CHAPTER ONE

 

Cool off? Na naman? Why?” sunud-sunod na tanong ni Dane, ang matalik na kaibigan ni Shelby. Kasasabi lang kasi rito ng dalaga na nagdesisyon na naman siyang makipaghiwalay muna sa nobyo niyang si Alfonso.

Ayaw niya akong payagang mag-work dito sa New York. He wants me to go back home with him as soon as he completes his MBA here.”

And for that you broke up with him again?”

Natigilan sa pag-inom ng red wine sa kopita niya ang dalaga nang makita kung gaano ang panghihinayang ng kaibigan sa kanyang naging desisyon. Natanong tuloy niya ang sarili kung tama ba ang kanyang kapasyahan. Pero sa isang banda naisip rin niya na sobrang loyal ni Alfonso sa kanya. Katunayan, sa loob ng walong taon nilang pagiging mag-nobyo at apat na beses na pag-cool off ay hindi man lang ito natingin sa ibang babae. Ilang linggo makalipas ang kanilang break up ay kusa itong bumabalik sa kanya para pagbigyan siya sa kung ano man ang hiling niya. Kaya nakasisiguro siya na itong paghihiwalay na ito ay hindi naiiba. Sinabi rin niya iyon kay Dane.

That was before, Shelby. You guys were teenagers then. It’s different now. You are both in the right age to get married.”

Marriage can wait, Dane. There’s still a lot of things I want to do with my life. I’m just twenty-four years old.”

Napabuntong-hininga si Dane at napailing-iling pa.

A guy like Alfonso dela Peña should have been caged a long time ago, Shelby. Nasa kanya na ang lahat. Guwapo, matalino, mayaman, magaling sa sports, at galing pa sa magandang pamilya. He’s a Soriano-Araneta for crying out loud! Siya lang ang bagay sa isang katulad mo!”

Nginitian ni Shelby ang kaharap. “He is a dela Peña, Dane. Mom niya lang ang Soriano-Araneta.”

Gano’n na rin iyon. Sayang!”

Bakit gano’n? Sa tuwing nalalaman ng mga tao ang lineage ni Alfonso ay halos ipagduldulan na nila ito sa kanya? Ano naman ngayon kung galing ito sa angkan ng mga mayayaman? Hindi naman iyon ang ginusto niya sa dating nobyo.

Kapag napikot ng ibang babae rito si Alfonso, ikaw rin. Wala ka nang mahahanap na katulad niya. Dinig ko engaged na kahapon ang last chance mo sana from the Zobel de Ayala clan. Tapos iyong mga Razon? Huwag mo nang pangarapin. They are all taken.” At humagikhik si Dane.

Dahil umiinom sa wineglass niya nang mga oras na iyon si Shelby at biglang natawa, tumalsik ang ilang patak ng vino at tumulo pa sa baba niya. Mabuti na lang at maagap siya sa pagpahid dito kung kaya hindi namantsahan ang suot niyang puting one piece dress na isa sa mga priced collection niya mula sa paborito niyang designer na si Vera Wang.

I don’t need a rich man to be happy, Dane. I can marry anyone---rich or poor for as long as I love him.”

And do you think your family especially your brothers will allow you to marry just anyone?”

Of course! They just want me to be happy.”

Itinirik ni Dane ang mga mata. “You just say that because you’re a San Diego and you do not need to work to feed yourself.”

Natigil sa pagsubo ng steamed broccoli si Shelby. Na-guilty siya nang makita ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. Kaiba kasi sa kanya, si Dane Felice Florindo ay hindi nagmula sa mayamang angkan. Ang ama nito ay isang magsasaka sa Pilipinas at sinuwerte lamang itong matanggap sa trabaho bilang nurse sa isa sa mga ospital sa New York samantalang siya, si Shelby Madeline Mariano San Diego, ay nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San Diego. Kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa negosyo dahil bukod sa ama may mga pangalan din ang kanyang mga kuya sa iba’t ibang industriya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kung hindi nga lang dahil sa pagkaka-admit niya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dane, malamang hindi sila nagtagpo.

Nakikita mo ba ang nakikita ko?” excited na tanong ni Dane kay Shelby. May tinuturo ito sa labas ng bintana ng restawrang kinakainan nila. Napatingin naman doon ang dalaga kahit na wala siyang ideya kung ano ang tinitingnan ng kaibigan.

Sayang! Ang bilis niya kasing maglakad, eh!”

The who?”

Hindi interesado si Shelby. May kutob siyang may naispatan na namang local elite o celebrity si Dane. Kaya nga kahit may kamahalan ang Eleven Madison Park ay dito nito napiling mag-dinner dahil bukod sa mayayamang New Yorker ang kadalasang kumakain sa restawrang ito marami ring taga-ibang bansa na may kaya sa buhay ang napupunta rito. Kaharap lang kasi ito ng Madison Square Park, ang isa sa pasyalan ng mga turista kapag nagagawi sa Manhattan. Nagbabakasakali na naman siguro ang kaibigan niya na doon makikita ang elusive na Mr. Right niya.

I think I’ve seen a hotel magnate, Shelby!” kinikilig pang pagkukuwento ni Dane. Naglaho na ang kalungkutan nito.

Napangiti dito si Shelby. Paano kasi, it doesn’t have the same effect on her. Eh ano ngayon kung may nadaang hotel magnate sa harap ng restawran? Parang daddy lang kasi niya iyon. Hotel magnate din namang matatawag ang dad niya sa dami ng hotels nila na nagkalat sa buong Asya. Kamakailan lang ay nagpatayo ng pang-isang libong hotel ang kanilang pamilya. Itinayo iyon sa Bali, Indonesia. Halos lahat ng miyembro ng pamilya niya naroon para ipagdiwang ang nasabing accomplishment ng padre de pamilya nila. Siya lang ang hindi dumalo dahil may interview siya no’n sa pinagtatrabahuhan na niya ngayong fashion house.

Aren’t you even excited?” Si Dane uli.

Pinagkibit-balikat na lamang iyon ni Shelby sabay ubos sa red wine na nasa kopita. Pagkatapos no’n tumayo na siya at niyaya na ang kaibigang umuwi na sila. Kailangan niyang magising nang maaga bukas para sa preparasyon sa gaganaping New York Fashion Week sa susunod na linggo.

Sana naman bumalik si Mr. Golden Boy,” tila nangangarap pang pahayag ni Dane.

Shelby laughed at nauna na siya sa may labasan.

 

**********

“Boss? Boss!” untag ng assistant ni Gunter sa kanya. Kailangan pa nitong yugyugin nang bahagya ang balikat niya para tapunan niya ito ng kahit isang sulyap man lang. Mayroon kasi siyang sinusundan ng tingin na bigla na lang naglahong parang bula.

Get your hand off my shoulder,” asik ni Gunter sa assistant.

Sorry, boss. I was just trying to say---”

Hindi natapos sa pagsasalita ang lalaki dahil tinalikuran na ito ni Gunter. Pumasok na kasi ang binata sa loob ng Eleven Madison Park. The moment he stepped inside the restaurant women looked at him with admiration, including those who came with their husband or partner. All female in the house seemed to salivate just at the sight of him. Ibang-iba kasi ang dating ng batang-batang negosyante na si Gunter Klaus Albrecht. Bukod sa matangkad ito sa karaniwan sa taas na anim na talampakan at apat na pulgada, maganda pa ang pangangatawan kung kaya bagay na bagay ang suot nitong kulay abo na Amerikana. ‘Ika nga ng karamihan, he’s the epitome of class and elegance. Bagay na maging chairman con CEO ng isang malaking korporasyon na tinatawag na Skylar Quandt Corporation, pinaghalong pangalan ng yumaong kapatid at apelyido ng ina sa pagkadalaga.

Good evening, Mr. Albrecht,” kinikilig na bati ng mga nasa front desk. Bihira kasing pumunta roon ang hottest bachelor of New York City. If ever, lagi itong may kasamang socialite na ubod ng selosa. Kaya kahit na wala itong reservation that night, ilang staff ng restawran ang sumalubong dito at umestima.

A table for two, sir?” tanong ng manager na mabilis na nakalapit sa lalaki. Hindi siya pinansin ni Gunter dahil abala ito sa katitingin sa mga kumakain sa loob ng restawran. Nang hindi makita ang hinahanap, kaagad din itong tumalikod at dali-daling bumalik sa sasakyan na nakaparada sa harapan lang ng Madison Square Park na kaharap naman ng pinanggalingan nilang kainan. Humahangos na bumubuntot sa kanya ang assistant.

Boss, as I was saying a while ago, Mr. Stevenson called up to inform you that he just summoned the board of directors for an emergency meeting tonight. Something came up. We need to go back to Skylar Quandt Building now.”

Bahagyang tumango si Gunter sa likuran ng kotse. Wala sa sinasabi ng assistant con driver ang isipan niya. Hinayang na hinayang kasi siya sa pagkakataong makilala na sana ang babaeng iyon. Kung bakit ang bilis naman maglaho nito sa paningin niya. Pagdaan ng kotse nila kanina sa tapat ng Eleven Madison Park, namataan pa niya ito sa isang table malapit sa bintana.

The first time he saw her was at the MET or kilala rin sa pangalang Metropolitan Museum of Art habang personal niyang tino-tour ang pinakamalaki nilang investor from Dubai at hindi na siya natahimik mula noon. And he was not even the type to dwell on beautiful women because he has an abundant supply of them but this girl is different. There was really something in her.

We’re now in front of the building, boss.”

Hindi na hinintay ni Gunter na pagbuksan siya ng pintuan gaya ng nakagawian nilang mag-amo. Kusa na siyang bumaba.

Pagdating ng binata sa ika-limampu’t limang palapag kung saan naroroon ang conference room nila, it was already half past nine in the evening. Ibig sabihin kalahating oras na silang late sa pinatawag na pagtitipon ng Chief Operating Officer o COO ng Skylar Quandt Corporation. Hindi na maipinta ang mukha ng board of directors lalo na ng COO na si Mr. Stevenson.

I have called your assistant at eight o’clock this evening. I said we have an emergency meeting!” bungad kaagad nito hindi pa nakakaupo sa kabisera ng conference table si Gunter. Pigil na pigil ang galit ng sisenta y sais anyos na puting Amerikano.

Hindi ito pinansin ni Gunter. Prenteng-prente pang inayos-ayos ng binata ang kurbata habang pinapasadahan ang memo at headline ng isang daily news na nakalapag sa kanyang harapan. Nang mabasa pareho iyon, napahikab siya.

What the fvck is wrong with you? Our pharmaceutical firm’s stock price has plummeted for what your fvcking fiancee has done behind your back and you are not even bothered?!”

Ang headline news kasi ay tungkol sa pagkakahuli raw ng paparazzi sa aktuwal na pagtatalik ng nobya niya at ng pinuno ng kanyang bodyguards sa loob ng kotseng pag-aari ng babae.

What do you want me to do, Mr. Stevenson? Kill the man?” parang tinatamad pang sagot ni Gunter. Sa totoo lang, he had better things to do than talk about Adeline and her sexcapades.

How do you expect the public to believe that our Verlangen supplements really help men in bed when you, the CEO of this goddamn corporation has always been pictured as no less than a low performing cuckold?!”

I am not married to her yet, Mr. Stevenson, so that term, cuckold, is NOT appropriate.”

Napangiti ang ilang board of directors samantalang lalong nanginig sa galit ang matandang COO. Nag-demand itong maglabas siya ng statement sa press for damage control.

I’ll see what I can do, gentlemen. Meeting adjourned.”

Tumayo na agad si Gunter at dere-deretsong lumabas na ng conference room. Minanduan niya ang kanyang assistant na sisantehin ang nasabing bodyguard. Pagkatapos, tuloy-tuloy na siya sa parking lot kung saan iniwan ang Tesla Roadster. Mayroon lang siyang babalikan sa Manhattan.