CHAPTER TWENTY-SIX
Nang bandang alas tres y medya na ng umaga nagpasya ang magkapatid na umuwi muna sa condo ni Shelby para doon magpahinga. Imbes na dumeretso ng JFK International Airport sina Matias at Morris, minabuti nilang samahan muna ang kanilang bunso. Gano’n din sina Marius at Markus. Kesehodang sa living room sila matutulog dahil wala nang bakanteng silid.
“How are you holding up, sweetie?” masuyong tanong ni Marius sa bunso. Sinundan nito sa kusina si Shelby nang kumuha na naman ito ng kung ano sa ref.
“Sana hindi ka nagagalit sa amin, Shelby. We just wanted the best for you,” ani Markus naman na bumuntot din pala sa kambal.
“I’m okay and I’m not mad at you guys.”
No’n naman lumabas ng room niya si Matias at nakiusyuso kung ano ang nangyayari sa kusina.
“Hindi pa rin ba tayo nakaka-move on sa Gunter issue na iyan? Pwede ba matulog muna tayo?” hirit nito.
“We were not talking about him,” asik ni Marius at nauna na itong bumalik sa living room. Sumunod sa kanya si Markus.
“Hey,” masuyong bati ni Matias sa bunso. “Are you okay?”
“Yeah. I am,” sagot ni Shelby sa pinatatag na boses.
Lumapit si Matias dito saka niyakap ang kapatid.
“It pains me---us to see you get hurt. Sana isipin mong nagkakaganito lamang kami dahil gusto ka naming protektahan. Pero kung mas lalo kang nasasaktan dahil sa ---you know---you’re an adult now, Shelby. You decide for yourself. Just make sure that you also protect yourself, okay?” At tinaas pa ni Matias ang baba ni Shelby. “If you are happy, we, your brothers, are the happiest. We love you, baby girl.”
Pinangiliran ng luha si Shelby sa narinig.
“I love you, too, Matty.” At humagulgol na ito sa balikat ng kapatid. Doon na binuhos ang lahat ng mga nararamdamang emosyon at mga agam-agam. Lalung-lalo na ang duda kay Gunter.
A huge part of her says Gunter is sincere with her, but there’s also that part na duda. Kahit kasi nag-propose na ito sa kanya at nagkumahog na magpakasal sila ay hindi pa rin natigil sa paglitaw ang mga artikulo sa kanila ng dalawa nitong exes, especially Marinette. Idagdag pa riyan ang eskandalong ginawa ni Madame Margaux sa ospital kung saan sinabi niyang engaged na naman ang anak at si Adeline. Kung wala sana ang antigong singsing na iyon, mababalewala niya agad ang mga siniwalat ni Madame Margaux. Pero alam niya ang history ng singsing na iyonh. Naikuwento sa kanya ni Gunter iyon noon. Tradisyon na ng pamilya Albrecht for generations na ibigay ang singsing na iyon sa fiancee ng isang first male heir ng Albrecht family. Kung totoo sa loob ni Gunter ang kasal nila iyon sana ang binigay sa kanyang singsing hindi ang random ring na nadampot lang nito sa estante ng isang jewelry store.
**********
A few hours before Shelby and Gunter’s civil wedding ceremony
“Boss, please promise me you will not get mad at me,” bungad ni Frederick pagdating nito sa opisina ng amo. Tila nag-aalala.
Tinaasan lang ito ni Gunter ng kilay habang inaayos ang tux sa malaking salamin na nasa loob na bahagi ng pinto ng built-in closet. Hindi nga binigyang-pansin ang sinabi ng assistant.
“Boss?” untag ni Frederick.
“Yeah?” sagot ni Gunter nang matapos na ang pag-aayos sa tux. He was not a bit interested. Nang kulitin nga ni Frederick he absent-mindedly nodded. Okay lang daw sa kanya.
“Boss, sir, we have a problem with the ring. The company representative called me up a while go to tell me they cannot deliver it in advance. It is still being ----”
Hindi na natapos sa pagpapaliwanag si Frederick dahil dumagundong na ang ‘what’ ni Gunter. Naisara pa nga nito nang malakas ang closet saka nilapitan ang assistant. Galit na ito.
“If you remember, boss, they only categorically said yes to designing the ring, boss. I mean, they did not promise remember? They said they will give it a try. But as you can see they were not able to---,” patuloy pa ni Frederick habang umaatras. Na hindi naman natapos dahil kinukwelyuhan na siya ni Gunter.
“So wha the fvck am I going to do now, bastard?!”
“I’ll check the Tiffany’s boss? Or any jeweler nearby?”
“Then what are you waiting for? The wedding is in an hour!”
At kumaripas na nga ng takbo palabas ng opisina ni Gunter si Frederick. Sa office na ng mayor sila nagkita makaraan ang ilang sandali. Dahil walang kaalam-alam sa jewelry, ang binigay ng assistant na singsing sa amo ay diamond ring nga rin pero hindi na tataas pa sa tatlong libong dolyar. Nang tanungin nga ito ni Gunter kung magkano ang bili nito sa singsing kumamot-kamot ito ng ulo saka nahihiyang umaming nakuha iyon sa halagang two thousand eight hundred fifty dollars. Galit na galit tuloy si Gunter. Gusto niya itong kutusan kahit sa harapan ng mayor.
“Boss, the more expensive rings there were a lot bigger than Ms. Shelby’s ring finger. So I chose the safest one.”
Ngumiti ang mayor nang marinig nito ang pinagdiskusyunan ng dalawa. Nagbigay pa ito ng sariling opinyon.
“The love between two people can never be measured by any material possession. Don’t worry, Mr. Albrecht. If she loves you truly, then any ring will do.”
Yeah, if I were a pauper! But she knew I’m a billionaire!
Gusto man sanang magpahanap pa ni Gunter ng ibang singsing, wala nang oras. Dahil hayun at nasa pintuan na ang dalagang laging laman ng kanyang isipan. Kahit na simple lamang ang napili nitong bridal dress para sa ceremony, hindi pa rin maitatago ang angkin nitong ganda na lutang na lutang sa lahat.
“Is that your bride?” tanong ng mayor kay Gunter.
Hindi na nakasagot doon ang binata dahil excited na nitong sinalubong sa pintuan si Shelby.
**********
A few minutes before the civil wedding ceremony
Napasinghap si Shelby nang makita ang kanyang groom. As always, he was impeccably dressed. Bagay na bagay ang napili nitong tux. Lalo itong pumogi tingnan. Daig pa nga nito ang mga male models na nagsusuot ng mga mamahaling tuxedos ng mga kilalang brand. Mas may dating si Gunter sa kanila dahil bukod sa matangkad ito sa karaniwan ay guwapo pa’t napaka-strong at powerful ng aura. Dahil sanay sa fashion world, napagtanto ng dalaga na kung ilang milyon ang halaga ng suot-suot ni Gunter nang oras na iyon, mula sa tuxedo hanggang sa relo sa pamulsuhan. Tantiya niya nagkakahalaga ng singkwenta mil dolyares ang tux palang nito. Idagdag pa roon ang rare edition ng sapatos na alam niyang custom made din. Sa tantiya niya siguro’y nasa isang daang libong dolyar ang leather shoes na iyon. Ang suot nitong relo naman na isang Patek Philippe, isang kilalang high end watch maker, ay malamang nagkakahalaga ng limang milyong dolyar. Kahit saang anggulo tingnan, Gunter exuded elegance and wealth.
“Hi. Sorry to keep you waiting,” bati niya rito sabay ngiti.
“No, my bride. I was just early. And you are always worth the wait, you know that.”
Kinilig na naman si Shelby sa narinig kung kaya bahagya siyang napayuko para itago ang tingin niya’y pamumula ng kanyang pisngi. Uminit kasi ang pakiramdam niya bigla kung kaya nasisiguro niyang nag-blush na naman siya.
Shelby was ecstatic and excited for the wedding to take place when she got a glimpse of the ring. Nangunot ng bahagya ang noo ng dalaga nang makita ang nakabukas na maliit na kahon sa ibabaw ng desk ng mayor. Singsing ang laman niyon! Iyon na ba ang magiging wedding ring niya?
Hindi siya materialistic na klase ng babae dahil pinalaki siya ng ina na maging simple lang at hindi mapaghangad sa materyal na bagay ngunit alam din niya ang kanyang halaga. Iba iyon sa pagiging materialistic. Hindi sa nag-iinarte siya pero diyata’t napaka-cheap ng singsing na iyon para sa bride ng isang kilalang bilyonaryo with a fine taste in life! Mas mahal pa ang tuxedo ng groom niya nang di hamak kaysa sa isusuot niyang singsing!
“Relax, Shelby. It’s only a ring,” she told herself silently, pero hindi niya naiwasang ma-disappoint. Iisa lang kasi ang ibig sabihin no’n. Nag-assume lang siya ng halaga niya kay Gunter.
**********
“Boss,” mahinang tawag ni Frederick sa amo.
Iaabot na sana nito kay Gunter ang nabiling dyaryo on his way to his office nang makita na may hawak nang kopya ang amo.
“Do you want me to contact our lawyers now, boss? We can sue them for libel. Our lawyers are just a call away.”
No’n lang lumingon dito si Gunter sabay buntong-hininga.
“No need for that. I will deal with this my way.”
Kanina pa nakalabas si Frederick pero wala pa ring naiisip na hakbang si Gunter para pangontra doon sa balita.
“What the fvck should I do?” naibulalas niya sabay tayo.
Ayon pa sa report, maraming naniniwalang businessman na hindi raw totoo ang balita, pero mayroon namang pumatol dahil ang source niyon ay mismong ina ng CEO. Matapos ngang maibalita ang naging pahayag ni Madamae Margaux sa hospital ay hindi na matapos-tapos ang pag-ring ng telepono sa opisina ni Gunter. He had to tell Mrs. Smith, his secretary, na huwag muna nitong i-connect sa phone niya sa office ang kahit na sinong investors dahil wala siya sa mood para magpaliwanag.
No’n naman humahangos na dumating sa opisina ni Gunter si Mr. Stevenson, ang COO ng korporasyon. Gulat na gulat daw ito sa nakitang breaking news sa TV. Hindi raw sana niya ito papatulan kung hindi lumitaw sa balita si Madame Margaux na siyang naging source diumano ng balita.
“Should I give a statement to the press now? But then I have to remind you that doing so would put your mother in a bad light and she also has a business to protect. What should I do?”
Imbes na sumagot tungkol doon, ang inusisa ni Gunter ay ang reaksyon ng CEO ng MS & Sons Advertising Agency dahil may thirty percent pa sila sa kontrata na hindi nababayaran.
“I haven’t received any calls from their representative yet.”
Napahinga nang maluwag si Gunter. Naisip niyang, may oras pa siya para makapagpaliwanag sa pamilya ni Shelby.
“But your father called up a while ago,” sabi nito.
No’n lang napatingin uli si Gunter sa COO.
“He wanted me to contact the San Diegos. Should I?”
Kaagad na umiling si Gunter. “No. I will do that myself.”
Tumayo na si Gunter at nagpaalam kay Mr. Stevenson. No’n niya lang kasi naalala ang baby na siyang puno’t dulo ng lahat. By this time, dapat tapos na ang operasyon.
“Where are you going?”
“To the hospital. I’ll just check on my baby.”
“Whose baby?”
“My baby.”
“What? You have a baby?!”
**********
Ilang ulit na binasa ni Shelby ang artikulo sa pahayagan tungkol sa pagkalugi ng negosyo ng mga Albrecht at paggamit sa pamilya niya bilang huling alas para sa pagbangon nito. Kahit na sinasabi roon na bukod kay Madame Margaux Albrecht mayroon silang insider na na-interview at nagpatotoo sa diumanong pagkakalugi ng mga negosyong hawak ni Gunter, hindi pa rin siya naniniwala nang lubos. Walang senyales na papalugi na ang mga hotels at pharmaceutical companies nito. Katunayan, kamakailan lang ay nakapag-takeover pa ang Skylark ng kung ilang hotels sa Eastern Europe maging sa South at East Asian countries. May kutob si Shelby na gawa-gawa lang ni Madame Margaux ang lahat katulad ng ginawa nitong pagmanipula noon sa resulta ng in-house fashion design competition sa Margaux Quandt Fashion House.
“Ms. Shelby?” anang nurse na kumausap sa kanila kahapon. Ito ang isa sa mga direktang nag-assist sa main cardiologist at surgeon ni Baby Alison. “Dr. Callahan wants to see you.”
Pagkakita sa very solemn expression ng nurse, kinabahan si Shelby. Napalunok siya nang sunud-sunod.
“Uhm---can you please tell him to give me a few minutes? I’ll just---I’ll just check on something.”
Tumangu-tango ang nurse saka tumalikod na sa kanya.
Dali-daling bumaba ng ground floor si Shelby at tumakbo sa chapel na nasa first floor ng Guggenheim Pavilion. Nag-alay siya ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang munting anghel. Hindi niya namalayan, tumutulo na pala ang kanyang luha. Mayamaya pa, may kasama nang pagsikdo iyon. Nagulat na lamang siya nang may isang matipunong bisig na bigla na lang nag-alok ng mga balikat nito para iyakan niya.
“I knew I’ll find you here. I’m not religious but I also came to ask Him to grant you whatever it is that you came here for.”
Lalong umagos na parang ulan sa Hunyo ang mga luha ni Shelby. Hindi na siya nag-isip pa. She cried on Gunter’s shoulder.
“I’m scared.”
Lumayo lamang si Shelby sa mga bisig ni Gunter nang ma-realize na nabasa na niya ng luha ang upper part ng suit nito.
“I’m sorry for ruining your suit.”
“No worries. This is not important.”
Inalalayan siya nitong makatayo at sabay silang umakyat sa opisina ni Dr. Callahan. Pagkakita sa kanila ng head surgeon ni Baby Alison, nalungkot ito. Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa.
“The baby has not yet awakened. She should have done that hours ago,” nag-aalalang balita ng doktor.
“Is there a---” Hindi masabi ni Shelby ang pinag-aalala.
“Let’s hope for a miracle,” pakli ng doktor.
Napaiyak si Shelby. Napaakbay naman agad sa kanya si Gunter sabay pisil pa sa kanyang balikat.
May tinawagan naman si Dr. Callahan. Pagkababa nito sa telepono ay inimbitahan silang dalawa na sumunod daw sa kanya sa recovery room. Nang makita ni Shelby sa crystal window ang tila walang buhay na katawan ni Baby Alison, nag-break down na naman siya. Pinangiliran din ng luha si Gunter.
“Please Lord. Ibalato n’yo na sa akin ang batang ito. Please, please Lord,” paulit-ulit na bulong ni Shelby sa sarili.
Mayamaya pa, nanlaki ang mga mata ni Shelby. Gumalaw kasi ang paa ng bata tapos tila ngumiwi pa ito.
Mabilis na tumawag sa nurse na nakatoka sa recovery room si Dr. Callahan. Ilang minuto pa ang nakalipas, nakita nilang dumilat ng mga mata si Baby Alison at tila may hinanap sa mga taong naroon. Nang araw ding iyon ay nalipat na ito sa Neonatal Intensive Care Unit or NICU.
**********
Nang tumingin sa kanya ang bata, naramdaman kaagad ni Gunter ang koneksiyon dito. Nang ikuyom pa nito ang maliliit nitong palad sa kanyang hintuturo may naramdaman na naman siyang kakaibang emosyon. He knew right there and then na kahit ano pa man ang kalalabasan ng agreement nila ni Shelby, gusto na niyang maging kahati sa kustodiya rito.
From the corner of his eye, he saw Shelby looked at them. At kitang-kita niya na napangiti ito sa nasaksihan.
“I think she recognized me,” proud niyang sabi kay Shelby.
“I think so, too.”
Hinayaan siya ni Shelby na makipag-usap sa baby. Mukha namang naintindihan siya nito dahil titig na titig sa kanya at paminsan-minsan ay napapangiti pa.
“I think we need to change her name already. I have a few names in my head right now, but it’s still your decision. I just want her to have my name, Albrecht. That’s all”
Paglingon ni Gunter kay Shelby, hilam na muli ang mukha ng huli sa luha. But this time, she seemed to be very happy. Nilapitan niya ito agad at niyakap nang mahigpit na mahigpit.
“I know the system here in naming babies and it looked like she wouldn’t have my last name as her automatic middle name so---whatever it is that you think is suitable for her first name, I’m okay with it for as long as she will have San Diego as her middle name. Will that be okay with you?”
“Of course, babe.” At humalik pa si Gunter sa noo ni Shelby.
“Thanks a lot. This wouldn’t happen if not for your help.”
Walang pagsidlan ng kaligayahan si Gunter. Lalo pa’t hindi siya tinutulak ni Shelby habang yakap-yakap niya ito sa NICU.
**********
Paglabas ng dalawa sa ospital, may sumalubong agad sa kanilang flash ng kung ilang camera. Awtomatiko ngang napatakip ng braso sa mukha si Shelby. Si Gunter naman ay tumalikod sa mga paparazzi para sana takpan si Shelby, pero nakuhanan na rin ito.
Medyo nalito ang dalawa kung kaya napabalik ng ospital, pero kahit sa loob ng lobby ay may nakapasok na ring mga paparazzis. Parang kinuyog pa sila. Just when they thought they cannot excape the press, may limang bodyguards na bigla na lang sumugod at tumulong sa kanila na umeskapo roon. Dinala sila nito sa naghihintay na limo sa labas. Pagkapasok ni Shelby sa loob ng sasakyan, nanlaki ang kanyang mga mata.
“Daddy!” naibulalas niya.
“Mr. San Diego,” halos pabulong lang na sambit ni Gunter. Nag-atubili itong pumanhik sa loob ng limo, pero nang lingunin ang likuran at makitang parang mga bubuyog na tumatakbo papunta sa kanila ang mga paparazzi’y napilitan din itong pumasok na. Doon siya sa kaharap na upuan ng mag-ama umupo.
Minanduan naman ni Magnus ang driver na paarangkadahin na ang sasakyan. Niradyuhan pa nito ang mga bodyguards na siguraduhing walang nakabuntot sa kanilang paparazzi. Nang mga oras na iyon, nanggigil naman si Gunter sa sarili nitong bodyguards na iniwang magmasid sa paligid habang nandoon sila ni Shelby sa loob ng ospital. Bakit hindi siya naabisuhan na may mga reporters na palang nakaabang sa kanila sa labas? Tinawagan niya ang pinakapinuno ng kanyang security personnel. Imbes na ito ang sumagot sa kanya, boses ng Mom niya ang nasa kabilang linya. Wala siyang nagawa kundi putulin agad ang tawag. May ideya na siya kung ano ang nangyari.
Samantala, si Shelby ay halos hindi na makahinga. Walang kibo kasi sa kanyang tabi ang kanyang ama.
“Dad, uhm---what you read in the news---uhm---”
“Later, Shelby. Your mom wants to see you, too.”
Tahimik namang nakikinig lang sa tabi si Gunter. Paminsan-minsan ay napapatingin din ito kay Magnus. Mas kabado siya rito kaysa sa lima nitong anak na lalaki.