image
image
image

CHAPTER THIRTY-EIGHT

image

Maliligo na lang sana ako isang umaga nang maabutan ko si Maurr na inaamoy-amoy ang mga feminine wash ko. I was horrified! Iyon ba ang festish niya? Ka-lurky! Hindi ko nga naitago ang matinding pagka-shock sa naabutan ko sa banyo.

“Do not give me that look. I was just trying to make sure your feminine wash is not scented because I read somewhere that it’s not good for pregnant women,” pangangatwiran nito habang isa-isang binabalik sa estante malapit sa shower ang mga ginagamit ko for my vaginal care. Pero mayroon siyang ibinukod.

“O, saan mo ilalagay iyang vaginal oil ko?!”

“This one should go. It is scented,” kaswal niyang sabi saka itinago sa cupboard. Doon pa nilagay sa pinakadulo para hindi ko madaling makuha.

“Maurr, you’re insane! I need that one!” At pinilit ko siyang ibalik niya iyon sa estante sa tabi ng shower dahil maliligo na ako. Nang hindi siya tumalima, kinurot ko na sa tagiliran. Nainis ako. Nagulat siya. Napa-aw.

“You’re crazy, Yolanda. What do you need that for? Your—-doesn’t smell anyway,” sabi niya. Hindi niya masabi-sabi. In fact, instead of saying it, kumumpas-kumpas lang. Inirapan ko siya.

“Kaya nga it doesn’t smell dahil inaalagaan ko. At iyong mga itinago mo ay importanteng parte ng ritwal ko para pangalagaan ito.”

Sa irita ko sa kanya, eksaherada kong itinuro pa talaga habang patayong nakabukaka. His eyes followed my gesture at medyo naeskandalo siya. Tumalikod siya bigla at sinabihan akong baliw. Lumabas siya ng banyo. Nakapamaywang na tiningala ko ang cabinet na pinaglagyan niya ng mga panghugas ko sa pekpek. Gigil na gigil ako sa kanya. Naisip kong akyatin iyon sa pamamagitan ng pagsampa sa lababo, pero natakot naman akong madulas. Baka malagay pa sa panganib si baby.

In frustration, napasigaw ako ng, “Maurr! Bakit mo ako ginagalit umagang-umaga?!”

Lumitaw ang kulugo at may dala nang iPad. Pinakita niya sa akin ang artikulo na nagsasabi na huwag daw gumamit ng mga mababangong vaginal care products dahil masama nga raw sa mga buntis. Hindi na ako nakahuma. Tiningnan ko na lang siya nang masama. Hindi ko alam kung bakit, pero dahan-dahan siyang ngumiti. At nang kalauna’y napabungisngis pa. Tinaboy ko na siya palabas. Ano pa ba ang magagawa ko? Naghugas na lang ako gamit ang mild soap na isa mga gamit ko pampaligo. Pero dahil hindi sanay na hindi gumagamit ng feminine wash, I felt a bit uncomfortbale. Palagay ko ay hindi ko iyon nalinis nang mabuti.

Nang dumaan ako sa desk niya kung saan nagko-computer na siya, nilingon ako ng hunghang at nakita ko siyang ngumiti uli na bigla na lang sinupil nang magtama ang aming paningin. Inirapan ko na naman siya at lumipat na sa kuwarto ko agad-agad.

Tapos na akong magbihis nang makaramdam ng pamamasa ng ano. Kinabahan ako dahil ang pakiramdam ay katulad ng first day of the menstrual period. Siyempre, hindi na ako dapat nagkakaganoon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binaba ko agad ang panties ko at napag-alaman ko nga na mayroong spots doon ng dugo. Pinanlamigan ako. Hindi ko napigilan ang mapatili. Kaagad na tumakbo sa kuwarto ko si Maurr.

“What happened?” tanong niya. He looked nervous.

“Dinugo ako!” At umiyak na ako agad.

“Huh? You bled?” pagkokompirma niya.

Hindi na ako nakasagot. Umiyak na lang. Alam kong hindi lahat ng dinudugo ay nakukunan, pero iba ang pakiramdam kapag sa iyo pala nangyayari. Hindi ka nakakapag-isip nang matino lalo pa’t lampas na ako ng first trimester ko. Kadalasan kasi’y dinudugo lamang ang babae sa early months ng pregnancy dahil may tinatawag na implantation bleeding. Kaya grabe ang kaba ko. Halos hihimatayin na ako sa takot na baka may nangyari na kay baby.

“Don’t panic, all right?” payo sa akin ni Maurr. Pero siya itong lumabas ng silid ko at bumalik after a few seconds nang hindi ko alam kung ano ang kinuha sa labas. He held my hand and kissed my forehead. While doing it I saw him closed his eyes. Dahil halos nakasandal na lang ako sa dibdib niya, narinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. Parang akin din. Pareho pala kaming kinakabahan.

“What should we do?” tanong ko. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Nakalimutan ko bigla ang mga pinag-aralan namin tungkol dito.

“Lie down,” utos niya habang inaalalayan ako patungo sa kama ko. Ingat na ingat naman akong naupo sa kama tapos ay dahan-dahang nahiga roon. Tinabihan niya ako at pinaunan ang braso niya. Ang isang kamay niya’y humahaplos-haplos sa pisngi ko. “Do you feel any pain or cramping like when you’re having a period?”

Umiling ako. “Basa lang ang feeling ko.”

“I think—-there’s nothing to be worried about. Unless you’re bleeding heavily.”

“Tingnan mo nga,” nakapikit kong utos.

“What?” He looked shocked. “No! You do,” tanggi niya.

Napadilat ako sa mariing ‘no’ niya. No’n ko lang na-realize ang iniutos ko sa kanya. Sa kabila ng kaba at takot ay napangisi ako.

“What’s the difference, Maurr? You have seen it already. I have nothing to hide,” panunukso ko pa. I felt a little better seeing his discomfort.

He glared at me. Hindi daw oras iyon para magbiro. Bumangon ako at akmang sisilipin na nang bigla siyang tumagilid para hindi makita ang ginagawa ko kaso nasobrahan naman ang paggulong niya kaya dere-deretso na sa sahig.

“Oy! Okay ka lang diyan?”

“Fvck!” mura niya. Hinimas-himas ang tuhod. Ito raw ang naunang bumagsak.

I smiled at him. Okay na uli ako. Gapatak lang pala ang dugong lumabas.

“What?” tanong niya. “How was it? Was it heavy?”

I shook my head. “I just had some spots. I guess there’s nothing to worry about.”

Ganunpaman, nang bumuti-buti ang pakiramdam ko dinala niya pa rin ako sa doktor ko sa UST hospital. Kinompirma ni Doc na wala akong dapat ipag-alala. Malusog daw ang bata.

“But that doesn’t mean you will be complacent about your habits. Avoid things that stress you out. Also make sure to have enough sleep and rest each day. It’s also important to eat healthy, okay? You will be fine.” Binalingan nito si Maurr. “Your wife will be okay, Dr. Halvorsen.”

Nagpasalamat naman si Maurr sa doktor.

**********

image

When Mom heard Eula bled, she blamed Dr. Anai, right away. She was mad as hell as expected. Napasugod nga siya agad sa condo. Pinagsabihan kaming dalawa ni Eula na huwag paapekto sa biyenan kong mukhang pera.

“Mom, she’s still Eula’s mom,” paalala ko.

“So what? At least Eula know now what I think of her mom,” walang prenong sagot nito. Binalingan pa si Eula at deretsahang sinabihan. “Ang mommy mo wala nang inisip kundi pera. Kailan kaya siya matatauhan? Ang daddy mo siguradong namatay dahil sa kagagawan ng nanay mo. Marahil pinagod sa paghahanap ng pera para maabot ang American dream niya!”

“Mom, that is so unfair! You shouldn’t have said that!” asik ko kay Mom. I was shocked by what she said. Napaakbay agad ako kay Eula na parang gusto ko siyang proteksyunan sa bibig ng mom ko. Buti na lang dumating si Dad. I was relieved.

“What are you doing here?” tanong agad ni Dad sa mommy. Inirapan siya nito. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dad sa mommy ko at kay Eula.  “What did you say to Eula?” sita nito sa asawa.

“N-nothing p-po,” mabilis na kaila ni Eula. Mukha siyang basang sisiw this time, hindi ang palaban na Eula na nakilala ko.

Alam ni Dad na nagsinungaling siya kaya maagap na nag-apologize sa kanya ang ama ko pagkatapos ay nagpaalam nang aalis. Isinama na niya ang mommy. Eula and I were relieved.

“I apologize for what Mom said. I think she was just worried about her first grandchild. She was already excited about her. She cannot wait to meet our little girl.”

Nalungkot ako pagkatapos kong sabihin iyon dahil alam kong baka hindi ko masasaksihan ang mismong paglabas niya sa mundo dahil sa susunod na linggo ay aalis na silang mag-ina papuntang Maryland. Nalilito nga rin ako nitong huli. Habang iniisip ko ang bata nakakaramdam ako ng pamimigat ng katawan. Naroon ang takot. Pangamba. Lalo na ang pangamba na baka may mangyari sa kanilang mag-ina habang ako’y naririto sa Pilipinas. Sumasakit na nga minsan ang ulo ko sa kaiisip ng nararapat na gawin.

“Your mom is right. My mom is too materialistic,” naluluhang sagot ni Eula.

Inakbayan ko siya agad. “No. Just ignore what Mom said, okay?”

Nagulat na lang ako nang biglang yumakap si Eula sa akin saka umiyak.

**********

image

Ang aga pang tumawag ni Ate sa akin. Siguro’y mga alas singko ng hapon doon sa kanila dahil eksaktong alas singko ng umaga sa Pilipinas ayon sa cell phone time ko.

“I heard you bled yesterday,” deretsahan nitong sabi.

Napamaang ako. Kanino niya nalaman? Tinawagan ba siya ni Maurr? O ng biyenan kong maldita?

“Keri said it was because you were stressed out,” sabi pa niya at no’n ko naalala na nai-text ko pala iyon kay Keritot. Tsismosa talaga ang babaeng iyon. Nakakainis! “I won’t stay long. Katatapos ko lang ng work at papunta akong grocery store in a few minutes. Gusto lang kitang pangaralan dahil feeling ko what happened to you was caused by Mom pressuring you to come back here.”

Hindi ako nakasagot dahil may punto siya. Ilang gabi na akong hindi pinatulog ng demand ni Mommy. Sometimes I feel it was just the right thing to do, but in times like this medyo nalilito na naman ako. Hindi ko ma-imagine ang sarili na nagkakaganito nang wala si Maurr sa tabi ko. Buti kong kaya akong damayan ni Mom katulad ng ginagawa ni Maurr sa akin.

“Ikaw ang napagdiskitahan ngayon ni Mommy dahil nagpumilit akong bumukod. Nakakasakal din kasi siya minsan, eh. Gustong ipilit ang pangarap niya sa atin. Like me. Gusto niyang mag-asawa ako ng Amerikano. Ayaw na ayaw niya kay Rick dahil Pinoy daw ito. Wala siyang pakialam kung engineer daw ang nobyo ko o kung galing man ito sa mabuting pamilya sa Pilipinas. Ang nakikita lamang niya ay hindi ito American citizen. Si Rick pa raw ang gagamit sa akin dahil mayroon na akong green card. Eula, mag-isip kang mabuti. If you are here and Maurr insists on staying in the Philippines, sigurado akong maghihiwalay din kayo for good. Mom will make sure you end up with an American guy. Kung hindi mo talaga mahal ang asawa mo, okay lang bumalik ka rito and start a new life. Pero kung may katiting kang pagmamahal diyan rethink your decision, okay? Ayaw kong magsisi ka sa bandang huli at sabihing hindi man lang ako nagmalasakit sa iyo bilang ate mo.”

Na-shock ako sa sinabi ni Ate. Hindi ko inisip kailanman na may hidwaan din pala sila ni Mommy. Ang nakikita ko lang kasi ay ang closeness nilang dalawa. I thought na unlike me, magkasundung-magkasundo sila. Iyon pala’y nahihirapan din si Ate sa kanya.

“I love my husband,” halos ay naibulong ko lang.

“Iyon naman pala! Mahal mo rin naman pala ang asawa mo. So mag-isip-isip ka. Nawala man si Todd as her prospect for you, may isa na naman siyang irereto. Do you remember Dr. Jones? Iyong black American doctor na dati niyang kasamahan sa dating pinagtatrabahuhang hospital sa Washington DC? May anak na lawyer iyon. Iyong lawyer na iyon ang isa sa mga tumulong kay Mommy. He’s single and looking for a Filipina wife. Ako nga sana ang gusto ni Mom na ireto doon. But I put my foot down. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Rick doon. Kaya nga minadali ko siyang pumunta rito. Ngayong hindi na ako available, ikaw na ang iniisip niyang i-match doon.”

“What?! Sinabi ni Mommy iyon? Hindi iyon ang napag-usapan namin!”

“Siyempre. Alangan namang sabihan ka agad. Okay, I have to go na. At least, nawarningan na kita at nagawa ko na ang role ko as your older sister. Oo nga pala, forward mo sa akin ang bank account number mo. Ita-transfer ko ro’n ang napagbilhan sa condo mo. Nakuha ko na ang bayad. Hindi rin naman kinuha sa akin ni Mom dahil ni-write off naman ng mga Faulkners ang remaining bills natin sa kanila gaya ng pangako nila kaya wala nang paggagamitan ng pera.”

“H-ha? Ibibigay mo ang pera sa akin?” Shocked na naman ako.

“Oo. Sige.” At pinutol na ni Ate ang linya ng phone.

Napanganga ako. No’n lang nag-sink in ang good news na sinabi niya. I felt a sudden warm feeling. Iyong nagsisimula sa paa paakyat. Napasinghap ako. More of happiness than anything. Ang condo ko kasi’y nagkakahalaga ng halos apat na milyong piso!

Dahil sa sobrang excitement, hindi na ako makatulog muli. Pumunta akong kusina para uminom ng gatas at nakita ko roon si Maurr na nangangalumata na habang nagta-type ng kung anu-ano sa laptop niya. May isang mug ng kape sa kanyang tabi. Siguro para huwag siyang antukin. Maya’t maya kasi’y napapahikab ito.

“Good morning,” bati ko.

“’Morning,” pakli niya without even looking up.

Naupo ako sa isa sa mga high chairs doon. Sinilip ko ang ginagawa niya. Parang nagsusulat ng essay. Pinangunutan ako ng noo. Kailangan ba talagang pagpuyatan ang trabaho sa school?

“You look liked you haven’t slept the entire night,” komento ko.

Hindi siya sumagot. Parang nagmadali itong tapusin ang ginagawa habang patingin-tingin sa relos. Mayamaya pa, napasuntok ito sa ere. Saka tiniklop at itinabi ang laptop. He then rested his head on the table and closed his eyes. Awtomatiko akong napatayo at napapwesto sa kanyang likuran. Hinilot-hilot ko ang kanyang batok pati na ang sentido niya. He moaned.

“Thank you. It feels so good,” sabi niya.

“What was that all about? Bakit kailangan mong pagpuyatan ang gawain sa school? Hindi ba pwedeng makapaghintay iyan mamaya?”

No’n lang siya umayos ng upo. Masuyo niya akong hinawakan sa kamay at pinaupo sa kanyang kandungan. Nagulat ako. Never pa akong nagpakandong sa kanya. Siyempre not counted iyong mga chukchakan namin. Bahagi iyon ng foreplay. But this one is different. The motive was not sexual. O hindi nga ba? Nag-init kasi bigla ang katawan ko nang madikit sa ano niya ang puwet ko.

Nilingon ko siya habang hinahalik-halikan niya ang balikat ko.

“It was not about my work at FEU. It was about my application for a university lecturer position at Johns Hopkins University in Baltimore. They said they’re looking for a lecturer in Applied Mathematics and Statistics so I just tried my luck. I just saw their advertisement last night before sleeping. When I knew the deadline was today at 5:45 AM here which is 5:45 PM there I had no choice but to work on it the entire night.”

Napanganga ako sa narinig. Hindi ako makapaniwala.

“But you said you do not want to live in the US!”

Tumangu-tango siya nang mahina. “Yeah,” pakli niya nang pabulong. “But what I want is not important this time. I want to be there for you and the baby. I cannot bear to think about her coming into this world without me by your side—-by her side.”

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napahagulgol akong yumakap sa kanya.

“Maurr, you do not have to do this,” sabi ko sa pagitan ng pagsikdo.

“Hey. Stop. Remember what the doctor said? Do not allow yourself to be stressed out. So stop crying,” malambing niyang bulong sa akin. Itinayo niya ako saglit at pinaupo sa upuan niya. “Do you want some milk? I can heat up a glass for you.”

“Yes, please,” pakli ko habang pinapahiran ang hilam na sa luhang pisngi.

Habang pinagmamasdan ko siyang naghahanda ng mainit kong gatas, lalo akong lumuha. Naisip ko, siguro’y isa akong bayani sa nakaraan kong buhay at marami ang nailigtas ko sa kapahamakan kung kaya binigyan Niya ako ng isang napakaguwapo at mapagmahal na asawa sa kasalukuyan bilang gantimpala sa aking kabayanihan.

Nang tumunog na ang microwave, kinuha na roon ni Maurr ang isang basong gatas at ipinatong sa harapan ko. He then kissed me soundly on the cheek.

“Eg elska tig,” bulong pa niya bago ako tinabihan.

Inulit ko iyon sa kanya. “Eg kuliglig, too!” nakangisi kong sagot.

He laughed.