image
image
image

CHAPTER 24

image

Na-shock nang husto si Aster sa mga sinabi ni Venus Omega! Walang CCTV o microphone sa rooftop ngunit mayroong hidden microphone at camera na naka-attach sa damit ni Cannon kaya’t naririnig at nakikita ni Aster ang nagaganap na pakikipag-usap nito kay Miss Omega.

"Ano nang nangyayari sa rooftop?" usisa ng boses ni Code mula sa suot niyang headphone. Taglay ni Code ang isang state of the art phone sa tenga nito. Isa iyon sa gadgets na ibinebenta ng Electronics Haven. Dahil sa mga phones na iyon ay nagkakaroon silang tatlo ng malinaw na komunikasyon. Tulad ni Cannon ay mayroon ding hidden camera sa damit si Code na konektado sa isa sa mga monitor sa harapan ni Aster. Si Aster ang nagsisilbing mata at tainga ng magkapatid.

"Please stop talking for a moment, Code. Importante ang nangyayaring usapan."

Base sa mga monitor na nasa harapan ni Aster ay nakapasok na si Code sa first floor ng Venom Building. May security system ang building ngunit dahil sa ilang linggo niyang pag-aaral sa bawat sulok ng first floor ay nakakita siya ng mga lugar kung saan maaaring makalakad at makapasok ang isang tao nang hindi nakikita sa CCTV o nade-detect ng security system.

Itinuon ni Aster ang atensyon sa pag-uusap nina Cannon at Ms. Omega.

"I will never kill my brother! Kahit na sino'ng tao ay hindi ko rin papatayin para sa iyo! Kung meron man akong taong magagawang patayin ngayon, that would be you, Miss Omega!" galit na sabi ni Cannon.

Nanatiling kalmado ang mukha ng babae.

"If you kill me, magsisilbi rin iyon bilang death sentence ni Cinder. You see, the poison inside her body will slowly kill her. It will affect her like a disease. Without the antidote, she will not just die after three months, she will also suffer a lot of pain! Malulugas ang buhok niya, magsusugat ang kanyang katawan, her bones will crack, she will lose her eyesight, her hearing and all her senses would also cease to function-"

"Stop!" bulalas ni Cannon. Malinaw na ayaw nitong marinig pa ang kapalarang sasapitin ng asawa.

Ngunit binaliwala ito ni Ms. Omega.

"Choose between your wife and your brother, Cannon. Pero bilisan mo ang pag-iisip. Because in twenty four hours, kahit na mabigyan mo pa ng antidote si Cinder, hindi na tatalab iyon. And I won’t give you the antidote unless I see your brother dead!"

An antidote... Isang idea ang kumislap sa isipan ni Aster.

"Code," aniya sa lalaki. "We need to change plans. Kapag napasok mo na ang office ni Ms. Omega, ang bigyan mo ng priority ay ang mga files tungkol sa antidotes ng mga lasong ginagawa ng kumpanya niya."

"Why? Hindi ba mas importanteng makuha natin ang records tungkol sa illegal poisons and drugs na ginagawa nila? That could help us shut down Venom’s operation!"

"Mas importante ngayon ang buhay ni Cinder. Ms. Omega has poisoned her. And that poison will start to destroy her body after twenty-four hours."

"Damn that bitch!" galit na sabi ng binata. "Hinding-hindi ko siya mapapatawad."

"You need to calm down, Code," paalaala niya rito. "Hindi ka dapat patangay sa galit mo."

"I get angry, Aster. But I never lose control. Watch my back, Aster," mariin nitong pahayag. "Papunta na ako sa second floor."

Sa kabila ng nerbiyos na nararamdaman ay nagpakatatag si Aster. Nang magprisinta siyang maging mga mata ng magkapatid sa pagsugod ng mga ito sa Venom Building ay batid niyang sa kanya nakasalalay ang kaligtasan ng dalawa. Sinadya ng magkapatid na huwag nang ipaalam kay Cinder ang balak ng mga ito upang hindi na mag-alala nang husto ang huli. Ngunit ngayon ay naging responsibilidad na rin niya ang magiging kapalaran ni Cinder. Nasa mga kamay rin ni Code ang kaligtasan ng babae.

Inalis na ni Aster ang atensyon kay Cannon. Hindi ito nanganganib kay Ms. Omega. Kailangan niyang bantayan ang bawat kilos ni Code upang maayos itong makarating sa twelfth floor. At oras na makarating ito roon, kailangan nilang makita ang mga file or at least formula para sa antidote ng lasong nasa katawan ngayon ni Cinder!

Sa likuran ng isipan ni Aster ay batid niyang naroroon ang posibilidad na ang formula para sa antidote sa lason ni Cinder ay hindi nila makikita sa safety deposit box. Maaaring nakatago iyon sa ibang lugar. Ngunit ayaw niyang isipin muna iyon. Gusto niyang umasa na sa gagawing ito ni Code ay maililigtas din nila si Cinder.