HABANG humihigop ng espresso sa Adriano’s Café sa Bern, Switzerland ay nakamasid ako sa tanawin sa labas na kitang-kita ko mula sa glass wall. The view from where I sat was perfect. I could see the beautiful Romanesque-styled buildings, spacious pavement and people walking by. I never thought I could enjoy such a view alone.
Yes, alone. I went here in Switzerland alone. I never travelled alone in the past but I went here all by myself. Ito ang dream honeymoon destination ko. Ayoko sanang puntahan ito hanggang sa makapag-asawa ako pero naisip kong maikli lang ang buhay kaya dapat ay gawin na ang mga dapat gawin at puntahan ang lahat ng gustong puntahan. Kahit mag-isa.
It had been two months since I chose to be alone and now I could proudly say that I have succeeded in fixing myself. I did not hate being alone anymore. I have finally seen the beauty in it. I have learned to embrace it and enjoy the perks that came with it. I could do things alone now without being unhappy about it. I had learned to enjoy doing things alone.
I had spent two months reflecting about myself and my life. Nang malaman ko na minahal ako at patuloy na minamahal ng mama ko kahit wala na siya sa mundo ay unti-unti nang nawala ang takot at lungkot ko sa ideya ng pag-iisa. All this time, I was never really alone. She was there by spirit to watch over me.
Unti-unti na rin naming binubuo ni Daddy ang samahan namin bilang mag-ama. Bumabawi na siya sa mga naging pagkukulang niya sa akin. Once a week ay lumalabas kaming dalawa para mag-bonding. I knew how to play golf now because of him and he discovered that milk tea tasted good because of me. Pero sa tingin ko ay kailangan ko na siyang awatin sa newfound addiction niya sa milk tea dahil ayoko siyang magkaroon ng diabetes.
Nakatulong ang realizations ko tungkol sa previous relationships ko para makilalang mabuti ang sarili ko. At ngayon ay gusto kong magmahal dahil mahal ko ang isang tao at hindi dahil kailangan ko siya. Dahil naayos ko na ang puno’t-dulo kung bakit ako naging ganoon, alam ko, kaya ko nang magmahal nang totoo.
I felt like I was reborn. This was Zoey Ann Galvez Del Mundo version 2.0. Better. Happier. Fixed.
Tumunog ang phone ko at nakita ang message ni Leah sa akin sa Messenger.
You’re in Switzerland right now, Zoey?
Obviously, nakita na niya ang picture na i-p-in-ost ko sa Facebook—ang mga kuha ko sa trip kong ito.
Alone? dugtong kaagad niya.
Of course, nalaman niyang hiwalay na kami ni Kenzo. Hindi ko alam kung paano. Nagugulat na lang ako sa kapasidad ng babaeng ito na kumalap ng tsismis. Nag-message nga siya a month ago. Kunwari ay nakikisimpatya pero parang gustong sabihin na hindi talaga ako matatagalan ng isang tulad ni Kenzo.
Yes, alone.
Why would you go alone to a beautiful place like that?
For someone who had been alone for so long, it looked like Leah had not embraced her singlehood that well. Bakit ba kasi sinasagot ko pa rin ang messages nito?
I used to avoid traveling alone because I didn’t think it was fun. But when I tried it, I found out it was fun. You should try traveling alone once in your life.
Wow, reply nito. Parang iba ang dating mo ngayon. You sound like you’re no longer a serial monogamist who can’t stand being alone.
I am no longer a serial monogamist, sagot ko. Well, wala namang masama sa paghahangad na magmahal at mahalin palagi kaya sana don’t look down on serial monogamists. Pero, ako, I’ve learned to be emotionally independent now kaya kaya ko nang maging masaya kahit mag-isa.
Pagka-type ko niyon ay pinindot ko ang “ignore messages” sa conversation namin ni Leah. Bakit ngayon ko lang naisip ito? Itinago ko na ang cellphone sa bag at ibinalik ang tingin sa labas ng window wall.
“Excuse me.”
Bumaling ako sa nagsalita sa gilid ko. Nakita ko ang isang guwapong foreigner na mukhang Briton dahil sa accent.
“Hi!” nakangiting bati niya.
Gumanti ako ng ngiti. “Hello.”
“Are you alone?”
“Yes.” Dati-rati, sa tuwing naririnig ko ang tanong na iyon ay naririndi ako at bumibigat ang dibdib pero ngayon ay wala na akong ganoong reaksiyon.
Kumislap ang mga mata ng lalaki. “Do you mind if I join you?”
Gusto ba akong digahan ng Britong ito? In fairness, guwapo talaga siya. Kung nakilala ko lang ang lalaki noong panahong desperada akong makahanap ng bagong boyfriend ay hindi ako magdadalawang-isip na makipagkape sa kanya.
“Yes,” sagot ko.
“Come again?”
“Yes, I do mind. I prefer to be alone. Thank you.” I smiled at him politely.
Halatang na-disappoint ang Briton pero ngumiti pa rin bago umalis.
I did not need a company right now. I wanted to be alone. But if I would choose not to be alone anymore, there was only one guy I would want to be with.