Image

MUKHANG kapita-pitagan ang dating ni TJ sa suit niya nang magkita kami sa Starbucks. Tinawagan ko siya nang makuha ko ang phone number sa website ng law office na pinagtatrabahuhan niya. Pumayag naman siyang mag-meet kami.

“May idedemanda ka ba, Zoey?” tanong niya.

Napangiti ako. TJ must have thought that I contacted him to seek for some legal assistance. “Wala naman.”

“Ico-consult?”

“Wala rin naman.”

“Hindi mo naman siguro ako pinapunta rito para may ipanotaryo, ‘di ba?” nakangising tanong niya.

Napatawa ako nang bahagya. “Gusto lang talaga kitang kumustahin at makausap.”

“I have a girlfriend, Zoey. Kaya kung iniisip mo na makipagbalikan sa ‘kin—”

“Wala akong balak,” putol ko sa sinasabi niya.

Napansin ko ang disappointment sa mukha ni TJ. “So, bakit gusto mo ‘kong makausap?”

Naalala ko ang ginawa kong pagsapak sa mukha ni TJ noong nakipag-break siya sa akin. Sa isang coffee shop iyon nangyari at nasaksihan ng mga tao roon ang pananapak ko sa kanya. Feeling ko, nagtanim si TJ ng sama ng loob sa akin sa ginawa ko dahil napahiya siya. Mahinahon nga naman siyang nakipagkalas sa akin pero naging ballistic ako at sinapak siya.

“‘Wag mong sabihing magso-sorry ka sa pananapak na ginawa mo sa akin noong naghiwalay tayo?”

“Ganoon ba talaga kalakas ‘yong sapak ko para hindi mo makalimutan hanggang ngayon?”

Nagpakawala ng paghinga si TJ. “Paano ko makakalimutan? Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng sumapak sa ‘kin?”

“Kaya ako nakipagkita sa ‘yo… gusto kong malaman kung deserve mo ‘yong sapak ko o hindi.”

Kumunot ang noo ni TJ. “What do you mean?”

“Ang sabi mo noon, kaya ayaw mo nang ipagpatuloy ‘yong relasyon natin… kasi hindi mo na kayang pagsabayin ang studies at love life. Gusto mong mag-concentrate sa studies mo dahil gusto mong makakuha ng academic honor. Gusto mong makakuha kahit pagiging Cum Laude sa pre-law mo. Saka matagal ka pang mag-aaral dahil gusto mong maging lawyer. Hindi mo ‘yon magagawa kung may kailangan ka pang ibang intindihin bukod sa pag-aaral. You chose your studies and dream and decided to ditch me. ‘Sabi mo, you’d rather not commit because you might not fullfill your duties as a boyfriend anymore. Magiging unfair sa akin kung hindi mo maibibigay ‘yong kailangan kong time and attention dahil kailangan mong i-priority ang pag-aaral. Pero ngayon ko lang na-realize na sugar-coated lang ‘yong breakup speech mo.”

Hindi sumagot si TJ pero nasa hitsura niya na mukhang wala siyang pagtanggi sa huling pangungusap na sinabi ko.

“Tell me, TJ,” I encouraged him. “Ano ‘yong totoong dahilan kung bakit hiniwalayan mo ‘ko?”

Halatang nagtaka ang lalaki. “Bakit mahalaga pang malaman mo pa ‘yon ngayon, Zoey? Ilang taon na ang nakalipas.”

“I’ve been reflecting about my past relationships. Gusto kong i-evaluate ang sarili ko as a girlfriend. Hindi ba akong naging mabuting girlfriend sa ‘yo noon, TJ? Kaya ba nawala ‘yong feelings mo para sa ‘kin? Kasi kung mahal mo pa ‘ko noon, hindi mo ako bibitiwan para sa pangarap mo. Isasama mo ako sa pag-abot ng mga pangarap mo.”

Humigop muna ng kape ni TJ bago sumagot. “You’d been a good girlfriend, Zoey. Kung hindi, siguro, hindi naman tayo tatagal nang ilang taon. You made me feel needed. You made me feel like I was the only one who could make you happy. And in the first years of our relationship, I was enjoying it. Kaya lang, noong nag-college tayo, nagkahiwalay tayo ng school. Noong time na ‘yon, naging intense ‘yong pagiging demanding mo sa time and attention ko. Somehow I understand kasi hindi na tayo magkasama sa iisang school kaya nami-miss mo ‘ko pero minsan, hindi na ako nakakapag-concentrate sa paggawa ng homework kasi gusto mo, palagi tayong magkikita after school. Nakayanan ko namang pagsabayin ang studies ko at ikaw pero naging mahirap na sa ‘kin later on. Naging demanding na rin ang school. I always had to stay up late to finish my homeworks and projects because I had to spend time with you almost every day. Hanggang isang araw, I failed an exam because you asked me to help you with your project.”

Tandang-tanda ko iyon. Sobra ang guilt na naramdaman ko noong nalaman kong bumagsak si TJ sa exam niya, samantalang ako ay nakapagpasa ng project. Hindi naman ako palaging nagpapatulong ng project, sadya lang hirap na hirap ako sa project na iyon kaya nagpatulong ako sa kanya. Alam ko na may exams si TJ noon pero alam ko ring matalino siya at kahit hindi gaanong mag-review ay nakakapasa. Pero sa pagkakataong iyon ay nagkamali ako ng tantiya. Nakalimutan kong nasa college na pala kami noon at mas mahirap ang course niya kaysa sa akin. Sa sobrang guilty ko, inubos ko ang laman ng savings ko para ibili siya ng bagong labas na NBA rubber shoes na gustung-gusto ni TJ na magkaroon. Para kahit paano ay mapalubag ko ang kanyang loob at mapatawad niya ako.

“I remember you apologized to me profusely. Binigyan mo pa nga ako ng expensive gift para patawarin kita. Akala ko, nang dahil sa nangyari, naintindihan mo nang kailangan nating bawasan ang oras para sa isa’t-isa dahil mayroon tayong individual goals and I was entitled to my personal space. Pero a few days later, you asked me to accompany you to a concert kahit alam mong may ginagawa akong term paper. Alam kong sobrang idol mo ‘yong international band na ‘yon at noon lang sila magco-concert sa Pilipinas pero hindi mo inisip na puwede na naman akong mapahamak sa school at maapektuhan ang grades ko. Doon ko na na-realize na mas mahal mo ang sarili mo kaysa sa ‘kin. I used to sacrifice for you but you couldn’t be emphatic with me. I had dreams and I didn’t want to let you ruin it. Your being clingy and demanding eventually became burdensome. So, I had to give you up kahit mahal kita.”

Bumaba ang tingin ko sa kapeng iniinom ko. That was the word I was waiting to hear—burdensome. Pabigat. Naging pabigat din ako sa kanya gaya ng pagiging pabigat ko kay Justin. Siguro ay naging makasarili ako nang maglambing ako at magpasama sa kanya sa once in a lifetime concert na iyon. Sinubukan ko namang si Jaja na lang ang isama pero nagkataong anniversary nila ni Jed kaya hindi ako napagbigyan ng kaibigan ko. Sila lang naman kasing dalawa ang mayroon ako. Hindi ko naman puwedeng isama ang lolo ko sa concert na iyon.

“You know,” patuloy ni TJ, “sometimes even if we love someone, we have to set that person free. Hindi naman kasi dapat na sa romantic love lang umikot ang mundo ng isang tao. Ang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero feeling ko, hindi ko ‘yon magagawa kung magkasama pa rin tayo. Gusto kitang isama sa pag-abot sa mga pangarap ko. Kaya lang, paano maaabot ng mga kamay ko ang mga iyon kung habang kasama kita, parati mong hawak ang mga kamay ko? Sobrang hirap para sa ‘kin noong sinabi ko sa ‘yong gusto kong maghiwalay na lang tayo. For a moment, parang gusto ko pa ngang bawiin ‘yong desisyon ko nang makita ko ‘yong mists sa mga mata mo noon. But when you punched me, I realized I made the right decision.”

Nang magtaas ulit ako ng tingin ay nakita ko ang munting pain sa mga mata ni TJ. Guilt flooded my chest. I shouldn’t have punched him in the face then. Nasaktan lang kasi talaga ako nang ipahiwatig ng lalaki na mas magiging masaya siya kapag wala na ako sa buhay niya. I suddenly remembered the mom who abandoned me. I got mad and felt the sudden need to hurt him.

“For the record, Zoey, hindi na ako nagka-girlfriend habang nag-aaral ako. Natakot kasi akong baka maulit ‘yong nangyari sa ‘tin. Nag-concentrate lang talaga ako sa pag-aaral hanggang sa makatapos ng law. Pumasok lang ulit ako sa isang relationship after I graduated.”

I felt bad for TJ. Mukhang napahirapan at nasaktan ko talaga siya.

“I’m sorry for punching you, TJ. You didn’t deserve that punch.”

Ngumiti si TJ na para bang nasiyahan sa narinig. “May kasalanan din naman ako sa ‘yo. Hindi ko tinupad ‘yong pangako ko noong nililigawan pa lang kita.”

“Will you be able to stay by my side always?” umalingawngaw sa isip ko ang sarili kong boses nang itanong ko iyon kay TJ.

Was that how desperate I was to have someone beside me? Pakiramdam ko tuloy ay parang ginamit ko lang si TJ para lang maiwasan ko ang pag-iisa.

“Sa tingin mo ba… minahal talaga kita?”

Halatang hindi inaasahan ni TJ ang tanong ko. “What do you mean?”

“Naramdaman mo ba na minahal talaga kita? O sarili ko lang ang minahal ko?”

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mga mata ko na para bang binabasa ang iniisip ko. Nakita ko ang bahagyang pamimilog ng mga mata ni TJ na para bang mayroon siyang biglang na-realize. “Sinasabi mo ba… after all these years, na hindi mo ako totoong minahal?”

Napayuko ako sa tasa ng kape. “I don’t know, TJ. Ang alam ko, minahal kita. Pero sa mga sinabi mo, pakiramdam ko, sarili ko lang ang minahal ko.”

“Zoey…”

Nang mag-angat ako ng tingin ay nasilip ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Minahal lang ba kita dahil kailangan kita o kailangan kita noon dahil mahal kita?”