CHAPTER TWO
“Sample maker? Ano iyon?” walang kainte-interes na tanong ni Dane kay Shelby habang nag-aalmusal sila isang Lunes ng umaga.
“Tagatahi ng design matapos magawa ng master designer ang disenyo para kung mayroong problema ang pattern niya ay magagawan kaagad niya ng paraan bago niya ito maibigay sa mananahi namin for mass production.”
“You mean to say hindi ikaw ang master designer diyan sa fashion house n’yo? Eh ba’t nagtitiyaga ka pa riyan? My God, Shelby! Hindi bagay sa iyo! You can do better than that. Why don’t you ask your dad to get you your own fashion house?”
Sinimangutan ni Shelby ang kaibigan bago inubos ang pinakahuling patak ng kape sa tasa niya.
“That’s the last thing I want to do. Gusto kong magsimula sa ibaba para alam ko ang pasikot-sikot sa negosyong ito. I’ll build my own fashion house someday but I want to do it on my own.”
Itinirik ni Dane ang mga mata bago inimis ang mga pinagkainan nila at nilagay sa dishwashing machine.
“Okay. See you later, Dane. I have to go na.”
At tumakbo na ang dalaga palabas ng shared condo unit nila. Dahil gustong pangatawanan ang simpleng pamumuhay, iniwan niya sa garahe ang bigay na sasakyan ng dad niya at nag-bus lamang papunta sa Margaux Quandt, ang pangalan ng fashion house kung saan siya nagtatrabaho ngayon bilang isang sample maker. Makikita ito sa pinaka-sentro ng Manhattan.
“Lord Randolph, the Philipino girl is here now. You said you want to see her yourself,” sabi ng isang petite na black woman pagkapasok ni Shelby sa loob ng working area nila.
Kinabahan agad ang dalaga. First two weeks pa lang niya sa trabaho at gusto na siyang makausap agad ng head designer nila?
Mabilis na nag-replay sa utak ni Shelby ang mga ginawang notes matapos maipasa ang mga samples na gawa niya. Hala!
Kabado man, pinilit ni Shelby na maging kampante. She straightened her shoulders and stood with her chin tilted upward. Payo ng dad niya sa kanya noon, dapat kapag nakipag-usap sa kahit kanino maging confident siya. Malaking bagay raw iyon sa kung paano tratuhin ng isang tao ang kapwa niya.
“You are Miss Shelby San Diego, right?” tanong sa kanya ng matandang puti na tonong French ang accent sa English.
“Yes, Lord Randolph. I’m Shelby San Diego.”
Inikot-ikotan siya ng matanda habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Mayamaya pa’y nagtaas ito ng kilay.
“That’s a pair of Manolo Blahnik’s Hangisi flats.”
Napatingin din si Shelby sa suot na pares ng black flat shoes mula sa isang mamahaling designer ng mga sapatos. Ganoon din ang mga kasamahan niya sa departamentong iyon pati na ang fashionable na petite black woman na napag-alaman niyang assistant pala ni Lord Randolph. She made a mental note to dress simply next time or else baka mabisto ang kanyang disguise.
“I like your dress. It shows class and elegance without being extravagant. However, I have no idea who designed that one and to think my knowledge of designer clothes is vast.”
Shelby was flattered dahil siya ang nag-design niyon. Subalit, naguguluhan siya kung bakit siya pinatawag. Mukha naman kasing hindi galit sa kanya si Lord Randolph. Pinaparatangan ba siyang nagsususuot ng mga gawa ng rival fashion houses? Hala! Mortal sin pa naman sa Margaux Quandt iyon!
“This is from one of my Spring collections, sir, I mean Lord Randolph,” pag-amin niya agad.
Lalo siyang tinitigan ng master designer nila. Hindi mawari ni Shelby kung ano ang naging epekto ng kanyang pag-amin sa matanda dahil hindi naman ito nakitaan ng galit o kasiyahan.
“So you also design dresses?”
Nag-atubili nang tumango si Shelby. “Y-yes, sir. I designed all the dresses I wore to work since last week.”
Biglang pumalakpak ang matanda na ikinagulat naman ni Shelby. “Good! Please follow me.” At mabilis itong lumabas ng working area nila. Nagtataka man, kaagad na sumunod ang dalaga sa head designer nila. Nang malaman niya ang pakay ng matanda, nagulat siya.
“Seriously?! I mean---I just came here and---”
“Don’t you want the job?”
“Of course, I do! But---”
“Then it’s settled, Ms. San Diego. Please ask Ms. Williams here on what you need to do. That’s all for now.”
Napasulyap si Shelby sa assistant ni Lord Randolph. Larawan ang dalaga ng pag-aalinlangan. Gagawin daw kasi siyang assistant head designer ng fashion house! Iyan ay kung maipapasa niya ang isang pagsubok. Sa susunod na buwan ay idadaos ang in-house fashion show ng Margaux Quandt kung saan silang apat na empleyadong may talento sa pagdisenyo ng damit ay magpapatagisan ng galing. Ang mananalo sa naturang kompetisyon ang siyang pipiliin upang maging assistant head designer. Isa sa mga katunggali niya ay si Katarina Horvathova, isang Slovakian immigrant na simula’t sapul ay ipinabatid na sa lahat na gusto nito ang posisyon ni Lord Randolph.
Minsan nang nasilayan ng dalaga ang gawa ng babaeng iyon at aminado siyang hindi madaling kalaban ang Slovakian na iyon..
**********
Napangiwi si Gunter nang makita ang ginawang portrait ng artist na kinomisyon niya matapos niyang idikta rito ang facial features ng babaeng gusto niyang masilayang muli.
“What the fvck is this?! Frederick!” bulyaw niya sa kanyang assistant na nakatayo lang sa hindi kalayuan sa kanyang desk. Kaagad namang lumapit sa tabi niya ang huli. “Where the fvck did you find this guy?” nag-aapoy sa galit na tanong ni Gunter.
Napakamot-kamot ng ulo si Frederick. Ang pintor nama’y namutla. Tila natakot din.
“Boss, he’s a multi-awarded artist,” bulong ni Frederick.
“Multi-awarded, my ass!” At hinagis ni Gunter ang canvas sa kaharap na dingding. Dali-dali namang pinulot ito ng kanyang assistant. “Look at the fvcking nose in that damned portrait! That’s not even remotely close to her nose! And the eyes! That’s not her fvcking eyes! Goddamnit!”
Pinangunutan ng noo si Frederick. Wala itong ideya kung ano ang hitsura ng babaeng nais ipa-sketch ng kanyang amo pero ang nakikita nito sa canvas ay hitsura ng isang typical Asian girl. Mababa ang bridge ng ilong at may pagkasingkit ang mga mata.
“Boss, the girl in the portrait is definitely an Asian one. What’s the problem?”
“Get out! The two of you! Out!”
Tumayo pa si Gunter para itulak ang dalawa palabas ng kanyang opisina. He never felt so frustrated. Naibagsak niya ang sarili sa swivel chair at pinaikot-ikot ito habang nag-iisip ng paraan kung paano uli makita ang babaeng nagpapagulo sa kanyang isipan. It has been almost three months now since he had a glimpse of her in Eleven Madison Park. Ni wala man lamang siyang larawan nito para madali niya sanang mapahanap. Inutil pa ang nakuha nilang artist! Dahil sa iritasyon, pasigaw niyang sinagot ang telepono nang mag-ring ito.
“You seemed to be in a bad mood again, Gunter Albrecht,” natatawang bungad ni Mr. Stevenson. Inangilan ito ni Gunter.
“I’m sorry?” tanong ng matanda. Nang hindi umimik ang kausap sa kabilang linya, hindi na ito nagpatuloy sa pang-uusisa. Ibinalita na lamang nito ang kanina pa nais sabihin.
“So the board of directors finally agreed to our proposal? All right then. I’ll see you later for the finalization of the deal.” tinatamad na pahayag ni Gunter nang marinig ang sinabi nito.
Matapos maibaba ang telepono sinulyapan ni Gunter ang wristwatch niya. Alas singko palang ng hapon at alas sais daw ang meeting para sa naturang deal. Although malapit lang ang pagdadausan no’ng meeting, sa Skylark Hotel, ang flagship hotel ng kanilang korporasyon, tinawagan na niya si Frederick na ihanda ang sasakyan. Hindi siya nagpapahuli sa mga ganitong meeting. Ilang buwan din kasi nilang niligawan ang board para pumayag na mag-diversify ang korporasyon.
Makaraan ang ilang sandali, “We’re now here, sir,” pahayag ng assistant niya. Nasa tapat na sila ng entrance ng Skylark Hotel.
Tiningala muna ni Gunter ang pangalan ng hotel nila bago umibis ng sasakyan. Nauna nang kung ilang hakbang si Frederick sa kanya dahil bumati pa siya sa isang kakilala na nadaanan sa bungad ng entrance. Papasok na sana siya sa loob nang biglang nag-froze. After months of searching for her, there she was! Niluluwa ng revolving exit door! Sinalubong niya agad ito. Nangunot ang kanyang noo nang makitang tila umiiyak ang babae. He felt a bit angry na para bagang gusto niyang saktan ang kung sino o ano man ang nagpaiyak dito.
“Are you okay, miss?” kaagad niyang tanong sa babae.
Tila nagulat ito nang makita siya. Pero nang makabawi ay bigla nitong inabot sa kanya ang isang tag na may numero. He looked at it with a confused expression on his face. Nakisilip ang isang valet parking attendant at mabilis na pinaliwanag sa kanya kung ano iyon. Kukunin pa sana nito sa kanya ang numero nang biglang may dumating na isang royalty from a Middle Eastern country kung kaya iniwan sila saglit para estimahin ang napaka-importanteng parokyano ng hotel.
Napagkamalan siyang butler ng babae! He was a bit amused. He never thought that with his Dormeuil Vanquish II suit and Stefano Ricci’s diamond plated tie anybody would still mistook him for a mere butler. Pero sige lang. At least this time, may interaction na sila ng babaeng kung ilang buwan niyang hinanap.
Nang makita niya ang sasakyan nito sa parking lot ng hotel, he was a bit impressed. A white Mercedes-Maybach. Ibig sabihin hindi siya isang ordinaryong Asian lamang. Teka. Asian nga ba siya? Her eyes are large and she is a little fairer than an average Asian girl. Baka Mexican? But her English has no traces of a Spanish accent. Ah, baka isang Latina from Europe? Or a mixed descent? Half-white, half-Asian or half-white, half-Latina? He couldn’t really tell for sure after seeing her up close.
Pagkadala niya ng sasakyan sa harapan ng babae kaagad itong nagpasalamat sa kanya. Iikot na sana ito papunta sa driver’s seat nang mapansin niyang gumigiwang-giwang ang lakad nito. Hindi naman mukhang lasing.
“Do you think you can drive, miss?” tanong niya rito.
“Yeah,” sagot ng babae sa namamaos na tinig.
He knew right there and then that she cannot drive in her present state of mind. Maingat niya itong inalalayan patungo sa passenger’s side at siya na ang nag-drive sa sasakyan. Tinanong niya ang katabi kung saan nito nais magtungo, pero imbes na sagutin siya nito’y pumikit lang at impit na tumangis. Parang piniga naman ang puso niya sa nakitang hinagpis ng kasama pero sinikap niyang hayaan itong makapaglabas ng damdamin.
While he was driving, he couldn’t resist the urge to glance in her direction. Kung nabighani siya sa ganda nito sa malayuan noong una niya itong makita sa MET lalo na ngayong kitang-kita niya sa malapitan. Napagtanto niya kung gaano ka perpekto ang bawat facial features nito. Mula sa makapal pero magandang hugis ng kilay, malago at malalantik na pilik mata, matangos na ilong at mamula-mulang labi---wala siyang makitang kapintasan. Nabatid pa niyang mapusyaw lang ito mag-apply ng make up which he loves the most in women. How he wished he could simply erase her anguish even just for tonight.
“Stop the car!” bigla na lang ay utos ng babae.
Sa gulat ni Gunter, nadiinan niya ang apak sa preno.
“My God, woman! You’ll give me a heart attack!”
Tinanong siya ng babae kung sino siya. Bago pa niya masagot ang tanong ay dumukot na ito ng wallet sa purse na nasa kandungan at kumuha ng kung ilang hundred dollar bills. Mariin niyang tinanggihan ang alok nitong tip at laking tuwa niya nang malaman sa wakas ang pangalan nito. Shelby San Diego. Kay gandang pangalan. Katulad din ng may-ari. Walang kasing rikit.
He couldn’t help smiling at her kahit na tumigil sila in what seemed like the middle of nowhere. In fact, hindi mabura-bura ang matamis niyang ngiti kahit nang pinababa na siya sa kotse.
He glanced at his watch. It was almost half an hour past six. Ibig sabihin ay late na siya sa kanyang meeting. Nakikini-kinita na niya ang nakalukot na mukha ni Mr. Stevenson. Pero who cares? Napangisi pa siya habang ini-imagine ang galit na galit na COO sampo ng kanilang board of directors.
Habang pinipindot niya ang numero ng assistant biglang huminto sa kanyang harapan ang isang pamilyar na pink Mercedes Benz. Napakamot-kamot siya ng ulo nang biglang lumabas mula roon ang maarte niyang ina. Walang iba kundi si Margaux Quandt Albrecht. Nang hagkan siya ng mama niya sa magkabilang pisngi, he felt a bit awkward lalo pa’t nasa hindi kalayuan lang ang babaeng nais niyang i-impress. His mom gave the white Mercedes-Maybach an uninterested glance before she commanded her driver to drive away. Napamura siya nang malutong nang biglang maalala na hindi niya pala nakuha ang numero ng babae.
“Fvck!”
“What’s the matter with you, son?”
Napalingon siya sa pinanggalingan nila. Pababalikin niya sana ang sasakyan ng ina sa pinag-iwanan kay Shelby San Diego pero wala na roon ang kotse nito.
“Goddamnit!” he said under his breath.