Nalilito na si Ciarra. Mahal niya si Worst. Mahal din siya nito. Pero hindi kaya mapapalitan ng galit ang pagmamahal ni Worst kapag matutuklasan nito ang mga kasalanang nagawa ni Ciannon sa kanya? Dahil dito, iniwasan na muna ni Ciarra si Worst. Higit sa lahat, kailangan pa niyang tapusin ang pag-aaral niya. Bumalik siya sa America na hindi ipinaalam kay Worst. May kulang pa kasi siyang dalawang taon sa pag-aaral ng business management. Business management kasi ang kinuha niya no’ng malipat siya sa America.
Naging tahimik ang buhay niya sa America. Walang Worst na nagparamdam sa kanya na ikina-disappointed niya. Lumipas din ang mga araw at dumating na rin ang graduation day niya.
Lumabas na siya sa kanyang condo para sa pagdalo sa kanyang graduation ceremony. Nalulungkot siya dahil busy daw ang step-dad niya at nasa hospital din ang kambal niyang half siblings kaya hindi din makakadalo ang kanyang ina. Nasa business trip din ang kuya niya. Inaasikaso kasi nito ang negosyong ipinatayo nilang magkakapatid. Kaya malungkot siyang lumabas ng kanyang apartment. Sasakay na sana siya sa kanyang kotse nang may humintong kotse sa tapat niya.
“Halika na.” Sabi ng lalaking lumabas sa nasabing kotse.
“Zeg?” Gulat niyang sambit. Ngiti lamang ang sagot ni Worst at inalalayang makasakay ang dalaga.
Si Worst ang kasama niyang pumunta sa venue. Hindi niya inaakalang naghihintay pala ang buong pamilya niya.
“Ate Ara.” Tawag sa kanya ni Neara at agad siyang niyakap. Sumiksik naman si Christan na sa pagitan nila dahil namimiss din ang ate niya.
“Teka. Bakit kayo nandito? Di ba may sakit kayo?” Ni-check agad ang mga noo ng dalawa.
“Gusto ka lang namin surpresahin.” Nakangiting sagot ng ina.
“Bawal na muna ang drama ha, hindi pa tapos ang graduation ceremony.” Sabi ni Doctor Christian.
Nakita din ni Ciarra ang ama maging ang kanyang Tita Claris at ang half-sister na si Cianna. Si Crizan ang nag-escort sa kanya sa pagkuha ng diploma dahil matagal na nitong pinangarap na magiging escort ni Ciarra sa pagkuha ng graduation diploma nito.
Nag-celebrate ang buong pamilya pagkatapos ng graduation ceremony.
“Congratulation Ciarra.” Pagbati ni Cianna.
“Salamat.” Isang ngiti ang ibinigay sa half-sister.
Matagal ng nagkaayos ang mama niya at Tita Claris niya. Kaya lang nag-divorce na sina Crizan at Claris. Nalulungkot man siya para sa ama pero wala siyang magawa kung ito na nga ba ang kapalaran ng ama. Ang hiwalayan ng asawa. Kasi naman, kahit si Claris ang kasama si Charis naman ang iniisip. Kaya naman pinalaya na lamang siya ni Claris.
“O pano. Aalis na kami. Zhian, ikaw na ang bahala sa kapatid ko.” Sabi ni Ciannon.
“Ano? Bakit siya pa kuya?”
“Wag kang mag-alala bro, ako na ang bahala a kanya.”
“Mauuna na ako sayo Ciarra dahil may business meeting pa ako after this. Bye bye.” Sabay sakay ng kotse niya.
Napatingin si Ciarra sa ina at step dad. Balak niyang sasama sa kanila sa pag-uwi.
“May ime-meet pa kasi akong client anak kaya hindi pa ako makakauwi.” Sabi din ni Christian.
“May pupuntahan pa kami ng mga kapatid mo kaya mauuna na kayo ni Zhian. Pwede ka naman niyang dalhin sa bahay kung ayaw mong umuwi sa condo mo.” Sabi naman ng ina.
“Ikaw na ang bahala sa anak ko Zhian. May pupuntahan pa ako kaya mauuna na ako sa inyo.” Sabi naman ni Crizan.
“Let's go.” Yaya ni Worst at nagpaalam na kina Charis at sa iba pa.
Nang tumigil ang kotse sa tapat ng condo ni Ciarra, agad siyang bumaba.
“Umuwi ka na. Matutulog ako.” Sabi niya makitang sinundan siya ni Worst. Nagtampo nga kasi siya dahil di man lang ito nagparamdam sa kanya tapos bigla-bigla na lamang susulpot. Inaakala niyang mag-eexplain si Worst pero umuwi nga na lalong ikinasimangot niya.
Kinabukasan, nagtungo na siya sa bahay ng stepdad niya kung saan naninirahan ang kanyang ina at ang mga kambal niyang kapatid.
Ilang araw ang lumipas, wala na namang Worst na nagparamdam. Hanggang sa isang araw, tinawag siya ng ina.
“Ciarra, may bisita ka.”
“Sabihin mo wala ako.”
“Nasabi ko ng nandito ka.”
“Sabihin mo tulog ako.”
Hindi siya lumabas ng kwarto sa oras na iyon. Pero nang makaramdam ng gutom, lumabas na rin siya sa kanyang kwarto. Nabigla pa siya makita ang lalaking nasa sala.
“Anong ginagawa mo dito?” Gulat niyang tanong.
Inaakala kasi niyang umuwi na ito. Nagsialisan naman sina Charis at Christian at hinila pa ang dalawang bata papasok sa kanilang kwarto.
“Kumain ka na.”
Hindi siya sumagot at nagtungo na sa dining hall.
“Nginingiti-ngiti mo?” Tanong niya makitang nakangiti ang lalake.
“Di a.” Tanggi ni Worst.
Napausod si Ciarra nang tumabi si Worst sa kanya.
May nakahanda ng mga pagkain sa mesa. Kumuha si Ciarra ng orange at binalatan.
Inagaw ni Worst ang orange at ito ang nagbalat. Pagkatapos balatan inabot ulit niya kay Ciarra.
“Gentlemen ka pala? Di ko yon alam.”
“Hindi a. Para kaya to sa akin.” At sinubo ang tinipak na orange. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga.
Bigla namang tumawa si Worst.
“Ang cute mo palang magtampo.”
“Sinong nagtatampo?”
“Sorry na. May usapan kasi kami ng kuya mo.”
“Hindi ko tinatanong.”
“Sinabi niyang ‘wag daw muna kitang guluhin habang nag-aaral ka pa kaya hindi kita nilalapitan.” Naglagay ng pagkain sa plato.
“Kumain ka na. Ako ang nagluto niyan para sayo.”
“Kaya pala ang panget ng lasa.”
“Di mo pa nga natitikman e.”
“Hula ko lang.”
Sinubuan ang dalaga.
Mabilis na lumipas ang mga panahon at mga oras. Nagpakasal na rin sina Ciarra at Worst. Napangiti si Cianna makitang masaya ang dalawang taong naging parte sa buhay niya. Masaya siya dahil nagkasundo silang muli at napatawad na ng tita niya ang kanyang mommy at daddy. Kahit na alam niyang nasasaktan ang daddy Crizan niya. Ang mahalaga, hindi na gaya ng dati ang pakikitungo nila sa isa't-isa.
Pinagmasdan niya ang kanyang ama na siya ngayong escort ni Ciarra na naglalakad sa red carpet. Si Christan ang ring bearer at Neara ang flower girl. Sina Ciannon at Hawk ang bestman at si Cianna naman at si Vina ang bridesmaid.
May manliligaw naman si Cianna. At kung swertehin baka sila na ang magkakatuluyan. Isa itong business man. Dating kalaban ng mga Verdal sa negosyo pero di naglaon nahulog sa mabait at matapang na heiress ng mga Verdal.
Siya si Luke Thomson. 27 years old. Mula sa maliit na kompanya, napalaki niya ang kanilang kompanya hanggang sa makagawa ng business empire. Dahil dito tinagurian siyang the young genius business man at kinatatakutan ng mga rival companies.
Pinabagsak nito ang mga kalabang mga company at isa na do’n ang kompanya ng mga Verdal na dating may matibay na foundation. Pabagsak na ang Verdal business Empire noon at hindi iyon papayagang mangyari ni Cianna. Ayaw niyang pagtawanan ni Ciarra at hamakin na naman. Dahil dito, sinikap niyang maibalik sa dati ang kanilang kompanya. Wala namang ibang mamamahala rito kundi siya dahil umalis naman si Ciannon na isa sa mga direct heir at si Ciarra na hindi rin alam kung nasaan na.
Wala din naman sa sarili si Crizan noon dahil hindi na niya pinamahalaan pa ang kompanya na mas lalong ikinabagsak nito. Naaksidente din ang kanyang mga grandparents na posibleng tutulong sana sa pag-aasikaso sa kompanya. Kaya naman, pasan ni Cianna ang lahat. Ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Ciarra noon ang kanyang nagiging lakas.
Kapag naaalala niya ang sinabi nitong ipapabagsak ni Ciarra ang mga Verdal, nagiging determinado si Cianna na gawin ang lahat ng makakaya niya para hindi bumagsak ang mga Verdal. Natuto siyang naging malakas, tumayong mag-isa at lumaban.
Dito palage niyang nakakaharap at nakikita si Luke na palage niyang kaagaw sa mga business deals at mga investments. Dito naman nagsimulang mahulog si Luke kay Cianna, lalo na nang hindi man lang ito natablan sa charm niya. Hanggang sa matalo ni Cianna si Luke at nakuha ang isang investment mula sa sikat at kilalang investor.
Si Worst ang tumulong kay Cianna para maipadakip ang pamilya ni Elessa na siyang dahilan ng aksidente ng grandparents nila pero si Luke naman ang palaging nandiyan kapag nalulungkot at nasasaktan si Cianna. Hindi man magkasundo ang dalawa noong una, ngunit ngayon naman unti-unti na ring naka-move on si Cianna dahil kay Luke at lumelevel up na rin ang relasyon ng dalawa. Hindi na cold ang pakikitungo sa isa't-isa at hindi na rin palaging nag-aaway ang dalawa.
Naging magkasosyo narin ang Verdal business Empire at ang Thomson's business Empire dahil sa pagkakasundo ng dalawa. At mas lumawak pa ang koneksyon ng Verdal empire nang dahil sa tulong at sa mga koneksyon ni Luke worldwide. Sa ngayon nililigawan parin niya si Cianna. Hindi parin kasi siya sinasagot.
Sina Ciannon naman, wala silang balak makihati sa yaman ng mga Verdal. Lalo na ngayong nagkasundo na ang kanilang pamilya at sa mga hirap na pinagdaanan ni Cianna para maisalba ang kompanya ng mga Verdal. Pero gusto ni Cianna na ibigay parin kina Ciannon at Ciarra ang mga share nila dahil sa simula pa lang, sa kanila naman talaga ang anumang yaman ng mga Verdal.
But Ciarra insisted na hindi na. Higit sa lahat direct heir naman si Worst at mayaman din ang pamilya nito kaya imposible ring kakapusin sila ng pera. Kaso ayaw ding magpatalo ni Cianna kaya naman kumuha na lamang ng 10% share si Ciarra. 40% share kasi ang sa kanya at sa kanya pa nakarehistro noon ang majority sa mga yaman at ari-arian ni Crizan. Pero pinalipat ito ni Ciarra sa pangalan ni Cianna. Hindi naman sa pride niya, pero naisip niyang mas deserving si Cianna sa mga yamang ito. Iyon ay kung di dahil kay Cianna, posibleng wala ng mga ari-arian ang mga Verdal ngayon.
“Ikaw man ang pinakamasamang babaing nakilala ng iba, basta nagmamahalan tayong dalawa. You will be the best girl I will ever know.” Pangako ni Worst sa asawa.
“You are the worst guy who fell in love to someone like me. Ikaw ang pinaka-worst dahil nilagay mo sa panganib ang buhay ko. At palage mo pa akong sinasaktan na di mo man lang alam. But that worst thing happened in the past. Therefore, let's create the best thing we can have in the present, in the future until forever. I’ll promise, I will not be the worst girl from the past but I’ll be the best girl from now on until the end of time.”
This is the promises that they will never ever break.
“I will be Cia the best Zhian's wife from now on. I’m signing off as Cia, the Worst.” Sambit ni Ciarra and give her beloved husband a tight hug.
“Mommy. Di pa po ba kayo tapos diyan? Kanina pa kayo nagyayakapan e.” Reklamo ni Zhio na 5 years old na ngayon. Saka naalala ni Ciarra na nasa kusina nga pala sila at nagluluto para sa mga anak.
“Mommy gutom na ako. Sabi na kasing ako na ang magluluto e.” Sabi naman ni Pearl. 3 years old little girl. Gustong-gusto nitong matutong magluto para raw maalagaan sila paglaki. Saka gusto din nitong alagaan ang Lolo Crizan niya.
Mas malapit kasi ito sa Lolo Crizan niya kaysa sa kanilang mag-asawa. Ito palage ang gumagawa ng paraan para mapasaya si Crizan. Nakuha ni Pearl ang mga mata ni Worst. Pero ang ibang pisikal na taglay ay kuhang-kuha mula kay Ciarra. Higit sa lahat, kuhang-kuha din nito ang ugali ng dating masayahing Ciarra. Kaya siguro spoiled na spoiled ito ng Lolo Crizan niya.
“Kala mo naman kaya mo na.” Sagot ni Ciarra ngunit napansing namumula ang anak. Hinimas niya ang noo nito at natuklasang normal ang init nito.
“Bakit ang init mo? Sabi ko ka ngang wag kayong maliligo sa ulan e.” Nag-aalalang sambit ni Ciarra.
Madalas kasing naliligo sa ulan ang magkapatid.
“Mom, malamig lang talaga kamay niyo kaya naiinitan kayo sa akin.” Sagot ni Pearl.
Isa sa dahilan kung bakit parang gusto ng kutusan ng ina ang batang ‘to dahil ang lakas makasagot-sagot. Lalo na nang mahuli nilang tinago nito ang laruan ng isang spoiled ding batang lalake, ang katwiran ni Pearl ay “tinago ko lang para di manakaw.”
“Yakap kasi kayo ng yakap. Kami ni Kuya dito, gutom na gutom na.” Sabay himas sa tiyan.
Tumawa naman si Zeg at buhatin sana ang anak kaso nagtago ito sa likod ng kuya. Pinitik naman ng kanyang ina ang noo nito na ikinanguso niya.
“Ayaw mo na ba sa dad mo?” Nag-anyong nasaktan si Zeg sa ginawa ng anak.
“Big girl na ako.” Nakataas ang noong sagot ni Pearl ngunit nang makita ang lolo Crizan na nasa pintuan mabilis niya itong tinakbo at nagpabuhat.
Masaya naman siyang binuhat ni Crizan.
“Saan na ang big girl kanina ha?” Natatawang sambit ni Crizan.
“Baby pa ako.” Sagot ni Pearl at niyakap ang lolo.
Napasimangot naman si Worst.
“Babe gawa na tayo ng ibang baby girl. Kita mo o, inabandona na ako ng baby ko.”
Tinulak naman ni Ciarra ang noo ng asawa dahil sa sinabi nito.
“Andiyan naman si mommy bakit ka pa maghahanap ng iba?” Sagot naman ni Zhio at pumunta na sa lolo.
Nagkatinginan tuloy ang mag-asawa na di alam kung ano ang sasabihin. Mas malapit pa ang mga anak nila sa kanilang lolo kaysa sa kanila.
“Nga pala, punta dsw tayo sa birthday party ni Luke. Isama mo daw ang mga bata sabi ni Cianna.” Sabi ni Crizan.
Kasal na sina Cianna at Luke. At biniyayaan sila ng batang lalake. Pero dahil may weak constitution si Cianna, hindi na ito nasundan pa at di na rin maaaring magkaanak pa. Kaya naman, ini-spoiled din nito si Pearl at itinuring na tunay na anak. Lahat ng hinihingi ng bata ibinibigay nito. Gano’n din si Claris na gustong-gusto ding magkaroon ng babaing apo, si Pearl ang napagbuntunan ng pagmamahal. Samahan pa ni Ciannon na lalaki rin ang nagiging anak kaya naman, halos ampunin na rin si Pearl.
Ayos lang kay Ciarra na marami ang nagmamahal sa anak. Pero ang may maraming nang-e-spoiled rito, nag-alala siya na mas malala pa sa kanya ang ugali ng batang ito paglaki. Laki sa layaw masyado. Kaya naman palage niya itong tinuturuan ng mga dapat at di dapat. At kung ano ang mga tama at mali habang bata pa. Kaya lang minsan talaga napipikon na siya sa pagiging palasagot nito kahit nasa murang edad pa lamang.
Pearl ang ipinangalan nila sa bata dahil tinagurian siyang perlas ng pamilya. Ocean Pearl Verdal Greene ang buo nitong pangalan. Dahil sa pangalang ito humahakot siya ng mga bully paglaki niya. Pero dahil parehong namana ang fighting spirit ng mga magulang, napapaluhod niya ang sinumang gusto siyang apihin.
Masaya si Ciarra dahil hindi nagiging katulad sa buhay niya ang buhay ng kanyang pamilya at mga anak. Kumpleto rin ang pamilya nila at kung may mga pagsubok mang darating sama-sama nila itong haharapin.