Image

ATE, kailan mo ipapakilala sa amin ‘yong bagong BF mo?

Napangiwi ako pagkabasa sa text message na natanggap ko mula kay Lottie habang sumisimsim ng kape.

“Mapait po ba?” tanong sa akin ng isa sa café crew ni Jaja na naghatid sa akin ng kape sa mesa. Pumunta ako roon after work pero wala na naman si Jaja.

“Ay, hindi! It’s perfect, as usual.”

Ngumiti ang crew at lumayo na.

Bumalik ang ngiwi sa mukha ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Bakit ko sinabi kay Tita Mely na bukas na bukas rin ay may boyfriend na ako? Hindi ko akalaing ipagkakalat niya iyon.

Send ka naman ng pic. Anong pangalan?

Ibinaba ko sa table ang cellphone kaysa reply-an si Lottie. Dapat ay sinasabi ko na sa kanya ang totoo. Maiintindihan niya ako dahil kapatid ko siya. Kilala ng kapatid ko si Tita Mely at miski siya ay naiinis sa pagkaatribida ng tiyahin. Pero hindi ko magawang sabihin kay Lottie ang totoo dahil pakiramdam ko ay manliliit ako lalo. Lottie had always admired me for being so popular with boys then. It would suck if she knew what I was going through right now.

Lumapit uli ang crew na may dalang isang slice ng cake. Nag-text daw si Jaja at sinabing bigyan ako ng bago nilang cake para ipatikim. Tuminidor agad ako ng isang parte ng cake.

Tumunog ang notification sa Messenger ko. Hindi ko sana papansinin pero naisip ko na baka si Jaja iyon. Nag-PM kasi ako sa kanya at sinabi kong hindi na ako pupunta sa reunion dahil wala nang pag-asang makahanap pa ako ng lalaking maisasama sa reunion. Pinag-iisip ko siya ng magandang alibi na sasabihin sa organizer ng event. Pero pagtingin ko ay hindi galing kay Jaja ang message. Kay Leah galing iyon.

Isinubo ko ang cake.

Sonny said you have a new boyfriend. I know you’re going to bring your curly-haired boyfriend at the reunion. I’ll see you on Saturday.

“Shit!”

“Bakit po?” nanlalaki ang mga matang tanong ng crew. “Hindi po masarap?”

“Huh? Hindi. I mean, masarap. In fact, napamura ako sa sarap.”

Mukhang na-relieve ang crew. Nang humakbang na palayo ang crew ay napamura ulit ako. Ipinagsabi rin ni Sonny na may boyfriend ako! And worse, baka sinabi rin ng kumag ang pangalan at hitsura ni Kenzo!

Bakit ba ang daming annoying characters sa istorya ng buhay ko?

“Is this seat taken?”

Nag-angat ako ng mukha at nakita ko ang nakangiting si Kenzo.

 

PINANOOD ko ang pag-inom ni Kenzo ng kape. Ang akala ko, hindi ko na siya makikita ulit. Ayokong aminin na na-miss ko siya nang slight.

“Na-miss ko ‘yong kape rito, eh. Kaya bumalik ako.”

Siyempre, alangan namang ako ang na-miss niya o si Jaja.

“Are you all right?” kunot-noong tanong ni Kenzo habang nakatitig sa akin.

Na-realize kong halata pala sa mukha ko ang matinding worry. Napahawak ako sa mukha ko.

“May minumura ka kanina.”

Narinig pala niya iyon.

“May ginawa bang masama sa ‘yo? Gusto mo bang resbakan natin?”

Reresbakan daw ni Kenzo ang mga may atraso sa akin? Ibig bang sabihin niyon, kakampi ko talaga siya?

“I have a very big problem,” nasabi ko tuloy.

“What? Not having a boyfriend?” he asked casually.

Natigilan ako. Ganito na ba ako talaga ka-pathetic sa tingin ni Kenzo? Iyong parang wala nang puwedeng maging mabigat na problema ang isang tulad ko kundi ang hindi pagkakaroon ng boyfriend.

I twitched my lips to show him my annoyance.

Ngumiti si Kenzo. “All right. Kung gusto mo ng makikinig sa problema mo, I’m free today.”

Right. I always found myself telling this guy about the things I should not be telling a stranger. It was too late to stop. I needed him now more than ever. I needed him to listen.

“Just a while ago, ang pinoproblema ko, sinabi ko sa tita kong may manliligaw ako na sasagutin ko na dahil masyado niyang akong dina-down…” Ikinuwento ko ang naging pag-uusap namin ni Tita Mely habang nasa wedding reception ni Lottie. “Hindi ko naisip na puwede nga pala niyang ipagkalat. I was stupid. Ngayon, kinukulit ako ng kapatid ko na ipakilala ko na raw ‘yong new boyfriend ko… na non-existing. Tapos ngayon, iba na ‘yong pinoproblema ko. Mas malaki. I am now about to suffer the consequences of what I did to Sonny… actually, we.”

Kumunot ang noo ni Kenzo. “We?”

“Dahil pinagpanggap kitang boyfriend sa harap niya. Sinabi pala ni Sonny sa schoolmates namin dati ang tungkol sa kulot kong ‘boyfriend’. Hindi ko naisip na ipagsasabi niya sa iba, lalo na sa batchmates ko kasi hindi naman namin siya kasamang gr-um-aduate. Hindi siya kasama sa reunion. Pero since sinabi niya, those who will be at the reunion are now expecting me to come… with you.”

Hindi naituloy ni Kenzo ang paghigop ng kape. Tumitig siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong nahiya sa kagagahan ko. Humigop ako ng kape habang nakatitig sa mesa.

“So… are you telling me, I should come with you to the reunion and pretend to be your boyfriend there?”

Nag-angat ako ng tingin. Wala sa hitsura ni Kenzo ang napapantastikuhan sa ideyang siya mismo ang nakaisip na para bang isa lang iyong natural na bagay.

Magpapanggap siyang boyfriend ko sa reunion? Namilog ang mga mata ko. Why not? I imagined us walking together as we enter the venue of the reunion, with my hand holding on to his arm. He was so gorgeous in his suit and sexy hair that everyone at the party could not help but stare at him in awe.

“W-Would it be… possible?” panunubok ko.

Matagal na tumitig sa akin si Kenzo bago siya nagbuga ng hangin at nagpakawala ng pagtawa. “Are you serious?”

I twitched my lips. “Forget it,” sabi ko na lang kahit parang gusto kong iapela at kumbinsehin siya. “Ikaw naman ‘yong nagbigay ng idea, eh.”

“Talaga bang kakayanin mong magpanggap sa harap ng maraming tao? ‘Yong kay Sonny, isa lang naman siya at saka hindi natin kinailangang magpanggap nang matagal kaya hindi mahirap. Pero kung isang buong gabi… Can you really do that?”

“Hindi ko gawain ang magpanggap. Kung gagawin natin ‘to, mas gusto kong isiping umaarte lang tayo kaysa nagpapanggap. Kasi hindi sa pagmamayabang, magaling akong umarte. I was a drama club actress in high school.”

Ngumisi si Kenzo. “Really?”

Proud na tumango ako. “Nagbida pa ako ng isang beses sa school play.”

Tumango-tango ang lalaki. “I see. So, you can pull it off.”

“Absolutely. I can act naturally.”

Umaktong nag-iisip si Kenzo. Hindi ko itinago ang pag-asam ko habang nakatingin sa kanya.

“P-payag ka na?” hindi nakatiis na tanong ko. “Isang gabi lang naman. After a few days, kung sakaling may magtanong, sasabihin ko na lang na nag-break na tayo.”

Hindi siya sumagot, mukhang nag-iisip pa rin. Then I realized why he was silent. He was waiting for something. Of course. I should not be asking this man a favor without compensating him.

“Right. I will pay you.”

Ngumisi si Kenzo. Baka nasiyahan dahil narinig na ang hinihintay.

“Five K.”

Tumawa ang lalaki.

“Fine. Dodoblehin ko. Ten K.”

Tumatawa pa rin siya.

“Talo ka pa ba no’n? Ten K na nga ‘yon.”

“Girlfriend for a night…” gagad ni Kenzo na para bang ina-absorb ang mga salita. “Ibig sabihin, we’ll be intimate?”

Natigilan ako. Na-imagine ko kami ni Kenzo na magkadikit at magka-holding hands. Pinigilan ko ang mapalunok. Bakit parang nagugustuhan ko ang idea?

“Holding hands lang siguro, akbay… gano’n. Hindi naman siguro natin kailangang maglaplapan sa harapan nila.” Natawa ako sa salitang ginamit ko—laplapan. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-awkward pagkatapos.

Naglaro na naman ang ngisi sa mga labi ni Kenzo.

“Hindi naman kailangan ng excessive skin to skin para maipakita sa mga tao sa paligid na nagmamahalan. You know, sa tinginan, sa ngitian, sa lambing sa boses kapag nag-uusap… Doon pa lang makikita na ng mga tao sa paligid na nagmamahalan ‘yong dalawang tao.”

“But I’m not that good in acting. Paano kung mapansin nila na peke lang ‘yong ginagawa ko?”

“Tuturuan kita.”

“Oh… so may acting workshop pa. Kailan uli ‘yong reunion n’yo?”

“Sa Saturday. Ano, call?”

He grinned.