CHAPTER THIRTY-SIX
Abala si Shelby sa pagtuturo sa mga mananahi niya kung paano ang pagburda sa trahe de boda na kabilang sa kanyang prized bridal wear collection nang nagkaroon ng komosyon sa ground floor. Humahangos na tumakbo si Lyndie papunta sa kanya sa ninth floor ng gusali. May nagradyo pang security guard mula sa ibaba at winarningan silang may paparating na nanggugulo.
“Ms. Schlossberg is here!” hinihingal na sabi ni Lyndie.
Bago pa maka-react si Shelby sa balita ni Lyndie, nakapasok na nang walang kaabog-abog sa kinaroroonan nila si Marinette kasama ang kanyang mga alipores. Walang naisip na dahilan si Shelby para sugurin siya nito bukod kay Gunter. Pero nagkita na sila sa isang charity event nito lang at mukhang, hindi na ito naghahabol kay Gunter dahil nga bankrupt na ito.
“Ms. Shelby!” anang itim na gwardya. He was apologetic. “We were not able to restrain them downstairs.”
Pagkasabi nga niyon ng gwardya, tinutukan siya ng baril ng mga bodyguards ni Marinette. Sila na nga ang nag-trespass pero sila pa ang maangas.
“Could you please tell your bodyguards to stop pointing their guns at my security guard?” sabi ni Shelby kay Marinette.
Marinette simply gave Shelby a bitchy look before glancing at her bodyguards. Imbes na sabihan ang mga itong ibaba ang baril, parang in-encourage pa.
“We do not know if we can trust that guy. It’s good that we are being cautious.”
No’n naman nagsidatingan ang mga bodyguards ni Shelby. Tinutukan din nila ng baril ang mga bodyguards ni Marinette.
“Mang Conrad, ibaba n’yo ho ang baril n’yo. Pakisabi na rin po sa iba,” kaagad na mando ni Shelby sa pinuno ng kanyang security personnel. Hindi agad tumalima si Mang Conrad. Sa halip, nakita niya pang humawak ito sa gatilyo ng baril dahil parang kakalabitin ng bodyguard ni Marinette iyong armas niya.
Kinausap na lang nang mahinahon ni Shelby si Marinette.
“To what do we owe this visit, Ms. Schlossberg?”
Ngumiti nang mapakla si Marinette tapos humalukipkip ito sa harapan niya. She looked so prideful.
“I just want to deliver a message personally. My dad received an anonymous call warning him that his happy days are numbered. Just hope and pray that you and your brothers are not involved in these threats because I assure you, I will use all my connections to have all of you deported!”
Pinangunutan ng noo si Shelby. Tinatakot ba siya ng higad na ito? Tingin naman niya matatakot siya nito? Saka bakit isinali nito ang kanyang mga kuya? Ano’ng kinalaman ng mga iyon?
Si Shelby naman ngayon ang humalukipkip at nakangiting sumagot kay Marinette.
“I assure, Ms. Schlossberg, we have nothing to do with the threats. Why will we do it? My brothers do not care about Gunter. Plus, we do not think --- I DO NOT think your family is capable of making the Albrechts bankrupt. What’s happening with their corporation right now is just a consequence of bad decisions from their top executives, but not really about your father withdrawing his investments.”
Nanlisik ang mga mata ni Marinette at mukhang sasampalin sana si Shelby, pero napigilan ito ng personal assistant. Ibinulong nito sa dalaga ang presensya ng mga journalists at mga kawani ng Shelby Madeline San Diego Fashion House. Huwag daw nitong ipakita sa mga iyon na madali siyang magalit.
“Do not make yourself look like she has the ability to make you lose your cool,” narinig pa ni Shelby na sabi ng assistant.
Shelby felt good upon hearing it. At least kahit papaano ay nakaganti siya rito. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng tila good breeding nito’y lalabas ang ganitong side ng kanyang pagkatao. Si Gunter lang pala ang makakapagpapalabas ng tunay nitong pag-uugali.
Lumapit si Marinette sa kanya sa paraang parang slow motion na pagrampa sa catwalk, tapos ay bumaba ang mukha nito para bumulong sa kanya.
“Fvck you!” mariin nitong sabi sa mahinang tinig.
Natawa roon si Shelby. Ang kanyang pagtawa ay walang halong pretensions. She was just amused at what she did. Kaarte.
Lalong nainis si Marinette. Umasim na ang mukha nito nang tumingin muli sa kanya.
“You’re a weirdo!” asik nito sa kanya.
“At least I am not paranoid.”
Napakuyom ang mga palad ni Marinette bago talikuran si Shelby. Bago pa ito makalabas sa work area ng mga mananahi, dumating sina Gunter at Frederick. Minanduan agad ni Gunter ang mga gwardiya ni Marinette na ibaba ang mga baril. Akala ni Shelby magmamatigas pa rin ang mga ito. Hindi naman pala. Kasabay ng pagtago nila ng kanilang armas ay dali-dali na rin silang bumuntot sa among tila lalong nagalit nang makita roon ang dating nobyo. May sinabi pa ito kay Gunter sa German bago maarteng kumembot-kembot papunta sa elevator.
**********
Dali-daling lumapit naman si Gunter kay Shelby saka niyakap ito.
“Are you all right?”
Napayakap naman si Shelby kay Gunter. No’n lang parang nag-sink in sa babae ang mga nangyari. Delayed ang reaction niya.
“She accused me and my brothers of threatening her dad.”
“What? She’s insane.”
Hindi makapaniwala si Gunter na magagawa ni Marinette iyon. Ang laki ng kanyang pinagbago. Hindi niya sukat-akalain na may ganoong side ang dalaga. She has always been a sweet girl to him. Bakit ngayong napabalitang naghihirap na ang mga Albrecht ay kakaiba na ang pakikitungo nito sa kanya?
“Sinasabi ko na sa inyo noon, boss. Sa iyo lang mabait dati ang babaeng iyon. Ngayong nakikita niyang bumubulusok ang negosyo ninyo kita mo na ang trato sa iyo? Ikaw eh. Ayaw mong maniwalang magaling akong kumilatis ng tao,” sabi ni Frederick sa wikang Aleman. Pinangunutan ito ng noo ni Shelby. Si Gunter na ang nagpaliwanag na komento raw iyon tungkol kay Marinette.
Nang nasa private office na sila ni Shelby, binilin ni Gunter sa mga bodyguards nito na hindi ito iiwan kahit ano’ng mangyari.
“Yes, sir. That was also our order from Mr. Magnus San Diego himself. It took us a bit long to come upstairs because Ms. Shelby asked us to do some errands. But next time, we will not leave her side no matter what. We are sorry to let this happen,” sagot ni Mang Conrad.
Tumangu-tango rito si Gunter. Umikot-ikot siya sa office ni Shelby. May hinahanap. Mayamaya pa, may tinanggal ito sa likuran ng painting na nakasabit sa dingding. Parang isang maliit na device na nakakasagap daw ng sound sa opisina. Hindi lang iyon. Mayroon pang nakita si Gunter sa chandellier ni Shelby at sa likuran ng wall clock.
“These are powerful micro devices that can pick up any sound no matter how faint inside this room,” paliwanag ni Gunter.
Napanganga si Shelby at biglang kinabahan.
“Who has access to your office aside from you and your bodyguards?” tanong ni Gunter sa asawa.
“Me and Lyndie,” aniya. She looked shocked. “But I do not think Lyndie will do that to me!” maagap ding sabi ni Shelby nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Gunter.
“Okay. Who else?”
Natutop ni Shelby ang bunganga nang tila may naalala. May pinagawa raw ito sa office noong isang linggo. Pinaayos raw nito ang plumbing sa banyo. Hindi pa ito tapos sa paliwanag ay umalis na si Gunter para tsekin ang banyo. Sa tulong ni Mang Conrad may inalis pa sila roong spy camera.
“Do you take a shower here?”
“No! Of course not!”
Mukhang pinangilabutan ang babae nang makita kung ano ang maaring nakita ng sinumang may hawak ng control ng camera na iyon. Inakbayan agad ito ni Gunter at hinagkan sa sentido para ipakita rito ang simpatiya.
“I will tell Frederick to monitor all porn sites just in case they leak some nude photos of yours to ruin your reputation.”
“I don’t do anything like that here!” sabi agad ni Shelby. “This is just my powder room and---oh my God! What if they---”
Alam ni Gunter kung ano ang kinababahala ng asawa. He tried to visualize kung anong anggulo ang nabigyang pokus ng spy camera na nakuha niya roon. Mukhang hindi naman ang toilet bowl. Mas sa shower area. Pero dahil iyon ang pinangambahan ni Shelby, pinatsek na rin niya sa mga bodyguards kung mayroong naka-attach doon.
“None, sir,” sagot ng pinuno matapos suriin ang inidoro.
Kahit mukhang natanggal nila lahat ang mga nakakabit na spy devices doon, minabuti pa rin ni Gunter na ipa-check iyon sa professional at ipatanggal lahat kung may naiwan pa. With his supervision, sinuyod ng hinire niyang tao ang room ni Shelby pati na ang adjacent bathroom nito. Wala na rin namang nakita pang ibang monitoring devices doon bukod sa nakuha na nila ng mga bodyguards. Nakahinga siya nang maluwag.
Mayamaya pa, may tumawag kay Gunter. Isa sa mga detectives na pina-monitor niya sa kung ilang top executives ng kanilang korporasyon. May balita raw ito at gusto siyang makita at makausap nang personal tungkol sa natuklasan.
Nagpaalam si Gunter kay Shelby na may aasikasuhin, pero bago niya nilisan ang opisina ng asawa, katakot-takot na bilin ang ginawa niya sa mga guwardiya nito.
**********
Natigil sa paglalagay ng strawberry jam sa toasted bread niya si Shelby nang pinakita ang balita sa TV na kaharap lamang ng kanilang dining table. Napalingon din doon ang kuya niyang si Morris. Sinasabi kasi sa balita na nasa custody na rin ng mga pulis ang isa pang top executive ng Skylark Quandt dahil sa pagkakasangkot nito sa money laundering case na initially ay isinampa laban sa CEO and Chairman ng korporasyon na si Gunter Albrecht. Sa pagkakadakip sa executive, may dinawit pa itong ibang pangalan pero wala sa listahan nito ang pangalan ni Mr. Albert Stevenson.
“Liar,” sabi rito ni Morris habang ngumunguya ng omelet. Napatingin sila pareho ng dad niya rito. Pati ang mommy niya’y napatitig din nang mabuti sa kapatid niya.
“How do you know he was lying?” tanong ni Shelby rito.
“I just know. I am good at judging people’s character and I know if someone’s lying,” kaswal na sagot ni Morris sa kanya.
Pinangunutan niya ito ng noo.
“Magsabi ka nga nang totoo. Ayon sa narinig ko kay Gunter, may nakapag-tip daw sa pulisya sa involvement ni Mr. Stevenson sa money laundering case. Nahuli raw kasi ito habang nakikipag-meeting sa mga pinaghihinalaang drug lords sa isang gusali sa Time Square. May kinalaman ka ba rito?”
Ngumisi si Morris. “Don’t look at me like that, Shelbita. Ano naman ang alam ko riyan? Busy rin ako sa buhay ko, for your information. I have a lot of problems in the Philippines already. Kinailangan ko lang personal na bumisita sa iyo rito when I heard about the news to make sure you are okay.”
“Ang dami mong paliwanag. I was just asking if you were involved. Parang ang defensive mo.”
“You seemed convinced na may kinalaman nga ako riyan. That’s the reason why I explained.” sagot nito sabay tingin sa relo.
Pagkainom nito ng orange juice, tumayo na at nagpaalam sa kanila. Magkikita pa raw sila ni Moses somewhere.
“Where the hell are you going to at this hour, Morris?” usisa ng dad nila. Alas sais pa lang kasi ng umaga.
“May usapan nga kami ni Moses na magkikita ngayon,” sagot nito habang naglalakad palabas ng kumedor.
“Then tell your brother to meet you here!” pahabol pa sana ng dad nila, pero mabilis nang nakaalis si Morris.
Ngayo’y siya ang inulan ng mga ito ng tanong. Ano raw ba ang sinabi ni Gunter sa kanya tungkol sa pagkakahuli kay Stevenson. Kinuwento niya tuloy sa mga magulang kung ano ang sinabi sa kanya ni Gunter.
“Malamang may kinalaman nga ang mga kapatid mo ro’n,” sang-ayon naman ng dad niya. “Hindi mo ba pinaalalahanan ang mga anak mo tungkol sa pangha-hack ng mga iyan? Are they still doing that?” baling naman nito sa mom niya.
Napabuntong-hininga si Sheila. “Kung sa pagpapaalala lang, hindi ako nagkulang. Ilang beses ko na silang nasabihan niyan. Aba’y ewan ko sa mga iyan.”
Kaagad na may tinawagan sa telepono. Pinasundan niya sa isa nitong bodyguard si Morris.
**********
Nang makita na ni Gunter ang bouquet of flowers na inorder niya para kay Shelby, napangiti siya. He knew she would love it.
“Ganda naman ng bulaklak mo, loverboy. Tiyak na mai-in love na nang todo niyan si Ms. Shelby sa iyo. Kaso nga lang may isang tila lanta na sa bouquet na hawak mo. Alam mo naman ang mga Filipino. Mapamahiin,” komento ni Frederick habang inii-start ang kotse.
“May nalanta? Saan?” Hindi magkandaugaga sa pagsipat sa bouquet na nasa kandungan niya si Gunter. Ngingiti-ngiti naman ang assistant sa kanyang tabi. Nang mahulaan niyang niloloko lang siya ng timang, kinutusan niya ito. Lahat na yata ng expletives sa German ay binato niya sa hunghang.
“Grabe, boss. Kung wala siguro si Ms. Shelby sa buhay n’yo ngayon, malamang isa ka nang mental case sa dami ng problema.”
Napasandal si Gunter sa back rest ng upuan at napapikit. He tried to imagine his life without her at bigla siyang napaupo nang matuwid sabay dilat. Pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi niya yata kaya ang ganoon. Kahit ano man ang mangyari sa kinabukasan, sigurado siyang he will always choose to be with Shelby.
Pagdating nila sa restaurant kung saan niya unang nakita si Shelby with her dad, napangiti si Gunter. Naalala niya noon, dali-daling tinapos ni Magnus ang pagkain nang bigla na lang siyang naupo sa mesa ng mga ito uninvited. Parang kailan lang iyon.
“A penny for your thoughts, boss?” biro ni Frederick habang pinagbubuksan siya ng pintuan sa restaurant na iyon.
“This restaurant is very special to me and Shelby. Would you know if the owner is selling it?”
Pinangunutan siya ng noo ni Frederick.
“Hayan ka na naman, boss, eh. Lahat na lang ay gusto mong bilhin. Magtira ka naman sa iba.”
Hindi niya pinansin si Frederick. Nagtuluy-tuloy siya sa loob. Nang makarating sa reception area, napasimangot siya. Ang bilin kasi niya sa assistant ay ipapa-close ang restaurant para may privacy sila ni Shelby habang naghahapunan. Bakit mukhang may ibang diners na nasa loob?
Lumabas ang manager at medyo kabado ito. Nagpaliwanag ito sa kanya na may dumating daw na bisita na pinauna raw niya para mag-set up ng surprise sa ka-date niya ngayong gabi. Bilin daw niya ito. Nakita siguro ng manager na mukha siyang nalilito kung kaya napa-sign of the cross ito. Nataranta.
“Oh my God!” sabi pa nito at natutop ang bunganga.
No’n dumating si Shelby. Mukha itong excited. Pero nang makita ang ekspresyon sa mukha niya, napalis ang ngiti ng babae.
“What’s wrong?” tanong nito agad.
“Somebody gate crashed. They are already inside.”
“Oh. How did they know about---”
Bago pa matapos ni Shelby ang tanong, lumabas ang seksing-seksi na si Marinette Schlossberg. She was wearing a backless black dress na nakaekis lang ang tela sa harap, which barely covered her breasts. Ang luwang ng tela ng damit mula sa balakang nito hanggang sa talampakan na nagbigay dito ng bitchy-princessy kind of look. Nakataas ang dark brown nitong buhok at nakapaikot sa ulo na nagbigay ng malinis na mukha. May ilang strands lang ng buhok na nakalawit to give her a seductive look.
“Hi there, Gunter,” sweet nitong bati sa kanya. Nang makita nito si Shelby, nagtaas muna ng kilay bago ngumiti nang mapakla.
Nairita s Gunter, pero nagpigil siyang magsalita ng kung ano. Si Shelby naman ay mukhang hindi apektado. Imbes na tarayan nito si Marinette, magalang pang binati. Bagay na bagay ang suot nitong dark blue cocktail dress na off shoulder.
“Aren’t you cold here, guys? Why don’t we all get inside?” pa-sweet na paanyaya ni Marinette sa kanila dahil nasa bungad sila ng restaurant nag-uusap. “Me and my friends have already set up the place. Let’s parteee!”
Napangiwi si Gunter. Hindi siya sanay sa ganitong side ni Marinette. Naninibago siya.
Imbes na sundan ang dating nobya, minanduan ni Gunter ang staff na ibalik kay Shelby ang coat nito dahil aalis na sila. Nag-panic ang manager. Nagbanta raw kasi sa kanila si Marinette na oras na umatras sila ni Shelby sa party na iho-host nito roon, sisiguraduhin nitong maa-out of business agad ang restaurant.
“She said that?” hindi makapaniwalang tanong dito ni Gunter.
“Yes, sir. And we cannot take any chances. We can, of course, take some legal actions but she’s a Schlossberg.”
Hinawakan siya ni Shelby sa siko at bahagya itong tumango. “Let’s just leave when she becomes unbearable.”
Pagdating nila sa loob, nagulat sila pareho. The place was transformed into a heaven-like room. Ang lighting, ang mga bulaklak---lahat ay nagbigay ng ganoong ambience. Parang nasa paraiso sila. Nalito tuloy si Gunter sa tunay na pakay ni Marinette.
“Ladies and gentlemen, let us all welcome, Mr. and Mrs. Gunter Albrecht!” sigaw pa ni Marinette sa mikropono nang malingunan silang pumapasok sa kung saan naroroon ang mga ito. Sinalubong sila ng masigabong palakpakan.
“To all you guys who do not know about me and Gunter, we both hail from Germany. Yes. Pretty obvious because of our last names, right?” Natawa ito sa reaksiyon ng grupo. “So I shouldn’t have said that anymore?” Tumawa na naman ito.
Sina Shelby at Gunter naman ay mukhang naguguluhan. Ganunpaman, magaling din naman silang magtago. Kung isang tingin lang ay hindi makikita agad ang tunay nilang saloobin.
Sumeryoso na si Marinette at pinabigyan ang lahat ng nandoon ng maiinom na vino pati na sina Shelby at Gunter.
“Our dads came to this country together,” bigla ay sabi nito. “My dad and Gunter’s dad had a looooong history starting when they were kids in Munich, Germany. But you see, Uncle Henry’s family was very wealthy. Mine were just ordinary folks.”
Nagpahayag ng simpatiya ang pitong kataong audience ni Marinette na hindi pa alam nila Shelby at Gunter kung sino at ano ang papel nila sa buhay ng tila hibang na dalaga.
“But Dad was --- is a very hard working man. Even as a little boy, he persevered so I can have this kind of life.” Binuksan nito ang mga braso. Kumumpas-kumpas. “My dad worked as Uncle Henry’s assistant for so many years starting when he was just nineteen years old. He barely finished college when he worked for Gunter’s father. And because of sheer hard work, Dad was able to get to where he is right now. But sadly, some people do not like it when those whom they have looked down all their life started to rise and become even more successful than them.”
Nagpahid ng mga luha niya si Marinette. Nagpaawa. Hindi na nagugustuhan ni Gunter ang pinupunto ng kuwento nito.
“Let’s get out of here,” sabi niya kay Shelby.
“Why are you leaving, my dear ex-boyfriend? I’m not yet done with my story. I have just started!”
“You need to see a shrink, Marinette. You’re insane.”
“Your days are numbered, Gunter. You will soon rot in jail,” nakangiting sagot ni Marinette.
Ngumisi rito si Gunter. “Oh yeah? Why don’t you ask the manager of this restaurant to turn on the TV and watch the news. You wasted your time hosting this party.”
Pagkasabi niyon, dali-dali nang lumabas ng restaurant ang dalawa. Pagdating nila sa parking lot, nadatnan nila roon ang napakaseryosong si Frederick. Inabot nito kay Gunter ang cell phone. Naka-stream pala ang pakulo ni Marinette. Kasabay ng balitang pagkakahuli kay Mr. Schlossberg bilang kasabwat sa money laundering scheme na pinaratang kay Gunter ay bumuhos ang simpatiya ng mga netizens sa mga Schlossberg sa ikinuwento ng anak nito. Napakuyom ang mga palad ni Gunter.
“Sir, sir!” tawag mula sa likuran nila.
Ang staff ng restaurant. Kalung-kalong nito ang bouquet of yellow tulips na iniwan kanina ni Gunter sa reception dahil parte sana iyon ng gagawing surprise para kay Shelby. Tinanggap naman iyon ng lalaki saka inabot niya kay Shelby.
“For you.”
Nayakap agad ni Shelby ang mga bulaklak. “At least I have received something pleasant tonight,” nakangiti nitong sabi saka hinalikan sa pisngi si Gunter. “Don’t worry. Everything will work out just fine,” bulong pa nito.
“I hope so,” mahinang sagot ni Gunter saka inalalayan si Shelby sa pagpasok sa loob ng kotse niya.