KENZO looked dashing that night. Nakasuot siya ng dark gray suit na mukhang mamahalin at bago. Iyon siguro ang sinasabi niyang Giorgio Armani suit. Walang mag-iisip na galing lang iyon sa ukay dahil bagay na bagay sa kanya. Kahit na hindi pormal ang curly hair niya, bumagay iyon sa kanyang suit. Sigurado akong mabibighani sa kanya ang maraming babae sa party.
Nagulat ako nang pasakayin niya ako sa isang magarang kotse—a matte gold Lamborghini. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung saan niya nahiram iyon pero baka ma-offend siya. Wala naman akong duda na kaya ni Kenzo na magkaroon ng kotse pero hindi ganoon kamahal. Naisip ko na lang na baka hiniram niya iyon sa kanyang boss para hindi ako mapahiya sa party.
True enough, nang iparada ni Kenzo ang kotse ay lahat ng lalaking nasa parking area nang mga oras na iyon ay nakatingin at halatang nainggit. Pero sa totoo lang ay hindi ko naman kailangan ng ganoon karangyang sasakyan at mayamang “boyfriend” sa gabing iyon. Wala na akong balak na i-fabricate ang tungkol sa trabaho ni Kenzo. Gusto ko siyang ipakilala sa schoolmates ko bilang ang tunay na siya. Wala na akong pakialam kahit hindi kasing-tatayog ng mga propesyon ng boyfriends nila ang trabaho ni Kenzo. Kung gusto kong mauwi sa totohanan ang “relasyon” namin, kailangan ko siyang ipakilala sa mga tao bilang siya.
“Are you ready?” tanong ni Kenzo sa akin habang naglalakad kami paalis sa parking area.
Tumango ako. “Ikaw, ready ka na?”
“Reading-ready na.”
“Kailangan ‘wag silang makahalata, ha.”
“Akong bahala… babe.” Ngumisi siya.
Nang iumang ni Kenzo ang braso ay kumapit agad ako sa kanya. We grinned at each other as we entered the venue of the event. My heart was beating so fast. Hindi ko alam kung dahil kinakabahan ako sa gagawin naming pagpapanggap o dahil napakalapit na naman namin ni Kenzo sa isa’t-isa.
Nang pumasok kami sa entrance ay nakita ko kaagad si Dennie na nang mahagip kami ng tingin ay napatanga habang nakatitig kay Kenzo. Nakadama ako ng pride. Hindi naman kasi kaguwapuhan ang katabi nitong lalaki na malamang ay ang boyfriend nitong doktor.
As we continued to walk, we were gradually getting more attention. Nakita ko si Girlie—iyong kaklase ko na mahilig mag-like ng posts ko kahit hindi kami naging close noon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako… o si Kenzo. Lumapit siya sa amin.
“Oh my god,” sabi kaagad ni Girlie. “He’s so guwapo! New boyfriend mo, Zoey?”
Ngumiti ako. “Yes.”
“Bakit hindi naka-post sa FB?”
“Private person siya. At saka ayoko nang binubulatlat in public ang love life ko and it’s because of him. Would you believe na wala siyang Facebook? Siya ‘yong naka-inspire sa akin to change and keep my private life to myself, to ourselves…” Kinakausap ko si Girlie pero kay Kenzo ito pirming nakatingin. “He’s Kenzo, by the way.” Bumaling ako sa lalaki. “She’s Girlie, former classmate ko.”
“Hi, Girlie!” nakangiting bati ni Kenzo na inalok ang kamay sa babae na mabilis nitong tinanggap.
“Hi! Nice to meet you!” Hindi man lang itinago ni Girlie ang kilig.
Napatagal ang kamayan ng dalawa dahil ayaw bumitiw ni Girlie kaya ako na ang humila sa kamay nito. “Akin siya, ‘di ba?” bulong ko sa babae.
“Sorry na, sis. Bihira kasi akong makamayan ng guwapo.” Humagikgik ito. “Ang suwerte mo.”
Nagsilapitan na ang iba. Ipinakilala ko sa kanila si Kenzo. Hanggang sa mamataan ko si Leah. Nakita ko siyang lumalakad palapit sa amin kasama ang fiancé. Napahawak ako sa kamay ni Kenzo at naramdaman ko ang pagsakop ng palad niya sa kamay ko.
“WHAT’S your job, Kenzo?”
Yeah, right. Na-imagine ko nang si Leah talaga ang mauunang magtatanong niyon kay Kenzo. At p-in-ractice ko na rin na ako ang sasagot sa tanong na iyon nang taas-noo.
“He’s a fitness—” Natigil ako sa pagsasalita dahil pinutol ni Kenzo ang sinasabi ko.
“Gym owner. Fitness gym business proprietor.”
Owner? Itinago ko ang pagtataka ko. Na-realize ko agad na nahulaan siguro ni Kenzo na sasabihin ko ang totoo kaya pinutol niya ang pagtatangka ko. Ayaw rin siguro niyang malaman ng iba na isa siyang fitness instructor. Kunsabagay, may dala siyang mamahaling kotse ngayong gabi. Gusto siguro niyang i-justify iyon. At saka iyon naman talaga ang pinag-usapan naming plano—ang huwag sabihin na isa siyang fitness instructor.
“Oh,” sambit ni Leah. “What’s the name of the gym? Maybe we know it.”
Shit, sambit ko sa loob-loob ko. Ito na ang sinasabi ko.
“Boulder’s Gym.”
Shit. Shit. Shit. Bakit kailangang magbigay ni Kenzo ng kilalang pangalan ng fitness gym? Ang Boulder’s lang naman ang pinakamalaki at pinakasosyal na local fitness gym company sa bansa na nakikipagsabayan sa international franchise names. Gusto yata ni Kenzo na mabuking kami.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Gardo—ang fiancé ni Leah. “Boulder’s? Wow.”
Mukhang na-impress si Leah. Nang tumingin ito sa akin ay nakita ko ang approval sa mga mata nito. Mukhang na-amaze si Leah sa kakayahan kong makabingwit ng isang businessman na mas bigatin pa kaysa kay Wendell. Hindi ko alam kung paano ko nagawang panatilihin ang ngiti ko kahit parang ramdam ko na ang failure ng palabas ko.
“That’s why you look familiar,” sabi ni Ron—ang boyfriend ni Dennie. “May membership ako sa Boulder’s Makati. I must have seen you there. ‘Di ba doon ang main branch and office?”
Shit. Baka nakita ni Ron si Kenzo na nagte-train ng gym members. Ihahanda ko na ba ang sarili ko na umeskapo sa event na iyon maya-maya bago pa mabuking ang pagsisinungaling ni Kenzo?
“I think,” sabad ni Dennie, “I’ve seen him in a magazine, actually. The young founder and CEO of a fitness gym chain. Not really sure kung Boulder’s iyon. I forgot na.” Titig na titig ito sa lalaki. “Basta ang natatandaan ko, handsome and young.”
Ano’ng pinagsasabi ni Dennie? Na-convince lang siguro ito ng mukhang mamahaling suit ni Kenzo na siya mismo ang nagsabing binili lang sa ukay-ukay at pangmayamang looks ng lalaki kaya may pa-‘I think-I think’ pa ito.
Kung alam lang ni Dennie na sa tuwing umiinom kami ni Kenzo noon ay ako ang nagbabayad at hinihingan pa ako ng lalaki ng pang-taxi. Nanghinayang pa sa free gift certificate na ibinigay ni Jaja kaya napadpad sa café na malayo sa place nito para magamit iyon. Ni wala ngang kotse ang lalaki at puro galing lang sa ukay-ukay ang mga gamit.
“Oh, yes!” bulalas ni Armand—isa sa mga taong nakapaligid sa amin. “Naalala ko na. Kilalang business tycoon ang daddy mo sa Cebu!”
Nakangiti lang si Kenzo. Siguro ay naaaliw siya sa pinagsasabi ng coursemates ko. Ikinalilibang niya ang pagiging gullible nila na halatang-halatang social climbers ang peg. He must be so relieved that they believed him. He must have not realized yet that they could use their smartphones later on to check his identity on the Internet. All they had to do was to type “Boulder’s Gym owner” in Google and we were both done for.
Mukhang kailangan naming umalis nang maaga ni Kenzo. Mukhang kailangan kong i-deactivate mamaya ang Facebook ko dahil siguradong pag-uusapan ako ng coursemates ko. Pag-uusapan nila ang pagdadala ko ng isang boyfriend na nagpapanggap na mayaman at successful businessman.
I should have told Kenzo my plan that night. I should have told him that it did not matter to me if he was not as successful, career-wise, as my previous boyfriends. I had accepted him. Siguro ay kasalanan ko dahil hindi ko sinabi sa kanya na nag-iba na ang plano ko. Gusto ko lang naman sana siyang sorpresahin. Gusto kong makita niya na hindi ko siya ikinahihiya.
“You’re so lucky talaga, Zoey,” sabi sa akin ni Girlie na dinunggol pa ng siko ang braso ko. Kanina pa ito parang na-lock jaw sa pagkakanganga habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kausap namin.
Sa sobra sigurong kaba at disappointment ko sa kinapuntahan ng plano namin, sumakit ang pantog ko. I needed to pee. Nagpaalam ako kay Kenzo at sa mga kausap namin para pumunta sandali sa ladies’ room.
Habang nakaupo sa toilet seat ay pinag-iisipan ko ang alibi na sasabihin sa mga tao roon para makauwi kami nang maaga ni Kenzo. Parang hindi ko na kayang umarte sa harapan ng mga taong iyon ngayong alam ko nang pagkatapos ng kasiyahan ay malalagot na ako.
Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin ito? Bakit ko ba kinailangang magdala ng pekeng boyfriend para pagtakpan ang pagiging single ko? Bakit ba dapat kong ikahiya na hindi tulad ng dati ay nahirapan na ako ngayong makahanap ng bagong love life? Ngayon ay mas magiging kahiya-hiya tuloy ako.
How did I ever get into this mess?
Parang gusto kong maglupasay sa sahig ng banyo. Walang kasalanan si Kenzo. Gusto lang siguro niyang ipagmalaki ko siya kaya ipinakilala niya nang ganoon ang sarili. Pero teka… matalino siya kaya bakit hindi niya maiisip ang aftermath ng pagpapanggap niyang owner ng Boulder’s Gym? Bumalik sa isip ko ang ngiti ni Kenzo kanina at ang kislap sa mga mata niya na para bang enjoy na enjoy siya sa reaksiyon ng mga kausap. He looked as if he was playing around.
May pinaplano ba siya? Plano ba niyang sabihin sa mga taong iyon pagkatapos niyang mapaniwala ang mga ito na prank lang ang mga sinabi?
Napasinghap ako. Posible! Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit sasabihin ni Kenzo na siya ang may-ari ng Boulder’s Gym samantalang isa lang siyang fitness instructor doon.
Paglabas ko sa ladies’ room ay dumiretso ako sa bar counter ng event at kumuha roon ng wine glass. I needed alcohol. More than ever, ngayon ko parang gustong magpakalasing. Tinanaw ko sina Kenzo. Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi ng lalaki pero mukhang nag-e-enjoy ang lahat ng kausap niya. What was he doing?
Na-straight shot ko tuloy ang laman ng basong hawak ko. Kumuha ulit ako ng isa pang baso. Imbes na bumalik sa puwesto ko sa tabi ni Kenzo ay pumasok ako sa nakabukas na pinto ng isang silid sa gilid ng event hall. It looked like a private lounge space and it was empty. Iyon siguro ang pinagtatambayan ng celebrators ng birthday o wedding reception na umuupa ng event hall.
Umupo ako sa smoked couch na nandoon at tahimik na sumimsim ng wine habang iniisip kung ano ang gagawin. Hindi pa ako gaanong nakakapag-isip nang maramdaman kong may pumasok sa silid. Nakilala ko agad ang lalaking may mukhang mamahaling suit. Ito si Mervin—ang magna cum laude sa batch namin at kasalukuyan nang CEO ng isang kilalang food company.
Ngumiti ito sa akin. In fairness, gumuwapo si Mervin. Napatayo ako nang maalalang ito ang sponsor ng event kaya malamang na ang lalaki ang umookupa ng private lounge na iyon.
“Sorry,” sabi ko, “I shouldn’t have barged in here. Nakabukas kasi ang pinto.”
“No, it’s okay. You can stay if you want to.” May dala ring wine glass ang lalaki. “Do you mind if I sit with you, Zoey? Or do you want to be alone?”
“You know me?”
“Of course. Naging kaklase kita sa dalawang subjects.”
“Really?” Hindi ko natatandaang nag-usap kami noong college kaya hindi ko na maalalang naging kaklase ko pala ito.
Ngumiti si Mervin. Ilang sandali pa ay nakaupo na ito sa couch at nag-uusap na kami. Sandali kong nakalimutan ang pinoproblema ko dahil mahusay mag-divert ng atensiyon ang lalaki. Nag-reminisce kami sa college life. Dahil kilala rin nito ang lahat ng naging professors ko at naging kaklase ang ilan sa mga naging kaklase ko ay marami kaming napag-usapan.
“Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo,” sabi ko nang maalalang baka makita kami ng kasama nitong girlfriend at baka kung ano ang isipin dahil kaming dalawa lang sa kuwartong iyon. Nakabukas pa naman nang bahagya ang pinto ng private lounge.
“Wala akong girlfriend.”
Napamulagat ako. “Wala kang girlfriend? Talaga?” Guwapo, matalino at successful pero walang girlfriend?
Umiling ang lalaki. “I may look like I can get everything I want but I couldn’t even get the girl I had a serious crush on in college.”
Napamulagat ako. “Sino siya? Is she outside?”
He laughed softly. “Do you want to know the reason why I sponsored this event?”
Napatakip ako sa bibig nang makuha ko agad ang gusto nitong sabihin. “It was because of her? You wanted to see her again?”
Tumango si Mervin.
God, this guy was romantic.
“Torpe ka? Simula pa noong college? Why did you let her slip away?”
“May boyfriend kasi siya noon. Walang chance.”
“Pero nagka-girlfriend ka naman noong college, ‘di ba?” Naalala ko na nakita ko ito noon na may kaakbay na babae.
Tumango ito.
“Pero ngayon, single ka? How long have you been single?”
“Three months.”
“Ah… recently lang pala.”
“But I’m over her.”
“That’s good. Hindi dapat talaga kailangang patagalin bago maka-move on. But this girl you mentioned you had a crush on in college, taken na siya? Married na?”
“I’m not sure. I thought she was single but to my surprise, she brought a man to the party.”
Saglit ko pang inisip kung sino ang masuwerteng babaeng tinutukoy ni Mervin. “Who is she?” hindi nakatiis na tanong ko.
“You,” diretsang sagot niya.
Napamaang ako. “M-Me?” Noon ko lang napansin ang tenderness sa titig ni Mervin.
Ngumiti at tumango ang lalaki.
Nag-iwas ako ng tingin at uminom ng wine. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. This guy sponsored this whole event just to see me! This handsome, intelligent and successful man had a serious crush on me in college? Well, there was a guy who was obsessed with me since college but Mervin was ten times Sonny’s level.
“I wanted things to look natural,” pagtatapat ni Mervin, “kaya naisip ko ito. I made it sure that you’d attend the reunion. I didn’t want to approach you online kasi siguradong malalaman mo agad kung anong intensiyon ko. Naisip ko na kung magkikita tayo sa party… tulad nito, bigla na lang tayong nagkausap, hindi mo maiisip na sinadya kong magkita tayo.”
Napainom uli ako ng wine. Naalala ko na personal pa akong tinawagan ng organizer para siguruhin ang pagpunta ko.
“Sorry, did I make you feel uncomfortable?” puna nito.
“Ahh… a little bit? But it’s okay.” I laughed uneasily. “Hindi ko lang ine-expect na ako pala ‘yong… babaeng tinutukoy mo.”
I should be happy, right? I had been waiting to meet someone like this man. Seven months akong naghintay! Pero bakit ganoon? Why did I feel burdened with Mervin’s surprise confession? Dahil ba kay Kenzo?
Kenzo was not as successful as Mervin. He was not even my ideal man. And just a while ago, he blew everything by doing something I asked him not to do. Pero bakit ganoon? Bakit siya pa rin ang gusto ko kahit na may isang perfect guy na nagco-confess sa akin ngayon?
Kenzo was not even my boyfriend. Ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman talaga siya para sa akin. Ang pinanghahawakan ko lang sa ngayon ay iyong muntik na niyang paghalik sa akin sa ilalim ng ulan.
“That guy… are you in an official relationship with him?” tanong ni Mervin.
Relationship? If Mervin would find out that I offered Kenzo ten thousand pesos just to come with me tonight and pretend to be my boyfriend, he would probably laugh his ass off.
I could just tell that Kenzo and I were not in a relationship. Iyon naman ang totoo. Sira na rin naman ang palabas namin ngayong gabi. Pero bakit hindi ko magawa?
Napalingon ako nang makarinig ng marahas na pagtikhim. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kenzo na nakatayo sa pintuan. He did not look happy. In fact, he looked jealous and threatened.
“I’m here to fetch my girlfriend,” sabi ni Kenzo.