“ANO ANG ibig ninyong sabihin, Manang Maura? Saan nagpunta si Brianna?”
“Dumating kasi rito kani-kanina lang si Leticia, Shaun. Niyaya si Brie na samahan siya sa lumang bahay ng mga magulang niya. Doon daw kasi dinala ni...” Sinulyapan nito si Eduardo sa loob ng truck niya at napakunot-noo “... Eduardo ang malalaking larawan ni Nathalie at ilang gamit nito na matagal nang nasa pag-iingat ni Tricia.” Nagkibit ito. “Iyon ang naulinigan kong sinabi ni Leticia.”
Parang may hindi tama sa mga nangyayari, ang daloy ng isip niya. At hindi niya mawari ang dahilan ng biglang sunud-sunod na kabang umahon sa dibdib niya. “Nasaan sina Auntie Rosa at Vince? Kasama ba ni Brie si Melanie?”
“Ay hindi. Ang tatlo ay kaninang umaga pa nagtungo sa munisipyo sa poblacion...” Ngumiti ito. “Ilang araw nang inaayos ng dalawa ang mga papeles sa pagpapakasal. Bukas yata ay sasamahan ni Vince si Melanie sa Maynila upang kunin ang birth certificate ni Melanie. At sasama si Rosa na tuwang-tuwa. Naiinip marahil ang matanda.”
Hindi na nagawang magpaalam pa ni Shaun kay Maura at mabilis na nagbalik sa pickup. Umingit ang gulong ng truck sa ginawang pagmamaniobra nito. Sinabi nito kay Eduardo ang sinabi ni Maura.
“Pero walang gamit si Nathalie sa bahay, Shaun,” kunot-noong sagot ni Eduardo “maliban sa mga larawan sa album ay wala nang maaari pang maipakita kay Brie.”
He went cold. He didn’t want to entertain the fear in his heart. Takot na sa wari ay gustong magpaliyo sa kanya. Hindi niya alam kung bakit at kung paano ipaliliwanag ang takot na nararamdaman. Alam niyang walang gamit si Nathalie sa silid ni Tricia. Alam niya ang tungkol sa album dahil naroroon lang iyon sa cabinet.
He turned to look at his ex-father-in-law. He looked confused... and very old. “Papa, alam ba ni Tita Leticia na namatay na ang pamangkin niya? I mean, nabanggit ba niya sa inyo ang tungkol sa pagkamatay ng pamangkin niyang ito sometime in October last year?” Umiling siya nang maisip na baka nalaman ni Leticia na siya ang pumatay sa pamangkin nito. Pero hindi iyon bukas sa madla o kahit sa peryodiko. Nakalagay sa isang munting artikulo sa isang tabloid na mga pulis ang nakapatay kay... Samuel. Not even Danny knew who killed his cousin. Nanatiling nakabulagta sa tubigan si Danny at pinangangatawanan ang pagkawala ng malay. Bukod pa sa madilim ang lugar na iyon at napakalakas ng ulan .
Isa pa, wala na siya nang dumating ang ambulansiya at ilang pulis. Bagaman pagtatanggol sa sarili ang nangyari ay minabuti ni Tony na huwag na niyang isangkot pa ang sarili sa nangyari. Tony handled it all.
Si Eduardo ay may pilit na hinahagilap sa isip. Kapagkuwa’y “Wala siyang binanggit, Shaun. Kapag magkasama kami sa poblacion ay alam kong tinatawagan niya ang anak at pamangkin niya. Doon lang malinaw ang komunikasyon sa umaga. Kinukumusta niya ang mga ito... tinatanong kung kailangan ng pera. Perang sa akin nagmumula na gustuhin ko mang tumanggi tulad ng una ay hindi ko na ginagawa. Walang mangyayari. She’d kill me with her nags for days. Besides, ano ba ang gagawin ko sa pera ko? It wasn’t that much. Natutuwa at nagpapasalamat na lang ako na nasa pangalan mo ang trust ni Tricia.
“She’d been harping me on about it. Halos arawaraw. Na kunin ko sa iyo ang perang iyon; na higit akong may karapatan sa trust ni Tricia kaysa sa iyo.” He laughed merrily, na para bang naisahan nito si Leticia sa bagay na iyon. “Sinasabi ko lang na humahanap ako ng pagkakataong makausap kita sa bagay na iyon at na natitiyak kong ibibigay mo iyon...”
“Of course, Papa. Just tell me when—”
Marahas na umiling ang matandang lalaki. “No, Shaun. That money was Tricia’s... and yours. Ipinagkatiwala ni Tricia sa iyo ang salaping iyon. Nakikiusap ako sa iyo, please keep it. Gamitin mo sa mabuting paraan. Ni isang sentimo sa trust ni Tricia ay hindi ko nanaising mauwi sa asawa ko... o kahit kay Valerie. Lalo na ngayong nalaman kong si Samuel ang pumatay sa anak ko!” Humihingal ito sa galit.
“Papa, hindi ninyo sinasagot ang tanong ko kanina...” untag niya.
“Kung hindi ako nagkakamali, Shaun, ay natatandaan kong nagpaalam sa akin si Leticia na tutungo sa Maynila. Hindi niya isinama si Valerie kahit na nagpilit itong sumama.That must be around October. Nawala siya ng halos isang linggo. Pero bago iyon ay may pangyayari na natatandaan kong nagwala si Leticia. Mas maliwanag ang signal sa cell phone kapag ganoong disoras ng gabi.
“Sa aking palagay ay tumanggap siya ng tawag mula kay Danny dahil narinig kong binanggit niya ang pangalan ng pamangkin nang sagutin niya ang cell phone. May ilang sandali siyang hindi nagsalita at pagkatapos ay suminghap. Nagmadali siyang lumabas ng silid namin. Pagkatapos niyon ay narinig ko siyang pumapalahaw ng iyak. Lumabas ako ng silid at tinanong ko siya kung bakit.
“Hindi sumagot si Leticia at sumigaw na iwan ko siya. Galit na galit siya kasabay ng pagpapalahaw ng iyak. Pinaghahagis niya ang bawat bagay na mahawakan. I’d never seen her like that. Na kahit ako ay parang gustong matakot sa poot sa mga mata niya. Pagkatapos ay may naulinigan akong sinabi niyang kasalanan ni Danny ang lahat. Humahagulhol siya sa pinagsamang galit at pamimighati.”
“Nang magtungo kami sa Laguna ni Tricia, Papa, ay kayo lang ni Tita Leticia ang nakakaalam noon dahil nabanggit namin sa inyo iyon nang dumating kayo sa bahay sa Baguio. Natatandaan kong nabanggit sa inyo ni Tricia na isang linggo kami sa Maynila dahil bukod sa pag-aasikaso sa mga visa namin papuntang New York ay imbitado kami ni Tony sa anibersaryo nilang mag-asawa sa Laguna.
“Hindi random ang pangyayaring iyon. Alam ng anak ni Tita Leticia kung nasaan kami! Ang asawa ninyo ang nagsabi kung nasaan kami sa panahong iyon!” Kung kaya lang ilabas sa katawan niya ang matinding poot ay nangyari na sana. “Dahil kilala siya ni Tricia kaya pinagbuksan siya ng pinto ng cottage. Pero bakit?” He groaned in anger and fear. Takot na hindi niya matiyak kung bakit. Kung babasehan niya ang mga nagdaang pangyayari ay hindi niya dapat pagkatiwalaan ngayon si Leticia. O si Danny.
Narinig niya ang paghagulhol ng iyak ng matandang lalaki. Ang matinding kaba sa dibdib niya ay hindi niya maalis. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Halos natatanaw na niya ang bahay ng mga magulang ni Brianna.
“TAYO na muna doon sa dako pa roon, Brie,” anyaya ni Leticia sa kanya at lumakad patungo sa bahagi ng bangin.
“Gusto kong makita ang mga sinasabi ninyong gamit ni Mommy, Tita Leticia. Pati na iyong nakita ninyong sulat na nakaipit sa larawan niya at naka-address sa akin,” aniya at atubiling sumunod dito.
“Mamaya na, Brie,” nakangiting sagot nito. “Hindi mawawala ang mga iyon sa bahay ng mga magulang mo. May nais lang akong ipakita sa iyo.”
Brianna sighed. Napilitang humakbang patungo sa dako ng bangin. Walang usapang namagitan habang naglalakad sila patungo roon. Biglang huminto sa paglakad si Leticia na muntik pa niya itong mabangga. Humarap ito sa kanya.
“You go ahead...” anito. She shrugged. Umuna rito. Again, they walked in silence. Then, “Alam mo bang dito namatay si Nathalie? She committed suicide. Tumalon siya sa bangin...”
“N-naikuwento ni Uncle Vince...” She was starting to feel dizzy. Then she saw the little girl on her left crying and running. Mommy... Mommy!
“And that she was four months pregnant when she died?”
Hindi siya sumagot, tuluy-tuloy siya sa paglakad, gustong habulin ang batang nasa kaliwa niya. Makapal ang mga ulap sa paligid. Kung wariin ay nakayakap ang mga iyon sa kanya. Isang kamay ang mahigpit na humawak sa balikat niya na biglang nagpahinto sa mabilis niyang paglakad.
“Slow down some, Brianna,” ani Leticia sa kakaibang tinig. “Sino ang hinahabol mo? Ilang hakbang na lang ay nasa gilid ka na ng bangin. No... not yet...”
Napaharap si Brianna rito dahil sa marahas nitong paghawak sa mga balikat niya. Pagkatapos ay nilingon niya ang kinakitaan niya sa batang babae. But she wasn’t there anymore. She frowned. Muling ibinalik ang paningin kay Leticia. Kapagkuwa’y napahugot siya ng marahas na hininga.
“Ikaw?”
Kumunot ang noo nito. “Ako nga. Kanina pa tayo magkasama, Brianna. Are you all right?”
“Ikaw ang nakita kong kasama ni Mommy nang hapong iyon! Narito kayo sa bangin...” Ang alaala ng nakaraan ay tila mga ulap na nahawi sa isip niya.
Palihim na sinusundan niya si Nathalie subalit hindi niya ginamit ang landas dahil magagalit ang mommy at daddy niya kapag nakita siyang tinutungo ang bangin. Mula sa kinaroroonan niya ay natanaw niya ito na kausap si Leticia. Bakit kasama ng mommy niya ang babaeng iyon? She didn’t like Leticia. Masungit ito sa kanya. Para itong witch sa storybook niya.
Sa anyo ni Leticia ay nakita niyang galit na galit ito. Ang mommy niya ay nakangiti na sa wari ay nagyayabang habang hinahaplos ang tiyan. Nang bigla ay tumaas ang kamay ni Leticia at kumislap ang bagay na hawak nito. Isang patalim! Napaatras ang mommy niya sa gilid ng bangin sa gulat. Sinamantala ni Leticia iyon, she moved forward and pushed Nathalie to the cliff.
Her mommy’s scream echoed around the forest.
“Mommy... Mommy!” Tumakbo siya. Natanaw niya si Leticia na lumingon pero hindi sa bahagi kung saan siya tumatakbo kundi sa may landas. Nakita niya ang nanlilisik nitong mga mata. Mabilis siyang nagtago sa makapal na mga damo. Hindi siya dapat makita nito. Matagal siyang nagsiksik doon hanggang sa tuluyan na itong umalis.
Umalis siya sa pagkakasiksik sa makakapal na dawag at siit at tinakbo ang bangin. “Mommy... Mommy...”
Nakatunghay siya sa bangin nang matagpuan siya ni Ismael.
Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkakatitig kay Leticia. “H-hindi nagpakamatay si Mommy...” she croaked. “I-itinulak mo siya... nakita kong itinulak mo siya!”
Sandali lang ang pagkabigla ni Leticia. Umangat ang mga kilay nito at isang imbing ngiti ang sumilay sa mga labi. “Tama ako... may narinig akong kaluskos noong araw na iyon. Pinakaba mo ako, Brie. Pero nang wala akong makita ay inisip kong baka hayop lang ang narinig kong kaluskos.” Muli itong ngumisi. “Ngayong may testigo pala sa nangyari at naalala mo ay tama lamang ang binabalak kong gawin sa iyo. Kailangan mo ring mamatay diyan sa bangin...”
“Bakit? Ano ang kasalanan ni Mommy sa iyo?” She frowned in confusion. Inignora ang huling sinabi nito.
Muling gumuhit ang poot sa mga mata nito. “Alam mo ba kung sino ang ama ng dinadala niya? Alam mo ba?”
Napaatras si Brianna sa nakitang mabalasik na anyo nito. Tila ito mabangis na hayop na handang manila. At lalo pa siyang natakot nang mula sa jacket nito ay hugutin nito ang isang maliit na baril at itutok sa kanya. Isang malakas na pagsinghap ang pinakawalan niya.
“Si Eduardo ang ama ng dinadala niya!” She screamed. “Pati ang asawa ko ay hindi niya pinatawad.” Gumuhit ang sa wari’y lungkot sa mga mata nito bago muling gumitaw ang poot. “Ang ina mo ay isang puta! Hihiwalayan ako ni Eduardo dahil kay Nathalie! Sila ang magsasama at hihiwalayan din ni Nathalie ang daddy mo. Sinabi sa akin ni Eduardo iyon isang linggo bago ko pinatay ang mommy mo!”
Brianna was stunned. Si Eduardo ang ama ng dinadala ng mommy niya nang mamatay ito.
“Hindi ako papayag na mangyari iyon!” Muling nanlisik ang mga mata nito. “Akin si Eduardo... at ang salapi niya! At ikaw,” She shook her head “...napakahirap mong patayin, Brianna. Nabaril mo ang taong inupahan kong panhikin ka sa silid mo... nagawa mong makatakas sa akin nang gipitin kita sa daan. At sa orange farm, nadaplisan lang kita.”
Si Leticia ang nagtatangka sa buhay niya, she thought confused and horrified. “B-bakit gusto mo akong patayin?” Pilit niyang pinagagana ang isip kung paano makakatakas sa babaeng ito na hindi siya mamamatay mula sa baril nito.
A malignant smile appeared on Leticia’s lips. “Wala kang ipinagkaiba sa mommy mo. Inakit at tinangka niyang agawin si Eduardo sa akin. Ikaw naman ay inaagaw mo kay Valerie si Shaun.” Her eyes turned icier. “Hindi ako papayag, Brianna. Hindi ako papayag na mapasaiyo si Shaun at pati na ang trust fund ni Tricia na nasa pangalan niya. Nagawa kong alisin sa landas si Tricia upang sa takdang panahon ay pakasalan ni Shaun si Valerie at mapupunta sa anak ko ang trust fund. Subalit ang anak ng putang si Nathalie ay muli akong binigyan ng suliranin. Kailangan mong mamatay!” Brianna had never seen anyone so consumed with hatred.
“I-ikaw ang nagpapatay kay Tricia!”
“Leticia!”
“Brie!”
Napatuon ang paningin nilang dalawa sa pinanggalingan ng mga tinig. Sina Shaun at Eduardo at parehong patakbong lumalapit. Nag-panic si Leticia at pinaputok ang baril. Brianna screamed. Tinamaan ng baril si Shaun na bumuway. Sinundan pa uli iyon ng isa pang putok at tumama iyon kay Eduardo.
She couldn’t just stand there, scream, and scared, and let this woman kill them all. Isang flying kick ang ibinigay niya rito. Humiyaw sa sakit si Leticia at natumba sa may bangin. Kalahati ng katawan nito ay nasa ere sa bangin. Sumigaw ito at nanlaki ang mga mata sa sindak.
“Huwag mo akong hayaang mahulog, Brianna! Tulungan mo ako!”
She stilled for a moment. This woman killed her mother and would kill them all. Subalit hindi siya mamamatay-tao. Saglit lang ang pinalipas niya at inabot ang kamay nito. Subalit nang mahawakan ni Leticia ang kamay niya ay ubos-lakas siya nitong hinila patungo sa bangin.
Brianna screamed. Subalit bago siya nahulog ay mabilis na dinaklot ng isang kamay niya ang makakapal na damong nasa gilid ng bangin. Ang isang kamay niya na binitiwan ni Leticia dahil sa pagtatangkang makaahon sa pagkakabitin ng kalahating katawan sa ere ay inihablot niya sa buhok ni Leticia at hinatak iyon, fighting for her dear life.
Nagkakawag si Leticia sa sakit at unti-unting lumaki ang bigat ng nahuhulog nitong katawan. Brianna couldn’t hold on longer to Leticia’s hair as Leticia was starting to fall. Patuloy sa pagsigaw si Leticia na unti-unting dumadausdos sa bangin. Inubos niya ang lakas sa paghatak sa buhok nito at pagkatapos ay binitiwan. Dalawang kamay na niya ang nakadaklot sa makakapal na damo. Alam niyang hindi iyon magtatagal at mabubunot niya ang mga ugat at mahuhulog siyang tuluyan sa bangin.
And to her horror, napakapit sa isang paa niya si Leticia. She would die with her. Hindi siya kakayanin ng mga damo, lalo pa kung dalawa sila. Nararamdaman na niya ang unti-unting pagkakabunot ng mga ugat ng maninipis na damo. Ilang sandali na lang ay ihuhulog siya sa kamatayan. Tulad ng mommy niya ay sa bangin din magtatapos ang buhay niya.
Nang mula sa kung saan ay dalawang kamay ang humawak sa mga braso niya. “I got you, love!”
She groaned her relief. Subalit sandali lang ang pagkahinga niya dahil nahantad sa kanya ang dugong umaagos mula sa dibdib ni Shaun. Hindi kakayanin ni Shaun na hilahin silang dalawa ni Leticia sa kalagayan nito. At hindi niya magawang sipain si Leticia upang mahulog na ito. Huhugutin ng lakas na gagamitin niya ang mga damo. Sindak na napatingala siya kay Shaun.
Gumigiti ang pawis sa palibot ng noo ni Shaun. Nakikita niya ang paglilitawan ng mga ugat nito sa leeg. “Humawak... kang mahigpit, Brie...”
Isang halakhak ang kumawala kay Leticia. “Hilahin mo kami, Shaun, kung hindi ay kasama kong mamamatay si Brianna!”
Nararamdaman na ni Shaun ang unti-unting panlalabo ng paningin. But they’d both die than let her go. Sa mga sandaling iyon ay nagsimulang kumapal ang fogs na nakapaligid sa kanila. It was so cold that Brianna didn’t think they would make it. Nagsimula na siyang makadama ng panghihina mula sa pagkakabitin at pagkakahawak ni Leticia sa paa niya. Any moment now, they would fall to the ravine. Shaun was intent on holding on to her come what may.
“I love you, Shaun...” she whispered to him, tuluytuloy ang agos ng mga luha. “Let me go and save yourself...”
“No!” he said weakly. “Huwag... mong sabihin iyan. Huwag kang bumitaw, Brie!”
The thick fogs whirled around them. The cold that she felt was freezing her. Na natitiyak niyang ganoon din kay Shaun na unti-unti nang pinapanawan ng lakas. Ang mga mata nito ay halos hindi na maituon sa kanya. Only strong determination kept him from letting her go. She tried to pull herself free from Shaun’s grip. But Shaun’s hold was like vise-like.
Nang walang anu-ano ay malakas na sumigaw si Leticia. “Hindi! Lumayo ka...! Lumayo ka! Huwagggg...” Bumitaw itong kusa mula sa pagkakahawak sa paa ni Brianna at ang sigaw nito ay nag-echo sa buong kabundukan. Umabot sa pandinig niya ang pag-crash ng mga buto nito sa mga batuhan sa ibaba.
Inubos ni Shaun ang natitirang lakas upang hilahin si Brianna pataas. “I got... you, honey...” hinang-hinang sabi nito at nang matiyak na naiangat na nito ang katawan ni Brianna ay tuluyan na itong bumagsak sa damuhan. Pagapang na iniahon ni Brianna ang sarili habang patuloy sa paghagulhol.
“Shaun!”
Nawalan na ito ng malay. Napuno ng matinding takot ang dibdib niya sa nakikitang dugong umaagos dito. Nag-angat siya ng luhaang mukha nang makarinig ng mga tinig. Natanaw niyang susuray-suray na lumalakad palapit sa kanila si Eduardo. Hawak nito ang duguang balikat. She cried her relief when she saw that a man was with him. Tumatakbo ito patungo sa kanila.
Kung ano man ang dahilan, nilinga niya ang bahagi ng bangin. Nakabitin pa sa bangin ang mga binti niya. Nakita niyang ang makapal na ulap na naroon kani-kanina lang ay naglahong parang bula. Ni hindi niya matanaw ang mga iyon sa malayong bahagi kung saan maaaring dalhin ng hangin. It was as if it had never been there.
“Brie!” sigaw ni Eduardo.