image
image
image

CHAPTER THIRTY-SEVEN

image

Ang balak ko magna-nap lang sana ng around one to two hours, pero nagising ako nang mga alas singko y meda at iyon ay dahil pa sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Ginising ako ni Maurr dahil nakatulogdaw  ako ng mahigit apat na oras. Na-disorient pa ako noong una at inakala kong na-late ako ng gising sa klase. Napatili tuloy ako bigla at dali-daling napabangon.

“Shit, Maurr! Masasabon ako ni Professor Cordova! Bakit hindi mo ako ginising? May quiz pa naman kami ngayon!” angil ko sa kanya habang natataranta kong ano ang uunahin. Kukuha ng tuwalya o maghahanda ng damit pampasok sa school?

Tumawa si Maurr. Nilapitan niya ako at tinapik-tapik sa pisngi. “Wake up!” sabi pa.

No’n lang nag-sink in sa akin na wala na nga pala akong klase dahil graduate na ako. Napatili na naman ako. This time it was because I was so relieved.

“You’re crazy, Eula. You better eat now. Maybe, that’s the problem.”

Hinila niya ako palabas ng silid. Hindi na ako nakahagilap ng tsinelas dahil minadali niya ako. Pagdating ko ng kusina con dining room namin, nakahanda na roon ang lunch at early dinner ko. May niluto siyang creamy chicken carbonara with hot crab and corn soup. Amoy pa lang nila ginutom na ako. Naupo agad ako sa isang high chair doon at nilantakan na ang sabaw. As usual, hindi ko na naman siya nahintay. Para pala sana sa aming dalawa iyon. Kahit na halos naubos ko na ang sopas bago pa siya makaupo, hindi na siya nagreklamo pa.

“Maybe I should brace myself for another girl that eats like you,” komento nito habang kumukutsara ng sopas. Nakadalawang sandok pa lang siya niyon dahil kada kuha hinihipan pa. Mainit daw kasi. Kung kaya sa pangatlo niyang pag-kutsara sa sopas, halos ay sinimot na lang ang natira sa gilid ng mangkok.

“Pasensya na. I’m not eating for myself alone,” pangangatwiran ko. At least now, masasabi ko na iyon nang walang pangamba. It felt good to be liberated from hiding a secret.

“How can you even eat that fast when it’s hot?”

“Hot? Hindi naman masyado. Ang arte mo lang,” sabi ko.

Bago ko pa malantakan ang isang malaking palanggana ng carbonara, hinati na niya ito. Natawa ako. Naniguro na si Koya. But then, I appreciate his consideration. Mas lamang ang share ko.

Halos mauubos ko na ang akin nang bigla kong naalala na hindi pa namin pala napag-usapan ang tungkol sa pangalan ni baby.

“Oh, I forgot!” halos ay naitili ko pa. Ganoon kasi ang dating sa akin ng realization. Biglaan.

Nabitawan niya ang tinidor sa gulat at nahulog ito sa sahig. Napabungisngis ako.

“Pambihira ka naman. Sobra kang magugulatin, hindi ka nga masyadong nagkakape.”

Ano raw ba ang bigla kong naalala? Nadi-disorient na naman ba ako?

Hindi muna ako nakasagot. Binalikan ko pa muna kasi sa aking imahinasyon ang nakaraan namin kung saan pinag-usapan ang pagpapangalan sa bata. At that time, ni hindi ko seryosong naisip na magkatotoo ngang maging nanay ako ng anak niya. Parang suntok lang sa buwan kasi iyon noon.

“What is that smile for?” nagugulumihanan niyang tanong.

“Wala pang name si baby,” sabi ko.

Napa-sigh of relief siya. “I thought somebody died or was in coma. Thank God, it’s neither.”

“Seriously. Hindi mo ba naisip kung ano ang ipapangalan kay baby?”

“I just knew about her, so what do you expect?”

Napatakip ako ng kamay sa bunganga habang napapabungisngis. May naalala na naman kasi ako. He looked at me again and shook his head.

**********

image

Napapailing ako kay Eula habang kaharap siya sa early dinner namin. Kung kaninang tanghali medyo malungkot siya, even upset after talking to her mom, ngayo’y mukhang sobra siyang masaya. Nakatulong talaga ang pag-siesta niya kanina.

“I am glad that you seemed to be relaxed and happy now. That’s good for the baby.”

She smiled again. She tilted her head and looked at me.

“Do you still remember the first day you came to our class in Math in the Modern World?” tanong niya sa akin.

Sino ba ang makakalimot? My sister and I were buying something at 7-Eleven before my class at bigla na lang may weirdo na estudyante na inakusahan akong nagtaksil daw s kanya. Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. People really thought I was her boyfriend and she caught me cheating on her. Grabe ang pagkapahiya ko no’n. Buti na lang Annette saw humor in the situation at natawa na lang kaming dalawa. Halata naman kasing nagdadrama ang babae no’n. In fact, may narinig kaming komento ng mga estudyante na naroon din at that time at nagsabi sila na sino na naman daw kaya ang nag-dare sa Tili Queen na mambuska ng estranghero. No’n pa lang napag-alaman kong gawain pala talaga niya ang ganoon. Sinabi ko ito sa kanya ngayon.

Tumaas ang kilay niya na parang ayaw maniwala.

“They called me Tili Queen?”

“That’s what I heard. So I thought back then that probably you loved doing it. And none of the students who were also there at that time belived what you said to me. So my sister and I just shrugged it off. She even said you were funny.”

“Your sister said I was funny?”

Tumango ako. Sasabihin ko na rin sana na excited din sana itong makita siya kaso nga lang no’ng December ay hindi natuloy sa Manila. Nakakuha kasi iyon ng mas murang ticket from Cebu to Malaysia and then Malaysia to Iceland.

Napabungisngis siya sa kuwento ko. She covered her mouth with her hand again which made her looked so cute. Napangiti nga rin ako.

“Pero hindi iyong sa 7-Eleven encounter natin ang ibig kong sabihin. Naalala mong pinagtawanan mo ang last name ko?”

“I did that? No way! I am not like that.”

“Huwag ka nang magkaila. Naalala ko na tinanong mo pa ang mga kaklase ko kung anong pangalan ko. Tapos nang sinabi nilang Yolanda Ysadora Anai napangisi ka. Aminin! You found my last name funny! Di ba?”

Nangunot kunwari ang noo ko as if trying hard to remember that scene in my head. Pero ang totoo niyan hindi ko iyon nakalimutan.

“Let’s just say, I was not used to it—-I mean to Filipino names though I am half-Filipino.”

“Kunwari ka pa. Pinagtawanan mo kaya. Kitang-kita ko, eh. But you know what’s funny?”

At humalakhak siya. Hindi pa niya nasabi ang joke humagalpak na ng tawa. Napailing-iling ako. Itong babaeng ito talaga.

“Sabi ko noon sa sarili ko habang pinagtatawanan mo ang apelyido ko, ‘okay, pagtawanan mo ang apelyido ko ngayon, balang-araw maging middle name iyan ng mga anak mo.’ Nagkatotoo, Maurr!” At tumili-tili siya.

Pinangunutan ko siya uli ng noo. Pero napangiti na rin ako. Kung kailan na-appreciate ko ang joke niya, saka naman siya nagseryoso.

“Paano iyon, Maurr? Kasi hindi ba sa Iceland iba ang estilo n’yo ng pagpapangalan sa bata?”

“Yeah.”

“So ang ibig sabihin kung papangalanan nating Matutina si baby, Matutina Maurrdottir siya? Ganoon ba iyon? Or Matutina Yolandaysadoradottir?”

Tinitigan ko siya nang matiin for any signs of ridiculing our naming system. Mukhang hindi naman. She looked so serious this time.

“You remembered a lot of things from way back the first day of class but you forgot my answer to that when you asked me that for the first time?”

She tilted her head. Tila nag-isip siya. But obviously, she didn’t remember.

“My family was allowed to keep our last name because it has been with us for a long time. So my kids can have the same last name, Halvorsen. So my answer is NO. My little girl will not be named Maurrdottir nor Yolandaysadoradottir for her last name.”

“Ayaw mo rin ng Matutina?”

Napaisip ako. Matutina. Sounds cute.

“If you like that name, I’m okay with it. Matutina sounds cute. Pretty name, yeah.”

Tumili siya bigla. “Maurrrrrr!!! Anong cute?” At humalakhak na siya nang malutong. I didn’t get the joke again. Ano’ng nakakatawa sa Matutina?

**********

image

“Ano kaya kung pangalanan n’yong Keribell ang baby?” nakangising suhestyon ni Keri habang umiikot kami sa Freedom Park for the last time that Monday morning. Iyon na ang huli naming pagpunta sa school dahil natapos na namin ang needed requirements for graduation.

Sinimangutan ko siya. “Ampanget. Simpanget ng pinaghanguan ng pangalan.”

Pinitik ni Keri ang noo ko. “Kontento na nga si Sir Maurr sa Matutina, eh. Di hamak namang mas maganda iyong Keribell.”

“Corny. Walang dating.”

Siniko ako ni Keri. No’n kumaway-kaway sa amin si Shane. Nasa isang shade siya ng puno. Ayaw magpainit. Kinawayan din namin siya at pinapapunta sa gitna, pero umiling ang bruha.

“What if you name her Shania from Shane?”

Bumungisngis ako. “Shania? Wala ring dating. Very ordinary. Saka baka mahawa pa sa pinanggalingan ng pangalan at maging bansot. God forbid!” At napa-sign of the cross pa ako.

“Achu! Kaarte! Sana lang magmana kay Sir Maurr ang bata at hindi sa iyo. Juskolord kung sa iyo magmana iyan. Dalawa kayong magpapasakit ng ulo ng pobreng Icelander na iyon.”

Napangisi ako. Ini-imagine kong nagtititili ang anak namin kasabay ko. At napabunghalit ako ng tawa sa naisip kong maging reaksiyon ni Maurr.

“Natawa ang baliw.”

Pagkatapos ng pangatlong ikot sa buong Freedom Park, nagyaya na akong magpahinga sa lilim ng isang puno kung nasaan nagpapahinga si Shane. Grabe akong hiningal. Buti na lang mayroong binigay na malamig na bottled water sa akin ang Shanitot.

“Last day n’yo na pala ngayon dito. Gosh, I will be lonely here,” sabi ni Shane nang makaupo na kami sa tabi niya.

“Nandito pa naman si Tabachoy, eh. May kasama ka pa,” sabi ko.

Shane rolled her eyes. “Alam mo naman iyon. Laging busy these days. Hindi ko rin makakasama iyon for sure. Malamang ay makikipagchukchakaan iyon sa ano niya.”

“What?!” naibulalas namin pareho ni Keri.

Napatakip ng bunganga si Shane. Tila nadulas lang pala ito. Nagkatinginan kami ni Keri. Paanong hindi namin alam iyon?

“Shit, sasakalin ako ni Felina! Lagot!” nakangising sagot ni Shane nang pilitin naming magkuwento.

“Aha. You guys are hiding something from us,” pahayag ni Keri.

“Actually, kailan ko lang nalaman ito. Accident nga lang ang pagkakatuklas ko. Kasi—-” At binulong niya kung paano niya iyon natuklasan.

“Gumagamit ng app na iyon si Tabachoy? Akala ko ba diring-diri siya roon?” naibulalas ko agad. Hindi makapaniwala.

“Eula naman! Ang bunganga mo! Please?!”

Ngumisi si Keri. “Kaya pala laging nagmamadaling umuwi ang bruha. Hayun. May iba palang pinagkakaabalahan. Did you remember that day when we were supposed to meet at your place?”

Binalikan ko rin iyon sa isipan. Iyon ang araw na naglayas ako sa condo ni Maurr. Ganoon na pala katagal. At wala kaming kamuwang-muwang ni Keri! Uusisain namin ang Tabachoy na iyon. Baka kung anu-ano na pinaggawa online at baka napapahamak na niya ang kanyang sarili.

“Hoy! Huwag n’yong komprontahin iyon! Malalaman niyon na ako ang nagkuwento sa inyo.”

“Bakit ayaw nga niyang malaman namin, aber?” sagot ko naman. Nakapamaywang.

“Basta. Nahihiya siya.”

“If she loves the guy and the guy loves her, bakit siya mahihiya?”

“Baka i-judge n’yo raw.”

“What?” Si Keri naman. Tatawa-tawa ito.

Naintriga na kaming dalawa. Naisip ko tuloy, kung ayaw niyang ma-judge namin hindi kaya may asawa ang lalaki? Oh my gosh!

“Huwag mong sabihing pumapayag na kerida ang babaeng iyon?” tanong ko kay Shane.

Hindi na nagsalita pa tungkol doon si Shane kahit anong pilit namin. Her lips are sealed daw. Para maiwasang makapagkuwento pa, nagpaalam siya sa aming pupunta na sa next class niya. Inirapan namin siya ni Keri. But deep down napaisip kami. Habang naglalakad nga kaming dalawa papuntang Yellow Cab for our lunch, nag-isip kami ng mga posibilidad kung bakit ayaw ni Felina na ipaalam kung sino ang lover boy niya. Nagkaisa kami na kung nahihiya itong malaman at makilala namin ang lalaki niya, iisa lang ang ibig sabihin no’n.

“May asawa ang lalaki ni Taba! Gosh, kerida si Felina!” halos ay sabay pa naming naibulalas. Kapwa kami napakurus.

Hwag naman sana.

**********

image

“Where have you been?” salubong ko sa kanya nang dumating siya ng alas siyete ng gabi.

Ang alam ko, pumunta lang ito sa school kanina to settle her library dues, have her clearance signed, and made sure na naipasa ang lahat ng kakailanganing papeles for graduation. Dapat nakauwi na ito ng hapong iyon. Saan na naman kaya ito nagsuot?

Medyo lukot na naman ang mukha niya. Ano na naman kaya ang problema nito?

“What’s wrong?” tanong ko sabay taas ng baba niya.

Iniwas niyang matingin sa akin at dumeretso na ng living room. Naupo siya roon sabay taas ng mga paa sa center table.

“What’s the problem?”

Napahugot siya ng malalim na hininga. At umiyak. Napahagulgol siya sa balikat ko. Bigla akong naalarma. Ano na naman kaya ang nangyari? Grabe ang kaba ko. I just tried to calm myself at pilit na itinaboy ang lahat na naisip na negative.

“Mom, already bought me a ticket to the US! She wanted me to give birth there para automatic na maging American citizen ang bata!”

Nayanig ako. How dare she does that to us!

“If you do not want to go, then ignore it. You do not need to be upset about it. It’s not worth your tears. You and your mom have different dreams for the future. You tell her that.”

Naupo siya nang matuwid at lumayo nang kaunti sa akin. She is now staring at her fingernails on her lap. Nakayuko. Pero medyo kalmado na siya kahit tumutulo pa rin ang luha.

“I—-I was be—-beginning to consider it seriously. I—-I want to go, too. I -—I want to give it a try.”

Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala. Noong isang araw lang kasi ay nagsabi siyang she wanted to be here with me. Na hindi na siya babalik ng US para magtrabaho at manatili roon for good. Ang sabi pa niya kontento na siya basta’t magkasama kami.

“I hate myself, Maurr,” halos ay naibulong na lang sa akin. “Hindi ako makatanggi sa oportunidad na mabigyan ko ng mabuting buhay ang anak natin.”

Napasandal na ako sa likuran ng sofa. Daig ko pa ang tumakbo ng kung ilang milya dahil napahingal ako at tila nanlata pa na parang sobrang pagod. I felt so weak.

“When—-when does she want you to leave for the US?” halos ay naibulong ko na lang sa kanya.

“In two weeks time. Para raw—-para payagan pa ako ng doktor ko.”

Naisip kong sobrang hassle for me if ever I decide to go with her para lang maihatid siya roon. Kakaumpisa lang ng second semester namin. Siguradong hindi ako papayagang makaalis nang gano’n-gano’n lang.

Napabuntong-hininga na naman ako. Aminado akong nabwisit ako sa nanay niya, pero hindi ko rin magawang pigilan siya. Ayaw kong hadlangan ang pangarap niya sa buhay. Ayaw kong balang-araw ay may maisisi siya sa akin.

“Where will you stay? In the same apartment as her and your sister?”

“My sister’s fiance had already arrived in the US. Bumukod na sila ni Ate. Si Mom na lang ang natitira sa kanyang apartment. Ang sabi niya meantime doon din ako kasama niya. Pero kapag naisipan mong sundan ako doon—-”

Umiling ako. “Sorry, Yolanda. I won’t. Please don’t expect me to live there with you.”

She looked at me with a very sad expression in her eyes. I felt so guilty. Pero nakapagdesisyon na ako long before I met her. Hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko sa buhay.

“Hindi mo ba ako mahal, Maurr?” halos ay naibulong na lamang niya iyon.

“I can ask you the same question.”

Butil-butil na luha ang tumulo sa kanyang pisngi.

“I love you, you know that. I love you so much, Maurr.”

“But not enough to stay here with me,” sabi ko sa mahinang tinig.

“I can say the same to you. You said before you love me, too. But not enough to follow me to the US,” may himig hinanakit ang tinig niya.

Imbes na sagutin siya in the same manner, I pulled her gently towards me and hugged her tightly. I smelled and kissed her hair.

“I do not want to stop you from reaching your dream even if it means some sacrifices. That’s how much I care for you, Eula.”

“Baka pag nawala na ako rito ay may ibabahay ka nang iba!” At humagulgol siya.

“I should be the one to worry about that. Your mom really likes that Todd guy for you. Who knows what she will do when you get there this time?”

Umiling-iling siya. Hindi raw niya magugustuhan si Todd. I smiled sadly. Maraming babaeng nagsabi rin ng ganyan sa mga partner nila bago tumungong Amerika, pero hindi rin napanindigan.

Alam kong wala na kaming pag-uusapan pa kung kaya tumayo na ako. Magpapahinga na lang sana ako sa room ko nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay.

“Saglit lang, Maurr. Ano ang ipapangalan natin sa bata? Wala tayong napagkasunduan last time.”

“Matutina? Matutina Halvorsen?”

Napanganga siya. At napabunghalit ng tawa. “No! Joke ko lang iyon! Ano ka ba?!”

“Why not?” tanong ko.

“Basta! Ayoko ng Matutina!” sagot niyang tumatawa.

Pinangunutan ako ng noo.

What’s wrong with the name? I’m beginning to like it.