![]() | ![]() |
Sa tulong ng ball cap, salamin at ng balbas at bigote niya ngayon, ay malabong may makakilala pa kay Code kahit na araw-araw pang nakikita sa TV at diyaryo ang mukha niya. No media people could trace him here in Ibañez town. Bukod sa malayo ang bayan sa Maynila, hindi rin ito puntahan ng mga turista. Simple lamang ang pamumuhay rito.
Matapos mabili ang mga kailangan sa nag-iisang grocery ng bayan ay sumiway saglit si Code sa burger stand na nadaanan niya kanina. Sa trabaho niya bilang isang filmmaker, sanay siyang kumain ng kung ano-ano. Tumibay na rin ang sikmura niya sa lahat ng klase ng pagkain. Ngunit oras na makabalik siya sa sibilisasyon, hinahanap pa rin niya ang mga nakasanayan niyang fast foods. At sa halos isang buwan niyang pagtigil sa gubat ng Ibañez ay na-miss niya ang pagkain ng mainit na hamburger! Sampung burger ang inorder niya. Fast foods were his comfort foods. At sa mga panahong ito, kailangan niya ang maraming comfort.
Hindi siya worried sa calories na papasok sa katawan niya dahil madali naman niyang maaalis iyon sa katawan. At hindi masama ang minsang pag-give in niya sa ganitong klase ng pagkain.
Pagdating niya sa gubat ay nakakadalawa na siyang burger. Halos ubos na rin niya ang malamig na soft drinks na kasamang inorder niya. Ngunit masaya siya at satisfied sa meryenda niya ngayon.
Ten minutes na lamang at makakarating na siya sa kubo nang maulinigan niya ang malakas na mga boses ng dalawang babaeng nag-uusap. Babaliwalain na sana niya iyon dahil hindi naman siya tsismoso ngunit natigilan siya nang ma-realize ang topic na pinag-uusapan ng dalawa. It’s about getting married.
Ayaw man niya ay nagbalik sa isipan niya ang araw ng kanyang kasal. Hinintay niyang tanungin siya ng pari kung tinatanggap niya para maging asawa si Naomi bago niya sinimulan ang paghihiganti sa babae.
"No, Father. I cannot accept this woman to be my wife because she slept with another man last night!" malakas niyang sabi sa microphone na nasa altar.
Pagkasabi noon ay tinalikuran niya si Naomi at nag-walk out palabas ng simbahan. Dire-diretso siya sa wedding car. Siya naman ang nagbayad sa lahat ng gastos sa kasalang ito, kaya dapat na siya ang gumamit sa wedding car!
Huminga nang malalim si Code. Tapos na iyon. Nasingil na niya si Naomi sa mga panloloko at pagtataksil nito sa kanya. Dapat na niyang kalimutan ang walang kuwentang babae!
"Kahit na ano pang paliwanag at pakiusap ko sa parents ko ay desidido na talaga silang ipakasal ako kay Enzo!" gigil na sabi ng boses ng isang babae.
"Sobra kasi ang paniniwala nila sa hula ni Madam Silva," komento ng kasama nito.
"It’s unfair, Agnes!" bulalas ng unang boses. "Dapat ay ako ang magdesisyon kung sino ang lalaking pakakasalan ko. Hindi ang mga magulang ko at ang isang hula! Kapag talagang pinilit nila ako, maglalayas ako!"
"Huwag mong gawin iyan, Aster! Baka kung ano ang mangyari sa iyo!" pag-aalala ng boses ni Agnes. "Saka, malay mo naman, magustuhan mo si Enzo kapag nagkita na kayo. At least give him a chance. Hintayin mo muna ang pagdating niya rito sa bayan natin bago ka maglayas."
"Pag hindi ko siya nagustuhan, tutulungan mo akong makaalis dito!"
"Ha?"
"You are my best friend. At ikaw itong nagbigay ng payo sa akin na makipagkita muna ako sa Enzo na iyon kaya kapag talagang hindi ko siya nagustuhan, dapat lamang na tulungan mo akong makakawala sa kapalarang sinasabi ni Madam Silva!"
Hindi na napigilan ni Code ang curiosity. Hinawi niya ang makakapal na halaman na nagtatago sa mga nag-uusap.
Dalawang teenagers ang nakita niya na nakaupo sa malaking ugat ng isang punongkahoy. Ang mainit ang ulo na hula niya ay si Aster ay nakasalamin at naka-braid ang mahabang buhok na hanggang baywang. Simple lang ang itsura nito, pero kung mag-aayos ay posibleng gumanda. Ngunit ang kaibigan nitong si Agnes ay parang manika. Maganda ito, bilugan ang mata at maumbok ang pisngi. Ngunit tulad ng mga manika ay kulang din sa height. Isang headband ang gamit nito sa buhok na hanggang balikat.
"Siguro dapat ay nasa bahay ka rin namin pagdating ni Enzo," ani Aster.
"Ano namang gagawin ko roon?"
"Aakitin mo siya!"
"Ano ka!" todo na reklamo si Agnes.
"Ang daming nagkaka-crush sa iyo sa school natin. Cute ka raw kasi. At kung makikita ka ni Enzo lalo na kung todo ang pag-aayos mo-"
"Aster, ayoko!"
"Kita mo! Kahit ikaw ay umaayaw sa kanya!"
"Hindi naman kasi ako ang nakatakdang mapangasawa niya eh."
"Gusto mong makatikim ng batok?" banta ni Aster.
Natawa nang husto si Agnes. Isa iyong tawa na nakakahalina. Pero ipinapaalala rin nito kay Code si Naomi. Ganoon ang klase ng tawang ginagawa ni Naomi sa pelikula nito kapag nagpapa-cute ito.
Lumayo na siya sa kinaroroonan ng dalawa. Totoo nga ang sinabi ng Kuya Cannon. He was still not fit to socialize with people. Dahil lagi niyang nai-a-associate sa mga taong hindi naman niya kilala ang mga bagay-bagay tungkol kay Naomi.
He should get over her before he showed himself in public. Dahil kung ngayon siya magpapakita, tiyak na hindi niya mapipigilan ang sarili sa pagmumura! Two years siyang nag-ipon nang husto para maibigay sa ex-girlfriend ang engrandeng kasalan na nararapat para rito. Lahat ng assignments na ibigay sa kanya ng TV station ay ginagawa niya. Nag-sideline pa siya bilang videographer sa mga kasalan at birthday parties. Todo rin ang ginawa niyang pagtitipid para lamang sa dream wedding ni Naomi.
Ngunit ng mga panahong iyon pala na todo ang pagtatrabaho niya at kung saan-saang sulok ng mundo at kagubatan siya nagpupunta ay patuloy pa ring nakikipagkita si Naomi sa ex-boyfriend nito! The woman was incapable of being faithful! He would never again make a mistake like that!