image
image
image

CHAPTER THIRTY-FOUR

image

Nang maghiwalay na ang mga labi namin, naliyo ako bigla. Mabuti’t maagap niya akong naalalayan. Sa kabila ng pagiging balahura ng ugali ko, nakaramdam din ako ng hiya. Biruin mo naglayas pa’t lahat tapos sa isang halik niya’y mapapapikit na agad. Nang ma-realize ko kung gaano ako ka rupok, tinulak ko siya palayo. Tapos naglakad ako patungo sa maliit kong silid.

“I thought I have explained myself,” pahabol niya.

“It did not change the fact that you extended your stay in Iceland without even telling me. Naiwan akong nakaantabay sa wala! Pinagmukha mo akong tanga!” asik ko sa kanya habang nakahawak sa kurtina na nagse-separate ng tulugan at sala.

“I’m s-sorry but I have my reasons.”

Napalingon ako sa kanya na tila slow motion na pag-turn around ng bidang babae para komprontahin ang asawa niyang pinagbibintangan niyang nambababae.

“You have your reasons? Sapat na dahilan ba iyon para pagmukhain mo akong tanga? Habang nagliliwaliw ka sa inyo, ako lang mag-isa sa condo noong Christmas! At nag-iisang muli noong New Year’s Eve! Hindi mo man lang ba naisip iyon?”

Pagkasabi ko niyon, natigilan din ako. I sounded like a nagging wife na. Ni hindi pa nga klaro kung kami na nga. We fvcked, we kissed, I’ve said I love you to him—-but he never said the same to me in return. Siguro dahil hanggang doon lang ang halaga ko sa kanya. Isang parausan. Nanlumo ako sa realisasyong iyon. Baka iyon nga ang rason  niya. Kung iyon nga, ayaw ko nang marinig pa.

Tumalikod na naman ako para magpunta sana sa maliit kong kuweba. Pero napalingon na naman ako sa kanya nang siya’y magsalitang muli.

“I—-I get depressed after we called you up.”

“What?! Ganoon ang epekto ko sa iyo? Pinapa-depress kita?”

Nayanig ang buong pagkatao ko sa narinig. Okay lang sana kung sinabi niyang I made him sad. But to say that I made him feel depressed, God! Sa tanang buhay ko hindi ko sukat akalain na darating ang araw na may lalaking magsasabi sa akin na pinapa-depress ko siya. Ano ako pala sa kanya? Isang dementor, ganoon? Isa akong soul-sucking devil?

Masyado akong galit para umiyak. Nanginginig ang buo kong pagkatao. Siya naman gulat na gulat. Tila hindi niya inasahang ganoon ang magiging reaksiyon ko.

“What I meant was—-I was so unhappy after we hang up the phone. I felt like——like going back -—here—-with you. But I had to stay in Reykjavik because my grandma was so sick. She just had her chemo session that time. So her health was fluctuating. One moment she was okay, then she’ll suddenly go limp and lifeless.”

“Is she okay?” tanong ko agad. Na sinagot niya nang bahagyang pagtango.

Saglit. Nawawala ako sa dapat kong pagtuunan ng pansin. Hindi ako dapat nagpapadala sa distraction. I am sure okay na ang lola niya. Dinig ko naman ay maganda ang healt care system sa kanila kaya siguro nama’y naalagaan siya nang husto. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang problema naming dalawa.

“I missed you terribly!” parang daing ang naging dating no’n sa akin. He seemed to be having a hard time. Hirap na hirap ang tono ng pananalita niya.

Hindi agad ako naka-react doon. Pinoproseso ko pa kasi sa utak ang mga pinagsasabi niya sa akin. Na-miss raw niya ako? Totoo bang sinabi  niya iyon? O baka guni-guni ko lamang?

“Ang sinasabi mo ba sa akin——na-miss mo ako?”

Dahan-dahan siyang tumango.

“Na kaya ayaw mong tumawag ay nade-depress ka pagkatapos dahil nami-miss mo ako?”

“Eula, you’re being repititive.”

“I want to be sure I heard you right!”

“Yes! I missed you terribly!” tila naiinis niyang pagkompirma. “I did not want to call you because I know that when I hear your voice the only thing that I would want to do is go home! Here. With you,” dugtong pa pero sa malumanay na tinig na.

Juskolord. Hindi ko kaya ito. Binobola ba niya ako? Tulungan n’yo ako, Lord. Nanlalambot na naman ang mga tuhod ko!

“Totoo? Hindi mo lang ako binobola?” pakipot ko pa.

Maurr rolled his eyes. Hindi na siya sumagot pa. Ganunpaman, hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. Lalong lumawak iyon nang dahan-dahan ay lumapit siya sa akin at yakapin ako nang mahigpit na mahigpit.

Nag-e-emote kami pareho nang bigla na lamang may tila maliliit na na paang tumakbo at dumaan sa mga paa ko. Napatalon ako bigla. Nagulat si Maurr. At nakita ko na lang na sapo-sapo niya ang baba. Nauntog yata doon ang ulo ko. Potang bubuwit!

**********

image

Nang i-switch on niya ang ilaw sa maliit na silid na sinasabi niyang kuwarto niya sa apartment na iyon, tumambad sa akin ang isang maliit na higaan. Kawayan ang nakikita kong mga paa no’n at mukhang pinatungan lang ng isang manipis na kutson. Ang wallpaper sa dingding na kulay rosas ay tila kalalagay lang. Maayos namang naka-arrange ang mga gamit niya roon mula shoulder bags, maleta, books, at kung anu-ano pa. Pero iyon nga. The room smelled old and dirty.

“How come you settled for this place?” tanong ko. Hindi ko napigilan ang sarili. Ang layo lang kasi sa personalidad niya.

“Limang libo na lang ang pera ko. Iyon na lang ang natira sa pinagsanglaan ko ng bags ko. Tingin mo may makukuha akong disenteng lugar? Buti nga at may nahanap pa akong ganito na one-five lang. Ang iba’y two K pataas.”

“You shouldn’t have left my place.”

“Aba’y huwag mo akong sisihin. Kung sana maayos ang relasyon nating dalawa ay hindi ako napadpad dito.”

Hindi na ako sumagot pa. Masuyo ko na lang hinagkan ang ulo niya at ginulo-gulo ang buhok.

Mahihiga na lang sana kami sa makeshift bed niya nang bigla na lang may lumipad na ipis. Nandiri ako agad. Dahil sa Iceland na ako halos lumaki, hindi ko pa rin nakakasanayan ang ipis lalo pa’t sa bahay ng parents ko sa Quezon City maging sa condo ko ay walang ganoong insekto. Pareho tuloy kaming napatalon ni Eula. Nang ma-realize niya iyon, pinagtawanan ako.

“Pambihira ka, Maurr! Ikaw sana ang savior ko, eh.”

“Let’s just go home. C’mon.”

Tinuro niya sa akin ang maliit na orasan sa bedside table niya. It was almost two thirty in the morning. Bukas na lang daw dahil baka may makasalubong kaming hindi kaaya-ayang nilalang sa kalye nitong mga oras na ito. Napangiti ako. Ibig sabihin wala na akong problema. Okay na kami.

“Hep! Baka akala mo nakakalimutan ko na!”

Nalito ako ulit. May hindi pa ba ako naipapaliwanag sa kanya? Nasabi ko na lahat ang dapat kong sabihin.

“What?” untag ko dahil mukhang natigilan siya.

“Ilang beses na akong nagsabi ng I love you pero ikaw ni minsan hindi mo pa rin ako nasasabihan niyan. Ano ba talaga, Maurr?”

Nagsalubong ang mga kilay ko. I have already shown to her how much she meant to me. Nasabi ko na rin na na-miss ko siya nang husto. Sobrang redundant na kong babanggitin ko pa iyon. Cheesy na masyado. It is not something I grew up with.

Hinila ko siya palapit sa dibdib ko. I put her palm on my left chest.

“Feel the beat.”

Pinangunutan niya ako ng noo. “Iba pa rin siyempre iyong manggagaling mismo sa mga bibig mo.”

Eg elska tig,” bulong ko sa kanya.

Napanganga siya. Ano raw? I smiled and kissed her soundly on the forehead.

**********

image

Ngayon ang bigayan ng grado namin sa first semester ng taon. Ang sabi sa akin ng isa kong prof noon may posibilidad na ulitin ko ang subject niya ngayong second sem. Ibig sabihin ay kailangan ko na ulit umenrol sa pasukan sa third week ng Enero. Pero kapag naipasa ko lahat ay okay na ako at hihintayin ko na lang magmartsa sa graduation sa Hulyo. Ang sama ng pakiramdam ko sa klase kong iyon. Ang dami ko kasing absences nang pumuntang US kung kaya hindi ako magtataka kong binagsak nga niya ako. Hindi ko tuloy matingnan ang copy of grades ko. Baka kasi himatayin ako.

“Hayan ka na naman, eh. Pambihira. Ikaw tumingin. Heto, o.” Pinagduldulan pa ni Keri ang copy of grades sa mukha ko matapos itong magtatatalon dahil nakita na niya ang kanya at pasado siya sa lahat na subjects. Ibig sabihin tuluy-tuloy na ang martsa niya sa graduation.

Hindi ko tinanggap ang papel. Para pa ngang pinangilagan ko iyon at bigla akong natayo. Si Shane ang pumulot sa copy of grades ko sa lupa at binasa nito ang unang nakasulat doon. Napa-wow pa ang bruha. Natigilan ako saka pinanlamigan. Noong last semester kasi ay nag-drama ito na binagsak ko mga subjects ko. Iyon pala’y kabaliktaran ang nangyari. Ngayo’y tila nagbubunyi siya kaya ang ibig sabihin lang nito ay...Napaiyak na ako. Maisip ko pa lang na wala na si Keri sa campus sa pagbalik-eskwela sa katapusan ng Enero, nade-depress na ako.

Niyakap ako ni Shane saka nilagay pa sa mismong harap ng mukha ko ang copy of grades.Nang makita kong nakakuha ako ng A sa clinical internship maging sa Seminar 2 class namin, halos panawan ako ng ulirat. Inalalayan na ako ni Keri bago pa ako bumagsak.

Tawa sila nang tawa sa akin. “Hindi ka lang Tili Queen, Drama Queen ka na rin! Bwisit ka!”

Dalawang kamay ko nang hinawakan ang copy of grades ko at tumatalun-talon akong parang timang. “My God! Graduate na tayo, Keri! Graduate na tayo!” At sumigaw ako nang pagkatinis-tinis. Napatingin ang lahat ng mga estudyanteng napapadaan sa tapat ng Chapel. Nandoon kasi kami nakatambay sa lilim ng mga puno sa harapan nito.

Isa si Maurr sa napalingon sa tili ko. He was wearing his usual dark sunglasses as he was making his way towards the Education Building. Galing yata siya sa kabilang gusali. Tinaas ko ang copy of grades sa direksiyon niya at winasiwas iyon habang nakatitig siya sa akin, or so I thought. Dahil bigla na lang itong ngumiti at lumiko na nang humahangos na dumating ang pokpok na si Ms. Suarez sa tabi niya.

“Ay, napahiya,” nakangising pambubuska sa akin ni Shane. Na kaagad na sumeryoso at humingi ng paumanhin nang makita niya ang walang kangitingiti kong hitsura.

“Akala ko sa iyo nakatingin, hindi pala,” komento naman ni Keri. Parang napapantastikuhan lang dahil inakala rin na sa akin talaga nakatingin si Sir Maurr.

Makikita mo mamayang lalaki ka!

**********

image

“What’s that fvcking smell?” naibulalas ko habang nagtatanggal ng sapatos sa doorway. Pagkalagay ko niyon sa shoe rack sa tabi ng pintuan, dumeretso agad ako sa kusina. There. The culprit.

“When you eat stenchy food, please switch on the exhaust fan.”

Nilantakan niya ang natitirang manggang hilaw at bagoong saka tinapunan ako ng masamang tingin. Nagtaas agad ako ng dalawang kamay na animo sumusuko.

“I was just being honest. I hate that food. But Mom also love that. Maybe, it’s a Filipino thing?” Nginitian ko pa siya para hindi sumama ang loob, pero kaagad kong tinakpan ang mukha para kahit papaano ay mabawasan ng konti ang nakakasukang amoy ng bagoong. Saka ko napansin na parang dinilaan ng kuting ang pinggan niya. Hindi ako makapaniwala. No wonder, tumaba siya. Hindi pa siya nakaka-recover sa pananaba na marahil ay hatid ng holiday season, pero heto’t tila nagmu-mukbang na naman. Kung anu-ano siguro ang nilantakan nito nang wala ako rito. Nagda-diet lang naman ito kuno kung kasalo niya ako sa pagkain. Not that I am complaining about her weight. Nakakapraning lang kasi kapag naeempatso siya dahil kung magsuka pati bituka niya’y gusto na niyang iluwa.

“Huwag mo akong iniinsulto at nginingitian at the same time. Akala mo makakalimutan ko na?”

I stared at her, confused. Ano na naman ang kasalanan ko? Bakit lagi na lang itong galit sa akin lately? Kaunting kibot, minumura na ako.

“Pinahiya mo ako!”

“What? When? Where?”

“Kanina sa school!”

Nakapamaywang na siya sa harapan ko ngayon. Ilang talampakan na lang ang pagitan naming dalawa. At amoy na amoy ko na ang masangsang na bagoong sa kanyang hininga. Napaatras ako.

“Babe, wait.” At tinakpan ko pa ng braso ang mukha. Nagpalinga-linga ako. Naghanap ng kahit maliit na tuwalyang maipantakip sa ilong ko. Kahit kasi pinipilipit ko na’y may pumapasok pa ring amoy. Hindi ko kaya!

Natigilan siya. Nag-iba rin ang ekspresyon sa mukha niya. From anger to—-did she smile? Nababaliw na ba ang asawa ko?

“Ganyan ba kabaho ang hininga ko?” At bumuga-buga siya sa palad.

“Fvck, yeah! Don’t do that!” At tumalikod na ako.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napailing-iling ako.

**********

image

Babe. Tinawag akong ‘babe’ ng hinayupak! Mantakin mo iyon? Tinawag akong ‘babe’! Ngayon lang niya ako tinawag na ‘babe’. Sige. Marupok na kung marupok! Mababaw na kung mababaw! Sa kinilig ako! Ano’ng magagawa ko?

Gusto kong mamilipit sa tuwa. Pero siyempre, nagpigil ako dahil nasa living room pa siya. Sinilip ko, eh. Hay.

“Kung nagka-amnesia ka, pwes ipapaalala ko sa iyo! Kanina sa school binati kita pero imbes na batiin mo ako inisnab mo ako!” galit-galitan kong sabi.

Napa-double take siya sa akin habang lumilipat-lipat ng channel sa TV.

“What do you mean?” he asked absent-mindedly.

“Iyong kanina nga. Hindi ba’t winawasiwas ko sa iyo ang copy of grades ko? Tumingin ka pa nga sa akin nang nasa tapat ka na ng Education Building. Tapos imbes na kumaway ka rin, humalik ka kay Ms. Suarez!”

Siyempre, dagdag ko na lang ang pang-huli. Para kasing hindi one hundred percent na nakikinig sa akin, eh. Abala na siya sa kalilipat ng channel sa cable. Nakakainsulto ang kumag, ha.

Tama nga ang sapantaha ko. Nakuha ko ang atensyon niya sa huli kong sinabi.

“What? I kissed Mary? Where?”

Sa pvke! Iyon sana ang sasabihin ko, pero nagtimpi ako. Saka alam ko namang hindi na parte iyon ng Filipino vocabs niya. Sayang lang.

“Sa harap ng Educ Building! Saan pa ba?”

Nangunot nang bahagya ang noo niya. Tila inaalala pa niya ang lahat. Then, he looked at me. Pinaningkitan niya ako ng mga mata na para bagang pinagdududahan. Siya nga raw ba ang nakita ko? Baka raw namamalikmata lang ako.

“It was you! Ikaw lang naman ang guwapong blonde guy sa campus na mukhang artista! I mean—-ikaw lang naman ang foreigner sa campus!”

Nakakainis! Bakit ko sinabi iyong una kong pangungusap!

May namutawing ngiti sa kanyang mga labi na pilit niyang pinigilan. Pero hindi rin niya nagawa. Narinig ko pa nga ang mahina niyang pagtawa.

“You’re crazy, Yolanda Ysadora. I didn’t kiss her. You are making up stories. I think I need to have you checked by a psychiatrist. You may be suffering from some kind of mental disorder.”

Napahalukipkip ako at tiningnan siya nang masama. Sumulyap siya ulit sa akin habang naglilipat na naman ng channel at ngumiti. Pota! Ang puso ko’y sumirko-sirko. Lalapit na sana ako’t tatabi sa kanya pero maagap niyang tinaas ang dalawang kamay. Mag-toothbrush daw muna ako. Dinampot ko ang cushion sa tabi niya at hinambalos sa kanya. He just laughed at me. Isa iyon sa mga rare times na narinig ko ang malutong niyang pagtawa.

**********

image

Napasugod ako sa Infirmary nang wala sa oras nang tanghaling iyon. Nag-collapse daw kasi si Eula sa Tayuman habang pumipila sa tindahan ng siomai kung kaya isinugod doon. Grabe ang kaba ko. Naisip ko agad, sobrang empatso na naman siguro ang inabot ng babaeng iyon. Aba’y nakita ko nang nananghalian sa school canteen matapos maasikaso ang kailangan niyang i-accomplish bago payagan sa pagmartsa sa Hulyo ay nakipila pa sa Tayuman? Para ano? Kumain na naman?!

“Sir Maurr. Iyong asawa n’yo po,” salubong sa akin ng isa sa mga nurses doon.

Nakangiti siya. Strange. Sobrang smiling face naman ng babaeng ito. Hindi dapat ganito ang hitsura niya habang nakikipag-usap sa kamag-anak ng pasyente. I didn’t like it.

“Where is she?”

Dinala niya ako sa isang silid. Ilang beds ang naroroon. Kurtina lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Sa mga narinig kong boses sa paligid, nabatid ko nang naunahan na ako ng mga kabarkada niya. Hayun nga at tila nagkakasiyahan na ang grupo. Nabunutan ako ng tinik kahit papaano. Ibig sabihin ay okay lang siya.

“Maurr!” May pananabik ang tinig ni Eula. Ngumiti agad ito sa akin. Nilingon ako ng tatlo niyang kaibigan. Nang makita nila akong lumapit ay nagsitayuan din sila.

“O, kayo naman po rito, sir,” sabi ni Felina.

“Babay po,” sabi naman ng dalawa pa.

Pagkaupo ko sa kama niya inusisa ko na siya agad kung ano ang nangyari.

“What happened? Indigestion again?” deretsahan kong tanong.

Napahinga siya nang malalim. “I was—-I was sick. Kasi naman ang init. Saka siguro positive stress.” At ngumisi siyang parang timang.

“Positive stress?” ulit ko.

“Yep. Ga-graduate na ako, Maurr!” At tumili siya na parang namimilipit sa tuwa.

May mga sumilip sa amin base sa paggalaw ng mga kurtina sa paligid namin. Siguro naingayan sa kanya ang ibang naroroon. Mabilis kung nilagay ang hintuturo sa bibig sabay sabi ng, “Ssshh.”

Yumakap siya sa akin. “Thank you ssoooo much! Without you this will not be possible!”

“You made it happen,” sagot ko sa kanya. “You do not owe anyone anything. You will graduate this July because you made it happen,” pag-ii-stress ko pa.

Narinig ko ang impit niyang pagtawa. Huwag na raw akong magpa-humble effect.

“Doctor Halvorsen?”

Napalingon ako nang marinig ang boses ng university doctor. Ang mabait at charming na si Dr. Luisita Fernandez.

“Sorry to disturb you guys. But upon hearing that you came in, I was not able to stop myself from coming here. I just want to congratulate you, Doc. You must be very happy to have heard two good news today,” nakangiting bati sa akin ng doktora.

Napamaang ako. Two good news? Pagtingin ko kay Eula para sana tanungin siya tungkol doon nahagip ko siyang kumikindat-kindat kay Dr. Fernandez. Tuloy ay nalito ang huli. Nang mahulaan na parang hindi niya dapat sinabi iyon ay mabilis siyang nagpaalam sa amin bago ko pa mausisa kung ano iyong good news.

Dali-dali nang bumaba ng kama si Eula at hinila na niya akong umalis doon.

“Wait. We need to get the doctor’s permission, first,” sabi ko sa kanya.

“No need! Okay na ako!”

Nang mapadaan kami sa reception area, halos sabay-sabay na bumati ang mga nurses sa akin.

“Congratulations, Dr. Halvorsen! We cannot wait to see your little one!”

“What?!” sagot ko. Gulat na gulat.

Napatingin ako kay Eula na nang mga sandaling iyon ay nandidilat na sa mga walang kamuwang-muwang na nurses. Napatakip ng kamay sa bunganga ang mga ito saka tumalikod na sa amin. Nagsisihan pa sila.

“Eula?” tanong ko.

Hinila niya ako palabas ng infirmary. But this time wala nang pagmamadali.