Image

Six months later…

 

ISANG baldeng pawis na yata ang inilabas ng pores ko pero hindi pa rin ako tumitigil sa kaka-burpee. Ang dami kong energy ngayon. Halos mamatay-matay na ang mga kasabay ko sa gym pero ako, parang lumaklak ng anabolic steroids sa tindi ng endurance.

Natigil lang ako nang bigla akong sunggaban ni Jaja na nakalawit na ang dila at habol na ang paghinga. Nai-insecure na raw siya sa bilbil niya kaya nang malamang maggi-gym ako ngayon ay sumama siya.

“Bes… may balak… ka bang… sumali… sa Olympics?” hingal-kabayong tanong niya.

Tiningnan ko siya nang matalim. “Sinira mo ‘yong momentum ko.”

“Tama na… Magpahinga ka naman…”

Umupo na rin ako sa mat. Ang ibang mga kasama namin ay nakahiga na. In-announce ng fitness instructor na may ten minutes break kami. Lahat ay nagsialisan sa mat para siguro kumuha ng tubig o magbanyo. Kami na lang ni Jaja ang natira sa mat. Pinunasan ko ng towel ang pawis ko.

“Bes, ano ba’ng nakain mo?” puna niya. “Bakit sobrang hyper mo?”

“Kailangan kong magbawas ng timbang.”

“Hindi ka naman mataba, ah.”

“Anong hindi? Nag-gain ako ng three pounds.”

“Para three pounds lang.”

“I need to stay in shape.”

“Tapos kahapon, buong maghapon ka sa derma. May pinagawa ka ba?”

“Wala! Gusto ko lang ipaalaga ang skin ko.”

“Buti ka pa, ang daming time. Ako, gusto ko rin sanang magpa-derma kaya lang, sobrang busy ngayon. Kundi mo nga lang ako ipinagpaalam kay Jed ngayon, hindi ako makakawala.” Bumuntunghininga si Jaja. “I just realized I’ve been juggling three jobs.”

“Three jobs?”

“I’ve been juggling being a café manager, a wife and a mother. ‘Yong time ko lang for myself—breaktime. Short breaks. Halos wala na akong time para sa sarili ko. Kaya i-enjoy mo lang ‘yan, bes. Habang wala ka pang asawa at anak. Ang sarap ng buhay ng single.”

Pagkarinig sa salitang “single” ay parang nagpanting ang mga tainga ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigas ng mga panga ko.

“Single…” I said in between gritted teeth. “Sa tingin mo talaga, masarap ang buhay ng mga single?” Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

Nanlalaki ang mga mata ni Jaja na halatang nagulat sa biglang pag-iiba ng timpla ko.

Hinarap ko siya at nagsalita sa kontroladong tinig. “Six months na, Ja! Six months na akong single. Hindi ako nasasarapan.”

“Oo nga pala. Six months na pala ang nakalipas?” Parang gulat na gulat si Jaja. “Ngayon ko lang na-realize na umabot ka nang six months na wala pa ring bagong dyowa!”

“Shhh!” saway ko sa kanya. “Hinaan mo lang.” Wala namang mga tao sa kalapit pero ayoko pa ring marinig ng mga tao sa paligid na wala akong dyowa.

“Pero, ‘di ba, lumalabas ka naman with some guys noong mga nakaraan? Nagse-send ka pa nga ng pictures nila sa ‘kin. Wala ka pa bang napipili sa kanila?”

Totoo iyon. Pumupunta ako sa bars, parties at social gatherings para makakilala ng eligible bachelors nang pasimple. May ilan akong naka-date para maka-get to know each other.

“Hindi ko naramdaman na gusto kong makarating sa next level with them. Parang hindi sila relationship type. Hindi sila boyfriend-material. Mukhang gusto lang nila ng hookup. Eh, alam mo namang ayoko ng gano’n. Until lately, wala na talagang nanliligaw o nagpapa-cute man lang sa ‘kin. As in, wala na.”

Kaya ibinuhos ko na lang muna sa trabaho ang panahon ko dahil sa frustration sa mga lalaking nakikilala ko. Madalas akong mag-overtime at mag-take home ng trabaho para i-distract ang sarili ko. Mukhang nagbunga naman ang pagpapaka-busy ko sa work dahil napansin ako ng accounting head. Bigla tuloy akong na-promote.

Previously ay isa akong junior financial analyst sa isang malaking food company. Nakakatawa. Kung hindi pa ako naging single, hindi pa yata ako magiging isang senior financial analyst.

“Anong wala? Eh, ano si Sonny?”

Parang gusto kong umatungal. “Si Sonny? Should I be relieved na nandiyan si Sonny? Eh, tuwing nagiging single ako, nandiyan naman talaga ‘yon?”

Schoolmate namin si Sonny noong high school. Hindi ko alam kung sinundan talaga niya kami ni Jaja kaya nag-enroll din siya sa university na pinag-enroll-an namin ng best friend ko. Hindi nakatapos ng college si Sonny dahil masyadong naadik sa gaming. Sa ngayon ay mayroon siyang sariling mid-range computer rental shop na kung ipagyabang niya sa akin iyon ay para bang ka-level na niya si Henry Sy as a businessman.

“Alam mo ang kalibre ng mga naging boyfriend ko. Isang school heartthrob varsity player na PBA player na ngayon, isang consistent dean lister na naging summa cum laude na lawyer na ngayon, isang talented architect at isang successful businessman. Si Sonny… let’s be honest. Dumi lang siya sa kuko ng exes ko.”

“Grabe naman sa dumi lang sa kuko. Sabihin mo na lang na fuckboy siya.”

“Bagsak na nga siya sa lahat ng department, napakayabang pa. Hindi pa ako desperada, bes. Nagpa-panic na ako pero hindi pa ako desperada.”

“Alam mo, baka nga kaya parang lagi kang nagmamadaling maging taken uli, eh, para mawala na agad sa paningin mo si Sonny.”

“Bes, pangit na ba ‘ko? Mukha na ba akong matanda? Hindi na ba akong mukhang fresh? Nabawasan na ba ‘yong alindog ko? Twenty-nine na ‘ko. Isa na lang, thirty na. Paano kung hindi na ako makapag-asawa?”

“Shhh!” saway sa akin ni Jaja. “Ano ba ‘yang mga pinagsasabi mo? Kaya ba puspusan ‘tong paggi-gym mo at pagpapa-beauty mo kasi nai-insecure ka na sa hitsura mo dahil lang tumagal ka nang six months nang walang boyfriend?”

Bumuntunghininga ako. “Nagpa-panic na ‘ko, Ja. Hindi ako sanay na maging single nang ganito katagal.”

Pinakatitigan ako ni Jaja. “Pero naka-move on ka na ba kay Wendell?”

“Do you really think I’d spend six months crying over him and wishing he’d come back to me?”

Liar, sita ng isip ko. I still thought of Wendell everyday. His memories lingered in my condo and the places we had been. And just a week ago, I cried when I heard a song that reminded me of him. Pitong buwan na ang nakakalipas. Ngayon lang nangyari sa akin na tumagal nang ganoon ang pag-grieve ko sa isang ex. Kahit doon sa six-year relationship namin ni Erick, naka-move ako roon after three months lang.

“Iyon naman pala, eh. Ibig sabihin, you’re doing well even without a rebound boyfriend.”

Natigilan ako sa sinabi ni Jaja. Just in time na bumalik ang instructor namin para sabihing magsibalik na kami sa puwesto.

 

HINDI na kami nakapag-usap ni Jaja pagkatapos ng gym class namin dahil nagmamadali na siyang umuwi nang tumawag ang asawa. Nilagnat daw kasi bigla si Jep-jep. Dapat ay yayayain ko siya sa isang bagong bukas na healthy restaurant sa Tomas Morato pagkatapos naming mag-gym pero next time na lang siguro kapag puwede na ulit siya. Ako na lang muna sa ngayon.

Charred shrimp and avocado salad at berry iced tea with ginger and mint ang in-order ko. Hindi muna ako kakain ng fast food at iinom ng milk tea. I needed to stay fit. Mamayang gabi, matutulog ako nang maaga. I needed to sleep for eight to nine hours every night for my skin and health. I could not afford to look old and fat. Otherwise, baka hindi na ako makapag-asawa.

I realized, while I was sipping on my healthy iced tea, that I was slowly drifting away from my youth. I never imagined myself in this situation. Hindi kasi ako nawawalan ng love life kaya hindi ko in-expect na darating ako sa ganitong edad na single pa rin. Ang inaasahan ko noon, mag-aasawa ako by the age of twenty-six. Sino ang mag-aakala na aabot ako nang twenty-nine nang hindi pa kasal and in fact, loveless, as of now?

I still could not believe it had been six months since the last time I had someone beside me. Kung kami pa rin ni Wendell, malamang ay kasama ko siya ngayon dito. Baka tinitikman ko ang in-order niya. Malamang ay siya ang magbayad ng meal namin. Baka pagkatapos dito, yayayain ko siyang manood ng sine dahil palabas na iyong pelikulang gusto kong mapanood.

I could not go to the movie house alone. I was not even used to eating alone in a restaurant. Kung hindi lang talaga gustung-gusto kong subukan ang mga pagkain dito, hindi ako kakain nang mag-isa rito ngayon.

It sucked being alone and doing things alone. And it had been six months. Six months na akong mag-isa. I had been very lonely. I did not like this feeling.

“You’re doing well even without a rebound boyfriend…”

Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Jaja kanina. Did Jaja realize what she said? She called all my ex-boyfriends after Justin “rebound boyfriends.” She knew I hated hearing those words because the terms sounded insulting.

Maybe I was insulted because I was guilty. Maybe I really could not survive a breakup without a rebound boyfriend. At kaya siguro ang iba sa mga lalaking nakilala ko a few months ago ay hindi na pinalawig ang pagkakakilala namin dahil nalaman nilang kaka-break ko lang sa recent boyfriend ko. Only a few guys would not mind being a rebound. Iyong lalaking sobrang attracted sa isang babae kaya wala nang pakialam kung emotionally broken ang babae.

On that note, maybe I was not that attractive anymore as when I was younger.

Sa biglang pagsulak ng sama ng loob sa dibdib ko ay naibagsak ko ang tinidor sa plato na lumikha ng ingay. Nagtinginan sa akin ang mga tao sa kalapit na table. Bigla tuloy akong na-conscious. Ano kayang iniisip nila habang nakatingin sa akin? Iniisip ba nila kung bakit mag-isa lang akong kumakain? Curious ba sila kung bakit ako single? Iniisip ba nila na malungkot ang buhay ko?

Parang nawalan na ako ng gana sa kinakain ko. I could not keep living like this. Lulunukin ko na ang pride ko. Magda-download na ako ng Tinder app. Ayoko sanang patulan ang Tinder dahil hindi ko kinailangan ng kahit anong dating app para makahanap ng boyfriend o manliligaw ni minsan. Saka mukhang maraming fuckboy doon at bihira ang naghahanap ng serious relationship sa app na iyon. Nasa age pa naman ako na hindi na ako naghahanap ng potential boyfriend lang. Potential husband na ang kailangan ko.

Huhugutin ko na sana ang cellphone ko para mag-download ng Tinder agad-agad pero natigilan ako nang makita ang babaeng palapit sa akin. Mukhang hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa akin.

Kung minamalas ka nga naman. Sa ganitong pagkakataon na mag-isa lang akong kumakain ko pa nakita si Leah. After a lot of years of not seeing this bitch, ngayon pa talaga. Ngayon pang single ako! Ngayon pang single ako nang anim na buwan na!

“Zoey?” kumukurap-kurap na paniniguro pa ni Leah nang makalapit sa akin. Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya makapaniwalang nagkita kaming muli o shino-show off lang niya ang fake eyelashes niyang on fleek. “Is that really you?”

Ang OA. May patanong-tanong pa na para bang taga-ibang planeta ako at imposibleng mapadpad sa earth kaya hindi siya makapaniwalang nakikita niya ako ngayon.

Kunwari ay ngumiti na lang ako. “Hi!” Hindi naman talaga kami iyong tipong magkaaway talaga noon. Nagmamalditahan nang very subtle pero walang pormal na declaration of war. At saka matagal na iyon para hanggang ngayon ay dalhin pa namin ngayong mature adults na kami. Ayokong gawing big deal ang comment na iniwan niya sa life event ko tungkol sa pagpapalit ko ng status dahil baka isipin niyang affected at guilty ako.

Ngumiti nang maluwang si Leah. “I didn’t expect to see you here!”

Ako rin naman pero hindi ko na kailangang sabihin iyon. Sino ba ang mag-e-expect na magkikita kami rito? What a bad day.

“Are you alone?” tanong ni Leah na luminga-linga pa sa paligid na parang hinahanap kung may kasama ako.

Pagkarinig sa ‘alone’ ay nagpanting ang tainga ko pero hindi ko lang ipinahalata. I hated hearing that word. Siguradong alam niyang wala pa akong bagong boyfriend dahil mukhang updated siya sa relationship status ko sa Facebook kahit hindi kami friends.

“I am. Naraanan ko kasi itong newly opened na resto with healthy foods. Na-curious ako kaya t-in-ry ko.”

“So, how do you find it?” nakangiting tanong ni Leah pagkatapos tapunan ng tingin ang kinakain ko.

“It’s good.”

“Really?” Halatang nasiyahan siya. “I’m glad that you liked it.”

Nabawasan ang ngiti ko nang ma-realize kung bakit siya nagtanong at nasiyahan sa sagot ko. This new restaurant… was this Leah’s? “Is this place… yours?”

Halatang proud siya nang tumango. “So, hindi mo pala alam.” Sumungaw ang amusement sa mga mata niya. “I’ve been promoting this on Facebook.”

Umiling ako. “We’re not friends there.”

May kakaiba sa tingin at ngiti ni Leah. “Coincidence lang pala na nandito ka ngayon. Sana man lang dinala mo ‘yong new boyfriend mo.”

Alam kong alam niyang wala akong boyfriend kaya malamang ay gusto lang ipasok ang topic tungkol sa relationship status ko.

“O… don’t tell me wala kang bagong boyfriend?”

Sasagutin ko ba itong bruhang ito o lalayasan ko na lang dahil naaasar na ako? “Wala akong boyfriend ngayon.” Sinagot ko na rin dahil isa akong mature adult.

Namilog ang mga mata ni Leah. “Really? Ikaw, mawawalan ng love life?”

“Hindi ba puwedeng magpahinga muna ang puso ko?”

Lumarawan na naman ang amusement sa mga mata ni Leah habang nakatitig sa akin. “Interesting.” Tinapunan niya ng tingin ang silya sa harapan ko. “Do you mind if I sit here?”

I do! “I don’t.” Bakit ba kasi ako napadpad dito? Dinampot ko na uli ang tinidor para bumalik sa pagkain at nang makalayas na roon.

“Hindi ka talaga naghananap ng new love?” tanong ni Leah na halatang naiintriga.

Bakit ganoon siya makatanong? Na para bang alam niyang pumupunta ako sa bars at parties noong mga nakaraan para makakilala ng potential boyfriends at ngayon nga ay magda-download na ako ng Tinder. Gusto yata ng babaeng ito na ipamukha sa akin na hindi ako ang tipo ng babaeng kakayanin ang walang lalaki sa buhay.

Hindi ko alam kung ano ang problema ni Leah sa mga tulad kong hopeless romantic at serial monogamist. Bumalik sa isip ko ang iniwan niyang comment sa life event ko tungkol sa change of status.

“Bakit naman masyado ka yatang curious?” imbes na sagutin siya ay tanong ko.

Ngumiti si Leah. “Kasi… alam naman ng lahat na mabilis kang maka-move on. After a breakup, may bago ka uling boyfriend. So I’m sure, hindi ka sanay maging single nang matagal. But don’t get me wrong. I’m not judging you or anything. I’m just curious why it took you so long this time to get yourself a new boyfriend.”

Bakit parang alam talaga ni Leah na nag-i-struggle ako na makahanap ng bagong boyfriend?

“‘Wag mong sabihing walang nanliligaw sa ‘yo,” patuloy ni Leah. “I mean, I’ve known you in college. Palagi kang may admirers at suitors.”

Nakakabasa ba ng isip ang bruhang ito? Bakit niya alam na wala nang nanliligaw sa akin ngayon?

“Mayroon naman,” sagot ko. Iyong buwisit na si Sonny na chat nang chat sa akin kahit hindi ko sinasagot ang mga PM at malapit ko nang i-block at i-‘report profile’ pero hindi ko sasabihin. “Pero contrary sa iniisip ng mga tao, hindi naman ako basta-basta pumapatol na lang sa mga nanliligaw sa ‘kin. Wala naman akong pinatulan na kung sino lang. Lahat may sinasabi.”

Lihim akong nasiyahan nang hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Leah dahil siguro aminado siyang lahat ng naging boyfriend ko ay hindi basta-basta.

Sumubo ako ng salad at ngumuya habang nakatitig kami sa isa’t-isa. Yes, hindi dapat ako ma-intimidate kay Leah. I was not what she thought I was. Hindi ako desperate for love.

“Are you telling me na wala nang may sinasabi na nanliligaw sa ‘yo ngayon?”

Natigil ako sa balak na pagsipsip sa iced tea. “Huh?”

“Walang nanliligaw sa ‘yo ngayon na hindi basta-basta kaya wala ka pang ipinapalit sa ex mo? Kunsabagay, we’re not getting any younger. Most eligible bachelors nowadays would prefer dating younger women.”

Wait lang. Hindi na lang ang pagiging serial monogamist ko ang iniinsulto ni Leah, pati ang nalalanta kong beauty at charm?

“Sabi ko nga kanina, nagpapahinga lang ang puso ko. But don’t worry, I would soon have a boyfriend again or a potential husband. Ikaw rin. Dapat siguro, maghanap ka na rin ng potential husband kasi nga we’re not getting any younger.”

Oo, hindi lang naman ako ang nagkaka-edad na, pati siya. Kaya bago sana niya pakialaman ang love life ko, dapat siguro ay unahin muna niyang maghanap ng boyfriend o potential husband para…

Natigilan ako nang mapatingin sa kumislap sa kamay ni Leah na nakapatong sa mesa.

Was that… an engagement ring?

Mukhang napuna ni Leah na nakatingin ako sa singsing niya. Itinaas niya ang kamay.

“Oh, yes. I’m engaged.”

Mula sa singsing ay ilipat ko sa kanya ang tingin at nasilayan ko ang ngiti niya. Ngiting tagumpay.

Ni hindi ko nabalitaan na may boyfriend si Leah. Pagkatapos ngayon ay malalaman kong engaged na siya?

 

HABANG gumagawa ng draft for balance sheets sa desk ko sa office, makailang beses na nag-flash sa isip ko ang kinang ng engagement ring ni Leah. Ilang beses ko nang pinangarap na makapagsuot ng ganoon. I had always dreamed of starting my own family and be a good wife and the best mother. Lahat ng naging boyfriend ko, pinangarap kong maging asawa. Pero lahat sila, nawala lang sa buhay ko.

And now, it seemed like fate was mocking me. Ako iyong ligawin at hindi nawawalan ng love life pero si Leah na hindi ligawin at madalas na single ang engaged na ngayon at malapit nang ikasal. And here I was, single at twenty-nine. Six months nang tigang sa pag-ibig.

This was unbearable.

“Flowers!”

Napatingin ako kay Lani na may hawak na isang malaking bouquet of flowers. Bumangon ang antisipasyon sa dibdib ko. Sino ba ang madalas na nakakatanggap ng flowers sa accounting department? Ako, ‘di ba? Kahit noong mga panahong brokenhearted ako ay may dumarating na flowers galing sa suitor o secret admirer. Napatayo ako nang wala sa loob pero nilagpasan lang ako ni Lani. Nakita ko kung kanino niya inabot ang bouquet—kay Tina.

Si Tina ang pinaka-hindi kagandahan sa amin sa department. Just two weeks ago, nalaman ng lahat na may boyfriend na ang no-boyfriend-since-birth na si Tina. Isa ako sa mga masaya para sa junior accountant dahil kahit hindi man masyadong physically attractive ay mabait si Tina at deserving na lumigaya. Pero ngayong nakita ko na inabot dito ni Lani ang bouquet na madalas ay ako ang nakakatanggap sa office, bumigat ang dibdib ko. Hanggang tainga ang ngiti ni Tina habang tinutudyo ni Lani at ng ibang mga kalapit na officemates. Halatang kilig na kilig ito.

Mabilis akong umupo at bumalik sa ginagawa. Hindi ako makapaniwalang darating ang panahon na maiinggit ako kay Tina. Buti pa ito, nakakangiti nang ganoon. Kinikilig nang ganoon. Samantalang ako, nagdurugo ang puso for the past six months.

“Magli-leave ka raw?” nakarating sa pandinig ko ang sinabi ni Kara na nasa kabilang cubicle. “So, approved na ‘yong visa n’yo?”

“Yup.” Boses ni Maggie iyon. “Gagamitin ko ang max ng VL ko.”

Hindi personal na sinabi sa akin ni Maggie na may balak siyang mag-Switzerland kasama ang boyfriend pero dahil nasa kabila lang sila ni Kara, palagi kong naririnig ang tsismisan nila.

“Mauuna ang honeymoon kaysa kasal?” biro ni Kara.

Humagikgik si Maggie. Napasibi ako. Buti pa si Maggie, makakapunta na sa Switzerland. Ang tagal ko nang gustong pumunta roon pero pinu-put off ko lang dahil iyon ang gusto kong honeymoon destination. Akala ko kasi, hindi ako aabot ng twenty-nine nang hindi pa kasal. Kaya naman ng savings ko na pumunta roon ngayon pero hindi kaya ng feelings ko na mag-isang mag-travel doon. That place was not meant to be enjoyed alone.

“Kayo ng hubby mo, kailan ang second honeymoon?” tanong ni Maggie kay Kara.

“Baka next year. Medyo nagi-guilty pa ako na iiwan si Junior para kaming dalawa lang ng asawa ko ang magbabakasyon. At least next year, seven years old na siya. Medyo big boy na kaya mas maiintindihan na niya na need din namin ng papa niya na magbakasyon nang kami lang.”

Buti pa si Kara, may Junior na. Samantalang ako, egg cell pa rin hanggang ngayon si Junior.

Napalingon ako nang tawagin ako ni Anna. Inabot niya sa akin ang mga dokumentong hinihingi ko sa kanya.

“Ang bilis mo naman,” puna ko.

“Mag-e-early out kasi ako.” Inilapit niya ang bibig sa tainga ko para bumulong. “May date ako with my boyfie.”

Wala sa loob na napahigpit ang hawak ko sa folder. Sana all malakas ang loob na mag-early out para lang makipag-date sa boyfriend. Sana rin all may boyfie.

Actually, lahat naman doon ay may boyfriend, girlfriend o asawa na, ngayong may boyfriend na si Tina. Ako lang ang loveless sa department na ito. Ako lang. The irony.

Nang umalis na si Anna ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatunganga sa computer screen at nag-e-emote. How did I end up like this? How did I end up being alone?

Wala nang nagbibigay ng flowers sa akin. Wala na akong kasamang kumain at mag-food trip sa favorite restaurants ko, manood ng sine with the movie of my choice, pumunta sa concerts na ako lang ang nag-e-enjoy at magbakasyon sa malalayong lugar na gusto kong puntahan.

You know, only a boyfriend would accompany a woman anywhere she liked and let her do anything she desired while with him. A mere friend would not do that. Jaja would seldom let me take the wheel unless she would enjoy, too. A boyfriend was someone who would make a woman feel special and good about herself. That was why I loved having one. But now I had none and it sucked.

Wala nang nagpapakilig sa akin. Wala nang nagte-text o tumatawag sa akin para itanong kung kumain na ako. Wala nang humahalik sa mga labi ko. Wala nang yumayakap sa akin. Nobody was making me feel desired. I was not used to this.

I felt so miserable.

Napatingin ako sa royal blue envelope na yari sa specialty paper na inilapag ng kung sino sa table ko. Tiningala ko ang may-ari ng kamay at nakita ko ang nakangiting si Stella.

“Wedding invitation ko.”

Right. Stella was getting married in less than three weeks. Ibinalik ko ang paningin sa envelope at dinampot iyon. Tinitigan ko ang print ng initials ni Stella at groom nito sa seal ng envelope. Bakit ganoon? Hindi ko naman ex ang pakakasalan ni Stella pero parang kumirot ang dibdib ko.

Everyone around was happy and in love and had someone who loved them. Ako lang ang hindi masaya. Ako lang ang walang nagmamahal.

“Are you okay, Zoey?” tanong ni Stella na halatang nagtataka.

I realized I was teary-eyed. Ngumiti ako. “I’m just happy for you.”

 

UMABOT uli ako ng glass of wine mula sa roving waiter sa reception ng kasal ni Stella. Sa akin na nakatingin ang lahat ng kasama ko sa mesa. Pang-apat na baso ko na kasi iyon simula nang maupo kami roon sa reception.

Hindi kasi nila naiintindihan na alak lang ang puwede kong makapiling sa gabing iyon dahil lahat sila, may kasamang dyowa o asawa. Ako lang ang nag-iisa sa table na iyon. Ako lang ang single and lonely. Kung alam ko lang na pupunta ang officemates ko na may dalang kasama, pumunta sana ako roon na karay-karay si Jaja para kahit paano ay may kasama ako at hindi ma-OP sa magkakaparehang ito.

“Baka malasing ka niyan, Zoey,” malumanay na remind sa akin ni Tina na nasa kaliwa ko at katabi ang boyfriend. Halata ang worry sa mukha ng junior accountant.

Nginitian ko si Tina. “Hindi ‘yan. Mataas ang alcohol tolerance ko, don’t worry.”

Actually, sa next ikot ng waiter sa gawi namin, baka manghingi na ako ng isang buong bote. I could not stand this. The wedding alone was distressing. Pagkatapos ay ako lang ang single sa grupo ko. Kung hindi lang baka magtampo si Stella ay baka kanina pa lang sa wedding ceremony nang makita na lahat ng officemates ko ay may partner ay umeskapo na ako. Gusto ko nang bumilis ang oras at matapos na ang gabing ito.

“Last mo na ‘yan, ha,” bilin sa akin ni Lani na nasa kanan ko. “Alalahanin mo, magda-drive ka pa pauwi.”

Right. Magda-drive pa ako pauwi. Nobody would drive me home. Wala akong boyfriend na puwede nilang tawagan kung sakali para ipag-drive ako pauwi. Nobody would look after me if I got drunk tonight. I would die alone and lonely in a car crash if I would not stop drinking. Malungkot na inilapag ko ang baso.

Mukhang nakita ni Lani ang lungkot sa mga mata ko kaya hinawakan niya ako sa braso.

“Are you okay, Zoey? Kanina ko pa napansin na parang mababa ang energy mo.”

Ngumiti ako. “I’m okay.”

“You look sad.”

Nahalata siguro ni Lani na ang pag-agos ng mga luha ko kanina habang nakikipagpalitan ng wedding vows si Stella sa groom nito ay hindi dahil masayang-masaya ako for the bride. Hindi naman kami super close friends ni Stella pero parang dinaig ko pa yata ang mother of the bride sa pagluha kanina.

“Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa ex mo? Mahal mo pa rin siya?” sympathetic na tanong ni Lani.

Mahal ko pa ba si Wendell? Was I still grieving for him? Now that someone said it, I realized that maybe it was more like I was grieving for my being alone, not specifically because Wendell was not with me anymore. I was mourning about the fact that I had lived alone for the past seven months.

Tumingin lang ako kay Lani. Mas matanda siya sa akin nang three years. Kasal na siya sa lalaking nasa tabi niya. He was Lani’s first and last love. Kaya sa tingin ko, gaya ni Jaja ay hindi niya ako maiintindihan. Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko. She had never experienced to be alone.

Tumango lang si Lani na parang nakaunawa na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon sa lugar at oras na iyon. Hinagod niya ang braso ko. “If you need anyone to talk to, you can talk to me about it anytime.”

Gusto ko sanang mag-open up kay Lani pero naalala ko iyong isang incident na itsinismis niya sa amin na nagkaroon ng affair ang marketing head sa isang dating empleyado sa department namin. Mabait naman si Lani pero ayoko siyang pagkatiwalaan tungkol sa mga sensitibong bagay dahil baka kumalat na sa buong kompanya ang bitterness ko sa buhay.

Tinanguan at nginitian ko si Lani. “Thanks.”

“Cheer up na muna. Maya-maya, ibabato na ni Stella ‘yong bouquet niya. Dapat ikaw ang makasalo n’yon, ha.”

Sana nga, ako ang makasalo ng bridal bouquet ni Stella. Sana nga, ako na ang susunod na ikakasal. Pero sana muna, makakilala ako ng potential boyfriend man lang.

“Tina,” tawag ni Lani sa nasa kaliwa ko, “sino ‘yong guwapong ‘yon na naka-gray polo and rugged curly hair?”

Pagkarinig sa “guwapo” ay sinundan ko ang tinutumbok ng tingin ni Lani. Nakita ko agad dahil sa curly hair. Nakaupo ang lalaki sa table ng groom’s men pero hindi ito kasama sa entourage dahil nakita ko ang lahat ng mga abay kanina. Bakit hindi ko ito nakita kanina? In fairness, guwapo nga. Bagay rito ang buhok na ala-Noah Centineo ang style pero walang-wala si Noah sa hitsura ng lalaki. Kahit nakaupo ay mukhang matangkad at matipuno. Sa palagay ko, magkasing-edad lang kami. Single kaya ito?

“Siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo, Ate Lani,” sabi ni Tina. “Kaibigan yata ni Rey.” ‘Rey’ ang pangalan ng groom ni Stella.

“Ang guwapo nga, ‘no? Ruggedly handsome. Single ba?” Tinapunan ako ng tingin ni Lani at nahuli yata akong nakatanaw sa lalaking busy sa pakikipag-usap sa mga kasama sa table. “Ipareto natin kay Stella for Zoey.”

Hindi ko ipinahalata na medyo na-excite ako sa narinig.

Mukhang kinilig si Tina. “Bagay nga sila ni Zoey. Pero hindi ko alam kung single. Basta ang alam ko lang, fitness instructor siya.”

Fitness instructor? Medyo na-disappoint ako. Akala ko kasi ay kasing-level ito ni Rey na isang engineer. Medyo nabawasan ang bumangong interes ko sa lalaki.

Taliwas sa iniisip ng mga tao sa paligid ko, hindi ako naa-attract sa looks lang. Initially, magiging interesado ako kung guwapo pero mas naa-attract ako sa career o educational attainment ng isang lalaki. Gusto ko ng mga lalaking masikap at may mataas na pangarap. Doon ko kasi nalalaman na magiging maganda ang future namin kung sakali. Lahat ng naging boyfriend ko ay maganda ang career. Kahit ang puppy love kong si Justin na na-foresee kong magiging professional basketball player balang araw ay PBA player na ngayon.

“Kaya pala mukhang hunk,” sabi ni Lani. Bumalik sa akin ang tingin ni Lani. “Type mo, Zoey?”

“Malamang may girlfriend ‘yan,” sabi ko habang pinagmamasdan ang lalaki. “Hitsura pa lang, mukha nang playboy. What kind of guy would sport a hairstyle like that if he’s not Noah Centineo? Malamang, ginagamit niya ‘yang sexy hairstyle niya para maka-attract ng mga marurupok.”

Walang nagsalita sa mga kausap ko. Nang ipaling ko nang left and right ang ulo para tingnan sila ay nakita ko na parang natitigilan sila sa narinig mula sa akin.

“J-in-udge mo na siya dahil sa buhok niya?” tanong ni Lani.

“Based din sa work niya,” sagot ko. “‘Yong gym instructor doon sa fitness gym kung saan ako member, ume-extra sa mga matronang members doon outside the gym.”

Narinig ko ang pagsinghap ni Tina. Namimilog ang mga mata nito.

“Hindi naman siguro siya gano’n, Zoey,” sabi ni Lani. “Mukhang matino naman ‘yong husband ni Stella kaya siguro matino rin naman ang friends niya.”

Tumawa na lang ako nang ma-realize ang mga sinabi ko. Hindi naman ako usually ganito ka-judgmental. Hindi ko alam kung bakit ganoon agad ang naisip ko sa lalaking iyon. It must be because of the alcohol, too. “Malamang hindi nga. Baka advance lang ako mag-isip.” Sana ay hindi nga.

Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay nabigla ako nang makitang nakatingin ito sa akin. Mabilis kong inalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi ko tungkol dito dahil malayo ang distansiya ng mga mesa namin. Baka naman hindi sa akin nakatingin. Baka sa nasa likuran ko.

Habang naghihiwa ng cake ang newly-weds ay nakatitig lang ako kay Stella. Her face was glowing. I had never seen her look that beautiful and graceful. Maybe it was true that when a woman was in love and loved, she became the most beautiful version of herself. I was not in my most beautiful form now. I wished I could achieve that kind of glow in Stella’s face right now.

Nang alisin ko ang tingin sa bagong kasal ay napadpad uli ang mata ko sa mesa ng groom’s men nang hindi ko sinasadya. Nakasalubong ko na naman ang tingin ng lalaking kulot. Iniisip ko pa lang kung ako talaga ang tinitingnan nito nang ngumiti ang lalaki. Bakit ako nginingitian nito? At saka bakit ang sexy ng ngiti ng lalaki? Na-detect ba nitong marupok ako?

Inalis ko ang tingin sa lalaki bago pa nito isiping initeresado akong makipag-hookup. Siya namang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis kong dinukot iyon mula sa clutch bag sa kandungan ko. Bakit tumatawag sa akin si Lottie? Alam naman niyang a-attend ako ng kasal dahil nagtanong ako sa kanya kung ano sa dalawang dress na binili ko ang mas bagay kong isuot sa okasyon na iyon. Basag ang boses ni Lottie nang tawagin niya akong ‘ate.’

“Bakit ganyan ang boses mo?” Kinabahan ako. Tumayo muna ako at lumayo nang bahagya sa kasiyahan para mas marinig ko siya.

“Ate…”

“Umiiyak ka ba? May nangyari ba? ‘Wag mong sabihing break na kayo ni Andre?”

Suminghot si Lottie. “Ate… I’m pregnant.”

“Ano’ng sabi mo?” manghang tanong ko.

“Buntis ako, ate… Alam na nina Daddy. Gusto niyang magpakasal kami ni Andre…”

Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko. “What?!”