“Ciarra.” Seryosong tawag ni Worst na diretsong nakatingin sa mga mata ni Ciarra. Ganito. Ganito ang mga mata ng batang Zeg na nakilala niya. Mga mata ng Zeg na puno ng papagpapahalaga at pagmamahal.
“Mahal kita Ciarra. Mahal kita higit kanino man.” Sabi ni Worst.
“Mahal din ki- ahmm. Sabi ko akin na yung wallet ko.” Tumalon para makuha ang wallet kaso nailayo parin ni Worst.
“Ano ba. Ibalik mo na nga yan sa akin.” Gusto na niyang sapukin ang sarili. Muntik na kasi niyang masabi ang mga isang salitang hindi pa naman siya siguradong, di ba niya pagsisisihan sa huli.
“Ulitin mo muna ang sinabi mo.” Nakangiting Sabi ni Worst.
“Sabi ko, akin na ang wallet ko.” Sagot ni Ciarra at pilit na inaagaw ang kanyang wallet.
“Ulitin mo muna ang sinabi mo kanina.” Natatawang Sabi ni Worst lalo pa't mas lalo lamang namula ang mukha ng dalaga.
“Ma... Ma... Aish. Sipain kita diyan e.” Hindi siya nahihiya kapag nanglalandi siya. Pero kapag totoo ang mga bagay na sinsabi niya, nahihiya siyang banggitin ito. Lalo na ang salitang mahal kita. Madali lang itong sabihin kapag biro lang niya o trip lang ba. Pero kapag totoo na, nababaluktot ang kanyang dila at binubundol sa kaba ang kanyang puso.
Napahalakhak naman si Worst makitang namumula ang mukha ng dalaga kahit pa ang tainga nito.
“Takot ka bang agawin ko sayo ang stolen picture ko na kinuha mo? Wag kang mag-alala. Papalitan ko ng bago. Personal na, nayayakap pa.” Nag-open arms ito, welcoming Ciarra for a hug.
“Napulot ko lang yan sa daan kaya wag kang assuming. Tinago ko lang yan kasi cute ka pa diyan.” Katwiran ni Ciarra.
“Atleast, alam ko ng ako ang special someone mo.” Proud na sagot ni Worst.
“Bago ka magpanggap na gf ko, sinadya ko talagang gawin yon para mapalapit ako sayo. Pinaimbistigahan kita no'ng sabihin mo no'ng una na hindi ikaw si Cia na kilala namin. At natuklasan kong ikaw ang Cia na kilala ko at hinahanap ko.” Dalawang Cia ang kilala niya. Iyon ay ang Cia na mabait at mahinhin at ang Cia na palaging nasasangkot sa gulo at magaling makipaglaban.
“Five years ago, nakita kita sa isang Academy. Gusto kong mapalapit sayo pero palaging bad timing at yung binugbog naming katropa mo, isa kasi siya sa mga inutusang magmanman sayo. Kung kahinaan ka ba ng mga Verdal o hindi. Kinaibigan ka niya dahil iyon ang utos ng kanyang ama. Kaya namin siya binugbog para tigilan ka na niya. Kaso nakita mo kami at ipinagtanggol mo siya. At nagalit ka pa sa amin ni di mo man lang ako tinapunan ng tingin.” Pagkukwento ni Worst.
“Natuklasan ko rin na ikaw pala ang batang Cia the worst na kumalaban sa akin noon. At magmula non, Cia the Worst na ang tawag ko sayo. At doon nanggaling ang codename ko. Worst. Na si Ciarra ay para lamang kay Worst at si Worst ay para lamang kay Ciarra.” Dagdag pa ng lalake.
“Marami kasing nagsasabi sa akin na worse child daw ako. Kahit sina mama ay worse din daw ako noon. Kaya ginawa ko ng Cia the worst ang codename ko. Dahil mas malala pa ako kaysa sa inaakala ng iba. At mas malala pa sa inaakala ni mama.”
“No, wag mong sabihin yan. Hindi ka worse worst dahil mas masama pa ako sayo.” Napabuntong-hininga si Worst. Masyado kasing mababa ang tingin ng babae sa sarili dahil lang walang naka-appreciate sa good side nito at palaging napapansin ay ang mga pagkakamaling nagawa nito.
“You're a good girl. You're softhearted and kind in your own way. Kinailangan mo lang talagang magtapang-tapangan at magtaray-tarayan para maprotektahan ang iyong sarili sa sinumang gustong manakit sayo. Kumpara sayo, mas masama ako. Lalong-lalo noong hindi ko maamin kay Cianna ang totoo sa pag-alalang mas lalo ko siyang masasaktan.”
“Nasaktan ko na siya minsan at ayaw kong doblehin pa ang sakit na nararamdaman niya. Sinubukan kong ibaling ang atensyon sa kanya dahil inaakala kong wala kang pagtingin sa akin. Na kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin. Na mas lalo ka lang magagalit sa akin kapag ipipilit ko ang aking sarili sayo. Inaakala kong naibaling ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Inaakala kong maglalaho din ang nararamdaman ko sayo. Pero no'ng umalis ka, natuklasan kong hindi ko pala kayang mawala ka. Minahal ko lang siya dahil namimiss kita. At dito ko natuklasang napaka-unfair ko pareho sa inyong dalawa. Kaya worst guy ako at mas malala pa sayo o sa kahit sino. Kung hindi ko na siya pinaasa sa simula pa lang, e di sanay hindi ko siya mas lalong nasaktan.”
Si Ciarra naman nasa malalim na pag-iisip. "Hindi naman siya lasing pero hindi siya napapagod sa pagsasalita ngayon a. Saka hindi na cold ang mga tingin niya kundi nagsusumamo na. Kapag ganito pala ang mukha niya nagmukha siyang kaawa-awa. Ewan ko ba at parang gusto ko siyang yakapin."
Niyakap niya si Worst na ikinabigla ng lalaki.
“No’ng una mong pagpasok rito nilapitan kita no'n. Nakasandal ka sa puno at nakapikit.” Muling pagtatapat ni Worst.
“So ikaw pala yung lumapit sa akin noon. May pahalik-halik ka pa sa noo.”
“Gising ka?” Gulat na sambit ng binata. Inaakala pa naman niya na success na ang pagnanakaw niya ng halik.
“Naramdaman ko lang.” Sagot ni Ciarra.
“Kapag sinabi mo sana na ikaw si Zeg na batang kilala ko. Ako pa sana ang manligaw sayo kapag nangyari ‘yon.”
“Akala ko sinungaling ka sa naramdaman mo, honest ka din naman pala Ciarra.” Biro ni Worst.
“Namiss kita. Namiss ko yung cute na batang Zeg. Kapag talaga nalaman kong ikaw yun noon, di sana kita bubugbugin, paghalik-halikan pa.” Sagot ni Ciarra na lumayo na ng bahagya kay Worst.
Tumawa naman si Worst at niyakap muli ang dalaga ng sobrang higpit.
“Since alam mo na ngayon, bakit di mo pa gawin?” Sabi ni Worst na may nanunuksong tingin.
“Gawin ang ano?” Nauutal na sagot ng dalaga at napaiwas ng tingin.
Ngumuso naman si Worst na muling ikinapula ng mukha ni Ciarra. Lumawak ang ngiti ni Worst at inilapit ang mukha sa dalaga.
“U-uy. Ginagawa mo?” Tinampal ang noo ni Worst at inilayo sa kanya. Napatawa na lamang si Worst sa reaksyon ni Ciarra dahil di ito makatingin ng diretso sa kanya.
“Wag ka ng mahiya. Tayo lang naman dalawa ang nandito e.” Tukso niya pa. Nilapit muli ang mukha kay Ciarra na ikinalaki ng mga mata ng dalaga. Mamaya pa'y kumaripas ng takbo.
Kinabahan kasi siya ng sobra. Parang gusto ng kumawala ng puso niya sa kanyang dibdib. Kaya naman tumakbo na lamang siya palayo.
Iiling-iling namang napasunod si Worst na may mga ngiti sa labi.