INIWAN ko sandali si Kenzo sa daddy, stepmom, stepsis at bayaw ko sa sala para mag-brew ng kape sa kusina ng bahay nina Daddy. Ipinakilala ko na rin ang lalaki sa “pamilya” ko dahil ipinakilala na ako nito sa pamilya niya. Magiliw naman nilang tinanggap at inistima si Kenzo. Pagkatapos ng dinner ay naisip kong mag-serve ng kape nang malipat sa sala ang kuwentuhan.
Naglalagay ako ng kape sa coffee maker nang pumasok si Lottie. Ngiting-ngiti siya na akala mo ay naka-jackpot.
“Ang suwerte mo, Ate! Nese kenye ne yete eng lehet.”
Lihim akong nakaramdam ng tuwa at pagka-proud. Sa lahat ng naging boyfriends ko, ngayon ko lang naringgan si Lottie na may sinabihan ng ganoon.
“Suwerte rin siya sa ‘kin, ‘no?”
“Oo, suwerte siya kasi hindi mo siya ginawang rebound.”
Hinampas ko ang likod ng ulo ni Lottie.
“Aray!” Busangot ang mukha ni Lottie. “From now on, ‘wag na ‘wag mo na akong dadapuan ng kamay dahil dalawa na kaming sinasaktan mo kapag ginawa mo ‘yan.” Hinimas niya ang tiyan na akala mo ay pagkalaki-laki pero parang busog lang.
Hinila ko ang buhok ni Lottie. “Kaartehan mo.”
“Aray! Sobra ka na, ha.”
Tinawanan ko lang siya at ipinagpatuloy ang pinindot ang coffee maker.
Nawala ang talim sa mga mata ni Lottie. “Seriously, I’m proud of you, Ate.”
“Dahil nakabingwit ako ng tulad ni Kenzo?”
“Kasama na rin ‘yon. Pero mas proud ako dahil nakaya mong mag-isa nang seven months.”
Hindi ako nakaimik. Noong nag-break kami ni Erick, pinatira ko si Lottie sa condo ko para samahan ako at nang hindi ko masyadong maramdaman ang pag-iisa.
“Nang-aasar ka ba?”
“Hindi, ah. Proud talaga ako sa ‘yo kasi nakita mo na at na-appreciate ‘yong beauty of being alone and you revelled into it until you meet the next person. Hindi ka nagmadaling magka-boyfriend ulit.”
Anong sinasabi ni Lottie? Ano iyong beauty of being alone? Kung alam lang niya ang mga pinaggagagawa ko in those months. Kung paano ako nagkumahog na magka-boyfriend agad pagkatapos akong iwan ni Wendell.
“Beauty of being alone…” gagad ko habang kumukuha ng cups sa cupboard. Parang iyong “perks of being single” ni Kenzo at “embrace singlehood and enjoy being with yourself” ni Jaja.
May nalalaman nang ganoon ang kapatid kong twenty years old? What did she know about failed relationships and moving on? Si Andre ang una niyang boyfriend. Hindi pa niya nararanasang masaktan at iwan. Hindi pa niya alam kung paano maka-survive pagkatapos ng isang failed relationship dahil hindi pa niya nararanasan iyon. Isa pa, hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng maging mag-isa sa buhay… ang hindi magkaroon ng pamilya. Lottie grew up with a whole family. She had a loving mother. Kasama rin niya si Daddy mula noong sanggol siya.
“Yes,” sabi ni Lottie na walang idea sa mga tumatakbo sa isip ko. “Masarap ‘yong may minamahal pero kung wala na, mas magandang samantalahin na lang ‘yong chance to love yourself more. ‘Di ba?”
Parang gusto ko uling batukan si Lottie. This brat. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Wala rin siyang ideya na pangatlo na siyang nagsabi ng ganyan sa akin.
“Sabi ni Lallie, hindi mo raw kayang walang boyfriend. Sobra ka raw emotionally dependent sa guy. Kaya noong sinabi ko sa kanya na wala ka pa ring boyfriend noong nakaraan, nagulat siya.” Nagbuga ng hangin si Lottie. “Pahiya siya. Sabi ko sa kanya, independent ang ate ko since childhood kaya kaya niya ring hindi maging emotionally dependent sa lalaki.”
Parang ang sarap ring sabunutan ng best friend ni Lottie na iyon. Although tama naman siguro ito. Maybe I was indeed emotionally dependent. But who cares? There was nothing wrong with it. Walang masama kung hayaan ko ang isang tao na pasayahin ako at bigyang halaga ang buhay ko.
“Lottie,” tawag ko sa kapatid kong umiinom ng tubig sa harap ng nakabukas na ref.
“Hmm?” Lumingon siya sa akin.
“There is absolutely no beauty in being alone. Hindi mo pa na-experience ang maging mag-isa kaya sheltered ka sa unpleasant realities of life. You are whole since birth and you never had your heart broken. I don’t want you to experience that para lang malaman mo ang sinasabi mo. I have more wisdom than you because I have experienced a lot in this life kaya makinig ka sa ‘kin. Me—of all people—should know how hard it is to be alone. So, you better…” Nahinto ako sa sinasabi ko dahil nakita ko si Daddy na pumasok sa entrada ng kusina.
Nakita ko ang guilt sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Mukhang narinig ng daddy ang sinabi ko o posibleng ang conversation namin ni Lottie.
“WHERE shall I put this?” tanong ko kay Kenzo habang hawak ang indoor plant na dala ko nang pumunta ako sa private office niya.
Iyon ang unang pagkakataong binisita ko ang lalaki sa opisina niya sa Boulder’s Makati.
Kinuha ni Kenzo sa akin ang halaman at inilagay sa ibabaw ng isang wall table. “I will tell my assistant to find a suitable place for this. Kailangan laging abot ng sight ko from my desk para palagi kong makita. Why, this is the first gift I have received from my babe so this plant is special.”
Humagikgik ako. Medyo na-guilty ako dahil marami na siyang naibigay sa akin katulad ng flowers, chocolates at isang Fendi bag. Gusto ko sanang sabihin kay Kenzo na may binili akong bonggang regalo para sa kanya na ibibigay ko sa first monthsary namin sa Saturday pero pinigilan ko ang sarili.
It was almost a month filled with love and happiness. I woke up each day feeling beautiful and wonderful. Kenzo always made me feel special and loved. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may taong nagpapadama na espesyal ako sa kanya. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang hindi mag-isa.
Napakasarap sa pakiramdam ang nagmamahal at may minamahal. Yes, in love na ako kay Kenzo at sa tingin ko ay ganoon din siya. Pero sa Sabado ko na lang sasabihin ang three magic words. Ire-ready ko na rin ang sarili ko na marinig din mula sa kanya ang mga katagang iyon.
Hinila ako ni Kenzo at ikinulong sa loob ng mga bisig niya. “Now that you’ve come to invade my workplace. Isa na lang ang hindi mo pa napupuntahan… my condo.” Naging pilyo ang ngiti niya.
I laughed. “I might invade it soon so you better be ready.”
Nakita ko ang excitement sa mga mata ng lalaki. “I’m always ready.” He recited the door pass code of his condo.
Nahampas ko ang balikat niya habang tumatawa. Natigil ako sa pagtawa nang kabigin ako ni Kenzo at ikulong sa mga bisig niya. Kung makatitig ang lalaki, parang ako na ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya. Soon enough, his lips claimed mine.
Inilibot ako ni Kenzo sa buong main office ng Boulder’s nang magkahawak ang mga kamay. Ipinakilala niya ako sa ilang mga taong may matataas na posisyon sa kompanya na nakita namin sa hallways. Narating namin pati ang fitness gym mismo. Medyo mahal ang membership fee sa Boulder’s Gym dahil sosyal ito kaya hindi ako rito nagpa-member noon. Talaga namang napakasosyal ng gym nang pasukin ko. First class ang gym equipments. May nakita pa nga akong isang celebrity sa treadmill.
“Do you want a membership?” tanong ni Kenzo nang makitang amazed na amazed ako sa paligid. “I will give you free membership pero exclusive lang dito sa branch na ‘to para lagi kitang makita.”
Napangiti ako. “Ang layo naman ng paggi-gym-an ko.”
“With free pick-up service and breakfast and lunch. Plus, ako pa ang magiging personal fitness trainer mo.”
Tumawa ako pero natigil ako sa pagtawa nang mapatingin sa isang lalaking nakaupo sa lat machine. It was Wendell! Nakatingin ito sa akin habang humihila ng pull downs. Member ito sa gym na iyon? Siguro ay bagong member lang dahil ang naaalala ko ay iba ang gym na pinupuntahan niya noon.
Ang sabi ko noon, huwag ko muna sanang makita si Wendell accidentally hangga’t wala pa akong naipapalit dito. Mukhang pinakinggan ang panalangin ko dahil nakita pa ako nitong kasama at ka-holding hands ang lalaking ipinalit ko rito.
I wanted him to see me happy with someone else. Now I was contented and totally over him. And because I was totally over Wendell, I smiled at him.
HABANG tinititigan ko si Wendell na nakaupo sa tapat ko sa mesa, napansin kong medyo nagkaedad ang hitsura niya. It was not even a year since he broke up with me. May pinagdaanan ba siya? Hindi ba siya masaya sa buhay niya ngayon? Gusto ko lang na makita niya akong masaya pero hindi ko naman hinangad na maging miserable ang buhay ng lalaki pagkatapos akong iwan. May pinagsamahan din naman kami. Kahit na sinaktan niya ako, gusto ko pa ring maging masaya siya.
Alam kong hindi ko dapat pinaunlakan ang pagyayaya ni Wendell na magkita kami. Ni hindi ko nga dapat sinagot ang text message niya. Kaya lang, naisip kong baka may gusto siyang sabihing mahalaga. Ayokong isipin kung ano iyon kaya pumayag akong makipag-meet sa kanya sa isang coffee shop.
“Kumusta ka na?” kaswal na tanong ko.
Bahagyang ngumiti si Wendell. “Okay naman ako.”
“Nagpaalam ka ba sa girlfriend mo na makikipagkita ka sa ‘kin? Baka kasi kung anong isipin niya kung may makakita sa atin kung sakali.”
“Hindi pa ako nagka-girlfriend ulit simula noong maghiwalay tayo.”
Na-curious ako pero hindi ako nagtanong dahil baka kung ano ang isipin niya.
“You look exceptionally happy.”
Ngumiti ako. “I am happy. Someone is making me happy now.”
“Nakita ko nga. Kevin Madrid is quite a good catch. I heard bago lang kayo.”
Tumango ako. “Almost a month pa lang.”
“To be honest, nagtaka ako noong malaman ko na after a number of months, wala ka pang ipinapalit sa ‘kin. I almost thought that you had a hard time getting over me and you’re waiting for me to come back to you.”
Nagbuga ako ng hangin. “Rest assured, madali lang akong naka-move on sa ‘yo.”
Malungkot ang ngiting sumilay sa mga labi ni Wendell. “I know.”
Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makadama ng guilt sa sinabi ko.
“Alam ko kung gaano ka kabilis mag-move on. Hindi lang ako ‘yong ex mo na mabilis mo lang nakalimutan kahit matagal ang pinagsamahan.”
Hindi ako nakaimik habang nakatitig sa mga mata ni Wendell. He looked hurt. Siya pa talaga ang may ganang magpakita ng sakit samantalang ako ang sinaktan niya noon?
“For a moment, I thought you’ve decided to be alone for a while while trying to move on from me until I saw your officemate recently. Nabanggit niya nang hindi sinasadya na one time, pumayag kang ireto sa kaibigan ng boyfriend niya. I also met a common acquaintance just a few days ago. Ang sabi niya, dalawang beses ka raw niyang nakita pagkatapos nating mag-break. You were out with two different guys.”
“They never became my boyfriend!”
“I know. You’ve been single for seven months. I saw your Facebook. Recently mo lang binago ang relationship status mo.”
Bakit ba kasi naka-public ang life events ko? I unfriended Wendell on Facebook seven months ago. At saka bakit siya naglu-lurk sa Facebook ko?
“My point is…” patuloy ni Wendell, “you tried to find someone to replace me immediately. Hindi ka lang nakapaghanap agad.”
“What do you want me to do?” napapantastikuhang tanong ko. “Dwell on the fact that you left me?”
Bumuntunghininga si Wendell. “At least take your time and heal your wound before you enter a new relationship.”
Nagbuga ako ng hangin. “Who are you dictate me what to do? You caused that wound, Wendell. How dare you tell me to heal my wound before I find someone to love me again. Hindi ba dapat, wala ka nang pakialam kung paano ako magmu-move on sa ‘yo?”
Mapait na ngumiti ang lalaki. “To love you… Tama. You only need someone to love you. You don’t really need someone to love.”
“What are you talking about?”
“Months before we broke up, nakausap ko ‘yong ex mo bago ako. Coincidentally, siya ang nakuha kong architect para sa bahay na pinagagawa ko noon. When we discovered that we have a common denominator, we started talking about you. He said you also met him while you were nursing a broken heart. Sinabi niya sa akin na miski ‘yong nauna sa kanya na naging boyfriend mo, ganoon din. Mukhang pare-pareho pala kami ng naging posisyon sa puso mo.”
“I don’t understand what you’re trying to say.”
He sighed heavily. “I realized you never really loved me, Zoey. You never really loved any of us.”
Napamaang ako. “What?”
“You only used us to recover from the pain from your failed relationships. You only get into a relationship with us because you didn’t want to be alone. I remember you used to tell me you hated being alone. Ngayon ko lang na-realize ‘yong gravity ng fact na iyon about you. Well, medyo guilty ako dahil parang sinadya kong magpagamit. I actually permitted that. I was willing to be a rebound because I was so into you. I didn’t realize that was a bad thing.”
Gusto ko sanang sabihin na hindi totoo iyon pero hindi ako makapagsalita. Somehow, I knew there was some truth to that. Totoong sinadya kong gawing mabilis ang muling pagpasok sa isang relasyon para magamot ang sugat na iniwan ng previous relationships ko. Sinadya ko iyon dahil ayokong mag-isa. Pero hindi totoong iyon lang ang mga dahilan kung bakit ginawa ko iyon. Hindi totoong hindi ko sila minahal.
“Iyon ang dahilan kung bakit ang bilis mong maka-move on,” patuloy ni Wendell. “Kasi hindi mo naman kami minahal nang totoo. Kung minahal mo talaga, ‘di ba, dapat matagal bago mawala ‘yong feelings kahit nasaktan ka pa? You never really know how to truly love someone, Zoey. Because the one you only love is yourself.”
Tuluyan nang naumid ang dila ko.