MATAPOS akong tanungin kung puwede kaming mag-usap sa labas ay giniya ako ni Kenzo palabas ng function hall. Napuna ko na mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang iniisip niyang kakawala ako. Ang akala ko ay mag-uusap lang kami sa labas pero dumiretso kami sa parking area. Hindi na ako umalma dahil ayaw ko na rin namang manatili pa sa event na iyon.
Pagsakay namin sa kotse ay may tinawagan si Kenzo na sinabihan lang niya ng “We’re coming.” Hindi nagsasalita ang lalaki habang nagmamaneho. Seryoso ang mukha niya. May kaunting tampo sa mga mata ni Kenzo nang tapunan ako ng tingin. Siya pa ang may ganang magtampo samantalang siya ang may kasalanan sa akin.
“Uuwi na ba tayo?” After more than five minutes ay saka lang ako nagtanong.
“We’ll go somewhere else to talk.”
“Where?”
“Here.”
Pagtingin ko sa pinapasukan namin ay nalaman kong isang sosyal na fine-dining restaurant iyon. Binati kami ng usherettes. Imbes na sa restaurant kami pumasok ay sa isang parte ng malawak na landscape garden ako dinala ni Kenzo. Huminto kami sa tabi ng isang lamp post. Mula roon ay tanaw ko ang isang water fountain na may ilaw. The ambience was serene and romantic. Bakit ako dinala ni Kenzo rito?
Seryoso pa rin ang mukha ni Kenzo nang humarap sa akin.
“Bakit tayo nandito?” naguguluhang tanong ko.
“That Mervin guy…” imbes na sumagot at sabi ng lalaki. “Nabanggit ni Ron na ‘yong nag-sponsor ng event na ‘yon. Guwapo, matalino at successful. The kind of guy you’ve been looking for.”
Nahimigan ko ang insecurity sa tinig niya pero nakita ko pa rin sa mga mata ng lalaki ang pagtatampo. Naalala ko tuloy ang kasalanan niya sa akin.
“Mukhang marami kayong napag-usapan, ha, fitness gym owner? Boulder’s Gym founder and CEO? Why did you do that? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag kang magbabanggit ng pangalan ng kompanya? Lalo na ‘yong kilala at searchable sa Internet? We’re doomed. I’m doomed. Kapag sinearch nila sa Internet ang Boulder’s Gym, bubulaga na lang sa kanila ang katotohanan na niloko mo lang siya… natin.”
“Kaya mo ba ako iniwan? Kaya ba nakipag-usap ka na lang sa lalaking ‘yon? Kung hindi ako dumating, anong isasagot mo sa kanya? Aaminin mo ba na inupahan mo lang ako para magpanggap na boyfriend mo?”
Natigilan ako. “M-marami ka bang narinig?”
“Simula doon sa kaya niya in-sponsoran ang event na ‘to dahil sa babaeng crush niya noong college.”
Marami-rami nga iyon.
“Nagsisi ka ba na dinala mo ‘ko roon at pinagpanggap na boyfriend mo? Did you think my presence in that event hindered you from getting what you’ve been wanting to have these past few months?”
Nagbuga ako ng hangin. “Why do you sound jealous and threatened?”
“I am.”
“Huh?”
“I am jealous and threatened.”
Nakamaang ang mga labing tumitig ako sa kanya. He looked really jealous. So, nagselos siya noong narinig niya na nag-confess sa akin si Mervin? Iniisip ba niya na kung hindi siya nag-butt in, sasabihin ko kay Mervin ang totoo—na wala kaming relasyon?
“Y-you really are jealous?” pagkumpirma ko. Gusto kong mapangiti pero pinigilan ko.
“I am.”
Pigil pa rin ang pagpapakita ng tunay kong reaksiyon. “Does that mean…?”
“Do you like to date that guy?”
I loved the worries I saw in his eyes. He really was threatened. “No.”
Lumarawan ang relief sa mukha ng lalaki. “Why?”
“Nagtataka nga ako kung bakit, eh. Kasi mukhang nasa kanya na ‘yong lahat ng hinahanap ko. Kaso…”
“Kaso?” May anticipation na sa mga mata ni Kenzo.
“Kaso… I guess, it doesn’t matter to me now kung ideal man ko man o hindi ang isang lalaki. Ang mahalaga ay ‘yong nararamdaman ko.”
Nakangiti na ang mga mata ni Kenzo habang nakatitig sa akin. “At ano namang nararamdaman mo?”
Hindi ko na napiglan ang mapangiti. “Probably kung ano rin ‘yong nararamdaman mo?”
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Kenzo.
“Tell me what you feel,” sabi ko.
Kinuha niya ang mga kamay ko at tumitig sa mga mata ko.
This is it! Magkaka-boyfriend na ulit ako. My longest single days will soon be finally over!
“Before I tell you about that… I want to tell you first about me.”
Oo nga naman. Marami akong hindi alam tungkol sa kanya. Come to think of it. I completely fell for someone I hardly knew. Pero sapat na ang mga panahong nakasama ko si Kenzo at ang kaunting kaalaman ko tungkol sa kanya para magustuhan ko siya. Kung mayroon man akong malalaman tungkol sa kanya, hindi siguro niyon maaapektuhan ang feelings ko para sa kanya.
Tumango ako. “I will listen.” Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kanya.
“You promise not to get mad at me?”
Saglit akong nag-alinlangan nang maaninag ko ang guilt sa mga mata niya. “Why? May ginawa ka bang hindi maganda?”
“The truth is… nickname ko lang ‘yong Kenzo. It’s actually my childhood nickname. Only my family and relatives call me by that name. People around call me ‘Kevin.’”
“Kaya pala hindi kita mahanap sa Facebook. So, anong whole name mo?”
“Kevin Lorenzo Madrid. Lorenzo is not a middle name though. It’s a part of my first name.”
Napangiti ako. “Kevin Lorenzo… kaya Kenzo. Ang cute. Pero bakit childhood name mo ang binigay mo sa ‘kin noong tinanong kita? Was it because you didn’t want me to search you on Facebook after that night?”
“I don’t really have a Facebook account. But my name is searchable in the Internet.”
“What do you mean? Sikat ka?”
I felt his thumb fingers caressed my knuckles. “When we first met, you mistook me for a fitness instructor. I found you amusing kaya hindi ko na itinama.”
Natigilan ako. “So… you’re not a fitness instructor?”
Tumango si Kenzo. “I own a fitness gym business.”
Napasinghap ako. Ibig sabihin ay totoo ang pakilala ni Kenzo sa mga tao sa reunion kanina? Siya talaga ang founder and CEO ng Boulder’s Gym at ang daddy niya ay isang business tycoon sa Cebu!
Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya.
Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil may binatbat pala si Kenzo? He was even a high profile person! Siguro ay sikat siya sa Cebu dahil mukhang doon nakabase ang pamilya at mga negosyo ng mag-anak niya. Pero bumalik sa isip ko ang mga sandaling pinasakay ako ng lalaki sa paniniwala kong isa siyang fitness instructor. He probably enjoyed fooling me.
“Zoey,” sambit ni Kenzo nang biglang maningkit ang mga mata ko.
“You made fun of me.” Sinubukan ulit niyang kunin ang mga kamay ko pero iniwas ko ang mga iyon. “Ginamit mo ‘yong gift certificate kahit malayo ang place mo kasi hinayang na hinayang ka sa libre, ha. You even asked me to pay your drinks and taxi fares---“
“I had to use them as an excuse to see you.”
Natigilan ako.
“Pumunta ako sa café ni Jaja, using the gift certificate and those receipts as an excuse to see you. I was attracted to you when I first saw you kahit na pinagbintangan mo akong pumapatol sa mga matronang clients sa gym.”
Natameme ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong ida-digest. Iyong sinabi ni Kenzo na na-attract siya sa akin kahit nakita niya ako nang lasing o iyong nakakahiyang pangdya-judge ko sa kanya noong una pa lang.
“Hindi ka nawala sa isip ko kaya pumunta ako sa café para sadyain ka para sa mga resibo. I wanted to see you again. I knew I should’ve just told you who I really was. Kaya lang, noong mga time na ‘yon, ayoko pang seryosohin ‘yong attraction na nararamdaman ko sa ‘yo. I knew you’re not into casual dating and I didn’t want to be in a relationship again yet. Gusto ko lang na makilala ka and maybe be a friend to you ‘cause I really enjoyed talking and drinking with you. When I saw you in a bar, I thought that was fate telling me that you’re not supposed to be just a friend. I liked you more than that. I tried to tell you once about who I really was but I retracted. Naghahanap lang ako ng tamang timing. Then, naisip ko na ipakilala ko sa ‘yo ang sarili ko tonight, here in this place. Inarkila ko ‘tong buong place para sa ‘tin. I also planned to tell you what I feel about you.”
Inarkila ni Kenzo ang buong restaurant para sa amin. Kaya pala parang walang tao sa loob ng restaurant nang tanawin ko ang loob. Kinuha siguro talaga niya ang restaurant na malapit sa venue para dalhin ako doon pagkatapos ng party.
“You made me look like a fool.”
Hindi ko na iniwas ang mga kamay ko nang muli niyang pagtangkaang kunin.
“I’m sorry for hiding my identity, Zoey. Wala akong masamang intensiyon pero alam kong mali ako dahil pinatagal ko pa nang ganito. If there’s one good thing this masquerade has brought, it’s the fact that you still fell for me even when you thought I was inferior to your exes. I didn’t need to meet your standards; I just need to penetrate your heart.”
Naalala ko ang pag-uusap namin tungkol sa ukay-ukay at pag-aakala kong tinanggap ni Kenzo ang magpanggap na boyfriend ko dahil kailangan niya ng pera.
Nagbuga ako ng hangin. “What made you think I really fell for a liar like you?”
Nahalata siguro ni Kenzo na hindi naman talaga ako sobrang galit sa kanya kaya nagawa niyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Bigla na lang niya akong hinapit padikit sa kanya at sinakop ang mga labi ko.
I had been waiting for that kiss to happen tonight and it did. Suddenly, I forgot that he lied about his identity and he had made a fool out of me the whole time. Mukhang tama si Jaja. Marupok nga ako. Paanong hindi rurupok kung ganito kasarap humalik?
He kissed me as if he couldn’t get enough of my mouth. Kaya naman nang huminto siya sa ginagawa sa mga labi ko ay nagtaka ako.
“Will you be my girl, Zoey?” he asked softly with tenderness and love in his eyes. “I want to be your real boyfriend.”
Sa sobrang saya ko, hindi na ako makaapuhap ng mga salita. Hinila ko na lang ang leeg ni Kenzo para abutin ang mga labi niya.