image
image
image

CHAPTER 9

image

Ang nag-aalalang mukha ng Kuya Cannon niya ang unang nakita ni Code nang pagbalikan siya ng malay.

"Kuya? Anong ginagawa mo rito?" Panaginip lamang ba ang naging engkuwentro niya kay Venus Omega?

"Thank God! I thought I lost you," bulalas ng kapatid.

Ikinurap niya ang mga mata. Nasa loob siya ng kubo. Noon niya napansin ang iba pang mga tao sa paligid niya. Ang nakaupo sa may ulunan niya ay si Cinder. Sa may paanan niya ay ang dalagitang nagngangalang Aster. Saglit na nagbalik sa isipan niya ang pagdating nito kanina habang tumatalab ang lason ni Venus Omega sa kanyang katawan. Ngunit nagbigay ng maraming katanungan sa isipan niya ang presence ng isang matandang babae na nakasuot ng purple cloak na puno ng mga disenyo ng malalaking bituin. Tahimik itong nakaupo sa isang sulok ng kubo.

Tinulungan siya ng kapatid na makaupo.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo nang tumayo? If you can’t, bubuhatin kita. We need to get out of here as soon as possible!"

Napangiti siya. Nagbalik sa alaala niya noong mga bata pa sila. Madalas siyang magpakarga noon sa kapatid.

"Kaya mo pa ba akong kargahin, Kuya? Masyado na akong malaki ngayon."

Ngumiti ito.

"Maybe I am not an outdoors man like you, Code, but I have kept myself strong sa mga powerlifting ko sa gym."

Noon niya napansin na naging abala na sina Cinder at Aster sa pagbubuhat ng mga gamit niya. Nananatiling nakaupo lamang sa isang sulok ang matandang babae na naka-costume.

Nang tangkain niyang tumayo ay naramdaman niya ang panlalambot ng kanyang tuhod! Agad siyang inalalayan ng kapatid. Bagama’t nagprisinta itong buhatin siya, pinilit niya ang sarili na makalakad. Ayaw niyang lumitaw na mahina sa harap ng lahat. Masyadong masasaktan ang kanyang male pride. Pero hindi niya tinanggihan ang pag-alalay ng kapatid. Siguro kung hindi siya nakaakbay rito, baka hindi siya nakarating sa Subaru Forrester nito.

Todo ang hingal niya nang sa wakas ay makaupo siya sa back seat ng Subaru Forester. Ang lahat ng gamit niya ay nailagay na nina Cinder at Aster sa baggage compartment. Ipinikit niya ang mga mata. He felt so tired! Muling nagbalik sa isipan niya ang pagkikita nila ni Venus Omega. Ang paglason nito sa kanya. Was he still poisoned? Paano nga pala nakarating dito ang kapatid? Napakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan sa isipan niya.

"Thank you very much, Aster. Kung hindi dahil sa iyo, baka namatay ang kapatid ko," naulinigan niyang sabi ng kapatid sa dalagita.

Nagmulat siya ng mata. Nakita niyang nakatayo sa tabi ng kotse ang Kuya Cannon at si Cinder. Kausap nila ang dalagitang nakasalamin. Naglabas ng wallet ang kapatid.

"I know this isn’t much, pero part lamang ito ng pagpapasalamat ko sa iyo. Kung meron pa akong maaaring maitulong sa iyo, you can call me anytime. Kung hindi dahil sa iyo ay baka namatay ang kapatid ko, kaya whatever favor or help you need, makakaasa kang tutulungan kita. No questions asked." Kasabay ng pera ay iniabot din ng kapatid sa dalagita ang isang calling card.

"I need your help now, Mr. Jurado!" mariing pahayag ni Aster.

"Paano kita matutulungan?"

"Take me with you!" pakiusap nito.