CHAPTER THREE

 

What do you mean you do not want to be my model anymore?” may pagkabahalang tanong ni Shelby sa isang Ukranian male model na kinuha niyang rumampa sa mga designs niya sa pangalawang in-house fashion show na gaganapin bukas ng gabi.

I’m so sorry, Ms. San Diego. It’s just that---”

Hi there, Bodashka. How are you doing?” malanding bati ni Katarina Horvathova sa modelo ni Shelby. Pinadaanan pa ng daliri ang gilid ng kanang pisngi ni Bodashka. Ang huli nama’y napapikit saglit na parang ninanamnam niya ang bawat sandali.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shelby sa dalawa at nabatid niya agad na mayroon silang mainit na pinagsaluhan base sa tinginan nila sa isa’t isa. Napabuntong-hininga na lang siya. She felt betrayed, but then what can she do? Hindi naman kasi niya mapipilit ang isang modelo kung ayaw nang irampa ang mga gawa niya. Kaso nga lang kinabukasan na ang naturang fashion show! Sukat nito ang ginamit niyang batayan para sa mga disenyo. Sa taas nitong six feet five, hindi ito madaling palitan.

I’m sorry again, Ms. San Diego,” anang modelo.

Ni hindi pa nakasagot si Shelby, tumalikod na ito at umalis kasama ni Katarina. Nanggigil siya sa dalawa. May pakiramdam siyang gustong sabotahihin ng karibal ang segment niya sa show kung kaya sinulot ang pinakaguwapo at magaling niyang modelo. Noong nakaraang fashion show nila kasi tabla ang laban. Imbes na mamimili na sana si Lord Randolph ng assistant designer niya nang gabing iyon din mismo, pinagpaliban ito ng matanda. Inanunsiyo lang ang resulta ng patimpalak at nagwagi nga sila pareho ng Slovakian. Dahil patas ang puntos, kinailangang magsagawa uli ng pang-tie breaking faashion show.

Is Ms. San Diego around?” narinig ng dalagang tanong ng isang may Russian accent. Nang makita siya nito sa gitna ng silid habang nagbibigay ng instructions sa kanyang mananahi, lumapit agad ang binata. May kutob na si Shelby kung ano’ng sinadya ng Russian model niya. She just pretended she had no idea.

Yes, Karpov? Anything I can do for you?”

Napakamot sa ulo niya ang Russian sabay sulyap sa may pintuan. Sinundan ni Shelby ng tingin ang sinulyapan ng lalaki. And there she was again, smiling at her model. Gustong magmura ng dalaga pero kinontrol niya ang damdamin.

You want to leave, too?” walang ka emo-emosyong tanong ni Shelby sa lalaki.

Yes!” tila nae-excite pang sagot ni Karpov.

All right. Thank you for all your hard work.”

Nang makaalis ang modelo niya, nag-aalalang napatingin sa kanya si Lyndie, ang middle-aged Mexican woman na isa sa naging ka-close niya sa Margaux Quandt Fashion House. Ito ang nag-panic para sa kanya.

Aren’t you worried, Shelby? That bitch just stole two of your finest models!”

Napalunok nang sunud-sunod si Shelby. Pinangiliran siya ng luha pero kaagad niya itong sinupil. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Dapat niyang ipabatid sa mga tao niya na hindi siya basta-basta matatakot ninuman.

I’ll find a way. They’re not the only models in town.”

 

**********

“Boss, here’s the list of guests the hotel sent to me just now. There’s no Shelby San Diego there. But there is a Shelby Mariano. The same goes with the list of car owners who used our valet parking service that night.”

Isinantabi agad ni Gunter ang pagbabasa ng isang proposal para sa gagawing pag-market ng panibagong supplements ng kanilang pharmaceutical company para tingnan ang listahan na dala ng kanyang assistant. Wala nga siyang makitang ni isang San Diego roon. Gaano nga ba ka popular sa mga nanay sa ibang bansa ang pangalang Shelby? Saglit siyang nag-isip.

Get the phone number of that Shelby Mariano from the Information Desk.”

Natigilan ang assistant. Hindi agad ito nakakilos.

Frederick!” may pagbabanta sa tinig ni Gunter.

Boss, it’s the hotel policy not to divulge any personal info of their guests to anyone. You authored that policy, remember?”

Gunter glared at Frederick.

Yes, boss! For a moment!”

Tinawagan nito ang taga-information ng Skylark Hotel para hingin ang numero ni Shelby Mariano. Hindi agad nakasagot ang taga-kabilang linya. Parang nagkaroon ng pag-uusap among the staff kung ibibigay ba nila iyon o hindi. Mayamaya pa, maririnig na ni Frederick ang pinaka-in charge sa Information Desk. Nagpaliwanag ito sa lalaki na mahigpit iyong pinagbabawal ng management ng hotel. Sana raw ay maintindihan ng kanyang amo.

Na-sense siguro ni Gunter na ayaw pagbigyan ng taga-hotel ang kanyang assistant kung kaya’y tumayo na siya at inagaw dito ang cell phone. Siya na ang kumausap. Hindi naman siya nagtaas ng boses, pero pagkarinig sa tinig niya bumahag agad ang buntot ng nasa kabilang linya at mabilis pa sa alas kuwatrong binigay ang numero ni Shelby Mariano.

Habang isinusulat ang mga iyon, kakikitaan ng pagngiti ang binata. Napatirik naman ng mata ang assistant niyang nakamasid lang sa kanya sa hindi kalayuan. Mukhang nawi-wirduhan ito sa amo. Hindi naman kasi likas na mahilig sa babae si Gunter. In fact sa pagkakaalam ng assistant, sa loob ng five years nitong paninilbhian sa amo ni wala itong na-date nang sobra sa tatlong beses. Si Adeline Grayson nga lang ang alam nitong tumagal dito at ngayo’y naging fiancee pa. Pero kahit kay Ms. Grayson, hindi naging ganito ang amo. Kaya naiintriga si Fredrick sa hitsura ng babae na nakakapagbigay ng ganitong epekto sa boss na inakala nitong kulang sa libido.

 

**********

“Hi there, baby girl!” nakangising bati kay Shelby ni Matias pagkapasok nito sa working area ng bunso nila sa Margaux Quandt Fashion House. Animo’y supervisor ito kung tumingin-tingin sa mga ka-team ni Shelby na hindi na magkandaugaga sa pag-aayos ng isusuot mamaya ng mga modelo.

Pagkakita ni Shelby kay Matias, biglang umilaw ang kanyang mga mata. Tuloy ay nasalubong niya ang kuya ng mahigpit na yakap. Tuwang-tuwa naman doon si Matias kung kaya nahalikan pa ang bunso nila sa tungki ng ilong.

Nagpasabi pala si Mom na huwag masyadong magsubsob sa trabaho. O, heto. May pinadala siya sa iyong puto at suman.”

Napangisi na si Shelby sa kuya niya at napailing-iling sa ina. Tila batang maliit pa rin ang tingin nito sa kanya. Hindi ba nito alam na matagal na niyang kinalimutan ang mga kakaning iyon dahil mataas ang carbs at calorie level? Ganunpaman, tinanggap iyon ng dalaga at isinantabi muna.

Guys, listen up!” sabi ni Shelby sa mga tauhan.

Pumalakpak pa ang dalaga para makuha ang atensiyon ng mga ito na hindi na makaangat ng ulo mula sa pagsusukat at pagtatahi ng kung anu-anong patterns. Halos sabay na napa-ooh ang mga mananahi niya’t assistant nang makita nila si Matias.

No wonder, you were not worried, Ms. Shelby! Bodashka’s replacement is even a lot hotter and more handsome!”

Si Matias naman ay nalito sa sinabi ni Lyndie. Napatingin ito sa bunso at sa mga tauhan nitong tila nagre-rejoice.

What’s going on?” tanong pa ni Matias sa kapatid.

Hinawakan ni Shelby ang magkabilang pisngi ng kuya niya at buong tamis na sinabi ritong irarampa raw nito ang ilan sa mga creations niya sa in-house fashion show nila mamayang gabi.

What?! No!” tanggi agad ni Matias.

Matty,” ungot ni Shelby. Hinalik-halikan pa ito sa pisngi. “Please?” pagsusumamo niya. Pinaliwanag niya pa rito ang dahilan kung bakit kinailangan nitong maki-cooperate.

That fvcking Slovakian did that to you?”

Tinakpan agad ni Shelby ang bunganga ng kuya niya.

Ano ba! May mga kalahi ang babaeng iyon sa team ko. Baka masabihan ka pang racist. Kainis ka!” anas ng dalaga rito.

Napabuntong-hininga si Matias. Tumanggi pa sana ito pero nang nag-pout na ang bunsong kapatid ay napahinuhod na rin.

Mayamaya pa’y may kumatok na naman sa nakabukas na pinto. Paglingon doon ng dalawa, nakita nila ang nakangiting si Markus. May dala itong kape mula sa Starbucks sa kabilang kalye. Pagkakita rito ni Shelby napahiyaw siya ng, “Yes!” Pinangunutan ng noo si Markus lalo pa nang salubungin ito ng mahigpit na yakap at pupogin pa ng halik sa pisngi ng kanilang prinsesa. Habang nalilito si Markus, tawa naman nang tawa si Matias.

Ako na sa suit, tapos iyang unggoy na iyan na lang doon sa boxer briefs. Total naman mas toned ang muscles niyan,” sabi agad ni Matias kay Shelby.

What the hell are you talking about?” tanong ni Markus kay Matias. “What is going on here?” tanong naman sa bunso.

Samantala, nagbulung-bulungan na ang mga ka-team ni Shelby. Nakatitig na rin sila sa dalawang naguguwapuhang lalaking bigla na lang ay sinalubong ng kanilang designer ng mainit na yakap at halik. Perfect replacements sila ng dalawang puting modelo na nang-iwan sa team nila. Sa tantiya nila parehong nasa six feet five o six-six ang dalawa. Kasing tangkad ng nang-iwan na modelo. At ang pinaka-exciting sa lahat para sa kanila, they are both hot! Kahit naka-maong jeans lang at hoodie, kakaiba pa rin ang dating. Nang lumapit sila, no’n lang napansin ng mga nandoon na Balenciaga naman pala ang tatak ng hoodie at ang maong ay tila custom-made from Escada. Nag-wonder tuloy silang lahat kung saan nagmo-model ang dalawa at kung bakit nakalusot ito sa kanilang mga mata na laging nakaantabay sa lahat ng mga fashion shows sa New York.

 

**********

“Why do I need to grace your fvcking fashion show, Mom?” naiiritang tanong ni Gunter sa ina dahil kahapon pa ito namimilit. Ngayon nga’y heto at gusto siyang kaladkarin papunta sa event na iyon. Magsisimula na raw kasi iyon in an hour.

Though I have invited judges who are distinguished fashion designers, no one can beat my son when it comes to male fashion. Afterall, you are known for your impecabble taste in suits.”

Itinirik ni Gunter ang mga mata habang nagpipirma ng mga papeles sa kanyang harapan. Pinagpatuloy niya ang pagbubuklat sa susunod pa niyang pipirmahan. Plano niya sanang dedmahin lang ang ina pero wala na siyang nagawa nang bigla na lang ay agawin nito sa kanya ang mga papeles at ibalik na sa folder.

C’mon, son! We will be late for the show!”

Ayaw man sanang sumama, napilitan din sa huli si Gunter. Pero to spite his mother, he remained quiet in the car. Pagdating nila sa pagdadausan ng naturang fashion show, sinalubong sila ng isang matandang head designer na kung tawagin ng mga nandoon ay Lord Randolph. Makikita sa reaksiyon ng huli ang labis na kagalakan nang makita nito si Gunter. Labis pa itong natuwa nang napapayag ang huli na maging isa sa mga huhusga sa gawa ng dalawa nilang promising designers.

Mayamaya pa, rumampa na sa entablado ang limang blonde at tatlong black male models habang nakasuot lamang ng iba’t ibang disenyo ng pantakip sa ibabang parte ng katawan. Sari-saring disenyo iyon na gamit lamang ang iba’t ibang klase ng dahon. Siyempre, masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanila mula sa audience. Sumunod doon ay isa na namang grupo na halos may ganoon ding konsepto. Mas nagustuhan ng crowd ang dalawang main male models ng pangalawang team. Grabe ang hiyawan ng mga kababaihan sa audience.

Who are those guys?” tanong agad ng mommy niya sa head designer nila na tila wala ring kamuwang-muwang. Imbes na sagutin nito ang mom niya, ipinasa nito ang tanong sa isa pang fashion designer na walang ring kaide-ideya.

Habang pinagkakaguluhan ang mga bagong modelo ng pangalawang designer, humingi ng pahintulot ang binata na lumabas lang saglit dahil may importanteng tawag. Ang totoo niyan, wala lang siyang ganang manood ng mga topless male models. He rolled his eyes when his mom didn’t even look at him. Wala na sa kanya ang atensyon nito kung kaya nakaalis siya nang walang masyadong hassle. Nanigarilyo siya sa labas. Bumalik na lang siya sa loob makalipas ang almost half an hour. Pag-upo niya sa gitna ng ina at ni Lord Randolph rumarampa na ang iba’t ibang models in their suits. Timing ang paglabas ng isang Ukranian model na suot ang dinisenyo ni Katarina.

That’s a nice suit. I would want to wear that one.”

Really?” excited na pagkompirma ni Lord Randolph.

Nang lumabas ang isa pa na ayon sa bulung-bulongan sa tabi niya ay isang promising male model from Russia, gano’n din uli ang sinabi niya. Lalong natuwa si Lord Randolph.

Scrap what I said a while ago. These are better. I’ll wear these. Tell your designer I’ll order five of each in different pastel colors,” sabi na ni Gunter nang lumabas ang dalawang tanned models na kanina’y pinakaguluhan ng mga female audience.

Napatingin sa kanya si Lord Randoph. Parang gustong siguraduhin na sa kanya nga iyon galing. Kapag ang isang Gunter Klaus Albrecht, kilala bilang pinaka-classy at eleganteng CEO ng New York na ang nagsasabing nagustuhan nito ang isang disenyo ng suit, wala nang makakakontra roon. Afterall, he is the epitome of class at siya ring tinitingala pagdating sa male fashion kahit na hindi siya professional model.

Nang sa bandang huli ay tawagin ang pangalan ng dalawang designers para pumunta na sa entablado, na-shock si Gunter.

Did I hear it right? Did your emcee say Shelby Mariano?” hindi makapaniwalang tanong nito kay Lord Randolph.

Yes. She’s our new designer from the Philippines. She really has potential, right?” walang kagatul-gatol na sagot ng matandang lalaki. “I know you agree with me. Afterall, you chose two of her designs. C’mon, I’ll introduce you to her.”

Bago pa makasagot si Gunter, lumabas na ang dalawang designers. At ganoon na lamang ang pagdagundong ng puso niya nang makita muli ang babaeng hinahanap-hanap niya.

Shit! She’s even more beautiful with the limelight on her face.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang binata. Kaagad niyang sinundan ang head designer nang pumunta ito sa back stage. Excited siyang makita muli nang harap-harapan ang babaeng nagpagulo sa kanyang isipan. Shelby Mariano pala. Kung gano’n ay nagsinungaling ito sa kanya noong isang araw. Hindi bale. Ang importante ay makakausap niya uli ito.

Natigil siya sa paghakbang palapit sa babae nang makita itong yumayakap sa isa sa mga main models niya. Napakuyom agad ng mga palad si Gunter.

Ms. San Diego,” tawag ni Lord Randolp sa designer. “I want you to meet someone.”

Ms. San Diego?” nalilitong tanong naman ni Gunter.

Yes. That’s her real last name, but she wanted to be known as Shelby Mariano in the fashion world.”

 

**********

Paglingon ni Shelby sa tumatawag sa kanya, nakita niya ang nakangiting head designer nila. Bihira ito kung magpakita ng tunay na kagalakan kaya napuno ng tuwa ang puso ng dalaga.

Ms. San Diego, I’d like you to meet Gunter Klaus Albrecht. He’s the ---”

Hi. We meet again,” nakangiting bati ni Gunter kasy Shelby bago pa matapos sa pag-i-introduce si Lord Randolph dito. Pinangunutan ng noo ang dalaga. He looked familiar, naisip niya.

Aren’t you the guy---oh no!”

Tumawa na si Shelby nang ma-realize na ang butler na nagmagandang-loob na ipag-drive siya ay narito muli sa kanyang harapan. Dahil mukhang close ito sa head designer nila, naisip ni Shelby na baka pati itong Lord Randolph nila ay lover din nito. Nang maisip iyon, nabawasan ang tuwa sa puso niya.

Yes. That’s right. It’s good that you remember me.”

Of course. That was only a couple of weeks ago.”

Tumikhim-tikhim sina Markus at Matias. Nagpaparamdam. Ang sama ng tingin nila kay Gunter. Naunang napasulyap ang huli sa dalawa kaysa kay Shelby. The moment their eyes met, sparks flew. Iyong spark na parang sa nagwe-welding ng metal. Nagsukatan agad sila ng pagkalalaki. Dahil halos magkasing-tangkad lang parang nagmistulang maliit na mama si Lord Randolph na kung tutuusin ay five feet nine inches naman ang taas. Kasing tangkad ni Shelby. Kaso ngayo’y naka-four-inch stiletto ang dalaga kung kaya’y na-highlight ang kaliitan ng matanda. Nakakatawa tuloy tingnan nang mamagitan siya sa tatlo.

Gunter. What’s going on?” tanong ni Lord Randolph.

Who the fvck are these guys? I don’t like them,” sagot ni Gunter dito in gritted teeth. Pabulong lang din iyon, pero siniguro ng lalaking dinig na dinig iyon nila Markus at Matias.

You have the nerve to say you do not like us? Why? Do you think we like you? Asshole!” Si Matias naman. Nakakuyom na ang mga palad nito. Hinila lang paatras ni Markus dahil parang pepektusan na si Gunter.

Ano ba?” anas ni Shelby sa mga kapatid. Hinarang na niya ang katawan sa mga ito. Nagulat siya sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin. She then turned to Gunter and asked where the comment was coming from.

I just do not like the arrogance of these bastards,” patuloy pa nito nang hindi kumukurap. “Lord Randolph, tell security to get these fvcking morons out of here!”

Ha? Wait! Why?” nalilitong tanong ni Shelby.

Atubili ma’y nag-radyo agad ang head designer sa security nila na ipadampot sina Matias at Markus. Wala pang ilang minuto ay lumitaw ang tatlong security personnel at lumapit sa kanila.

What’s going on?” nagtatakang tanong ni Shelby kay Gunter. Kani-kanina lang kasi’y nakangiti ito sa kanya ngunit ngayo’y larawan na ito ng isang taong sukdulan ang galit. Wala namang ginawang kung ano ang mga kapatid niya.

I just don’t like the guts of these fvcking morons,” sagot naman ni Gunter kay Shelby habang nakikipagtagisan ng tingin kay Matias na ngayo’y kating-kati nang manuntok ng tao.

Nang akmang lalapitan na ng mga security personnel ang mga kuya niya, yumakap sa mga ito si Shelby.

I am not letting you take my brothers away!” asik niya sa mga gwardya. Tapos nilingon niya si Gunter saka inangilan. “I do not know what your problems are with my brothers. But I will not allow you to do this to them!”

Your brothers?” Na-shock si Gunter.

Nang kompirmahin ito ni Shelby, napatapik sa noo ang binata at biglang umaliwalas ang mukha.