CHAPTER THIRTY FOUR

 

Pagkatapos yakapin si Gunter sinikap ni Shelby na magpakatatag, subalit hindi niya talaga kinaya. Gusto niyang magkunwari na katulad pa rin ng dati ang lahat pero hindi maalis-alis sa isipan ang nakangising mukha ng journalist nang ipahayag nitong bankrupt na ang Skylark Quandt Corporation.

Is it because of me?” pabulong na lamang niyang naitanong nang makabawi sa pagkabigla. May takot sa kanyang tinig. Gusto niyang sagutin iyon nang totoo ni Gunter pero nangangamba rin siyang kompirmahin nito ang kinatatakutan.

Don’t worry, Shelby. Shall we get inside now?” yaya sa kanya ni Gunter sa masuyong tinig. He even dried her tears and kissed her on the forehead.

Lingid sa kanilang kaalaman, pinagmamasdan pala sila nang palihim ng isang tao. Kinuhanan pa ang tagpo iyon.

Good evening, Mr. and Mrs. Albrecht,” magalang na bati ng manager ng Eleven Madison Park sa kanila. He smiled at them warmly, pero sa pakiwari ni Shelby parang may kalakip na awa ang ngiting iyon. Maging nang pagtinginan sila ng mga servers ng restaurant na dati na nilang ginagawa sa tuwing darating sila roon, hindi na naging maganda ang pakiramdam niya. Siguro nga’y imagination lamang niya ang lahat ng iyon dahil tila sumasabog ang kanyang puso’t isipan sa samu’t saring emosyon na nararamdaman. Halos hindi na nga kayang iproseso iyon ng kanyang utak. Namimigat na ang kanyang ulo.

This way, madam, Mr. Albrecht,” patuloy pa ng manager.

Ito mismo ang naghatid sa kanila sa kanilang mesa. Hindi lamang ito nag-abot ng menu, nagbigay pa ng rekomendasyon kung ano ang masarap kainin nang gabing iyon.

Bahagya lang pinakinggan ni Shelby ang mga sinabi ng manager dahil abala siya sa kamamatyag kay Gunter. Nadudurog ang puso niya sa isiping maaaring wala na itong korporasyong babalikan kinabukasan.

What’s wrong?” tanong ni Gunter sabay baba sa binabasang menu. Ginagap nito ang isa niyang kamay na nasa mesa.

I’m worried about you, Gunter.”

Shelby, c’mon. I’m a big boy, remember?”

Tumawa pa si Gunter. He sounded okay, pero hindi pa rin napigil ni Shelby ang awa at pag-aalala para rito.

Sinikap ni Shelby na magpokus sa dinner nila. Bihira kasi silang lumabas na magkasama. Kung hindi kasi busy sa trabaho, nauubos ang free time niya kay Shy at si Gunter naman ay sa kaaasikaso ng problema sa negosyo.

Mayamaya pa’y tumatawa na sila pareho. Binabalikan kasi nila ang unang pagkakataong nag-propose sa kanya si Gunter. Ngayo’y natatawa na lamang sila habang ginugunita iyon, pero noo’y sobrang nai-stress sila sa pangyayari. Inamin niya ritong gulat na gulat siya sa ginawa nito noon.

I only expected to have a good dinner at a restaurant which was in my bucket list. I never thought I would get proposed to that night. Sorry for flatly rejecting your offer then.”

Napabungisngis na parang teenager si Gunter.

Was it that unexpected? I thought you kinda anticipate that I would do it after closing the restaurant for us.”

Umiling-iling si Shelby. “No.” Tinaas pa niya ang isang kamay na animo’y nanunumpa. “I did think that somehow you were going to ask me to be your girlfriend or something like that. But not to be your wife.”

Why would I settle for just asking you to be my girlfriend when I could ask you to be my wife?”

Natawa si Shelby.

Pagdating ng order nila, hindi agad sila nakakain dahil may lumapit na isang ginang na mukhang sosyal at bumati kay Gunter. She eyed Shelby with curiosity. Napilitan tuloy si Gunter na ipakilala sila sa isa’t isa.

Mrs. Stevenson. Bakit mukhang pamilyar ang apelyidong iyon? Bago pa niya suyurin sa isipan ang mga acquaintances na may koneksiyon kay Gunter, sinabi na mismo ng matrona kung kanino siyang asawa. Sa COO pala nila Gunter.

You must be very devastated right now,” sabi ng babae kay Shelby. “I would be, if I were you. You thought you married the most eligible bachelor in NYC only to find out he has lost his status as a result of---” At kumumpas-kumpas ang ginang. Sinadyang ibitin iyon para siya na ang maka-realize kung ano ang ibig nitong sabihin.

Napakagat ng labi si Gunter. Tumayo pa ito at aakayin na sana ang babae papunta sa mesa nito nang nagtaas ng kamay si Shelby na animo’y pinipigilan sila. Tila ikinagulat ni Gunter ang ginawa ng asawa. Napa-double-take pa nga ito sa babae.

Mrs. Stevenson, may I formally introduce myself to you? I am Shelby Madeline Mariano San Diego, the only daughter of Magnus Peralta San Diego. Though we may not be as rich as the Albrecht before, we are not poor either. I, myself, has money of my own. So Gunter getting bankrupt is not a big deal to me.”

Nagkuwaring nagulat sa reaksiyon niya ang babae. Super-deny pa ito na may masamang pakahulugan sa sinabi.

Hindi na sumagot pa si Shelby at hindi na rin siya nagtangka pang makipagplastikan. Hindi siya kumibo nang magpaalam ito.

Ignore what she said. She’s not worth your anger.”

 

**********

Busy si Gunter sa pagtatago ng mahahalagang papeles ng korporasyon ayon na rin sa bilin ng kanyang ama nang dumating si Frederick. Mababanaag sa pagmumukha nito ang labis na takot at pangamba.

Boss, we have a problem,” bungad agad nito.

Sinulyapan lang ito ni Gunter nang walang interes.

Boss, did you hear me? I said we have a problem!” May urgency sa tinig ng assistant. Bago pa nito makuha ang atensyon ng boss ay may narinig na silang tatlong malalakas na katok. Ang kasunod no’n ay ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng tatlong hindi kilalang lalaking naka-Amerikana. Lahat sila ay mukhang modelo ng suit, but then they also exuded a scary aura. Naintriga sa kanila si Gunter kung kaya hinarap niya ang mga ito.

Taga-Carlson and Sons Company daw sila, boss. Supplier daw sila ng lahat ng nagsara nating kompanya. Hindi raw sila nabayaran for almost two years!” naibulong sa kanya ni Frederick sa wikang German.

What?” Napataas nang kaunti ang tinig ni Gunter. Hindi na nakasagot si Frederick dahil nasa harapan na nila ang tatlo. They looked like they meant business.

“I think your assistant has already briefed you about us,” sabi ng pinakamatanda sa tatlo. Siguro’y nasa mid-thirties pa lang ito. He introduced himself as the eldest son of the owner of Carlson and Sons Company.

Yes. But --- why are you here?”

Napangisi ang panganay na Carlson. “We came all the way from Indiana to ask you to pay your dues. And we will not leave your office unless you settle what you owe our company.”

“The Schoneit in Indiana is just our subsidiary company. We are not responsbile for paying its debts since they have an independent management,” sagot ni Gunter dito.

Napahalukipkip ang kausap ni Gunter at ngumiti sa kanya nang may pang-uuyam. “That’s not what we heard, Mr. Albrecht. The head of your Indiana company confirmed to us that the top-level managers of Skylark Quandt Corporation are acting as their shadow directors. They are NOT totally independent from your clout. You cannot fool us!”

Napahinga nang malalim si Gunter. Pero hindi pa rin siya kakitaan ng pagkabahala. He acted like he was so sure of himself. Much to the irritation of the Carlsons. Kahit nang sabihin nilang halos limang bilyong dolyar na ang hindi nababayaran sa kanila pati na interes nito’y kalmado pa rin itong tinanggap ni Gunter.

“As I said when I came here, we won’t leave New York until we get paid. And we mean it.” Ang dalawang kalaking kasama ng panganay ay bahagyang nagtaas ng harapan ng suit jacket at nakita nila Gunter at Frederick ang pamumukol ng tagiliran nila. May dala silang armas!

“All right. Let me call Mr. Stevenson, my COO. I just want to confirm your statements.”

Pinatawagan ni Gunter kay Frederick si Mr. Stevenson. Wala pang sampong minuto’y pumasok na ito sa silid at kinompirma na totoong may utang nga raw ang Indiana company pati na ang iba pa nilang nagsarang sister companies sa karatig-lugar at iba’t ibang bahagi ng Amerika sa Carlson and Sons.

We were not able to pay them for two years now because we prioritized the workers’ demands,” sabi pa ni Mr. Stevenson. “Actually, it was your idea to give in to them and negotiate with the Carlsons to extend our payment deadline.”

Napahilot-hilot ng sentido si Gunter.

The Schoneit has their own management, right? We don’t control them,” patanong ang tono ni Gunter. He was asking for confirmation from the COO.

Umiling si Mr. Stevenson. “The Board of Directors did not allow them to work on their own. We closely supervise them. In effect, they were an extension of the head office.”

Napakuyom ng palad si Gunter. Hindi na niya pinaalam kay Mr. Stevenson na sinisisi rin niya ang sarili sa pagiging trusting sa ibang executives ng korporasyon. Napamura tuloy siya.

“All right. You can pay the Carlsons from our emergency fund,” utos niya rito.

That was the last resort.

Akala ni Gunter wala na siyang problema dahil na-settle na ang utang sa mga Carlsons. Kaso kumalat ang balita na binayaran ng head office ang isang pagkakautang ng mga na-bankrupt na sibsidiary companies ng Skylark kung kaya lahat ng creditors ng mga nagsara nilang kompanya ay nagtungong New York at naningil na rin kay Gunter. Dahil ang iba’y hindi naharap ng personal ni Gunter, nagtipon sila sa labas ng Skylark Quandt building demanding for the corporation’s representative to come out. Tila nagkaroon ng mass rally sa harap ng kanilang gusali. Gunter was disgusted. Napatawag uli si Mr. Stevenson nang ora-orada. Ito ang pinaharap sa mga nagra-rally sa labas.

 

**********

“Oh my God! Kailangan kong mapuntahan si Gunter ora mismo, Mom. Pakibantay po muna kay Shy.”

“Shelby, no! Mapapahamak ka roon. Wait for things to clear up. Baka ikaw ang mapagdiskitahan ng mga taong iyan,” pigil sa kanya ng ina sabay turo sa mga nagwawalang debtors sa harapan ng building ng Skylark Quandt. They range from small to big time creditors. At lahat mukhang bayolente.

Napaiyak si Shelby at naupo sa gilid ng mom niya habang humahagulgol. Sheila kissed her on the forehead at niyakap siya nito. Habang hinahagud-hagod siya ng mommy niya sa likuran, kinatahan siya nito ng What a Wonderful World. Ginagano’n siya nito sa tuwing may iniindang problema. It has always calm her.

“Tinitiyak ko sa iyo, may rason ang lahat ng ito. Huwag kang mabahala. Trust God. And trust Gunter. Malulusutan niya ito.”

Let’s help him, Mom. Bakit hindi natin siya tulungan?”

“Nakausap ko na ang dad mo kagabi pa at base sa napag-alaman namin pareho, masalimuot ang problema ng Skylark Quandt Company. May ilan sa malalaki nilang stockholders ang diumano’y involved sa money laundering at embezzlement. Lumabas lahat iyon sa pagkakatiwalag ni Mr. Schlossberg na tinatantiyang nagmamay-ari ng halos kalahating shares doon sa mga nagsarang negosyo. Hindi basta-bastang lulusob na lang tayo nang hindi natin alam ang puno’t dulo ng problema nila. Saka naniniwala kami ng dad mo na hindi bankrupt ang mga Albrecht.”

“What made you say that? Ayan, o. Klaro. Nire-report nang sequestered na ang lahat nilang ari-arian!”

 

**********

Pagkakita ni Gunter kay Shelby na bumababa sa Rolls Royce kasama ng kanyang assistant, napangiti siya agad. Sulit ang hirap niya sa pagpunta sa yate sa harbor. Ibayong ligaya at ginhawa ang kanyang naramdaman nang makita na itong umaakyat sa restaurant kung saan siya nagpropose dito noon. As usual she was wearing her own design. Ang lampas-tuhod niyang A-line dress na kulay peach na pinatungan ng double-breasted wool pea coat ay nagpamukha sa kanyang kagalang-galang and yet, very desirable. Proud na proud siya habang pinagmamasdan itong inaalalayan ni Frederick na pumanhik ng yate.

“Hay, naku, boss. Kung alam mo lang ang challenge namin sa pagpunta rito! We were chased by a million paparazzis! Nagpasikot-sikot pa kami at sumuot kung saan-saan para malansi namin sila. They thought I was you! Imagine that!” madramang saad ni Frederick sa kanya sa magkahalong English at German.

Kinuha niya ang kamay ni Shelby sa assistant at pinalayas na ito. Hindi na siya nagkomento pa sa mga pinagdadaldal nito. Siya man kasi kanina ay hinabol din ng mga paparazzis at nahirapan pa sila ng kanyang driver pati na ang tatlo niyang bodyguards sa paglansi sa mga mapangahas na reporters.

“I’m worried about you,” sabi agad ni Shelby sa kanya.

I’m all right. How are you doing?”

Hindi na nnasagot iyon ni Shelby dahil pumailanlang na ang She’s Like the Wind ni Patrick Swayze. Unlike before na chamberorchestra ang hinire ni Gunter na humarana sa babae, this time ay isang live band naman. Napanood na niya ang grupo noon nang dumalo sila ni Frederick sa isang charity event. And they were impressed. Kaya kasi ng grupong tumugtog ng mga requests ng audience kahit walang notes sa harapan. Ang lawak ng musikang alam nila. Saka game din sila sa pop songs.

Hindi na nagdalawang salita si Gunter kay Shelby nang yayain itong sumayaw. Pagkalagay ng purse sa table nila, sumunod na ito sa kanya sa gitna ng silid.

“I felt like the guy in the song when I first saw you. You seemed to be out of my league,” bulong niya sa punong-tainga ni Shelby habang umiindayog sila sa kanta.

Pinangunutan siya ni Shelby ng noo.

How come? You have always been tagged as the most eligible bachelor of NYC. No woman is out of your league. Not even a crown princess herself.”

Napangiti si Gunter. He felt really good sa narinig. Sanay siyang pinupuri, pero iba ang dating dahil nagmula iyon kay Shelby. “You think so?” pa-cute niya tuloy.

“Fishing for compliments?” Natawa pa si Shelby.

“You are so worth the wait, you know,” bulong na naman ni Gunter kay Shelby. “Kahit na ganito pa ang kinalabasan ng lahat dahil sa pagpupursige ko sa iyo, hindi na bale. Nakuha ko naman ang matamis mong ‘oo’ and more,” sabi pa ni Gunter sa magkahalong German at English.

Huh?” nalilitong tanong ni Shelby.

Is it right? Mahal ko kita nang sobra?”

Napangisi si Shelby. “You drop ‘ko’. It is not needed. ‘Kita’ is you and me.”

“I like that. You and me.”

 

**********

Kahit papaano natuwa si Gunter nang ibalita sa kanya ni Frederick na sa kabila ng katakot-takot na bad publicity about Skylark Quandt Corporation ay hindi pa rin umaatras ang MS & Sons Ad Agency bilang tagapamahala ng marketing ads nila para sa mga pharmaceutical firms na hawak nila. Ito ay sa kabila ng pormal niyang pagsulat sa mga ito na maiintindihan niya kung kakalas din sila tulad ng iba pa.

“I guess, your father-in-law has already learned to love you a little bit, boss,” may himig pagbibirong komento ni Frederick. “But do not be complacent, boss. I am sure her brothers are still out there to get you.”

Binato niya ito ng sign pen saka pinaalis sa harapan ng desk niya. Reresbak pa sana ito nang biglang bumukas ang kanyang silid at iluwa nito ang naka-evening gown na si Adeline Grayson. She was wearing an off-shoulder black mermaid cocktail dress.

“Hi there, darling. I kinda miss you,” bati nito sa kanya. “Ikaw kasi, eh. Nandito naman ako, bakit sa Philipinang iyon ka pa nagpakasal? Hayan tuloy, nainsulto mo ang bruhang Marinette. Ginamit pa ang impluwensya ng pamilya niya para pahirapan ka,” patuloy pa nito sa baluktot na French.

Umasim ang mukha nila pareho ni Frederick dahil kapwa sila marunong din ng Pranses gawa ng iyon ang salita ng mom niya at ng tatay naman ng assistant.

Iyon ay sa kadahilanang mas matino siya, mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas interesante kaysa sa iyo,” sagot niya sa babae sa mabilisang French.

Napanganga ito sa kanya at pinilit siyang ulitin ang sinabi. Nginitian lamang niya ito at tinanong na kung ano ang pakay sa pagbisita sa kanya.

“I came to return this. I do not think I need that anymore. I don’t want some creditors knocking on my door because they think we getting married soon. Let them knock on that Philipina girl’s house.” At tumawa pa ito bago dali-daling lumabas ng silid.

Gunter stared at the ring. Nakiusyuso na rin si Frederick.

“This is the best thing that she has ever done to you, boss. You can now have this melted and changed it into something better. Unique na at last ang disenyo ng singsing ni Ms. Shelby!”

 

**********

Sabi sana ni Shelby hindi na siya dadalo pa sa isang charity event na hino-host ng isa sa mga paborito nilang charity institution ni Dane. Kaso nga lang, malaki ang naitulong ng presidente nito para mapabilis ang proseso ng adoption nila ni Gunter kay Shy kung kaya kahit medyo wala sa mood ay pinaunlakan niya ang mga ito. Hindi niya akalain na magkikita sila ni Marinette Schlossberg doon. Inimbitahan din pala ito. At napatampal siya sa noo nang makita rin ang pagdating ni Gunter doon. Tila nagulat ito nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

So this is your scheduled appointment?” naibulalas nila pareho. Kapwa kasi gusto sana nilang lumabas ngayong gabi kaso pareho silang nagsabi na may nauna nang commitment. Nang ma-realize na nagsabay pa sila sa pagpahayag no’n napangiti sila.

Si Gunter ang unang yumakap kay Shelby. “I missed you, baby,” bulong nito sa kanya.

I missed you, too,” sagot naman ni Shelby.

Bago pa sila magkahiwalay ay may nagklik na kung ilang lens ng camera ng mga paparazzi. They both ignored it.

You should have told me that you invited the Schlossbergs!” naibulong ni Shelby kay Mrs. Greene, ang presidente ng charity institution nang salubungin siya nito at ilayo sa mga reporters.

To be honest, I didn’t know that she will come. Usually, it’s her mom that grace our events. I cannot just NOT invite them to this party because for years her mom was our number one benefactor,” pabulong ding sagot ni Mrs. Greene.

Pagtingin ni Shelby sa direksiyon ni Gunter, napaligiran na ito ng mga reporters. Babalikan pa sana niya ito nang hinila na siya ni Mrs. Greene palayo roon. Anito, kaya ni Gunter ang sarili.

Halos picture-taking na lang sana ang nalalabi sa dapat niyang gampanan sa event na iyon nang umeksena si Marinette. May isang atribidang reporter na nagtanong dito kung ano ang nararamdaman nito ngayong bankrupt na ang Skylark Quandt Corporation nang dahil sa pagwi-widro ng dad niya sa shares nito.

“Well, what can I say? This goes to show we are far richer than the Albrecht!” At ngumit pa ito nang matamis sa nagtanong.

“Don’t you feel bad that Gunter promised to marry you but he married another woman?” tanong ng isa namang reporter.

“There’s nothing to feel bad about it, my dear. I’m glad this happened early. I do not want to be a sugar mommy, you know.”

May tsinika pa si Marinette sa mga paparazzis na ‘huwag kamo nilang ipagsasabi.’ Napag-alaman daw nito na pati ang mansyon ng mga Albrecht sa Manhattan pati na ang kay Gunter sa Scarsdale sampo ng kung ilang penthouses at high end condominiums ay kasamang nailit ng bangko. Nagtawanan ang mga paparazzis. Pero pinakamalakas ang tawa ni Marinette.

Napakuyom ang mga palad ni Shelby dahil dinig na dinig niya iyon. Ngunit katulad ni Gunter, they kept their mouth shut.

Pagkatapos ng pinakahuli nilang picture-taking ay hinila na siya ni Gunter na umalis na sila roon. Pero bago sila nakalabas ng gusali ay may humarang sa kanila at tinanong pa si Shelby kung ano ang masasabi sa binunyag ni Marinette na ang dating pinaka-eligible bachelor ng NYC ay mas mahirap pa raw sa daga kung pagsusumahin ang mga liabilities nito.

Nakita ni Shelby na may gumuhit na pait sa mukha ni Gunter at nahuli niya si Marinette na nakatitig sa kanila ng asawa niya. Pinaulit niya tuloy sa mahaderang reporter ang tanong nito para siguradong dinig din ni Marinette ang kung ano ang sagot niya.

“Your husband, who used to be the most eligible bachelor in NYC, is now poorer than a rat. What can you say about it?

I do not give a tiny rat’s ass!”