Habang abala si Aster sa paghahanda ng coffee nila ay nag-iwan si Code ng message sa kapatid sa cell phone nito. Batid niyang pinapapatay ng airlines ang cell phones sa mga pasahero pero makakarating pa rin ang message niya at kung titingnan ng kapatid ang phone nito pagkalapag ng eroplano ay malalaman na agad nito ang sitwasyon.
Pero para makasigurado ay tatawagan na rin niya ang kapatid oras na mag-landing ang plane nito.
Lumabas si Code ng kuwarto at nagbalik ng kusina. Mula sa kinatatayuan ay natagpuan ni Code ang sarili na pinagmamasdan si Aster. Sumingit sa isipan niya ang tungkol sa damdamin ng dalaga sa kanya noon. Naka-recover na kaya ito sa kanya? Nakatalikod ito sa kanya habang nagkakanaw ng coffee sa kusina. T-shirt at isang mahabang short na hanggang tuhod ang suot nito. Ngunit hindi nakaila kay Code ang hubog ng katawan nito. Simple lamang ang beauty ni Aster, pero maganda ang katawan. Sexy.
Natigilan siya sa klase ng itinatakbo ng isip niya. Pinagalitan niya ang sarili. Ngunit nagbalik naman sa isipan niya ang pagnanakaw nito ng halik sa kanya noong bago siya umalis. Napakainosente ng halik nito. Ngunit nakalagay roon ang damdamin nito sa kanya.
Pinalis ni Code sa isipan ang ganoong pag-iisip. Pinaalalahanan niya ang sarili na pinatay ni Venus Omega ang kapatid niya at parehong nasa panganib ang buhay nila ng Kuya Cannon. Thinking about Aster's feelings for him was not helping! Posibleng naka-recover na rin ang dalaga sa crush nito sa kanya. Ganoon ang mga teenager, madaling magka-crush at mabilis ding mabaling sa iba ang damdamin.
Humarap sa kanya si Aster at inilapag ang dalawang coffee mugs sa maliit na kitchen table. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.
"Nilagyan ko ng konting cream, since natatandaan kong ganoon ang gusto mo sa kape mo," anito. Nag-iwas din ito ng tingin.
Naging malinaw kay Code na may damdamin pa rin sa kanya ang dalaga. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang diretso at nagsimula na ring mamula ang mukha nito nang patuloy niya itong titigan.
Naupo siya sa mesa at sinimulang higupin ang kapeng inihanda nito sa kanya.
"So, ano ang pag-uusapan natin?" basag niya sa katahimikan.
"Kung paano ka mananatiling ligtas kay Miss Omega." Naupo ito sa kabilang side ng table.
Abot-abot ang kaba ni Aster habang hinihintay niyang mangalahati ang kape sa mug na iniinom ni Code. Nag-aalala siya na baka kulang o 'di kaya ay sobra ang nailagay niyang borrachero. Nagsimula na rin siyang magduda sa mga sinabi ni Madam Silva. Paano kung lason pala iyon?
"Stop drinking the coffee!" malakas niyang sabi.
Tumigil sa pag-inom si Code. Ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang mug.
"Code?"
"Yes?"
"Ibaba mo sa mesa ang mug."
Sinunod siya ng lalaki. Ngayon niya napansin na ang galit at kalungkutan sa mga mata nito dahil sa nangyari kay Revo ay wala na. Mukhang kalmado na ngayon ang binata.
"Are you alright?"
"Yeah."
Umiepekto na kaya ang borrachero? Ayon kay Madam Silva, oras na mapainom niya ang tubig sa pinakuluang borrachero ay maaari niyang mapasunod ang sinuman sa loob ng limang oras.
Kung hind iyon totoo at inutusan niya si Code na gawin ang isang bagay na hindi nito gagawin, magtataka lamang ang lalaki. Pero kung totoo ang epekto ng borrachero, mapipigilan niya ang lalaki na sumugod kay Venus Omega o gumawa ng hakbang na magpapahamak dito.
"Pwede ba'ng tumayo ka at magsayaw ng hip-hop?"
Napatanga siya nang sundin siya ng binata at magsasayaw ito sa harapan niya! Hindi niya napigilan ang sarili na matawa.
"Stop!" bulalas niya. Tumigil ito pero nanatiling nakatayo. Effective nga ang borrachero! "Bumalik ka na lamang sa upuan mo."
Naupong muli ang binata. Limang oras ang bisa ng pinainom niya rito. Ngunit hindi niya maaaring painumin na naman ang binata para manatili ito sa apartment niya after five hours. Baka kung ano na ang mangyari rito. Painumin kaya niya ito ng sleeping pills? Saan naman siya kukuha noon? At sa pagkakaalam niya, kailangan ang riseta ng doktor para makabili noon sa drugstore. Alak kaya ang ipainom niya rito? Pwede.
Tumayo siya.
"Dito ka lamang. Huwag kang aalis!" mahigpit niyang bilin.
Tumango ito na parang isang mabait na bata.
Mabilis siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa pinakamalapit na convenience store. Humanap siya ng pinakamatapang na alak na naroroon at iyon ang binili niya. Nang makabalik siya sa apartment ay pinaubos niya kay Code ang alak bago naubos ang limang oras na bisa ng borrachero.
Sinunod siya ng lalaki. Naubos na ng lalaki ang alak nang bigla niyang maisip na baka kontra ang alak sa epekto ng borrachero! O baka mapahamak ang lalaki sa kumbinasyon ng herbs at ng alak!
"Code? Are you feeling alright?"
"Inaantok ako."
Inalalayan niya ito. Dinala sa kanyang kama. Ibinagsak ng lalaki ang katawan sa kama. Pumikit ito. Pinulsuhan niya ito. Buhay pa ito. At even naman ang tibok ng puso. Nakahinga siya nang maluwag.
Naupo siya sa tabi nito.
"I'm sorry, Code. Ginawa ko lamang ito para hindi ka mapahamak."
Bahagyang nagmulat ang binata. Noon biglang na-realize ni Aster ang pagkakataong ito na naibigay sa kanya dahil sa borrachero! Posibleng ito ang dahilan kaya ibinigay sa kanya ni Madam Silva ang herb.
"Code, 'pag tinanong ba kita ay sasabihin mo sa akin ang totoo?"
"Sure," anas nito.
"M-May girlfriend ka na ba?"
"Nope."
Nakahinga siya. Trial question lamang iyon. Tinatagan niya ang sarili sa pinakaimportanteng tanong.
"Do you like me?"
"Yes."
Natigilan siya. Mali ata ang salitang nagamit niya.
"Do you love me?" anas niya.
"No."
Bagama't expected na niya iyon, nasaktan pa rin siya.
"Can you learn to love me?"
"I don't know."
"Would you make love to me?"
"No."
"Why?" Dapat na niyang itigil ang pagtatanong. Kapag naalaala ni Code ang mga tanong niyang ito, wala na siyang mukhang ihaharap dito.
"Dahil...masyadong malaki ang respeto ko sa iyo, Aster. Hindi kita aangkinin nang wala akong pagmamahal sa iyo."
Napakagat ng labi si Aster. Tumayo siya at iniwan ito sa kuwarto. Ito ang heartbreak na sinasabi ni Madam Silva. Nabasted siya ng lalaking mahal niya.