CHAPTER FOUR
“They’re you’re brothers?” halos pabulong na lang na tanong ni Gunter kay Shelby. Hindi ito makapaniwala. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Markus at Matias tapos ay sa dalaga at pabalik na naman sa dalawang lalaki.
“Yes, they are,” pakli naman ni Shelby. Nakaharang pa rin ang katawan niya sa mga kapatid for protection.
Gunter cleared his throat. Napakamot-kamot pa ito sa batok para makayuko nang kaunti. Ayaw niya rin kasing mahalata ng mga kaharap ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Sa katunayan, hirap na hirap siyang supilin iyon. Daig pa kasi niya ang naka-jackpot. He was relieved beyond words.
Kakitaan naman ng kalituhan ang mga security personnel dahil biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng anak ng kanilang amo. Kung kanina’y nagngangalit itong parang super typhoon, ngayo’y biglang nag-animong maaliwalas na langit.
“Sir?” untag ng mga dambuhalang guwardiya kay Gunter.
“You may go back to your posts now. It was a false alarm.”
Nagulat ang mga guwardiya. Bihira kasing magbago ng isip ang isang Gunter Klaus Albrecht na kilala nila. Once he sets his mind on something, he really goes for it.
“I said, go! You are not needed here anymore.”
Napaharap bigla si Shelby kay Gunter dahil sa narinig. Gulat na gulat din siya. Kung kanina nakita niya itong parang gustong lapain ang mga kuya niya, ngayo’y maaliwalas na ang mukha. Nakangiti na rin ito sa kanya at bumalik pa ang Mr. Nice Guy aura tulad noong una niya itong makilala. Ang pinakapinagtaka niya sa lahat, humingi pa ito ng dispensa kina Markus at Matias.
“I thought you guys were harassing Shelby Ma---shall I call you Shelby?” At sumulyap ito sa dalaga sa paraang nagso-sorry.
“No!” halos ay sabay na tutol nila Markus at Matias bago pa man makasagot ang kanilang kapatid.
Hindi na nagulat sa reaksiyon ng dalawang lalaki si Gunter. He expected them to be hostile because of the things he said to them, pero determinado siyang humingi ng dispensa sa mga ito.
“I thought you were harassing Ms. Mariano. I do not just stand by when a woman is being harassed right in front of me.”
“Bipolar ba ang lalaking ito?” anas ni Matias kay Shelby. Pero sadyang pinarinig kay Gunter.
Binigyan ng dalaga ng warning look ang kuya niya. “Huwag kang mag-Tagalog. Aakalain niya pinag-uusapan natin siya,” pabulong pa niyang babala.
Hindi nakinig ang Matias. “Are you suffering from a bipolar disorder?” tanong pa nito sa eksaheradong mahinahong boses. Iyon bang parang bukal sa loob ang pag-aalala.
Hindi napigilan ni Markus ang mapangisi sa sinabi ng kapatid. Pinandilatan naman ni Shelby si Matias. Gunter, however, did not reply. He did not care about it. Nothing could dampen his spirit right now.
Samantala, si Lord Randolph ay palipat-lipat ang tingin sa apat. At unti-unti itong napatangu-tango. Tila bagang may nadiskubre ito sa tahimik na pag-oobserba sa apat na nilalang sa kanyang harapan. Ang ikinababahala lamang nito ngayon ay si Adeline Grayson. Paano na ang anak ng matalik na kaibigan?
**********
“Ever since, wala akong tiwala sa Alfonso na iyon! At tama nga ang sapantaha ko! Hindi siya mapagkakatiwalaan!” pigil na pigil ang galit na pahayag ng Kuya Marius ni Shelby habang nagkakape sila sa isang American coffee house malapit sa condo unit ng dalaga. Sinabi na kasi rito ni Matias na pinal nang wala na sila ng kanyang first love.
“Ako naman ang nakipag-break sa kanya, Kuya,” sagot ni Shelby. Mahina ang tinig. Nakatungo siya. Ayaw niya kasing makita nito ang labis niyang pagdaramdam.
“Don’t be sad, sweetie. Mas mabuti na nga ang ganito. If he cannot support you in things that matter to you, he doesn’t deserve to be with you,” masuyong pakli pa ng kapatid.
Tumangu-tango si Shelby. But she made a mental note to strangle Matias for telling their eldest. Ang sabi sana niya sa damuhong iyon hintayin muna siyang maka-recover sa pait na ipinadanas ni Alfonso bago nila sabihan ang kuya nila.
“Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Markus na very successful ang fashion show mo noong nakaraang gabi. Did you win?”
Bumalik sa alaala ni Shelby ang lahat ng pangyayari. Ang excitement at masigabong palakpakan ng crowd sa tuwing rumarampa ang mga modelo niya. Ang nod of approval ng mga pihikang judges. Ang mainit na pagtanggap ng audience nang ipakilala siya sa entablado. Kahit ilang beses nang nag-replay sa utak niya ang buong pangyayari parang hindi pa rin niya lubusang naiintindihan ang naging pagpapasiya ni Lord Randolph.
“Katarina won by a small margin,” sagot ni Shelby sa mahinang tinig. Dagdag pa iyong nagpalungkot sa kanya. She thought and felt she could win that night, but then Lord Randolph announced the day after that Katarina won by just a few points.
**********
“What the fvck do you mean she lost to that Slovakian girl?” galit na tanong ni Gunter kay Lord Randolph nang malaman niya ang resulta ng fashion show. Sinadya pa niya ito sa opisina ng lalaki.
Hinayaan siya ng matanda na magmura nang magmura. Nang naubos na niya ang lahat ng expletives sa mundo, saka lamang ito nag-explain ng side ng fashion house.
“The suits were not the only entries. We tallied all the points each designer received for every piece of clothing they designed starting from the beginning of time. You see the show’s theme was time evolution and ---”
“I do not care about the theme! She won hands down! That’s what I heard from the other judges! I’ll talk to Mom about this.”
“Why are you so into this, Gunter? What about Adeline?” “Have you forgotten you’re engaged?”
Gunter just gave him one fleeting glance and went to call his mom on his cell phone. Sinabi niya rito ang protesta sa lumabas na resulta ng fashion show at iginiit na mas maganda ang creations ni Shelby Mariano. Pero imbes na mag-side sa kanya ang ina, pinagtawanan lamang siya nito.
“How would you know that? You were outside almost the entire time. You just came back when the suits of the twenty first century were shown,” sabi pa ng mom niya.
Napakagat-labi si Gunter. In-off niya ang call at hinarap uli ang head designer. Nagpa-cute siya rito hoping na bibigay ang matanda. He had done that in the past and Lord Randolph was not able to resist his charm. Pero ngayon hindi na iyon umobra.
**********
“O, bakit parang Biyernes Santo ang pagmumukha mo riyan? Akala ko ba tanggap mo nang natalo ka ng Katarina Horvathova na iyon?” tanong ni Dane kay Shelby habang nagsasalin ng red wine sa dalawang kopita. Binigay nito ang isa kay Shelby na ngayo’y tila absent-minded kung kaya tila nag-alok lang siya sa hangin. Nakatingin lang kasi ang dalaga sa telebisyon pero hindi naman ito nanonood ng news. Tinabihan ito ni Dane sa couch.
“Here you go. Hawakan mo ito.” At nilagay pa mismo sa kamay ni Shelby ang kopita.
“Oh, sorry,” ani Shelby. At napakurap-kurap pa na tila pilit ginigising ang diwa sa isang malalim na pagtulog. Sumipsip ito sa bigay ni Dane na red wine. “Hmn. This tastes good.”
“Of course, it tastes good! Sa inyo iyan, eh.”
“Ha? Sa amin ba?” At nakitawa na rin si Shelby.
“Ano’ng problema? Bakit ang lalim na naman ng iniisip mo? Don’t tell me it’s still about Alfonso. Kukutusan na kita riyan. Dalawang buwan nang kasal ang ungas na iyon at dalawang buwan na ring nagpapasarap sa piling ng iba. Hindi niya deserved ang mga luha mo. Move on na!”
“It’s not him. I’m so over him now.”
Nagtaas ng kilay si Dane. Hindi naniniwala.
“Yes, I am over him. Iba ang pinoproblema ko ngayon.”
“Iyong parang biased result ng fashion show n’yo? Aba’y that was six weeks ago. Dapat noon ka pa nagprotesta sa resulta kung pinagsisintir mo pa rin.”
“Ano ba. Stop making assumptions. It doesn’t matter to me now. Ang inaalala ko ay ang gaganaping get together naming mga alumni ng St. John’s Academy na nasa New York ngayon. Kyla, Alfonso’s cousin, is hosting the event.”
“Dadalo ka? Aba’y gusto mo palang pasakitan lalo ang sarili mo. Masokista ka rin, ano? What if pupunta ang lalaking iyon sa party? Eh di nagkita kayo? Gusto mo bang maging kerida? Kabit? Mistress? My God, Shelby! You are a San Diego!”
Natawa si Shelby sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan. “Aatend lang ako ng party tapos maging kerida agad?”
“Aminin. Hindi ba’t secretly you’re dying to see him again?”
Napangiti si Shelby sabay iling. “No,” pakli niya. “Plus, Alfonso is not an alumnus of St. John’s. Malabong darating iyon. Pero dahil pinsan niya ang magho-host siyempre makakarating sa kanya ang balita kung dumalo ako o hindi. I do not want to socialize with Kyla but I also do not want to make her think that my skipping the party is because I still hold a torch for her cousin.”
“Yeah. Kailangan mo ngang dumalo. But you need to wear your most fashionable and most expensive gown!”
“What I’ll wear is not the problem. I always beat them in fashion.” Shelby smiled sheepishly when she realized she was bragging. Hindi naman kasi siya likas na hambog.
“That’s not bragging. Sigurado akong totoo iyan. So ano pala ang problema mo?”
“Kyla is engaged to Gregorio Jimenez, the one who owns a TV network back home. Ang tatlo niyang kaibigang dadalo rin sa party ay nakapag-asawa rin ng mga elitista sa atin. Siguradong hahanapin nila ang pinalit ko kay Alfonso at wala akong maiprisinta! That’s the problem.”
Nang dumating ang araw ng party, nagdesisyon si Shelby na umatend na lang at ipakita sa mga dating kaklase na kahit wala siyang boyfriend ay masaya naman siya. She has a very promising career and she can say that the world is her oyster.
**********
Nakailang padala na si Gunter ng bouquet of flowers kay Shelby pero ni isa ay hindi nito nireplayan. Naglagay pa siya ng private phone number niya sa lahat ng cards na kalakip ng mga bulaklak, pero ni isang missed call ay wala man lang siyang natanggap. Ba’t ganoon? Is she still mad at him?
Naisip ng binata, kung tatawag siya sa fashion house ng ina at ipaalam ang kanyang pagdalaw baka pagtaguan siya ng dalaga. Minabuti niyang daanan na lang ito ng walang pasabi.
“I want to see Ms. Mariano or Ms. San Diego or whatever name you call her,” deklara niya agad kay Lord Randolph nang salubungin siya nito sa ground floor ng building isang tanghali.
“Oh. Ms. Shelby. Sorry dear. She just asked for a leave of absence. She will not be coming back until Monday next week.”
He eyed the old guy with suspicion at minanduan itong ibigay sa kanya ang address ng babae.
“Ask permission from your mom. We cannot reveal her address to anyone because that is strictly prohibited. But if your mom will risk being sued for it, we are fine with it.”
“Fvck! Fine!”
Galit na umalis si Gunter. May kutob siyang bistado na siya ni Lord Randolph. He knew that his loyalty is with Adeline. Kaibigan kasi nito ang ama ng dalaga. Alam din ni Gunter na aware si Lord Randolph na if ever ma-sense ng mom niya ang kanyang interes kay Shelby, siguradong hahadlang ito. Alam kasi nito kung gaano ka pursigido ang kanyang ina na magkatuluyan sila ng Adeline na iyon kahit ano pa man ang mangyari.
**********
Red is the symbol of passion, fire, and love but it is also the color of power, strength and determination. Iyon ang dahilan kung bakit napili ni Shelby na pulang gown ang isuot niya ngayong gabi ng party. Gusto niyang maramdaman ng lahat na hindi siya dapat kinakaawaan kahit wala na sila ni Alfonso.
The gown was a sleeveless one that fit Shelby like a second skin from the chest down to her hips. Ang slit mula sa kanyang mid thigh hanggang sa bukong-bukong at ang black strappy sandals na open toe stilleto made her even look sexier.
“Wow! Oh wow! Sigurado akong ikaw na ang wagi sa gabing ito!” naibulalas nga ni Dane nang makita siya.
“Thanks, Dane.”
Shelby smiled at her friend to reassure her na makakaya niyang lampasan ang gabing iyon nang hindi nasasaktan, pero kunwari lang iyon. Nang makarating na siya sa isang five star hotel sa downtown New York kung saan gaganapin ang get-together, nanginig agad ang kanyang mga tuhod sa kaba.
“Ms. Shelby San Diego?” salubong sa kanya ng staff ng hotel. Inihabilin na pala siya ni Kyla sa taga-roon. Nang tumango siya rito, she was told to follow the woman.
Paliko na sila sa private room kung saan ang party nang may biglang tumawag sa pangalan niya.
“Ms. Mariano!”
Paglingon ni Shelby nagtama ang paningin nila ng guwapong butler ng Skylark Hotel.
“Mr. Albrecht,” pormal ding bati ng dalaga rito.
“Or is it Ms. San Diego?”
Pinangunutan ito ni Shelby ng noo. Hindi niya matandaan kung naibigay niya rito ang tunay na apelyido. Understandable na tawagin siya nitong Ms. Mariano dahil iyon ang pakilala sa kanila ng emcee noong fashion week which he also attended. Pero iyong Ms. San Diego? Saan niya napulot iyon?
“Shelby, right? Shall I call you Shelby? Ms. Mariano or Ms. San Diego seemed so formal. And please call me Gunter. Mr. Albrecht makes me feel old,” sabi agad nito nang nakangiti bago pa siya makasagot sa unang tanong nito.
“Okay,” pakli lang dito ng dalaga.
“Are you attending an event here?”
No’n lang uli naalala ni Shelby ang dadaluhang pagtitipon. Mabilis na umandar ang utak niya. Tiningnan niyang maigi si Gunter mula ulo hanggang paa. Gaya noon, he’s impeccably dressed as if it was his job to look good. He would be perfect to be her pretend boyfriend kaso nag-aalala siyang singilin siya nito ng sobrang mahal. Not that she cannot afford it. Medyo naaasiwa lang siya just to think of it.
Naisip ni Shelby, hindi kaya napagkamalan niya lang itong butler? Sino ba naman sa ganoong posisyon ang magsususuot ng mga mamahaling suit at sapatos? Could a butler even afford them? Pero sa isang banda naman, may mga narinig na rin siyang kuwento na sinasadya diumano ng ibang mga butlers o valets na mag-astang mayaman para lakihan ang tip sa kanila. May iba pa ngang nagkukunwaring Briton dahil mas malaki raw ang tip sa mga butlers o valets na may British accent.
Bago pa siya ma-tempt at alukin ang kaharap na maging pretend boyfriend, nagpaalam na siya agad dito.
“Yes. I am attending a friend’s party here. See you later.”
Pagpasok ni Shelby sa pinagdausan ng reunion nila, nandoon na ang mga dati niyang kaklase’t kaeskwela. Bawat isa nga sa kanila ay may kasamang partner! Proud pa si Kyla habang pinirisinta sa lahat ang nobyong si Gregorio Jimenez.
Matapos ang mga huwad na pagbati ay naupo na si Shelby sa tinalaga nilang puwesto niya. At sa gitna pa ng dining table! Naisip niyang baka sinadya ito ni Kyla. Nagngitngit siya sa loob-loob niya pero hindi niya pinahalata.
“So, where’s your partner, Shelby?” tanong ni Mila, isa sa mga kaklase niya. May sariling itong negosyo sa Pilipinas at ang nobyo ay isa pang high end realtor. Iyong nagko-komisyon ng mahigit kumulang tatlong bilyong piso kada taon dahil sa mga super rich nitong kliyente.
“Oo nga, Shelby. We were all looking forward to meeting your new boyfriend,” halos ay sabay na sabi ng mga kaeskwela.
“Ano ba, guys. Kaka-break lang nila Alfonso at Shelby. You do not expect her to find a guy just like that,” sabi pa ni Kyla with her fake concern. But Shelby knew better.
“Bakit si Alfonso, nakakita agad ng bride? More than two months na ngang kasal ang pinsan mo, di ba?” Si Mila uli.
Napakagat-labi na lang si Shelby sa kanyang narinig but she tried her best to maintain her composure. Inisip na lang niya ang kasabihang ‘ang pikon ay talo.’
“Si Kyla kasi ang host. She’s Alfonso’s cousin and---”
“But you have a boyfriend?” putol ni Susan sa sasabihin pa sana ni Shelby. She sounded impatient.
Ang pamilya nila Susan ay karibal ng pamilya San Diego sa hotel business. Ang alam ni Shelby humahabol ang mga ito sa pamilya nila sa dami ng three star hotels sa Pilipinas.
“Of course naman, no? Si Shelby pa,” sabi naman ni Irene. BFF ito ni Kyla at matagal nang may crush kay Alfonso. Ito ang kauna-unahang natuwa nang hindi sila magkatuluyan ng dating nobyo. Ngayo’y engaged na rin ito sa isang mayamang Chinese businesman, pero nakikipagkompetisyon pa rin sa kanya.
Hindi pa nasagot ni Shelby ang mga tanong nila nang biglang bumukas ang pintuan ng private room at nagsidatingan ang kung ilang waiters ng hotel na may dala-dalang mamahaling vino.
“We did not order for these wines,” sabi agad ni Kyla.
“Yes, ma’am. This is courtesy of---”
Napasinghap ang lahat when Gunter confidently walked inside the room. His eyes were fixed on Shelby alone. At nakita iyon ng mga kasamahan ng dalaga.
“I want you to enjoy the party with your friends, Shelby. If you need anything, just tell them.” Tinuro nito ang mga servers.
Ang walong pares na mga mata ay nagpalipat-lipat ng tingin kay Gunter at kay Shelby. Ang mga kababaihan doon, kahit iyong kaka-engaged lamang ay inggit na inggit sa dalaga.
“Mr. Albrecht is your new boyfriend?!” naibulalas pa nila nang may pagkamangha, maging ang kani-kanilang mga partners.