Chapter 7

NAHINTO sa ginagawang pagsuri sa kabahayan si Brianna nang marinig ang abuela. Napatuon ang pansin niya sa isang dako ng sala at napahinto siya sa paghakbang nang makita ang tinukoy ni Rosa. Ang lalaking nasa bahagi ng bar at kasalukuyang naglalagay ng yelo sa baso ng alak ay ang lalaking nakatagpo niya kanina sa makurbadang daan. Ang babaeng kasama nito ay nakaupo sa isang malaking sofa na yari din sa pinewood bagaman may makakapal na kutson at malalaking throws.

Hindi malaman ni Brianna kung bakit sa wari ay may humahalukay sa sikmura niya pagkakita rito, kasabay rin naman ay ang kasiyahang nagkita silang muli. She wanted to kick herself. Saan galing ang tuwang nararamdaman niya nang makita ito gayong kanina lang ay galit na galit siya sa lalaking ito?

Agad na humakbang palapit sa kanila ang lalaki nang pumasok sila sa malaking sala. Sa kamay nito ay ang baso ng alak.

“Shaun, hijo, I want you to meet my granddaughter, Brianna!” exclaimed Rosa. Hindi maikakaila ang kaligayahang nadarama. “Nasabi ko na sa iyo noon pa ang tungkol sa panganay kong anak na si Ismael. Brie, hija, this is Shaun...”

No, she thought. Hindi niya gustong kamayan siya ng lalaking ito. She knew she won’t be the same again the moment they touched. Kahit na simpleng pakikipagkamay lang. Kaya naman nanatili siya sa kinatatayuan niya, ilang hakbang mula rito. Subalit inakay siya ni Rosa palapit dito.

The man’s mouth twisted in a wry smile, at tila ba nababasa nito ang iniisip niya dahil hindi na ito humakbang pa palapit at hindi rin nito inilahad ang kamay. Ipinagpasalamat nang lihim ni Brianna ang bagay na iyon. At nang muling bumaba ang mga mata nito sa nakahantad na bahagi ng tiyan niya ay muling nag-init ang mukha niya. Sinikap niyang huwag maapektuhan sa titig ng insolenteng lalaki.

“We’ve met, Auntie,” anito kasabay niyon ay dinala sa bibig ang basong hawak at marahang sinimsim. He was staring at her under the rim of his glass.

Auntie? A relative? Hindi niya maipaliwanag ang disappointment na nadarama sa kabila ng lahat. Kamag-anak nila ang lalaking ito?

Pinaglipat-lipat ni Rosa ang paningin kay Shaun at sa kanya. “Nagkakilala na kayo? Saan?”

“Nakasalubong namin sila patungong Aguid, Auntie...” Ang babaeng kasama nito ang sumagot mula sa kanang bahagi ng sala.

“Aguid, hija? Nagtungo ba muna kayo sa Bomod-Ok Falls?”

Brianna shook her head, sandaling dinaanan ng tingin si Shaun na nanatiling nakatitig sa kanya. Naiilang na ibinalik niya sa abuela ang paningin. “N-no. Hindi kami nakarating doon, Lola...” She paused.

“Nang una ko siyang matitigan kanina, Auntie, naisip kong nakita ko na siya,” wika ng babae na nagsalita muli. “Now I know. Somehow, she looks like Nathalie. There’s a resemblance, no matter how small.”

Brianna beamed. “Really? I’m glad to hear that. Daddy used to say I looked like Grandpa.”

“At iyon ang totoo,” mariing segunda ni Rosa. Kapagkuwa’y nagkalambong ang mga mata sandali. Subalit sandali lang iyon, muli itong ngumiti. “At ito naman si Valerie, Shaun’s sister-in-law. Valerie, my granddaughter. And this is her friend, Melanie.”

Lalong lumalim ang disappointment na nararam-daman ni Brianna sa narinig. The man wasn’t just a relative but very much married, too.

“Hi.” Pilit ang ngiti ng babae sa kanila.

“Hello, again,” ani Brianna at gumanti ng ngiti. Si Melanie ay tinanguan ito.

Nilingon ni Rosa si Vince. “Magpadagdag ka pa ng lulutuin, hijo. This calls for a celebration!”

“I already did, Mama.”

Inakay ni Rosa si Brianna na maupo sa isang bahagi ng sofa na katapat ng kinauupuan ni Shaun at ng kasama nito, hindi maipagkakaila ang kaligayahan ng matandang babae.

“Halika, hija, kuwentuhan mo ang lola ng mga pangyayari sa inyo ng daddy mo sa nakalipas na mga taon. Nagpapasalamat akong pinayagan ka ni Ismael na magtungo rito. Kay tagal ko na kayong hinihintay na mag-ama. My goodness, marami tayong pag-uusapan...” She laughed happily, then frowned, “Ang daddy mo, bakit hindi mo kasama? Nagagalit pa rin ba sa amin si Ismael? Hindi pa rin ba niya kami napapatawad?”

Brianna bit her lip. Hinanap ng paningin niya si Melanie na nasa isang bahagi ng sala malapit sa malaking bintana at kausap si Vince. Narinig marahil ni Melanie ang tanong ng lola niya kaya lumingon ito sa kanya. Sandali lang itong nag-atubili at kapakuwa’y isang marahang tango ang ginawa nito.

Ibinalik ni Brianna ang paningin sa abuela. “Lola...” She swallowed. "Isang taon at tatlong buwan na pong namamatay si Daddy...” she said with a break in her voice.

Brianna heard a gasp. Hindi niya alam kung kanino nanggaling: Kung sa tiyuhin o sa abuela. At ikinababahala niya ang pagdadala ng masamang balita sa pamilya ng ama niya.

Napahawak sa dibdib si Rosa. Sa isang mahabang sandali ay umiral ang nakaiilang na katahimikan. Napalingon kay Vince si Brianna na ang pagkabigla ay nakabalatay sa mukha. Kapagkuwa’y bumulalas ang abuela niya ng iyak. Hindi malaman ni Brianna ang gagawin lalo na nang lumakas ang hagulhol nito. Si Vince ay agad na nilapitan ang ina kasabay ng pagtayo ni Shaun mula sa sofa upang lumapit din.

“Nakakabigla ang pangyayari, Mama. Hindi natin parehong inaasahan ang balita. Subalit kailangang ikalma mo ang sarili mo,” ani Vince sa gumagaralgal na tinig.

“Auntie, alalahanin ninyong kagagaling lang ninyo sa ospital,” paalala ni Shaun.

Sa kabila ng lahat ay hindi maiwasan ni Brianna ang mapatingin dito. His voice was so masculine. Tila dumadagundong mula sa dibdib nito. Nararamdaman marahil nito ang pagtitig niya at bumaba sa kanya ang mga mata nito at sa wari ay nakulong sa lalamunan niya ang kanyang hininga. Sa ilang sandali ay naghinang ang kanilang paningin. Si Brianna ang unang nagyuko ng ulo. She was certain she had seen those dark, penetrating eyes, natitiyak niya.

“Hindi man lang sila nagkitang mag-ama,” usal ni Rosa na patuloy sa marahang pag-iyak. “Marahil ay taglay ni Ismael ang galit sa atin hanggang sa kamatayan.” Nag-angat ng luhaang mga mata si Rosa kay Brianna. “Ang lolo mo’y wala pang isang buwang namamatay. Ni hindi ka niya nakita...” Muli itong humagulhol ng iyak. “Nitong nakalipas na dalawang taon ay ilang beses niyang binalak na puntahan at makita ka man lang.

Subalit...” Umiling ito at muling umiyak. “Subalit itinataboy kami ng daddy mo, Brie,” Vince said. Itinuloy nito ang sinabi ng ina. Magkakasama sa tinig ang pait, galit, at pagdaramdam. “He was so unfair! Ilang taon din bago namin nalaman ang bahay ninyo sa Laguna. Thanks to the Internet,” he added the last sentence with sarcasm. “At nang magtungo kami roon at sa trabaho niya ay itinaboy niya kami. Kahit anong pakiusap namin ay bingi ang kapatid ko!” Hinawakan nito ang batok at tumingala sa kisame upang marahil ay ibalik ang mga luhang nakita ni Brianna na kumikislap sa mga mata nito. Kapagkuwa’y tumalikod at sinuntok ang unang posteng nakita.

Napalapit nang wala sa oras si Melanie rito. Akma nitong hahawakan si Vince subalit huminto sa ere ang kamay nito. Embarrassed, dahan-dahan itong umatras pabalik sa may bintana.

“Namatay si Ismael na hindi man lang pinakinggan ang panig namin!” Vince looked like a wounded animal. Angry and hurt.

Hindi alam ni Brianna kung ano ang tamang sasabihin. Sa kabila ng hindi naman niya nakasama ng napakahabang panahon ang lolo niya ay gusto niyang mamighating wala na ito. Ni hindi niya mailarawan sa isip niya ang anyo ng lolo niya. Gayunman ay ikinalulungkot niyang hindi sila nagkita. Ikinalulungkot niyang hindi man lang nagkausap ang daddy niya at ang lolo niya. At nakita niya ang kapighatian sa mga mukha ng tiyuhin at abuela.

Palipat-lipat ang paningin niya sa abuela at tiyuhin. Nalilito. Nag-aalala. Unsure of what to say and do. Ang abuela niya ay tila tumanda ng ilang taon sa mismong harap niya. Tears started to form in her eyes but she blinked them back. Nang mag-angat siya ng paningin ay naroong muli ang maiitim na mga matang iyon na tila nanunuot sa kaloob-looban niya. A shiver ran down her spine.

Hinawakan siya ni Rosa sa braso na ikinagitla pa niya at napatingin dito. “Hija,” anito habang ang isang kamay ay pinupunasan ang mga luha mula sa panyong iniabot dito ni Vince. “Nais kong magpahinga sandali. Ipagpaumanhin mo. Si Uncle Vince mo na muna ang bahala sa inyo.”

“I-I understand...”

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan nito.

Kaduaean ka didiay kuwartom, Mama.”

“Hindi na kailangan, hijo. May mga bisita tayo. Asikasuhin mo sila. Sabihin mo kay Maura na igayak ang mesa. Baka hindi ninyo ako makakasama sa hapunan.” Nilingon nito si Shaun. “Ipagpaumanhin mo, hijo...”

“Don’t worry about us, Auntie. Magpahinga kayo at ikalma ninyo ang sarili.”

“Will you be fine?” Brianna asked worriedly.

Mapait na ngiti ang gumitaw sa mga labi ni Rosa. Hinawakan siya nito sa pisngi. “I will be in a while, hija.” Tumalikod na ito nang biglang huminto at muli siyang nilingon. “Nag-check in ba kayo sa isa sa mga lodges sa Banaue o dumiretso kayo rito?”

“D-dito po kami dumiretso.”

May pagsang-ayong tumango ito. “That’s good. This is your home so make yourself comfortable.”

Sinundan niya ng nag-aalalang tingin ang abuela na inakay ni Vince patungo sa malaking hagdan. She felt like crying. She wanted to hate her father for doing this to her grandmother. She must have missed his son so much for years. Pero hindi niya alam ang kuwento kung bakit iniwan ng daddy niya ang pamilya nito kaya wala siyang karapatang magalit sa namayapang ama. More than ever, ngayon niya nais malaman ang sekreto kung bakit iniwan ng daddy niya ang pamilya nito.

Without being aware, nag-akma siyang tatayo upang sundan ito. Isang kamay sa balikat niya ang naramdaman niyang pumigil sa gagawin niya. When she looked up, Shaun’s dark eyes bore into hers. Again, despite the situation, she felt the unwelcome sexual awareness. Pure and unadulterated. Naisin man niyang itakwil ang damdaming iyon ay hindi niya maiwasan. This man radiated sexuality. Wouldn’t any reasonable woman be attracted to him?

“Allow her the time to grieve,” came the firm masculine voice. “Kamamatay lang ng lolo mo at ngayon ay nalaman niyang wala na ang anak niyang kay tagal niyang hinintay na magbalik.”

“A-are you a relative?” Itinanong niya ang unang pumasok sa isip niya. At hindi tama ang nararamdaman niya dahil may asawa na ito. Kailangan niyang awatin ang sarili.

The twitching of his lips could be a smile but Brianna wasn’t so sure. “Everyone is an auntie and an uncle. The Noblezas are family friends and business associate.”

“I see.” Sinundan niya iyon ng marahang tango.

“Come. Table’s ready. Sumesenyas na si Manang Maura.” Iniabot nito ang isang kamay sa kanya. Alanganing tinanggap niya iyon at tumayo. An electrical charge shot up Brianna’s arm. Muntik na niyang bawiing bigla ang kamay niya. Dahil tama ang hinala niya kanina, because the moment their hands touched she felt a certain shot of pure lust spread through her. At gumapang iyon patungo sa pagkababae niya.

Manghang napatingala siya rito. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong uri ng damdamin. Nakita niya ang biglang pagsasalubong ng mga kilay nito na sa wari ito man ay ganoon din ang nadama. But that was stupid of her para isipin iyon.

“Dinner’s ready, ladies. Brie?” Itinuon ni Vince ang paningin sa kanya at nang makitang inaakay na siya ni Shaun ay ibinalik nito ang atensiyon kay Melanie.

Ipinagpasalamat niyang natuon ang pansin niya kay Melanie. She had never seen Melanie look so coy. Higit sa lahat ay hindi pa niya ito nakitang nauumid sa harap ng lalaki. At iyon ang nakikita niya rito. Looking at her uncle, napaka-obvious na binibigyan ng tiyuhin niya ng kakaibang atensiyon si Melanie. It could be attraction at first sight, parehong sa dalawa. She almost smiled. Oh, well, sana ay magkaroon ng magandang resulta ang lahat ng ito. For Melanie. But it was too early to tell.

“What was the smile all about?” bulong ni Shaun sa may tainga niya na nagpahugot ng kanyang hininga. Ang init ng hininga nito sa tainga niya ay nagdulot ng kakaibang kilabot sa kanya.

“N-nothing... just remembered something funny.”

“Your uncle is attracted to your friend,” dugtong nito sa mahinang tinig. “Just wish the attraction is mutual.”

That was perceptive of him. Akala niya’y siya lang ang nakapuna. Hindi na niya sinagot iyon. Nanatiling nasa likod ng siko niya ang kamay ni Shaun at ang puso niya ay bumibilis ang pintig. Nakakailang hakbang na siya nang wala sa loob siyang lumingon. Kasunod nila si Valerie na kung palaso ang lumalabas sa mga mata nito ay nabuwal na siya. Napahugot siya ng hininga. Marahil ay nagagalit ito para sa kapatid nito.

Disimuladong binawi niya ang siko niya mula sa pagkakahawak ni Shaun at binilisan ang hakbang. Marahil ay umaaktong maginoo lamang ito at hindi dapat bigyan ng masamang kahulugan. Gayunman, ay kasunod nila ang sister-in-law nito at hindi magandang tingnang inaakay siya ni Shaun patungo sa dining room sa halip na ito.

Hindi bumaba sa hapunan ang Lola Rosa niya at pinadalhan na lang ito ni Vince ng pagkain sa itaas. Ang usapan ay nagmumula kay Valerie na tinitiyak na ang topic ay wala silang maibabahagi ni Melanie. Subalit laging isinasali ni Vince sa usapan si Melanie at Brianna. Si Shaun ay sumagot-dili na sa tuwing mag-aangat siya ng paningin ay nakikita niyang nakatingin sa kanya sa nagsasalubong na mga kilay. Nakakadama siya ng pagkailang at sadyang iniiwas ang tingin dito. Subalit hindi pa rin maalis sa isip niya na nagkita na sila ng lalaking ito at hindi lang niya matandaan kung saan at kailan.

“Gaano na kayo katagal magkaibigan ng aking pamangkin, Melanie?” tanong ni Vince kasabay ng pagsandok nito ng ulam upang ilagay sa pinggan ng dalaga.

Melanie murmured her thanks and smiled. “Sampung taon pa lang si Brianna ay nasa kanila na ako. Ismael employed me...” Pagkabanggit sa pangalan ng daddy niya ay nakita niya ang pagguhit ng lungkot sa mga mata ng tiyuhin at ang pagtagis ng mga bagang nito.

“Employed you as what?” wala sa loob na tanong ni Vince makalipas ang mahabang sandali nang sa wari ay nakabawi na ito sa nararamdaman tungkol sa pagkamatay ni Ismael.

“Ako ang yaya ni Brie.”

“Kasambahay ka nila?” ani Valerie na bahagyang nagulat.

“Iyan ang totoo,” diretsong sagot ni Melanie na bahagyang itinaas ang mukha kasabay ng ngiti. “Disenteng trabaho iyon sa aking palagay.”

“At hanggang ngayong dalaga na si Brianna ay nanatili kang yaya...” Valerie continued, ignoring Shaun’s warning look. “No wonder kasama ka niya hanggang sa pagtungo niya rito sa Sagada.” She glanced at Brianna. A condescending smile on her lips. “Nakakainggit ka. Mga milyonaryo lang ang may yaya kahit matatanda na.”

“Si Ate Melanie ay pamilya na naming itinuturing, Valerie.”

Valerie shrugged and raised her brows.

Vince was frowning at Melanie. “Is it true?”

Isang nanghahamong tingin ang ibinigay ni Melanie kay Vince. “Malaking bagay ba kung yaya ako ni Brie?”

Mabilis na umiling si Vince. “No. No. I don’t mean that. Ang ibig kong sabihin ay ang sinabi ni Brie na kapamilya ka na nila. Natutuwa akong marinig iyon. Kahit paano ay hindi lumaking nag-iisa ang pamangkin ko. I even thought Ismael married again and I was worried of Brie having a stepmother...” Sinulyapan nito ang pamangkin.

“Ate Melanie was a nursing student when Dad had employed her as my yaya, Uncle Vince. Sa umpisa lang iyon, noong bata pa ako. Si Ate Melanie ang naging pangalawang ina ko sa kabila ng hindi naman kalakihang agwat ng aming edad. And she is my best friend at the same time. Kung wala si Ate Melanie, sa maraming pagkakataon, ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-leave siya sa trabaho niya upang samahan ako rito sa Sagada.”

“At natutuwa akong nariyan ka sa mga panahong lumalaki si Brianna.” Isang masuyo at nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay ni Vince kay Melanie.

“Ah, so, hindi ka na yaya ni Brianna. May iba ka nang trabaho? Sa ibang bahay?”

Kung ano man ang isasagot ni Melanie ay hindi na naisatinig. Inunahan ito ni Brianna. “Si Ate Melanie at ang kaibigan niya ay magkasosyo sa itinayong klinika di-kalayuan sa amin. They’re both medical doctors... specializing in children’s wellness,” patay-malisyang sagot ni Brianna, sabay subo ng pagkain. Alam niyang hindi sasabihin ni Melanie iyon at hahayaan ang mga kaharap na mag-isip kung ano ang trabaho nito. At hindi nito papatulan ang pagiging bitchy ni Valerie.

That put Valerie in her place. For a few seconds she was gaping at them. Kapagkuwa’y kinuha nito ang baso ng tubig at uminom sabay sabing: “Oh, that’s good.”

Kasunod niyon ay ang konsentrasyon ni Valerie sa pagkain at hindi na muling nagsalita pa. Ang usapan ay sa pagitan na lang nina Vince at Brianna. Inalam ni Vince ang detalye ng pagkamatay ni Ismael. Sa pagitan ng usapan ay hindi miminsang humugot ng hininga si Vince at uminom ng tubig, upang marahil ay paluwagin ang dibdib.

Si Shaun ay nanatiling tahimik sa pagkain. Pagkakain ay muli silang bumalik sa sala habang hinihigop ang kapeng inihanda ng isang katulong. Subalit makalipas lamang ang ilang sandali ay nagyaya nang umuwi si Valerie. Nagpahinuhod naman si Shaun. Tinapik sa balikat si Vince.

“Hindi na kami magtatagal, pare. Kailangan din tiyak ng pamangkin mo at ni Melanie na magpahinga. Natitiyak kong napagod nang husto ang dalawa sa biyahe.”

“Ipagpaliban na muna natin ang pag-uusap, pare,” ani Vince.

“Ihahatid ko na muna si Valerie. Babalik ako bukas.” Sa ilang sandali ang mga mata nito ay itinuon kay Brianna. Kapagkuwa’y tinaguan siya nito at si Melanie at pagkatapos ay nagtuloy na patungo sa pinto. Si Valerie ay kumapit sa braso nito at kumaway kay Vince, and ignored them totally.