ImageNARAMDAMAN ko ang paggitaw ng pawis ko sa noo nang sabayan sa pagtakbo ang bilis ng treadmill. Panay ang punas ko dahil ayokong masyadong pawisan. Kailangang maganda at fresh pa rin ako kahit naggi-gym dahil may balak akong akitin ang fitness trainer ko.

I just signed up for a VIP membership in Boulder’s Makati. Dahil VIP ako, nag-request ako ng personal fitness trainer. Iyong pinakaguwapo at pinakamabangong “fitness instructor.” Iyong “fitness instructor” na nakilala ko sa kasal ng common acquaintance at niyaya kong uminom at pagkatapos ay pinagpanggap kong boyfriend nang dalawang beses. Iyong nag-suggest sa akin na kailangan ko munang gamutin ang puso ko bago ako magmahal muli.

Magaling na ang puso ko. Wala na akong galit dito. Kaya sa tingin ko ay puwede na akong magmahal muli o magmahal nang tunay at buo.

Kaya lang ay natapos na ako sa treadmill pero hindi pa rin dumarating ang personal fitness trainer ko. Sa halip, si Wendell na nakatayo sa harapan ng treadmill ang nakita ko. Tuluyan ko nang pinatay ang equipment at bumaba sa treadmill.

Right. Maybe I needed to talk to Wendell. I had talked to Erick over the phone a month ago and I told him about the reason why I was clingy and needy as a girlfriend before and why I became a serial monogamist. Imbes na ako ang mag-apologize sa kanya dahil siya ang pinakamatagal na nagtiyaga sa emotional instability at dependency ko, siya pa ang nag-sorry sa akin. It felt good to finally be open about my past.

“Can we talk after this, Zoey?” tanong ni Wendell. Wala na sa mga mata nito ang nakita ko noong huli kaming nag-usap.

“I’m sorry, Wendell. I think I’d be occupied after this. Kung may sasabihin ka, puwede namang ngayon.” Niyaya ko ang lalaki sa isang sulok ng gym.

Bumuntunghininga ito. “I’ve heard from Erick about your mom.”

Tumango ako. “I’m sorry if I didn’t tell anyone of you about it.”

“Naiintindihan na kita, Zoey. And I’m sorry for all the words I hurled at you the last time we talked. Naging exaggerated lang ako. You’d been a good girlfriend to me, Zoey.”

Ngumiti ako. “Pero sorry pa rin kung nasaktan kita.”

Tumitig nang matagal sa akin si Wendell bago muling nagsalita. “Zoey… would you believe if I tell you that I miss you?”

“Huh?” Hindi ko inaasahang marinig iyon. Napansin ko ang biglang pagsungaw ng pangungulila sa mga mata ng lalaki.

“Can we have dinner one of these days?”

Hindi ako nakasagot. Gusto ba ni Wendell na magkabalikan kami?

“Alam kong wala na kayo ni Kevin. Kaya walang magagalit kung—”

“May magagalit.”

Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Nakatayo si Kenzo roon at halatang hindi masaya sa naabutan. Humakbang siya palapit sa amin at huminto sa tabi ko. Alam kong untimely pero naramdaman ko ang napakasarap na pagsikdo ng dibdib ko nang makita siya. God, I missed him.

“Alam mo ba kung gaano katagal kong hinintay si Zoey?” kausap ni Kenzo kay Wendell. “I was, actually, on the verge of breaking my promise not to contact and see her in person while she’s fixing something about her personal life because I couldn’t stand being away with her anymore but she shows up now. I’m sorry, man, pero magagalit ako kung yayayain mo ng date ang girlfriend ko.”

Halatang hindi inaasahan ni Wendell ang ginamit ni Kenzo na pantukoy sa akin.

“We never really broke up officially,” paliwanag ni Kenzo. “Nag-cool off lang kami. And seeing her here now, it means she’s back with me.”

Pinigilan ko ang mapangiti sa kilig dahil ayokong masaktan si Wendell. Saglit na lumarawan ang defeat sa mukha ng huli pero ngumiti rin kaagad.

“I understand. Best wishes to both of you.”

Nang umalis na si Wendell ay nagharap kami ni Kenzo. Bakit parang mas lalo siyang gumuwapo? Nakita ko ang matinding saya at pangungulila sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin at lamukusin ng halik ang mga labi niya pero may mga tao sa gym.

“So, are you done making my life miserable?” nakangiting tanong ni Kenzo.

I grinned. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan ang mga iyon nang mahigpit na para bang hindi na niya ako hahayaang makawala pa.

“You don’t know how much I’ve missed you.”

“I’ve missed you, too. But that was the price I had to pay to fix my personal issues. And you know why I had to do that. Gusto kong maging buo para sa ‘yo.”

Halatang nasiyahan ang lalaki. “So, sawa ka nang maging alone and single?”

“I enjoyed being single this time. But I can’t possibly be alone for too long because I’m in love with this person. I’m truly in love with him. Sigurado na ako na mahal ko siya kaya kailangan ko siya and not the other way around.”

Mukhang kinilig si Kenzo. “So, you love me?”

“I love you,” I said wholeheartedly. “Thank you for waiting for me.”

“But there’s something that won’t wait anymore.”

“Ano ‘yon?”

Hinila ako ni Kenzo paalis sa gym at pumasok kami sa private locker room niya. Noong inilibot niya ako noon sa buong gym ay ipinakita sa akin ng lalaki ang sariling locker room na ginagamit niya sa tuwing nag-gym siya roon. Ang sabi pa nga niya ay kung magpapa-member ako roon ay puwede kong gamitin ang private locker room na iyon.

Kenzo gently shoved my back on the locker door and claimed my lips immediately. Ramdam ko ang matinding pananabik niya sa mga labi ko. Ganoon din naman ako. Dahil marami akong mapagkukumparahan, alam ko na siya ang pinakamagaling humalik sa lahat. At sana… sana ang mga labi na niya ang huling mga labing hahalik sa akin.

After kissing me, he hugged me so tight. Ah, I had missed these hard muscles and warm body.

“What’s your pad’s door code again?” bulong ko sa tainga niya. “I might barge in tonight.”

Bahagya niya akong inilayo sa kanya para tingnan ako. I liked the playful grin that crossed his lips.

 

 

 

THE END