Image

SABAY pang suminghap sina Stella at Tina nang makita si Kenzo at ang magarang kotse niyang nakaparada sa tapat ng building ng opisina namin. Sinabi ko sa kanila na susunduin ako ng boyfriend ko kaya sumabay sa akin ang dalawa sa pagbaba para makita ang hitsura ng susundo sa akin.

“Is that… Kevin Madrid?” mukhang hindi makapaniwalang tanong ni Stella.

“Siya ang boyfriend mo?” manghang tanong ni Tina. “‘Yong guwapong fitness instructor na friend ni Rey?”

Marahas na bumaling si Stella kay Tina. “Fitness instructor? You mean, fitness gym chain big boss. That’s Kevin Madrid, anak ng ninong namin ni Rey sa kasal. VIP client ni Rey ang dad niya.”

Yes, alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon. Sinabi sa akin ni Kenzo na kasama niya ang ama sa kasal nina Stella at Rey dahil nagpaunlak itong makasama sa principal sponsors. Sinamahan lang niya ang ama. Madalas ay si Rey ang kinukuha ng kompanya ng ama ni Kenzo bilang project engineer kaya nagkaroon ng rapport ang mga ito. Beach resorts and hotels sa Cebu, Davao, Palawan at Boracay ang business ng daddy ni Kenzo.

Gusto ni Kenzo na magtayo ng sariling negosyo dahil ayaw maging anino ng ama kaya pagkatapos maka-graduate ay inumpisahan niyang pagplanuhan ang pagtatayo ng fitness gym business sa Makati na later on ay nagkaroon ng ilang branches nationwide.

Napatakip ng bibig si Tina. “So, mali lang ako ng dinig?”

“Baka ‘yong isa sa groom’s men ang tinututukoy mong fitness instructor.”

“Naku, pasensiya na. Na-mix-up ko siguro kasi nasa fitness industry din ‘yang si Kevin. Hindi ko naman masyadong pinagtakhan na mukhang mayaman at guwapo dahil ‘yong gym instructor din ng boyfriend ko, guwapo at mukhang rich din kasi tisoy.”

Hindi pa rin ako makapaniwalang nang dahil kay Tina ay napagkamalan kong fitness instructor si Kenzo.

“Zoey,” baling sa akin ni Stella sa akin na mukhang amazed na amazed pa rin. “How did you end up being together?”

“We met at your wedding.”

“Really?”

“Kaya ka biglang nawala no’ng gabing ‘yon?” tanong ni Tina.

“Oo nga, no?” sabi ni Stella. “Bigla ring nawala si Kevin noon dahil naaalala ko, hinahanap nila para sa tossing of the bridal garter.”

Ngumiti na lang ako. Habang papalapit ako kay Kenzo ay binuksan niya ang passenger seat para sa akin. Bago ako pumasok sa kotse ay nagdikit muna nang mabilis ang mga labi namin.

It had been a week since we became lovers and I had been the happiest woman in the universe since then. Kenzo was so romantic. He made me feel so special. He made me feel so beautiful and desirable. Lahat ng insecurities ko noong mga nagdaang buwan ay naglaho. Now, I suddenly felt as if I was a goddess because a man like him liked me so much. Hindi lang basta mayamang businessman si Kenzo, he was an heir to his Cebu-based business tycoon father.

In fact, recently ay naka-receive ako ng Facebook friend requests mula kina Leah at Dennie. They suddenly wanted to become friends with me. Social climbing bitches.

Jaja was happy for me. Siguro ay kasama na rin sa ikinasisiya ng kaibigan ko ang hindi ko na ito iistorbohin nang madalas. Kinukuha ko kasi ang me-time niya. Hindi na nagparamdam pa si Mervin pero nalaman kong may iba nang pinopormahan ang loko. Nakakita ng bagong crush sa mismong reunion.

Nagpunta kami ni Kenzo sa Antipolo kung saan kumain kami sa isang restaurant na may overlooking na city lights. Later at night, we snuggled at a glamping spot in front of a bonfire.

“Alam mo ba talaga itong pinasok mo?” tanong ko habang nakasandal sa dibdib ni Kenzo at nakatitig sa bonfire. “Alam mo na gusto kong magpakasal someday. Kaya siguro naman, naisip mo na someday, magiging tulad din ako no’ng last ex mo na magde-demand sa ‘yo ng kasal. Did you just make me a girlfriend now but plan to dispose me later?”

“Eh, ikaw? Did you just enter a relationship despite knowing my stance about marriage?”

Napabuntonghininga ako. “I know. But at the back of my mind, iniisip ko na kung para ka talaga sa akin, you will consider marrying me someday and making a family with me. After all, love is all about taking risks, isn’t it?”

“Hindi ako kasing-idealistic mo kaya nasabi ko na hindi ako naniniwala sa kasal. At saka may dahilan kung bakit para sa akin, marriage was unnecessary. You were right when you thought I was a product of a broken marriage. My dad married twice and got an annulment twice. ‘Yong biological mom ko at ‘yong stepmom ko. After two failed marriages, hindi na siya nagpakasal uli. He went out with women and been in relationship with them but he never got married again since then.”

Naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang paniniwala ni Kenzo sa kasal. Nasaksihan niya ang paghihirap ng ama noong dalawang beses na mag-undergo sa annulment process.

“My grandpa who’s still alive didn’t remarry after my grandma passed away. He became a widower very early. Nagkaroon siya ng girlfriends pero wala siyang pinakasalan at dahil doon, hindi niya dinanas ‘yong stress and hassles na naranasan ng anak niya. I never asked him why he didn’t get married again. Until recently, I had a heart to heart talk with him over a drink. After that day we spent together before the reunion, I sought his help and asked for some advice about you. I told him, I liked this girl so much but she’s the type to expect wedding bells soon. I wanted to be with her but I’m afraid that I might only hurt her in the future if I give in to what I feel. Sabi niya, bakit ko kailangang problemahin ‘yon kung hindi naman ako sure na magtatagal tayo kung sakali? Doon niya ipina-realize sa akin na special ang nararamdaman ko para sa ‘yo. You are special. Kasi nag-worry agad ako sa future. In my past relationships, I didn’t really think about the future. Hindi ko inisip kung masasaktan ko sila balang-araw dahil hindi ako naniniwala sa kasal. And that was precisely why my grandpa didn’t get married after my grandma died. He had fallen in love with other women but he didn’t think about the future before or while he was with them. The truth was, gusto raw sana niyang magpakasal pero hindi na siya nakakita ng love na kasing special ng sa grandma ko.”

I gaped and stared at him. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kenzo. “Are… are you serious about that? Special ang nararamdaman mo sa akin kahit ang bilis lang ng mga pangyayari between us before we end up together? I mean, hindi naman tayo lumabas nang maraming beses bago ka nagtapat noong reunion. How did I end up catching your heart that way?”

“What are you talking about? We had drinks twice, we had coffee together twice, went out on a ‘date’ for a whole day, held hands while walking, talked about a lot of things—from trivial stuff to personal views about life, I knew a lot about you—even your favorite milk tea flavor and we got wet together as we played in the rain…”

I found myself smiling. I did not realize how few and short yet profound and meaningful those encounters could be. Oo nga naman. Para na rin kaming lumabas at nag-date kahit na hindi talaga romantic ang purpose. At imbes na getting to know each other, siya lang ang kumilala sa akin. At sa pagkilala ni Kenzo sa akin, na-fall siya nang tuluyan. He even realized that I was special, that I was different from all the women he had dated before.

“Are you saying that you might consider marrying me in the future?” tanong ko nang buong pag-asam.

“I grew up not believing in marriage because I witnessed how my grandpa enjoyed his freedom and my dad suffered from annullment twice. But my grandpa made me realize that all it takes is a special person to change my beliefs. I might have a different fate. I might find the woman that I’d be with for the rest of my life and marry her someday.”

“And you think I could be that woman?”

Tumango si Kenzo at kinintalan ng halik ang sentido ko.

I could not contain my smile. It was too early to tell if we were the right one for each other. Nagsisimula pa lang ang relasyon namin. Ganunpaman ay nakakatuwa na mayroon akong puwedeng asahan. Sana nga, si Kenzo na ang Mr. Right na matagal ko nang hinihintay.

“My grandpa wants to meet you. Sabihin mo sa ‘kin kung kailan kita puwedeng ipakilala sa kanya at sa parents ko and my half-siblings.”

Na-excite ako. Ganoon kaseryoso sa relasyon namin si Kenzo para ipakilala agad ako sa pamilya niya? Nabawasan ang excitement ko nang ma-realize na kung ipapakilala na niya ako sa pamilya niya ay kailangan ko na rin siyang ipakilala sa pamilya ko. Pamilya ko… na hindi ko talaga pamilya dahil hindi ko sila nakasama sa iisang bahay habang lumalaki ako.

Naramdaman ko ang munting guilt sa dibdib ko. Tulad ng past boyfriends ko, hindi ko rin kayang sabihin kay Kenzo ang tungkol sa pag-aabandona sa akin ng nanay ko. Nahihiya akong malaman niya na walang kuwenta ang biological mother ko.

“Are you close with your mom?” tanong ko.

“Yes. Sa kanya ako tumira noong naghiwalay sila ni Daddy. Actually, palipat-lipat ako kung saan ko gustong matulog until my dad bought me a condo as a gift for my eighteenth birthday.”

“Nahirapan ka ba sa sitwasyon ng parents mo?”

“Noong una. I had stepparents on both sides kaya medyo hindi masaya. Pero nakasanayan ko rin. Natanggap ko ring naghiwalay sila at mas masaya na sila nang hindi magkasama. Amicable naman ang separation ng parents ko. Business partners pa rin sila until now.”

Natigilan ako nang ma-realize na halos pareho pala kami ng sitwasyon ni Kenzo. “Have you… ever felt you’re alone when they began to build a new family outside your broken family?”

“I did,” he replied contemplatively. “Noong pareho na silang may asawang iba, pakiramdam ko noon, biglang naiwan akong mag-isa. They didn’t abandon me literally but I felt like I was abandoned. Pero hindi ko hinayaang mag-linger sa dibdib ‘yong pakiramdam na ‘yon. I loved both of them and I wanted them to be happy kahit separately.”

“Wala ka na talagang nararamdamang pain sa dibdib mo when you think about what happened to your family?”

“Yes. Matagal na akong naka-move on.”

“Kahit kaunti?”

Halatang nag-isip si Kenzo. “May konting inggit kapag nakakakita ako ng mga buo ang pamilya but I don’t dwell on the feeling. It’s useless to dwell into something that’s already in the past.”

I dwelled into something that was already in the past. Kahit pareho kami ni Kenzo na nakaramdam ng pag-iisa noon, magkaiba pa rin kami ng sitwasyon. Inabandona ako ng nanay ko. Hindi kami nagkaroon ng strong bond ng daddy ko dahil workaholic ito at hindi alam kung paano mag-alaga ng isang batang bigla na lang sumulpot sa buhay nito. Mas naging close pa kami ng lolo ko. Kaya nga noong nag-asawa ang daddy ko ay hindi ako sumama sa pagbukod nito dahil pinili kong manatili sa bahay ni Lolo Teo.

“Do you have anything to tell me about your family?” tanong ni Kenzo na mukhang nakatunog sa pananahimik ko.

“Nasabi ko na sa ‘yo ang tungkol sa pamilya ko.”

“Pero hindi mo pa nasasabi sa akin kung ano ang relationship mo sa kanila. I have a feeling na kaya mo ako tinatanong ng mga ganito, kasi nakaka-relate ka sa akin kahit papa’no. You might have felt you were not part of your dad’s new family.”

Napabuntonghininga ako. For the first time in my life, pakiramdam ko ay gusto kong sabihin sa isang lalaki ang tungkol sa pag-aabandona sa akin ng nanay ko. Ganunpaman ay pinigilan ko ang sarili ko.

“Yes,” sabi ko na lang. “At saka illegitimate ako. Anak ako sa pagkabinata ng dad ko. I never really had a family, actually. Noong nag-asawa ang daddy ko, hindi ako sumama sa kanya kasi ayokong makaistorbo sa pamilyang sisimulan niya. I did not want to be an excess baggage. Ayokong maging liability sa stepmom ko kasi hindi naman niya ako responsibilidad. I stayed with my lolo who was a widower. Ayoko rin siyang maiwang mag-isa kaya sinamahan ko siya. He died a few years ago and I miss him so much.”

Humigpit ang yakap sa akin ni Kenzo at naramdaman ko na naman ang paghalik niya sa sentido ko. “Poor baby. You must have felt so alone.” Masuyo niyang hinagod ang braso ko. “I’m sorry that you had to go through that. Pero hanga ako sa ‘yo kasi hindi ka selfish. Kahit bata ka pa noon, naisip mo ‘yon. Instead of requiring your dad to be a father to you, you set him free so he could start a family of his own. You even cared so much for your lolo.”

Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Kenzo pero pinakapigilan ko ang sarili. Siguradong mas maaawa siya sa akin kapag nalaman niya ang naging pagkukulang sa akin ng daddy ko noong bata ako at ang pag-aabandona sa akin ng mama ko.

“Lalo tuloy akong na-fall sa ‘yo.”

Napangiti ako. Tiningala ko siya. “‘Baduy ng mga linyahan mo.”

Ngumisi si Kenzo at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko. Nakita ko ang tenderness sa mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko. “You’re so adorable. And day by day, I see more and more reasons why I am lucky that I have a girlfriend like you.”

Dahil sa sobrang kilig, inabot ko ang mga labi ni Kenzo at hinalikan siya nang torrid.