![]() | ![]() |
Napasubsob si Code sa paanan ng hagdanan patungong tenth floor.
Mula sa monitor ng laptop ni Ms. Omega ay nakita ni Cannon na sugat-sugat na ang kapatid. Todo rin ang paghingal nito at pag-ubo.
Tiim ang bagang na binalingan niya si Ms. Omega. Bahagya itong nakangiti. Malinaw na nasiyahan ito sa sinapit ng kapatid. Sinisimulan na rin nitong salinan ng hot tea and dalawang porcelain cups.
"You are a sadist!" akusa ni Cannon sa babae.
"Your brother deserved that." Itinulak nito palapit sa kanya ang isang tea cup.
Matamang pinagmasdan ni Cannon ang tea cup.
"Code will survive this! Two more floors and we will win."
Ibinaling ng babae paharap sa sarili ang monitor ng laptop. Ilang minuto nitong pinanood ang mga nangyayari kay Code.
"Huwag kang pakasiguro agad, Cannon. Code may have survived the bullet-like seeds of the sandbox trees, but those are no ordinary sandbox trees. Mas pinatindi ko ang poison na taglay ng mga punong iyon."
Natigilan si Cannon.
"Don’t worry, he won’t die from this poison. Pero lahat ng tinamaan at nasugatang parte ng katawan niya will be severely irritated. Posible ring makaramdam siya ng pagkahilo at pagsusuka. In short, he will be in a very bad condition. I doubt kung makakaya pa niyang lagpasan ang pagsubok na naghihintay sa kanya sa tenth floor." Iniharap nitong muli ang monitor ng laptop kay Cannon.
"The carnivorous plants in the tenth floor? Hindi tanga si Code para lapitan niya ang mga halamang iyon," ani Cannon.
"My head of security is already there, Cannon. And he will make sure na ang kapatid mo ang magiging susunod na dinner ng mga halaman ko roon. You should see the improvements I made sa Venus flytrap. Hindi lamang sila mas malaki sa normal plants, their acids are much more potent. Kayang makatunaw ng raw flesh." Kampante itong naupo sa silyang nasa tabi ng mesa. "You should try this tea. Nakakaalis ng tensyon."
"No, thank you," mariin niyang sagot. Itinulak din niya palapit sa babae ang tea cup na nasa harapan niya. "Wala akong balak na mapahamak tulad nang nangyari kay Code nang inumin niya ang ibinigay mong coffee sa kanya.
Natawa ito. Kinuha nito ang tea cup ni Cannon. Ininuman.
"There, nakumbinsi na ba kitang walang anumang lason ang tea na ito? This is just normal tea."
"Konti lamang ang ininom mo. Posibleng hindi rin agad eepekto iyon."
Napailing ang babae.
"You need to work with your trust issues, Cannon," pagbibiro nito bago inubos ang laman ng tea cup.
Hindi na umimik pa si Cannon.
"Magaling ba'ng lumaban ang kapatid mo, Cannon? Brand is an expert fighter. Noong lumalaban pa siya sa mga underground fight, halos lahat ng nakakalaban niya ay nao-ospital o namamatay."
Tinakpan ni Aster ng kamay ang bibig upang mapigilan ang sarili sa pagsigaw habang pinapanood niya ang pagtama ng mga seed ng sandbox trees kay Code. Nang sa wakas ay malagpasan nito ang bullet-like seeds ng sandbox trees ay halos mapaiyak siya sa awa dahil sa sinapit nito.
Ngunit hindi makakatulong sa binata kung maririnig nito ang pag-iyak niya. He needed to hear her voice nang walang bahid ng takot. Kailangang bigyan niya ito ng lakas ng loob.
Kinalma niya ang sarili. Dapat niyang ipaalam ang naghihintay rito sa tenth floor. Ang security guard ng building ay nakasakay na sa staff's elevator at patungo na sa tenth floor. Kung totoo ang narinig niyang sinabi ni Ms. Omega, ito ang magiging huling kalaban ni Code.
"Code?" tawag niya sa binata. "May inilaan akong pills na anti-vertigo sa backpack mo. I am not sure kung makakatulong iyon sa epekto ng sandbox tree poison. Narinig ko kay Ms. Omega na mahihilo ka at magsusuka. You need to be ready, Code. Isang professional fighter daw ang makakalaban mo sa next floor."
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Code. Ngunit bigla rin itong natawa.
"Code? Are you alright?" Lumabas ang pag-aalala niya rito.
"Sorry. Hindi ako nawawala sa sarili. Bigla ko lamang kasing naisip na para itong isang adventure movie sa dami ng mga panganib na kailangan kong lagpasan. Noong bata pa ako, madalas akong mangarap na isa akong magaling na adventurer. Hindi ko sukat akalaing magkakatotoo ang mga pantasya ko noon. Oras na malagpasan ko ang sitwasyong ito, remind me Aster to never make silly wishes again."
Nakahinga siya nang maluwag. Malinaw pa ang isipan ng lalaki. Kinuha rin nito ang anti-vertigo pills sa backpack at nilunok. Nabili iyon ni Aster sa drugstore na nadaanan niya. Mataas ang Venom building at hindi siya sigurado kung sanay sa matataas na lugar ang binata o nahihilo ito sa high places kaya binili niya ang pills.
"Anything else in this backpack na magagamit ko laban sa lalaking naghihintay sa akin sa tenth floor?" usisa nito.
"No. Pero kung totoo ang sinabi ni Ms. Omega na may matapang na acid ang mga Venus flytrap doon, maaari mong gamitin iyon as a weapon!"
Bahagyang napangiti si Code.
"You are the best guide I ever had, Aster!" papuri nito sa kanya.
Parang hinaplos ang puso ni Aster. Marahan niyang inilapat ang isang palad sa monitor kung saan naroroon ang mukha ng binata. Gusto niyang yakapin ito, gamutin ang mga sugat at protektahan. Pero imposible iyon. Isa itong laban na kailangang suungin ng lalaki nang mag-isa. All she could do was guide him. Give moral support.
"You need to concentrate sa magiging laban mo sa tenth floor," paalaala niya rito.
Tumango ito.
"Gaano kalaki ang kalabang naghihintay sa akin doon?"
"Lagpas six feet ang height niya. Para rin siyang isang wrestler." Napaisip siya. Parang nakita na niya ang security guard na iyon.
Kumunot ang noo ni Code.
"Mukhang nakaharap ko na rin siya, Aster. Siya rin ata ang driver ni Ms. Omega noon."
"You are right, Code! At nakaabang na siya sa pintuan ng hagdanan. Hindi mo siya maiiwasan kahit na mabilis ka pang tumakbo," babala niya.
"I don’t like cheating. Pero sa pagkakataong ito, mukhang kailangan kong mandaya para hindi ako mamatay." Tumayo ito.
Nagulat si Aster nang imbes na umakyat si Code sa hagdanan ay bumalik ito sa 9th floor! Nagkalat sa paligid ang mga buto ng sandbox tree. Marami ring tree seedlings ang nasira sa paglipad kanina ng mga buto. Nilagpasan iyon ni Code at dire-diretso ito sa isang sandbox tree.
"Sinabi mo na nagdudulot ng pagkahilo at pagsusuka ang dagta nito, hindi ba?"
"Yes. Iyon ang narinig ko kay Miss Omega kanina. Kaya huwag mong hawakan ang open seed pods!" babala niya nang ilapit nito ang mga kamay sa sandbox tree.
Binaliwala ni Code ang babala niya. Gamit ang Swiss knife na nasa backpack ay sinimulang palabasin pa nito ang mga dagta sa katawan ng sandbox tree. Binasa nito ng dagta ang leather gloves na suot nito.
Naging malinaw kay Aster ang balak ng lalaki!