Chapter 14

SA DALAWANG hakbang ay nasa harap na niya si Shaun at hinawakan siya sa magkabilang balikat at marahas na itinayo. “Ano ang ginagawa mo sa lugar na iyon na ang kasama ay isang weakling?”

“S-Shaun...”

“Alam mo ba kung ano ang gagawin sa iyo ng mga iyon kung hindi kami napadaan doon? Kung hindi ko isinuhestiyon kay Tony na sa shortcut magdaan?”

“You’re hurting me...”

Shaun shook his head, blinked, and released her. Napaupo siyang muli sa bato. Niyuko siya nito. “At nasaan na ang boyfriend mong iyon?” he asked with disdain in his voice.

“I... I broke up with him.”

“Good.” Then he shook his head in anger and frustration. “I am sorry. I was no better than that damn boyfriend of yours. Hindi ko rin naman nailigtas ang aking asawa.”

Hindi niya gustong ihambing nito ang sarili kay Danny. Walang dapat ipagkumpara. Pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi niya alam ang totoong kuwento ng nangyari dito at sa asawa nito.

Muli siya nitong sinulyapan sa nagtatagis na mga bagang. “Sinaktan ka nila. Namamaga ang mukha mo at may sugat ka sa dibdib at mga balikat nang iangat kita mula sa tubigan. Sa ospital ay hindi kita kayang tingnan. What happened to you... reminded me of... of my wife...” His chest was heaving in controlled anger. “Hindi sapat na napatay ko ang-Oh, shit!” Hindi nito sinasadyang maibulalas ang bagay na iyon. Hinagod nito ang batok at tumingala sa kalangitan.

“That was safe with me,” mabilis niyang sabi. Kung maghimala at pumayag itong magpa-interview, wala siyang isusulat na hindi maganda. “Tony said it was self-defense.” Maaaring nakapatay ito, pero sa pagtatanggol sa sarili at sa kanya. At sino siya para husgahan ang ginawa ni Shaun?

He shook his head. “I am licensed to carry a firearm, Brie. Hindi ko ginawa ang bagay na iyon dahil lang guso ko siyang gantihan sa ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko siya nakilala maliban nang balikan ko siya pagkatapos kitang dalhin sa pickup truck. Nakabulagta siya sa tubigan. Sa una ay hindi ako nakatiyak kung siya nga ang taong iyon, tatlong taon na rin ang lumipas. Subalit nakatutok sa kanya ang fog lights. Natitigan ko ang mukha ng halimaw na iyon...”

“You don’t have to explain. I would have killed him myself.” Her nose flared in anger as she remembered that night. “Kung hindi dahil sa inyo ni Tony...” She shivered at the thought. As always every time she remembered that night.

“I shot him in self-defense,” patuloy ni Shaun. “Sumigaw na ng babala si Tony sa kanila subalit ang may hawak sa iyo ay binitiwan ka at muling ibinagsak sa kalsada. Hindi ko napansin nang hugutin niya sa may pantalon niya ang isang patalim. Pagtayo niya ay agad niya akong inundayan. Kung hindi ako mabilis na nakailag ay napuruhan niya ako sa tagiliran. Taglay ko pa ang pilat sanhi ng patalim niya.” Wala sa loob na hinawakan nito ang kaliwang bahagi ng tagiliran.

“S-sinabi mo kay Uncle Vince nang umuwi ka rito na nabigyan na ng hustisya ang nangyari sa asawa mo. Sila rin ba ang—”

“Yes!” he said violently, cutting her words. “Nakita ko mismo ang mukha ng isa sa kanila dahil nagawa ko siyang suntukin at hatakin ang maskarang nakatakip sa mukha niya. Ang lalaking tinamaan ng fog lights at siyang may hawak at nanakit sa iyo nang gabing iyon ay ang mismong lalaking nakita ko ang mukha!”

“Do... do you want to tell me about it?”

Marahas ang ginawang paglingon ni Shaun sa kanya. Naniningkit ang mga mata. Ngayon ang galit ay unti-unting natutuon sa kanya.

“Shaun,” she said with a sigh. Humigit-kumulang ay alam niya ang biglang pumasok sa isip nito. “Kung hindi mo gustong pag-usapan, then it’s okay. Hindi kita pipilitin. Pero nagtatanong ako bilang kaibigan at hindi bilang isang kolumnista, kung iyon ang iniisip mo.”

Isang napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi na iniisip ni Brianna na magsasalita pa ito. Inaasahan na niyang tatalikod ito at babalik sa lodge. Kaya naman nabigla siya nang magsimula itong magsalita.

“Sa pamamagitan ni Valerie kaya ko nakilala si Tricia. Valerie was in the theatre when I met her. Naging magkaibigan kami. Minsan ay hindi sinasadyang dumating sa FAT si Tricia at may kailangan kay Valerie. Nagkataong naroon ako noong araw na iyon dahil may show ako kinagabihan at nakita ko sila sa entrance. Ipinakilala ni Valerie sa akin si Tricia. One thing led to another. I married her after six months in a simple ceremony.

“Ang mga magulang ko’y nasa ibang bansa kaya naman minabuti naming sa Baguio na rin manirahan, sa mismong bahay ng mga magulang ko. Pabalik-balik kami ng Maynila at Baguio lalo na kung may concert ako. Magkaklase kami ni Tony sa kolehiyo at naging matalik na magkaibigan sa kabila ng malaking pagkakaiba ng aming propesyon. That summer, Tony invited us to his place in Laguna. Anibersaryo ng kasal nilang mag-asawa...” He paused, looked around him with grimness and agony in his expression.

“Nagpa-reserve si Tony ng dalawang cottage sa isang resort upang doon i-celebrate ang kanilang anibersaryo.” Tumiim ang mga bagang nito. “You know how it is... food, music, and too much wine. Halos hatinggabi na nang ipasya naming bumalik sa kanya-kanyang cottage. Labis ang lasing ko at ganoon din si Tony. Nakainom din si Eden, ang asawa ni Tony, at si Tricia...

“Hindi ko maisip kung ano ang nagpagising sa akin pero nagising akong wala sa tabi ko si Tricia. Naisip kong baka nasa banyo lang at babalik na uli ako sa pagtulog nang makarinig ako ng mga kaluskos at anasan at mahinang tawanan. Bumangon ako sa kabila ng groggy pa ako. Pasuray-suray akong lumabas habang tinatawag ko ang asawa ko, naisip kong baka si Tony at Eden ang kausap ni Tricia sa labas ng silid ng cottage...” Mariing ipinikit nito ang mga mata at nagtagis ang mga bagang. Si Brianna ay halos pigilin ang hininga at hindi kumikibo.

Tumaas-baba ang dibdib nito. “Nang lumabas ako sa silid ay gayon na lang ang gulat at pagtataka at sindak ko nang makita ko ang tatlong lalaki na pawang may mga tabing sa mukha. Sa sahig ay naroon si Tricia, nakabulagta at walang malay, duguan ang mukha, at... at...” He groaned in silence... in agony, as if it only happened yesterday.

“Shaun...” She wanted to stop him. Pero sa wari ay tinangay si Shaun sa mismong gabing iyon nang mangyari ang krimen sa asawa nito.

“Sa nakita kong anyo ni Tricia ay natiyak kong pinagsamantalahan nila ang asawa ko... hindi lang iyon... sinaktan pa nila. Sinugod ko ang tatlo. Nasuntok ko ang isang mas malapit sa akin at nahablot ang maskara. Natitigan ko ang mukha niya subalit hindi ko siya kilala. Muli ko siyang inundayan ng suntok at bumagsak siya sa sahig. Sinugod ko ang isa pa. Ang kasunod kong naramdaman ay ang pagtama ng isang bagay sa ulo ko at nagdilim ang lahat sa akin...” Sunud-sunod ang ginawa nitong paghugot ng hininga.

“Nagkamalay ako ilang dipa mula sa nasusunog na cottage. Naguguluhan at nalilito. ..”

“W-where’s Tricia? Where’s my wife?”

Subalit walang sumagot sa mga nakapaligid sa akin. Panlulumo ang nakikita ko sa mga mukha ng bawat taong naroroon. At nang tingnan ko ang mukha ni Tony ay natanto kong nasa cottage pa rin si Tricia. I tried to run to the burning cottage to save my wife. Pero pinigilan ako ni Tony at ni Eden at ng iba pang naroroon. Dahil kahit ang cottage nila at ang nasa kabilang bahagi ng cottage namin ay inabot na ng apoy...”

“Paano kang nakababa at nakalayo sa cottage?” Ang unang salitang lumabas sa bibig ni Brianna.

He shook his head agonizingly. “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paanong nangyaring hindi ako kasamang nasunog ng asawa ko...”

“Iyon marahil ang dahilan kung bakit napagbintangan kang siyang may pakana ng pagkasunog ng cottage...”

“So you’ve read that, ha?” He was sarcastic. “Nalaman mo rin ba ang tungkol sa trust fund ni Tricia?”

“Don’t take it against me, Shaun. Ikaw ang dahilan ng pagtungo ko rito at normal lang na ipadala nila sa akin ang lahat ng mga bagay tungkol sa iyo...” Inilahad niya ang mga kamay sa ere “...na ginupit din lang mula sa mga clippings. But then, ikaw rin ang naging dahilan upang makarating akong muli rito at makipag-ugnayan sa pamilya ni Daddy nang mas maaga.”

“So, naniniwala kang may motibo akong patayin ang aking asawa?” he said scathingly, ang mga titig nito sa kanya ay nang-uuri.

“I don’t believe you killed your wife,” she answered with conviction, sinalubong ang mga titig nito. “Not because I’ve heard your side of the story. Hindi ka kriminal, Shaun. At gaano man kalaki ang halaga ng trust fund ng asawa mo ay hindi sapat upang iwan mo ang musika. It is your passion. Napanood ko ang isa sa mga concerts mo... replay sa TV...” She took a breath. “Ilang beses na ang camera ay nasa mukha mo nakatutok habang ikaw ay tumutugtog. Para bang ikaw lang naroroon at ang iyong musika. Naroon ang masidhing pag-ibig mo sa iyong musika. You were amazing!”

Unti-unting huminahon ang ekspresyon ng mukha nito. Kapagkuwa’y, “Thirty million pesos, Brie. Hindi birong halaga. May mga taong nabuhay at namatay na hindi nakakita ng isang milyon. Ang trust ay galing sa grandmother ni Tricia sa panig ng kanyang ina. Na minana niya sa unang taong anibersaryo ng aming kasal. Tricia’s grandmother was an American businesswoman na nakapag-asawa ng Filipino. The money’s still in the bank, in our joint account, untouched. Kung hindi dahil sa malaking sugat ko sa ulo at sa kamay ko at sa pagtestigo na rin ni Tony ay malamang na may kaso pa ako ngayon...”

“A-ano’ng ibig mong sabihin sa kamay mo?” Her eyes flew to his hands.

Inilahad ni Shaun ang kanang kamay nito sa kanya. “They looked normal because they’re healed. But I had a fractured bone in my left hand.”

Manghang hinawakan ni Brianna ang kamay nitong nakalahad. “I-I don’t understand. Paano ka nagkaroon ng fractured bone?”

He shrugged. “Dalawa lang ang maaari kong pagpilian. Una, baka kilala nila ako at sinadya nilang hampasin ang kamay ko. But then, bakit isang kamay lang at hindi ang lahat ng aking mga daliri kung gusto talaga nilang makatiyak na hindi na ako makakapag-piano pa? Or subconsciously, baka sinangga ko ang ano mang inihampas pa sa akin...” he paused.

“I am a pianist, Brie. Nakagawa na ng pangalan sa larangang pinasok ko. Madali sa akin ang kitain ang tatlumpung milyon na iyon. Bago nangyari ang krimen kay Tricia ay may mga nakatakdang kontrata na ako ng pagtatanghal sa ibang bansa at sa loob lamang ng ilang araw ay paalis na kami ni Tricia palabas ng bansa. And I am not destitute. Hindi pag-iisipan ng sino man na sisirain ko ang kakayahan kong gumamit ng piano nang dahil lang sa halagang iyon.”

“C-can you still play?” she asked with dread.

Umiling si Shaun. Anger crossed his eyes. “I don’t know. Mula nang mangyari ang trahedya nang araw na iyon ay hindi ko na sinubukang maupo man lang sa harap ng piano kahit na gaano kasidhi ng pagnanais kong tumugtog.”

“Why?”

Ang galit ay nahaluan ng insekyuridad. “Baka hindi ko kayang tanggapin ang kabiguan kung hindi ko na kayang tumugtog pa tulad ng dati...”

“So you ventured into small business with Uncle Vince. It made you feel safe...”

He shrugged. Mahabang katahimikan ang namagitan. Shaun broke the silence. Tinitigan siya. “Hindi ko alam kung bakit sinasabi kong lahat sa iyo ang mga bagay na ito. Kahit kay Vince ay hindi ko magawang sabihin ang buong pangyayari. Kahit pagkatapos kung mapatay ang lalaking may hawak sa iyo nang gabing iyon. Hindi ko siya nakilala maliban nang lapitan ko kayo at tamaan siya ng fog lights mula sa truck. I was shocked, gusto ko siyang bariling muli at muli kung hindi ako inawat ni Tony…”

“I’m glad you told me.”

“Marahil ang usig ng budhi ang umaawat sa aking ipakipag-usap ang pangyayari…”

She frowned. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“I blamed myself for being alive… that somehow I crawled out of the cottage and left Tricia to die.”

Napatayo si Brianna at lumapit dito. Impulsively, niyakap niya ito, trying to give comfort. “Oh, Shaun, hindi mo dapat iniisip ang bagay na iyon. For all you know you must have pulled her out with you. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Isa iyong trauma para sa iyo. Your mind must have blocked those moments. You were hurt, too. At walang ibang dapat sisihin kundi ang mga kriminal na iyon.”

Shaun’s arms went around her, hugging her tightly and taking all the comfort she had to offer. His chin rested at the top of her head and she leaned her head against her chest. Nanatili silang ganoon sa mahabang sandali. Ang isa ay nagbibigay ng pakikiramay habang ang isa ay umaamot ng kaunting kaginhawahan ng damdamin. Ang tanging maririnig ay ang mabining ihip ng hangin.

Then Shaun cupped her chin and raised her face to him, his eyes searching her face. “I loved my wife, Brie. Subalit wala akong natatandaang nakadama ako ng ganitong damdamin sa isang babae tulad ng naramdaman ko una pa lang tayong nagtagpo. I can’t explain it. I know there’s something between us…”

“I… I…” Hindi niya malaman kung sasang-ayunan niya o hindi ang sinasabi nito dahil iyon din ang nararamdaman niya. It was as if she’d known him forever instead of a few days. Then she asked stupidly, “W-what’s that something?”

Isang anino ng ngiti ang gumitaw sa mga mata nito. “Call it chemistry, spark, or electricity that could light the whole Sagada whenever I touch you like this. Can’t explain.” Slowly he bent his head and touched his lips to hers. “Baka mas maipaliliwanag nito ang gusto kong sabihin,” he murmured in her lips.

The impact of his mouth upon her lips turned her knees into water. Brianna groaned and wrapped her one arm around his neck, the other on his shoulder. When he felt her lips mold and respond to his, Shaun felt the earth move beneath his feet. His kiss was hungry and wanting.

Kung gaano katagal ang halik ay hindi malaman ni Brianna. Ang tanging alam niya ay hindi niya gustong matapos iyon. She would have wanted him to kiss her forever. But abruptly, Shaun broke the kiss… albeit reluctantly. Then she heard voices, na natitiyak niyang siyang dahilan kung bakit siya pinakawalan nito.

Ilang yarda mula sa puno ng kahel na nakaharang sa kanila ay grupo ng mga turista na libreng magtungo at mamitas ng kahel na bibilhin. Nagtatawanan ang mga ito at sa wari ay hindi naman sila napapansin. Patungo ang mga ito sa kabilang panig ng farm.

Kasalukuyan pa ring hinahabol ni Brianna ang hininga nang ibaba ni Shaun ang mga mata sa kanya. “Let’s go back to the lodge. Hindi na natin sarili ang lugar na ito,” anito at magkahawak-kamay na lumakad sila pabalik sa building.

Mula sa malayong bahagi ng farm ay pares ng nag-aapoy na mga mata ang nakatingin sa kanila sa pamamagitan ng teleskopyo.

WALANG natatandaan si Brianna na nakadama siya ng ganoong uri ng kaligayahan sa buong buhay niya. Sana’y simula iyon ng magandang ugnayan nila ni Shaun. Then she thought about her job. Nabantuan niyon ang kasiyahang nadarama. She didn’t want to capitalize on Shaun’s feeling for her for an article. Gayunman ay nag-aalala pa rin siya sa trabaho nilang dalawa ni Maricel.

Pero marahil ay kaya niyang mag-isip ng ibang paraan para sa magazine. O kaya niyang hikayatin si Shaun para sa isang interview without capitalizing the tragedy that claimed the life of his wife. It wasn’t in the papers that her wife was raped; hindi rin alam ng publiko ang sinadyang pagsunog sa cottage. Ang alam ng lahat ay isa iyong aksidente.

Nang sumunod na mga araw ay magkasama sila ni Shaun sa pamamasyal. Ipinakita nito sa kanya ang lahat ng magagandang tanawing dinarayo ng mga turista. She had, in fact, despite her fear of the unknown and dark places, survived the Sumaguing cave, sa pagpipilit na rin ni Shaun, on assurance na nakaalalay ito sa kanya, kasama na ang guide nila.

“Paano kung madulas ako at mahulog?” takot na napakapit siya sa braso nito.

“I am a good swimmer, Brie. There’s no need to worry…”

“If I drowned, Shaun, I’ll kill you!”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito na nag-echo sa cave. Amused na napatingin sa kanila ang ilang turista. “Paano mo ako mapapatay kung nalunod ka na?” He pulled her against him and gave her and abrupt kiss.

Isang hampas sa balikat ang ibinigay niya rito. “May mga tao, ano ba!”

He grinned. “Mas na sa paligid nakatuon ang atensiyon nila kaysa sa atin.”

Inirapan niya ito at sumunod sa guide habang nakahawak sa lubid na sadyang nakalagay sa ibang bahagi upang kapitan ng mga tao. Despite her fears, she enjoyed the tour to the Sumaguing cave with its awesome stalagmites and stalactites and the underground river. Perhaps the reason was Shaun. Dahil natitiyak niyang hindi siya papasok sa kuwebang iyon kung wala ito. Nasa likod niya ito sa lahat ng pagkakataon. Nakahawak, nakaalalay, nakayakap, nagnanakaw ng halik na nagdudulot ng init sa kanya. She had never felt this wonderful and alive. Then she remembered the times she had with Danny. Had she really loved Danny at all?

Hindi siya kailanman nakadarama nang ganito, iyong pagnanais na gustong ihilig ang katawan kay Shaun, needing to feel his warmth enveloped her; delighting in Shaun’s touch; expecting a kiss anytime. She had never felt this sexual awareness in a man. And Brianna had the feeling that she was slowly falling for him.

Bumalik sila sa lodge upang doon mananghalian. Hindi nila matanaw sina Vince at Melanie. Sa counter ay naroroon ang isang lalaking sa wari ay hinihintay sila. He must be in his mid-sixties.