Chapter 26





“Wag mo na ulit gawin yon. Wag mo na ulit akong pinag-aalala.” Natigilan namang bigla si Ciarra dahil hindi na galit ang lalake at di narin siya sinisigawan. Seryoso itong nakatingin sa kanya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Ciarra sa isang pares ng mga mapupungay na mga matang nakatingin ng seryoso sa kanya. Bigla namang pumasok sa isip niya ang mga mata ng batang palaging nandiyan sa bawat panahong nalulungkot siya.

Wag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan. Nakakairita.” Nakaiwas tingin niyang sabi. Bakit kasi biglang umamo ang mukha ni Worst? Kinabahan tuloy siya.

Sa paglipas ng mga araw, pansin niyang medyo bumait na kunti si Worst sa kanya. Kahit na sinusungitan niya ito dahil naiilang na siya sa kabaitan at pagkapalautos nito. At ang pagbabawal nito sa kanyang umalis na walang kasama.

Massage mo ko.” Utos na naman ni Worst at dumapa sa couch.

Bali-balian kita ng buto diyan e. Massage mukha mo.” Nakapamaywang na sagot ni Ciarra.

Massage mo na nga ako.” Nakadapa parin siya sa kama.

Instead na masahein, kiniliti siya ni Ciarra. Pinigilan nitong tumawa pero napatawa rin.

Ano ba! Wag mo kong kilitiin. Haha! Ano ba.” Angal niya at tinatampal ang kamay ni Ciarra.

Hahaha! May kiliti siya. Pfft! Haha.” Malakas na napatawa ang dalaga dahil hindi nito inaasahan na ang cold at masungit na boss ay may kiliti din pala.

Napatigil si Ciarra mapansing nakatitig na naman si Worst sa kanya. Titig na parehong-pareho sa batang yon.

What?” Napakunot ang noong tanong niya sa lalake.

You laughed.” Sambit naman ng binata.

Ikaw din naman a.” Sagot ni Ciarra. Para tumawa lang, anong meron don?

Tumawa ka na rin. Tawang may tunay na saya.” Sagot ni Worst.

Of course. I always laugh whenever I am happy.” Ano ba kasing bigdeal don?

Why?” Tanong muli ng lalaki.

Because of you.” Ano pa ba kasing ibang dahilan e silang dalawa lang naman ang nandito?

Napansing natigilan ang lalake sa sagot niya.

Alam mo? Pansin ko sayo, parang nahuhulog ka na talaga sa akin. Uy! Uy! Wag mong gayahin ang mga wattpad story sa kwento ng buhay ko. Walang happy ending sa totoong buhay ni Ciarra Verdal.” Sabi ng dalaga. Napakunot naman ang noo ng lalaki dahil dito. At dahil tumahimik muli ang paligid, tumikhim si Ciarra at niyaya ang lalaki.

Inuman tayo. Namimiss ko ng malasing.” Sabi niya at tinaas-baba ang isang kilay.

Don't you dare.” Sagot ni Worst na masama ang tingin. Maisip na magsusuot na naman ng revealing clothes ang dalaga at maalala ang malalagkit na tingin ng mga school mate nila sa school bar na yon, parang gusto na naman niyang manapak.

Tumunog ang cellphone ni Worst kaya natuon ang atensyon niya rito. Kinuha ito at lalabas na sana pero tumigil muna para paalalahan si Ciarra.

Wag kang lumabas kapag hindi mo ako kasama. Dito ka lang muna.” Paalala ng lalaki.

Paano makikinig ang isang mahilig gumala?

Sama ako.”

Di nga pwede.”

E di layas na.”

Saan ka nga pala pupunta?” Kung labanan yan, gusto ko sanang sumama. Gustong -gusto ko ng makipaglaban.

Mind your own business.” Sagot ni Worst.

Ngumiti naman si Ciarra.

Mind your own business pala ha. Tapos ako papakialaman mo?” Sambit niya sa isip.

Wag na wag kang lumabas.” Bilin pa ni Worst.

Mind your own business.” Naka-smirked na sambit ni Ciarra. Ikaw maaaring lumabas? Tapos ako hindi? Ang swerte mo naman dude.

Nang mapansin ang kakaibang ngiti ni Ciarra napataas ang kilay ni Worst.

Don't go.” Sabi niya pa.

Then stay.” Naka-cross arms na sagot ng dalaga.

Naglakad palapit sa kanya si Worst and teased her.

Gano’n mo ba talaga ako kagustong makasama?” Sabi niya at unti-unting nilapit ang mukha kay Ciarra. Ngiti lang din ang sagot ng dalaga na nakakuyom na ang kamao halatang handa na itong manapak kapag lalapit pang lalo ang binata.

Sa tingin mo?” Sagot ni Ciarra na halatang hindi nai-intimidate. Halatang kahit ano mang oras, makikipagsapakan na.

Nagtsk naman si Worst at iniwan na ang dalaga. Ni-lock ang babaeng naiinip na sa loob ng kwarto.

Pagbalik niya, hindi niya maiwasang mapamura. Bakit kasi nakahiga lahat ng mga bantay niya? At parang may lumusob sa tahanan niya?

What happened here?” Tanong niya sa lalaking ipinabantay niya sa pintuan.

Sinira po ni Miss Ciarra ang pinto. Binasag lahat ng mga babasaging bagay sa loob. At ang lahat ng mga gamit na makikita. Pati po ang mga itlog namin muntik ng mabasag.” Mahina na ang pagkakabigkas sa huling pangungusap.

Pumasok si Worst sa kwarto at nakitang gutay-gutay na ang kama. Pati lahat ng mga gamit sa loob ng kwarto.

Nagmamadali siyang lumabas sa kwarto at hinanap si Ciarra. Natuklasang nagsa-shopping lang pala gamit ang black card niya.

Ciarra!” Tawag niya makitang papalabas ito sa isang mall. May mga bitbit na mga shopping bags.

Hay salamat. Buti dumating ka.” Binigay lahat kay Worst ang mga bitbit na mga paper bags.

Nangangalay na ako. Punta pa ako sa salon.” Inunat-unat pa ang mga braso.

Di mo ba kitang galit na galit ako?” Halos pasigaw ng tanong ni Worst na halatang namumula na sa galit. Ikaw kayang galit na galit na tapos parang wala lang sa kausap mo na siyang dahilan ng galit mo?

Maya ka na magalit. Magpapasalon pa ako. Magpapamasahe na rin.”

Huminga na lamang ng malalim ang binata na pinilit pakalmahin ang sarili at sinamahan si Ciarra sa mga gusto nitong puntahan sa pag-alalang baka magwala na naman kasi ito. Napansin niyang may sugat ito sa pisngi. Saka napansin na may naiwang finger prints sa namumula niyang pisngi.

Sinong nagsampal sayo?” Kung kanina galit siya, ngayon naman parang sasabog na ang bulkan sa tindi ng kanyang galit.

Sino pa ba sa palagay mo?” Tanong niya pabalik.

Sino?”

Pag sinabi kong ang anghel mo, maniniwala ka ba?” Sagot ni Ciarra at inikot ang mga mata.

Anong anghel ko? Imposible namang sampalin mo ang sarili mo di ba?” Pabulong lang ang huling pangungusap.

Ano?”

Sabi ko sinong nagsampal sa’yo?”

May iba ka pa bang itinuring na anghel bukod sa mahal mo? Ah!” Sabay takip ng bibig na kunwari ay nagulat. “Hindi na pala anghel ang tingin mo sa kanya dahil minsan ka na niyang iwan.”

Si Cianna?” Tanong ni Worst.

May iba pa bang maglakas ng loob markahan ang pisngi ko bukod sa kanya?”

Hindi niya magagawa yon.” Nagkibit balikat naman si Ciarra dahil sa sagot ni Worst.

Sabi ko nga, di ka maniniwala. Anghel yon e, samantalang ako devil.” Sagot ng dalaga at muli ng naglakad. Hindi na napansin ang pagkuyom ng kamao ni Worst.

Bakit niya ginawa yon?” Tanong ni Worst nang makalapit kay Ciarra.

Naniwala ka? Paano kung sabihin kong inapi ko siya? Hindi ka ba magagalit sa akin?”

Alam kong hindi ka nanakit nang walang dahilan. Hindi ka nang-aapi, ipinagtatanggol mo lang ang sarili mo.” Natigilan naman si Ciarra sa narinig. Hindi niya inaasahan ang magiging sagot ng lalaki.

Iniisip pa naman niya ang katagang “ano ang ginawa mo sa kanya?” Ganito kasi ang mga katagang naririnig niya kapag napapaiyak si Cianna sa tuwing magkasama sila.

Ano na naman ba ang ginawa mo sa pinsan mo? Alam mo bang may sakit ito?” Ang sabi pa noon ng kanyang ama.

Masakit din ang puso niya. Mas masakit kaysa sa pinsan niyang sakitin. Sa pinsang half sister niya pala. Kaya nang malamang half-sister niya ito, ang pumasok agad sa isip niya ay ang salitang kaya pala.

Ayos ka lang?” Tanong agad ni Worst makita ang lungkot at sakit na dumaan sa mga mata ng dalaga.

Di ako okay kasi nakikita kita.” Dahil sa sagot ng dalaga, sumama na naman ang mood ni Worst.

Gusto tuloy niyang itapon lahat ng bitbit niyang paper bags. Halos magkadikit na ang mga kilay nang sundan niya ang dalaga.

Bakit ka lumabas?” Tanong niyang muli.

Walang laman ang ref mo. Wala akong mameryenda.” Sagot naman ni Ciarra na nagpatuloy parin sa paglalakad.

Saka sinadya kong sugatan ang pisngi ko para malaman ang magiging reaksyon mo kapag ang anghel mo ang pagbibintangan ko.”





















Cianna Versus Ciarra

Flashback



Masaya ngayong namamasyal si Ciarra lalo pa't pera ni Worst ang ginagamit niya sa anumang bibilhin niya sa mga tindahan.

"Ciarra, maari ba tayong mag-usap?" Napatigil si Ciarra sa paglalakad at napalingon sa nagsalita at nakita si Cianna na nakasuot ng simpleng kulay puting bestida. Kung sino mang makakakita, ang magiging first impression sa kanya ay ang mabait at approachable dahil malaanghel ang maamong mukha, samahan pa ng mapupungay na mga mata.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Sagot ni Ciarra at lalagpasan na sana si Cianna.

Please. Kahit sandali lang.” Pakiusap ni Cianna.

Pinagtitinginan na sila ng mga customer. Medyo may pagkakahawig kasi sila. Mukha nga lang model si Ciarra na nakahigh heeled black shoes with black leather mini skirt at white lose sleeveless upper shirt. Naka-shades ng black at nakataas noong pinagmasdan si Cianna mula ulo hanggang paa.

Kahit maluwag man ang suot, bumagay naman sa kanya na aakalain mong nagmomodel lang ng mga maluluwang na puting damit. Kumurba parin sexy'ng katawan.

Sabagay, wala naman akong ibang gagawin.” Sagot niya at sumabay na sa paglakad kay Cianna.

Pumasok sila sa isang coffee shop.

Gusto ko ng direct to the point kaya diretsuhin mo na ako.” Sabi ni Ciarra.

Nilapitan sila ng waitress at nag-order na muna ang dalawa. Nang dumating na ang inorder nila saka pa nagsimulang magsalita si Cianna.

Alam kong malaki ang kasalanan namin sa inyo pero maaari bang wag mo ng idamay si Worst sa paghihiganti mo? Wala siyang kasalanan.”

Owh. Bakit di ako aware na naghihiganti na pala ako? Wala pa naman akong ginawa a.” Wala pa naman siyang ginawang anupaman pero bakit binabanggit na ng isang to ang katagang paghihiganti?

Alam ko na ang binabalak mo kaya maaari bang tama na? Tama na Ciarra. Hindi ka pa ba masaya makitang nahihirapan ako? Bakit mo pa idadamay si Worst?” Gusto niyang pakiusapan si Ciarra na layuan na nito si Worst at di na gagamitin sa paghihiganti nito.

Ini-on pa niya ang recorder ng phone niya habang kausap si Ciarra para gamitin ang anumang pag-uusap nila ngayon kapag darating ang araw na kakailanganin niya.

Inaano ko ba si Worst at paulit-ulit mong sinasabing hindi ko siya idadamay? Hindi ko naman siya inakit. Siya naman ang unang lumapit at nang-akit sa akin. Siya ang kusang naakit sa ganda ko.” Sabay lagay ng isang kamay sa ibaba ng chin kung saan ang likod nito nakadikit ng bahagya sa kanyang chin.

Isa pa, wala pa akong ginawa pero pinagbibintangan muna akong naghihiganti. At ano yon? Nahihirapan ka na? Wala pa nga along ginawa nahihirapan ka na? Paano na kaya kung totohanin ko iyang hinala mo?” Naka-smirked ba sagot ni Ciarra at nag-cross legs.

Alam ko ang binabalak mo. Balak mo lang gamitin si Worst para sa paghihiganti mo.” Nasabi niya ito dahil sa pag-uusap noon nina Ciarra at Lion.

Correction! Siya ang gustong magpagamit. Kasi nga mahal na mahal niya ako.” Taas noong sagot ni Ciarra. Naikuyom naman ni Cianna ang mga kamay.

Hindi totoo ‘yan. Ako parin ang gusto ni Worst. Niligawan ka lang niya para pagselosin ako.” Tutol niya. Hindi siya maniniwalang hindi na siya mahal ni Worst.

Ganon pala ‘yon? Kaya pala ayaw niyang makipagbalikan sayo. Tsk! Tsk! Tsk! Ang taas pala ng pangarap mo.” Uminom siya ng kunti sa kape.

Si mommy ang mahal ni Daddy. Kasalanan bang makasama ang taong tunay na minamahal? Higit sa lahat, si Tita ang nakipag-divorce kay daddy kaya wag mong isisi sa amin ang paghihiwalay nila.”

Hindi ko alam na kung gaano kanipis ng labi mo gano’n naman kakapal ng mukha mo. At ano ‘yon? Mahal ni Crizan si Claris? Nagpapatawa ka ba?” Hindi parin niya magawang tawaging papa ang kanyang ama.

Inaakala mo bang papatulan ni Crizan si Claris kapag alam niyang si Claris ito? Kaya nga pinainom niya ng pampatulog ang lalaking yon. At ang pinakamalala, tinago ang batang Ciannon at sinabing nagpunta sa ibang lugar. Halos mamatay na si mama sa pag-alala sa paghahanap sa nawawalang anak, iyon pala'y niloloko siya ng sariling kapatid na nagpapakasaya kasama ang Crizan na iyon. Gano’n siya ka eksperto sa panloloko sa ate niya kaya di nakakapagtatakang gano’n ka rin. Wala kang pinagkaiba sa’yong ina. Sa kabila ng mabango mong hininga, punong-puno pala ng bacteria.” Pagkatapos sabihin ‘yon, tumama ang malutong na sampal ni Cianna sa kanyang pisngi.

Natamaan ka ba? Hindi ba't nagpapanggap kang hinimatay noong tinulak kita dahil inagaw mo na naman ang barbie doll ko? Hindi ba't no’ng natarantang buhatin ka ni Crizan idinilat mo ang isa mong mata at nginitian pa ako? Limot mo na bang kahit di kita sinasaktan umiiyak ka agad para magmukha akong inaapi ka? At kapag napapagalitan ako, palihim mo akong nilalabasan ng dila? Nagkukunwari ka pang nahihirapang huminga no’ng hilingin kong samahan ako ni papa na dumalo sa little pageant sa school no’ng kindergarten pa ako.” Kinausap kasi ni Ciarra ang ama dahil may pupuntahan ang ina sa araw ng pageant nila sa school. Pero palage na lamang nahihirapang huminga si Cianna sa tuwing iniiwan ito ni Crizan.

Wala kasi siyang ama kaya hayaan mo munang maramdaman niyang may ama kahit ngayon lang.” Ang naalala niyang sabi ng kanilang ama noon.

Kailangan ko din ng ama pero hindi ko na naramdaman nang dumating ka sa buhay namin. Dahil sa galing mong magdrama.”

Mga bata pa tayo no’n. Wala pa sa tamang mga pag-iisip.” Katwiran ni Cianna.

Gustong-gusto niyang magkaroon ng papa sa mga oras na 'yon. Hindi pa niya alam sa na si Crizan ang kanyang tunay na ama. Kaya ginagawa niya ang lahat para bibigyan din siya ng atensyon at may matawag na ama. Na katulad ni Ciarra may makipaglaro sa kanya. May kasama siya sa pamamasyal at may amang a-attend kung may school activities sila. Kaya kasalanan bang hangaring magkaroon ng isang amang katulad ni Crizan?

Inaamin naman niyang nagkamali siya dati. Pero bata pa siya sa mga panahong ‘yon. Hindi pa niya alam kung ano ang tama at mali.

Tama ka. Mga bata pa tayo pero ang galing mo ng magpaikot ng tao. Ano pa kaya ngayong malalaki na tayo? Siguro, expert ka na.” Sagot naman ni Ciarra.

I’m sorry. I’m sorry sa mga nagawa ko dati. Pero wag mo namang idamay si Worst sa paghihiganti mo. Handa akong lumuhod sa harap mo, lubayan mo lang si Worst.” Muli ay pakiusap ni Cianna.

Hindi ako naghihiganti kahit ang sarap-sarap ng ingudngod ng mukha mo sa putikan. Pero para sa mga taong katulad mo, hindi ka pa nga nakakagat, nag-aalala ka ng magantihan dahil guilty ka. Saka kahit luluhod ka man, kahit ibuwis mo pa ang buhay mo, hindi na maibabalik ang dati.” Nasira na ang dating masaya nilang pamilya. May magbabago pa ba kahit luluhod siya?

Dahil ba inagaw ni mama si Daddy mula sa inyo, aagawin mo din si Worst mula sa akin?” Tanong naman ni Cianna.

Hindi bagay sa akin ang salitang mang-aagaw dahil hindi ako nagmula sa tiyan ng ina mo. Hindi ko inagaw si Worst, mahal lang talaga niya ako.”

Tumayo si Ciarra at binuhusan ng kape si Cianna. “Bayad ‘yan sa pagsampal mo sa akin. Pinalamig ko muna baka kasi mapaso ka. Masira pa ang iniingatan mong mukha. ‘Yan pa naman ang best weapon mo para mang-akit at magpa-ikot ng tao.”

Dinampot ang mga pinamili at naglakad paalis.

Alis na ako. Baka nagwala na naman ang isang ‘yon. Ayaw pa naman no’n na umalis akong mag-isa. Ipapakita ko rin itong pisngi kong namula este nagkasugat dahil sayo.” Sinugatan ang pisngi gamit ang kuko bago tuluyang umalis.

Si Cianna naman, nag-alala at natarantang napasunod kay Cianna na nag-alalang baka magalit sa kanya si Worst dahil sa sugat na makikita sa pisngi ni Ciarra.

Gusto niyang kahit papano makapagpaliwanag naman siya. Pero nang makitang galit na galit ang mukha ni Worst at bigla na lamang nag-alala nang makitang may sugat sa pisngi si Ciarra, hindi na magawang ihakbang ni Cianna ang mga paa.

Kita niya ang galit ni Worst. Galit na hindi dahil sa suklam o poot kundi dahil sa labis na pag-alala. Naalala tuloy niya ang mga salitang sinabi sa kanya ni Ciarra kanina lang. Napayuko na lamang siya at tumalikod na.