Chapter 15

“PAPA…” bati nito at nilinga si Brianna. “Brie, this is my father-in-law, Eduardo Teves.”

“Kumusta po kayo?”

Ilang sandaling hindi kaagad nakahuma si Eduardo at titig na titig kay Brianna. At sa pakiwari niya ay nais nitong maiyak habang nakatitig sa kanya.

“Mas matangkad at mas maputi si Nathalie sa iyo, hija,” he said softly. "Gayunman, hindi maipagkakailang mag-ina kayo. You had her eyes and smile. And you are as beautiful as your mother was.”

“Thank you,” she said gracefully and beamed at the old man. “Sana man lang ay may larawan ako ni Mommy.”

Napakunot-noo si Eduardo. “Walang naitagong larawan ng mommy mo si Ismael?”

Brianna shook her head sadly. “Nakapagtatakang wala po.”

“Shaun,” anito sa manugang, “natitiyak kong may mga larawan ang mommy ni Brianna sa mga album ni Tricia dahil kahit noong kabataan pa ang anak ko’y enthusiast na. Natatandaan kong minsang isinama niya si Nathalie sa bahay ay kinuhanan niya ito ng larawan. Bakit hindi mo hanapin ang album at ipakita kay Brianna?”

“Isa sa mga araw na ito, Papa,” he said noncommittaly. “Tara doon sa mesa at um-order tayo ng pagkain.” Hinawakan nito si Brianna sa likod ng braso at inakay patungo sa isang booth.

Throughout lunch, may mga kuwento si Eduardo tungkol sa mommy niya… at kay Tricia. It seemed that his then teenage daughter and Brianna’s mother were friends. At siya ay tila nasa disyerto at uhaw na uhaw at tubig ang mga mumunting anekdotang ikinukuwento ni Eduardo na sabik niyang iniinom.

“Magkaibigan sila ni Tricia sa kabila ng kabataan ng aking anak ng mga panahong iyon. Ang mommy mo ay palakaibigan, Brianna.”

Brianna smiled. Ang sarili niyang ama ay hindi man lang nagkukuwento ng kahit na anong maliit na bagay tungkol sa mommy niya. Nang sulyapan niya si Shaun ay nakayuko ito sa pagkain at sa wari ay abala roon.

“Hindi po ba naging magkaibigan sina Mommy at Valerie? Hindi ba at mas nakatatanda si Valerie kay Tricia?”

“Mas malimit na nasa Baguio si Valerie nang mga panahong iyon habang si Tricia ay hindi lumiliban ng bakasyon sa tuwing semestral break. At sa aking palagay ay mas kasundo ni Tricia si Nathalie kaysa kay Valerie. Para sa anak ko ay nakatatandang kapatid niya ang mommy mo.”

Napansin ni Brianna ang masuyong tinig ng matandang lalaki sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ng mommy niya. Kasunod niyon ay ang lungkot sa tinig nito. Kung napuna man iyon ni Shaun ay hindi niya masabi.

ALAS-NUEVE na ng gabi. Ang oras na ibinabadya ng digital clock sa dashboard. Ganitong oras sa Sagada ay nahihimbing na ang karamihan sa mga residente. He was bone tired, mula sa balikang pagmamaneho mula Sagada patungong Baguio at pabalik uli ng Sagada. Huwag nang idagdag ang nakakabagot na meeting niya kanina sa isang mining company kung saan isa siya sa mga stockholders. He was selling his stocks. Sa kabila ng maghapong pakikipag-usap ay kailangan pa niyang bumalik sa susunod na mga araw upang tapusin ang deal.

Buong araw ay nasa Baguio siya and he missed seeing Brianna. He didn’t know what’s wrong with him. Buong maghapon ay si Brianna ang laman ng isip niya. Sa nakalipas na halos isang linggo ay isang beses lang niya itong hindi nakita. Iyon ay dahil nagagalit siya nang malaman niyang isa siyang assignment nito. Na kung pagbibigyan niya ito ay muli na namang makakaladkad sa publiko ang nangyari sa asawa niya.

Gayunman, ang galit niya at ang pagsisikap na huwag na itong makitang muli ay tinangay ng hangin. He had never felt this way to a woman before. Not even to his wife. And he vowed that he had loved Tricia. Nang magkakilala sila ni Tricia ay natiyak niyang ito ang nais niyang pakasalan. They had many things in common. Music was one. At ang pagkahilig ni Tricia sa photography ay hindi nakaabala sa kanya kahit na nga ba most of the time ay siya ang gustong subject nito na ikinaaaliw lang niya.

Tricia had been the meek and mild and submissive kind. Sa isang taon at anim na buwan mula nang sila ay ikasal ay wala siyang natatandaang nakipagtalo ito sa kanya kahit sa mga puntong posibleng tama ito. Hindi na nito nais na palawakin pa ang usapan at ito na mismo ang nagbibigay.

He realized now that there were many times that he felt so frustrated. Iyong lagi ka na lang lumalabas na tama, and being patronized always; iyong kahit minsan man ay hindi ka kinokontra. At parati, ang opinion niya ay siya na ring opinyon ni Tricia. He believed in healthy arguments, sa palitan ng mga opinyon. But Tricia hadn’t been like that. She was so contented loving him. And he would be a jerk if he had made issues out of his wife’s submissiveness. Hindi niya nais na magkompara. But he hadn’t been this excited about seeing Brianna everyday. Missing her scent; her smile; her touch.

Natanaw na niya ang bahay ng mga biyenan. Pagod siya at dapat ay hindi na siya dito nagtuloy. Subalit nakatanggap siya ng tawag mula kay Valerie kaninang hapon bago siya umalis ng Baguio. Nagawa siya nitong makapangako na sa bahay ng mga biyenan tutuloy kahit na anong oras siya makauuwi dahil may ipakikipag-usap itong mahalaga sa kanya. Hindi niya inaasahang aabutin siya ng ganitong oras.

He was too tired that he decided to stay the night. Sa palagay niya ay may natitira pa siyang iilang gamit sa silid ni Tricia. He hated staying in Tricia’s old room. Nagdudulot iyon ng masasamang alaala. Tila walang katapusan ang mga bangungot. Iyon ang dahilan kung bakit ninais niyang sa lodge na lang manatili. Nagbuntong-hininga siya. Iniisip niya kung anong mahalagang bagay ang sasabihin ni Valerie sa kanya na hindi makapaghihintay ng bukas.

Ipinanhik niya sa open driveway ang sasakyan at ipinasok sa garahe. Ilang sandali pa ay gamit na niya ang susi sa entrada sa garahe at pumasok. Bukas ang ilaw sa bandang kusina. Marahil ay naroon si Valerie at naghihintay kaya doon siya nagtuloy.

“Valerie…” tawag niya. Subalit walang tao sa kusina. Napakunot-noo siya at tumingala sa itaas ng bahay. May liwanag siyang nakita.

Tuluy-tuloy siyang pumanhik sa itaas, expecting Valerie to appear. But the hallway was empty. Nainip siguro at minabuting matulog na lang. Nagtuloy siya dating silid ni Tricia na inokupa niya rin ng matagal-tagal bago siya lumipat sa lodge. He switched the light on. Naghubad ng polo shirt at pantalon at pagkatapos ay kumuha ng tuwalya sa cabinet at muling lumabas ng silid at tinungo ang common bathroom sa dulo ng pasilyo. Wala pang limang minuto ay nakapag-shower siya at bumalik sa silid.

Gayon na lang ang gulat niya nang pagbukas niyang muli ng pinto ay makita sa gitna ng kama si Valerie. Nakasuot ito ng itim at manipis na negligee na hindi naman natatabunan ang dapat tabunan.

“Ano ang ginagawa mo rito?”

“May usapan tayo, hindi ba?” anito, isang nang-aakit na ngiti ang naka-plaster na sa mga labi nito.

He frowned. “Ano iyang suot mo? Magbihis ka nga at magbibihis din ako. Ano ba ang importanteng bagay na sasabihin mo na hindi makapaghihintay ng bukas?” Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon para dito. “Hintayin mo ako sa labas.”

Tumayo mula sa kama si Valerie subalit hindi para lumabas. Mula sa likod niya ay yumakap ito. “It’s been three years since Tricia’s death. I want to talk about us.”

“What ’us’ are you talking about, Valerie?” Unti-unti nang bumangon ang iritasyon sa dibdib niya. “Iyan ba ang importanteng pag-uusapan natin?” He shook his head. “I don’t want to sound brutal, but you know there is no ’us’ at pagod na pagod ako para sa kalokohang ito.”

Inignora nito ang mga sinasabi niya. “Kay tagal kong naghintay, Shaun…” Mula sa likod ay pilit nitong inaabot ang buhol ng tuwalya niya subalit naroon ang mga kamay niya at hinigpitan pang lalo ang pagkakabuhol niyon sa baywang niya.

“Get out of my room, Valerie,” utos niya. “Hindi tama ang ginagawa mong ito.”

Sadyang idinidikit nito ang dibdib sa basa pa niyang likod. “You don’t have to be proper, Shaun. Alam naman ng lahat ng tao na kulang na lang sa atin ay kasal at—”

“What the hell are you talking about?” galit niyang tanong. “Na kung ikaw ang hihintayin ko ay baka pareho tayong abutin ng pagputi ng mga buhok natin.” Umikot ito sa harap niya. Tumingala at tumingkayad sa intensiyong hagkan siya subalit mabilis na hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inilayo sa kanya.

“What’s wrong with you, Valerie? Hindi ka naman dating ganito? Huwag mong pababain ang sarili mo nang ganyan!”

“Dahil hindi ka rin naman dating ganyan,” asik nito. “Isa pa, napapagod na ako sa kahihintay. Dati namang tayo ang magkasama, Shaun. Pero mula nang dumating sa Sagada si Brianna, ni halos hindi mo ako mapansin!”

“Business partner ko si Vince at natural lamang na magkikita kami at magkakasama. Please, lumabas ka na bago pa magising ang mga matatanda.” Muli niya itong itinulak palayo at lumakad siya patungo sa aparador upang kumuha ng isusuot.

Bago pa man siya makahugot ng boxer shorts ay naroon nang muli si Valerie at niyayakap siya, inakma nitong aalisin ang tuwalyang nakapulupot sa balakang niya.

“Valerie, ano ba! Nakainom ka ba?” singhal niya rito sabay tabig dito at muling hinigpitan ang pagkakabuhol ng tuwalya.

Si Valerie ay nasadsad sa may gilid ng tokador. Napaungol ito nang tumama ang gilid ng balakang na marahil ay totoong nasaktan. Shaun groaned.

“I can’t believe you are doing this to me!” nang-aakusa at paungol nitong sabi habang hinahagod ang nasaktang balakang.

“Hindi ko sinasadyang masaktan ka,” he said, immediately contrite. "Pero hindi kita naiintindihan. Hindi ko maaaring gawin ang gusto mong mangyari, Valerie.”

“Sa nakalipas na mga taon mula nang mamatay si Tricia ay ako lamang ang nasa tabi mo at karamay mo, Shaun. Alam kong mahal mo ako. At ayoko nang maghintay pa kung kailan mo malilimutan si Tricia at ang nangyari sa kanya.”

Sa pagkabigla ni Shaun ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito at pumuno iyon sa buong bahay. Mangha siyang nakatitig dito habang patuloy ito sa pagsigaw. Hindi malaman ni Shaun ang sasabihin at gagawin. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Leticia.

“ANO ANG nangyayari dito?” bungad nito at pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. Valerie was now crying. “Valerie, bakit ka sumigaw? Ano ang nangyayari?”

“Oh, shit,” Shaun murmured and rolled her eyes in frustration. Ipinagpatuloy ang pagkuha ng boxer shorts sa aparador at isinuot sa ilalim ng tuwalya. Pagkatapos ay sinundan iyon ng malinis na jeans at kamiseta. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang pumasok sa loob ng silid si Leticia at tinungo ang anak na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama at humihikbi.

Mayamaya pa ay si Eduardo naman ang bumungad sa pinto at kasunod ang dalawang kasambahay. “Ano ang nangyari?” he asked.

“Oh, great!” Napailing siya sa pagkadismaya.

“S-sumilip lang ako sa silid ni Shaun upang matiyak na nakauwi na siya…” She sniffed. “Then he pulled me inside his room and… and started to kiss me… and touch me…”

“Ano ang problema? Hindi ba at may lihim na naman kayong ginagawa?” tanong ni Leticia kasabay ng pagsulyap kay Shaun. “Matatanda na kayo para sa mga patagong pagtatalik.”

“But not in Tricia’s room! S-sinabi kong hindi tama. Naritong lahat ang mga alaala ni Tricia at hindi kaya ng konsiyensiya ko…” Her voice trailed away. Nag-angat ito ng paningin kay Shaun. “I… I told him no. Na kailangang gawin namin ang tama. Besides…” She sobbed again. “But he was persistent. Nagpumiglas ako at sumigaw at tumama ang balakang ko sa kanto ng tokador…” Ipinakita nito sa ina ang bahagi ng balakang na tumama sa tokador. Kasalukuyang namumula iyon.

Tumaas ang tingin ni Leticia kay Shaun. “Bakit nga naman kailangang sa ganitong paraan, Shaun? Hindi naman kami tumututol ni Eduardo. Lampas na kayo sa edad kung saan kailangan ang pahintulot ng mga magulang. Katunayan ay iyon naman ang aming inaasahan. At sa nangyaring ito…” Itinuon nito ang mga mata sa may pinto ng silid kung saan nakatayo si Eduardo na walang ekspresyon ang mukha. Sa likod nito ay ang dalawang katulong na parehong nanlalaki ang mga mata at nagbubulungan. “… kailangan na nga ninyong ayusin ang lahat. Ipakakasal ko kayo.” The last sentence was said with hidden determination in her voice.

Hindi siya makapaniwala sa tinatakbo ng usapan bagaman alam niyang doon iyon patungo nang sumigaw si Valerie at biglang sumungaw sa pinto ng silid si Leticia. He was furious. Itinuon niya ang paningin kay Valerie.

“That’s cheap, you know. At tama ka, Valerie, Hindi ka na bata para sa ganitong uri ng trick. Gusto mong ulitin ang ginawa ng mama mo sa Papa? O si Leticia ang nagsuhestiyong gawin mo ito? Well, go fuck yourselves!”

Parehong napasinghap sina Valerie at Leticia. He knew he was being unfair but he was angry. Hindi siya makapaniwalang gagawin ito ni Valerie sa kanya. Dinaanan ng mga mata niya sina Leticia at Eduardo.

“Forgive my French.” Mabilis niyang tinungo ang tokador at dinampot ang susi ng truck niya at humakbang patungo sa pinto. Pumasok sa silid si Eduardo upang makadaan siya. “Shaun, saan ka pupunta?

Shaun!” hiyaw ni Valerie. Tumayo at akmang hahabol nang hawakan siya ni Eduardo sa braso.

“Kung gusto kang pakasalan ni Shaun ay ginawa na sana niya, Valerie,” anito sa mahinahong tinig subalit ang mga mata ay tila nanunuot sa pagkakatitig kay Valerie. “Una kayong naging magkaibigan bago sila nagkakilala ni Tricia, hindi ba? At tama si Shaun, huwag mong ulitin ang ginawa ng mama mo sa akin. Iba si Shaun.” Pagkasabi niyon ay tumalikod ito upang bumalik sa silid.

“Eduardo!” sigaw ni Leticia. “Hindi ako maka-paniwalang kinukunsinti mo ang manugang mo!”

Sandaling huminto sa paglakad si Eduardo. “Liyebo tres na ang anak mo, Leticia. Hindi na bata.”

“Paano si Valerie? Paano ang kahihiyan niya at ginawa ni Shaun?”

Eduardo glared at his wife with mock amusement. “Kahihiyan? Anong kahihiyan ang pinagsasasabi mo? Tumingin nga kayong mag-ina sa salamin at maghanap ng kahihiyan. At tama si Shaun, pinlano ninyong mag-ina ito. “ Umiling ito at muling nagpatuloy sa paglakad.

Hinarap ni Leticia ang dalawang katulong at sininghalan. “Magbalik na kayo sa silid ninyo!” Pagkatapos ay binalikan si Valerie.

“What now?” Leticia asked her daughter wearily. “Sinunod ko ang gusto mo pero heto ang nangyari. Nainsulto pa tayong pareho.”

Hindi kumibo si Valerie. Nanlilisik sa poot ang mga mata. Hindi siya papayag na mawala sa kanya si Shaun. He had to do something.

And soon.