image
image
image

EPILOGUE

image

As much as possible ay hindi umaakyat sa rooftop si Arnulfo Benitez. Ninenerbiyos kasi siya sa mga halamang lason na nakatanim doon. Kapag namali siya ng hakbang o napahawak sa mga halaman sa paligid niya ay baka agad na mabiyuda ang misis niya. Sa kabila ng pagkamatay ni Venus, nananatili siyang kampante na manatiling president ng Venom Corp. Ang pagiging CEO ng kumpanya ay hinayaan na niya kay Miss Pierce.

The woman had all the qualities needed to lead the company into the future. Tulad ng maraming naging desisyon ni Venus noon, tama rin ang ginawang pagpili nito kay Miss Pierce na maging successor nito. Ngunit malakas ang kutob niyang hindi lamang ang skills and abilities ng current CEO ng Venom Corp ang dahilan ng pagpili rito ni Venus. Bahagi si Miss Pierce ng mga long-range plan nito.

Kasalukuyang nakatayo si Miss Pierce sa tabi ng brick wall na nagbibigay proteksyon sa mga halaman sa malalakas na hangin dito sa itaas. Nagsisilbi ring animo protection railings ang hanggang dibdib na brick wall para walang mahulog sa gilid ng building. At kung tatayo ka sa tabi nito, maaari mong matanaw ang nangyayari sa ibaba at ang liwanag ng iba pang mga building sa paligid nila.

"Gabi na, Miss Pierce. You should go home," payo niya rito.

Nilingon siya ng babae. Ngumiti.

"Ikaw ang dapat na umuwi, Arnulfo. Sasama na naman ang loob ni Mildred kapag hindi ka naghapunan sa bahay ninyo."

"Tumawag na ako, sinabi kong medyo male-late ako dahil tinutulungan kita sa pag-assume mo ng position sa kumpanya. By the way, bukas ay magkakaroon tayo ng press conference para i-announce sa lahat ang formal na pag-take over mo sa Venom Corp. Makakabuti rin iyon para mapalagay ang loob ng ating mga investor."

Napatango-tango ang babae.

"Nasabi na sa akin iyan ng secretary ko. Iyan lamang ba ang dahilan ng pag-akyat mo rito sa rooftop, Arnulfo? I know na allergic ka sa lugar na ito."

Huminga nang malalim si Arnulfo.

"Gusto kong malaman kung ano ang balak mo sa Jurado brothers. Your predecessor, Miss Venus Omega wanted to destroy them. In the end, her hate destroyed her. Ayokong matulad ka sa kanya."

Naging seryoso ang mukha ni Miss Pierce.

"I am not like her. I will never be like her. Sinaktan siya at itinapon ng kanyang asawa. That will never happen to me, Arnulfo. My husband loves me and is faithful to me."

Kokonti lamang ang nakakaalam tungkol sa pagkakaroon ng asawa ni Miss Pierce. Ni-require rin kasi ni Miss Omega na gamitin ng babae ang unmarried name nito habang ginagampanan nito ang tungkulin bilang CEO ng Venom Corp. Ngunit nakilala na ni Arnulfo ang asawa ng babae at malaki ang kinalaman nito sa pagkakaiba ng ugali ni Miss Pierce kay Miss Omega. Kung hindi naging suwerte sa pag-ibig si Miss Pierce, nasisigurado ni Arnulfo na magiging katulad din ito ni Miss Omega.

"So, what do you plan to do now? Hindi mo maikakailang tulad ni Miss Omega ay may personal interest ka rin sa magkakapatid na iyon."

Napatingin sa malayo ang babae.

"Totoo ang observation mo, Arnulfo. Masasabing medyo obsessed din ako sa kanilang buhay. Pero kung makikialam ako sa buhay nila, it would not be because I want to make them suffer or kill them. Patuloy ko silang susubaybayan para masiguradong ang mga babaeng mamahalin nila ay hindi masasaktan at mananatili silang faithful sa mga babaeng iyon."

Bahagyang napailing si Arnulfo. Hindi na siya nagkomento. Wala naman kasing mangyayari sa opinyon niya. Like Miss Omega, very stubborn din si Miss Pierce. Mahirap baguhin ang isip nito. Iniwanan na niya ang CEO ng Venom Corp. sa garden nito. Inihanda niya ang sarili sa mga mangyayari sa susunod na mga araw. Mukhang hindi na naman maiiwasan ng Venom Corp. na ma-involve muli sa buhay ng Jurado brothers.

Thank you for reading Venom. If you enjoyed reading this e-book and want to know where to purchase my other e-books, please check out my facebook fan page http://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752 and my website, http://arielle-ebooks.weebly.com/

Scroll down to read an excerpt from Venom: Book 2 - Vanquish.

-Arielle Alia