![]() | ![]() |
Hindi muna namin pinag-usapan ni Maurr ang tungkol sa request ni Mommy. Naii-stress ako. When I left the US last October, sigurado na akong hindi na babalik doon to consider carving a niche for myself in the land of opportunities. Pero after ng nangyari sa kanya, kahit ganoon ang ugali niya I also felt some kind of responsibility na gawin ang napagkasunduan namin noon. Kaso nga lang siyempre naiisip ko rin ang asawa ko. Ang pinagpapasalamat ko na lang ngayon, medyo nag-mellow si Ate sa akin. Hindi na siya nagmamaldita. Nahihiya raw siya kay Maurr. Ako na raw bahala magpasalamat.
Kung ganoon ka thankful si Ate, nag-wonder lang ako bakit si Mom ay parang wala lang? Does she even know that Maurr’s family got her off the hook? Naitanong ko nga ito sa kapatid ko nang tinawagan niya ako isang umaga.
“She knows. But she believes with or without their help maaabswelto din naman daw siya dahil walang mabigat na ebidensya against her. It was a matter of time lang daw.”
“Hindi ba alam ni Mommy na big-time ang family ng pasyente niya? If not for Governor Steele naka-detain pa rin sana siya. Hindi naman masama to show gratitute where gratitude is due.”
Hindi nakaimik si Ate. Mayamaya’y nagpaalam na ito na matutulog na raw at maaga pa siya bukas. Wala na ang angil na kadalasan niyang ginagawa kung ayaw na niya akong kausapin. I felt somehow nag-improve na ang relasyon naming dalawa. Si Mom na lang ang problema ko.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng kung ilang katok sa pintuan. Si Maurr. Bihis na bihis na ito. He was simply wearing a faded denim jeans at puting polo shirt. Nangunot nga nang bahagya ang noo nito nang makitang nakabalot pa rin sa tuwalya ang katawan ko.
“I thought you are already ready to go?”
“Give me a few minutes,” sagot ko naman at dali-dali na akong nagpunta sa closet at pumili ng maisusuot. I chose something na madaling maitaas dahil kinailangan ko nang magpa-ultra sound to know the baby’s sex mamaya.
Maingat niyang isinara ang pintuan at iniwan ako para makapagbihis in private. After ten minutes, heto na’t handang-handa na ang new momshie na pumunta sa prenatal niya. Proud akong umikot-ikot sa harap ni Maurr dahil kahit five months preggy na ay hindi pa rin ako gaanong tumaba. Tiyan ko nga lang ang medyo nakausli.
Medyo napangiwi siya nang makita ako. I panicked inside.
“Ampanget ko gano’n?” naiinis kong sita sa kanya. Nakapamaywang na ako.
Umiling-iling siya. “Can’t you even find something not revealing?”
Tiningnan ko ang puti kong shorts na umabot naman sa kalagitnaan ng hita tapos sa top kong off shoulders na exposed na exposed ang cleavage.
Maganda naman, ah! Saka makinis at makurba naman ang cleavage ko! Kainis naman ito.
Bumalik na lang ako sa kuwarto at tiningnan one last time ang hitsura sa salamin. Bagay naman sa akin ang damit. Ang cool ko nga eh. Kapag nakatalikod, hindi pa rin halatang buntis. Ano ang problema ng hayop na iyon?
“Eula, hurry up! Our appointment with the doctor is at 10:30. Its already ten o’clock,” paalala niya sa akin. Lumabas na raw ako. Hindi na raw importante kung ano’ng suot ko.
Ganunpaman, nagpalit ako ng damit. I wore a button-up blue maternity dress na lampas tuhod.
“Why did you need to change if you were comfortable in shorts and blouse?” komento niya agad. Pero nag-light up naman ang mga mata niya nang makita ako sa ganoong ayos. Mas disente kasi. Mas mommy-ish ang dating.
“Tigilan mo ako. Kunwari ka pa. Let’s go na.”
Nahagip ng paningin ko ang pagngiti niya bago sumunod sa akin sa front door. Nasa labas na ang taxi nang dumating kami roon. Buti naman. Akala ko pagmomotorin niya akong nakadamit. Last week kasi’y nag-motorsiklo pa rin kaming pumunta sa bahay ng parents niya sa Quezon City. Napahesusmaryosep nga ang maarte niyang ina. Huwag na huwag na raw naming gawin iyon next time. Tapos inirapan niya ako. Hindi raw ako marunong mag-ingat.
Kahit ganoon ang reaksiyon ni Mrs. Halvorsen, in a way it made me felt good. Ibig sabihin kasi’y okay na sa kanya na pinagbubuntis ko ang kauna-unahan niyang apo. Hindi man siya masyadong showy, nababatid ko pa ring excited na siyang makita ang apo. Maurr’s dad was different. Ito ang sobrang nagpakita ng pananabik. Baliktad nga, eh. Siya ang Icelander pero siya ang mas warm sa akin. Ang mommy niya? Sing lamig pa rin ng yelo. Kapag hindi nga nakatingin ang asawa ko’y iniirap-irapan pa niya ako. Pero at least dahil buntis ako, hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama. Nakinig siguro sa asawa.
**********
I cannot describe how I felt when I saw the baby on the screen for the first time. Ganoon pala ang feeling ng mga daddies. Nilalabanan ko nga ang emosyon dahil nahihiya akong umiyak sa harap ni Eula at ng doktora. But I was moved beyond words.
“Do you guys wanna know the baby’s gender?” nakangiting tanong sa min ng doktora. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Eula. Excited din siya for us.
“Pwede na ba, doc?” sagot ni Eula. Nakangiti ring tumingin ito sa akin.
“Yeah. Hayan, o.” At tinuro niya ang portion na ari raw ng bata. I gasped when I saw what seemed like a tiny slit. Bago pa masabi ng doktor na babae, napasinghap na ako.
“Ano po, dok? Babae po ba? Parang hindi naman itlog iyan, di ba?” sunud-sunod na tanong ni Eula.
Tumawa ang doktora. “Yes. It’s a baby girl. I think in eighteen years we will have another Miss Universe from the Philippines.”
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Eula at pinangiliran pa ako ng luha. Tapos napasulyap ako sa doktora. Bahagya akong nalito sa sinabi niya. Tapos pinaliwanag ni Yolanda na maganda raw ang combination ng Pinoy at foreigner kung kaya palaging pang-beauty queen ang hitsura ng daughters nila. May binanggit pa siyang Pia Wurtzbach.
“Pia who?” tanong ko. Clueless.
“The 2015 Miss Universe!” proud nilang sagot. Halos nagsabay pa sila ng doktora kaya nagtawanan silang dalawa. I couldn’t get the joke.
“Si Pia Wurtzbach ay half-German at half-Pinay bet ng Philippines to the 2015 Miss Universe Pageant at nanalo siya. Kaya ang sabi ni doktora baka si baby ang susunod sa yapak niya.”
“Oh! Okay.” Bahagya lang ako nagpakita ng interes. Sa loob-loob ko inisip kong importante ba iyon? Wala akong pakialam sa pageant. Gusto ko lang masigurong malusog ang anak ko.
Pinabangon na ng doktor si Eula at binigyan kami ng reseta ng mga vitamins na dapat niyang inumin. Huwag daw kaming mag-alala dahil malusog na malusog ang bata.
I put my arm around Eula’s shoulder as we were leaving the clinic. Sa reception area habang nagbabayad kami ng consultation fee, may mga naririnig akong papuri from the pregnant women who are still waiting for their turn. Ang guwapo ko raw. Ang swerte raw ng asawa ko. But then, I didn’t like what some of them said about Eula. Sinwerte raw. I could have done better than her daw. Napailing-iling ako. Lalo pa’t alam kung sinadya ng iba na iparinig pa sa asawa ko iyon. How can some people be cruel?
Nang balingan sila ni Eula, alam kong may sasabihin sana ito sa kanila kung kaya inagapan ko na ang paghila sa kanya palabas ng clinic.
“What was that for?” naiinis niyang tanong.
“I knew you will insult them as well.”
Napasimangot siya. Bakit hindi ko raw siya hinayaang makatabla man lang. Kahit isa.
“There’s no need for that.”
Gusto niya pa ring balikan ang babaeng nang-insulto sa kanya. Hindi ko pinakawalan ang kamay niya. Masuyo ko siyang inalalayan palayo roon.
“They don’t deserve your attention. C’mon.”
“Iyan lang ang sabi mo dahil pinuri-puri ka ng mga haliparot. Sarap na sarap ka, ano? Ang guwapo-guwapo mo raw kasi!”
“They do not mean anything to me. I don’t give a damn about them.”
Tiningnan niya ako nang maigi. “Sure ka? Cute ang isang buntis, ha? Tisay.”
Tumawa ako. “I am not into fair-skinned women. You know that. I’m already maputi.”
Napahiyaw siya. “Maurr, you spoke Tagalog!” excited niyang naibulalas.
Napangiwi ako sa kanya. “ I do speak Tagalog from time to time,” sabi ko.
“But not to me!”
Napayakap siya sa akin sa sobrang tuwa. I kissed her forehead at ginulo-gulo ko ang kanyang buhok.
**********
Kauuwi lang talaga namin ng bahay nang mag-ring ang phone sa living room. Si Maurr ang sumagot. Tapos pinasa sa akin. Si Mommy daw.
“Kumusta ka? Emelita told me you’re preggy. Is that correct?”
Parang kaswal na kaswal lang ang boses ni Mom. Wala ang excitement sa boses katulad ng mga first time lolas. Buti pa nga ang maarte at malditang mommy ni Maurr. Nang malaman nito, napasigaw daw sa tuwa na kaagad namang sinupil nang ma-realize ang reaksiyon.
“Paano ba iyan? Eh di tuluy-tuloy na ang kasal mo sa kanya? Akala ko pa naman ay plano ninyong magpa-annul after graduation?”
Bakit ganoon ang tono ni Mom? Bakit parang disappointed?
“Mom, I thought you would want me to get married to him? It was your idea remember?” paalala ko. Baka kasi nalimutan na niya.
“Yeah. But that was only to teach you a lesson. When you came here a few months ago, I thought the marriage was not consummated yet. Well, ang landi mo nga talaga.”
Napangiwi ako. Hindi man lang nagpasalamat na nang dahil sa akin ay abswelto na siya ngayon.
“Mom, Governor Steele was Maurr’s lolo. Kapatid po siya ng lola niya. Tsaka si Attorney Halvorsen ay kapatid ng dad niya,” pamukha ko pa. Pero siyempre, malumanay ang tinig ko. Para mas ma-guilty siya.
“I know. But even if they did not help me out, my lawyer already promised me I wouldn’t be jailed for long. Ongoing na ang proseso ng release ko at that time. Kumbaga ay nagawan ko na ng paraan bago pa sila dumating.”
“Napadali nila ang proseso,” hirit ko pa rin.
“Nanunumbat ka ba?” medyo tumaas na ang tinig niya.
Hindi ako umimik. Pinalipas ko muna. After a while, kumalma din siya. Nagtanong na ng siguro’y pinakapakay niya kung bakit natawag.
“Iyong job na naiwan mo sa ospital nila Todd ay available pa rin. Natuwa nga siya nang ibalita kong tapos ka na. At least daw malaki ang chance mo for regularization. Need mo lang ipa-accredit ang mga credentials mo rito. I can take care of that. Malaki ang sasahurin mo rito, anak. Sinabi niya sa akin na siguro’y magsisimula ka from 48-75K US dollars a year. Mantakin mo iyan? Kahit times fifty pesos lang, humigit-kumulang dalawang daang libong piso ang monthly mo. And that is the lowest range of your possible salary. Mabibigyan mo ng magandang buhay ang magiging anak n’yo ni Maurr dito. At ang asawa mo’y siguradong pag-aagawan ng mga universities dito. May Ph.D. siya, di ba? Naku, kinukulang ang mga univ dito ng mga taong may Ph.D. sa Math. Tiba-tiba kayong mag-anak dito sa US kahit hindi kayo sa Maryland mag-stay. Nakausap mo na ba si Maurr about this?”
Nakapakagat-labi ako. I have to admit nalula rin ako sa laki ng sweldong binanggit niya. Kasi dito sa Pilipinas ang liit-liit ng sahod ng mga medical technologist. Kahit private hospitals na halos hindi umabot ng dalawampong libong piso ang monthly. Kung iyon lang ang aasahan ko, sigurado akong halos hindi ko maibibigay kahit ang pansariling luho na lang. Kaso nga lang...Noon nadaan sa tabi ko si Maurr. Pumunta siyang kusina. Habang naglalakad siya patungo roon in-imagine ko ang buhay namin sa States. Siya as a university professor at ako naman bilang isang medical technologist. Aminado akong na-excite ako sa prospect na makakabili kami ng magarang bahay, sasakyan, at mapapag-aral namin sa magandang eskwelahan ang bata pero magiging masaya kaya kami roon?
“Eula? Eula!”
“Mom. Yes, I’m still here.”
“Kausapin mo si Maurr. Okay na akong maging kayo for as long as you want. Pero sana i-consider din ninyo ang future ng anak n’yo. Idealism will not provide for your needs.”
Iyon lang saka binaba niya ang phone.
**********
Kahit hindi ko narinig ang pinagsasabi ng Mom ni Eula, I knew she was still convincing her to move to the States. It made me feel so bad, but what can I do? Siguro ganoon talaga ang mga Pinoy dahil mahirap nga ang buhays a Pilipinas para sa karamihan. Kailanman siguro’y hindi ko iyon maiintindihan dahil hindi ko dinanas ang dinaranas o naranasan nila. Unang-una sa lahat, we, Icelanders can travel to the US anytime we want. Ang Pinoy naman ay kailangang dumaan sa butas ng karayom para lamang mabigyan ng tourist visa. Kung sa paghahanap naman ng trabaho, mas madali rin para sa isang tulad ko na madaling maka-blend sa US white population na makahanap doon ng magandang work opportunities kaysa sa isang Filipino na may kapareho ko ng credentials. In short, I belonged to the privileged group of people na hindi problema ang pagpunta ng US. Kaya siguro iba ang dating ng Estados Unidos sa akin kung ikompara sa isang karaniwang Pinoy.
“Are you all right?” tanong ko agad nang makita siyang tila problemado. Muhang hapong-hapo nga siya nang maupo sa sofa pagkababa niya ng phone. I handed her some cookies. Tinanggap naman niya at nginuya iyon absent-mindedly.
“Sabi ni Mommy I have a job offer in the previous hospital I worked in.”
Natigilan ako. Alam ko kasing pag-aari iyon ng pamilya nila Todd.
“My salary offer was 48-75K US dollars a year.”
Hindi ako agad nakasagot. Nang makita kong parang naghihintay siya ng komento ko, napilitan akong magsalita.
“That’s a good offer.”
Tumulo na ang mga luha niya.
“Nalilito nga ako, eh! Tatanggapin ko ba o ano? Magbigay ka naman ng opinyon mo!”
Binaba ko ang platito na may lamang cookies sa center table at hinawakan ko ang mga kamay niya.
“If you’re going to ask my opinion about all this, my take is—-it’s not worth it. Money cannot buy happiness. Yes, you will be better off there. We will be better off there financially speaking but would we be happy? I already know where I belong. I want to live here. My life is in the Philippines. My heart is in Manila. I do not want to live somewhere else. There. That’s my opinion.”
Lalo siyang napahikbi. “Kahit na saglit lang? Kahit na hanggang makaipon lang tayo?”
Napakagat-labi ako.
“What kind of savings are you talking about? I have some savings. I think I can support a family with my savings and my salary from the university. We may not be as affluent as your mom wants us to be, but we can have a decent life.”
She tilted her head. Feeling ko dina-digest pa niya ang mga sinabi ko.
“Para sa ilang anak ba ang kaya ng finances mo?”
Medyo nagulat ako sa tanong niya. But I got her point. Valid question nga naman iyon.
“Two?” pakli ko naman agad.
“So kung dalawa lang ang anak natin kaya mo kaming buhayin?” tanong pa niya ulit.
Tumangu-tango naman ako. Isa nga lang ay sapat na para sa akin. Lalo pa’t babae ito. Pakiramdam ko magiging challenge for me ang magpalaki ng isang kagaya niya. Napangiti ako while imagining a litte Eula screaming inside the house. It warmed my heart.
“Paano kung magkaanak tayo ng siyam, Maurr? Paano natin bubuhayin ang siyam na anak sa kita lang natin sa Pilipinas?”
“Siyam? As in nine kids?!”
Napanganga ako sa tanong niya. Though it was only hypothetical, I cannot imagine fathering nine babies! Marami na nga ang tatlo. Sobrang dami na. Tapos I have to think about nine?! Nahihibang na talaga ang babaeng ito. Natawa ako nang lumitaw sa imahinasyon ko ang siyam na puro babaeng kawangis na kawangis niya. Siyam na makukulit at palatiling batang babae. Lalo akong natawa.
“You’re insane Yolanda Ysadora. We cannot have nine kids. I mean it would be a lot taxing on your part. That would mean all we do all day is make babies.”
Napasubsob siya sa dibdib ko in frustration. Hindi ko raw ba nakikita ang point niya? It was a hypothetical question!
“I know it was a hypothetical question but it has a very slim chance of happening anyway, so why do we need to dwell on it? All I can say is, I can afford a maxium of three kids. And that’s final. But it also depends on the kind of lifestyle you want to have. If you’re expecting an Imeldific, luxurious lifestyle then I cannot support you guys—-even with just one kid.”
Mabilis niyang pinahiran ang mga luha sa pisngi niya.
“Hindi na ba mababago ang desisyon mo? Ayaw mo talaga doon?”
Napahinga ako nang malalim saka umiling-iling.
“I’m sorry,” sabi ko.
Tumangu-tango naman siya. “I understand. Sasabihan ko si Mom.”
At tumayo na siya at nagpaalam na magna-nap daw muna. Saka na lang daw siya magla-lunch pagkatapos matulog. I kissed her on the cheek and I walked her to her room.