PINIGILAN ko ang mapaluha habang ikinakasal ng huwes sina Lottie at Andre. Hindi pa rin ako makapaniwalang misis na ang little sister ko. Mukhang masaya naman si Lottie. Noong una lang ito nag-e-emote dahil maagang maggu-goodbye sa pagkadalaga at mahihinto sa pag-aaral kapag manganganak na pero tinanggap na rin agad ang kapalaran. At least, si Lottie ay nahanap na ang lalaking para rito. Ako, hindi pa rin hanggang ngayon.
Why was it taking so long before I found a new love? Was this really fate’s way of telling me to slow down and give my heart a rest for a while? Gusto ba nitong maranasan ko ang maging single nang matagal? Para ano? Para malungkot nang matagal nang mag-isa?
Pagkatapos ng kasal ay may picture-taking. Nang tawagin ang pamilya ni Lottie ay pinanood ko lang ang daddy ko at si Tita Liza kasama sina Lottie at Andre. Ni hindi ako tinawag ng daddy ko para sumama sa kanila. Nang matapos ang series of shots nila, saka lang ako naalala nito at tinawag para sumali sa picture. I knew I was never a part of this family. Saling-pusa lang ako.
Pagkatapos ng kasal ay mag-isa akong pumunta sa reception. May munting salo-salo sa restaurant sa isang hotel. Habang nagmamaneho ay tumawag sa akin si Jaja. Kinausap ko siya gamit ang Bluetooth wireless earphone.
“Ano’ng nangyari doon sa group date mo with officemates noong isang araw?”
Ayoko sanang magkaroon ng boyfriend sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko dahil baka mahirapan kami pareho kung sakaling mag-break lang kami. Ayokong makita ang pagmumukha ng ex ko araw-araw. Kaya lang ay kailangan ko talaga ng madadala sa reunion kaya niyaya kong mag-bar ang girl officemate kong si Verna sa IT department na kabarkada si Gabby—iyong cute pero torpeng IT na alam kong may crush sa akin noon pa dahil nabanggit ni Verna. Sinabihan ko si Verna na isama ang friends nito kaya automatic na kasama si Gabby.
That night at the bar, I subtly flirted with Gabby while our other companions were busy drinking. But the dude was too shy that I lost interest. Gusto yata ng lalaki na ako pa ang manligaw rito. Nahalata ko naman na attracted siya sa akin. Sadya lang napakamahiyain.
“Fail. Na-turn off ako sa kanya. Sayang, mapo-promote pa naman daw iyon.”
“Bakit kasi hindi mo babaan nang kaunti ang standards mo? Baka may makita ka na.”
“I won’t settle, Ja. Potential husband na ang hanap ko hindi lang basta boyfriend. Gusto ko ng lalaking maipagmamalaki ko.”
“Kung bababaan mo lang sana nang konti ang standards mo in terms of career, puwedeng-puwede siguro si Kenzo.”
Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay parang umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya noong huli kaming nagkita.
“Fix yourself. Ikaw lang ang dapat na umayos sa sarili mo.”
He talked as if it was that easy. If I knew how to fix myself, I should have fixed myself a long time ago. Yes, I was broken. I was broken since a long time ago. My mom had left me broken since the day that she abandoned me.
Hindi ako naiintindihan ng mga tao sa paligid ko. Hindi kasi nila alam ang istorya ng buhay ko dahil itinago ko miski sa mga lalaking minahal ko. Bukod sa daddy at stepmom ko, si Jaja lang ang nakakaalam na inabandona ako ng nanay ko. Miski si Lottie ay walang alam tungkol doon. Ang alam lang nila ay naiwan ako sa daddy ko dahil namatay ang biological mother ko.
Siguro nga ay madali akong maka-move sa failed romantic relationships ko pero sa ginawa sa akin ng sarili kong ina, hindi pa rin ako nakaka-move on hanggang ngayon. My chest would always tighten from pain and resentment at the thought of her.
Ang sabi ni Jaja, kaya raw siguro ako naging ganito ay dahil sa nanay ko. Kaya hindi ko kayang mag-isa at nalulungkot ako sa idea ng pag-iisa. Kaya gusto ko na laging may boyfriend. I could not stand the thought of being alone because I had been abandoned and I did not belong to a family. And the only thing I could have for myself was a boyfriend. A boyfriend that would keep me from being alone.
Ang sabi ko sa kanya, parang inaabandona rin naman ako ng mga ex ko kapag nagbe-break kami pero bakit nakaka-move on naman ako sa ginawa nila? Iyon nga raw ang dahilan kung bakit madali akong maka-move on kapag iniiwan ako ng ex ko. Aware kasi ako na may mas masakit na pang-aabandona akong naranasan noon kaya parang hindi na ganoon katindi ang epekto sa akin ng pang-iiwan ng isang boyfriend. Nasasaktan, nagagalit at nalulungkot ako pero nakakaya ko raw dahil alam kong may mas masakit pa akong pinagdaanan kaysa sa relasyong hindi na naman nag-work out. And I knew I could always find a new boyfriend, while I could never find myself a new biological mom.
I wished I could fix my issues about my mother but there was no way this thing could be fixed because she was gone. I could never fix myself, ever.
“‘Wag mong sabihing hindi ka attracted sa kanya,” tukoy ni Jaja kay Kenzo. “At least, physically.”
I was attracted to that guy but I did not want to nurture it. Hindi lang naman siya physically attractive, sensible din siyang kausap. May utak siya. It made me wonder why he did not pursue a better career when he was obviously smart.
“Bes, hindi siya naniniwala sa kasal, ‘di ba? Ikaw ba gugustuhin mo ng lalaking alam mong hindi ka pakakasalan balang-araw?”
“Sayang. Bagay pa naman kayo. Ang ganda-ganda siguro ng babies n’yo.”
Pinigilan ko ang kiligin sa sinabi ni Jaja. “Tumigil ka nga. Saka kapag naging boyfriend ko ‘yon, malamang ako ang laging gagastos. Ang bata ko para maging sugar mommy, ha.”
Ako talaga ang pinagbayad ni Kenzo sa bar noong huling inuman session namin at pan-taxi niya pagkatapos akong maihatid kina Jaja. Kapag naiisip ko iyon, nakakalimutan ko na crush ko siya.
“Ilang taon nga ba siya?”
“Thirty-two.”
“Pati edad n’yo bagay.”
“Bakit mo ba ako tinutukso ro’n? Hindi rin naman ako type ng lalaking ‘yon.”
“Sino ba kasing lalaki ang mai-in love sa lasengga? Sa tuwing nakikita mo siya, parati kang lasing.”
“Saka hindi natin siya kilala. He’s a mystery.”
“Wala siyang social media accounts. Weird.”
“Kaya feeling ko, marami siyang lihim. Anyway, siguro naman, hindi ko na siya makikita ulit. Kaya hindi na natin siya kailangang kilalanin.”
Pero curious pa rin talaga ako sa lalaking iyon. At nanghihinayang ako sa isiping hindi ko na nga talaga siya makikita ulit.
PARANG gusto kong lumipat ng upuan nang tumabi sa akin si Tita Mely sa table sa restaurant na ginanapan ng wedding reception nina Lottie at Andre. Sa dinami-dami talaga ng puwedeng upuan, doon pa talaga sa tabi ko siya pumuwesto!
Si Tita Mely lang naman ang mahaderang pinsan ng daddy ko. Sigurado akong mawawalan ako ng gana sa pagkain kapag nagsimula na siyang kausapin ako. Thankfully, iyong katabi niya ang kinausap niya habang kumakain kami pero habang nilalapang ko ang fried chicken ay muntik na akong mabulunan nang marinig ang sinabi ng tiya ko nang bumaling sa akin.
“Naunahan ka pa ng kapatid mo.”
I knew she would say that! Alam ko na hindi lilipas ang pagtitipong iyon nang hindi niya sasabihin iyon. Napansin kong sa akin na nakatingin ang mga kamag-anak naming nasa mesa. Ang sarap-sarap pa naman sana ng kain ko pero parang bigla akong nagka-Anorexia.
I tried to look not offended. I had managed to let out a short laugh. “So, mas okay bang nagpabuntis na lang din ako nang maaga, Tita?”
“Maaga? Beinte na si Lottie, ‘di ba? Noong panahon namin, sa ganoong edad talaga nag-aasawa ang mga kababaihan. Ako, beinte uno nang mag-asawa.”
“Pero, ‘Ma, hindi pa graduate si Lottie,” sabi ni Carmi, ang anak ni Tita Mely na mas matanda sa akin nang limang taon at pamilyada na. Halatang naalarma ito sa kataklesahan ng ina.
“Oo nga. Pero noong panahon namin, hindi naman kailangang makapagtapos ng pag-aaral ang isang babae dahil sa bahay lang naman at mag-aalaga ng anak.”
“Tita, wala tayo sa panahon n’yo,” sabi ko, pilit itinatago ang pagkapikon. “Ang tipikal na babae ngayon, tulad ko na. Career woman. Kumikita ng pera at nakakapag-ipon para sa sarili. Ine-enjoy muna ang pagiging dalaga bago pumasok sa buhay-may-asawa.”
“Ilang taon ka na nga ba, Zoey?”
“Twenty-nine po.”
“Twenty-nine!” bulalas ni Tita Mely. “Magte-treinta ka na pala? Paano nangyari na naunahan ka pa ng kapatid mo? Palagi kang may boyfriend. Nagugulat na lang ako, iba na ang boyfriend mo. Kaka-break mo lang sa isa, meron na namang kasunod. Bakit wala man lang nag-alok ng kasal sa ‘yo ni isa?”
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Imbes na sumagot ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit nawalan na ako ng gana. Baka sakaling tumigil na si Tita Mely kapag hindi na ako magsalita.
“Hay… ‘wag ka sanang tumandang dalaga katulad ng Tita Cecilla mo. Ganyan din siya noon. Papalit-palit ng nobyo pero nakapagtataka na hindi nakapag-asawa…”
Tita Cecilla was her older sister. Hearing Tita Mely comparing my fate to Tita Cecilla frightened me. I did not want to end up like the latter.
“At saka matagal-tagal na rin simula noong nag-break kayo no’ng tisoy na businessman. Ano nga ba’ng pangalan n’yon? Bakit ngayon, wala ka nang nobyo? ‘Wag mong sabihing wala nang nanliligaw sa ‘yo?”
Binangasan ko nang malaki ang hita ng manok. Talaga bang hindi titigil si Tita Mely? Nakita ko si Carmi na pinandidilatan ang ina para siguro sawayin sa mga sinasabi sa akin pero parang walang pakialam ang matanda.
Pumalatak si Tita Mely. “Hindi ka na makakapag-asawa dahil nalaktawan ka na ng kapatid mo.”
Bumagsak ang piraso ng chicken meat mula sa bibig ko. This was too much. I could not let her humiliate me like this. “‘Wag kang mag-alala, Tita! Para sa ‘yo, sasagutin ko na ‘yong manliligaw ko. Bukas na bukas din, may boyfriend na ‘ko!”
Si Sonny lang ang manliligaw ko ngayon pero nuncang sagutin ko ito. Kailangan ko lang sabihin sa tiya kong atribida na may manliligaw ako para hindi na ako maliitin.
Pumitlag si Tita Mely dahil napalakas ang boses ko pero mabilis ding nakabawi. “May manliligaw ka naman pala, eh. Guwapo ba?”
Nang banggitin niya ang guwapo ay ang mukha agad ni Kenzo ang naisip ko. “Sobra.”
Tutal ay pinagpanggap ko naman na si Kenzo bilang boyfriend, maano namang siya na rin ang gawin kong imaginary suitor.
“Gano’n ba?” sabi ni Tita Mely na mukhang nasiyahan sa narinig.
“Matangkad, hunk, maganda ang skin at may killer smile.”
“Good. Mabait naman ba? Baka babaero ‘yan.”
“Hindi, ah. Mabait siya. Gentleman.” Kuripot nga lang pero mabait naman. “At saka, masarap kausap. Matalino rin siya.”
“Talaga?” Halatang nagkainteres si Tita Mely. “Ano’ng trabaho niya?”
Hindi kaagad ako nakasagot dahil siguradong kapag sinabi kong isang fitness trainer ang “manliligaw” ko ay baka ma-disappoint si Tita Mely. Gold digger pa naman siya. Nagkunwari na lang akong nasamid at uminom muna ng tubig bago sumagot. “May-ari siya ng isang fitness gym.”
Nakita ko ang approval sa mukha niya. “Businessman din pala tulad ng huli mo. Mabuti naman kung gano’n. Kung ganiyan naman pala kaganda ang kalidad, bakit hindi mo pa sinasagot?”
Nagkunwari uli akong busy sa pagnguya habang nag-iisip ng idadahilan. “Na-realize ko kasing palaging mabilis ang pagpasok ko sa relasyon kaya ngayon, gusto ko namang bagalan nang kaunti.”
“Sagutin mo na ang lalaking ‘yan at ipakilala mo sa amin. Gusto kong makilala ang bago mong nobyo.”
Shit. Binigyan ko na naman ba ng problema ang sarili ko? Nagiging compulsive liar na yata ako sa kakatakip ng pinagdaraanan ko.
“At saka dapat siguraduhin mo nang pakakasalan ka na ng lalaking ‘yon para hindi ka matulad sa Tita Cecilla mo.”
Boyfriend nga, pinoproblema ko kung paano magkakaroon, ang mapapakasalan pa kaya?