Chapter 16

NAGMULAT ng mga mata si Brianna. Hindi niya alam kung ano ang nagpagising sa kanya. Hindi siya kumikilos mula sa pagkakahiga subalit inikot ng mga mata niya ang buong silid. Napakadilim. Ni hindi niya maaninag ang mga bintana o ang pinto palabas ng balkonahe. Ibig sabihin ay hindi pa nag-uumaga.

Pumikit siyang muli upang magbalik sa pagtulog. Iyon ang sandaling nakarinig siya ng kaluskos mula sa balkonahe. Ibinaling niya ang ulo sa dako niyon, sandaling sinanay ang mga mata sa dilim. May nais na magbukas ng pinto ng balkonahe. Naririnig niya ang marahan subalit pilit na pagpihit sa doorknob. Tuluyan nang naglaho ang hibla ng antok. Hindi niya lang imahinasyon ang narinig. At walang barrel bolt ang pinto. Just the push-and-lock doorknob.

May gumapang na takot sa dibdib niya. Sino ang nasa labas ng balkonahe? Kinakabahan subalit walang ingay siyang bumangon mula sa kama. She’d been in danger before and she wouldn’t want to ignore her feelings that she was, again, in danger. Kung bakit at kanino siya nanganganib sa mismong bahay ng Lola Rosa niya ay hindi niya alam. Maaaring magnanakaw lang. Pero bakit sa silid niya? O sa dating silid ng daddy niya?

Saka na niya iisipin ang kasagutan sa mga tanong na iyon. Kung sino man ang nasa labas ng balkonahe, anumang sandali ay posible nitong mabuksan ang pinto. Door locks were easy to pick, lalo na sa mga sanay gumawa niyon.

She tiptoed towards the study table at the far corner of her room. Kinakabahang bumigay ang mga binti niya dahil sa takot. Naroon ang bag niya at walang ingay iyong binuksan. She took her small gun from inside her bag, pagkatapos ay walang ingay na humakbang siya patungo sa pinto ng silid niya at naghintay roon. She could have opened her door and ran for help. Pero hindi niya gagawin iyon. Gusto niyang malaman kung sino ang intruder niya. Nanganib na ang buhay niya dati.

Hindi siya papayag na manaig ang takot sa kanya ngayon. Hindi siya papayag na sa mismong teritoryo niya ay may taong nagnanais na lapastanganin siya. Hindi siya nainip, sa ilang segundo lang ay bumukas ang pinto ng balkonahe. Nakikita niya ang anino nito. Maingat nitong tinungo ang kama niya. Iyon lang ang hinihintay niya, binuksan niya ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at nagliwanag ang paligid.

Isang lalaking natatakpan ang kalahati ng mukha ng itim na bandana. Gayon na lamang ang gulat nito sa biglang pagliliwanag ng silid, nanlaki ang mga mata. Hindi marahil nito inaasahang wala siya sa kama at nasa tabi ng pinto. Nakita ni Brianna ang nasa kamay nito. Isang patalim. She gasped. The man intended to kill her!

“Sino ka?” she asked in trembling voice, nakaumang dito ang baril niya sa nanginginig na mga kamay. Ang akmang pagbaling ng lalaki sa kanya ay napigilan nang ikasa niya ang baril. Mabilis itong tumakbo pabalik sa balkonahe.

Saka na niya iisipin ang kasagutan sa mga tanong na iyon. Kung sino man ang nasa labas ng balkonahe, anumang sandali ay posible nitong mabuksan ang pinto. Door locks were easy to pick, lalo na sa mga sanay gumawa niyon.

She tiptoed towards the study table at the far corner of her room. Kinakabahang bumigay ang mga binti niya dahil sa takot. Naroon ang bag niya at walang ingay iyong binuksan. She took her small gun from inside her bag, pagkatapos ay walang ingay na humakbang siya patungo sa pinto ng silid niya at naghintay roon. She could have opened her door and ran for help. Pero hindi niya gagawin iyon. Gusto niyang malaman kung sino ang intruder niya. Nanganib na ang buhay niya dati. Hindi siya papayag na manaig ang takot sa kanya ngayon. Hindi siya papayag na sa mismong teritoryo niya ay may taong nagnanais na lapastanganin siya.

Hindi siya nainip, sa ilang segundo lang ay bumukas ang pinto ng balkonahe. Nakikita niya ang anino nito. Maingat nitong tinungo ang kama niya. Iyon lang ang hinihintay niya, binuksan niya ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at nagliwanag ang paligid.

Isang lalaking natatakpan ang kalahati ng mukha ng itim na bandana. Gayon na lamang ang gulat nito sa biglang pagliliwanag ng silid, nanlaki ang mga mata. Hindi marahil nito inaasahang wala siya sa kama at nasa tabi ng pinto. Nakita ni Brianna ang nasa kamay nito. Isang patalim. She gasped. The man intended to kill her!

“Sino ka?” she asked in trembling voice, nakaumang dito ang baril niya sa nanginginig na mga kamay. Ang akmang pagbaling ng lalaki sa kanya ay napigilan nang ikasa niya ang baril. Mabilis itong tumakbo pabalik sa balkonahe.

Subalit bago ito tuluyang makalabas sa pinto ay ipinutok ni Brianna ang baril, hindi intensiyong patayin ito kundi pahagingan lang. Tinamaan niya ito sa binti dahil narinig niya ang daing subalit hindi niyon naawat ang pagtakas nito. Mabilis siyang sumunod subalit nakatalon na ang lalaki sa ibaba. At muli ay narinig niya ang pag-ungol nito. Hindi biro ang taas ng balkonahe pababa. Binuksan niya ang ilaw sa balkonahe. Nang sumungaw siya sa barandilya ay naglaho na ito sa dilim.

Biglang bumukas ang pinto ng silid niya at magkasunod na pumasok sina Vince, Rosa, at Melanie. Mabilis siyang pumasok sa loob ng silid. Her Uncle Vince in his white T-shirt and boxer shorts, si Lola Rosa niya ay sa pranelang pantulog nito at si Melanie sa kanyang oversized T-shirt.

“Brie, ano ang nangyari?” halos sabay-sabay na tanong ng tatlo. "Hija, bakit ka may baril?” manghang tanong ng lola niya na napahawak sa dibdib. “Ikaw ba ang nagpaputok?”

Humakbang si Vince palapit at kinuha ang baril mula sa kanya. “What happened, Brie?”

Tila nawalan siya ng lakas na napaupo sa dulo ng kama. “May pumasok sa silid ko at tangka akong patayin.” Malinaw niyang sabi sa kabila ng panginginig ng tinig. Napalapit si Melanie at naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

“Are you all right?” tanong nito. Tumango siya.

Vince was frowning at her. “Are you sure you are not just—”

“Hindi ako nananaginip, Uncle Vince, kung iyan ang gusto mong sabihin,” putol niya sa sinasabi nito sa mariing tinig. Tiningnan niya ang relo sa dingding sa ibabaw ng tokador. Alas-dos y medya. “Nagising ako sa hindi malamang dahilan. I was about to go back to sleep nang marinig ko ang kaluskos sa balkonahe. Narinig ko ang banayad na pagpipilit na buksan ang doorknob...”

“Sino sa lugar na ito ang nais manakit sa iyo, apo?” naguguluhang tanong ni Rosa at naupo sa kabilang tabi niya. “Walang dahilan para gawin iyon. Hindi ka pa kilala ng mga tao rito. Isa pa, kahit ka pa kilala, bakit sila mag-iisip na saktan ka?”

“Iyan din pong mga tanong na iyan ang nasa isip ko kanina, Lola?”

“Hindi naman kaya balak lang magnakaw at nagkataong silid mo ang napasok niya?” ani Vince.

“I don’t know. Nakatayo ako sa gilid ng main door at sadyang hinihintay ang pagpasok ng lalaking iyon. Agad kong binuksan ang ilaw. May hawak siyang patalim at patungo siya sa kama ko. Ano ba ang maaari kong ipakahulugan doon?”

Tumayo si Melanie at lumakad ng ilang hakbang patungo sa balkonahe. “Look,” aniya. Yumuko ito. “It’s blood!” Then her disbelieving eyes darted back to Brianna. Her fear was apparent.

“Sadya ko siyang pinatamaan...” she confessed but with no regret in her voice.

Yumuko rin si Vince at tiningnan ang nakita ni Melanie. Kapagkuwa’y muling tinitigan ang pamangkin, lumalim nang husto ang kunot sa noo. “Hindi ko naiintindihan ito. Isang linggo ka pa lang halos dito sa Sagada. At iilang tao lang ang nakakatagpo mo pa. At bakit ka gustong saktan ng kung sino mang tao ang narito kanina?”

Siya man ay naguguluhan din. “Hindi ko kayang sagutin ang bagay na iyan, Uncle Vince.” Hinarap niya ang abuela. “Bumalik na kayo sa pagtulog, Lola. May ilang oras pa bago mag-umaga. Kayo rin Uncle Vince... Ate Melanie. Bukas na natin pag-usapan ito.”

“Sa silid ko ikaw matulog, Brie,” ani Melanie sa hindi nababaling tinig

ANO MANG pag-iisip at paglalahad ng mga posibilidad ay walang maisip ang mag-anak sa nangyari nang gabing iyon. Wala ring maaaring makitang motibo. Minabuti ni Brianna na kalimutan na ang nangyari, huwag nang pag-usapan pa at nang hindi na humaba. At na hindi na dapat malaman ng ibang tao ang bagay na iyon. Marahil ay pagnanakaw ang motibo ng lalaki. At kung nakita man niya itong may patalim habang patungo sa kama niya ay hindi sila nakatitiyak na siya ang nais nitong patayin. O baka naman panakot lang nito ang patalim kung sakaling mahuli sa akto sa gagawing pagnanakaw.

That must be it. It was her father’s room. Inaasahan ng magnanakaw na walang tao sa silid. Walang nakakaalam na doon siya natutulog dahil marami naman ang silid sa bahay ng lola niya.

Hindi man gusto ni Lola Rosa na umalis si Brianna nang umagang iyon ay hindi nito napigil ang apo. Ipinaliwanag ni Brianna na mahirap ang signal ng cell phone sa bahay, static lagi kung may signal man. Kailangan niyang magtungo sa poblacion upang makipag-usap sa editor niya. Pinayagan siya ng abuela at tiyuhin kung kasama niya si Melanie, who was just too willing to accompany her. Kung hindi dahil sa paputol-putol na tawag ni Shaun na kailangan nitong kausapin si Vince sa orange farm ay natitiyak ni Brianna na ito na ang magmamaneho para sa kanya.

Sa poblacion, sa isang shop ng mga bilihan ng mga pasalubong ay nakausap ni Brianna si Maricel habang namimili ng orange marmalade si Melanie na ipapasalubong nito sa kaibigang doktor sa sandaling bumalik sila ng Maynila. Ipinaliwanag ni Brianna kay Maricel na nakatagpo na niya si Shaun Llantero at bagaman hindi ito pumapayag na magpa-interview ay sisikapin niyang magawan iyon ng paraan. Kung paano ay hindi na niya isinatinig.

“Itinuro sa akin ng tindera kung saan tayo maaaring makabili ng T-shirts,” excited na sabi nito nang pumasok sa tindahan si Brianna. “Walking distance lang mula rito. Hindi na natin kailangang ialis sa parking ang sasakyan.”

“Ang dami naman niyan.” Nakatawang niyuko niya ang isang kahong bitbit ng tindera upang dalhin sa sasakyan nila.

“Ipinasya kong bigyan na rin ang dalawang OJTs.”

“Isang linggo na lang ang ibinigay sa akin ni Maricel,” she said with a sigh. Inilabas sa bulsa ng jeans ang susi ng sasakyan. “At hindi ko alam kung paano ko mapapahinuhod si Shaun na magpa-interview.”

“Hindi ko pinagdududahan ang abilidad mong hikayatin si Shaun, Brie,” pampalakas-loob nito. “Lalo at nakikita kong attracted siya sa iyo.” When Brianna rolled her eyes, dinugtungan ni Melanie ang sinabi. “I know a man in love when I see one, Brianna.” Binuo nito ang pangalan niya for emphasis. "Ipapuputol ko ang daliri ko kung mali ako sa pag-iisip na umiibig si Shaun sa iyo. At ganoon ka rin!”

Nanlaki ang mga mata niya. “Paano mo nasabi iyan?”

“You are wearing your heart on your sleeve.”

“Oh.” She laughed merrily, she wasn’t the shy type, subalit nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi ni Melanie.

“Hindi kita nakitang ganyan kay Danny. “

“Kumusta kayo ni Uncle Vince?” she countered.

Natilihan sandali si Melanie. Umiwas ng tingin at itinuro sa tindera ang nakaparada nilang sasakyan. Nagsimula silang lumakad patungo sa sasakyan.

“N-nagpapahiwatig si Vince sa akin...”

“And?” Brie prompted.

Melanie smiled. “To tell you the truth, Brie, I kinda like your uncle.”

“Like lang?” she teased.

“Hayaan mo munang diyan magsimula ang lahat. Takot ako, Brie. Ayokong maulit ang nangyari sa akin.”

“Hindi pa nagkakaasawa si Uncle Vince, Ate Melanie. Palagay ko ay seryoso siya sa iyo. Kung sakali, nakahanda ka bang iwan ang Maynila at ang clinic mo roon?” Binuksan niya ang trunk ng kotse at ipinasok doon ng tindera ang dalawang kahong marmalade. Pagkatapos ay muli niyang isinara iyon.

“That’s what worries your uncle. Pero tulad nga ng nasabi ko sa iyo noon, gusto ko rito. Gusto kong magtayo ng clinic dito. Pero hindi ko pa siya binibigyan ng ganoong pag-asa—” Hindi nito natapos ang sasabihin dahil sa paglapit ng isang pamilyar na bulto sa kanila.

“Wala kang ipinagkaiba sa nanay mo, Brianna! Inaagaw mo sa akin, Shaun!” sugod ni Valerie na lumitaw mula sa kung saan.

“Valerie?”

“Lahat ng lalaki ay gustong patulan ni Nathalie! Hindi siya kuntento kay Ismael. Kahit si Tito Eduardo, si Vince, at si Uncle Ariston ay pinatulan niya! At sino ang nakakaalam kung sinu-sino pa? Nathalie was a nymphomaniac!”

Brianna gasped. Napaatras siya sa trunk ng sasakyan sa biglang pagsugod na iyon ni Valerie. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit at dinuduro siya.

“Valerie, ano ba ang sinasabi mo?” saway ni Melanie.

“Huwag kang makialam dito!” singhal nito. Muling dinuro si Brianna. "Your mother was a whore. Kilala siya sa buong Dilisan bilang puta! At minana mo iyan dahil gusto mong agawin sa akin si Shaun!” Itinaas nito ang kamay upang sampalin si Brianna subalit naroon ang kamay ni Melanie upang awatin ito. Mahigpit nitong pinigilan ang kamay ni Valerie.

Brianna was stunned. Ni hindi nito magawang magsalita o kumilos man lang.

“Bitiwan mo ako!”

Ibinalya ni Melanie si Valerie na nasadsad at natumba sa baldosa. Nagpupuyos ito sa galit nang muling tumayo. Ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Brianna. “Nagdadalang-tao si Nathalie nang tumalon sa bangin! At sino ang nakakaalam kung sino ang ama ng bata!” she shouted scornfully. “But definitely not your father!”

“Get out of here, Valerie. Kung hindi ay tatawag ako ng pulis!” banta ni Melanie.

“Hindi mo maaagaw sa akin si Shaun, Brianna! Papatayin na muna kita!” sigaw nito bago tuluyang lumayo. May mga taong nakapaligid na nakuha nila ang atensiyon. Mabilis na inakay ni Melanie si Brianna patungo sa sasakyan. Ipinasok nito si Brianna sa driver’s seat at pagkatapos isara ang pinto ay umikot ito sa passenger side.

“Let’s get out of here,” Melanie urged, looking at Brianna who was still shocked. “Can you drive? I will try to call Vince. Baka matanggap naman.” Akma nitong dudukutin ang cell phone sa bag subalit pinigilan niya ang kamay nito.

“N-narinig mo ba ang sinabi niya?”

“Huwag mo siyang pansinin, Brie. She was just jealous!”

“I-I wasn’t referring to Shaun, Ate Melanie. Kundi iyong sinabi niya tungkol sa mommy ko.” Nilingon niya si Melanie. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata niya. “Nagpakamatay ang mommy ko; she was pregnant; she was a whore...” Sa nanginginig na mga kamay ay ipinasok niya ang susi sa susian. Umandar ang sasakyan at inilabas niya iyon sa parking.

“Are you all right?”

“No, I am not! But I can drive us home safely.” Mahabang sandaling katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan. Sinisikap ni Brianna na huwag pumatak ang mga luha. “P-pinatulan ni Mommy si Uncle Vince... si... si Lolo... ang... father-in-law ni Shaun. No wonder Daddy left.”

Melanie bit her lip. Narinig nitong lahat iyon. At nang banggitin ni Valerie ang pangalan ni Vince ay tila iyon patalim sa dibdib nito. Hindi nito alam ang sasabihin, ang iisipin, at gagawin.

“A-anong klaseng babae ang mommy ko?” Gumagaralgal ang tinig niya.

“Hindi mo alam kung gawa-gawa lang niya iyon.”

“Then how can you explain Daddy’s estrangement from his family?”

Melanie had no answer to that. Ang alam lang nito ay kay bigat ng dibdib nito. Vince was involved. And she didn’t know how to handle that.

Hanggang sa makarating sa bahay ay wala nang pag-uusap na namagitan sa dalawa. Ipinarada ni Brianna ang sasakyan at mabilis na lumabas ng sasakyan.

“Brie, please, maging mahinahon ka sana. May sakit ang lola mo,” pahabol nito.

Hindi kumibo si Brianna. Tuluy-tuloy siya sa loob ng bahay. Natanaw niya ang Lola Rosa niya sa may patio sa may hardin nito at doon siya dumiretso.

Ngumiti si Rosa pagkakita sa kanya. “Napaaga kayo, apo.” Then she frowned. “May... may problema ba? Bakit ganyan ang anyo mo?”

“Dumating na po ba si Uncle Vince?” Hindi niya napuna kung naroroon sa garahe ang sasakyan nito.

“Baka mamaya lang ay narito na iyon. Dito iyon manananghalian dahil nagpaluto ng tinolang manok.” Nanatili itong nakatitig sa kanya. Inaarok siya. Then for whatever reason, Brianna saw the fear in her grandmother’s eyes.

She groaned silently. Naupo siya sa isa sa mga naroroong pinewood benches. May ilang beses siyang humugot ng hininga bago nagsalita.

“Tell me about my mother,” simula niya sa determinadong tinig. “Tell me why Daddy left here and never came back.”

Nabitiwan ni Rosa ang hawak na panghalukay sa lupa at napaupo sa naroroong upuang kahoy. Isinubsob nito sa mga palad ang mukha.

“Lola, I never meant to upset you. Gusto ko lang malaman ang buong katotohanan,” pagsusumamo niya.

“Ano ang nangyari sa poblacion?” tanong nito. Pinahid ng alampay ang mga luha.

“Valerie was there. Nagsisigaw siya. Sinabi niyang... p-puta si Mommy. Na pinatulan nito si... Uncle Vince... si Lolo...” She shook her head.

“Y-your mother was a troubled woman, Brie…” Tinutop ni Rosa ang bibig upang pigilin ang paghikbi.

“Ako ang magsasabi sa iyo ng lahat, Brianna.” Mula sa entryway ng patio ay naroroon si Vince. Puno ng pag-aalala ang mukha.