Chapter Five

 

 

NANG nasa labasan na sila ng squatters' area ay hindi mapigilan ni Neena ang mapanganga sa kotseng itinuro sa kanya ni Isabella. Hindi nga nagsisinungaling ang kapatid. Napakagara nga ng makintab na kulay asul na kotse. Tinted ang salamin nito kaya hindi nila makita kung sino ang nasa loob, pero sa gara noon ay halos matatakot ang sinuman na hipuin man lang ang sasakyan dahil baka magasgasan. Nakontento na lang sa pagtingin ang mga tao sa paligid maliban kay Neena na patuloy ang paghakbang palapit sa kotse at kinatok ang salamin na agad namang bumukas pababa.

Mukha ni Yuusuke ang tumambad sa kanya.

Ano'ng ginagawa mo rito sa lugar namin?” matabang na tanong niya.

Dinadalaw ka.”

Hindi pa ako pinaglalamayan, bumalik ka na lang pagtanda ko.” Nagngingitngit ang kalooban na tinalikuran niya ito. Ewan niya kung bakit siya sabay na natuwa at nainis nang makita si Yuusuke. Naiinis siya dahil simula nang tapatin niya ito ay hindi na ito muling nagpakita pa. Pero ngayon namang dumalaw ito, hindi rin niya mapagbawalan ang suwail niyang puso na huwag matuwa.

Neena, wait!” tawag ni Yuusuke sa kanya. Lumabas ito ng kotse at hinabol siya papasok sa squatter. Lahat ng babae ay napalingon pagkakita rito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Maliban sa gwapo naman talaga si Yuusuke ay para pa itong modelo kung magdala ng sariling kasuotan.

Neena, gusto ko lang humingi ng sorry,” sabi ni Yuusuke nang nasa labas na sila ng bahay niya.

Kung hindi nakakailang sa'yo ay pumasok ka muna sa loob,” anyaya na lamang niya sa binatilyo nang makita na nabuhay ang interes ng mga kapitbahay nila.

Sure! Thanks!” Maaliwalas ang mukhang nagpatiuna itong pumasok sa loob.

Nang pareho na silang nasa loob ng bahay, pinigil ni Neena ang mapangiti nang magpunta si Yuusuke sa lumang sofa nila at komportable na naupo. Halatang naligaw lamang ito at hindi ito bumagay sa simpleng bahay nila.

Nakapamaywang na hinarap niya si Yuusuke. “Ngayon ano ang ihinihingi mo ng sorry?”

Galit ka sa akin nang huli tayong mag-usap kaya humihingi ako ng pasensya,” tugon ni Yuusuke. “Gusto ko lang na malaman mo na hindi talaga ang pang-aasar ang sadya ko simula pa lang nang una—no wait...umm...” Parang hindi kontento itong nag-iba ng posisyon ng upo. “What I mean is, I—

Hindi mo na kailangang magpaliwanag,” putol ni Neena sa binatilyo na mukhang hirap na hirap sa kakaisip. “Pinapatawad na kita. Iyan lang ba ang pakay mo?”

N-no. Gusto ko rin sanang makipagkaibigan sa'yo kung pwede?” tanong ni Yuusuke, sabay nagsalpukan ang mga kilay nito na parang nagkamali ito ng sinabi. Kinapkapan nito ang sariling tagiliran tapos ay tila biglang nanigas sa kinauupuan nang hindi makita ang hinahanap. Ura-urada itong tumayo at lumabas ng bahay. “I'll be right back!” sabi nito at lakad-takbo ang ginawang paghakbang patungo sa labasan.

Pagbalik nito ay may isang kumpol na itong white roses na dala at ibinibigay sa kanya. “Ano 'yan?” taas ang kilay na tanong niya.

Tiningnan din ni Yuusuke ang hawak. “White roses?”

Alam ko! Bakit mo ako binibigyan nito?” Tinanggap ni Neena ang nagbabanguhang mga bulaklak. Hindi man niya pinapahalata ay talagang kinikilig siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap siya ng roses at mula pa kay Yuusuke.

Bakit ang saya-saya mo? Gaga! Di ba galit ka sa kanya? Sita ng isang bahagi ng isip niya na hindi niya binigyan ng pansin.

Magkasabay na sumulpot mula sa loob ng kusina ang dalawang nakababata niyang kapatid. “Oy, si Ate, kinikilig!”

Mabilis niyang nilingon ang dalawa. “Isabella, Megan, kanina pa ba kayo riyan?”

O hala, si Ate. Hindi namalayang kasabay niya kaming umuwi mula sa labasan” patuloy na panunudyo ni Isabella.

Hindi niya namalayan!” segunda naman ng pitong taon nilang bunso.

Kayong dalawa ha, humanda kayo sa akin. Hindi n'yo ba alam na masama ang makinig sa usapan ng mga matatanda?” Hinabol niya ang mga kapatid sa loob ng bahay.

Pero hindi ka pa matanda, Ate. Teenager ka pa lang!” katwiran ni Isabella sabay ilag sa akma niyang pagdakip dito.

Oo, teenager na matanda!” wika naman ni Megan, hila-hila nito ang palda niyang suot. Hinuli niya ito at kiniliti. Hindi nagtagal at nakigulo na rin sa kanila si Isabella.

 

_______________

 

Natatawa man ay hindi pa rin maiwasan ni Yuusuke na mainggit sa kalagayan ni Neena. Halatang masayang-masaya ito sa pakikipaglaro sa mga kapatid. Hiniling din niya sa mga magulang noon na bigyan siya ng kapatid pero sabi lang ng mga ito ay hindi raw maari. Ngayon naman mas lalong hindi pwede dahil sa kalagayan ng kanyang ina. Para itong porselana na kapag nahulog o natumba ay agad mababasag. Kaya siguro mas nakukuha ng pansin niya ang mga babaeng matibay at matapang, 'yung hindi basta-basta natitinag.

Muli niyang sinulyapan si Neena na tumigil na sa pakikipaglambingan sa mga kapatid.

Satou,”

Huh? Ako ba ang tinatawag mo?” tila naalimpungatang napatingin si Yuusuke sa mukha ng dalagita. Napaka-cute nito sa paningin niya kahit na kupas na oversized t-shirt lang ang suot nito.

Satou ang apelyido mo, diba?” anitong nakatayo sa pinto nang masasabi niyang pinaka-kusina nina Neena. Napakaliit niyon, kumpara sa kusina ng bahay nila.

Yes, last name ko nga 'yun pero tawagin mo na lang akong Yuusuke.” Noon lang siya tinawag nang may pag-uukol ni Neena. Palaging 'ikaw,’ ‘ ka,’ minsan pa nga ay 'hoy' pa ang ginagamit nito.

Okay, Yuusuke. Malapit nang mananghali, gusto mo bang dito na mananghalian?”

Yes!” agad niyang tugon. Hindi na niya iyon kailangan pang pag-isipan dahil talagang hindi niya palalagpasin ang ganoong mga pagkakataon, ang makatikim ng luto nito. “Ikaw ang magluluto, right?” naninigurong tanong niya.

Oo, bakit may reklamo ka?” lukot ang mukhang balik ni Neena sa kanya.

No, no. Gusto ko lang kasing malasahan ang luto mo,” bukal sa loob na wika niya. Hindi niya napigilang hindi ngumiti nang mapansin ang bahagyang pamumula ng mukha ni Neena.

G-ganoon ba?” bulong ni Neena bago tila hindi malaman ang gagawing pumasok sa kusina. Kasunod noon ang kalampagan ng mga kaldero at pagsigaw ng nagulat nitong mga kapatid.

Nag-aalalang tumayo si Yuusuke mula sa pagkakaupo at nagmamadaling tinungo ang kusina. Doon natagpuan niyang nakadapa si Neena sa sahig, hawak pa nito ang frying fan sa isang kamay. “My God!” Mabilis niyang nilapitan ang dalagita at inalalayan itong tumayo. “Neena, okay ka lang? Ano'ng nangyari?”

W-wala. O-okay na ako, nadulas lang.” Kumawala si Neena sa pagkakahawak niya at mabilis na nagpabalik-balik sa pagkuha ng iba't ibang ingredients para sa lulutuin nito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nilingon siya nito. “Huwag kang tumunganga riyan. Ang mabuti pa, tawagan mo na lang ang driver mo at papasukin dito at nang hindi 'yun magutom sa paghihintay.”.

Right, I’ll go get him now.” Mabilis siyang nagpunta sa labasan. Kinausap niya si Luis pero hindi para patuluyin ito sa tinitirhan nina Neena kundi para pauwiin. Sinabihan niya itong huwag babalik hanggang hindi niya tinatawagan. Naisip niya na kung wala na roon ang driver at ang kotse, mas may malaki siyang dahilan para manatili ng matagal.

Sa isiping iyon ay isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yuusuke. Hinugot niya ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tinawagan niya si Mike at sinabihang kikilalanin niya ng lubusan at liligawan sa sarili niyang paraan si Neena. Tutal naman ay kahit hindi umobra ang plano nito para sa kanya ay nagawan pa rin niya ng paraan kaya sa palagay niya makakaya na niyang mag-isa iyon. Hindi na niya kailangan ang tulong ng kaibigan.

 

_______________

 

Saglit na napalingon si Neena mula sa ginagawang paghahanda sa mesa nang makitang mag-isa lang na bumalik si Yuusuke. “O, nasaan na ang driver mo?”

Nagkibit balikat si Yuusuke. “Kailangan daw niyang umalis dahil hindi siya pwedeng magtagal dito.”

Nagdududang tinitigan niya ang mukha ni Yuusuke.

Totoo ang sinasabi ko! Honest, cross my heart, peksman!” pilit nito.

Okay, pero paano ka naman babalik sa inyo mamaya? Magta-taxi ka? Sa ayos mong 'yan baka ma-holdap ka lang sa daan.”

Bakit? Concerned ka ba?” Itinukod ni Yuusuke ang mga braso sa mesa at ikinulong siya nito sa mga bisig. Napaliyad siya. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagyuko at pagtapat ng mukha sa kanya.

Hindi 'yan ang ibig kong sabihin,” halos paanas na sabi niya sa binatilyo.

Talaga? Bakit ka hinahapo?” bulong ni Yuusuke, nakatitig ito sa kanyang mga labi at lalo pang inilapit ang mukha sa kanya. Para itong expert playboy sa pagkilos. Tila nahihilo siya sa pang-aakit nito. Lalo na nang maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang pisngi.

Pipikit na sana siya nang may marinig siyang malakas na pagtikhim.

Buong lakas na itinulak niya palayo si Yuusuke nang makitang nakatayo pala sa tabi nila ang kanyang Kuya Nestor. Nakalimutan niya na bumabalik nga pala ito tuwing tanghali para sa bahay nila mananghalian. “K-Kuya, h-huwag kang mag-iisip nang—”

Hi, I'm Yuusuke Satou,” antala ng binatilyo sa kanya. Inilahad nito ang kanang kamay sa kuya niya na tinanggap naman ni Kuya Nestor niya. “I'm Neena's—”

Schoolmate!” singit ni Neena na abot-abot ang kaba.

Nestor,” pakilala naman ng kuya niya habang magkasalikop na ang palad nito at ni Yuusuke. Magkasingtangkad ang dalawa, kaya baka mas magiging matangkad pa si Yuusuke sa kuya niya kapag tumuntong na ito sa edad na disiotso.

Kuya, ihahanda ko na ang pagkain kaya pakisundan mo na lang sina Isabella at Megan sa tindahan ni Aling Vivian, inutusan ko kasi silang bumili ng maiinom.” Hinila ni Neena ang nakatatandang kapatid palabas ng bahay tapos ay pinagsarhan na ito ng pinto. Nang marinig niya ang papalayo nitong mga hakbang ay noon lang siya nakahinga nang maluwag.

Pinukol niya ng masamang tingin si Yuusuke nang lampasan niya ito, pero mukhang ni hindi ito naapektuhan.

Wala ni isa sa kanila ang muling nagsalita hanggang sa bumalik ang kuya niya kasama ang dalawang nakababata nilang kapatid.

Magana nilang kinain ang niluto niyang sinabawang prito ng isda na may gulay, ngunit hindi niya aakalaining walang reklamong kakain din si Yuusuke nito.

Ang sarap!” sabi pa nito nang magtagpo ang mga mata nila. Nakadama siya nang hiya kaya yumuko siya at binilisan ang pagkain.

Kayong dalawa ha, talaga bang classmates lang kayo?” ani Nestor na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Yuusuke.

Opo, Kuya. Promise, magkaibigan lang kami,” hinarap niya ang binatilyo, “Right, Yuusuke?”

Halatang napipilitan lamang na tumango si Yuusuke.

Totoo ba?”usisa pa rin ni Nestor na kay Yuusuke na nakatingin.

Opo,” ani Yuusuke.

O, e di sige,” sabi na lang ni Nestor. “Magkaibigan kayo kung magkaibigan,” dugtong pa nito bago makahulugang sumulyap kay Neena na noon ay abot-abot ang kabang nadarama.