Image

HAWAK pa rin ni Kenzo ang kamay ko nang pumasok kami sa restaurant nang gabing iyon. Dahil pareho kaming naka-casual clothes, dinala na lang niya ako sa isang semi-fine dining restaurant na may romantic ambiance. Pigil na pigil ang kilig ko nang paghilahan niya ako ng silya at siguruhing komportable na ako sa upuan bago umupo sa sariling silya.

Sa totoo lang ay kanina pa ako pinakikilig ni Kenzo. Mula nang sabihin niya sa akin sa park na ipalalasap niya sa akin ang pagiging romantic ay para na akong isang pampered girlfriend kung ituring niya.

Halos hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Kapag nakaakbay sa akin ay tipong possessive boyfriend na takot akong maagaw ng iba. Siya ang nagtali ng buhok ko nang maglabas ako ng scrunchie. Nang kumain kami ng ice cream ay pinawi niya ng hinlalaki ang ice cream sa gilid ng mga labi ko. Nang manood kami ng sine, nag-share kami ng iisang bucket ng popcorn. Minsan ay sinasadya niyang magkasabay kami ng dampot para mahawakan niya ang kamay ko.

At ang pinakamatindi ay siya ang nagbayad ng lahat ng kinain at binili namin. I mean, this guy was a scrooge. Pang-taxi nga lang niya ay sa akin pa hinihingi noon pero ngayon ay okay lang sa kanya ang malagasan ng pera para sa babaeng “mahal” niya. Kinikilig ako kapag ang isang lalaki ay iba ang turing sa akin kaysa sa ibang tao. Doon ko kasi nararamdaman na special ako.

Alam kong hindi totoo ang mga ginagawa ng lalaki pero dalang-dala ako. He surely knew how to make a woman fall for him. Actually, I even thought I was really starting to fall for him. And that this was all real.

“Sigurado kang ikaw ang magbabayad?” tanong ko nang matapos kaming maka-order sa waiter. “Baka magulat na lang ako mamaya pag-uwi kapag inabot mo na sa ‘kin ‘yong mga resibo.”

Tumawa si Kenzo. “Meron bang romantikong hinahayaan ang isang babae na magbayad sa date?”

Date. Para nga kaming nag-date nang buong araw. Buong araw akong nakangiti, tumatawa at kinikilig. Nakalimutan kong pinoproblema ko nga pala ang kawalan ng love life.

“Pinangangatawanan mo talaga ‘yong pagiging romantiko mo?”

“Aren’t you convinced yet?”

“Hmmm…” umakto akong nag-iisip. “Puwede na.”

Halatang gusto niyang magreklamo sa narinig. “Puwede na?”

“Hindi ako puwedeng magbigay ng concrete judgment kasi conscious ako na hindi naman totoo ‘yang mga ginagawa mo. Umaakting ka lang.”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Kenzo at matagal na tumitig sa akin. Na-conscious tuloy ako.

“M-may dumi na naman ba ako sa mukha?”

“I just wonder how you manage to stay looking fresh all day.”

Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman ko pag-iinit niyon. He was complimenting the way I look. Dumidiskarte ba si Kenzo para mapahinuhod ako sa pagiging romantiko niya o totoong mukha akong fresh sa buong araw na magkasama kami? Well, ilang beses lang naman akong nag-retouch ng powder at face mist sa tuwing pupunta ako sa ladies room. I even brushed my teeth.

Hindi ko pinigilan ang ngiti. “Oo na, marunong ka ring mambola. Siguro, ang dami nang babaeng na-fall sa ‘yo sa mga ganyan mong linyahan.”

“Do you think so? I don’t need to be sales director or an engineer to make a woman fall for me?”

Unti-unting nabura ang ngiti ko. Na-offend nga siguro talaga si Kenzo nang iparamdam ko sa kanya na hindi ko tipo ang mga tulad niyang hindi utak at pinag-aralan ang puhunan sa pagkita ng pera. Pagpapanggapin ko pa nga siya na iba ang trabaho sa reunion.

“I’m sorry if I ever offended you about your job. Hindi naman sa maliit ang tingin ko sa mga lalaking may ganyang klaseng trabaho na tulad ng sa ‘yo. I admire everyone who works hard to earn money. It’s just that… gusto ko lang ng lalaking mataas ang pangarap as a boyfriend. I always tend to think about the future, our future. Kaya nagpursigi rin akong may marating kahit papano. Gusto kong makasiguro sa future namin ng lalaking mamahalin ko. Wala naman sigurong masama kung maghangad ako ng lalaking…” I paused.

Natigilan ako dahil na-realize ko na kahit kailan ay hindi ako na-attract sa isang lalaking hindi ko tipo ang trabaho kahit pa gaano kaguwapo at kaganda ang personality nito, ngayon lang yata. Come to think of it, si Kenzo lang ang tanging lalaking nagustuhan ko na hindi pasok sa standards ko.

Nakakaunawa ang tingin ng lalaki. “Actually, I understand you. You know your worth. You know you deserve a guy who would match you and you don’t settle for anything less…”

“You’re definitely not less of a person,” sansala ko sa sinasabi niya. Natigilan din agad ako nang ma-realize kung bakit ko iyon nasabi. Ayaw ko na kasing isipin niyang hindi ko siya puwedeng magustuhan.

Ngumiti si Kenzo na para bang nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig.

Shit ka, Zoey, kompronta ng isip ko sa sarili ko. Ano’ng pinaggagagawa mo? Talaga bang hahayaan mo ang sarili mong ma-fall sa isang lalaking hindi ka naman type at alam mong hindi ka pakakasalan someday? Gusto mo na naman bang maging brokenhearted?

Bigla kong naalala ang nabanggit ni Kenzo noon.

“Sabi nila, there is nothing more painful than a love with no reciprocation.”

Masakit din ang hindi pakasalan kaya nauunawaan ko kung bakit iniwan si Kenzo ng ex niya. Kaya dapat siguro ay pigilan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magpadala sa pagiging romantiko ni Kenzo ngayon dahil alam ko namang hindi totoo ang mga nagaganap ngayon.

 

NAKASAKAY na kami sa motorsiklo ni Kenzo pauwi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming choice kundi ang tumigil muna para hindi mabasa. Nagkataon naman na sa mismong sa parke na pinuntahan namin kanina kami naabutan ng ulan kaya sumilong na lang kami sa ilalim ng shed kung saan may upuan. Iyon nga lang, walang ilaw ang mismong shed kaya street lamp lang mula sa di-kalayuan ang nagbibigay ng ilaw sa amin.

Hinubad ni Kenzo ang jacket niya at ipinatong sa mga balikat ko. Nabasa kami at manipis lang ang tela ng long-sleeved blouse ko. Usually, ginagawa lang iyon ng mga lalaki kapag nakitang niyayakap na ng isang babae ang sarili at halatang giniginaw pero si Kenzo ay mabilis kumilos.

Ngumiti ako. “Hindi pa tapos ang pagiging ‘romantiko’ mo?”

“Medyo na-guilty ako kasi nabasa kita. I’m sorry this happened. Kung kotse mo lang sana ang ginamit natin, hindi sana tayo nabasa…”

“It’s okay. It’s been a long time since I rode a motorcycle and got as wet like this. It was fun to experience these again.” Okay lang kahit mabasa ako ng ulan at maligo sa baha basta kasama kita… Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa sinabi ko sa isip.

He smiled. “You really don’t mind getting wet?”

“Actually, ayoko talaga ng nababasa ng ulan. Kaya lagi akong may dalang payong. Kaso naiwan ko sa kotse ko kanina. At saka kaya lagi akong naka-kotse. Pero ngayong naranasan ko uling mabasa ng ulan, na-realize ko na na-miss ko palang mabasa ng ulan.”

“When was the last time you played in the rain?” tanong ni Kenzo.

“Siyempre noong teenager pa.”

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya na para bang may naisip siyang nakaka-excite na idea.

“What? Anong iniisip mo?”

“Since basa na rin lang tayo… would you like to play in the rain with me?”

Napanganga ako. “You’re crazy!”

Kami, maliligo sa ulan na parang mga bata? Tumingin ako sa ulanan. Kanina lang ay sinabi ko sa isip na okay lang na mabasa ako sa ulan basta si Kenzo ang kasama ko. Bumangon ang excitement sa dibdib ko. Ang saya sigurong maglaro sa ulan kasama siya.

Tumawa si Kenzo. “I can’t believe none of your ex-boyfriends had tried to persuade you to play in the rain before. It’s fun. Try it with me.”

I was persuaded. Ilang sandali pa ay tumatakbo, tumatalon, humihiyaw at nagtatawanan na kami sa ilalim ng ulan. I felt like a kid again. I could not believe I never tried doing this with any of my ex-boyfriends yet I felt no regrets. I did not want anyone to play with me under the rain but Kenzo. And for the first time in my life, I loved the rain.

Muntik na akong madulas pero mabuti na lang at nahagip ni Kenzo ang kamay ko. Hinila niya ako para hindi bumagsak patalikod. Dahil sa lakas ng pagkakahatak niya ay napadikit ako sa kanya at nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. On instinct ay yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko ang palad niya sa likod ko.

Immediately, I became aware of our bodies pressed together. I felt the erratic beating of my heart. Puwede bang hindi na lang tumigil ang ulan? Puwede bang ganito na lang kami ni Kenzo? Kahit siguro mapulmonya ako, hindi ako magsisisi na nagtagal ako sa ilalim ng ulan kasama siya.

“Are you all right?” tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at dahil nakayuko siya sa akin ay biglang napakalapit na ng mukha namin sa isa’t-isa. Nagsalubong ang paningin namin. Nakita ko ang tenderness sa mga mata niya.

“Why didn’t I ever dream about this scene with a man before? This is so romantic. I am convinced now… You really are romantic.”

Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Kenzo. Umangat ang kamay niya at masuyong hinawi ang basang buhok sa gilid ng mukha ko. Nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at manatili roon nang ilang segundo ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nakita ko sa mga mata ng lalaki na gusto niya akong halikan.

I wanted him to kiss me. I wanted us to kiss under the rain.

As if he heard my thoughts, his face slowly went down to mine. I closed my eyes.

Napapitlag kaming pareho nang biglang kumulog. Dahil sa pagkagulat at takot sa napakalakas na dagundong na galing sa langit ay napayakap ulit ako kay Kenzo. Ginantihan niya ako ng yakap. Pero saglit lang ay niyaya na niya ako pabalik sa shed nang magsunud-sunod ang pagkulog.

Nang maupo kami sa ilalim ng shed ay muli niyang ipinatong sa mga balikat ko ang jacket niya. May dalawang babaeng sumilong sa shed kaya hindi na kami nakapag-usap pa. Nagngitian na lang kami.

 

“HOY, nandito ako.” Hinampas ako ni Jaja dahil hindi ko siya pinapansin.

I was busy recalling what happened yesterday, especially the rain scene. Para akong teenager na nagkikikisay sa kilig sa couch ko habang tumitili nang matining.

“Nandito rin si Jep-Jep. Nakikita ‘yang kaharutan mo.”

Tumingin ako kay Jep-Jep na nakaupo sa solong couch habang kumakain ng chips. Tumingin ito sa akin at nginitian ko ang bata. “Dito ka muna, Jep, ha.”

“Opo, ninang,” nakangiting sagot nito at ibinalik na sa pinapanood na cartoons ang tingin.

Hinila ko si Jaja papasok sa kuwarto ko. “Sa tingin mo, bes? The feeling is mutual between us?” tukoy ko kay Kenzo. “He tried to kiss me! Hindi niya gagawin ‘yon kung hindi siya attracted sa ‘kin, ‘di ba? Ibig sabihin, lahat ng ginawa niya kahapon, hindi lang dahil nagpa-practice siya o gusto niyang patunayan sa akin na romantic siya. May malisya lahat ng ‘yon!” Napahiga ako sa kama habang humahagikgik.

“Akala ko ba hindi mo siya type kasi makunat?”

Bumangon ako. “Makunat lang pala siya sa iba pero kapag sa babaeng espesyal sa kanya, hindi.”

“Ayaw mo sa mga lalaking hindi utak ang puhunan sa trabaho, ‘di ba?”

“Matalino siya, Ja. Hindi ko nga alam kung bakit fitness trainer siya, eh. Feeling ko kapag nag-business siya, kaya niya. Puwede ko naman siyang i-encourage na magtayo ng business. Pero kung ayaw niya, tatanggapin ko. Marangal na trabaho naman ang pagiging fitness instructor.”

Manghang-mangha ang hitsura ni Jaja habang nakatitig sa akin. “Eh, paano ‘yong fact na hindi siya naniniwala sa kasal?”

“Nabasa ko sa Internet na may mga lalaki talagang ayaw ng kasal. Sabi roon, kaya gano’n ang paniniwala ng isang lalaki, kasi hindi pa raw niya nakikilala ‘yong true love niya… ‘yong babaeng gugustuhin talaga niyang makasama habambuhay na gusto niyang pagtalian ng sarili niya. May mga lalaking pamilyado na ngayon na gano’n ang nangyari sa kanila. Ayaw nila sa kasal dati pero eventually, when they meet the right one for them, nagpakasal din sila.”

Shookt na shookt si Jaja. “Whoa! Nag-research ka pa talagang gaga ka.”

Humagikgik ako. “Paano kung ako na ‘yong babaeng ‘yon, bes? Paano kung ako na ‘yong right one? Usually pa raw, nagbabago na ‘yong paniniwala ng mga lalaking ayaw magpakasal kapag nasa mid-thirties and up na. Two years ago—noong nag-break sila ng last girlfriend niya—thirty pa lang siya. Ngayon, thirty-two na siya. Kung magiging kami at aabot kami ng at least three years, nasa mid-thirties na siya kaya may chance nang magbago na ‘yong pananaw niya sa kasal.”

Itinulak ni Jaja ng daliri ang sentido ko. “Ewan ko sa ‘yo. Ang bilis mo talagang ma-fall. Isang araw ka lang nilandi, parang in love na in love ka na.”

“Hindi kaya! Iba ito, bes. Kasi hindi naman ako nafa-fall sa mga lalaking hindi pasok sa standards ko, ‘di ba? Ngayon lang.”

Mukhang natigilan si Jaja. “Oo nga, ‘no?”

“‘Di ba?” Napangiti ako. “Kung hindi dahil sa kulog na ‘yon, nag-kiss na sana kami.” I giggled while pulling Jaja’s shirt.

“Pero wala naman siyang sinabi after no’n. Baka nabigla lang. Na-carry-away.”

Itinulak ko si Jaja. “Kaasar ka!”

“Kailangan lang nating makasiguro. Para hindi masayang ‘yang kilig mo. Bukas na ‘yong reunion, ‘di ba? Bukas, dapat magkaroon ng linaw ‘yang brewing romance between you.”

Kumapit ako sa braso ni Jaja at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. “I don’t know why but I feel different. Parang ibang level ang kilig ko ngayon kaysa dati sa past boyfriends ko noong nililigawan nila ako.”

“Kasi hindi naman nanliligaw sa ‘yo si Kenzo. ‘Yong iba kasi obvious nang may paghahangad sa ‘yo umpisa pa lang kaya alam mo na ‘yong drill. Si Kenzo kasi, parang hindi mo in-expect.”

“Maybe you’re right.”

This was a whole new experience for me. And Kenzo was different. He was not my ideal guy but he had captured my heart.