalapat ng katawan ko sa katawan niya, nabuhay ang init na akala ko’y matagal ko nang nakalimutan. Nang sinapo niya ang magkabila kong pisngi at halikan niya ako sa mga labi, hindi na ako nakatanggi. I just closed my eyes and relish the moment.