“She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all.”
At bakit worst ako? Isa akong babaeng nabubuhay sa mundo na puno ng galit sa puso. I am cold, miserable, and I hate anyone lalo na ang sinumang magsasabing mahal ako. Ginagawa ko ang anumang maisipan kong gawin. Wala akong pakialam kung may masasaktan man akong iba. Tinaguriang certified bad girl ng bawat paaralang mapapasukan. Hanggang sa malipat ako sa paaralang tingin ko kung saan ako nababagay. Ang paaralan kung saan mas marami ang mga katulad kong pariwara sa mundo.
Mga estudyante silang hindi takot pumatay at mamatay. Most of the students here are evil. Dito ko makakasalubong at makakasalamuha ang iba't-ibang grupo ng mga gangsters and bad students. Dito ko rin makikilala ang isang Mafia heir na hindi takot pumatay at siyang anak ng may-ari ng paaralang ito. At siyang magpapagulo sa dati ko ng magulong mundo. I hate falling in love and yet I was trapped. And when I started to fall, his first love arrived. His only angel. His angel that looks like me. The angel who destroyed my family, and the girl I hate the most. Should I stay and take my revenge or just let them have a happy ending?
She's the angel and he's the bad guy, but I am the worst of them all. Because I am Lhinea Ciarra Verdal, also known as CIA, THE WORST!
(Ciarra's p.o.v)
“Bakit ngayon ka lang umuwi ha? Anong oras na!” Sigaw sa akin ni mama na kakagaling lang sa kusina.
“Bakit? May pake ka?” Dahil sa sagot ko lumagapak na naman ang palad niya sa aking kaliwang pisngi. Napatabingi ako at damang-dama ko ang pag-iinit at pamamanhid ng kaliwang pisngi ko.
“Wala kang kwentang pagkaanak! Buti pang lumayas ka na lang dito!” Ganyan naman palagi. Ilang ulit na ba niya akong pinapalayas? Di ko na nga mabilang eh. Kundi lang sa wala siyang kasama rito matagal ko na iyang ginawa. Kaya lang alam kong kailangan niya ako.
Naumagahan ako sa pag-uwi dahil may group project kaming ginawa kaso sa sobrang pagod ko, nakatulog ako sa bahay ng isa sa mga kagrupo ko. Kakagaling ko lang din kasing mag community service bilang punishment ko dahil sa may sinapak ako sa paaralan.
“May ginawa ka na ngang kasalanan sa school. May warning ka na nga, dinadagdagan mo pa ang atraso mo! Wala ka na bang gagawing tama sa buhay mo? Puro ka nalang kalokohan!”
Si mama ang pinakamagaling manghusga sa akin. Siya na sarili kong ina. Ni hindi man lang niya tinatanong kung bakit ko binugbog ang taong ‘yon? Kung bakit ako nagabihan sa pag-uwi? Kung kumusta ang pag-aaral ko? May nambastos ba sa'kin? May sakit ba ako? Pagod ba? Ayos lang ba? Kumain na ba?
Wala yang pakialam. Ang tanging alam niya ang husgahan ako at sigawan. Palayasin. Do'n siya magaling.
“Mas mabuti pang ibigay na lamang kita sa papa mo. Baka mapapatino ka pa niya!” Sigaw niya pa.
Papa? I just laughed mockingly hearing her said that. I look at my mother with no emotion in my eyes.
“Buti pa nga. Nang masipa ko ang ari niya. Nang sa ganon, hindi na siya basta-bastang nagtatanim ng semilya sa kung saan-saan at iwan. Para di na dadami ang mga sakit sa ulo sa mundong ito.” I coldly replied. Kaya ayan, lalong pumula ang mukha ni mama sa sobrang galit.
Iniwan ko na lamang si mama na mag-isa sa sala at pumasok na lamang sa aking kwarto kaysa naman mag-away lang kami palage.
Lumaki akong may sama ng loob sa aking mga magulang. Lalong-lalo na kay Crizan Verdal. Siya ang ama ko daw na kahit anino niya ayaw kong makita. Para sa akin matagal na siyang patay. Iisa lang ang pamilya ko at iyon ay si mama lamang. Ang tanging pangarap ko lang na makakatagpo siya ng taong tunay na magmamahal sa kanya, nang sa gano'n, maibsan na rin ang galit at lungkot na nakatago sa puso niya. Hindi ganyan ang aking ina dati pero dahil sa walangyang Crizan at Claris na 'yon nagiging ganyan si mama.
Hindi ko man nararamdaman ang pagmamahal niya katulad ng dati, hindi ko siya masisi. Dahil kamukha ko naman ang mga taong dahilan ng sakit at galit na nakatanim sa puso niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako. I did everything para mapasaya siya but I am still the worse daughter in her eyes. Sinagot-sagot ko man siya kanina, nasaktan lang kasi ako sa mga pinagsasabi niya. Husgahan ka man ng ibang tao ayos lang. Pero kung pati ang nag-iisang taong natitira at nanatili sa buhay mo ang siya pang manghusga sayo ni hindi man lang inalam ang tunay na nangyari ay ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. It hurts a lot.
But she is still my mother and the only family I have. By the way, I am Lhinea Ciarra Verdal. Seventeen years old, the rebellious girl with lonely life and bad personality. I didn't trust anyone other than myself. And I hate my life even myself.
Papikit na ako when I heard my mom said na nagpawala sa antok ko.
“Bukas, susunduin ka na ng driver ng taong 'yon.” Taong 'yon. And I know who is that man. “Kaya mas mabuti pang mag-empake ka na.” So, matagal na niyang pinag-isipan ang bagay na 'to? Di man lang tinanong ang opinyon ko at nagdesisyon na agad siyang mag-isa.
I just close my eyes again. Kung ayaw na niya akong makita ano naman ang magagawa ko? Kung presensya ko ang palaging nagpapaalala sa mga kalungkutan niya mas mabuti pa ngang lumayo-layo na muna ako sa kanya nang sa ganon, magawa na niyang makalimot kahit panandalian lamang.
Bakit ko ba ipipilit ang sarili kong mahalin ng isang inang hindi ako kayang mahalin? Sa mundong ito, walang nagmamahal sa akin. Kahit ano man ang gagawin ko, I am always the worst child in her eyes.
Kinabukasan, sinundo nga ako ng driver ni Crizan Verdal. Ayaw ding magpakita ng taong iyon sa akin a. Anim na taon pa lamang ako no'ng huli ko siyang makita. At ngayon, seventeen na ako. Running eighteen. At hanggang ngayon hindi pa siya nagpapakita sa katulad ko. I wonder if I am also the worst daughter in his eyes?
“Young lady, tayo na po.” Magalang na sabi ng driver sa akin at siya na ang nagbuhat sa mga maleta ko. Matagal na panahon na ring hindi ko narinig ang salitang yan. Young lady? I almost laughed sarcastically. Isang tunay na legitimate child bigla nalang nagiging illegitimate? How laughable.
Pumasok na lamang ako sa loob ng kotse at di na nagsalita pa. I am cold to anyone and I don't know how to smile a happy and sincere smile. But why not enjoy my life? I can enjoy my life kahit walang nagmamahal sa akin.
Starting today, I need to be happy.
Handa na ang lahat ng mga kakailanganin ko sa pag-aaral. Halatang matagal na nga nila itong pinghandaan. Pagtapak ko palang sa school gate kanina may napansin na akong kakaiba. Hanggang sa makarating na ako sa aking dorm, kakaiba parin ang reaksyon ng mga estudyante, kahit ang mga doormate ko nagbubulungan pa.
“Bakit pa siya bumalik?”
Bumalik? Hindi naman ako minsang napadpad sa paaralang ito a. Saka ang creepy kaya ng paaralang ito. Iyong mga estudyante rito parang mga gangster. Mababae man o lalake. Ang astig kasi nila makatingin at parang mahilig mambasag ng ulo.
“Maybe she wants a life worst than death.”
What are they talking about? A life worst than death? Parang ganyan na din naman ang buhay ko ngayon a. Hindi na nila kailangan pang iparamdam sa akin ang miserable life na iyan dahil ramdam na ramdam ko na simula pa bata.
Matapos maibigay ng driver sa akin ang susi ng silid ko ay agad na siyang umalis. Mukhang pang VIP ang aking kwarto dahil sa sobrang lawak nito. May swimming pool sa loob at may terrace. May sarili rin akong kitchen at kumpleto na sa mga kagamitan ang silid na ito.
May nakapatong pang susi ng kotse sa glass table at iilang credit cards. May pera din na nakalagay sa isang bag. Mayaman nga naman. Kaya lang, aanhin ko ba yan ngayong malaki na ako? Bakit ngayon pa? Bakit hindi niya ginawa noong bata pa ako? Bakit niya kami hinayaang mamuhay sa hirap ni mama noon?
Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at pumasok sa aking kwarto. Inayos ang mga gamit sa isang cabinet. May mga wardobes pala rito at may sarili rin akong library? Ang laki din ng walking closet ko at may mga nakalagay ng mga mamahaling mga damit na saktong-sakto naman sa pigura ko. May nakita akong isa pang pintuan kaya pumasok ako. I didn't thought na may makikita akong mini-gym dito. Kumpleto sa kagamitan sa pag-eehersisyo ang silid na ito.
May iba't-ibang uri rin ng mga punching bag akong nakikita. So, alam niyang nag-aaral ako ng self-defense? O lahat ng mga estudyante ay may mga mini-gym sa mga kwarto nila?
Magmula no'ng iwan kami ng taong iyon, pinilit ko si mama na ipasok ako sa martial arts school. Ang gusto ko lang naman sa mga oras na 'yon na ipaghiganti si mama at bugbugin si Crizan at ang kabit niya. Bata pa ako sa mga oras na 'yon, pero alam ko na, na masakit ang traydorin ng sariling kapatid at ng taong minamahal.
Napapayag naman si mama. At kahit nahihirapan siya sa pagbabayad ng tuition, pinilit parin niya. Pero no'ng napansin niyang nakapokus lang ako sa pag-aaral ng martial arts at napapabayaan na ang academics ko, pinahinto niya ako. Kahit scholar na sana ako sa nasabing paaralan dahil minsan na akong nanalo sa isang martial arts competition kaso pinahinto parin niya ako.
Kung nagbigay lang ng suporta si Crizan, di ko na sana kailangan pang magpakahirap para lang magkapera. Lalo na no'ng naospital si mama, hindi ko na alam ang gagawin ko at kung saan ako manghihingi ng pera. Nang may narinig ako tungkol sa mga underground fight para sa mga kabataan, pinilit ko ang aking kaklase na kabilang sa lalaban na ako ang papalit sa kanya at napapayag naman siya at ang ama niyang miyembro din ng mafia. Para sa mga batang mafia heir ang nasabing laban kaya kailangan ko ng koneksyon para makasali. Hindi ako takot mamatay at masaktan. Ang mahalaga sa akin na mailigtas ko lang si mama.
Isang twelve years old ang nakalaban ko. Nakatakip ang mukha at anak ng mafia. Training daw niya ang laban na iyon, at ako pa ang nakatunggali niya. Syempre katulad niya nakatakip rin ang mukha ko. Cia the worst ang ginamit kong codename. Dahil nakasanayan ko na ang pangalang iyan. Iyan kasi ang madalas kong naririnig sa mga guro ko at mga kaklase. Ako ang worst sa lahat ng mga estudyante. At ako ang worst sa mga mata ni mama.
Natalo ko ang aking katunggali kaya nagkapera ako. Kaya natuwa sa akin ang ama ng kaklase ko dahil dala ko ang pangalan nila sa laban. Hindi ko na maalala ang pangalan ng kaklase kong iyon maging nong batang nakatunggali ko. Kung may babanggit sa pangalan nila siguro maaalala ko sila.
Nang makalabas na si mama sa hospital nalaman niya ang pagsali ko sa underground fight. Kaya mahigpit niya akong pinagbawalan na huwag ko ng uulitin. Sinubukan ko lang naman sanang sumali sa laban para magkapera pero ikinagalit ito ni mama. Ngunit di parin ako tumigil at ilang beses ko paring ginagawa ng palihim. Kaya lang nalaman niya parin.
Nalaman din niyang nakikipagpustahan ako sa mga kaklase ko kapag may secret duel kaming ginagawa at nalaman din niyang madalas din akong nakikipagbugbugan. Secret fight ang tawag namin sa tuwing naglalaban kami at magpupustahan sa kung sino ang mananalo kasama ang mga kapwa ko mag-aaral sa Martial arts school. Kapag nananalo ako, nagkakaroon ako ng pera. Sa pamamagitan lang nito, nagkakaroon ako ng pera. Ayaw ko kasing matalo, kaya sinisikap ko talagang manalo. Di bale ng mabugbog ang mahalaga magkakapera.
Nang mag senior highschool na ako, palihim akong nagpapartime job kaya madalas matagal akong nakakauwi. Doon na mas lumala ang panghuhusga sa akin ni mama. Madalas kasi akong hindi nakikinig sa mga payo niya kaya unti-unti ring mas lalong lumalayo ang loob niya sa akin. Kasalanan ko naman ang lahat kaso gusto ko lang naman sanang makatulong sa kanya kaya lang ikinagagalit niya lahat ng mga gagawin ko.
Hindi lang niya alam na ginagawa ko iyon para lang makaipon ng pera. Saan ba kasi ako kukuha ng pera di ba? At alam kong nahihirapan na rin siya at ayaw ko iyong dagdadagan pa. Gusto kong magkapera sa pamamaraang alam ko. Sumasali ako sa competitions legal man o illegal, sumasali sa mga underground fight o sa mga secret fight para magkapera. Kaya madalas akong umuuwing may pasa noon. Hanggang sa nasanay na rin ako.
Binawalan niya akong makipagkaibigan at makipagkita sa mga dati kong kaklase sa martial arts school lalong-lalo na sa batang pinalitan ko noon sa underground fight. Kaya hindi na kami muling nagkita pa at nakalimutan ko na ang pangalan niya. Siya lang naman ang itinuturing kong kaibigan dati pero nilayo siya sa akin ni mama dahil bad influence daw ito.
Kaya di ako natutuwa makakita ng perang alam kong galing kay Crizan. Naaalala ko lang ang mga oras na halos mamalimos ako sa kalsada. Kundi ko nakausap yung kaklase ko wala ng pag-asa pang makasali ako sa nasabing underground fight at di ko sana mapapagamot si mama. Baka wala na sana siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung sino ang bumangga sa kanya at kung bakit nito iniwan si mama matapos mabanggaan?
Pero ang palaging pinapaalala ni mama sa akin na hinding-hindi ako dapat umibig sa mga taong kabilang sa grupo ng mga mafia o ba kaya mga gangster. Anak ba kaya ng mga sendikato at sa mga taong may koneksyon sa underground world. May hinala akong kabilang dito si Crizan kaya ayaw ni mama na matulad ako sa kanya? Hindi ko alam kung ano pa man ang nililihim ni mama sa akin. At bakit galit na galit siya nang matuklasan niyang may kaibigan akong may koneksyon sa underground world.
Bumalik ako sa aking kwarto at magpahinga na muna. Saka ko nalang aalamin kung bakit ako biglang pinalipat dito ni mama. Alam kong may dahilan siya at iyon ang dapat kong malaman.
(Ciarra's p.o.v)
Habang naglalakad ako sa hallway, pansin ko ang mga mapanuyang tingin ng mga estudyante, mababae man o lalake. Ano bang problema nila sa akin? Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglakad.
“Si Cia ba yan? Bakit siya bumalik?” Tanong ng isang babae. Ilang ulit ko na bang narinig ang tanong na yan?
“Iiwan na naman ba niya si Worst?”
“Binalikan ka mo. Bumalik nga di ba?” kontra ng katabi niya.
Worst? Sino ba yang worst na yan? At saka may pangalan bang ganyan? Worst talaga at di worse?
Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad habang nakatingin sa mapang hawak ko. Mapa ng paaralang ito at kung saan banda naroroon ang magiging classroom ko.
“Pare, look! Si Cia ba yan? Lalo siyang gumanda.”
“Mas tumangkad at nagiging mas sexy rin siya a.”
“I wonder how Worst would feel, that she's back.” Hindi ko na pinansin ang tatlong lalaking madadaanan ko. Sino ba kasi iyang Worst Worst na ‘yan?
Sino din ba iyang kapangalan ko? Bigla akong natigilan nang may maalala. Wag mong sabihing dating estudyante ang anak ni Crizan dito? If I’m not wrong Lhynee Cianna Verdal ang kanyang pangalan. Kung ganon, baka Cia rin ang palayaw nila sa kanya?
That so called sister of mine is older than me by one year at medyo kahawig ko siya noon. Hindi ko lang alam ang hitsura niya ngayon dahil di na kami muling nagkita pa magmula no'ng aksidenteng nagkatagpo ang landas namin seven years ago. Kasama pa niya ang taong iyon (refer to his father crizan) kaya nakilala ko agad na anak siya ni Crizan at ni Claris. (Crizan, name of her father and Claris name of her mother's younger sister.)
Nakita ko na rin ang magiging classroom ko. Kahit yung guro mukhang ang sama ng tingin sa akin. Ano bang kasalanan ko sa mga ‘to?
“Miss Verdal. Mukhang namali ka yata ng classroom. Nasa kabila ang HRM Building for 2nd year. This is engineering building and this room is for freshmen.” Sabi niya pa.
“First year pa po ako so I’m not in the wrong place. Maybe you're just mistaken me for someone else. Saka engineering talaga ang course na kinukuha ko.” Natigilan siya sa sagot ko. Tinitigan muna ako bago pinapasok at hinayaang magpakilala sa mga magiging kaklase ko.
Kaya lang bago pa man ako makapagsalita may nauna na sa akin.
“Ang kapal ng mukha mong bumalik pa. Dahil bumagsak ka sa dating kurso mo lumipat ka agad dito?” Sigaw ng isang babae na di ko kilala.
“Excuse me. Do I know you?” Kunot-noo kong tanong. Makasigaw kasi bakit kilala ko ba siya? Baka siya itong bagsak sa unang napili niyang kurso kaya lumipat dito.
“Siya yung rumored gf ni Worst di ba? Nakita ko narin siya in person. Hindi na nahiya, bumalik pa siya dito at nagshift pa ng kurso?” Ano bang pinagsasabi ng mga to?
“Bakit ka pa bumalik?” At sino na naman itong lalaking sinigawan ako bigla?
Nagtataka na lamang ako dahil sa grupong nagsipasukan na di ko naman kilala.
“Nandito ang worst gang at Lion gang!” Halos panabay na sambit ng lahat. Worst gang? Lion gang? Di kaya ang Lion gang ang tinatawag nilang worst gang? Gagawa-gawa pa sila ng pangalan kung worst gang din naman.
“Oh my ghad! Nakita ko narin sila in person.” a girl said. Mga nasa apat lang ang babae sa room na ito.
“Yung idol ko nandito.” One of the boys said.
Teka lang. May mga gangsters ba dito? Kung gano’n, may mga gangster sa University na ito? Nga pala, XIONGFA University ang tawag sa paaralang ito.
“What are you doing here? Bakit ka pa bumalik? Ano na naman bang binabalak mo ha?” Akma akong hawakan nitong lalaking may nametag na Disaster. Ang panget ng pangalan, siguro gang name niya yan? Agad kong iniwas ang aking braso para di niya mahila. Base sa reaksyon niya halatang galit siya? Ano bang kasalanan ko sa kanya?
“And who are you?” Nakataas kilay kong tanong.
He laughed mockingly. “Maang-maangan ka pa. Magaling ka nga talagang umarte a. Ano na naman bang plano mo? Playing naive and innocent ulit?”
“Playing innocent?” Nakataas kilay kong tanong sabay isa-isang tingin sa kanila. Bawat isa may mga hitsura at halatang galing sa mga mayayamang pamilya. Pero halos silang lahat nakikitaan ko ng galit at sakit sa mga mata. Ano bang ginawa ng babaing 'yon (referring to her half sister Cianna) at ganito nalang ang galit ng mga taong ito sa akin?
“So ito talaga ang totoong kulay mo? Kunwari di mo kami kilala at di mo maalala o baka naman nakarma ka at nadisgrasya pagkatapos nagkaroon ka ng amnesia? Then, serves you right.” A guy said na may nametag na Pain? Ano yan? Pain na sakit? O pain as in PA-IN? Ang weird naman ng mga pangalan nila dito.
Gusto ko na sanang umupo dahil nangangalay na ang mga paa ko tapos may mga nanggugulo pa na di ko naman kilala. Yung guro, aywan kung nasaan na.
“I don't know you guys, so please, don't disturb my class. You can get out kung hindi ito ang classroom niyo.” Sabi ko. Ayaw ko sanang magsalita kaso kailangan e.
Pansin ko ang nakakakilabot na tingin. Pakiramdam ko nanayo ang mga balahibo ko sa mga tingin ng kung sino kaya nilingon ko siya.
Cold look. Pain. Hurt. Hatred. Iyan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Saka mga emotion na siguradong di ko magugustuhan. Bakit kung makatingin siya kulang nalang ilibing ako ng buhay? Nang tingnan ko ang nametag niya, nalaman kong Worst ang name niya o gang name ba kaya yan.
“Di ba sina pain at disaster ang pinakamalapit sa kanya? Bakit parang di niya kilala?” Rinig kong tanong ng isang estudyanteng lalake.
Kung pinakamalapit pa kay Cianna ang pain at disaster na ‘to, bakit galit ang makikita ko sa kanilang mga mata? Ganyan ba ang palatandaan ng pagiging malapit sa isa't-isa?
“Maang-maangan lang ‘yan. Naniwala ka naman.” May mga estudyante na palang nakasilip mula sa labas. Nakiusyoso yata. First day na first ko palang mukhang magulo na ang araw ko nito. At ang malala, dulot ito sa taong kamukha ko siguro.
Nagulat na lamang ako nang may babaeng tumakbo palapit sa akin at mukhang yayakapin ako.
"Cia! You're back! I miss you!" Sigaw niya at sinunggaban ako ng yakap. Agad naman akong humakbang pa-left para makaiwas. Kaya muntik na siyang mapasubsob sa sahig.
“Cia?” naguguluhang tanong niya.
“I don't know you.” Sabi ko agad. Hindi ko naman talaga siya kilala. Napapreno naman siya at halatang nagulat sa narinig.
Bigla nalang may humila sa akin mula sa likuran at hinila niya ako palabas. Hindi na ako umangal, nakakasakal na rin naman sa loob. Sumunod na lamang ako sa kanya. Total, sa kanilang lahat siya lang at ang katabi niya ang nakikitaan ko ng look of concern.
Tumigil siya at hinarap ako.
“Cia.” Malungkot at may halong pag-alala ang kanyang boses. This guy is very cute and handsome at mukha rin siyang friendly and approachable.
“Nakaka-stress kayo. Cia kayo ng Cia, hindi naman ako yung Cia na kilala niyo? Ano ba siya gangster? Campus queen? Campus enemy? Well, kung ano man siya hindi kami iisa. She maybe bad or an angel but I am the worst. I am Cia too, but not the Cia you already know.” Sabi ko agad in an annoying tone. Nakakainis na kasi. Ngayon lang kaya ako napadpad sa lugar na ito, tapos pagkamalan na akong ibang tao?
(Ciarra's p.o.v)
“I used to be Cia's friend. Kung di nga ikaw si Cia then let me see your back.” Tiningnan niya ang likod ko? Tinitigan ko pa siya kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero parang hindi e.
Fine, likod lang naman. Tumalikod ako sa gawi niya at itataas na sana ang aking uniform nang magsalita siya.
“Hey! What are you doing?”
“Sabi mo titingnan mo ang aking likod bakit ka nagtatanong?” Tingnan daw niya likod ko di ba? Tapos pag ipakita na, magtatanong siya? Likod lang naman e. Nag-two two piece bathing suit nga ako sa beach o sa swimming pool ng paaralan at minsan naka-micro mini skirt at backless dress lang ako, so anong pinagkaiba nito sa pagpapakita ng likod ko?
“Hey I'm still a man. Di ka man lang magdadalawang isip na itaas iyang uniform mo?” Nakakunot ang noo niya niyan.
“Sabi mo gusto mong makita ang likod ko di ba? Bakit may tattoo ba sa likod yung Cia na kilala mo?” tanong ko.
“May tattoo siyang W na may crown sa tuktok bilang queen ng Worst gang. Pero ang Cia na kilala ko may maliit na peklat sa likod.” may peklat sa likod? Meron ako kaso di gaanong makita kapag di tinitigan ng maayos. Nagkapeklat ako dahil sa batang nakatunggali ko noon. Natamaan kasi ako sa binato niyang maliit na kunai.
“Sa una kong pagkakita sayo I thought ikaw si Cia, pero nang magsalita ka at makita ko ang mga mata mo, nalaman kong hindi ka nga siya.” Seryoso niyang sabi sa akin.
“Then, ano ngayon ang kailangan mo sa akin?” Hindi naman ako si Cia na inaakala nila at alam naman pala niya yon so, bakit niya ako hinila?
“But I thought that you are the Cia I knew.” Sagot ulit niya. Kilala ko ba siya? Hindi naman a. Pero pamilyar siya sa akin..
“I'm Hail Hawkins. Hawk tawag sa akin ng ka-gang ko.” Hail? Hawkins? Why it seems sound so familiar to me?
“Nakalimutan mo na ba talaga ako Cia? Alyas Cia the worst?” Kinaway pa niya ang isang kamay sa aking mukha. Cia the worst? Dati ko ba siyang kaklase? Teka lang.
“Hail? Yung kaklase ko sa martial arts school? ” Gulat kong sambit na napatakip pa sa bibig. Siya ang una kong naging kaibigan noon at siyang may malaking naitulong sa akin kung bakit buhay pa si mama hanggang ngayon.
“Ako nga to Cia.” Masiglang sabi niya at tumawa pa. “Kumusta ka na? Bakit bigla ka nalang nawala?” Hinawakan balikat ko. So siya nga ‘yon. Dito na pala siya nalipat?
“Ikaw ang kumusta. Matagal din tayong di nagkita.” Sagot ko. Ang totoo natuwa ako dahil nagkita kami rito.
Pero bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Cia, di bagay sa’yo ang lugar na ito. This place is dangerous. Kung mahina at mabait ka, then hindi nababagay para sa’yo ang lugar na ito. Mas mabuti pang mag-quit ka nalang.” Sabi niya na may concern sa mga mata. Mahina at mabait? Wala yan sa bokabularyo ko.
“Hindi pwede. Hindi naman siguro ako ipapasok rito ni mama kung mapanganib ang lugar na ito. At kung mapanganib nga, gusto kong malaman kung bakit sa dami ng University dito pa nila ako pinag-aral. May dahilan di ba? At isa iyon sa mga gusto kong malaman.”
“Pero Cia.”
“Bakit? Di mo ako tutulungan? Nandito ka naman e. May kakampi na ulit ako.” Ngumiti siya pero may halong pag-alala.
Umupo na muna ako sa gilid ng isang puno. Isinandal ang likod at dinama ang malamig na simoy ng hangin. First day na first day absent agad. Well, wala naman akong pakialam sa grades ko.
Tiningnan lang ako ni Hail, hindi ko mawari kung ano ang nilalaman ng kanyang isip. Pero batid kong nag-aalala siya para sa akin.
“Cia, bakit hindi ka pa magback out? Maghanap ng ibang school?” Maya-maya pa'y tanong niya na sinamahan pa ng buntong-hininga.
“Gustuhin ko man pero hindi pwede. At saka ano namang nakakatakot sa paaralang ito? Ano bang pinagkaiba kung maging magulo man ang buhay ko dito gayong dati ng magulo ang buhay ko?” Sagot ko. Ngunit agad natigilan, makita ang isang grupo ng anim na mga lalaking dumaan sa hallway.
Nakatingin sila sa direksyon namin ni Hail. Anim sila pero nakapokus ang aking mga mata sa isa. Ang lalaking medyo kahawig ng aking ina. Tiningnan ko ang nametag niya. Dahil papalapit sila sa gawi namin, naaninag ko ang nakasulat sa nametag niya. Mukhang di talaga uso ang ID dito.
Viper. Kung gano’n, iyan ang gang name niya or codename ba. Since hindi naman Viper ang tunay niyang pangalan. Natigilan din siya nang makita ako. Napatigil pa siya sa paglakad at tiningnan ako diretso sa mga mata. Tiningnan ko rin siya sa mga mata, with my cold look and expressionless face.
Ciarra's p.o.v
Siya si Ciannon Verdal, my so called brother. My Mom’s favorite child at isa sa rason kung bakit masama ang pakikitungo ni mama sa akin. Mas gusto niyang si Ciannon ang naiwan sa kanya kaysa sa akin. But sad to say, this Ciannon boy ayaw kay mama. Mukhang na-brainwash ng so-called angel stepmother niya.
Flashback...
“Cian, anak. Anak, I miss you so much!” Halos maiyak na si mama sa tapat ng isang batang lalaking nasa 9 years old sa tapat ng isang mall.
Gustong-gusto niyang lapitan at yakapin ang bata kaso tinulak siya nito na ikinaupo niya sa sahig.
“Mom? Since when did you become my mom? I hate you!” That words. Made my mother stunned. Bakit galit sa kanya ang batang ito? Ano ang dahilan? Saan ba siya nagkulang?
Mukhang hindi niya naalala na madalas sumasama ang batang ito sa tita Claris niya sa pamamasyal at mas close ang batang ito sa kanyang tita. Which is now naging stepmother na niya.
“I don't have a beggar, stupid and irresponsible mother like you. I hate you!” Sigaw ng batang lalaki na lalong ikinaguho ng mundo ni mama.
“Go away! You're not my mother! I hate you! I hate you!” Matapos sabihin ang mga katagang ito may tumamang maliit na kamao sa kanyang pisngi. Natumba siya at tiningnan ng masama ang batang sumapak sa kanya.
Nakatitig lamang ako sa mga mata niyang puno ng galit. Galit siya? Gano’n din ako. Kung hindi lang agad humarang ang mga bantay niya, tatadyakan ko pa siya. Well, ako nga pala ang batang sumapak sa kanya.
End of flashback...
Magmula sa araw na iyon, hindi na ulit kami nagkita pang muli. Palagi lang din sinasabi ni mama na bakit daw ako pa ang naiwan sa kanya? Bakit hindi pa si Ciannon? At magmula din noon, I started to hate that Ciannon. Bakit ko pa siya naging kapatid?
Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa parehong mga matang nagtulak kay mama noon. At isa sa mga kalungkutan ni mama ngayon.
“Why are you here?” Gulat niyang sambit pero hindi ko maririnig. Kaso nababasa ko base sa galaw ng kanyang mga labi.
Bakit nila ako pinapunta sa paaralang ito at makita ang isa sa mga taong kinasusuklaman ko? Huminga na lamang ako ng malalim at pumikit. Wala na akong pakialam sa kanya basta ba hindi rin niya ako papakialalaman. Kapag papakiusapan na naman siya ni mama bahala na siya. Bahala na sila sa buhay nila. Wala na akong pakialam sa sinuman sa kanila. Buhay ko na lamang ang iisipin ko. Sa mundong ito ako lang ang makakatulong sa sarili ko.
Kung magkaroon na ako ng sapat na halaga, aalis ako sa lugar na ito at hindi na kailanman babalik pa. Ayaw kong makita ang sinumang magpaalala sa malungkot kong nakaraan. Mga taong dahilan ng aking mga kalungkutan.
“I want to sleep so don't disturb me.” Sabi ko kay Hail na nasa tabi ko. Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.
A while later, may naririnig akong mga mahihinang yabag na papalapit. Tumigil sa kinaroroonan ko at ramdam ko na pinagmamasdan niya ako. Hindi ko ibinuka ang aking mga mata. Hinihintay ko kung ano ang gagawin niya ngunit inihanda naman ang sarili saka-sakaling may gagawin siyang di maganda.
Hindi ito presensya ni Hail. Ibang amoy at iba ang tunog ng yabag. Iba din ang paghinga, kaya sigurado ako na hindi siya. Umalis siguro si Hail nang makatulog ako at ang isang ‘to ang pumalit. Nakatayo lang ang taong ito sa tapat ko. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala parin siyang ginawang ibang kilos. Ano bang trip nito at mukhang nag-eenjoy titigan ako?
I’m still sleepy so itinulog ko nalang ulit. Hindi naman kasi ako nakaramdam ng panganib sa presensya ng kung sinong nilalang na ‘to. I’m about to fall asleep again, nang maramdaman kong may humawak sa pisngi ko.
Napakunot ang noo ko, but I’m still sleepy. Kaya di ko idinilat ang aking mga mata. All I want is to sleep. Someone touch my eyebrows. Massage the area between my eyebrows then binaba ang daliri patungo sa ilong down to my lips? Kapag talaga may gagawin tong kakaiba sisipain ko talaga siya. But then, a lips touch my forehead. At bigla nalang naglaho ang presensya.
I'm about to open half of my eyes kaso naglaho na nga ang presensya di ba? So huli na ako. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagtulog. Ang sarap kayang matulog kapag tinatamad kang mag-aral.
“Hey! Wake up.” Napakunot ang aking noo sa sinumang yumugyog sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at napatakip sa mukha dahil sa sinag ng araw.
“Nagdala ako ng pagkain. Kumain ka muna.” Sabi ni Hail na may dalang tatlong layer ng baunan.
Kinuha niya ang isang layer at kinuha ko ang isa. Yung isang baunan may lamang ulam.
“Wala man lang thank you?” Tanong niya makitang nagsimula na akong kumain.
“Then thank you.” Sagot ko lang. Siya naman tinitigan lang ako at umiling pa.
Nakailang subo na ako pero siya hindi pa nagsimulang kumain.
“Bakit di ka pa kumain?”
“As thank you gift subuan mo ako.” Ngumuso pa. Sinapok ko nga.
“Awts!” Napahimas na lamang siya sa kanyang batok saka nagsimula ng kumain.
Habang kumakain bigla na lamang siyang tumigil at tinitigan ako. Ilang sabdali pa’y ngumiti.
“Stop staring. I felt conscious and nauseous.” I said without looking at him.
“I thought mailang ka kasi magkasabay tayo sa pagkain at magkasalo pa.” Magkasalo nga kasi kami sa ulam. “And I'm sure na may umuusok ang ilong diyan dahil magkasalo tayo.”
“May umuusok ang ilong?” Napalingon-lingon ako sa paligid. Pero wala akong makitang ibang tao maliban sa amin. “Bakit marami bang may gusto sayo rito kaya marami ang magagalit kapag magkasalo tayo?”
Napaubo siya sa narinig. “Hindi ako. Ikaw.”
Siguro dahil inaakala nilang ako ang Cia na kilala nila? Ibig sabihin, marami ang may gusto sa other Cia na iyon?
Kukunin ko na sana ang bottled water pero kinuha niya. Ininuman muna bago inabot sa akin. Kinuha ko ito at ininom. Siya naman nakaawang ang bibig makitang nilagok ko iyon.
“What?” Gulat kasi siya at parang hindi makapaniwala.
“Di ka man lang nandiri?”
“Why should I? Bakit? May sakit ka ba?” Balik tanong ko. Kaya lang mukhang di na niya ako narinig dahil nakangiti na siya ng abot tainga. Bahagya akong natulala sa kavute tan niya kapag ngumingiti.
“Hindi nga ikaw ang Cia na kilala nila. Kundi ikaw ang Cia na kilala ko.” Nakangiti niyang sambit. “Hindi ka parin nagbago. Ikaw parin ang dating Cia na kilala ko.”
Naghiwalay narin kami ng landas ni Hail. Ako pumunta na ulit sa klasrom ko, habang siya hindi ko alam kung saan pumunta.
Ciarra's p.o.v
Naghanap na agad ako ng mauupuan. Wala namang umangal nang umupo ako malapit sa may bintana. Hindi ko sila maintindihan, they look at me with disgust and hatred pero mukhang nagdadalawang isip namang sugurin ako. Yung para bang may kinatatakutan sila?
Dumating na ang guro namin sa afternoon class at mukhang nagulat nang makita ako. Cold ko lang siyang tiningnan. Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy na sa pagdi-discuss ng lesson namin. Ako naman nakatingin lang sa labas ng bintana.
Pagkatapos ng ilang oras ng klase, lumabas na ulit ako. Nadaanan ko yung worst daw na may kalampungang babae at sa corridor pa talaga ginawa. Tumingin siya sa akin habang kahalikan parin yung sexing babae. Nilagpasan ko lang sila. Pakialam ko ba sa kanila? Kaya lang, wala sana akong pakialam kaso bakit bigla nalang akong hinabol ni girl at humarang pa sa dinadaanan ko?
“Ba't ka pa bumalik?”
Pang ilang beses ko na bang narinig ang tanong na iyan? Kanina pa ako naiirita sa paulit-ulit na tanong na ‘yan.
Nilagpasan ko ulit si girl kaso hinawakan niya ang braso ko. Syempre umiwas ako. Ayaw kong mahawakan ng kung sinong hindi ko kilala.
“Can’t you see? Worst is mine. At wala ka ng dapat balikan pa Cia. Hinding-hindi na siya babalik pa ulit sayo.” Niyakap pa ang braso ng worst guy na tinutukoy niya.
I smiled provocatively. “You know miss. Sa pinapakita mong ‘yan, halatang bitter ka sa Cia’ng tinutukoy mo. At bumalik? For the nth time miss, this is my first time stepping in this place. And I also don’t know you and that guy you claimed to be yours at the first place." Sagot ko at hinilot pa ang aking noo na nakakunot na naman. Baka maaga akong magkaka-wrinkles nito e.
“Wow! Ang galing mo ngang umarte. At lumalaban ka na ha. Kulang pa ba yung mga kasinungalingan mo at balak mo na naman kaming paikotin sa amnesia acting mo?” Napairap na lamang ako sa sagot niya.
Rose ang nakalagay sa nametag niya kaya hindi ko alam kung ano ang tunay niyang pangalan. Yung Worst naman lalong naging Worst ang matagal ng madilim na mukha. Samahan pa ng piercing look niya na kala mo tutusok sa buong pagkatao mo. Nakakatakot siyang tumingin but I’m use to that kind of gaze kasi ganyan naman ako makatingin sa mga hindi ko close.
Tinitigan ko ang mukha niya. Ang gwapo nga niya kaso parang galit na galit sa mundo. Or let us say sa akin lang?
“Cia! I'm here!”
Napalingon ako sa tumawag. At nakita ang papalapit na pigura ni Hail kasama ang apat pa niyang mga kabarkada. Abot tainga pa ang ngiti.
Sinalubong ko naman siya. He grabbed my wrist at sabay na kaming naglakad. Nahuli ko siyang tumingin sa gawi ni Worst guy kaya napalingon din ako. Nakita kong nakakuyom ang nanginginig na kamao ni Worst guy at sobrang sama din ng tingin sa amin. Pero nakapokus ang mga mata nito sa wrist kong hawak ni Hail.
Mukhang inaakala nga siguro niyang ako ang ex-gf niya a.
“Bar tayo mamaya. May bar sa paaralang ito.” Yaya ni Hail sa akin.
“May bar? Talaga?” Tumango naman siya.
“Sama ako basta libre mo.” Sagot ko naman. Why not enjoy myself? I’m the worst daughter in their eyes anyway, para saan pa’t magpapakabait ang tulad ko?
“Of course!” Excited na sagot ni Hail. May narinig akong kalabog sa likuran. Lilingunin ko na sana kung ano’ng nangyari pero hinila na ako ni Hail.
Lumiko na kami bago ako nakalingon kaya di ko na nalaman kung ano yung kalabog. Pero tiningnan ako ni Hail na nanlalaki ang mga mata. Wala na iyong excitement na mababakas sa mukha niya kanina.
“Sasama ka talaga?” Gulat na ang mababakas sa mukha niya ngayon. Ang bilis magbago ng facial expression ng isang ‘to.
“Kala ko ba niyayaya mo ako? Tapos lalaki-laki ang mata mo sa sagot ko?” Nakataas ang kilay na tanong ko.
“Inaasahan ko kasing tatanggi ka. You know, ngayon lang ulit tayo nagkita. Saka di ko alam kung pumapasok ka din ba sa mga ganoong uri ng lugar. Saka gusto ko lang talaga malaman ang reaksyon ng isang yon.” Napangiti pa siya matapos sabihin ang huling salita na parang nagtagumpay siya sa kanyang plano. Napatigil kami sa pag-uusap nang may tumikhim sa tabi namin.
Saka ko naalalang may mga kasama nga pala ang Hail na ‘to.
“Isinama mo ba kami rito para magmukhang chaperon Hawk?” Nakataas ang kilay na tanong nitong may nametag na Lion. This guy is handsome and more handsome than any other guy I saw. Magkasing gwapo sila noong Worst guy in their own way. Mas gentle nga lang siyang tingnan kaysa sa tinatawag nilang Worst.
Aaminin kong mas nakakaakit ang hitsura ni Worst kahit na mukhang cold and fierce tingnan. Kung katulad pa ako sa ibang mga babae, malamang kanina pa ako na-lovestruck sa mga nakakasalubong kong mga kalalakihan dito. Pero may hitsura ang Crizan na ‘yon. At ang mga katulad niyang may mga nakakaakit na mukha dapat iniiwasan at hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi man lahat ng mga lalaki ay sinungaling at manloloko pero kadalasan sa mga may hitsura paglalaruan lamang ang mga damdamin ng mga kababaihan. Katulad ng langyang Crizan na iyon.
Ayaw kong danasin ang anumang panlolokong dinanas ng aking ina. Kaya kahit gaano man sila ka hinahangaan ng lahat, hahanga man ako ngunit hinding-hindi ako magtitiwala sa mga katulad nila at hindi dapat mahulog lalo na dahil lang sa hitsura.
Nagpakilala ang apat bilang Lion na lider sa Lion gang, si Tiger ang kanang kamay niya, si Eagle na isa sa member at itong si Dark na dating miyembro daw ng Worst gang pero lumipat sa Lion gang.
“Okay, let's have fun tonight!” Sambit ni Dark na tinaas pa ang isang kamay.
Sa kanila ko nalamang may iba't-ibang grupo ang nag-aaral sa paaralang ito. At mas marami ritong mga anak ng mafia. At ang kinatatakutan sa lahat ng mga grupo rito ay ang Worst gang na pinamumunuan daw ng tinatawag nilang Worst.
Nalaman ko ring ex-gf ang Worst na iyon ni Cianna. At si Cianna lang daw ang nakakapagpaamo sa cold and fierce guy na yon. Kung ano man ang meron sa dalawa, wala na akong pakialam do’n. Di ko naman type ang Worst na yon.
(Third person's p.o.v)
“Cia, ang lakas mong uminom.” Pasigaw na sabi ni Hail alyas hawk kay Ciarra a.k.a Cia.
Maingay sa loob ng bar at halos nakatuon naman ang tingin ng sinuman sa table nila kahit na nasa madilim na sulok sila pumuwesto. Kasama nila ang lider ng Lion gang at ang tatlo pang miyembro na sina Eagle, Tiger at Dark.
“No worries! Gusto kong malasing.” Sambit ni Ciarra at tinungga ang isang bote ng alak. Gusto niyang malasing. Wala siyang pakialam kung ano man ang susunod na mangyayari sa kanya pagkatapos nito. Gusto lang niyang magsaya, makalimot at ma-occupied ang utak niya kahit panandalian lamang.
Sa totoo lang kasi, ang presensya ng Kuya Ciannon niya na three years older than her at ang presensya ng half-sister Cianna niya ang siyang nagpapanumbalik sa dating sakit at galit na nakatago sa kanyang puso.
Bakit siya pinag-aral ng kanyang ina at ama sa paaralang magpapaalaala sa kanya sa panloloko ng kanyang ama sa kanyang ina at sa pag-iwan nito sa kanila no’ng bata pa siya? Gusto ba nilang pahirapan pa siyang lalo? Kaya ayan, ibinuhos niya lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya sa alak.
Gusto niyang mag-enjoy pero paano? Kung nakikita niya rito ang magpapaalaala sa mga dahilan ng kanyang mga kalungkutan?
“Isa pa nga.” Sabi ni Ciarra. Inabutan naman siya ng isang bote ni Lion habang nakatitig sa kanya.
“Boss, baka matunaw.” Bulong ni Tiger sa kanyang tainga. Hindi sumagot si Lion at uminom lang ng alak.
“Sayaw tayo!” Yaya ni Ciarra kay Hail. Agad namang tumayo si Hail at nagtungo sila sa dance floor at nagsayaw.
“Tama bang gagamitin natin siya para galitin lalo si Worst?” Tanong naman ni Eagle.
“Kita mo ang reaksyon ni Worst? Sinipa niya yung trash can kanina. Ibig lang sabihin no’n, kahit alam pa niyang hindi nga siya si Cianna, naaapektuhan parin siya dahil magkahawig sila.” Sagot naman ni Dark na nakatingin kina Hail at Ciarra na sumasayaw sa dance floor.
Sa kabilang dako naman, tinawag ni Disaster ang ka-gang na si Pain dahil nagwawala ang kanilang boss.
“Pain, si Worst, nagwawala!” Pagbabalita ni Disaster kay Pain.
"Haist! Bakit pa kasi nagbalik ang babaing iyon? Ayan tuloy, lalong umiinit ang ulo ni Worst." Sambit ni Pain na napahilot sa sentido. Agad nilang pinuntahan si Worst sa kanilang tambayan.
Pinigilan agad nila ito sa pag-alalang mapatay niya ang isang estudyanteng miyembro ng ibang gang na kalaban nila. Nagkainitan kasi sila ng estudyanteng ito kaya ito ang napagbuntunan ni Worst ng galit.
“Tama na yan!” Awat ni Pain at hinila na si Worst.
“Bitiwan niyo ako, pwede ba!” Sigaw niya at sinipang muli ang wala ng malay na estudyanteng bugbog sarado na sa kanya.
“Pwede ba? Kumalma ka? That girl is not her, okay?” Sabi ni Pain. Sa mga mata at tingin palang, alam na nilang ibang tao ito.
Cianna’s eyes looks innocent and gentle hindi ang katulad sa mga mata ni Ciarra na matapang tingnan na may halong lungkot at galit. Cianna’s beauty look simple and delicate but that new girl, look seductive and tempting. May pagkakahawig man sa hitsura ang dalawa pero hindi sa ugali at pagkilos. And this new girl looks younger and prettier than the other.
Head turner ito kahit ang paglakad lang hindi nila maiiwasang mapapalingon. At inaamin nilang mas attractive ito kumpara kay Cia na kilala nila at sa iba pang mga babaeng nakilala at nakita nila.
“Can't you see the difference between them? Hindi siya si Cia na kilala natin.” Dagdag pa ni Pain. Pero sa halip na kumalma lalo lamang nainis si Worst at binalibag silang dalawa ni Disaster.
Natigil ang pagwawala ni Worst nang dumating si Hurt na siyang inutusan nitong sundan sina Hail kanina.
“Worst, nasa bar nga sila at ang baguhan. At... At nakipagsayawan pa ito kay Hail.” Halos hindi na niya masabi-sabi ang huling pangungusap sa takot na mas lalong sumama ang dati ng masamang mood ni Worst.
Pagkarinig sa sinabi niya agad na umalis si Worst. Nagkatinginan silang tatlo at nagmamadaling hinabol ang kanilang lider.
Back to the bar...
Hindi nila maiwasang mapamura makitang sobrang hot and sexy ni Ciarra sa pagsasayaw. Lalong-lalo na si Lion na ilang ulit ng napamura at parang gusto ng batuin si Hail na nakahawak ngayon sa baywang ni Ciarra.
“She’s not Cianna, but why am I being affected? Dahil ba sa may pagkakahawig sila? O dahil talagang attractive lang siya?” Tanong ni Lion sa sarili.
Pansin niyang hindi lang siya ang napapalunok-laway kay Ciarra. Parang gusto niyang hilahin at ilayo sa lugar na ito ang dalaga para wala ng titingin pa sa kanya.
Nakawhite lose- shirt lang si Ciarra pero manipis kaya humubog ang maliit nitong baywang at magandang katawan. Nakashort-short lang din ito ng black. Magaling itong sumayaw at kabaligtaran ang ugali sa simple at parang Maria Clara na si Cianna. Lion finds Cianna attractive in her simple and gentle facade but he can't understand why he like Ciarra's bold personality. And he wants to remove the sadness in this girl’s eyes.
The other Cia can evoke pity but this new Cia can evoke the fire inside their body.
“She's hot and tempting. I wonder how Hawk was feeling right now.” He thought.
Nakaramdam na ng pagod si Ciarra kaya niyaya na si Hail na umupo. Bago pa man sila makaalis bigla nalang may humila sa wrist ng dalaga.
(Third person's p.o.v)
Napalingon si Ciarra sa sinumang humila sa wrist niya at nakita ang madilim na mukha ni Worst. Napatayo naman ang Lion gang pero agad na humarang sa kanila ang Worst gang. Hihilahin sana ni Hail si Ciarra pero hinarang siya ni Hurt.
Napatingin si Ciarra kina Hail na mukhang handa ng makipagbugbugan, pero ayaw niyang may mag-aayaw dahil sa kanya. Kaya niya ang sarili niya kahit pa medyo lasing siya ngayon.
“I’m okay.” Sabi niya kay Hail para hindi na sila mag-alala pa. Nagpahila nalang din siya sa ex ng half sis niya. Gusto niyang malaman kung bakit siya nito hinila. At gusto niyang ilinaw rito na hindi siya ang Cia na ex nito.
Nakarating sila sa tapat ng itim na sasakyan at isinakay siya sa loob.
Pagpasok ni Worst agad niya itong tiningnan at sinabihan.
“I’m not the Cia na kilala mo.”
“So what!” Cold na sagot nito saka pinatakbo na ang kotse.
Napa-“what” na lamang ng di oras si Ciarra. Seryoso? Alam na nitong hindi siya si Cianna tapos basta-basta lang siya nitong hinila na parang jealous boyfriend?
But she doesn’t know why. Bakit parang pamilyar sa kanya ang lalaking ito? His eyes. His cold deep black eyes. Parang nakita na niya somewhere na di lang niya maalala. O baka dahil sa nakainom lang siya at inaantok na rin? Napailing siya.
At bakit parang di siya takot sa lalaking ito, instead she felt safe with him? Bakit gano'n? Hindi niya maiwasang magtaka sa sariling nararamdaman.
‘Na-attract kaya ako sa kanya o feeling close lang ako sa kanya? Naging kaibigan ko ba siya dati tulad ni Hail? Pero maliban kay Hail wala naman na akong naging kaibigan pa? O baka naman dahil lasing lang ako o dahil inaantok ako?’
Sa pag-iisip na iyon, ipinikit na lamang niya ang mga mata. Nagiging apat na din kasi ang tingin niya sa lalake kaya pumikit na lamang siya at ididilat na sanang muli ang mga mata kaso nadala siya ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Hindi alam ni Worst kung saan dadalhin ang babaing kasama. Napasabunot siya ng buhok at napapatanong sa kanyang sarili kung bakit ba kasi niya biglang hinila si Ciarra? At ito pa, tinulugan siya. Ni hindi man lang nagiging nag-iingat sa kanya? Paano kung may gagawin siyang di maganda rito? O baka naman nagpapanggap lang itong tulog? Katulad ba ito sa ibang mga babae na kahit kanino na lamang sumasama?
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng kanyang tinutuluyang bahay. May bahay siya malapit lamang sa paaralan at may yaya siya na nag-aalaga sa kanya simula pa bata ang kasama niya rito. May iilang maid din ang naririto.
Binuhat niya si Ciarra at ipinasok sa loob ng kanyang bahay. Hindi niya maiwasang mapamura makita ang maikling short nito. Samahan pa ng maputi at makinis nitong balat at magandang hubog ng katawan. Halatang alaga sa gym at model na model ang dating.
Nang mailapag na niya ang dalaga sa kama nagsimula na itong maglikot.
“Ang init.” Sambit pa ni Ciarra at itinaas ang suot na lose shirt na ikinamura ni Worst. Inayos nito ang damit ng dalaga para di makita ang anumang di dapat makita.
Kung nakita pa ng iba ang ginawa niya di nila maiwasang matanong kung siya nga ba ang Worst na kilala nila. Hindi mabait ang isang Worst at lalong-lalo ng hindi ito gentleman.
Nakapikit na bumangon si Ciarra.
“Ang init naman. Mama, pinatay mo ba ang electric fan?” Tanong pa nito at akma na namang huhubarin ang damit.
“Don’t try to remove that habang nakapagpigil pa ako.” Napakunot ang noo ni Ciarra dahil naging boses lalake ang boses ng kanyang ina.
“Mama, may manliligaw ka na pala?” Nakangiti nitong tanong na binuka ang mga mata. Napatulala ang lalaki habang nakatingin sa inaantok at mapupungay na mga mata ng dalaga. Pero napakunot ang noo ni Ciarra dahil hindi nakita ang kanyang ina. Blurred na mukha ng lalake ang nakikita niya.
“Manliligaw ka ba ni mama? Mabuti naman kung ganon. Sa wakas mawawala na rin sa isip niya ang taong ‘yon. Ingatan mo ang mama ko ha. Kapag sinaktan mo siya hinding-hindi kita mapapatawad.” Banta ng dalaga at tinuro pa si Worst.
Si Worst na napagkamalang manliligaw ng mama ni Ciarra ay napatagpo ang kilay. Bakit kasi pagkamalan siyang manliligaw at sa ina pa nito? Ina talaga? Mukha ba siyang matanda? Pero hindi niya maiwasang matulala kanina makita ang ngiti ng dalaga. Gustong-gusto niyang makita ang ngiti nito kaya lang saglit lang dahil pumikit na ulit at humiga sa sahig na mismo.
“Hey! Bakit diyan ka matulog?” Gigisingin sana niya ito pero nasipa siya.
“Ano ba! Wag disturbo.” Reklamo pa nito na nakapikit parin. “Gusto ko dito, malamig.”
“Hindi nga pwede dahil sahig yan.” Sagot niyang nakangiwi habang hawak ang tiyan na nasipa.
“Wag ka ngang malikot. Ibabalik kita sa kama.” Nilapitan niya ulit si Ciarra at binuhat.
“Papa, bakit ka umalis? Namimiss kita kahit na galit ako sayo.” She murmured at may luhang tumulo mula sa nakapikit na mga mata. Natigilan tuloy si Worst. Parang may tumusok sa puso niya. Parang may kamay na pumiga sa bato niyang puso na di niya inaasahang makakaramdam siya ng ganito.
“I hate you! But I miss you.” Muling sambit ni Ciarra at tuluyan ng nakatulog.
Maingat niyang binabang muli sa kama si Ciarra at pinunasan ang luha nito sa mga mata.
Tinitigan niya ang maamo nitong mukha. “Maamo din pala itong tingnan pag natutulog.” Sambit niya pa. Ilang sandali pa'y tinawag ang yaya.
“Yaya, pakibihisan ang babaing to. Yung T-shirt ko ang gamitin mo.” Sabi niya at may naisip na kapilyuhan. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng babaing to pagising bukas.
Napangiwi si Ciarra sa sakit ng ulo nang magising. At lalo siyang napangiwi dahil may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan niya. Ibinaba niya ang paningin at nakita ang isang kamay na nakayakap sa kanya. Naalarma siya dahil dito at agad napaupo.
Tiningnan ang katawan.
Napasinghap siya makitang naka-t-shirt siya ng maluwang at amoy lalake. Sinilip agad ang pinakainiingatan. She sighed in relief dahil nakashort-shorts parin naman siya. Naninipa siya kapag may gumalaw sa kanya kapag tulog siya kasi kahit lasing man siya on-guard parin naman siya sa kahit sino maliban sa kanyang ina at ama.
Kaya nakapagtataka kung walang nangyari sa sinumang nagbihis sa kanya. Maliban lang kung pagkamalan niya itong mama niya. Hindi niya inaasahan na di napano ang lalaking ito at katabi pa niya sa pagtulog. Saka niya naalala kung kanino ang kamay na nakapatong sa tiyan niya. Paglingon niya, muntik ng magkabanggaan ang mukha nila ni Worst. Agad niyang nailayo ang mukha at katawan sa lalake na muntik na niyang ikalaglag sa kama.
“Watdahek? Bakit ang lapit ng mukha mo?” Gulat niyang sambit kasi muntik na niya itong makahalikan.
The guy just smirked and shrugged his shoulder. Inalis ang kumot na nakatakip sa katawan nito at humikab. Napatingin si Ciarra sa katawang nito. Topless si guy at magkatabi sila sa kama. Kaya di niya maiwasang manlaki ang kanyang mga mata.
‘Tabi ba talaga kaming matulog? Hindi ko ba siya nasipa ni masapak man lang?’ Naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Si Worst naman mukhang nag-eenjoy sa reaksyon ng dalaga. Kaya lang, ang hinihintay niyang ma-shock ito o ba kaya titili like the other girl's reaction kapag nagigising na may katabi ng guy, ito namang babaing ‘to parang nagtataka lang? Nasaan na ang hinihintay niyang sigaw? O ba kaya ang pagyakap sa sariling katawan? Itong girl sa tabi niya tiningnan lang siya na nagtataka.
“Nakalimutan mo na ba ang ginawa natin kagabi?” He teased waiting for the girl's reaction.
“Kung may ginawa man tayo, nakakapagtatakang wala kang pasa at buhay ka parin hanggang ngayon.” She said indifferently then look around.
“Nasan ang damit ko?” Tanong ni Ciarra. Si Worst na naman ang nagtataka.
‘Ganon lang reaksyon niya. Wala man lang anong ginawa mo sa akin?’ He thought.
“Don’t you remember that you seduced me last night?” Nakataas kilay niyang tanong.
“You? I'll seduce someone like you?” Nag-anyo pang nasusuka si Ciarra na ikinilim ng mukha ni Worst.
“You're not handsome enough for me to seduce.” Sagot ni Ciarra na ikinagalit ni Worst.
Hinawakan niya ang braso ni Ciarra na agad namang tinanggal ng dalaga. He tried to touched her again and she avoided it again na lalong ikinainis ni Worst.
Tinapon ni Worst ang kumot sa dalaga, agad naman itong tumalon pababa sa kama at umiwas. Tumama ang kumot sa mini table at nang hilahin ulit ni Worst ang kumot napasama ang mini table at madadaanan nito si Ciarra. Agad tumalon ang dalaga para makaiwas at umikot pa sa ere bago bumagsak ang mga paa sa sahig. Umupo sa single couch at nagpose ng parang super model.
Nagcrosslegs, breast out, chin up then smirked. “Pwede na ba akong maging international model?” Sabay kindat sa gulat na si Worst. Pero sandali lang iyon dahil nagtsk na at sinabayan pa ng irap.
“Di bagay sayo. Ang panget mo!” Badmood siya kasi di umepekto ang panunukso niya sa dalaga at siya pa itong tinukso? Nakalimutan niyang hindi nga pala ito ang Cia na kilala niya. Ang Cia na mahinhin at madaling mamula kapag tinukso.
Cia na walang alam sa self defense. Ito ang Cia na mapanukso at higit sa lahat, halatang may alam sa Martial Art’s. Kung ang isa innocent like an angel, ito naman sly like a devil.
“Okay.” Sagot ni Ciarra at tumayo na. Naghanap ng maisusuot sa closet.
“What are you doing there?” Tanong ni Worst.
“Maghanap ng maisusuot.” May nakita siyang polo na may stripe na black. Kinuha niya ito at pinatong sa t-shirt na suot. Iyon lang ang pinakamaliit na polong nakita niya.
“Hey! Wag mo yang galawin! Hubarin mo yan!” Sigaw ni Worst sa kanya.
“Ito ang gusto kong suotin e.” Angal niya. Nakakaramdam siya ng familiarity sa polong ito.
“Hubarin mo nga yan.” Galit na sambit ni Worst.
“Di hubarin. Kailangan pa bang manigaw?” Sagot niya at hinubad ang polo. Tiningnan niya ulit ito bago binalik sa lalagyan.
Naisip niyang baka galing ito kay Cianna kaya ayaw nitong pakialalaman ng iba.
‘Nakakapagtataka lang na pareho kami ng favorite polo ni Cianna?’
Naghanap na lamang siya ng ibang damit. Yung suot kasi niya ngayon hindi niya gusto ang kulay. Dark blue. Gusto niya Black o ba kaya red.
Tumayo na si Worst na nakaboxer lang. Nag-effort pa naman siyang tatabi kunwari kapag malapit na siyang magising para lang tuksuin ang babaing ito. Kaso di tumalab ang effort niyang may patopless-topless style pa. Ni di nga namangha sa eight packs abs niya.
Padabog siyang kumuha ng T-shirt niya at sinuot. Nilingon muli si Ciarra.
“Hindi ka man lang ba naaapektuhan diyan?” Di makapaniwalang tanong niya.
“Bakit? Naapektuhan din ba ang Cia na kilala mo?” Balik tanong ni Ciarra.
“Hindi rin.”
“Okay.” Sagot lang ni Ciarra. Natigilan naman si Worst dahil dito.
“Wag mong sabihing gano'n ang palage niyang sinasagot?”
“Ye-yeah.”
“Tsk!”
“Yan! Reply ko yan. Wag kang manggaya!” Tinuro pa ni Worst si Ciarra dahil ginaya raw ang tsk nito.
“So, ako ang pinaghalong ikaw at siya?”
“Nope! Ikaw ang kabaliktaran niya. Kung siya angel. Ikaw devil. Kung siya very good then ikaw worst na.” Sagot ni Worst.
“E di mag-couple pala tayo. Ikaw Worst and I'm as worst as you." Inikot lang ni Worst ang mata sa sinabi ni Ciarra.
Lumabas na si Ciarra sa silid ni Worst. Babalik na siya sa paaralan. Hindi niya alam kung ano ang isyung lalabas kapag may makakaalam na dito siya nakatulog sa tahanan ni Worst. Kaya minabuti niyang umalis agad habang wala pang gaanong tao sa paaralan.
Sumakay si Ciarra ng taxi pabalik sa Xiongfa University. On the way, natanaw niya ang isang park kung saan may palaruan ng mga bata. Pinatigil niya ang taxi at bumaba.
Agad na napatingin sa slide at sa swing sa may children's playground ang dalaga. Naalala niya ang dati. Ang dating mag-isa siyang naglalaro sa lugar na ito. Ito ang paborito niyang tambayan lalo na kapag malungkot siya. Kapag naalala niya ang kanyang kuya at ama. Ang kanyang tita na palagi nilang kasama sa halip na ang kanilang ina. Dito siya pumupunta kapag sinasariwa niya ang mga masasayang alaalang magkasama pa silang lahat.
‘Papa, itulak mo pa yung swing.’
‘O ba.’
‘Cia, mag-slide tayo bilis!’ Sabi ng seven years old na si Ciannon.
‘Sige.’
And that was thirteen years ago. Magmula no’ng naghiwalay ang mama at papa niya hindi na ulit siya nakabalik sa lugar na ito. Pero nang magten years old siya at mapaalis sa Martial arts school, bumalik siya sa lugar na ito at dito siya palaging tumatambay at naglalarong mag-isa.
Lumapit siya sa isang puno. Dati maliit pa ang punong ito, ngayon naman, napakatayog na.
Napangiti siya maalala ang lalaking nagbigay sa kanya ng payong nang minsang naabutan siya ng ulan sa lugar na ito. Likod lang nito ang nakita niya.
At kapag umiiyak siya sa tabi ng punong ito, may mag-aabot ng panyo sa kanya. Nang lingunin niya ang nagbigay nito, nakasakay na ito sa kotse. Isinilip ng lalake sa bintana ang mga mata kaya mata lang nito ang nakita niya.
Napatingin si Ciarra sa puno na may nakaukit na ZEG tapos heart tapos U. ZEG heart U.
Naghanap siya ng matulis na bato at dinagdagan ang nakasulat sa katawan ng puno.
Sinulatan niya ito ng really? Saka isinandal niya ang katawan sa puno.
Flashback...
“Yes! Nanalo ako sa laban!” Binilang ang pera na napanalunan. Yung mga perang papel ibinulsa at ang mga coins ang naiwan. Kung malaman na naman ng kanyang ina ang ginawa niya baka mahampas pa siya nito.
Naglakad siya palapit sa punong paborito niyang tambayan. Maya-maya pa'y may bumangga sa kanya na ikinatilapon ng mga coins na hawak niya.
Napaupo rin siya sa lupa. Sa inis niya, kinuwelyuhan ang lalake na mas matanda sa kanya ng tatlong taon.
“Ano ba! Bakit ka kasi namamangga? Ayan tuloy!” Sinamaan ng tingin ang lalaking nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. May kasama itong nakablack-suit na lalake.
“Young master.” Akmang lalapit ang bodyguard nito pero tinaas ng lalake ang kamay at dumukot sa bulsa.
“O ito. Bayad ko.” Inabot ang isang libong papel kay Ciarra.
“Namamalimos ba ako? Saka pinaghirapan mo ba yan? Kasi ako kahit pacoins-coins lang itong hawak ko pinaghirapan ko ito. Saka tandaan mo, daig ng isang isang pisong pinaghirapan ang isang libong bigay lang. Palibhasa di mo yon alam dahil buhay mayaman ka. Sitting pretty.” Binitiwan ang lalake at pinulot na lamang ang mga coins sa lupa.
“Sorry lang naman ang kailangan ko, hindi ang pera mo. Saka hindi ako tumatanggap ng mga bagay na hindi ko pinaghirapan.” Sabi pa niya.
Matapos pulutin ang mga coins naglakad na siya palapit sa puno at isinandal ang likod rito. Tinapon-tapon ang coins paitaas tapos sasaluin muli.
Pansin niyang nakatayo parin ang lalake at nakatingin ito sa kanya.
“Uy Kuya, wag mo na akong titigan. Kung gusto mo picturan mo nalang para may souvenir ka pag-uwi.” Hindi niya inexpect na picturan nga siya ng lalake bago siya nito iwan.
Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ang mukha ng lalaking palage niyang nakakakatagpo sa park na ito. Pero hindi nakarehistro sa kanyang isip ang mukha nito. Mata lang ang nakarehistro sa kanyang isip. Mapupungay na mga mata na parang nagsusumamong nagmamasid sa kanya mula sa malayo.
Pansin niyang may nakatingin sa kanya pero nang ilibot ang paningin wala siyang makita.
“Nandito kaya yung lalaking yon? Paulan kaya ulit ako dito. Darating kaya siya?” Bulong niya pa.
“Hindi niya ako kinakausap kahit minsan. Pero feeling safe ako sa kanya. Kaya lang hindi na ulit ako nakabalik dito mga tatlong taon na rin ang lumipas. Makikita ko pa kaya siya ulit? Bakit parang ayaw niyang mapalapit sa akin gayong ramdam ko namang nag-care siya? At bakit ko ba siya naiisip? Crush ko ba siya?”
Napailing na lamang siya sa mga naiisip. Namimiss kasi niya ang taong di nga niya kilala. At di maalala kahit ang mukha man lang nito. Kahit anong alala niya sa mukha nito hindi talaga niya maalala. Tanging mga mata lang talaga nito ang nakarehistro sa isip niya. At ang tawag niya ritong Zeg.
“Bakit nandito ka pa? Bakit di ka pa bumalik sa paaralan?” Hinihintay pa naman niya na maliligaw dito yung Zeg na iyon, yung worst pa talaga ang dumating na ikinadismaya niya.
Inirapan lang niya si Worst at ipinikit ang mga mata.
Kaya lang sinipa siya nito sa binti. Mahina lang naman kaso sipa parin yon.
“Ano ba!” Sigaw niya.
“Kinakausap kita.” Sigaw din ni Worst pabalik.
“Ayaw kitang kausap.” Sagot din ni Ciarra. Nagulat na lamang siya nang hilahin siya ni Worst papunta sa kotse nito.
“Bakit bigla ka nalang umalis kanina tapos dito lang pala ang punta mo? O baka naman hinihintay mo ang childhood sweetheart mo dito?” Bigla nitong sabi pero hindi umimik si Ciarra.
“Bakit ba ang hilig mong mang-snob sa akin?” Naiirita niyang tanong dahil di siya pinansin.
“Ang hilig mo kasing magpapansin.” Sagot ni Ciarra at sumakay na lamang sa kotse. Lumingon sa puno bago itinuon ang tingin sa front.
Nakita niyang nakatitig lamang si Worst sa kanya.
“Diyan ka lang ba?” Tanong niya rito dahil hindi gumagalaw sa kinatatayuan ang lalaki.
Nagtsk lang si Worst at sumakay na sa kotse at walang imik na nagdrive.
“Please! Don't leave me. I need you. I need you Cia.”
Ang dating cold na tinaguriang worst guy ng Xiongfa university, umiyak sa tapat ng pinakaweak na estudyante sa university na ito. Lumuhod. Nagmakaawa. Ngunit hindi niya pinakinggan.
“Cia don't go!”
“I love you.”
“Oras na aalis ka. Wala ka ng babalikan pa.”
Tumulong muli ang luha ni Cianna, maalala ang mga eksena at mga salitang binitiwan ni Worst no’ng umalis siya sa Xiongfa.
“I’m so sorry Worst but I need to go. I'm so sorry.” Binitiwan ang kamay ni Worst na nakahawak sa kanya. Nilagpasan ito at sumakay na sa kotseng sumundo sa kanya.
Hindi niya ginustong umalis. Pero may sakit siya sa puso at kailangan niyang maoperahan. Napapadalas na ang pagsugod sa kanya sa hospital at nilihim niya iyon kay Worst. Higit sa lahat nag-alala siya. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Ayaw niyang maghintay si Worst sa taong posibleng hindi na makakabalik pa.
Gusto din kasi ng parents niya na alisin siya sa Xiongfa dahil mas lalong lumala ang sakit niya sa unibersidad na ito. Kung alam lang nilang magkakaroon siya ng sakit sa puso sa paaralang ito, hindi sana nila ipapasok rito si Cianna. Kaso huli na. Nalaman lang nila no’ng bigla lang siyang hinimatay nang sabihin ni Elessa na mang-aagaw siya ng boyfriend. Na boyfriend nito si Worst at inagaw lang ni Cianna. Umiyak si Elessa sa tapat nina Crizan at Claris habang sinasabing nang-aagaw ng boyfriend si Cianna.
Nang pagsabihan nila si Cianna bigla nalang itong hinimatay. At dito nila nalaman na may sakit ito sa puso. Kahit ilang beses ng isugod sa hospital ayaw parin nitong magpaopera dahil ayaw niyang iwan ang taong mahal niya. Kaya lang, sa bawat panahong palaging kasama ni Cianna si Worst lalo namang dumarami ang nagpapahirap kay Cianna at lalong lumala ang kanyang sakit.
“Cia, kung ayaw mo akong mamatay. Pakiusap anak, magpaopera ka na. Kalimutan mo na si Worst. Kahit para sa akin lang.” Ang lumuluhang pakiusap ni Claris sa kanya noon.
Mahal man niya si Worst. Aanhin ba ang pagmamahal kung ikamamatay naman niya? Kung gusto niyang makasama si Worst ng matagal, kailangan niyang magpaopera. Kaya lang, ayaw ng mga magulang niya kay Worst.
Mahal niya ang kanyang pamilya at pinili niya ang pamilya niya kaysa kay Worst. Ang pinakamasaklap. Hindi niya sinabi rito ang kanyang dahilan. Hindi rin niya sinabing may sakit siya sa puso. Iniwan niya si Worst na nasaktan ng lubos sa kanyang pag-alis.
At ngayon, heto siya. Lumuluha na naman dahil sa wakas, magkikita na silang muli. Kaya lang, mapapatawad pa kaya siya ni Worst?
“Para kay Worst. Kakakayanin ko ang lahat.” Sambit niya.
“Worst, babalik na ako. Sana naman matatanggap mo pa akong muli.”
Halos ilang araw din siyang hindi nakatulog sa pag-iisip kung ano ang dapat gawin para mapatawad siya ni Worst. Para magkabalikan silang muli.
Isang taon din silang hindi nagkita. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Magwawala ba ito o hindi siya papansinin? O baka naman papahirapan siya nito para makapaghiganti? Mahal pa ba siya nito o hindi na? Galit parin ba ito sa kanya? Ang daming mga tanong sa kanyang isipan kaya halos hindi na siya makatulog.
Dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. At ngayon, nandito na siya sa Xiongfa. Narinig niya mula sa mga estudyante na pumunta si Worst sa Freshmen engineering building.
Hindi na niya pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga estudyante sa kanya. Nasanay na siya sa ganyang mga tingin kaya hinayaan na niya. Pero halos lahat nagtataka.
“Si Cia ba yan? Then sino yung isa?”
“Baka iyan ang tunay na Cia. Yung weak?”
May iba pa bang Cia maliban sa kanya? Nagtataka man siya pero hindi na niya pinansin ang mga bulungan. Gusto niyang makita si Worst kahit hindi man siya makalapit rito.
“Nandiyan na si Worst!”
“Saan? Saan?”
Bumilis pang lalo ang tibok ng kanyang puso nang marinig na paparating si Worst. Agad na hinanap ng tingin kung saan ito banda.
Sinundan ng tingin ang tinitingnan ng mga estudyante. Napatda siya sa nakita. Nakita niya si Worst na may kasamang napakaganda at napakaseksing babae. Mukhang nagtatalo ang dalawa. Nainis si Worst at bigla nalang hinila ang babae at hinalikan. Muntik na siyang mapaupo sa nasaksihan. Si Worst mismo ang humalik sa babae. Bagay na hindi niya ginagawa dati.
Hindi niya kinaya at tumakbo na palayo. May iba na si Worst at mukhang masaya itong kasama ang babaing ‘yon dahil nawawala ang pagiging cold nito at mukhang sweet couple ang dalawa kahit na parang nag-aaway.
Sa side naman nina Ciarra at Worst...
“Pwede ba, wag ka ngang haharang-harang sa daraanan ko.” Inis na sabi ni Ciarra kay Worst na kanina pa hinaharangan ang dinadaanan niya.
“Pagkatapos ng nangyari sa atin, ayaw mo akong panagutan?” Gusto lang talagang galitin ni Worst si Ciarra. At ito na nga! Umusok na ang ilong ni Ciarra sa narinig.
Napasinghap ang mga nakarinig.
“Oh my god! May nangyari na sa kanila!”
“I'm going to die! It hurts!”
Kahit kasi masungit si Worst marami parin ang nagkakagusto sa kanya. Kaya ang mga die hard admirer niya nagsiiyakan. Ang iba naman parang kakainin na si Ciarra sa sobrang sama ng kanilang mga tingin.
“What?” Di makapaniwalang tanong ni Ciarra. Nagtungo na talaga sa ulo niya ang kanyang dugo sa sobrang galit.
“Pumunta ka kaya sa bahay ko and seduced me there tapos ngayon, parang wala kang alam?” Napangiti si Worst makitang pulang-pula na si Ciarra sa galit. Magmula no’ng nakatulog siya sa bahay ni Worst palage na siya nitong ginugulo. Gustong-gusto nitong makita siya na namumula sa galit at pagkatapos no’n ay susugurin niya ang binsta. Mabilis namang aalis si Worst at iiwan ang galit na galit na si Ciarra.
Basta ba magtagpo ang landas nilang dalawa, para silang mga aso't pusa. Hindi magkakasundo. At parehong ayaw magpatalo sa talasan ng dila.
‘Gusto ba talaga ng lalaking to na magpatayan kami?’
Sa lahat ng mga babae sa Xiongfa, si Ciarra lamang ang hindi humanga at hindi rin takot kay Worst. Siya lang din ang lumalait-lait dito.
“Huy! Hinding-hindi ako papatol sa katulad mo kahit magunaw man ang mundo. Ni ayaw ko ngang madikit sayo, aakitin pa ba? Mandiri ka nga. Kala mo ikaw lang ang lalake sa mundo? Mas papatulan ko pa ang iba diyan kaysa sayo.”
Dahil dito, si Worst na naman ang namula sa galit. Ang mga kagrupo niya at ang mga estudyanteng nakarinig sa usapan nila di maiwasang pagpawisan para kay Ciarra. Wala pang hindi pinapahirapan kapag may gumalit sa Worst na to. Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang biglang paghila ni Worst kay Ciarra. Inaakala nilang sasakalin niya si Ciarra pero hinalikan pala.
At ang mas ikinagulat nila dahil nasipa si Worst sa binti at napingot pa sa tainga. Ang kinatatakutan nila, napingot sa tainga? Mukhang gusto na yatang mamatay nitong Ciarra. Nanghihinayang ang mga boys dahil type nila si Ciarra habang ang mga girls naman gigil na gigil sa kanya.
“Aray! Yung tainga ko!” Nakangiwing pilit na tinatanggal ni Worst ang kamay ni Ciarra sa kanyang isang tainga.
“Seryoso? Si boss na masungit at cold? Napingot sa tainga? Pfft!” Natatawang sambit ni Pain sa isip.
“Hindi niya sinaktan si Ciarra kahit na nasipa siya? May ganyang side din pala yang si Worst?” Disaster thought.
Si Hurt naman, napatanong din. “Si boss ba talaga yan? Nasaan na ang taong binansagang Worst dahil sa sama ng ugali?”
Ciarra's point of view
Grrr. Did he just kissed me a while ago? Bakit ba palage na lamang akong pinagtitripan ng isang to? Sumosobra na talaga siya.
“Yung tainga ko ano ba!” Eh? Hawak ko parin pala ang kanyang tainga. Tinanggal ko na agad ang kamay ko. Baka matanggalan pa ng tainga ang isang to.
Sinamaan ko siya ng tingin at sinigawan.
“I hate you! Bweset ka! Bastos! Manyak! Manggagamit. Sinungaling! Badboy, gwapo!” Eh? Teka, bakit nasali ang gwapo?
“Aisht! Nakakainis ka talaga!” Dagdag ko pa at nagmamadali ng umalis. Bakit kasi nasali ang gwapo sa mga sinigaw ko?
Dumiretso ako sa aking tambayan sa paaralang ito. Uupo na sana ako sa isang bench nang makarinig ng hikbi.
Hinanap ko agad at nakita ang isang babaing nakaupo sa gilid ng isang puno at nakatungo habang yumugyugyog ang balikat.
“Bakit di man lang niya ako hinayaang magpaliwanag? Bakit mas pinaniniwalaan nila si Elessa kaysa sa akin? Bakit ang sakit parin? Bakit?” Bahagya niyang naiangat ang mukha kaya nakita ko ang half ng kanyang mukha.
Siya ba? Kung hindi ako nagkamali, may pagkakahawig kami.
“Cia!” Agad akong nagtago sa gilid nitong punong malapit sa bench na inuupuan ko.
“Cia, Ikaw nga! Mabuti at bumalik ka na rin!”
“Vina?”
Siya nga! Si Cianna. Ang anak ni Crizan kay Claris. Nagbalik na siya? Thanks naman at hindi na ako guguluhin ng Worst na ‘yon dahil nagbalik na ang ex-gf niya.
Aalis na sana ako kaso nako-curious ako e. Bakit kasi siya umalis at iniwan ang Worst na ito?
“Sino yung babae ni Worst?” Tanong nong Cia na kapangalan ko sa Vina daw.
“Nakita mo?” Gulat na tanong ni Vina. Tumango si Cia na kapangalan ko habang lalong dumami ang luha sa mga mata.
“Siya ang bagong enrollee sa paaralang ito. Matapang at nakakatakot din. Kung makatingin kasi parang nagsasabi ng back off or you’re dead ang kanyang mga mata.” Dagdag ni Vina.
“How about Elessa?”
“Ewan ko. Hindi na lumalapit kay Worst magmula no’ng dumating ang baguhan na iyon. At alam mo? Sobrang magkahawig kayo. Ang kaibahan lang, you look gentle and weak. Siya fierce and arrogant. Simple kang manamit siya palaging seductive. Hindi man gaanong reavealing ang mga sinusuot niya pero humuhubog parin ang katawan niya. At dahil magkahawig kayo kaya siguro siya nilalapitan ni Worst. Pero...”
“Ano?”
“Pero kahit magkahawig man kayo, may pagkakaiba naman. Mula ugali at pananamit, complete opposite na talaga kayo. And she look so young and more gorgeous, no offense lang ha, sinasabi ko lang ang kaibahan.”
May pagkahonest din pala ang kaibigan niyang to. Saka gorgeous daw ako, di ko ‘yon pansin. Medyo mas matanda nga sa akin ng kunti ang Cia na ‘to. Magsisiventeen palang ako this year at mukhang siyang pinakabata sa paaralang ito. Siya naman mga nasa 17 or 18. Di ako sure.
“Wala na yatang pag-asang magkabalikan kami ni Worst? Hindi imposibleng magkakagusto si Worst sa kanya.” Bakas sa boses ni Cianna ang lungkot.
“Ikaw kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang bumalik?” Tanong agad ni Vina.
“Alam mo bang sinabi ni Elessa na kaya ka umalis dahil nakipagtanan ka sa fiance mo? Na may iba kang lalake at niloloko mo lang si Worst. Pinaglalaruan mo lang ang damdamin niya.”
“Hindi totoo ‘yan. Hindi ko lang masabi-sabi kay Worst na may sakit ako. Dahil ayaw kong mag-alala siya. At ayaw nina mommy at daddy sa kanya.” Sagot ni Cia girl na may kasama pang hikbi.
“Kaya naman pala sumang-ayon sina Tito at Tita sa plano ni Elessa para pala paghiwalayin kayo ni Worst. Dahil ayaw rin nila kay Worst para sayo. Kasi no’ng kinumpirma ni Worst sa parents mo kung totoo bang nakipagtanan ka sa fiance mo hindi nila itinanggi. Kaya sobrang nasaktan noon si Worst.” Malungkot na sagot ni Vina.
“Hinayaan na nila ako ngayon. Pero kapag hindi ko naaayos ang relasyon namin ni Worst at mahihirapan ako dito, ibabalik nila ako sa ibang bansa at hindi na hahayaan pang magkita kaming dalawa.”
“Pano yan? Mukhang may iba ng gusto si Worst?”
“Vina, tulungan mo ako.”
Hay, pag-ibig nga naman. Ang daming lalake sa mundo bakit doon pa ako sa masasaktan ako di ba? Mabuti nalang talaga at hindi ko pa yan naranasan. The stronger the love daw kasi the stronger the pain? Tama ba yon? Kaya ako, ayaw kong matulad kay mama na labis na nasaktan. Labis kasi ang pagmamahal niya at tiwala kaya labis din ang sakit.
Do’n nalang ako sa hindi ko gaanong mahal basta ba mahal ako. Pero baka naman ganito pa ang paniniwala ko ngayon dahil hindi ako ang nasa kalagayan niya? O dahil wala na talaga akong tiwala sa mga lalake dahil kay Crizan at mama?
Umalis na sila kaya napahinga ako ng maluwag. Sana naman hindi na ako guguluhin ni Worst. Pipikit na sana ako. Kaso may tumabi sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” Napatingin ako kay Hail.
“Ikaw, ano din ba ang ginagawa mo dito?” Balik tanong ko din.
“Yayayain kitang kumain. Tara!” Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko ito at tumayo na rin.
Habang naglalakad sina Cianna at Vina hinarang sila ng apat na galing sa deadly rose gang.
“Bakit nagbalik ka pa? Hinding-hindi ka na niya magugustuhan pa.” Galit na sabi ni Elessa. Lider ng deathly rose gang.
Galit siya kay Ciarra pero dahil hindi niya maipalabas rito ang galit niya, kay Cianna na lamang niya ipapalabas. Mabuti nalang at may mapaglabasan siya ng galit.
“Pwede ba Elessa, tama na. Tigilan mo na si Cianna.” Sabi naman ni Vina na iniharang pa ang katawan kay Cianna.
“Ano naman ang magagawa mo?” Nakangiting sabi ni Elessa.
Tiningnan niya ang mga kasama. Natuwa naman ang mga ito at mukhang excited pang makita si Cianna.
“Cia, ano ngayon ang pakiramdam na makitang may iba na ang iyong minamahal? Kawawa ka naman.” Nakangiting sabi ni Hotty.
“Bakit ka pa kasi bumalik? Akala mo ba, magugustuhan ka pa niyang muli? Ni hindi ka nga nakakalahati sa babaing yon.” Gatong naman ni Sweetty.
“Baka ang babaing yon talaga ang tunay na mahal ni Worst at para maakit lang ni Cia si Worst, nagparetoke siya sa mukha.” Hotty.
“Oo nga no. Yung isang Cia talaga ang gusto niya kaya mukha ng babaing yon ang ginaya ni Cia at ginaya pa pati palayaw nito.” Sweetty.
“Hindi na nahiya. Ang kapal talaga ng kanyang mukha.” Sabi naman ni Spicy.
“Iniwan siguro siya nong lalake niya kaya binalak niyang balikan ngayon si Worst.” Si Elessa na naman ang nagsalita.
“Nakipagtanan na nga siya sa iba pero may mukha pa siyang bumalik. Ang landi talaga.” Dagdag pa niya.
Gusto ng umalis ni Cianna kaso hinarang siya ng mga kagrupo ni Elessa. Si Elessa na may nametag na Rose, ay isa sa mga pinsan niya sa side ng kanyang ama.
“Ganyan talaga yan guys. Nagmana kasi sa ina. Mang-aagaw at nangangamoy kabit.” Sabi pa ni Elessa. Alam ni Elessa na dating kabit si Claris at pinakasalan lamang noong nagdivorce na sina Charis at Crizan.
“Makakaganti na rin tayo sa kanya. Dahil siguradong hindi na makikialam si Worst sa kahit ano pa mang gagawin natin sa kanya.”
“Siguradong gustong-gusto rin siyang pahirapan ng worst gang.” Naka-smirked na sabi ni Hotty at sinampal si Cianna.
Humarang si Vina kaso nasipa siya ni Sweetty. Saka sinabunutan ni Sweetty si Cianna. At pinagtulungan na nilang sugurin si Cianna. Ang lahat ng inis at galit nila para kay Ciarra, kay Cianna nila nilalabas.
“Tama na. Please.” Pakiusap ni Cianna. Dati kapag may mang-aapi sa kanya, darating agad si Worst o ba kaya si Lion. Pero ngayon, sino ang darating para sa kanya?
Nagtataka nang tumigil sa ginagawa ang apat na kabilang sa deadly rose gang. At nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang namimilipit na sa sakit ang apat. Nakahiga narin ito sa sahig.
Agad niyang hinanap kung sino ang tumulong sa kanya. May sumilay na kunting tuwa sa kanyang puso, hoping that it was Worst, her savior. Pero nadismaya siya sa nakita. At napaatras pa sa dalawang mga matang cold na nakatingin sa kanya. Ang mas ikinagulat niya dahil ito ang babaing ipinalit sa kanya ni Worst.
“Aray. Bakit mo kami pinakialaman ha!” Sigaw ni Elessa at napapangiwi sa sakit ng tagilirang nasipa ni Ciarra.
“Nakaharang kayo sa daan e.” Matapang na sagot ni Ciarra. “Get lost, before I change my mind and I'll cripple you!” Banta pa nito.
“Sino ka ba ha! Wala naman kaming ginawa sayo a.” Galit na sigaw ni Hotty kasi nasipa siya sa dibdib kanina.
“Me? I'm Cia.”
“Cia? Sabi mo hindi ikaw si Cia? Siya ang tunay na Cia.” Sabay turo kay Cianna.
“Siya si Cia, the weak angel. But I am the Cia the worst and devil. Get. Lost. Now!” Sabing muli ni Ciarra at akmang sipain si Sweetty na pinakamalapit sa kanya.
Nagmamadali namang umalis ang apat na halos pagapang na sa sahig. Gusto man nilang lumaban pero alam nilang mas malakas ang isang to kaysa sa kanila kaya nagmamadali silang umalis.
“Bakit kasi hanggang ngayon buhay parin siya?” Galit na sabi ni Spicy. Tiningnan munang muli si Ciarra bago umalis.
Isa si Spicy sa mga nakalaban niya noong sumali siya sa martial arts tournament noon. Nang matalo si Spicy pinatigil siya ng parents niya sa pag-aaral sa Martial art school na dating pinapasukan at pinag-aral sa gangster school hanggang sa mapadpad sa Xiongfa university. Sa kanilang lahat, siya ang mas nakakakilala kay Ciarra lalo na sa fierce reputation nito.
Si Cianna naman, nagtataka kung bakit siya niligtas ni Ciarra. At disappointed rin dahil hindi si Worst ang dumating. Naisip din niyang baka pinapamukha ng babaing to sa kanya na malakas siya at siya, mahina.
“Hindi kita tinulungan. Nakaharang kasi sila sa daan kaya nakakairita. Saka di bagay sayo ang umiyak at hinahayaan ang sariling masaktan. Ikaw lang din ang maaagrabiyado.” Sabi ni Ciarra at nilagpasan na sila. Pero tumigil sandali matapos ng ilang hakbang.
“O baka naman, hinihintay mong darating siya? Kahit na umaasa ka mang darating siya hindi ibig sabihin no’n na hahayaan mo ang iyong sarili na masaktan. Pa’no kung di siya darating? Ikaw lang din ang mahihirapan.” Sabi pa ni Ciarra at tuluyan ng umalis.
Hindi niya alam kung nanlait ba ito, nang-insulto o nagsa-suggest?
Si Vina naman nakatulala lang kay Ciarra.
“Cianna, dapat ganon ka rin. Ang cool niya.” Sabi pa ni Vina. “Gusto ko ding maging kasinglakas niya.” Dagdag pa nito.
Lalo lang nanliit si Cianna sa sarili. Sa kahit saang aspect, mas lamang talaga si Ciarra sa kanya. At kahit baguhan lang ito, marami ng humahanga sa kanya. Hindi katulad kay Cianna na marami na ngang galit napakahina pa.
“Aykambingnawalangbuntot!” Ang naisigaw ni Ciarra sa sobrang gulat.
“Ginagawa mo dito sa kwarto ko?” Sigaw na tanong niya kay Worst. Sa halip na sumagot, humiga lang ito sa tabi niya.
“Go away! Get out you monster!” Sigaw niya at tinulak pa si Worst gamit ang kanyang paa.
“Don't you dare called me monster if you don't want to know how monstrous I am.” Sigaw din ni Worst pabalik na namumula ang mukha sa galit.
“Don't you dare pa e tinawag na nga kitang monster di ba? Ano yon, di mo rinig? Gusto mo ulitin ko pa?” Sinipa siya ni Ciarra na ikinalaglag niya sa kama.
Lalo namang namula si worst sa galit. Bakit hindi man lang natatakot sa kanya ang babaing ito? Kapag yung isang Cia, agad na yuyuko kapag nakikitang nagagalit siya. Agad nagsosorry kapag may nasabi siyang di maganda? Pero ito, sinisigawan pa siya? Nasisipa pa?
“Nandito na ang mahal mo bakit mo parin ako ginugulo ha?” Napahawak si Ciarra sa ulo nang muling maramdaman ang sakit dahil sa hang-over.
“Pretend to be my girlfriend!” Sabi ni Worst in a bossy tone.
“What? Aba't sumusobra ka na!” Tinuro sa noo si Worst.
“Accept it. Or else, ipagkakalat kong mag-asawa na tayo.” Naka-smirked na sagot ni Worst.
“So what! Do I look I care?” Mag-asawa? Sinong maniniwala? Kaya di siya takot ni mag-alala. Ano naman kung gagawa-gawa ng tsismis ang isang to? Wala naman siyang pakialam sa reputasyon niya.
“Ipagkakalat kong buntis ka na!” Pananakot muli ni Worst. Pero wala paring reaksyon si Ciarra at “so what.” Lang ang sagot nito.
“Ipagkakalat kong mahal mo ako!”
“So... WHAT!” Gulat niyang sambit. “Ikaw mahal ko?” Tanong pa niya. Ilang sandali pa'y malakas na tumawa. “Hahaha! Ikaw talaga? Hahaha!” Pero napatigil sa pagtawa dahil binato siya ng unan.
“Sige pagtawanan mo ako. Baka bukas mahulog karin sa akin.”
“Pfft! Sayo talaga? E di mas lalong hinding-hindi kita papatulan.” Sagot ni Ciarra.
Tinitigan lamang siya ni Worst. Napatigil si Ciarra sa malungkot na mga matang nakatingin sa kanya. Pero sandali lang yon dahil sumama na naman ang tingin ni Worst sa kanya.
“Pretend to be my gf and babayaran kita ng isang billion.”
“Do I look I need money?”
“You look like you need love.”
“Ikaw ‘yon, hindi ako. Alis diyan!” Tinulak si Worst na ikinalaglag ulit sa kama sa pangalawang pagkakataon.
“Bakit ba ang brutal mo?”
Hindi sumagot si Ciarra, at inayos na ang kama.
“Pretend to be my gf sa ayaw at sa gusto mo. O baka naman gusto mo yung totoo? Then I will court you everyday until you will accept me.” And with that, he left.
Si Ciarra naman natigilan. Alam niyang balak lang siyang gamitin ni Worst para maghiganti kay Cianna. Anak man si Cianna nina Claris pero wala siyang balak maghiganti sa babaing ito. Higit sa lahat ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa sinumang mga lalaking minsang naging parte sa buhay ng half sis niya.
Binalewala na niya ang sinabi ni Worst. But she didn't expect na totohanin nito ang sinabi.
Every morning sinusundo siya nito na may dala pang mga bulaklak. Tapos palage pa itong pumupunta sa klasrom niya. At ngayon naman, dinalhan siya ng pagkain.
“Pwede ba, tigilan mo na itong trip mo? Wag mo akong maarte-artehan. Stop pretending that you like me.” Sabi ni Ciarra at lalagpasan na sana si Worst pero hinawakan nito ang kamay niya at bigla nalang siyang niyakap.
“Ano ba ang dapat kong gawin para mapatunayan ko sayong mahal talaga kita. Ano bang dapat kong gawin Ciarra?”
Ciarra. Binanggit nito ang pangalan niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ngunit muli ay nakaramdam siya ng kirot.
Ciarra. Iyan ang pangalang binigay sa kanya ng kanyang ama. At iyan din ang palaging tawag nito sa kanya.
“Ciarra, anak.”
“I hate you papa! I hate you so much! I don't want to see even your shadow!”
Iyan ang mga katagang binitiwan niya nong minsang kinausap niya ang kanyang ama na dalawin sa hospital ang kanyang ina ngunit hindi ito dumating. Naghintay siya pero walang Crizan ang dumating. Kaya nang magkita ulit sila nang hindi sinasadya, isa iyan sa mga katagang binitiwan niya.
At dahil sa hindi siya kumibo, ipinagpatuloy ni Worst ang mga sinasabi.
“Bigyan mo lang ako ng kahit isang pagkakataon. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.” And since nagsalita itong muli, saka pa natauhan si Ciarra.
Masyadong seryoso si Worst at muntik na tuloy siyang mapaniwala sa acting nito. Kapag magsalita kasi parang galing talaga sa puso.
Kung hindi niya nakikita si Cianna na isa sa mga audience na nakatingin sa kanila, baka maniwala siya sa acting ni Worst. Pero ngayon, malabo na dahil alam niyang umarte ito ng ganito para lamang masaktan si Cianna.
“Will you please stop using me? Hindi para rebound at second hand ang beauty ko kaya pwede ba tama na!”
Kala ba niya sasakyan ko siya sa acting niya? No way!
“Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Maliban lang sa layuan kita. Iyan ang kailanma'y hindi ko magagawa.” Sincere na sagot ni Worst. Gusto na tuloy masuka ni Ciarra sa galing ng lalaking to. Parang gusto niya itong bigyan ng best actor award of the year.
Tinulak niya si Worst kaso hindi natinag.
“Bitiwan mo ako o mag-esparing tayo dito?” Banta niya.
“Hindi kita bibitiwan hangga't di ka sumabay sa akin.” Bulong ni Worst sa kanya.
Parang gusto ko na talagang manapak ngayon.
“Just give me three months and the deal will end. I won't bother you again after that.” Bulong ulit ni Worst.
“Okay, I’ll give you a chance. Kaya bitaw na diyan.” Sabi niya. Napangiti naman si Worst.
Nakita niya si Cianna na nabitiwan ang hawak na libro. Yung mga babae namang may gusto kay Worst nagsiiyakan. May iba naman nanggigigil sa galit.
Siya naman matapos pakawalan ni Worst agad na umalis. Baka makasapak pa siya ng wala sa oras.
Paliko na si Ciarra sa corridor nang may narinig na nag-uusap. Hindi sana niya papansinin kaso mukhang kasama siya sa usapan.
“Talaga bang kinalimutan mo na ako Worst?” Boses ni Cianna ang narinig niya.
“May mahal na akong iba, kaya bumalik ka na sa lalake mo at wag na akong guluhin dito.”
“Hindi totoong sumama ako sa lalake worst. Ikaw lang ang minahal ko.”
“Enough for your lies Cianna. Hindi na kita mahal kaya umalis ka na sa paaralang ito.”
“But I still love you. Umalis ako dahil kailangan kong magpaopera.”
“I don’t care about you. So please, leave me alone. Wala ng tayo dati pa Cianna. Alam mo yan.” Sagot ni Worst at iniwan ang umiiyak na dalaga.
Pagliko niya, nakasalubong niya ang iiling-iling na si Ciarra. Nagtsk lang ang babae at lagpasan na sana si Worst kaso inakbayan siya nito at hinila na paalis.
“Hindi ka nagselos?” Tanong nito sa kanya.
“Selos? For what? Nagtataka lang ako, kung bakit ayaw mong makipagbalikan sa kanya. I know you still love her, then ano ang rason kung ba't mo siya iniwasan?” Tanong ni Ciarra.
Bumuntong-hininga lang si Worst. “Hindi ko talaga siya mahal.” Sagot lang nito.
Nagkibit-balikat lang si Ciarra. Halatang hindi naniniwala. Akmang tanggalin ang braso ni Worst pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya.
Nahagip ng kanyang mga mata si Cianna na sumunod kanina kay Worst. Alam niyang sinabi ni Worst ang mga katagang iyon dahil alam nitong nakikinig si Cianna sa usapan nila.
Cianna's point of view.
Sobrang sakit. Hindi ko na kaya. Lalo lamang tumulo ang luhang matagal ko ng pinipigilan. Inaamin ko, mas maganda naman talaga siya. Matapang. Malakas. Sino ba ako kumpara sa kanya? Ako na mahina?
Natigilan ako at bahagyang lumingon sa gilid dahil may nag-abot ng panyo sa akin.
“Hanggang ngayon, iyakin ka pa rin.” Si Lion pala. Kinuha ko ang panyo at nagpasalamat. Kibit-balikat lang ang sagot niya.
Si Lion, siya ang palaging nandiyan para sa akin lalo na kapag nag-away kami ni Worst dati. Pinili ko si Worst kahit alam kong masasaktan ko siya. Pero kahit ganon, hindi siya nagtatanim ng galit sa akin.
Pinunasan ko ang aking luha at napatingin sa direksyong dinaanan nina Worst at Ciarra kanina.
“Hindi mo ba napapansin.” Biglang tanong ni Lion.
“Ang alin?”
“Ang pagkakahawig niyong dalawa?”
May mga tao namang nagkakahawig di ba?
“What do you mean?” Tanong ko nang may naisip akong bigla. Wag mong sabihing siya ang kapatid ko sa ama? Hindi ko alam ang mga tunay nilang mga pangalan dahil codename lang ang ginagamit sa paaralang ito. Habang ako, palayaw ko ang ginagamit ko.
“Did you know her?”
“Her name is Ciarra Verdal. And you're Cianna Verdal. At minsan mo ng nabanggit sa akin na may kapatid ka sa ama. So I investigated her and found out that she is your half-sister.”
Kung gano’n, siya nga? Siya nga ang kapatid ko sa ama? Kaya pala magkahawig kami dahil iisa lang ang aming ama. Pero bakit siya napunta sa paaralang ito? Hindi ba't ayaw ng kanyang ina na magkita sila ni daddy?
“Pasyal tayo? Para naman matuwa ka.” Yaya ni Lion sa akin na di ko naman tinanggihan.
I didn’t expect na magkakatagpo ang landas namin ni Ciarra na kasama ang grupo ng Lion gang habang papunta kami sa tambayan ng Lion gang.
“Tamang-tama. Punta tayo sa bar Boss Lion.” Masiglang sabi ni Hawk. "Isama mo na rin si Cianna." Dagdag niya pa. Bigla namang umalis si Ciarra.
“Uy Cia! Saan ka pupunta? Sabi mo punta tayong bar?” Tawag nito at hinila pa ang braso ni Ciarra.
“Nagbago ang isip ko. Kayo nalang.” Sagot niya at tinanggal ang kamay ni Hawk na nakahawak sa braso niya saka cold na tinapunan ako ng tingin.
“Sandali lang.” Pero tuluyan ng umalis si Ciarra. Napayuko na lamang ako. That cold eyes. Alam kong galit siya sa akin.
“Sorry.” I blurted out. “Alam kong ayaw niya akong makasama.”
“Ah, iwan ko na muna kayo boss.” Hawk smiled at me apologetically.
Si Hawk. Ang pinakaunang naging kaibigan ko sa paaralang ito. Isa sa palaging nandiyan at pinoprotektahan ako. Pero ngayon, isa din siya sa mga mas malapit kay Ciarra. Hindi ko maiwasang masaktan dahil isa siya sa mga pinakamatalik kong kaibigan. At tulad ni Worst, nakuha din ang loob niya ni Ciarra.
Agad hinabol ni Hawk si Ciarra at inakbayan. Yumuko na lamang ako, when I heard Lion said “This is bad.” Kaya muli akong napaangat ng tingin.
Nakita kong nakasalubong nina Hawk at Ciarra ang grupo nina Kuya Cian. Ang kalabang grupo ng Lion gang. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil binanggaan lang ni Ciarra si Kuya kaya hinawakan siya ni Kuya sa balikat ngunit iniwasan agad ni Ciarra. Isa si Kuya sa kinatatakutan sa paaralang ito dahil sa pagkamainitin ang ulo. Ang bilis magalit at walang araw na hindi nasasangkot sa gulo.
Ilang sandali pa’y nakita ko na lamang na nagpalitan na sila ng suntok at sipa. Hindi naman nakialam ang kagang ni Kuya at hinayaan lamang sina Ciarra at Kuya Ciannon na maglaban. Dito ko napansin ang pagkakapareho ng mga mata nina Ciarra at Kuya. Yung mga matang parang nagsasabi ng back off or you're dead? O para ring nagsasabi ng I hate all of you? Cold, fierce, and fearless.
Ilang sandali pa'y tumilapon si Kuya at napamura. Tiningnan ng sobrang sama si Ciarra pero hindi na siya nito tinapunan ng tingin at umalis na ito.
“Kung hindi ko alam ang totoo, hindi ako maniniwalang magkapatid kayong tatlo. Pero maniniwala akong magkapatid silang dalawa.” Biglang sabi ni Lion.
Si Kuya Cian, ang isa sa mga nang-aapi sa akin simula pa bata. Dahil mas binibigyan ako ng atensyon nina mommy at daddy at mas minahal.
Hindi niya nararamdaman ang pagmamahal nina mommy at daddy at madalas pa siyang napapagalitan. Naaawa ako palagi sa kanya at pinilit ang sariling mapalapit sa kanya at iparamdam na may nagpapahalaga pa sa kanya at ako ‘yon pero palage lamang niya akong sinasaktan at sa akin niya nilalabas ang galit.
“You're not my sister.”
“I don't have a sister like you.”
“Leave me alone. I hate you. I hate all of you.”
Iyon ang mga katagang palage kong maririnig mula sa labi niya. At sa palagay ko, gano’n din ang tingin ni Ciarra sa akin.
Nang magtagpo ang mga mata namin ni Kuya, nagtsk lang siya at umalis na sila kasama ang grupo niya.
It's hurt. Na maliban sa mga magulang mo, wala ng ibang nagmamahal sayo. Higit sa lahat, kinasusuklaman ka ng mga kapatid mo.
Tinapik-tapik ni Lion ang balikat ko. Nginitian ko na lamang siya. Ngiting may halong pait.
Nagising si Cianna sa isang hospital bed. At ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang kuya Cian niya.
“Buti nagising ka pa? Bakit kasi di ka pa natuluyan?” Inikot pa nito ang mga mata saka humikab. Nasanay na rin siya sa ugali ng half-bro niyang ito. At alam niyang napipilitan na naman itong bantayan siya dahil sa kanilang ama.
“Pinapakamusta ka ng dad mo.” Gaya ni Ciarra, hinding-hindi niya tinatawag na ama ang kanilang ama na para bang magkakavirus sila kapag banggiting dad o ba papa ang kanilang ama?
“Sino ang nagdala sa akin dito?” Curious niyang tanong. Imposible naman sigurong si Ciannon ang magdadala sa kanya sa hospital gayong sigurado siyang matutuwa ito kapag nakikita siyang nahihirapan.
“Sino pa nga ba ang savior mo?” Sino nga ba ang savior niya? Halata namang wala ng pakialam si Worst sa kanya?
“Si Lion?” She asked.
“Hindi pa nila alam na may nangyari sayo.” Sagot ni Cian.
“Imposible namang si Worst? Pero wala ng ibang palaging nagliligtas sa akin maliban sa kanya. Siya kaya?” Hindi niya maiwasang matuwa maisip na may kaunting halaga parin siya sa puso ni Worst.
“Kapangalan mo.”
Biglang naglaho ang tuwang sumilay sa kanyang puso.
“Siya na naman? Anong dahilan niya para tulungan ako?” Ang matamlay niyang tanong. Hindi na sumagot si Cian.
Saka naalala ni Cianna ang nangyari.
Flashback...
Papasok na sana si Cianna sa klase nang makita si Elessa na patakbong lumapit sa kanya. Hindi niya alam kung babalik ba siya sa dinaanan at tumakbo palayo o lagpasin na lamang si Elessa na papalapit na sa kinaroroonan niya. Hindi agad siya nakareak nang bigla nalang siyang pagsampal-sampalin. Kitang-kita niya sa mga mata ni Elessa ang matinding galit na kulang nalang durugin siya. At kung hindi lang dumating ang kung sino hindi niya alam kung di ba siya mapapatay ni Elessa na halatang gustong-gusto siya nitong patayin sa mga oras na iyon.
“Walangyaka! Papatayin kita! Ikaw ang gumawa non.” Ang naalala niyang sigaw ni Elessal habang pinagsasabunutan siya, sinampal, sinipa hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
End of flashback...
“Hindi ko alam kung ano na naman ang nagawa ko kung bakit parang gustong-gusto akong patayin ni Elessa.” Dati kasi gusto lang siya nitong pahirapan pero hindi naman dumating sa punto na gusto siya nitong patayin.
“Tingin ka sa cellphone mo at sa school website natin.” Sagot ni Cian bago lumabas ng silid.
Binuksan ni Cianna ang kanyang cellphone at nakita ang mga nag-viral na video ng kanilang school web. Mga video na tingkol sa pang-aaping ginawa ni Elessa at ng ibang grupo sa kanya. Higit sa lahat nandoon din ang lahat ng mga video scandal ni Elessa na ikinasira ng reputasyon ng mga Verdal.
Si Elessa Verdal, pinsan nina Cianna, anak sa pinsan ni Crizan Verdal.
Iniingatan ng mga Verdal ang kanilang reputasyon pero isang araw nasira ito dahil sa mga in-upload na video tungkol sa mga dirty deeds nina Elessa at sa mommy nito.
Dumating si Vina at sinabi niya kay Cianna ang nangyari kay Elessa.
“Pinalayas sila ng lolo mo at wala ng nakakaalam kung nasaan na sila.”
“Sa tingin mo sino kaya ang nag-upload ng video?”
“Sa palagay ko, pinapahanap na siya ngayon ng mga Verdal. Nga pala, alam mo bang binugbog daw ng mommy mo si Elessa? Sayang at di ko nakita. Narinig ko lang sa mga kaibigan ni Elessal.” Dagdag pa ni Vina.
Si Cianna naman, biglang naisip si Ciarra.
“May kinalaman ba siya sa nangyari?” Pero iniling na lamang niya ang isiping yon.
Nang makalabas siya sa hospital agad niyang hinanap si Ciarra para makausap. Inabangan niya ito sa labas ng kwarto nito.
“Bakit mo ako tinulungan?” Tanong agad niya makitang lumabas na ito sa kanyang kwarto?
“Namali ka yata ng napuntahan. Wala pa akong natulungan Miss.”
“No’ng sugurin ako ni Elessa, ikaw ang tumulong sa akin di ba? Kaya salamat.” Gusto niyang malaman kung bakit siya tinulungan ni Ciarra pero pansin niyang katulad ito ni Ciannon na ayaw din sa presensya niya at palaging naiirita ang tono ng boses kapag kausap siya.
“Hindi kita tinulungan. Nagmamadali lang ako at that time, tapos nakaharang kayo sa daan. Kaya wag kang magpasalamat sa akin. Excuse me.” Binanggaan pa ang braso ni Cianna bago tuluyang umalis.
“Kahit na. Salamat parin.” Sabi ni Cianna at narinig niya na nag-tsk lang si Ciarra.
Gusto niyang mapalapit sa mga kapatid pero ayaw nila sa kanya. Susundan sana niya si Ciarra.
Pero nakalimutan yata niyang karibal nga pala niya ang babaing ito sa lalaking minahal niya. Nakita niya si Worst na sinalubong si Ciarra at inakbayan pa nito ang dalaga. Muli na namang kumirot ang puso ni Cianna.
“Bakit ko nakalimutan? Nililigawan nga pala siya ni Worst. Sana di nalang ako nagpunta dito. Hindi sana ako masasaktan ng ganito.” Iniyuko na lamang niya ang ulo para hindi makita ng iba ang luha niyang pumapatak na naman.
“Worst! Bakit siya pa? Bakit sa kapatid ko pa?” Ang nasambit na lamang niya.
(Ciarra's p.o.v)
Nagtsk lang ako nang magpasalamat si Cianna. Ano sa akala niya? Tutulungan ko siya? Kung di lang ako ihing-ihi na sa mga oras na ‘yon, at kung di lang talaga sila nakaharang sa daan, bakit ako mangingialam? Kasalanan niya kung bakit nasanay siyang mabuhay na parang prinsesa. Ayan tuloy kailangan pa ng mga knight para magtanggol sa kanya. Dapat matuto siyang lumaban, di yung iiyak nalang lagi. Walang maitutulong ang luha.
Nagulat na lamang ako nang may umakbay sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang walangyang lalaking to. Inapakan ko ang paa niya kaso nakaiwas pa. Tatanggalin ko sana ang braso niya pero may binulong siya sa aking tainga.
“Pretend na sinagot mo na ako.”
“What? Ano ka sinuswer-“ tinakpan niya ang bibig ko kaya tinulak ko siya.
“Itulak mo ulit ako at hahalikan talaga kita.” Banta niya. Nanakot pa. Sinamaan ko siya ng tingin at napalingon kay Cianna sa likuran. Nakayuko ito, halatang umiiyak na naman.
Sa iyak din ba nadala ng kanyang ina si Crizan? Natatandaan ko pa minsang may sinabi si Crizan kay mama na,
“I’m sorry but she needs me.”
Dahil ba sa mukhang malakas si mama kaya pinili niya si Claris at iniwan kami? O dahil mas malambing ang babaing ‘yon kaysa kay mama o dahil sa mukha siyang weak tingnan tulad ng Cianna na ito? Mag-ina nga naman. Pero kahit gusto kong makitang nasasaktan si Cianna hindi ibig sabihin no’n na kakabitin ko din ang boyfriend niya. Ayaw kong maging Claris the second. Hindi bagay sa akin ang mang-agaw dahil kay Cianna iyon bagay.
“Magmula ngayon, tayo na.” Sabi ng langyang to. Sinamaan ko siya ng tingin.
“NO Way! Highway! Underway! Subway! As in never!” Hindi ako mang-aagaw.
“Accept it or else sasabihin kong gawa mo iyon. Do you think hindi manganganib ang buhay ng iyong ina?” Sabi niya na ikinapula ko sa galit.
“I hate you!” Halos pasigaw ko ng sabi.
“But I love you.” Gusto kong masuka sa sinabi niya. Alam kong sinabi lang niya yan dahil nanonood si Cianna sa amin. Hindi ko alam kung naririnig ba niya kami. Dahil ako pasigaw si Worst naman pabulong at ngayon lang nilakasan ang sinabi na but I love you?
Napatingin ako sa mukha niya na seryoso. Maniwala ka diyan ikaw lang din ang masasaktan. FYI sinadya lang niyang sabihin ang mga bagay na ito para magselos ang ex niya.
“Basta, gf na kita. Kung ayaw mo ng fake totohanin ko. Mamili ka.” He teased again at ngumiti pa. Ang sarap lang sapakin ng labi niya.
“Oo na. Grrr.. Kapag ako talaga namatay sa pagpapanggap nating ito, papatayin talaga kita. Haist! Di ko to problema idadamay pa ako.” Nakakainis lang talaga.
“Siguraduhin mo lang talaga na kaya mo akong protektahan.” Sabi ko ulit.
“Kaya nga ikaw ang pinili ko di ba? Para kahit may manakit sayo hindi ako mag-alala.” Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sagot niya. Pero nang maisip ang isa sa mga kondisyon niya kumalma din naman ako.
“Fine! Pero ibigay mo muna ang ten million sa akin. And everything is fine.” Nakangiti kong sabi.
“Okay, I’ll send it to your account.”
“Siguraduhin mo lang.” Nakataas kilay kong sabi. Siguraduhin lang talaga niya dahil kapag nakuha ko na ang half billion na hiningi ko sa kanya, hinding-hindi na nila ako makikita pa.
Pera lang naman ang problema ko di ba? Pera para hindi ko na makita ang mga taong magpapaalala sa masakit na kahapon.
Hinatid niya ako sa classroom ko bago siya umalis. Pagkatapos naman ng klase kinausap ako ni Viper or Ciannon. Ang kapatid kong isa sa mga ayaw kong makita.
“Cia!” Lalagpasan ko na sana siya. Cia, iyan ang palayaw na binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung siya din ba ang nagpalayaw kay Cianna.
“Ano ba!” Inis kong sambit kasi hinawakan niya ang wrist ko.
“Layuan mo si Worst!” Bakit niya sinasabi sa akin yan? Dahil ba gusto niya kay Cianna lang ang Worst na ‘yon?
“Sa kanya mo sabihin.” Hindi naman ako ang lumalapit di ba?
“Masasaktan ka lang.” Concern ba siya? Tiningnan ko siya sa mga mata. Kaya lang hindi ko mababasa ang emosyon niya. Parang naka-freeze. Kasing yelo ko.
“Masaktan? Dahil sa kanya? Saka ko nalang 'yan isipin kapag nangyari na.” Sagot ko at inalis ang kamay niya sa wrist ko saka umalis.
“Nilalapitan ka lang niya dahil nakikita niya sayo ang ex niya. Kaya di ka dapat mahulog sa kanya.” Sigaw pa niya. Gusto ko sanang sabihing, nilalapitan niya lang ako para paselosin ang ex nito at para mapunta sa akin ang mga panganib na dapat mapunta kay Cianna. Pero wag nalang.
“Wag kang mag-alala. Namanhid na ang puso ko, magmula nong umalis kayo ng iyong ama.” Sagot ko at nagmamadali ng umalis.
Masaktan? May hihigit pa ba sa sakit ng pakiramdam ng walang nagmamahal? At sasakit pa ba ang puso kung namanhid na? Mahulog? Matuto pa bang mahulog ang pusong galit sa pag-ibig? Kung hindi dahil sa pag-ibig, hindi masasaktan si mama. Pag-ibig? Tsk! Hindi na ‘yan uso sa panahon ngayon.
(Ciarra's p.o.v)
Pababa ako ng hagdan rito sa paaralan nang makakita ako ng gitara. Kinuha ko ang gitara at umupo. Mahiram nga muna to saglit. I strummed the string and start to sing. Hindi ko maiwasang maalala ang dati. Ang dati na tinuturuan ako nina mama na magitara kasama ang taong ‘yon Akala ko perfect family na. Sasabay ang Claris na ‘yon sa pagkanta. Sino bang mag-aakalang may tinatago pala silang dalawa ng Crizan na ‘yon?
Wala sa loob akong napakanta.
“I’m so tired of being here. Suppressed by all of my childish fears.
And if you have to leave, I wish that you would just leave
Cause your presence still lingers here
And it won't leave me alone
These wounds won't seem to heal, this pain is just too real,
There's just too much, that time cannot erase.”
Mawawala pa kaya ang sakit na nakabaon dito sa puso ko? Maari bang makalimot na lamang para makapagsimula na ako at di na maaapektuhan pa sa mga galit na nararamdaman nitong puso ko? Mawawala ba ang galit kong ito?
Third person's p.o.v
Habang kumakanta si Ciarra may isang lalaking tumatakbo, wari may hinahanap. Pero napatigil at napadako ang tingin sa babaing kumuha sa kanyang gitara. Hindi niya pansin na nakatulala na pala siya. Parang gusto niyang lapitan ang babae at pagaanin ang loob nito. Dahil ramdam niya sa bawat kanta nito ang tindi ng lungkot at pangungulila. Siya si Snake, kasama ito ni Cian sa grupo na tinatawag nilang Venom gang.
Naglakad palapit kay Ciarra. Tumigil naman si Ciarra sa pagkanta nang makita siya.
“Is this yours?” Tanong nito.
“Y-yeah!” Sagot ni Snake na napakamot pa sa ulo. Inabot naman ni Ciarra ang gitara kay Snake.
“It's okay kung gusto mong hiramin.” Ikinaway pa ang mga kamay.
“Talaga?” Napangiti si Ciarra dahil dito. Ganito kasi ang pangarap niyang gitara.
“I’m snake by the way.” Nahihiyang pagpapakilala ni Snake.
“Cia- Ciarra.” Cia lang sana ang sasabihin niya nang maalalang may ibang Cia nga pala sa paaralang ito kaya Ciarra na lamang ang sinabi niya.
Muling tumugtog si Ciarra at pakanta-kanta na naman. Kung kanina malungkot ngayon naman may pagkajolly. Hindi maiwasan ni Snake ang mapatitig ulit sa babaing ito. No’ng una ang akala niya cold, masungit at matapang ito dahil walang oras na di sila mag-aaway ni Viper (Ciannon) kapag nagkakatagpo ang mga landas nila. At cold din kung makatingin sa kanila. Dito niya napansin na may iba pa itong side na di niya pinapakita sa iba.
Mapansing nakatitig si Snake sa kanya, nilingon niya ito at biniro.
“Oh! Ano? Nainlab ka na?” Biro ni Ciarra. Napaubo tuloy si Snake.
“Di ko alam na ang taas pala ng tingin mo sa sarili.” Sagot ni Snake at tumawa.
“Natablan ka talaga sa ganda ng boses ko, ayaw mo lang aminin.” Tukso ulit ni Ciarra. Hindi niya alam pero magaan ang pakiramdam niya kay Snake. Mas lalo siyang natawa makitang namula ang lalake at di makatingin ng diretso sa kanya.
“Snake! Anong ginagawa mo dito?” Tanong ng bagong dating na si Python na lider ng Venom gang.
“Nag-date kami. May problema ba?” Sagot ni Ciarra. Na mas lalong ikinapula ng mukha ni Snake pero sumama naman ang tingin ni Python kay Snake bago tiningnan si Ciarra.
“Wag mo namang pahirapan ang grupo naman Miss Cia.” Sabi ni Python at hinila na ang naguguluhang si Snake. Nagtataka kasi kung bakit galit na galit ang lider nila na parang natatakot din. Nilingon ni Snake si Ciarra at nakita niyang nagtataka rin ito katulad niya.
"Pahirapan? May ginawa ba akong mali?" Nagtatakang tanong ni Ciarra nang makaramdam ng cold na mga tingin sa likuran kaya napatingin siya sa kanyang likuran at nakita sa itaas ng hagdan si Worst na madilim ang mukha.
“Bakit ang sama ng tingin ng lalaking ‘to? Dapat ako ang galit sa kanya di ba? Dahil pinilit niya ako sa bagay na ayaw ko? Kala ba niya madaling magpanggap na gf ng maraming kaaway na katulad niya?”
Aalis na sana si Ciarra nang magsalita si Worst.
“Sandali!” Sabi nito.
“Ano na naman bang kailangan mo?” Naiiritang tanong ni Ciarra.
“Kanina pa kita hinihintay sa labas ng building niyo tapos nandito ka lang pala at nakikipaglandian pa?” Sabi ni Worst na pababa na ng hagdan.
“Di ko sinabing maghintay ka.” Sagot din ni Ciarra at nagpatuloy sa paglalakad.
“I’m your boyfriend kaya wag na wag kang makipaglandian sa iba.” Napangiwi si Ciarra dahil bigla itong hinawakan ng mahigpit ni Worst.
“Aray! Masakit! Bwes*t ka!” Sigaw ni Ciarra at pwersahang tinanggal ang kamay ni Worst. At dahil ayaw matanggal, sinipa niya ang binti ni Worst kaya nabitiwan siya nito.
“Bwes*t ka rin!” Sagot ni Worst na napatalon-talon sa sakit.
“E di pareho tayo.” Sagot din ni Ciarra kaya sinamaan siya ni Worst ng tingin.
“Malandi ka!” Sigaw ni Worst gusto lang talaga niyang makitang nauubusan din ng pasensya ang babaing ito. Hindi iyong siya lang palagi ang nauubusan ng pasensya.
“Alam ko na yon kaya wag mo ng sabihin.” Sagot ni Ciarra at muli ng naglakad paalis.
“Pfft! Kala ko sasabog na si Ciarra. Mukhang si boss pa yata ang sasabog nito.” Iiling-iling na sambit ni Hurt. Napatago sa likuran ni Disaster makitang sinamaan siya ng tingin ni Worst. Nagsisi tuloy siya kung bakit pa nila sinundan ang boss nila.
Hinabol ni Worst si Ciarra at hawakan na sana ang kamay nito para hilahin pero nakaiwas ang dalaga at agad dumistansya.
“Ano ba. Nagugutom na ako.” Sigaw ni Worst.
“Di kumain ka mag-isa mo.” Sagot din ni Ciarra at inikot ang mga mata.
“I’m your boyfriend. So natural lang na sabayan mo ako sa pagkain.” Galit na sagot ni Worst.
“Boyfriend naman pala. Bakit ka naninigaw? Saka may boyfriend bang sinasamaan ng tingin ang girlfriend?” Tanong niya at nagcross-arms.
“Oo na. Sorry na bhabe. Please?” Bigla namang lumambot ang boses ni Worst. Nag-anyo namang nasusuka si Ciarra kaya sinamaan na naman siya ng tingin ni Worst.
“O ano na naman ba yan? Sinasamaan mo na naman ako ng tingin.”
“Hindi na nga o.”
Nagkatinginan naman ang mga miyembro ng Worst gang.
“Lumambot nga ba talaga ang boses ni boss? Hindi na cold? Hindi na rin overbearing?” Sabi naman ni Hurt na kinakalikot pa ang tainga. Sa kanilang lahat, si Pain lang ang cold na nakatingin kay Ciarra.
“Bakit parang pakiramdam ko, napapaamo ni Ciarra si boss Worst?” Tanong naman ni Disaster.
“Miss! Kayo na ba talaga ni Boss?” Tanong naman ni Hurt. Dati galit sila kay Ciarra pero nang mapagtantong ibang tao si Ciarra mas gusto na nila ito para kay Worst kaysa kay Cianna na nang-iwan sa kaibigan nila.
“Pasensya na. Ngayon ko lang din nalamang kami na pala.” Sagot din ni Ciarra with sorry face pa. Kaya dumilim na naman ang mukha ni Worst.
“Sabi mo gutom ka na di ba? E di tara na.” Sabi ni Ciarra at nauna ng maglakad. Hindi agad sumunod si Worst pero ilang sandali ay sumunod na rin.
Habang naglalakad sina Ciarra at Worst, nagbubulungan naman ang mga estudyante. May iba naman na halos hihimatayin na at may iba na sinasamaan ng tingin si Ciarra.
“Look! Mukhang sila na nga talaga.”
“Ayan kasi, aabsent-absent ka pa. Di mo ba nabasa sa school website natin na sila na? Saka mas mabuti na yon kaysa si Cia the weak ang makabalikan ni Worst. Di sila bagay.”
“Kasinglandi lang ng Cia na 'yan ang Cia na weak na 'yon.” Sagot ng isang babae pero naitikom agad ang bibig makita ang matalim na tingin ni Worst sa kanya. Agad siyang napatago sa likuran ng kasama niya.
May sumigaw naman na mang-aagaw. Sa pagkakataong ito, si Ciarra na ang tumingin sa gawi ng babaing sumigaw. Kagrupo pala ito ni Elessa na kabilang sa Deathly rose gang.
“Mang-aagaw nga ba? Ano kaya kung iparamdam ko din kay Cianna ang pakiramdam na makitang masaya ang minamahal sa piling ng iba? Ano din kaya ang mararamdaman ni Claris makita ang anak na naagawan ng taong minamahal ng sariling kapatid? Mukhang gusto ko ‘yong malaman a.” Napangiti siya ng matamis sa naisip.
Si Worst naman nakakunot ang noo. Ano na naman ba ang naiisip ng isang ‘to at ganyan katamis ngumiti? Matamis na may kasamang panganib. Pero hindi niya maiwasang mapatulala sa nakangiti nitong mukha. Maging ang mga kagrupo niya at ang mga kalalakihan sa paligid ay napatulala sa nakangiting mukha ni Ciarra. Para siyang anghel sa kanilang paningin. Kundi lang nila nakita ang cold attitude at fierce side nito baka pagkamalan pa nilang ibang Ciarra ang nakikita nila ngayon.
Bigla itong lumingon kay Worst na nakangiti parin. Bigla niyang niyakap sa baywang ang nagulat na binata. Gulat dahil bigla niyang niyakap at gulat dahil naglambing bigla sa kanya.
“Worst, bhabe. I'm so hungry na.” Kinagat pa ang ibabang labi at nagpapa-cute.
Si Worst naman, napataas ng kilay. Pero naisip na baka nagsisimula na itong umarte bilang isang sweet girlfriend.
“Don't worry, malapit na tayo sa cafeteria.” Halos mautal ng sagot ni Worst. Bakit siya naiilang? At bakit mukhang namumula ang magkabila niyang tainga?
“But, what I want to eat is you.” Sabay nguso pa ni Ciarra. Muntik na tuloy matisod si Worst.
“Anong nakain ng babaing ito at alam ng manglandi?” Pero napangiti maisip na sakyan ang panglalandi ng babaing to.
Biglang niyakap ni Worst ang baywang ni Ciarra at hinawakan ang pisngi ng dalaga.
“Are you sure?” Nakangiting tanong ni Worst at biglang hinalikan si Ciarra pero palad ang sumalubong sa labi niya at napaaray dahil tinadyakan ang kanyang paa. Napatalon-talon na naman siya sa sakit at sinamaan ng tingin si Ciarra na kumaripas na pala ng takbo.
“Huy! Papatayin kitaaaa!” Ubod lakas na sigaw ni Worst bago habulin si Ciarra.
Naabutan niya ito na pumasok sa banyo ng mga babae na sinundan parin niya.
“Akala mo, matatakasan mo ako sa pagtatago mo sa banyo ng mga girls. Never!” He said and glared at the girl nang mapansin dumuwal ito sa bowl. Hawak pa ang dibdib na lumingon sa kanya. Hinihingal at pinagpapawisan.
“Pasensya na talaga.” Nakatutok pa ang isang palad kay Worst na parang nag-e-stop sign.
“Bakit kapag ako ang nanlalandi, di naman ako nasusuka? Pero no’ng ikaw na ang nanlandi di maiwasang masuka. Nananayo ang mga balahibo ko. EEeeewww” Niyakap pa ang sarili na lalong ikinainis ni Worst.
“What. Did. You. Just. Say?”
Nandidilim ang mukha ni Worst na naglakad palapit sa gawi ni Ciarra. Napataas naman ng kilay ang dalaga.
Ini-expect pa naman ni Worst na makaramdam na ng takot ang babaing ito makita ang murderous aura na pumalibot sa kanya. Sobrang galit talaga siya ngayon. Na kahit si Cianna na nakakapagpapaamo sa kanya kapag ganito ang pakiramdam niya, natatakot sa kanya. Pero, tinaasan lang siya ng kilay ni Ciarra. Ni di man lang nakikitaan ng kahit kaunting takot.
“Kung gusto mong makipag-duel sa akin wag dito. Masikip dito saka mainit.” Ipinaypay pa ang mga kamay sa mukha. Pero nang makitang apat na hakbang na lamang si Worst sa kanya, itinaas niya ang basurahan.
“Aalis ka o ipapaligo ko ito sayo?” Nagulat naman si Worst sa pagbabago ng tono ng boses ni Ciarra. So cold. And she fiercely look at him. Na halatang hindi talaga magdadalawang isip ipapaligo sa kanya ang maruruming laman ng basurahan.
Ayaw man ibaba ni Worst ang pride niya at sabihing takot siya sa banta ng babaing ito pero higit na ayaw niyang makaligo ng nakakadiring laman ng basurahan. At alam niyang hindi nagbibiro ang babaing ito.
Kapag aatake naman siya, at sikaping mahawakan ang wrist ni Ciarra, kaya lang alam niyang mabilis ding kumilos si Ciarra dahil minsan na silang nagkalaban. Kaya hindi imposibleng mapapaligo niya ang nakakadiring basura.
“Put it down.”
“Then go away.”
Walang magawa si Worst kundi ang lumabas. Sino bang may gustong maligo ng basura galing sa banyo ng mga girls? Pinakalma na lamang niya ang sarili. Bakit ba palage na lamang siyang natatalo ng babaing ito?
Nagtsk naman si Ciarra bago naghugas ng kamay. Nang lumabas siya sa banyo, nakita niya si Worst na naghihintay parin pala sa labas. Hinihintay niyang susugod ito pero hinawakan lang ang kanyang kamay.
“Saan tayo pupunta?” Nagtataka niyang tanong. Ipapapatay na ba siya ni Worst? Pero bakit hinawakan pa siya sa kamay?
“Eat.” Sakto namang tumunog ang mga tiyan nila kaya nagkatinginan silang dalawa at sabay pang nag-irapan. Sabay ding nagtsk!
Hawak kamay na nagtungo ang dalawa sa cafeteria. Kaya nakatutok na naman ang tingin ng lahat sa kanilang dalawa.
“Be sweet to me.” Bulong ni Worst sa tainga ni Ciarra. Bahagya pang dumampi ang labi niya sa tainga ng dalaga na ikinasama ng tingin nito sa kanya.
Humila ng upuan si Worst at pinaupo doon ang walang imik na si Ciarra. Humila na din ng mauupuan nito.
Kasama nila sa table sina Pain, Hurt at Disaster. Walang imik ang tatlo na nakatingin sa kakaupo lang na bagong mag-couple.
“Orderan mo ‘ko ng pagkain bilis-awts!” Napangiwi si Worst dahil bigla na lamang siyang nahampas sa ulo. “Boyfriend mo ako kaya dapat sweet ka—" hindi natapos ang sasabihin dahil sa talim ng tingin ni Ciarra.
“Girlfriend mo ako di ba? At hindi utusan. Magre-requestt ka pang maging sweet ako sayo kung ganyan kasama ang ugali mo.” Pabulong na pasigaw na sabi ni Ciarra habang ang talim ng tingin kay Worst.
“Bakit parang ibang Worst ang kasama natin ngayon?” Bulong ni Hurt kay Pain. Hindi naman kasi ganito ang cold at hindi palasalita nilang boss. At hindi mo rin maaaring sagut-sagutin.
Si Cianna naman kino-comfort ni Lion makitang hindi nito ginagalaw ang pagkain. Nasanay na sila sa araw-araw na bangayan nina Worst at Ciarra. At alam nilang palaging si Ciarra ang nagwawagi at si Worst ang palaging natatamaan.
Alam nilang hindi alam ni Worst kung paano maging malambing sa girlfriend dahil palage namang si Cianna ang gumagawa ng mga dapat gawin dati. Ang naghahatid ng pagkain ni Worst. Ang nag-oorder ng mga paborito nito. Naglalagay ng pagkain sa plato at naglakas ng loob na subuan ang cold na lalake.
Dati, nakikita niya ang tuwa sa mga mata ni Worst kapag may effort siyang ginagawa para rito. Hindi din siya nito kailanman pinagtataasan ng boses. Sa kanya lang din ngumingiti at tumatawa si Worst. Kaya natutuwa siya dahil inaakala niyang special siya para sa lalake Pero ngayon, hindi na siya nito pinapansin. May kasama pang iba. Hindi man ito nakangiti kasama si Ciarra pero nakikita niya kung paano sila maglandiang dalawa. Parang aso't pusa nga lang. Pero ang sweet na nilang tingnan.
At kita nila kung paano magselos si Worst kapag may lalaking lumalapit kay Ciarra, tulad ngayon.
“Ciarra! Pasyal tayo maya ha!” Tawag ni Hawk na ka-table nina Cianna.
“O ba—"
“BAWAL!” Halos pasigaw na sagot ni Worst.
“Gusto ko ngang mamasyal.” Angal ni Ciarra.
“Di nga pwede.” Saka tiningnan ng masama si Hawk.
“Pwede ba Hawk. Tigilan mo na nga ang girlfriend ko. She is already mine.” Mariing sabi ni Worst.
“I don’t care.” Walang pakealam na sagot ni Hawk.
Bigla namang ibinagsak ni Worst ang kamay sa mesa na muntik ng ikatumba nito at marahas na tumayo. Tumingin naman sina Hurt kay Ciarra na sinasabing pakalmahin si Worst. Dati kasi ginalit na ni Hawk ng ganito si Worst at nahihirapan namang pakalmahin ni Cianna pero kumalma din naman. Kaya lang, sa halip na pakalmahin lalo namang uminit ang ulo ni Worst sa sinabi ni Ciarra.
“Wag kang mag-alala Hawk. Hintayin mo nalang kung kailan kami mag-break.”
Nalaglag tuloy ang panga nina Pain, Disaster at Hurt sa narinig. Bakit nga ba sila magpapatulong sa palaging rason ng pagiging badmood araw-araw ni Worst? Kung dati cold at ruthless si Worst nang umalis si Cianna, ngayon namang dumating si Ciarra, nagiging cold, ruthless, hotblooded at palage na lamang naninigaw. Well, ang lahat ng ‘yon, thanks to this other Cia, who made there boss mood worst of all the worse.
“Hinding-hindi mangyayari yon.” Sigaw ni Worst na nakakuyom ang kamao.
“Nagugutom na kaya ako. Kung ayaw mong kumain di bahala kang magutom. Pain. Penge nito ha.” Kumuha ng pork chop sa plato ni Pain.
Si Pain na madilim din ang mukha kanina pa, ay lalong dumilim ang mukha.
“Wala bang hiya ang babaing to? Saan ba ang manners nito?”
“Kung manners tinatanong niyo, wala ako no’n.” Sambit ni Ciarra. Muntik na tuloy mabilaokan si Pain. Paano nito nalaman ang iniisip niya? Halata ba sa hitsura niya?
“Why did you touched my food!” Singhal ni Pain.
Kakagatin na sana ni Ciarra ang pork chop nang tampalin ni Worst ang kanyang kamay.
“Madumi ‘yan. Don't eat that.”
“Gusto mo sayo na rin tong akin? Hindi ko pa to nahahawakan.” Sabi naman ni Hurt kay Ciarra.
“Bakit? Masarap ba yang sayo?” Tanong ni Ciarra at itinaas pa ang leeg para makita ang laman ng plato ni Hurt.
“Syempre naman.” Nagtaka na lamang si Hurt dahil sinamaan siya ng tingin ni Disaster.
“Bakit ba?” Tanong niya. Nang tingnan niya si Disaster saka pa niya napansin ang weird na mga tingin ng mga tao sa loob ng cafeteria. “May nasabi ba akong mali?” Nagtataka niyang tanong. Bakit kasi ang sama ng tingin ng boss niya sa kanya? At bakit ang weird ng mga tinging binibigay sa kanya?
“Nilalandi mo ang gf ng Boss mo sa harapan pa niya mismo?” Pabulong na sagot ni Disaster.
Bigla namang namutla si Hurt ma-realized ang mga salitang binitiwan nila ni Ciarra kani-kanina lang. Napalunok laway siya at gustong-gusto ng magtago.
“Boss! Wag mo kong tingnan ng ganyan. Wala akong ibang iniisip no’ng sagutin ko siya. Pramis talaga.” Sambit niya sa isip.
Pero napatingin sila kay Ciarra nang tumunog ang tiyan nito. Kaya lang, tumunog din ang tiyan ni Worst. Sinamaan ni Worst ng tingin ang natatawang kagrupo bago tumayo at nag-order ng makakain.
“Subuan mo ako.” Bulong ni Worst kay Ciarra.
“Mamaya na. Gutom pa ako.” Sagot ni Ciarra na walang pakialam kung ano ang hitsura niya habang kumakain.
Nakasimangot na nagsimulang kumain si Worst. Ilang sandali pa'y napatingin sa kumakaing si Ciarra. Hindi niya maiwasang ipagkukumpara ang dalawa. Si Cianna, hindi na niya dapat pang pagsabihan at alam na nito kung ano ang magpapagaan ng loob niya. Ang babae namang katabi niya ngayon, walang pakialam sa kanya.
“Alam kong mas maganda ako sa kanya kaya wag mo na akong titigan ng ganyan.”
“Don't assume the impossible thing.”
“I'm stating the truth.” Sagot ni Ciarra at muli ng sumubo sa lasagna na binili ni Worst para sa kanya.
“At kung ipagkukumpara mo kaming dalawa, at pilitin mo akong gawin kung ano ang ginagawa niya sayo, hindi ko ‘yon magagawa. Dahil complete opposite talaga kami. Kung mas marami siyang good side wala ako niyan. Because I am the worst version of her.” Sabi pa ni Ciarra.
Ilang sandaling katahimikan pero kasunod no’n, “halata nga.” Sagot ni Worst. Hindi naman umimik si Ciarra at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Pero nagulat siya nang subuan siya ni Worst. Napakunot ang kanyang noo nong una pero naisip niyang sakyan na lamang ang acting nito kaya ibinuka na lamang niya ang bibig. Kaya lang binawi ni Worst ang kamay at kinain ang isusubo sana kay Ciarra. Napanguso naman si Ciarra.
“Sige lang. Papasubo ako sa iba. Tingnan mo.” Agad hinanap ng paningin si Hawk.
“Para biro lang e. Ito na nga o. Say ah.” Inilapit ang kutsara na walang laman kay Ciarra.
“Huy! Worst!” Galit niyang sigaw. Malapit na talaga siyang mapikon. Baka liparin na ‘tong mesa. Pero tumawa lang si Worst na ikinagulat ng lahat.
“Hahaha! Ang cute mo din pala kapag napipikon. Hahaha!” Humawak pa sa kanyang tiyan habang tinuturo si Ciarra. Si Ciarra naman nakatulala.
Hindi niya maiwasang mapatitig sa tumatawang si Worst pero agad iniling ang anumang pumasok sa isip.
Ang mga kagrupo naman ni Worst, kung kanina laglag ang panga ngayon naman, sinampal-sampal ang sarili. Una, natuto na manukso na di ginagawa kay Cianna dati. Pangalawa, tumawa ito ng malakas. Hindi tawang demonyo o nakakakilabot kundi tawang galing talaga sa puso. Dati tumatawa siya kapag kasama si Cianna pero hindi ganitong tawa na parang walang inaalala.
Pero napatigil makitang bigla na lamang lumungkot ang mukha ni Ciarra ngunit agad din itong naglaho.
“What's wrong?” Tanong agad nito kay Ciarra.
“Ikaw ang dapat tanungin diyan. Bigla-bigla ka nalang tatawa tapos ako ang tatanungin mo ng what's wrong?” Sagot ni Ciarra at nagtsk. Tinitigan lamang siya ni Worst.
Nagulat na lamang si Ciarra dahil bigla siya nitong yakapin na ikinagulat niya.
“What are you doing?” Itutulak sana niya si Worst pero hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.
“Oh! My! My PDA!” Sambit pa ni Disaster na tinakpan pa ng tinidor ang mga mata ngunit nakatingin naman kina Ciarra.
Tumikhim naman sina Pain at Hurt.
“Ano ba. Wag ka ngang nangyayakap.” Hinampas pa ni Ciarra ang ulo ni Worst pero mahina lang.
“Ciarra. How can I see you smile the way like before?” Bulong nito kay Ciarra na ikinagulat ng dalaga.
“Smile like before? Ano bang tinutukoy nito?”
Ramdam niya ang paghigpit pang lalo ng yakap ni Worst. At nakaupo sila sa lagay na yan.
“Ano ba. Kung papagselosin mo ang gf mo wag sa ganitong paraan, pwede ba.” Bulong niya pabalik habang tinutulak si Worst. Binitiwan naman siya nito na ikinahinga niya ng maluwag.
Nakita nilang tumakbo palabas ng cafeteria si Cianna at hinabol naman ito ni Lion. Tiningnan naman ni Ciarra si Worst pero hindi niya ito makikitaan ng kahit ano pa mang emosyon.
Pagkatapos nilang kumain, lumabas na si Ciarra na di na hinintay si Worst. Nawiwirduhan kasi siya sa bigla nitong pagyakap kanina at sa binulong nito sa kanyang tainga.
***
Pasipol-sipol na lumabas ng banyo si Ciarra na nakabath robe lang. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang atakehin ng kung sino pero agad din naman siyang nakaiwas. Hahawakan nga sana siya ni Lion at kuwelyuhan kaya lang mabilis ang reflexes niya at agad na nakaiwas.
“Paanong naging kayo ni Worst? Alam mo bang may nasasaktan ka?” Galit nitong tanong sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at kumuha lang ng maisusuot na pantulog.
Napansin niya ring nakabukas ang bintana at naisip na siguro sa bintana dumaan si Lion kaya nakapasok sa kanyang kwarto.
“Do you love him?” Tanong ni Lion na nakatingin sa ibang direksyon.
“Love? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘yan. Hindi ko ‘yan naramdaman kaya paano ko iyan malalalaman at maiparamdam? Saka wala ganyan sa buhay ko. Hindi ‘yan uso.” She answered indifferently.
“Then why?”
“Bakit kita sasagutin sa tanong mo?”
“Is it because of money?”
“Maybe yes?”
“Or because you want to take revenge?” Natigilan si Ciarra sa tanong na ito. Naisip niyang maaring nag-imbestiga si Lion tungkol sa kanya kaya maaaring alam nito ang tungkol sa relasyon nila ni Cianna.
“Pwede rin.”
“Walang kasalanan si Cianna kaya wag mo siyang idamay sa galit mo.” Halos pasigaw ng sabi ni Lion na umani ng cold na tingin ni Ciarra na ikinatigil niya.
“Ako ba meron?” Anong karapatan nilang hayaan akong mabuhay na uhaw sa pagmamahal ng mga magulang? Anong karapatan nilang sirain ang pamilya niya? Hindi man lang ba nila naisip ang nararamdaman niya?
“Gusto mo bang iparamdam kay Cianna kung ano ang pakiramdam ng aagawin ng sariling kapatid ang taong minamahal?” Tanong muli ni Lion.
“Mukhang ang dami mong alam a. Well, sabagay. Tama ka. Gusto kong makita ni Claris na nasasaktan ang anak niya. Gusto kong makita at malaman kung ano ang mararamdaman niya na ang mahal at ex boyfriend ng anak kasama na ngayon ng sariling kapatid. Ano ang pakiramdam ng makitang pinagtaksilan ang taong napakahalaga sa buhay mo.” Sagot niya na mababakasan ng galit at lungkot ang mga mata.
“Ginagamit mo lang si Worst para makapaghiganti ka sa sarili mong kapatid?” Tanong ulit ni Lion.
Pansin ni Ciarra na may hawak na cellphone si Lion at pansin niya ring nagliliwanag ito.
“Tama ka.”
“At dahil din ba may pera si Worst?”
“Yes. Kapag maikasal na kaming dalawa, ipapabagsak ko ang buong pamilyang Verdal. Lalo na si Claris at si Crizan” Pagkatapos niyang sagutin ang mga tanong ni Lion agad din itong umalis.
“Ano bang pinaplano niyong dalawa Cianna?” Tanong na lamang niya sa sarili at nagpalit na ng damit.
Nanginginig ang mga kamay kong ipinasok ang cellphone sa aking bulsa. Sinagot lang pala niya si Worst dahil sa pera at para makapaghiganti. No! Hindi ito maaari. Ayaw kong lokohin niya si Worst. Hindi ko hahayaang magtagumpay ka Ciarra.
Walang kasalanan si Worst kaya hindi niya dapat idamay si Worst sa galit niya sa amin.
Kung manghihingi ba ako ng tawad, mapapatawad ba niya kami? Ano ang dapat kong gawin para makabawi? At para di na madamay si Worst?
Ipinasa ko kay Pain ang naging usapan nina Lion at Ciarra para maiparinig niya iyon kay Worst. Kaya nang muli kong makasalubong si Pain, agad ko siyang tinanong kung ano ang reaksyon ni Worst pero ipinarinig lamang ni Pain sa akin ang naging usapan nila ni Worst na nirekord niya.
“I don't care if she's just using me, as long as I love her.” Muntik ko na tuloy mabitiwan ang cellphone ni Pain na kasalukuyan kong hawak ngayon.
“Ayaw lamang naming umasa ka at masaktan nang dahil lang sa babae Worst.” Boses ito ni Pain. Si Pain ang pinakaclose ni Worst at para na silang magkapatid. Kaya siya lang itong may lakas na loob na pagsabihan si Worst.
“I know what I am doing.”
“Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi niya? Nahihibang ka na ba talaga?” Galit ng sabi ni Pain.
“As long as Cianna and Ciarra is different, it's fine.”
“Worst!”
“Cianna is my past. Ciarra is my life. If money and revenge for the Verdal family can make her stay, then I’ll do everything to have more money and wish that she will not forgive the Verdals so that she will stay with me forever.”
Napaupo na ako sa sahig. Pinipigilan ang pag-agos ng aking luha. Bakit? Bakit mahal parin niya si Ciarra sa kabila ng nalaman niya? Bakit naglaho ang pagmamahal niya sa akin kahit na hindi ko naman ginustong iwan siya?
“Hindi ko sana ipaparinig yan sayo. Pero, ayaw kong umasa ka pa Cianna.” Pampakalma ni Pain sa akin. Lalo lamang tuloy akong napaiyak.
“Pain. Ano ang dapat kong gawin? Ayaw kong mawala si Worst.”
Ikinuyom ni Pain ang kamao. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Pero alam kong hindi niya hahayaang magtagumpay si Ciarra.
“Leave it to me.” Sabi ni Pain bago umalis. Tumayo na lamang ako at kailangang makaisip ng paraan kung paano mapigilan si Ciarra sa binabalak niya.
Ipinasa ko kay mommy ang recorded voice ni Ciarra para siya na ang bahalang mag-inform nito kay daddy. At nang tawagan ko si mommy kung ano ang nagiging reaksyon ni dad. Ang tanging sagot niya ay...
“If she can destroy it or not, it has nothing to do with us. She is one of the real heiress anyway.”
Iyon ang sinabi ni dad? Real heiress. Then what am I? Hindi ba ako maituturing na tunay na tagapagmana dahil minsan kong dala ang pagiging anak ng isang kabit?
Wala daw kasing ibang sinabi si Daddy maliban doon at dinagdagan ng bumuntong-hininga.
Hindi basta-basta ang pamilya ni Worst. Isang salita lang niya alam kong babagsak agad ang pamilyang Verdal. Then, ano ang dapat kong gawin? Paano ko mapipigilan ang pagkasira ng aking pamilya at ang tuluyan paglayo ni Worst sa akin?
Habang naguguluhan naman si Cianna, si Pain naman nagtungo sa dorm ni Ciarra, umakyat sa bintana at pumasok sa silid ng dalaga. Nagtataka pa siya kung bakit nakabukas ito kahit nasa kalagitnaan ng hating gabi. Masyadong madilim ang silid pero rinig niyang may mga kalabog at tunog ng mga taong naglalaban.
Ilang sandali pa'y nagsindi ang ilaw. Dito nakita ni Pain ang isang lalaking sakal-sakal ni Ciarra na nakasandal ang likuran sa may switch. Nakatalikod si Ciarra sa gawi ni Pain kaya di niya nakikita ang cold and killing intent sa mga mata ng dalaga. Pero ang lalaking sinasakal, halatang nahihirapan na sa paghinga.
Binitiwan ni Ciarra ang lalake at napadausdos ito paupo. Habang habol ang hininga.
“Sabihin niyo sa boss niyo na sa susunod na magpapadala siya ng mga assassin, iyong mga malalakas at hindi basura. Gano’n na ba kababa ang tingin niya sa akin at puro mahihina ang pinadala? Alis na bago pa man magbago ang isip ko.” Ang cold na sabi ni Ciarra na kahit si Pain ay kinilabotan at bahagyang nakaramdam ng lamig.
Hindi agad nakakilos ang lalake dahil habol parin ang hininga. “Pasalamat ka at di ko kayang pumatay kaya layas na! O baka naman...” Bago pa man matapos ni Ciarra ang sasabihin, nagmamadali ng umalis ang lalake na gumapang pa sa sahig at nilagpasan si Pain bago ito tumalon sa bintana at naglaho na sa dilim.
Napatingin si Pain sa sahig. Ngayon lang niya napansin ang dalawa pang lalaking nakahiga sa sahig na nababalot ng dugo at pasa ang mga katawan.
‘Iyan ba ang hindi kayang pumatay? Ano naman ang mga ito?’
Napansin din ni Pain ang mga death threats na nakakalat sa sahig. Mukhang galing sa natumbang trash can. May ulo ng manikang puno ng dugo, may mga notes at mga guhit na bungo na may dalawang butong nagka-ex sa bungo na iyon o ba kaya sa ibaba ng bungo. May mga patay na bulaklak pa at mga gutay-gutay na manika.
‘Sino bang ginalit ng babaing ito at parang ang daming may gustong pumatay sa kanya?’
Pinulot ni Pain ang isa sa mga notes.
“Iwan mo si Worst or you will die.”
“Stay away from him!”
Halos lahat ng mga nakasulat ay nagsasabing layuan si Worst.
“Alam kong ganyan din ang sasabihin mo kaya umalis ka na.” Sabi ni Ciarra na may dina-dial sa cellphone. Ilang sandali pa'y nagsalita ulit.
“Send someone to clean my room.” Pagkatapos in-off na ang cellphone. Ang principal ang tinatawagan niya. Iyon palagi ang ginugulo niya kapag may nangyayari ang ganito.
“Kaysa manood ka lang diyan, mas mabuti pang tulungan mo na lang akong magligpit.” Sabi ni Ciarra na nililigpit ang mga basura.
Pinulot na lamang ni Pain ang mga nakakalat na death notes at nilagay sa basurahan. Pinatayo na rin ang mesa at natumbang upuan. Ilang sandali pa'y dumating ang dalawang inutusan ng principal at ang mga ‘yon ang nagdala sa dalawang lalaking walang malay.
“Alam ba ito ni Worst?” Nagdadalawang isip na tanong ni Pain pero nagtanong din.
“For what? Wala siyang pakealam. So why should I bother him? Hindi naman niya ako ilalagay sa sitwasyon na ito if he cared di ba?” Base sa reaksyon ni Ciarra, may kung anong pumasok sa isip ni Pain.
Na maaaring ginagamit lamang ni Worst si Ciarra para maprotektahan si Cianna, dahil alam niyang kaya ni Ciarra ang sarili hindi tulad ni Cianna na nangangailangan ng proteksyon galing sa iba.
Tinitigan ni Pain ang babaing inaayos na ngayon ang nagkagulong bedsheet at kumot.
“Kapag talaga namatay ako, mumultuhin ko talaga ang Worst na ‘yon.” Padabog pang umupo sa kama si Ciarra at napangiwi nang masagi ang sugat sa tagiliran. Nakabendahe na ito, ibig sabihin lang no’n, hindi ngayon ang sugat na ito.
“Saan ‘yan galing?” Curious na tanong ni Pain.
“Saan pa nga ba? Sino pa bang magtatangka sa buhay ko kundi sa kalaban ng boss mo? Saka bakit ka tanong ng tanong? Ano naman kung may mangyayari sa akin dito? Alam kong isa ka pa sa magtatalon sa tuwa. Alis na nga! Napadaldal pa ako dahil sayo. Alis!” Binato pa ng unan si Pain.
Pero hindi ito natinag.
“Paano kung babalik sila?”
“Nakapagtataka nga kung hindi. Pero mas ayos yon, dahil may thrill na ang boring kong buhay.”
So what kung mamamatay siya? May iiyak ba? May masasaktan ba? May nagpapahalaga ba sa katulad niya? Wala naman di ba? Iniwan siya ng kanyang ama. Tinalikuran ng kanyang Kuya, pinalayas ng sariling ina. Wala siyang tunay na kaibigan. Ano pa ba ang silbi ng buhay niya? Kung malalagay sa panganib? So what? Wala namang mawawala sa kanya. Ito ang nasa isip ng dalaga.
“Hindi ka man lang ba natatakot ni mag-alala?”
“Walang mawawala sa akin kaya ano ang ikakatakot ko? I have nothing to lost anyway.” Pagkatapos sabihin yon pumasok na sa banyo para makapaghugas. May mga dugo kasi sa katawan niya. Umalis nalang din si Pain na hindi man lang nasasabi ang pakay.
Pagkatapos sa nangyari sa kwarto ni Ciarra, palaging wala si Pain sa sarili. Nagpaimbistiga siya and found out that, mga kalaban lahat ni Worst at ng gang nila ang umaatake kay Ciarra sa pag-aakalang mahal ito ni Worst. Lahat ng mahal ni Worst, papatayin nila kaya hindi nila tinatantanan si Ciarra. Kaya lang palage silang nabibigo.
Naisip ni Pain na kung si Cianna ang nasa posisyon ni Ciarra baka matagal na itong pinaglamayan. Dati nga, kahit palage pa nilang binabantayan si Cianna, palage paring nauuwi sa hospital at ilang ulit pang muntik ng bawian ng buhay.
Pero si Ciarra na walang bantay, carefree parin na parang walang nangyari. Nakikipagsagutan kay Worst at minsan binabatukan pa ang lalake kapag umandar ang pagka-bossy. Tanging siya lamang ang may lakas ng loob na sumagot-sagot kay Worst.
Ilang araw na din ang lumipas na patuloy na binabantayan ng palihim ni Pain si Ciarra at ilang beses na rin niyang nakitang may mga umatake rito ng palihim. At hanggang ngayon, wala parin itong kinuwento kay Worst.
“Wala ka man lang bang balak ipagtapat sa akin?” Tanong bigla ni Worst kay Ciarra. Alam na niya ang nangyayaring atake kay Ciarra maging ang palihim na pagsunod ni Pain kay Ciarra. Hinihintay lamang talaga niya na magtatapat si Ciarra sa kanya tungkol sa nangyayari. Kaya lang walang balak ang dalaga na mag-share sa iba lalo na sa kanya.
“Na kahit kailan, hindi kita magugustuhan? Na pumayag lang ako dahil mayaman ka at may pera? O ayan na. Nasabi ko na.” Si Pain na palihim na nakikinig sa usapan muntik ng matapilok.
Si Worst naman, dumilim ang mukha. Sumama ang tingin at nagtagpo ang kilay bago sipain ang isang paso at umalis.
“Galit? Makaasta kala mo may gusto. Tsk! Kung may gusto hindi niya ako ginaganito.” Sabi ni Ciarra bago padabog din na umalis. Pero dinaanan pa ang nagtatago na si Pain at sinapok pa.
“Para saan ‘yon?” Angal niya na sinamaan ng tingin ang papalayong si Ciarra.
“Nakakairita ka kasi. Maka-stalk ka na nga di ka pa nagdadala ng video.” Ang narinig niyang sagot ni Ciarra. Napaawang na lamang ang kanyang bibig. And said “what?”
***
Nasa isang underground battle arena ngayon si Ciarra. Nakatayo sa stage. Napamura pa siya nang madaplisan ng kunai ng kalaban niya. May lason ang kunai kaya kahit daplis lang, nakakaramdam agad siya ng panghihina. Kaya naman, tinapos na lamang niya ang kanyang kalaban. Bago bumaba ng stage. Hindi na niya pinansin ang ingay ng mga nagchi-cheer sa kanya na sinisigaw ang salitang Cia the Worst. Ang nagbabalik na batang Cia the Worst noon. Ang batang minsang tumalo sa tagapagmana ng isang Underground elite Mafia noon ay nagbabalik na ngayon.
Pero napatigil siya sa paglalakad nang makita ang pamilyar na mga mata. Galit na galit na mga mata na kahit ano mang oras ay mag-aapoy na. Bigla nitong hinila ang wrist niya at umalis sila sa lugar na iyon.
“Why did you do that?” Sigaw ni Worst sa kanya at marahas pa siyang isinandal sa pader. Napaungol tuloy si Ciarra sa sakit kasunod no’n ang pag-ungol din ni Worst nang masapok sa ulo. Lalo tuloy nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
Hinilot na lamang ni Ciarra ang wrist niya na nagkapasa na at sinamaan ng tingin si Worst. Bakit kasi dumating ito? At nakamaskara rin katulad niya. Pareho pa sila ng kulay maskara. Kulay violet.
‘Bakit ka nakipaglaban ha? Kung wala kang pera, bibigyan kita. Hindi mo na kailangan pang ibuwis ang buhay mo!” Galit na sigaw ni Worst. Tumawa naman si Ciarra.
“Bibigyan mo ako ng pera? Ano na naman ang kapalit? Magiging alipin mo na o hininga ko na?” Tanong ni Ciarra na hindi tinatago ang disgust sa mga mata.
“Am I really that bad in your eyes?” This time, his face turned gloomy.
Natigilan si Ciarra makita ang lungkot sa mga mata ni Worst. That lonely look na parang nakita na niya sa kung saan. Hindi niya maintindihan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Am I missing that kid again? O siya at si Worst ay iisa?”
Naramdaman na lamang ni Ciarra ang pagdilim ng kanyang paligid hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
At nang magising ulit, nasa hindi pamilyar siyang silid. At nang subukan niyang lumabas, naka-lock ang pintuan. Wala ring bintana ang silid na ito. At wala siyang ibang makitang labasan maliban sa nakasaradong pintuang bakal.
Ilang sandali pa'y dumating si Worst na may dalang pagkain. Pero instead na kumain lalabas na sana ng pintuan pero humarang si Worst.
“You can’t go out!” Mariing sabi ni Worst.
“What? You can't lock me here!” She glared at him.
“Anong hindi? Para makipaglaban ka na naman? Since bf mo ako, you are one of my responsibility.”
Ngumiti lang si Ciarra. “Bakit? Ano ba kita? Don't you dare lock me here. Parents ko nga walang pake ikaw pa ba na fake bf?”
“Kung sila walang pakialam ako meron.”
“Kung meron then don't do this kind of thing to me.”
“Paano kung babalik sila? Inaakala mo ba na hindi ko alam? Nasa panganib ang buhay mo dahil sa akin kaya tungkulin kong protektahan ka.”
“Kung kaya mo akong protektahan, bakit di mo kayang protektahan si Cianna? Hindi mo ako pipiliin kung hindi ka nag-aalalang mapapahamak si Cianna nang dahil sayo. Dahil panganib ang naghihintay sa mga taong mapapalapit sa puso mo. That's why you choose me because you don't care. Kaya wag mo akong ikukulong at gawing rason ang kaligtasan ko. Kung gusto mo ng babaing makikinig sa mga utos at sinasabi mo just find someone else.”
“Fine! You can go. But let me accompany you.”
Kaya ang resulta, sabay silang pumasok, sabay gumala, sabay kumain at palaging magkasama.