image
image
image

CHAPTER 36

image

Paglabas ni Aster sa last class niya sa araw na ito ay agad niyang napansin ang mga babaeng estudyante na nagkakagulo sa tabi ng mga bintana sa koridor ng building nila. Na-curios siya kaya't nakisilip na rin siya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niyang si Code ang nakakuha ng atensyon ng lahat!

Nasa parking lot ang Isuzu Crosswind ni Code at nakasandal ito sa gilid ng hood habang nakahalukipkip. Simpleng black polo shirt na terno sa kulay ng sasakyan nito, jeans at rubber shoes ang get-up ng lalaki. Ganoon ang regular na suot nito sa Electronics Haven, ngunit kahit na siguro naka-sando at shorts lamang ang lalaki ay makukuha pa rin nito ang atensyon ng mga babae. Guwapo at lalaking-lalaki ang dating nito.

"Artista ba siya?" usisa ng isang estudyanteng babae. "Mukhang pamilyar ang mukha niya sa akin."

"I don't know," ani ng katabi nitong kaklase. "Parang nakita ko na rin siya pero hindi ko matandaan kung saan. He could be a model since kung artista siya, tiyak na matatandaan ko ang pelikula niya. I am good with movies."

"Mukhang may hinihintay siya rito sa ating building. Dito kasi nakatuon ang mga mata niya. My God! Those eyes, parang nakakatunaw!" kinikilig na sambit ng isang babae.

"Baka girlfriend niya ang kanyang hinihintay."

"Napakasuwerte namang babae iyon."

"Sa tipo niya, tiyak ang GF niya ay ang isa sa mga pambato natin sa beauty contest. Ang mga ganyang lalaki ay hindi papatol sa ordinary-looking girls na tulad natin."

"Yeah, baka nga hindi tayo pansinin kahit na batiin natin."

"Pero libre pa rin ang mangarap at tumingin, 'di ba?" bungisngis ng isang babae na malapit kay Aster. Naglabas din ito ng cell phone at kinunan ng picture si Code.

Inatake ng hiya si Aster. Batid niya na siya ang hinihintay ni Code. At oras na lumabas siya, tiyak na siya naman ang magiging topic ng usapan ng lahat. Halos nahuhulaan na niya ang magiging takbo ng usapan.

Tiyak na may pipintas sa kanya. Marami ang hindi maniniwala na may relasyon siya sa isang tulad ni Code.

Napatingin siya sa kanyang kanang kamay. Nang ikasal sila ni Code ay naghanda rin ng wedding rings ang mga magulang niya. Pero sa tuwi siyang pumapasok ay inaalis niya ang singsing. Ayaw kasi niyang matanong. Masyadong mahaba ang explanation. At kung uusisain pa ang tungkol sa kanyang asawa, hihingan siya ng picture nito, hindi maniniwala ang sinuman na pinakasalan siya ng isang tulad ni Code Jurado.

Ngunit ngayon... Hindi niya malaman kung lalabas na ng building o hihintayin na mag-uwian na ang lahat ng mga babaeng ito.

Nag-ring ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay agad niyang natuklasan na si Code iyon. Wala siyang choice kung hindi sagutin iyon.

"Hello?"

"Tama ba ang tanda ko na ten o'clock ang labas mo ngayong gabi?"

"Oo."

"So, where are you? Nandito ako sa parking lot sa labas ng college building ninyo."

"Dumaan saglit ako sa CR. Pero pababa na ako."

"You should hurry, baka makilala ako rito ng mga fans dati ni Naomi, pagbabatuhin ako. Some of her fans are still angry at me kahit na ang tagal nang nangyari iyon," pagbibiro nito.

Huminga nang malalim si Aster at nagsimulang maglakad patungo sa hagdanan. Next year, sa pag-e-enrol niya ay papalitan na niya ang kanyang apelyido. Marami tiyak ang mabibigla at magtatanong sa biglaan niyang pag-aasawa. Pero mukhang ang mga tanong na iyon ay kakailanganin niyang sagutin bukas oras na kumalat ang tsismis tungkol sa pagsundo sa kanya ni Code.

Ilang sandali pa at nakalabas na siya ng building. Diretso siyang naglakad palapit kay Code.

Ngumiti ito.

"Akala ko ay ilang minuto pa akong pagpipiyestahan ng tingin ng mga estudyante rito."

"Dapat ay sa loob ka na lamang ng kotse naghintay."

Napansin niya ang pagtutok ng mga mata nito sa kanyang kanang kamay.

"So, where's the ring?"

"Nasa bulsa ko. Baka kasi mawala."

"Aster, nasabi mo na ba sa mga classmate mo na nag-asawa ka na?"

Umiling siya.

"Put the ring on," anito.

Hindi niya naiwasang mapasulyap sa grupo ng mga kababaihan na nakatanaw sa mga bintana. Tiyak na todo na ang pintas na ginagawa ng mga ito sa kanya.

"What's wrong? Napag-usapan na natin ito, 'di ba? We are going to be a real married couple."

Kinuha ni Aster sa bulsa ang singsing at isinuot.

Inakbayan siya ni Code. Dinampian ng halik sa pisngi. Malakas ang kutob ni Aster na bukas ay siya ang magiging laman ng usap-usapan sa buong campus!

Nang nakasakay na sila sa kotse ay hindi niya maiwasang hindi sulyapan ang itsura niya sa rear view mirror ng kotse. With her glasses and braids, mukha siyang nerd. Hindi sila bagay ni Code. Kung gagawa sila ng pelikula, bida ang papel nito, samantalang siya ay ekstra.

Napahawak siya sa braid niya. Siguro dapat na niyang ipaputol ang kanyang buhok. Magpagupit ng naaayon sa latest fashion trend ngayon. Inayos niya ang kanyang salamin. Gumamit na rin kaya siya ng contact lens? Gusto niyang maging maganda siya or at least presentable kapag magkasama sila ni Code. Para hindi siya nakakahiyang ipakilala bilang asawa nito.

Noon niya napansin na tumigil ang Isuzu. Pero wala pa sila sa bahay! Nasa gilid sila ng isang madilim na eskinita.

"Nasiraan ba tayo?" usisa niya.

"No. Gusto ko lamang magkaroon tayo ng privacy."

Bago pa siya nakapagtanong muli ay tumungo ito at siniil siya ng halik sa labi. Bagama't nabigla siya, hindi siya tumutol. Mag-asawa na sila ni Code at normal na ang ganitong mga bagay.

Nang mag-angat itong muli ng mukha ay habol na ni Aster ang kanyang hininga. Naramdaman niya sa loob ng kanyang palda ang mga kamay nito.

"I'm glad na palda ang uniform sa school ninyo."

"Code, anong ginagawa mo?" Nag-panic siya. Nagpalinga-linga siya. "Baka may dumaan at makakita sa atin!"

Natawa ito.

"Tinted ang kotse ko. Kahit na lumapit pa sila at sumilip ay mahihirapan silang makita tayo." Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. "Shorts?"

"Masyadong maluwag ang palda namin, nakakahiya kapag malakas ang hangin."

"Well, this won't be a problem."

Muntik nang mapasigaw sa pagkagulat si Aster nang sabay na maibaba ni Code ang kanyang shorts at panties.

"Code, umuwi na lamang tayo sa bahay."

"Sorry, Mrs. Jurado, hindi na ako makakapaghintay." Ginagap nito ang isa niyang kamay at dinala sa harapan nito.

Nabigla si Aster sa natuklasan niya. Did she turn him on? Wala naman siyang ginagawa. Ang anumang pag-iisip at pagtatanong niya ay naputol nang maramdaman niya ang mainit at mapusok na labi ng asawa.

Napasandal siya sa pintuan ng kotse. Isang part niya ang nagpa-panic nang husto, ang nahihiya dahil sa ginagawa ni Code sa kanya. Ngunit hindi rin niya maitatanggi na mayroong excitement at kasiyahan siyang nararamdaman.

Napapikit siya. Tinakpan niya ang kanyang bibig para mapigilan ang paglabas ng ungol. Ang mga ginagawa ng bibig ng asawa sa most intimate part ng kanyang katawan ay tila sumusunog sa kanya, tumutunaw sa kanyang katawan. Ngunit kasabay rin noon ang isang kasiyahan na dumadaloy sa kanyang buong katawan.

Nang mag-angat ng mukha si Code ay muli niyang naramdaman ang mga kamay nito. Pumaikot iyon sa kanyang baywang.

"Code?"

"Hindi ito make-out session lamang," anas nito.

Walang anuman siya nitong binuhat at iniupo sa kandungan nito. Nabigla siya nang matuklasang nakalaya na ang pagkalalaki nito sa pantalon nito. Ito ang sumalubong sa kanya.

"Baka may makakita sa atin!" anas niya. Magkaharap sila ng asawa. Madilim sa eskinita ngunit umaabot sa kanila ang ilaw ng poste sa kabilang kanto. Malinaw niyang nakikita ang apoy sa mga mata ng lalaki.

"I really don't care anymore." Sinimulan siya nitong iduyan.

Napahawak siya sa balikat nito. Kahit minsan ay hindi niya inakalang makikipagniig siya sa front seat ng kotse! Ngunit nangyayari na ito ngayon!

Binuksan ng isang kamay ni Code ang blouse niya. Pinalaya ang isa niyang dibdib sa kanyang bra. Napaungol siya nang ikulong nito sa bibig ang dulo ng kanyang dibdib.

Hindi na niya nakontrol pa ang sarili. Kusang gumalaw ang kanyang balakang. Sinabayan ang pagdating ng mga ulos mula sa asawa. Pakiramdam niya ay naging isang katawan na lamang sila ni Code, isa ang galaw at kilos. Napapikit siya nang maramdaman niya ang pagdating ng kasukdulan. Binalot ang pagkatao niya ng masidhing kasiyahan nang dalhin siya ni Code sa ituktok. Naramdaman niya ang mabilis na pagsunod sa kanya roon ng lalaki.

Kapwa humihingal sila nang matapos ang pagniniig nila. Nakasubsob siya sa leeg nito.

"Inuubos mo ang lakas ko, Aster."

"What?"

Natawa ito. Dinampian siya ng halik sa labi bago siya ibinalik sa passenger seat. Sinimulan niyang hagilapin ang kanyang underwears.

"Don't bother to wear them. May karugtong ito pagdating natin sa bahay."

Napatitig siya nang husto kay Code. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin sa behavior na ito ng asawa.

"Siguro dapat ka nang magbuntis para maging obvious na sa lahat na misis kita. Mahihirapan ka na ring itanggi pa na mag-asawa tayo since mas nakakahiya kung iisipin ng lahat na dalagang-ina ka," anito bago pinaandar ang makina ng kotse.