“Amanda, puwede mo bang ipasyal yung aso?” tanong ng kanyang nanay.

“Huwag muna ngayon. Mamaya na lang,” sagot ni Amanda.

“Kailan mo ba ako matutulungang gumawa ng sulat para sa kaarawan ni Tatay?” tanong ng kanyang nakababatang kapatid na babae habang papatakbo sa silid ni Amanda. “Buong araw na akong naghihintay.”

A picture containing indoor, person, computer, computer

Description automatically generated

“Sa isang lingo pa ang kaarawan niya!” tugon ni Amanda, kasabay ng buntong-hininga, at hindi man lamang lumilingon.

“Pwede nating gawin iyan bukas.”

Maya-maya, pumasok na rin ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki. “Ate Amanda, pwede mo ba akong basahan ng libro?” tanong nito. “Gustong-gusto ko kapag binabasahan mo ako. Lalo na ng mga kwento tungkol sa mga pirata.”

“Wala akong gana ngayon. Sa ibang araw na lang,” sagot ni Amanda.

Ang mga oras ay naging mga araw at hindi pa rin ginawa ni Amanda ang mga bagay na ito. Nang sumapit ang kaarawan ng kanyang tatay at hindi pa rin siya nakakagawa ng sulat, naisip niya, Hindi bale, gagawa na lang ako sa susunod na taon.

Walang oras si Amanda sa paggawa ng mga bagay. Lagi siyang abala at kahit na ang paglalaro ng chess—ang paborito niyang gawin, ay hindi niya na nagagawa.

Ganito na sana ang magiging kaganapan sa mahabang panahon, ngunit isang araw, kakaibang pangyayari ang naganap...

Tumunog ang orasan pagsapit ng ika-7 ng umaga gaya ng nakagawian.

Iminulat ni Amanda ang kanyang mga mata at sumilip sa bintana, ngunit napakadilim ng paligid. Sira marahil ang orasan, naisip niya, at bumalik sa pagkakahimbing.

Nagising siyang muli makalipas ang isang oras, ngunit gabi pa rin sa labas. Parang may mali ngunit hindi niya alam kung ano iyon.

A doll sitting on a table

Description automatically generated with medium confidence

Bumangon na si Amanda mula sa kanyang kama dahil pakiramdam niya ay mas mahaba na ang oras ng kanyang tulog.

Nagpunta siya sa kwarto ng kanyang mga magulang ngunit walang tao. Nagtungo siya sa silid ng kanyang kapatid na babae pero wala ring tao. Sinilip nya ang silid ng kanyang kapatid na lalaki, ang kusina, ang sala, ang palikuran, ngunit walang kahit na sino ang nasa bahay.

Bumalik si Amanda sa kanyang silid at tumanaw sa bintana at sa madilim na kalangitan.

Nasaan ang pamilya ko? sa isip niya, habang nangingilid ang mga luha.

Maya-maya, may narinig siyang kakaibang tinig. “Alam ko kung ano ang nangyari sa’yo,” sabi nito.

A picture containing person, indoor, child, blue

Description automatically generated

Napalundag si Amanda at tumingin sa paligid ngunit wala siyang makita. “Ano? Sino ka?” tanong niya.

“Tumingin ka sa langit. Narito ako,” tugon ng tinig.

Tumanaw si Amanda sa kalangitan mula sa kanyang bintana at nakita niya ang buwan na nakangiti sa kanya. Ang buwan ba ang nagsasalita? nalilitong naisip nya.

“Anong nangyari sa akin?” tanong ni Amanda.

“Nasa daigdig ka ngayon kung saan ay purong kadiliman,” sagot ng buwan. “Narito ka dahil hindi mo ginagamit nang maayos ang iyong oras at pinalipas lamang ito.”

“Hindi ko maintindihan,” bulong ni Amanda.

“Ang mga lumipas na oras ay kinikolekta sa babasaging bote at nakukuha sa Puno ng Panahon,” paliwanag ng buwan. “Ito ay matatagpuan sa mahiwagang kagubatan, kung saan ang araw ay laging nakatirik. Maraming bote doon sa puno at iba-iba ang laki dahil ang ibang tao ay maraming oras ang sinasayang habang ang iba ay kakaunti naman.

“Ibig bang sabihin nito ay hindi ko na makikita kailanman ang aking pamilya o mga kaibigan?” sabi ni Amanda. “Anong dapat kong gawin ngayon?”

“Isang bagay lang ang maaari mong gawin para maibalik mo ang iyong oras,” sabi ng buwan. “Kailangan mong magtungo sa Puno ng Panahon at hanapin ang bote na may pangalan mo. Pagkatapos, buksan mo at pakawalan ang iyong oras.”

Sasabihin na sana ni Amanda ang palaging sagot nya na “Gawin ko na lang bukas...” nang magpatuloy ang buwan, “Ngunit kailangang ngayon ka na magtungo. Kung hindi mo mapapakawalan ang iyong oras sa loob ng limang oras, mananatili ito sa puno habambuhay at hindi ka na makakaalis dito.”

“Handa na ko!” sigaw ni Amanda. “Pero paano ko mararating ang gubat?”

“Ituturo ko sa’yo ang daan,” sagot ng buwan. “Dalhin mo ang iyong relo at sumunod ka sa akin.”

A picture containing child, little, ground, outdoor

Description automatically generated

Isinuot ni Amanda ang kanyang relo, binitbit ang bag, at umalis sa bahay upang hanapin ang kanyang lumipas na oras.

Madilim at walang tao sa kalye, tanging ang buwan lamang ang gumagabay sa kanyaang paglakbay.

Habang naglalakad si Amanda sa kalsada, may nakita siyang isang bagay sa ilalim ng mahabang bangko. Para itong kahon na nababalot ng kayumangging papel. Pinulot niya ito at napag-alamang isang libro na may mailkling sulat na nakadakit at ang sabi: Para kay Amanda.

A child sitting on a bench

Description automatically generated with medium confidence

“Para sa akin?” pagtataka niya. Naupo si Amanda sa mahabang bangko at nagsimulang magbasa.

Isa itong libro tungkol sa mga pirata na naglayag sa karagatan upang hanapin ang isang kayamanan—ang parehong aklat na gustong basahin niya ng kanyang kapatid. Nang matapos siyang magbasa, naluha sya. Napagtanto niya kung gaano kalaki ang nawala sa kanya dahil hindi niya nabasa ito sa kanyang kapatid na lalaki.

“Amanda, kailangan na nating magpatuloy,” pagtawag ng buwan. Agad niyang isinara ang aklat, inilagay sa loob ng kanyang bag, at nagpatuloy sa pagsunod sa buwan.

Pagtapos niyang maglakad ng ilang sandali, nakarating sila sa isang maliit na lawa. Napansin niya ang isang basket malapit sa tubig at may maikling sulat na nakadikit at ang sabi: Para kay Amanda.

Sinilip niya ang loob ng basket at nakita ang mga papel na may matitingkad na kulay, makukulay na panulat, at magagandang pandisenyo.

A picture containing person, child, colorful

Description automatically generated

“Para sa sulat kay Tatay!” malakas na sabi ni Amanda, at nagsimulang gumawa ng sulat.

Gumupit siya ng mga papel at kinulayan, tinupi ito at kinulayang muli. Habang siya ay gumagawa, naalala ni Amada ang mga panahong kasama niya ang kanyang pamilya at sila ay nagsasaya nang sama-sama.

Tiningnan niya ang kanyang relo at nakita na tatlong oras na lamang ang natitira bago siya tuluyang manatili sa lugar na iyon habambuhay. “Halina, buwan at magpatuloy na tayo!” saad ni Amanda habang inilalagay ang sulat sa loob ng kanyang bag.

Ngayon ay nagmamadali na si Amanda. Habang nasa daan, naisip niya ang mga bagay na kanyang babaguhin sa kanyang buhay sa oras na makabalik siya sa kanilang bahay.

“Mag-eensayo pa ako lalo sa paglalaro ng chess, at makikipaglaro rin ako sa aking mga kapatid. Gusto ko ring magbasa ng maraming aklat, at...” Habang malalim ang pag-iisip hindi niya namalayang dalawang oras na agad ang lumipas pagsapit nila sa gubat.

A picture containing little, child, child, young

Description automatically generated

“Kailangan ko nang magpaalam sa iyo ngayon,” sabi ng buwan. “Hindi ako makakapasok sa kagubatan, kaya mula rito, kailangang ikaw na ang magpatuloy sa paglakbay mag-isa.”

“Maraming s alamat sa iyong tulong!” sabi ni Amanda. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa kagubatan.

Habang naglalakad siya palapit nang palapit sa kagubatan, unti-unting naglalaho ang kadiliman at nagsisimulang sumikat ang araw. Nanabik si Amanda at nagsimulang tumakbo at sa wakas, naaninag na niya ang isang anyo ng matayog na puno sa di kalayuan.

Maya-maya lang, napansin niya ang isang matandang lalaki na may dalang chessboard at nakaupo sa isang malaking bato sa gilid ng kalsada. Hindi niya pinansin ang paglapit ni Amanda at nagpatuloy sa pagtitig sa kanyang chessboard.

A picture containing person, child, sport, plant

Description automatically generated

“Magandang araw po,” pagbati ni Amanda sa kanya.

“Magandang araw,” tugon ng matandang lalaki nang hindi lumilingon sa kanya. “Gusto mo bang makipaglaro sa akin?”

“Paumanhin pero nagmamadali po ako,” tugon ni Amanda. “Mamaya na lang po siguro.”

“Sige, mamaya na lang,” sagot ng matandang lalaki. “Ayan din ang madalas kong sabihin. Lagi akong walang ginagawa, hanggang isang araw napagtanto ko na buong buhay ko na ang lumipas. Ngayon ko lang naunawaan kung ano ang nawala sa akin. Kung maaari ko lamang maibalik ang mga oras ko at gawin ang mga bagay na gusto ko.”

“Marunong kang maglaro ng chess?” dagdag ng matandang lalaki.

“Opo!” nananabik na tugon ni Amanda. “Mahal ko po ang paglalaro ng chess. Nanalo pa po ako ng isang beses sa isang patimpalak sa chess sa aming paaralan!”

A picture containing person, indoor, child, little

Description automatically generated

“Mabuti para sa’yo! Kung gayon ay araw-araw kang nag-eensayo,” nakangiting sabi ng matandang lalaki.

Napayuko si Amanda. “Hindi po,” mahinang sagot niya. “Palagi po kasi akong abala.”

“Tara at maglaro tayo saglit lang,” sabi ng matandang lalaki.

Naupo si Amanda sa isang bato at nagsimulang maglaro. Habang naglalaro, naalala niya kung gaano siya nananabik sa paglalaro ng chess.

Nang matapos ang kanilang paglalaro, kinamayan ng matandang lalaki si Amanda. “Maraming salamat sa larong iyon. Napakahusay mo,” sabi niya. “Pero kailangan mo nang magmadali. Ang oras ang pinakamahalagang bagay na mayroon tayo, hindi mo ito gugustuhing mawala habambuhay. Tumakbo ka na nang mabilis!”

Nagsimulang tumakbo nang mabilis si Amanda sa abot ng kanyang makakaya. Sa wakas, narating niya ang matayog na puno kung saan nakasabit ang milyun-milyong babasaging mga bote.

A picture containing tree, plant, colorful, decorated

Description automatically generated

Napakaraming tao ang nawalan ng panahon, malungkot na naisip ni Amanda. Paano ko kaya mahahanap ang bote ko rito? Inikot niya ang puno habang hinahanap ang kanyang pangalan. Napakaraming pangalan ang naroon ngunit wala ang sa kanya.

Tiningnan ni Amanda ang kanyang relo. Mayroon na lamang siya labinlimang minuto! Tumatakbong nilibot niya ang puno nang paulit-ulit. Nagsisimula nang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib at sumasakit na ang kanyang mga paa, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap.

Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ng pagkahilo si Amanda at siya ay natumba. Napaiyak siya habang nakahiga sa ilalim ng puno.

“Ganun na lang!” umiiyak niyang sabi. “Wala ng paraan para mahanap ko iyon! Patawad at sinayang ko ang mga oras ko!”

Nagsimula niyang alalahanin ang naging paglalakbay niya patungo sa puno: ang librong kanyang binasa, ang ginawa niyang sulat, at ang matandang lalaki na nakalaro niya. Naalala niya ang sinabi nito: “Ang oras ang pinakamahalagang bagay na mayroon tayo.”

“Sulitin mo ang bawat minuto,” sabi niya sa kanyang sarili. “Hindi ako susuko! May ilang minuto pa akong natitira!”

Tumayo siya at tumingin sa palibot ng puno. Bigla na lamang nasinagan ng araw ang mga bote, at nasilaw si Amanda sa kanilang repleksyon. Pumikit siya sandali at lumayo sa liwanag. Muli syang nagmulat ng mga mata at muling tumingin sa mga bote.

image

Nakita niya ang luntiang bote na may nakasulat na ‘Amanda’.

Labis siyang natuwa at halos hindi makahinga. Iniunat niya ang kanyang kamay at inabot ang bote at kinuha mula sa puno.

“Hindi ko ito malilimutan,” bulong ni Amanda, at binuksan ang bote...

Tumunog ang orasan pagsapit ng ika-7 ng umaga. Iminulat ni Amada ang kanyang mga mata, bumangon at tumingin sa bintana. Maliwanag na ang sikat ng araw.

Kakaibang panaginip! naisip ni Amanda.

Bumangon siya mula sa kama at tumakbo sa kusina. Nagluluto ang kanyang nanay ng almusal at kababalik lamang ng kanyang tatay sa pagpasyal sa kanilang aso. Ang kanyang mga kapatid ay natutulog pa sa kani-kanilang mga kama.

A picture containing person, indoor, wall, floor

Description automatically generated

“‘Nay, ‘Tay, nagkaroon ako ng pambihirang panaginip!” sigaw ni Amanda habang papatakbo sa kanyang mga magulang. Napahinto siya bigla at napaisip, “O baka hindi iyon isang panaginip?”

Mula noon, hindi na nagsayang ng panahong muli si Amanda at natuto na siyang gamitin nang wasto ang kanyang oras.

Eh kayo mga bata?

Ano ang mga bagay na ipinagpapa-bukas niyo pa sa halip na gawin niyo na ngayon?