CHAPTER THIRTY-TWO
“Promise---you will not judge me,” pahayag ni Gunter.
Napasinghap sa narinig si Shelby. Para na rin kasing pag-amin iyon na totoo nga ang sinasabi ng lady reporter. Napaluha siya agad. Kasi iba ang sinasabi ng mga yakap nito’t halik noong isang gabi. She knew he was not pretending when he said he loved her. Or was it purely lust?
“I love you so much, Shelby. You and Shy---you are my life. But there are things that a man---.”
Ibig sabihin ay nag-file na nga ito ng diborsyo para bigyang tuldok ang kanilang legal connection as husband and wife.
“Shelby, hey.”
Nakita niyang tila nataranta si Gunter nang siya’y umiyak. Kaagad itong lumapit sa kanya at yayakapin sana siya pero maagap niyang itinaas ang dalawang.
“How can you say that we arre important to you after what you did? Now, her fate is floating because of what you did!”
“It’s not what you think, Shelby. Yes, it’s true that I initiated the process but I did not---”
Pinatigil ni Shelby sa pagpapaliwanag si Gunter.
“Please leave, Gunter. Baby Shy and I do not need you. And please do not come back anymore.”
“Shelby, I said it’s not what you think. I didn’t pursue it!”
“I don’t believe you, anymore, Gunter. The mere fact that you thought about divorcing me when Shy’s adoption papers are still on the works only tells me one thing. You are not in it for the long haul. My dad is right. You only wanted to sleep with me!”
Natigilan si Gunter sa narinig. Nag-attempt pa sana ito sa pagpapaliwanag pero tinalikuan na ni Shelby.
“I am asking you nicely to leave now, Gunter. LEAVE!”
Magmamakaawa pa sana si Gunter nang biglang sumulpot si Magnus. Matalim ang mga titig nito sa lalaki. Kung nakakapatay lang ang tingin, matagal nang nangisay sana ang huli.
“Didn’t you hear my daughter, Mr. Albrecht? She said, leave! Go now before I call the police.”
Mahina lang din ang boses ni Magnus, pero mababanaag sa mukha nito ang tindi ng galit. Hindi na iyon nilabanan ni Gunter.
“This is not the end for us, Shelby. I refuse to accept this as the end for us. I love you and will come back for you and Shy.”
“Do not even try. They will not be here waiting for you the next time you drop by.” Si Magnus uli. Ang asawa nito’y lumabas na rin ng kanilang silid at nakatayo na rin sa tabi nito. Mrs. San Diego looked so sad when she saw her daughter’s misty eyes.
Lulugu-lugong lumabas ng penthouse si Gunter. Malungkot namang sinundan iyon ng tingin ni Shelby.
**********
The night after the rooftop marriage proposal [during the day, Marinette paid Gunter a visit]
“Are you sure?” tanong ni Gunter kay Mr. Stevenson habang tumitingin sila sa financial statement ng isang kompanyang nasa pangangalaga ng kanilang korporasyon.
Malungkot na tumango ang matanda. May pinakita pa itong iba pang dokumento kay Gunter na ikinakunot lalo ng noo ng huli.
“This much?” tila nagulat na tanong pa ni Gunter.
“Yes, Gunter. This much! Mr. Li and Mr. Renault sold their shares to him, remember?
Napahilot ng sentido si Gunter nang makita ang kabuuang shares ng mga Schlossberg sa manufacturing companies nila sa Indiana at Ohio, pati na rin sa pharmaceutical firms nila sa Germany at China. Sa dalawang kompanya nila ng beauty products ay mahigit kalahati na ang sa mga Schlossberg! Idagdag pa roon ang maliliit nitong shares sa halos lahat na negosyong hawak ng kanilang korporasyon!
“Why did Dad allow him to amass these many shares?”
“Well, at that time we needed some capital and he was more than ready to provide it for us especially during the merger of the two manufacturing companies in Indiana.”
“What will happen if he withdrew his shares?”
“At the moment, we cannot afford to buy him out. And even if we can, Mr. Schmidt and Mr. Schneider who are good friends of the Schlossbergs and who also control a considerable number of shares in those companies can easily block the process. It can potentially lead to costly legal battle and in the end the employees will bear the brunt of all these.”
“How many employees do we have in the Indiana company?”
Nagsuot muna ng salamin si Mr. Stevenson bago nag-flip through the pages of some folders at napabuga ito ng hangin.
“Fifteen thousand plus in Indiana and about the same number in Ohio. These are just the ones in the States. We are not talking about those in Germany and China yet.”
Lalong sumakit ang ulo ni Gunter. Napasandal siya sa backrest ng sofa kung saan sila naupo ni Mr. Stevenson at napapikit. Si Frederick na kanina pa pala nakikinig sa usapan na nasa tabi lang ay biglang sumingit.
“Boss, although Mr. Schlossberg is a devoted father to Marinette, he is still a businessman. I doubt if he will withdraw his shares just because you will not marry his daughter. I don’t think he will act on a whim of his child.”
Napatingin ang dalawa kay Frederick. Tila natigilan ang huli at nataranta pa dahil sa kanya na nakatingin ang mga bosing niya.
“Mga boss, sir, tatahimik na po ako. Sorry po,” sabi nito sa German. Mas kay Gunter ito nakatingin.
“You know you have a point there, Frederick,” sagot agad ni Gunter. “May pakinabang ka rin pala kahit papaano,” dugtong pa sa wikang English at German.
Winagayway ni Mr. Stevenson ang isang papel sa harapan ni Gunter. Nabaling doon ang atensyon ng huli.
“What’s that?” tanong ni Gunter sa COO.
“This show how much Mr. Schlossberg loves his daughter. He had withdrawn his shares from Simon and Sons Company in the past because the production company that produced some popular Broadway shows snobbed Marinette Schlossberg in favor of another actress. What happened to the company? They filed for bankruptcy a year after!”
Hindi nakahuma si Gunter. Si Frederick ang nagpahayag ng reaksiyon. “Grabe naman iyan. Pambihira naman ang huklubang matandang iyon!” sabi pa nito sa German uli.
“Will you please stop speaking in German? You are in America now! Just in case you have forgotten!” napipikong asik dito ni Mr. Stevenson. Natahimik bigla ang assistant.
Mayamaya, nang sila na lang dalawang mag-amo napatayo si Gunter mula sa kinauupuang sofa sa dulo ng opisina at pumunta sa mini-bar na ilang talampakan ang layo sa tanggapan ng guests. Matapos makatungga ng tatlong vodka shots ay nilingon nito si Frederick at inutusan.
Nagulat ang assistant sa pinag-uutos ng amo.
“Are you sure, boss?” manghang tanong nito.
“Yes! I think you’ve heard Mr. Stevenson! More than thirty thousand people’s career will be put in danger! Some of those people may have a baby like mine who’s in medication. I do not want to be the cause of their miseries.” At tumungga uli ng isa pang shot si Gunter. Pagkatapos, napayuko siya at naitakip ang dalawang kamay sa mukha. Umagos ang kanyang mga luha nang sumagi sa isipan ang kanyang mag-ina.
**********
Nakarinig ng dalawang mahihinang katok sa silid nila ni Shy si Shelby. Nang hindi niya pagbuksan iyon, kusa iyong nag-klik at sumilip ang mommy niya. May dala-dala itong maliit na tray na may nakapatong na mangkok.
“Dinalhan kita ng sopas, anak. Kahit ito man lang ay kainin mo na nang malamnan iyang tiyan mo.”
Bumangon si Shelby. Nang malanghap nito ang chicken soup na gawa ng ina tumunog ang kanyang tiyan. Napilitan din siyang paunlakan ito. Mayamaya pa, nangalahati niya ang sabaw.
“Huwag mong masamain, anak. I know you are hurting right now, pero dapat ba talagang isara mo na ang pinto sa inyong dalawa ni Gunter dahil nalaman mong nag-file siya ng diborsyo?”
Natigilan sa pagsubo si Shelby. Binaba niya ang kutsara. Tumingin siya nang deretso sa mga mata ng mommy niya.
“Kung sa inyo po nangyari ito, mom, what will you do?”
Her mom tilted her head. Tila napaisip ito.
“M-mahal na m-mahal ko ang daddy mo. Noong binilhan niya kami ng bahay para tirhan namin ng mga kuya mo noon, he was engaged to be married. Kahit nang nakasal na kami nang wala sa oras ay patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng nobya niya. Your grandpa even announced to the entire world through a popular magazine at that time that his engagement was still on. Sa mga panahong iyon, ni hindi ko alam kung grandpa mo nga lang ba ang may kagagawan no’n o daddy mo rin talaga. Nagalit din ako noon sa ama mo, pero hindi ko isinara ang posibilidad na baka biktima lang din siya ng sitwasyon. And look at us now.”
Napaisip si Shelby. Ganunpaman, sobrang sakit ng ginawa ni Gunter sa kanya. Kasi noong nag-promise siya rito sa harapan ng mayor na nagkasal sa kanila, buo na sa loob niyang totohanin ang pangako. Pero bakit ganoon? Sa isang kumpas lang ni Marinette ay nag-file agad ng divorce? What the heck!
“Did you listen to his explanation?”
Binalikan ni Shelby ang pag-uusap nila ni Gunter. Oo nga, ano. Hindi nakapagpaliwanag nang maayos ang taong iyon dahil nang marinig niyang totoo ang sinabi ng reporter ay naiyak na siya. Ang huli niyang naalala ay ang pagtaboy nila dito palabas.
**********
“Boss, tingin ko hindi sumali ang fashion house ni Ms. Shelby dito. Heto ang listahan ng mga rarampa mayamaya,” bulong ni Frederick sa German kay Gunter at palihim na binigay sa huli ang isang flyer. Nang mga oras na iyon ay nasa loob na sila ng venue ng isang fashion show sa New York. Gunter was invited to watch the show and thinking that Shelby may be in it, he accepted right away. Ni hindi na niya natingnan ang guest list. Kaya pala kanina pa siya tingin nang tingin sa paligid, pero ni anino ng babae ay hindi pa niya nakikita. Ang nandoon lang ay ang mga boring na fashion designers ng kanyang ina at ng iba pang fashion houses.
“Tell Mom I’m going home now,” sagot ni Gunter nang mahina kay Frederick at dumeretso na nga siya sa pintuan palabas.
Dahil magkatabi lang ang entrance at exit ng show kitang-kita ni Gunter nang pumasok ang babaeng kanina pa niya hinihintay. May kaabrasiyete itong tsinito na nakita na niya noon sa isang larawan na bigay ni Frederick sa kanya. Pagkakita sa dalawang tila close na close, may umusbong na galit sa puso niya. Hinarangan niya agad ang mga ito bago pa man makatuluy-tuloy sa kung saan hino-hold ang fashion show.
“Gunter!” parang nagulat na naibulalas ni Shelby.
“Siya si Gunter?”
“Yes! I am Gunter Albrecht! Her husband!”
“Nakakaintindi iyan ng Filipino,” narinig ni Gunter na sabi ni Shelby sa kasama. Lumiwanag agad ang mukha ng lalaki na ipinagtataka naman ni Gunter.
“Hi, Gunter!” At inunat pa nito ang kamay to shake his hand.
Naramdaman ni Gunter ang marahang pagsiko ni Fredrick sa kanyang tagiliran at binulungan siyang tanggapin na ang kamay ng tsinito or else mapapasama na naman siya sa tingin ng asawa.
“It’s nice to meet you at last, Gunter. I’ve heard so much about you from my best friends.” At tumawa ang lalaki. Nilingon nito si Shelby na ngayo’y nakasimangot na sa kasama.
He heard so much about him from his best friends?
“I’m Alden Bautista. The twins, Marius and Markus are my best friends. I’m sure you know them well by now.”
“Kuya Alden, magsisimula na yata ang show. ‘Lika na. Kailangang makarating na ako roon agad dahil hindi maaring mahuli ang judge ng fashion show.”
Hindi agad pinansin ng Alden Bautista si Shelby. Hinarap pa siya nito at nagsalita pa.
“Before you punch me in the face because you look jealous, I want you to know that Shelby here is just like a little sister to me. His brother Matias is married to my younger sister, Ella. So we are kind of related,” paliwanag pa nito na ikinainis lalo ni Shelby. Hinila na ng huli ang kasama para pumasok sa loob. Imbes na lumabas ng gusali, bumalik sila ni Frederick sa loob.
**********
Hindi maka-concentrate si Shelby sa ginagawa knowing Gunter is just around the corner. Pakiramdam nga niya, tinititigan siya nito nang husto. Pagkatapos nga ng show ay bigla na naman itong lumitaw sa kanyang harapan. Palabas na sana sila ni Alden noon.
“I want to talk to you, Shelby.”
“Gunter, we are surrounded by the press. I don’t want to be the center of attention tonight. This is not my show. Let us allow the fashion designers to shine. Let us not steal the paparazzi’s attention away from them,” pakiusap ni Shelby sa lalaki.
Akala ni Shelby ay mamimilit si Gunter, pero hindi naman pala. Malungkot lang itong tumangu-tango.
“I want you to know that the marriage is still on, Shelby. It will stay that way,” mahinang pahayag nito. Halos ibinulong lang, pero parang fireworks ang dating no’n sa kanyang pandinig.
“I’m sorry. What did you say?”
“I said, our civil marriage. It will stay that way---f-forever.”
Napakagat-labi si Shelby at napailing-iling. But deep down, nag-init ang kanyang pisngi. Iyong klase ng pag-iinit na dulot ng sobrang kasiyahan. She even scolded herself for feeling that way.
“Huwag mo na akong bolahin, Gunter, please. Nasabi na ng reporter na iyon. Nag-file ka na nga ng divorce. Hinihintay ko na ngang padalhan ako ng notice ng city hall, eh.”
“I---withdrew it.”
“Paano ang engagement n’yo ni Marinette? Ang sabi sa balita ay ikakasal kayo as soon as our divorce is finalized.”
Mabilis na umiling-iling si Gunter. “It will not happen.”
Mayamaya pa’y nagkislapan na ang mga lens ng camera sa kanilang dalawa ni Gunter. Bago pa naka-react si Shelby ay halos isinusubo na ng mga reporters ang mikropono nila sa kanyang bunganga. Nanlaki ang kanyang mga mata. Paano nangyari iyon? Kani-kanina lang ay abala ang mga ito sa kaka-interview sa mga budding fashion designers sa makeshift stage sa dulo ng stage. They were on the opposite side.
“Shelby, let’s go!” Ang Kuya Alden niya. Mabilis nitong nahila ang kanyang kamay at para protektahan siya sa mga paparazzi. Si Gunter nama’y halos hindi na nakagalaw nang paikutan siya ng halos kalahating press people na dumalo sa event.
Nilingon pa sana ito ni Shelby habang mabilis siyang inaakay palayo roon ng kanyang Kuya Alden, subalit bigla itong naglaho sa kanyang paningin. Ang tanging nakita lamang niya ay ang kislapan ng lente ng camera.
Habang pabalik na sila ni Alden sa penthouse ng kanyang mga magulang, nag-text si Gunter sa kanya.
“When I said I love you to the moon and back, I meant it. I will not tire of telling you how much I love you. Forgive me for even thinking about that goddamn divorce. I’ve already realized that I can handle all the consequences of my actions whatever they may be, but not that of being totally away from you and Shy.”
“Ang corny pala ni Gunter. Kaiba yata doon sa sinasabi ng mga bros ko, ah,” komento ni Alden nang masulyapan ang texts.
“Ano sa tingin mo, Kuya Alden? Do you think maaari ko siyang pagkatiwalaan? Hindi kaya binobola niya lang ako?”
“Well, from what I’ve seen kanina nang makita niya ako at sa narinig kong sinasabi rin ni Matias, although hindi sang-ayon doon mga bros ko, I think he deserved another chance.”
Napasandal sa back rest ng upuan si Shelby at napapikit. Dapat palang pinakinggan niya si Gunter. Napadilat siyang muli nang maramdaman na namang nag-vibrate ang cell phone niya.
“I love you, Shelby. I will always love you,” anang text nito.
Parang dinaklot ang puso niya. Tila bagang nagpapaalam na si Gunter. Ganoon ba iyon?
“Kuya Alden, babalikan ko siya!”
Inakbayan siya ng Kuya Alden niya at pinisil-pisil sa balikat. “Sure!” sabi nito at minanduan ang driver nilang bumalik sa venue. Dahil malayu-layo rin iyon at ma-traffic, inabot sila ng mahigit isang oras sa daan. Pagdating nila sa harap ng gusali kung saan puno ng mga tao kanina ang harapan, tahimik na iyon at halos wala nang katau-tao. Iilang sasakyan na lang ang nandoon.
“Tawagan mo kaya?”
Cannot be reached na si Gunter.
**********
“Boss, I cannot find their car anymore,” sabi ni Frederick. Siningitan sila ng isang malaking truck at kung ilan pang van. Napamura nang malutong si Gunter sa English at German.
“Kasi naman hinayaan mong masingitan ka!”
“Didn’t you see, boss? The driver of the first car that overtook us was an old lady.”
Sarkastikong tumawa rito si Gunter.
“Weren’t you ashamed of your driving skills? Nasingitan ka kamo ng matandang babae. Katawa ka!” sabi pa ni Gunter sa magkahalong English at German.
Nang tingin niya wala na silang pag-asang makahabol, may biglang bumusinang sasakyan sa kanila na mula sa opposite side of the highway. Driver nila Shelby ang sumesenyas sa kanila!
“Call them, boss. Tell them to wait on the next corner.”
Nang damputin ni Gunter ang cell phone, bigla itong namatay. Wala na itong baterya. Hiningi niya kay Frederick ang charger nito para mai-charge sa kotse, pero wala itong naibigay. Nalimutan daw ng kumag. Bwisit na bwisit dito si Gunter.
“You should have charged my phone and yours before we attended the show! And you didn’t even bring with you my fvcking charger and power bank!”
Napakamot-kamot ng ulo ang assistant at paulit-ulit na nag-sorry sa amo. Inangilan siya ni Gunter.
**********
Bumaba ng sasakyan si Alden pati na ang driver para makapag-usap sina Shelby at Gunter sa loob ng kotse.
“Thank you for letting me talk to you now. About the divorce thing, I admit, I thought about it. I even started the process. But the more I thought about it, the more I realized that I cannot live without you and our baby, Shy.”
“Sana you are not just saying this just to give me false promises, Gunter. I can handle anything, trust me.”
Nilagay ni Gunter ang hintuturo niya sa mga labi ng dalaga. Umiling-iling pa ito. “As I said in my text to you, I can handle anything but not the thought of losing you and Shy.”
Hinila siya nito at niyakap nang mahigpit na mahigpit.
“I love you. Please trust me. I love you so much.”
A part of her warned her not to believe his words, but for now, she didn’t want to listen to it.
Napayakap din siya kay Gunter nang mahigpit. Nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya, kusa na lang siyang nagpaubaya. Ang banayad na halik ay naging mapusok hanggang sa natagpuan na lamang nila ang mga sariling sumasalat sa maseselang bahagi ng katawan ng bawat isa. Nang darang na darang na siya, saglit siyang binitawan ni Gunter.
“We cannot do it here, my love. Or else, we may be accused of indecent exposure,” nakangiting sabi ni Gunter sa kanya.
Napasulyap silang dalawa sa paligid. Madilim man nang bahagya sa banda nila, hindi pa rin sila nakakasigurado lalo pa’t kita ang loob ng sasakyan dahil sa klase ng bintana nila. Bawal kasi sa NYC ang totally tinted windows kagaya ng nasa Pilipinas.
Nag-init ang mukha ni Shelby. Inayos niya ang sarili bago sinulyapan muli ang asawa na ngayo’y lumilipat na sa driver’s seat. Sinenyasan siya nitong lumipat na rin sa harapan. Bago nila pinaandar ang kotse, tinawagan nila si Frederick na ihatid si Alden at ang driver sa kung saan sila uuwi. Hindi naman nagdalawang salita si Gunter nang kausapin ang kaibigan ni Shelby na siya na ang bahala sa asawa.
Halos maghahating-gabi na nang ihatid ni Gunter si Shelby sa penthouse ng mga magulang. Nagalit si Magnus, pero wala rin itong nagawa nang nagpaliwanag ang bunso.
“I decided to stay married with Gunter, Dad.”
Napabuntong-hininga si Magnus at pinangiliran pa ng luha, pero hindi rin sinalungat ang anak. Niyakap lang nito si Shelby.
Kinaumagahan, nagulantang na naman sila ng balita sa TV. Bumulusok daw ang stock price ng Skylark Quandt Corporation. Kasabay no’n ang balitang napipintong closure ng dalawa sa malalaki nilang manufacturing companies sa Indiana.