![]() | ![]() |
Naubusan na si Code ng gas na panluto kaya nagpasya siyang magsibak ng kahoy. Kailangan niya ng panggatong sa apoy na gagawin niya mamaya para makapagluto ng hapunan. Ngunit saglit pa lamang siyang nagsisibak nang mapansin niya ang paparating na kotse. Isa itong dark green Ford Expedition.
Malinaw na four-wheel drive ang sasakyan dahil baliwala rito ang bako-bakong daanan. Sinasagasaan lamang nito ang mga damo at maliliit na halaman sa harapan nito. Animo umukab ito ng sariling kalsada sa madawag na lugar. Tumigil sa harapan mismo ng kubo ang dark green car sedan.
Isang malaking lalaki ang lumabas sa pintuan sa tabi ng driver’s seat. Binuksan nito ang pintuan sa back seat. Isang babaeng naka-sunglasses at dark green overcoat ang lumabas doon. Nang maglakad ang babae palapit kay Code ay napansin niya ang dark boots na suot nito.
"Hello, Code Jurado," bati ng babae.
Nabigla siya. Hindi niya kilala ang babae. At malayong-malayo ang porma nito sa mga media people na naghahanap sa kanya.
"Hello, ma’am," maingat niyang sagot. "Paano ninyo ako nakilala?"
"I know your parents." Sinenyasan nito ang driver nito. "Puwede ba tayong mag-usap?"
"Tungkol saan?" Malinaw sa suot at asta ng babae na mayaman ito. Isa ba itong eccentric millionaire?
Napansin niya na naglalabas ng isang foldable table and chairs sa baggage compartment ng kotse ang driver. Saglit pa at naiayos na nito ang table at dalawang upuan sa harapan ng kubo.
"Do you prefer coffee or tea?" usisa nito nang maupo ito sa foldable chair.
"Coffee."
Nilatagan ng green tablecloth ng driver ang lamesa. Isang picnic basket din ang inilabas nito sa kotse. Mula roon ay naglabas ito ng coffee cups, sandwiches at thermos.
Sinenyasan si Code ng babae na maupo sa isa sa mga upuan. Napangiti siya. Isa itong bagong experience sa kanya. Mukhang pinaghandaan ng babae ang pakikipagkita sa kanya.
"Paano ninyo nalaman na nandito ako?" usisa niya nang nakaupo na siya sa harapan ng mesa.
"I make it my business to find out kung nasaan at kung ano ang ginagawa ng mga anak ni Philippe Jurado," anito habang sinimulan siya nitong ipagtimpla ng kape. Bumalik naman sa tabi ng kotse ang driver nito at doon nanatili na animo guwardiya. "Nakapagpakilala na ba ako sa iyo? I’m sorry about that." Inilahad nito ang kamay nitong naka-white, velvet gloves. "My name is Ms. Venus Omega."
Napatitig si Code nang husto sa babae. Kilala niya ito! Naging worldwide news ang halamang nilikha nito na tinawag na Venom. Very poisonous ang halaman ngunit ang extract mula roon ang ginagamit ngayon sa paggawa ng pills na iniinom ng cancer patients. Oras na inumin ng isang may cancer ang V-Pill mula sa Venom plant ay agad nagkakaroon ng remission ang sakit nito. As long as the patient took the V-Pill, he got to live a life free of cancer.
"I’m honored to meet you, ma’am! " bulalas niya.
Napangiti ang babae. Inalis nito ang salamin. Noon niya nakita ang mga maliliit na linya sa paligid ng mga mata nito. Kung hindi siya nagkakamali, nasa mid-fifties na ang edad nito. Pero hula lamang iyon. Hindi kasama sa maraming promotional materials ang tungkol sa edad at personal information ng successful entrepreneur and nature protector na si Ms. Omega.
"Mukhang kahit paano ay nakarating na rin sa mga young people ang tungkol sa advocacy ko."
"Everyone knows kung gaano kalaki ang naitulong ninyo sa medicine. Your Venom plant saved a lot of lives. At ang itinayo ninyong Venom Corp. ay nangunguna rin para mabawasan ang polusyon sa buong mundo. Kayo rin ang pioneer dito sa Pilipinas sa vertical farming method. Ang twelve-storey building ninyo sa gitna ng Manila is the first in the world. Iyon ang tanging vegetable farm na matatagpuan sa gitna ng isang busy metropolis!" Hindi niya naitago ang paghanga sa babae. Matagal na niyang gustong igawa ito ng documentary ngunit tumatanggi lagi ang Venom Corp. Binabaliwala lagi ng kumpanya ang request niyang interview kay Ms. Venus Omega. Hindi tuloy siya makapaniwala na kilala siya ng babae at personal pa siyang pinuntahan.
Natawa si Ms. Venus Omega.
"I should compliment you for your knowledge, young man. Most people your age ay walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Gusto ko ring ibalita sa iyo na hindi na lamang vegetables ang itinatanim namin sa aming farm. Dahil sa pagdami ng investors namin, we now have a variety of plants and trees in our vertical farm."
"I believe in your advocacy, ma’am. Naniniwala ako na hindi dapat sirain ang kapaligiran natin. That we should use our technology so that humans can co-exist and live with nature."
"Kung nangangailangan siguro ako ngayon ng isang filmmaker na gagawa ng next promo video tungkol sa company ko at personal advocacy, I would have hired you right away, Code. But my purpose in meeting you is personal."
Naguluhan si Code. Iniabot nito sa kanya ang coffee cup.
"Sinabi ko sa iyo kanina na kilala ko ang parents mo, hindi ba?"
"Yes, ma’am," aniya. Tinikman niya ang coffee. Sa amoy at lasa ay malinaw na freshly brewed iyon.
"Pero mas tamang sabihin na mas kilala ko ang father mong si Philippe Jurado. He was after all my husband."
Napatigil siya sa paghigop sa kape.
"I was his first wife."
"Ngayon ko lamang nalaman ang tungkol diyan."
"Your brother, Cannon, knows. He was ten when you and your brothers became orphans. Kahit paano ay naiintindihan na niya ang nangyayari. Kung hindi ako nagkakamali, you were just five years old then."
Napatango na lamang siya. Nang muli silang magkita ng kapatid ay wala itong naikuwento tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ng ama niya kay Venus Omega.
"He must be protecting you from the truth, Code. Kung minsan kasi, mas mabuti nang hindi malaman ang totoo. It destroys dreams."
"Hindi ko kayo maintindihan, Ms. Omega."
"I was fifteen nang una kong makilala ang ama mong si Philippe. Agad akong na-in love sa kanya. Nakuha rin niya ang kalooban ng istrikto kong Lola Annabel. Nasa college ako noong magkasakit ang lola ko at nag-alok ng kasal si Philippe. Lingid sa akin ipinagbilin na pala ako ng lola ko kay Philippe. Gusto ng lola ko na kung mamamatay siya ay hindi ako mag-iisa since both my parents were already dead. A few days after ng kasal namin ni Philippe, nagpaalam na rin sa mundong ito ang lola Annabel." Saglit na napatigil sa pagsasalita si Miss Omega. Napatingin sa malayo.
Sa kabila ng pagkabigla ay ipinasya ni Code na manahimik at payagan ang babae na tapusin ang kuwento.
"You could say we were both young and very much in love nang magpakasal kami ng ama mo," pagpapatuloy ni Miss Omega. "Pero dahil sa maaga kong pag-aasawa, natigil ako sa pag-aaral. At dahil nag-aaral pa rin noon ang ama mo at tulad ko ay ulilang lubos na rin siya, he had to work double hard para makapagtapos siya at mabuhay ako.
"I tried to help him by using my talent." Malungkot itong napangiti "I have a green thumb, you know. Kahit na ano ang itanim ko ay tumutubo at nagiging malusog. I would plant orchids, flowers and vegetables sa paligid ng bahay namin. Then I would sell those in the market. Nagsimula ang business ko sa maliit na garden na iyon, Code.
"By the time na naka-graduate na si Philippe at nakapagtrabaho, meron na akong vegetable stall sa palengke at maliit na flower shop. Masasabing maayos na ang pamumuhay namin. Ang tanging kulang na lamang ay mga anak." Tumutok sa kanya ang mga mata nito. "Napagdesisyunan namin noon na magkaroon na ng anak. But it turned out, na wala akong kakayahan na magbuntis. I’m barren." Nagbaba ito ng tingin.
"Iyon ba ang dahilan kaya kayo nagkahiwalay?"
"No. Nagkahiwalay kami dahil dumating ang mother mong si Aurora. She seduced my husband and took him away from me!" mariin nitong sabi. "Binaliwala ng ama mo ang lahat ng ginawa ko para sa kanya, ang pagmamahal ko sa kanya. He chose to leave me dahil buntis si Aurora sa kapatid mong si Cannon. Philippe threw me like trash."
"I-I’m sorry." Naging uneasy si Code. Alam niyang wala siyang kasalanan sa nangyari noon, pero nakaramdam pa rin siya ng guilt.
Huminga nang malalim si Venus Omega.
"Wala kang kasalanan doon, Code. Besides, nagbayad na silang dalawa sa ginawa nila. Your father didn’t die in an accident, I poisoned him kaya nawalan siya ng kakayahan na kontrolin ang kanyang kotse. As for your mother, I forced her to drive her car over a cliff in exchange for not killing her children."