Chapter 6

THE MAN was tall and whipcord lean. Nakapantalong maong na nakayakap sa mga binti nito na tila bisig ng babae. Naka-checked long-sleeved na blue, black, and white polo shirt na nakarolyo patungo sa siko. How could an ordinary shirt look sexy on this man? Brianna thought, habang ang mga mata ay patuloy na nakatitig dito.

He wore his hair long, shaggy style. Shoulder-length. Ilang hakbang na lang ito palapit sa kanila at nababanaag ni Brianna ang galit na anyo ng lalaki.

“Mukhang masungit, Brianna,” ani Melanie.

“Don’t worry,” may kompiyansa niyang sabi. Binuksan ang pinto at bumaba at hinintay ang paglapit nito. Ang thumb fingers niya’y nasa sinturera ng low-waisted jeans niya.

Apat na talampakan mula sa kanya ay huminto ito. At parang gustong pumalya ng ngiti ni Brianna. Tila siya itinulos sa kinatatayuan sa mga matang nakatuon sa kanya. The most stunning dark eyes she’d ever seen. Marahil ay nasa treinta y dos o treinta y tres ang edad. Mas mataas na di-hamak kay Danny at bagaman mas magandang lalaki si Danny, kung tutuusin, ang atraksiyon at sex appeal ng lalaking ito ay tila isinisingaw ng katawan. Unlike Danny who was a chronic flirt, may palagay siyang ni hindi kailangang magtaas ng daliri ng lalaking ito upang mapansin ng babae.

Nakatunghay ito sa kanya. He was astonishingly good-looking. May kaputian ito sa pangkaraniwan na marahil ang mamula-mulang balat ay sanhi ng pagbibilad sa arawan. Ang matangos na ilong ay yaong sa may dugong hindi purong Pilipino. At sucker siya sa mga lalaking may katangusan ang ilong. Kasi naman nga siya ay hindi naman katangusan ang ilong.

Marami na siyang nakatagpong magagandang lalaki at ni hindi siya naapektuhan sa mga iyon. Humahanga, totoo, pero hanggang doon lang. But this man’s raw sex appeal shook her. Not even Danny when she was still in love with him made her heart flutter like this. Tila naipit ang hininga niya sa lalamunan niya pero sinikap niyang ngumiti.

At total failure ang charm niya sa lalaking ito dahil hindi nagbago ang anyo nito. Nakadama siya ng pagkailang sa ginawa nitong paghagod ng tingin sa katawan niya. May suot siyang cardigan subalit hindi nakabutones.

And to her horror, nahantad dito ang tank top niya na ang laylayan ay ilang pulgada mula sa low-waisted jeans niya at nakahantad dito ang bahagi ng puson niya. Hindi lang iyon, wala siyang suot na bra at natitiyak nakabakat sa T-shirt niya ang dibdib niya. And to her horror, nag-react ang nipples niya sa pagkakatingin ng lalaki rito. At hindi niya kayang kabigin ang cardigan niya pasara sa mga sandaling iyon dahil magmumukha siyang kahiya-hiya.

Nag-init ang mga pisngi niya. “What are you looking at?” asik niya na nakataas ang mukha nang nananatili ang mga mata nito sa dibdib niya. At pagkatapos ay dahan-dahang bumaba iyon sa tiyan niya, sa paraang nagsu-survey ng pag-aari nito.

WALANG natatandaan si Shaun na may babaeng nagreklamo sa atensiyong ibinibigay niya sa katawan ng mga ito. Lalo na sa isang ito na kung tutuusin ay hindi naman kataasan. He could easily pick her up with one hand. Pero may kung anong mayroon ang babae na sa sandaling natitigan niya ito at ang katawan nito ay may iglap na pagtugon sa katawan niya. She wasn’t even that beautiful!

Nakasalamin pa. Gusto niyang itaas ang kamay at alisin ang salamin mula rito at titigan ang mga mata nito. Nakasabog ang buhok nito dahil hinihipan ng hangin. Iniisip niya kung ano ang anyo nito sa unan niya sa ganoon ding magulong buhok habang katalik niya ito.

He cursed inwardly at his wayward thoughts. He couldn’t believe he was thinking of sex by just staring at this woman. Wala siyang natatandaang nangyari sa kanya ang bagay na iyon maliban noong siya ay binatilyo.

Gayunman, hindi kayang ignorahin ni Shaun ang anyo nito. Ang mapang-akit na mukha ay biniyayaan din ng magandang hugis ng katawan. Hindi ito maputi at kung tutuusin ay hindi niya type ang mga morena. Subalit naakit siyang titigan ang maliit nitong baywang, bilugang balakang at magagandang biyas. Natitiyak niyang kung ire-rate niya ang likod nito ay kartada diyes ang makukuha nito.

Ang ipinagtataka niya ay ang reaksiyon ng katawan niya sa babaeng ngayon lang niya nakatagpo. Maraming babaeng tahasang nagpapakita ng motibo na gusto siya ng mga ito at nakahandang ipagkaloob ang ano mang naisin niya. Magagandang babae. Higit na magaganda kaysa nasa harapan niya ngayon. At wala pang umangil sa kanya kapag hinahagod niya ng tingin ang mga ito. Pero wala alinman sa mga iyon ang pumukaw sa pagkalalaki niya tulad ng babaeng ito sa mismong sandaling iyon. And this was ridiculous. Kung ibababa ng babaeng ito ang mga mata ay baka makita nito ang reaksiyon ng pagkalalaki niya. At isang malaking kahihiyan iyon.

“It’s thirteen here, hindi ka ba nilalamig?” he drawled wryly, nakayuko sa nakahantad nitong tiyan.

“Wala kang pakialam!” she hissed.

“Nag-aalala lang ako baka mapulmonya ka,” nakakalokong sabi ni Shaun. Then he shrugged. “So, hindi maaaring nakatayo lang tayong pareho rito. Isa sa atin ang dapat na umatras. At ikaw iyon.” He said the last sentence with emphasis.

“Bakit ako? Wala akong aatrasan!”

“Walang aatrasan?” Nag-angat si Shaun ng paningin sa may likuran nito. "Ilang yarda mula rito ay isang maluwang na bahagi ng daan. Huminto ka dapat doon nang makita mo ang truck ko sa ibaba.”

Brianna almost rolled her eyes. Sinabi at inanyo nito ang ginawa ng babae kanina. Kaya inulit din lang ni Brianna ang sinabi niya sa kasama nito. In a haughty way she said: “Wala akong nakikitang lugar na maaaring hintuan. Ang nakikita ko’y puro bangin at wala akong balak mahulog. Hindi rin kita nakitang paparating!”

“Mula sa itaas ay nakikita ng kahit na sinong driver ang paparating na sasakyan. Dapat ay nagbigay ka.” The irritation was apparent in his voice. Then he frowned, bahagyang yumuko at sinulyapan si Melanie. “Turista ba kayo?”

“Yes,” sagot ni Melanie na nagsalita sa unang pagka-kataon at bumaba na rin ng kotse. “Hindi namin nakita ang sasakyan mo mula sa itaas, ipagpaumanhin mo.”

He muttered something Brianna didn’t catch. Hindi pa rin siya makaapuhap ng salita. Sa halip ay napatitig siya rito. Sa mga mata nito. Kay itim ng mga mata nito na sa wari ay nanunuot sa buong kalamnan niya hanggang buto. And the eyes seemed familiar. He looked familiar, too. She shook her head inwardly. Alam niyang hindi pa sila nagtatagpo ng lalaking ito.

Then again he muttered something. The F word. Napangiwi siya.

“Patungkol ba sa akin ang inusal mo?” nangga-galaiting tanong niya. His wasn’t a typical male reaction. Alam ni Brianna ang epekto niya sa mga kalalakihan at sa maraming pagkakataon ay nagagamit niya ang kaalamang iyon sa kanyang bentaha. Unfortunately not today. Not to this gorgeous man with bad attitude.

At kung nakita man niya ang ginawa nitong paghagod sa katawan niya ay hindi iyon paghanga kundi tila pa nga nang-iinsulto, making her feel cheap.

“Hindi ako nagmumura sa babae kahit na gaano pa kairitable,” he barked. "At late na ako sa appointment ko. Kaya kung maaari sana...” he said in a soft voice laced with sarcasm, “umatras ka na. Bago kayo lumiko pababa rito ay may isang patag na lugar sa bandang kanan.”

Brianna bristled and was horrified at the same time. Subalit pinanatili niyang nakatago iyon. Hindi niya gustong ipaalam ditong natatakot siyang umatras sa makitid na zigzag. Nilingon niya ang pinanggalingan nila.

“Tripleng haba ang aatrasan ko kung ako ang aatras at matalim na ang kurbada sa ibaba,” anito sa tonong nagpipigil ng galit. “Ano mang sandali ay maaaring may darating na sasakyan mula sa ibaba o sa itaas. Hindi natin gustong magkabuhol-buhol tayo rito dahil lang hindi mo gustong umatras.”

Brianna rolled her eyes. Sinabi uli nito ang sinabi ng babae kanina.

“Tama siya, Brianna,” ani Melanie mula sa likuran na hindi niya namalayang lumakad pabalik sa pinanggalingan nila at ngayon ay pabalik na uli sa sasakyan. “May bahaging puwede tayong umatras at huminto. Come on... it’s getting dark.”

“At least, your companion has the good sense to see reason.”

“And I don’t?” Her eyes were in slits.

“Don’t let me stress the obvious.”

“Aba’t—”

“Brie,” tawag ni Melanie upang pigilan siya sa pakikipagtalo.

Ibinagsak niya ang mga balikat at hinayon niya ang tinukoy ni Melanie. Naroon pa rin ang takot sa dibdib niya pero gugustuhin pa niyang tumalon sa bangin kaysa aminin iyon sa harap ng walang modong lalaking ito. She gave him another sharp glance before she climbed back inside her car.

“Ingat,” he said sarcastically, sinabayan ng kaway.

Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kotse. “Napakawalang modo! Hindi marunong magbigay sa babae!” aniya habang sinusundan ito ng tingin pabalik sa truck nito.

“Tama naman sila at nakakaabala tayo. At baka nga mas sharp ang daang paliko sa ibaba.”

“Bastos kung makatitig!”

“Hindi mo naikabit iyang mga butones mo nang isuot mo kanina sa kotse pagkagaling natin sa gas station. Kahit sinong lalaki ay tititigan ka. Manhid lang iyong hindi.”

She sighed. Pinalis sa isip ang mga mata ng lalaki habang hinahagod ng tingin ang katawan niya na sa totoo lang ay may init na idinulot sa kanya. Init na naglandas hanggang sa may ibaba ng tiyan niya. At nais niyang manghilakbot sa damdamin niyang iyon. She shook her head inwardly. Nagbuntong-hiningang muli.

“Natitiyak mo bang kaya kong umatras paitaas patungo sa lugar na sinasabi mo?”

“I have faith in you,” pampalakas-loob nito na sinabayan ng ngiti. "Dahan-dahan lang ang pag-atras at pumuwesto ka sa kaliwang bahagi ng daan.”

Pinaandar niya ang kotse at dahan-dahan ang ginawang pag-atras. Puno ng takot at kaba ang dibdib. Ilang sandali pa’y nakita na niya ang kapirasong bahagi ng daan kung saan puwedeng gumilid—sa may bahagi iyon ng bangin!

Naduduwag na siya subalit napuna niyang nakasunod na ang pickup truck sa kanila, naghihintay na igilid niya ang sasakyan. Sa kabila ng takot na baka anumang sandali ay mahulog sila sa bangin, nagawa niyang imaniobra ang sasakyan doon. Gumigiti ang pawis niya sa paligid ng noo niya sa kabila ng napakalamig na temperatura.

Tiningnan niya ang kanang bahagi ng daan. Matarik ang bangin na sa pakiwari niya ay ilang talampakan na lang mula sa hulihang mga gulong niya. Sa ibaba, na sa tantiya niya ay humigit-kumulang sa isandaang talampakan mula sa itaas ay ang bubungan ng mga bahay. Sa gilid ng bangin ay mga hindi pa magugulang na pine trees.

Naningkit ang mga mata niya sa pinagsamang galit at takot. “Bakit hindi nilagyan ng harang ang daang ito?”

“Alin na lang sa karagdagang atraksiyon sa mga turista ang thrill o walang budget ang local government.”

Ang ano mang isasagot niya ay napigil sa lalamunan niya nang dumaan ang pulang pickup truck. Tinted ang mga salamin ng truck kaya hindi niya nakita ang mga ito. She flared her nose in anger. Hindi niya matiyak kung kanino siya nagagalit dahil saan man daanin ay tama naman ang lalaki. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hinayaan niyang mawala ang control niya sa sarili sa lalaking iyon. Napakapasensiyosa niya. Slow to anger. Katunayan ay mas maraming nakaiiritang ugali si Danny na pinararaan niya.

You loved Danny, wika ng isip niya. She made a face.

Ilang sandali pa ay tinatahak na uli nila ang delikadong daan pababa. At ipinagpasalamat niyang wala na silang nakasalubong pa. Nasa patag na lugar na sila sa ibaba nang magtanong sila sa isang tagaroon kung saan banda ang bahay ng mga Nobleza.

“Ay, pasensiya na pero wala akong kilalang Nobleza na tagarito, ading...” wika ng matandang lalaking hinintuan nila. “Kung may alam man akong mga Nobleza ay sa Dilisan.

Napakunot-noo siya at nilingon si Melanie. Pagkatapos ay ibinalik ang mga mata sa matandang lalaki. “Hindi ho ba Dilisan ang lugar na ito?”

“Dilisan?” Ang kunot sa noo ng matanda ay lumalim. Kapagkuwa’y ngumiti ito at nahantad ang mga ngiping naninilaw sa nganga. “Naliligaw kayo, mga ading. Ito ang Barangay Aguid. Nilampasan na ninyo ang Dilisan.”

Ibinagsak ni Melanie ang ulo sa headrest habang napaungol naman si Brianna. Pagkatapos ng takot sa zigzag at pag-atras sa makitid na daan at encounter sa nakasalubong nilang sasakyan at ang driver nito ay mali naman pala ang pinatunguhan nila.

“Dapat ay kumanan kayo doon pa lang sa may bungad hindi kalayuan sa poblacion. Iyon ang Dilisan at doon nakatira ang mga Nobleza. Walang ibang malaking bahay kayong makikita roon kundi ang kanila. Pag-aari nila ang lupang nakapaligid.”

Brianna rolled her eyes. Ang “hindi kalayuan” na sinasabi nito ay isang oras na biyahe mula poblacion. Napailing siya. Nagtanong pa sila kung paano ang pagtungo roon at pagkatapos ay nagpasalamat. Isang oras pa uli ang ibiniyahe nila pabalik at halos alas-sais na nang sapitin nila ang Dilisan. At tama ang matanda dahil sa pag-akyat patungo sa Dilisan ay wala silang nakitang malaking bahay kundi ang sinabi ng matandang lalaki. Lahat ng bahay na dinaanan nila ay pawang napapalibutan ng mga yero, na ipinagtataka niya kung bakit.

“Wow!” bulalas ni Melanie. “Kakaiba ang bahay ng mga magulang ni Ismael sa mga bahay na dinaanan natin kanina. Hindi madali ang maghakot ng bato at semento sa lugar na ito, ha. Makikitid at paikut-ikot ang daan.”

Kinakabahang hinayon ng tingin ni Brianna ang bahay ng mga magulang ng kanyang ama mula sa daan. Dalawang palapag at konkreto. Puti ang pintura at ang window frames ay dark brown. Ang mga bintana ay may mga rehas na bakal na maganda ang disenyo. Ang mismong overhang sa may patio ay napapaligiran ng bulaklak na bumabaging. Mula sa daan ay may malapad na driveway papanhik sa malaking bahay. Napapaligiran iyon ng mga puno ng pino. Sa gilid ng driveway ay nakahilera ang mga lily of the valley.

Brianna was driving slowly. May kabang namuo sa dibdib. Hindi siya nakatitiyak ng pagtanggap sa kanya ng mga grandparents niya at gabi na para maghanap ng matutuluyan.

Ilang sandali pa ay nasa harapan na sila ng malaking bahay. Hindi niya tinangkang ipasok ang kotse niya malapit sa garahe. Inihinto niya iyon sa bahaging malapit sa driveway.

“Hindi ba iyan iyong pickup na nakasalubong natin kanina pagbaba sa Barangay Aguid?” ani Melanie na bumaba ng sasakyan at inginuso ang bahagi ng garahe.

Sinundan niya ng tingin ang tinukoy ni Melanie. Sa garahe ay may isang owner-type jeep at isang Pajero. Nakaharang dito ay isang pickup truck, kamodelo at kakulay ng nakasalubong nila kanina.

“Baka kapareho lang ng kulay. Red is a common color among trucks,” aniya at inalis na ang pansin doon. Nakatuon ang buong isip at damdamin niya sa paghaharap nila ng mga grandparents niya. Kung paano tatanggapin ng mga ito ang presensiya niya lalo at siya ang magbabalita na wala na ang daddy niya. Nagsisimula na siyang kabahan.

“Sa palagay mo, tatanggapin tayo?”

“Bakit naman hindi? Apo ka nila at base sa mga sulat na ipinadala nila sa daddy mo sa nakalipas na mga taon ay hinihintay nila ang pagbabalik ninyo,” pampalakas-loob na sagot ni Melanie.

“Totoo. Pero hindi nila alam na patay na si Daddy.”

Hinawakan siya nito sa braso at hinila patungo sa patio. “Let’s find out. Kapag itinaboy tayo ay malamang na bibiyahe tayo pabalik ng Banaue at doon maghahanap ng lodge.”

May brass knocker ang malaking pinto at ginamit nila iyon. Ilang sandali pa ay isang babaeng nasa singkuwenta mahigit ang edad ang nagbukas ng pinto sa kanila.

“Sinno ti masapul yo?” tanong nito.

“Magandang gabi po. Maaari po bang makausap si Mrs. Rosa Nobleza?” ani Melanie nang hindi agad magsalita si Brianna.

“Sino sila?”

“Ako ang anak ni Ismael, ang—”

Hindi natapos ni Brianna ang sasabihin dahil napasinghap nang malakas ang nakatatandang babae. “Anak ka ni Ismael!” Hindi maipaliwanag ang damdaming gumuhit sa mukha nito. Nanatiling titig na titig ito sa kanya at kapagkuwa’y mabilis na tumalikod at iniwan sila sa pinto. Nagkatinginan ang dalawa. Melanie shrugged.

Kapagkuwa’y nakarinig sila ng mga tinig sa may bahagi ng kabahayan na sa wari ay nagkaroon ng pagkagulat at excitement. Ilang sandali pa’y papalapit na ang mga tinig. Kasama ng matandang babaeng nagbukas sa kanila ng pinto ay natitiyak niyang ang lola niya. She must be in her mid-sixties. Maputi na halos ang buhok. With her was a handsome man in his forties. Hindi mahirap hulaan na ito ang nakatatandang kapatid ng daddy niya. Mapagkakamalang kambal ang dalawa.

Ilang hakbang mula sa kanya ay nahinto sa paghakbang ang matandang babae. Hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “B-Brianna...” wika nito sa nanginginig na tinig. “Ikaw nga ba?” Inilahad nito ang dalawang kamay sa kanya at sa marahang paghakbang ay pumaloob siya roon.

Humagulhol ng iyak ang matandang babae. Si Brianna ay sinisikap na kontrolin ang sarili bagaman nag-iinit ang mga mata.

May ilang sandali ring nakapaloob siya sa mga bisig nito habang humahagulhol. Kapagkuwa’y kumawala ito at muli siyang hinagod ng tingin. “Nagdakkel ka metten... kay laki mo na.” Nilingon nito ang kasamang lalaki. “This is your Uncle Vince. Nakatatandang kapatid siya ng daddy mo. Siguro ay hindi mo na siya... kami natatandaan. Magpipitong taon ka nang... nang umalis kayo ni Ismael dito...”

Isang masuyong ngiti ang ibinigay ni Vince sa kanya at mula sa mga bisig ng kanyang abuela ay ito naman ang yumakap sa kanya. “Welcome home, Brianna.” Gumaralgal ang tinig nito at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo.

“Tayo na sa loob,” anyaya ni Vince at kunot ang noong sinulyapan si Melanie. “May kasama ka, Brie?” anito at tinitigan si Melanie na nasa bukana pa rin ng pinto.

“Si Ate Melanie.”

“Pleased to meet you,” ani Vince, humakbang palapit at inilahad ang kamay. Ang mga mata’y titig na titig dito.

Isang alanganing ngiti ang iginanti ni Melanie kasabay ng pagtanggap sa kamay ni Vince. “Same here.” Pagkatapos ay dahan-dahan nitong hinila ang kamay nang sa wari ay hindi agad nito binitiwan iyon.

“Tayo na sa loob,” ani Vince at ibinalik ang pansin kay Brianna. "Hindi ako makapaniwalang narito ka ngayon, Brie. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Only that you made me and your grandmother so happy...” Puno ng sinseridad ang tinig nito.

“Dininig ang aking panalangin, Vince,” wika ng matandang babae, masuyong hinawakan sa magkabilang pisngi si Brianna.

“Tamang-tama at malapit nang maluto ang hapunan. May bisita rin ako.” Sinulyapan ni Vince ang babaeng nagbukas sa kanila ng pinto na nakatayo sa isang malaking entrada na marahil ay patungo sa dining room. “Manang Maura, magpadagdag kayo ng lulutuin. Dalawang putahe pa.”

Mataman pa muna nitong tinitigan si Brianna sa hindi makapaniwalang tingin bago atubiling tumalikod.

“Limang taon ka nang iwan ng mga magulang mo ang Baguio at dito nanirahan. At iyon ang isa sa pinakamaligayang sandali sa buhay naming ng lolo mo. Si Maura ang naging yaya mo, Brie, kapag iniiwan ka ng mommy mo rito sa bahay,” wika ng lola niya. “Isa siya sa labis na nalungkot nang umalis kayo ng daddy mo.”

“I-I’m sorry...” Sinundan niya ng tingin ang dinaanan ni Maura. "Hindi ko na siya matandaan.”

“Mauunawaan ni Maura iyon. Napakabata mo pa nang umalis kayo rito ni Ismael.” Kapagkuwa’y kumunot ang noo ng matandang babae, itinuon ang pansin sa nakabukas na pinto. “Hindi ninyo kasama si Ismael?” Humakbang ito palabas upang sumilip.

Nagkatinginan sina Brianna at Melanie. Hindi malaman ni Brianna kung paano magsisimulang sabihin sa abuela na wala na ang daddy niya.

“Lola... k-kami lang po ni Ate Melanie...”

“Mama, paupuin muna natin sila. Natitiyak kong napagod sila sa mahabang biyahe.” Inakay siya ni Vince patungo sa malaking sala.

Inikot ng tingin ni Brianna ang buong kabahayan. Lahat ay yari sa pinewood. Barnisado. Kahit ang sahig ay makikintab na pinewood, maging ang mga wooden beam at kisame. Sa isang sulok ng bahay ay ang hagdan at ang ginamit na kahoy ay ganoon din. She was fascinated.

“Shaun, hijo. Tingnan mo kung sino ang dumating!”