CHAPTER FORTY-FIVE
“Ser Gunter, you ned toh practez des. You mek hataw-hataw des like des. Yu nu.”
Napalingon si Shelby kay Aling Iska, ang dating yaya ni Matias dahil atribida itong nagprisinta na turuan daw dapat si Gunter magsibak ng kahoy the old way. Iyong gagamitan pa ng palakol. Nag-demo nga ito at nabiyak niya ang malaking kahoy. Manghang-mangha naman dito si Gunter. Kahit may edad na raw kasi si Aling Iska ay matibay pa rin.
“Yeez! I’m a strong wohman!” At nag-body builder pose pa si Aling Iska sa harapan ni Gunter. Natawa ang huli.
Habang abala ang mga katulong sa pagtuturo kay Gunter kung paano magsibak ng kahoy, si Shelby nama’y nag-asikaso kay Shy. Hinawakan niya ito sa magkabilang kili-kili habang inaangat ng ka-level ang kanyang mga mata. Pinapainitan niya ang likod nito sa backyard dahil sabi ng kanyang yaya ay mainam daw iyon sa kalusugan ng bata. Palagi nga raw siyang ginaganoon nito noong baby pa siya.
“She likes it, Ms. Shelby,” komento ng private nurse nito. Tumitili kasi si Shy sa bawat pagtaas-baba niya rito. Napalingon nga sa kanila si Gunter. Nang magtama ang mga mata ng mag-ama lalong nagtitili ang bata. Parang nagpapa-impress sa daddy niya. Tapos ay inunat nito ang mga kamay sa direksyon ni Gunter na ang ibig sabihin ay gusto nang magpakarga rito.
“I guess that’s it for me, guys. Thank you for teaching me,” nakangiting sabi ni Gunter sa mga katulong.
“Ano raw, Tiyang?” tanong ni Iska sa tiyahin na si Aling Mameng. Napakamot-kamot pa ito sa ulo.
Agad namang isinalin iyon ni Gunter sa Tagalog. Gulat na gulat sila. Tawanan silang lahat nang makabawi.
“My Gahd, ser! You med my nosh blid tapos you spokening Tagalog pala!” naibulalas ni Aling Iska.
Napangiti na naman si Shelby. Siya na ang nagpaliwanag sa mga katulong na nag-aral ng Tagalog si Gunter para sa kanila. Kinilig naman ang mga ito, lalung-lalo na si Aling Iska.
Matapos makapagpahid ng alcohol sa mga braso’t kamay ay kinuha na ni Gunter si Shy kay Shelby. Ang lutong ng tawa ng baby. Napaliyad pa ito at nag-inarte. Nang hagkan ng daddy niya sa leeg lalong tumili. Kiniliti rin ito ni Shelby sa tagiliran. Tulo laway ng bulinggit sa katatawa. Natigil lang sa pangingiliti sa anak si Shelby nang iabot ng isa nilang katulong ang cordless telephone sa kanya. May tawag daw siya at importante.
“From whom?” tanong ni Shelby sa katulong.
“Dati n’yo raw kaibigan, ma’am. Alfonso raw ang pangalan.”
Natigilan si Shelby. Nag-atubiling abutin ang telepono lalo na nang makitang umasim ang mukha ni Gunter. Yaya niya ang masuyong tumapik sa kanyang balikat at nagsabing kausapin niya ito alang-alang sa masaya nilang samahan noon.
“Kahit papaano ay pinasaya niya ang kabataan mo, anak. Hapi ang pagdadalaga mo dahil sa kanya.” At pinaalala pa nito ang araw nang una siyang makatanggap ng love letter mula rito. Noong mga panahong iyon ay crush na crush na niya si Alfonso dahil lagi niyang napapanood ang koponan nitong tinatalo ang football team ng eskwelahan nila kung kaya nang matanggap niya ang sulat ay nagtititili siya sa loob ng kuwarto kasama ang yaya.
Kinindatan ni Shelby ang yaya para tumigil sa pagsasariwa ng nakaraan. Hinila na lang niya ito at sabay silang pumasok ng bahay para katabi niya ito habang kinakausap si Alfonso.
**********
Aminado si Gunter na na-miss niya nang todo si Frederick. Sa mga oras na ito sana kung kasama niya iyon ay may sinasabi nang kung anu-ano na nagpapainit ng ulo niya lalo pa’t selos na selos siya sa bwisit na Dela Peña na iyon. As soon as he remembered his assistant, he felt kind of sad. Para bagang biglang nanamlay ang kanyang kalamnan.
“Oh no! It’s not you, baby.”
Nang ngumiwi pa rin si Shy at pinangiliran na ng luha, hindi naiwasan ni Gunter ang mapatawa. Hinagkan niya ito sa ulo.
“You’re a sensitive baby, my beloved,” bulong niya rito. “You love Daddy that much?” tanong pa ni Gunter dito habang nginingitian ito. Saglit siyang tinitigan ni Shy na tila tinatantiya kung totoo nang masaya siya. Tapos ay dahan-dahan na rin itong napangiti at hinimlay pa ang ulo sa kanyang balikat. Ramdam niyang yumakap ang bata sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Naantig ang damdamin ni Gunter.
“Oh, you just made Daddy so happy. I love you.”
Paglabas ni Shelby, dala-dala pa rin nito ang cordless phone nila at inaabot naman ito sa kanya. He stared at the phone coldly then turned towards his daughter. Wala siyang balak makipag-usap sa Dela Peña na iyon. The nerve of that bastard to even think that he wanted to talk to him.
“It’s your dad. He wants to talk to you.”
“Oh,” tanging naisagot niya sa asawa.
Kinuha ng private nurse si Shy sa kanya at hinawakan muna ito habang kinukuha niya kay Shelby ang telepono. Mayamaya pa’y narinig na niya ang boses ng kanyang ama. He seemed very angry. Nag-confess na raw ang mom niya tungkol sa ginawa nito noong araw na namatay si Amy Brown.
“I cannot believe it!”
“Dad, calm down. There’s nothing we can do about it now. Don’t do anything stupid, okay?”
Ini-imagine ni Gunter ang mommy niya na selos na selos habang hinahabol nito si Amy Brown na kagagaling lang pala sa isang high-end salon nang araw na iyon. Sinadya raw talagang bantayan iyon ng mom niya sa labas ng salon at doon malapit sa exit ay kinompronta raw ito agad-agad. Tinutukan pa raw ito ng toy gun. Nagulat daw si Amy Brown at imbes na magtaas ng dalawang kamay ay napatakbo ito. Hinabol daw ito ng mom niya kasama ang kalaguyong si Albus Smith Senior. Hindi na raw nakapuntang parking lot si Amy Brown kung saan naroroon ang kotse nito dahil naghabulan silang tatlo. No’ng makita raw ng mom niya na tumakbo ito sa direksiyon ng highway ay bumalik sila ni Albus Smith Senior sa kanilang sasakyan at hinabol nila ang babae sa highway. Bago pa nila ito maabutan ay may narinig na silang malakas na tunog ng sasakyang napa-preno bigla at isang malakas ding kalabog. At kitang-kita nila kung paano bumagsak sa aspalto si Amy Brown. Bumaba pa raw ang driver ng sasakyan na nakabundol sa babae at napag-alaman nilang ito raw ang Mehikanong driver ni Mr. Flynn Schlossberg. Tiningnan daw nito ang nabundol para tsekin kung buhay pa. Inakala raw nila ni Albus Smith Senior noon na tumawag ito ng 911 dahil nakita naman nilang may binutingting ito sa telepono. Ganoon na lamang daw ang panggigilalas nila nang bumalik sa loob ng pick up ang lalaki at sinagasaan pa uli si Amy Brown at tiniyak na patay na nga ito nang iwan sa daan.
“I do not know what to do, Gunter,” sabi ng ama pagkaraan ng ilang sandali. Mahina na ang tinig nito pero naroon pa rin ang matinding galit. Mukha pang kinakapos ito sa paghinga.
“Dad? Dad! Breathe in, breathe out. Who’s there with you?”
Narinig ni Gunter ang mabilis na paghinga ng kanyang ama. He panicked even more.
“Dad? Dad! Can you hear me?”
“Y-yes! I am still here,” sagot nito sa mahinang tinig.
Nakita ni Gunter na nasa bandang tagiliran na niya si Shelby. Siguro lumapit ito dahil napalakas ang tinig niya. She looked so worried now. Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng phone at sinabihan itong tawagan ang family doctor nila sa New York at papuntahin ito agad sa mansion ng mga magulang.
Ngayon lalong na-miss ni Gunter si Frederick. Kung sana---napabuntong-hininga siya. Something tells him to return to New York right away. Pero inaalala niya ang kanyang mag-ina, lalo na si Shelby. Gusto kasi nitong makasama ang pamilya sa pasko.
Masuyong hinawakan ni Shelby ang kanyang braso.
“Do whatever you think is good for you and your family. I will understand,” sabi nito.
Natigilan bigla si Gunter. Shelby read his thoughts. Napatitig siya sa asawa na ngayo’y nakatingin sa kanya nang may lungkot ang mga mata, pero mayroon ding warmth. At naisip niya bigla, “Fvck! Why did I even get jealous of Dela Peña?”
**********
Nagkakasayahan sa living room ng mga San Diego sa mansion nila sa Alabang dahil pinagbigyan sila ng Panginoon. Two days before Christmas ay na-discharge si Doña Minerva. Nasa bahay na nga ito ng anak at napapaligiran pa ng mga apo sa tuhod sa pangunguna ng mga preteen boys ng Kuya Marius ni Shelby.
Saglit lang na nakisaya sa kanila si Shelby bago pinatawag ng dad niya na pumunta na sa study room nito kung saan naroroon ang kanyang mga kapatid at asawa.
Pagpasok na pagpasok ni Shelby roon, naramdaman niya agad ang lungkot. Bumilis tuloy ang tibok ng kanyang puso. Inunat ni Gunter ang kamay nito at masuyo siyang hinawakan sa kamay at pinaupo sa tabi. Magkakaharap sila ng mga kuya niya. Si Morris lang ang wala roon dahil balita sa kanya ng mga katulong ay nasa Iloilo raw at hinahabol ang vlogger-girlfriend.
“We all got our private detectives’ report and they are all telling us the same thing,” panimula ng Kuya Marius niya. May hinugot ito sa brown envelope na hawak. Binasa nito ang laman no’n para sa kaalaman ng lahat. Ganoon din ang ginawa nila Markus at Matias.
“So Lyndie was telling the truth.”
Inakbayan siya ni Gunter at masuyong hinagkan sa sentido.
“Unfortunately, yes. May nagawang injustice para sa mga Mexican workers ang mga tao natin sa vineyard. Totoo ngang sinisante ang lahat ng mga Hispanic workers sa Vadillo Winery at pinalitan lahat ng mga Pinoy. Totoo rin na kasama sa mga naalis ang mga magulang ni Lyndie, mga kapatid, at pinsan. Ang pamilya nila ang pinaka-nawalan,” dugtong naman ni Markus.
“It is also somehow true that Frederick’s mom, a French-Spanish immigrant who was a former worker at Vadillo’s winery, was found dead in our vineyard. Isa siya sa mga lumipat sa atin na tinanggap, pero ayon sa detective ay hindi nagkaroon ng magandang relasyon sa mga nauna nang manggagawa roon. Pero noong araw daw na inatake ito sa puso may isang mangaggawang Pinoy na tumawag ng 911 para humingi ng tulong. Kaso nga lang pagdating sa lugar kung saan ito hinimatay ay wala na itong buhay. Kaya sabi ko, ang allegation na natagpuan siyang patay sa vineyard natin ay somehow true dahil patay na siya ng abutan ng mga rescuers, pero hindi naman pala totally na pinabayaan siya,” sabat naman ni Matias.
“Ganunpaman, hindi tama ang ginawa ng mga tao natin doon na basta na lang pinatalsik ang mga Hispanic workers ng Vadillo Winery porke nabili natin ang vineyard nila. Isa kasi sa conditions ng pagbili natin ay ang pagpapanatili sa kanila sa kani-kanilang posisyon,” pahayag naman ng Kuya Marius niya.
Napahimas-himas ng baba niya ang kanyang grandpa nang balingan nila ito. Nalungkot ito sa narinig. Ganoon din ang dad nila. Patakaran kasi ng pamilya nila ang pagiging fair sa workers.
“We need to make amends to all the families that our people had treated unfairly,” sabi agad ni Don Manolo. Sinang-ayunan ito ng anak at lahat na apo.
“How many Vadillo workers were there in total?” tanong naman ng dad niya sa kanyang Kuya Marius.
Nang sumagot ang kuya niya na mahigit dalawang daan daw ay natigilan ang dad nila. Batid ni Shelby na nagkuwenta na ang ama kung magkano lahat-lahat ang danyos.
“Two hundred fifty three, Dad. All in all,” sabat ni Matias habang tumitingin sa hawak na papel.
Napabuntong-hininga uli ang grandpa niya. “Give each of them or their surviving family member a hundred thousand dollars,” sabi nito kapagkuwan.
Napatingin silang lahat sa matanda. Si Shelby ay mabilis na nagkuwenta sa isipan. Mahigit na twenty-five million dollars ang kakailanganin nila para sa danyos.
“Our lawyers were able to talk and coordinate with their representative, Grandpa,” sagot ni Markus. “The workers agreed on a twenty-thousand-dollar-settlement.”
“No,” mariing tanggi ng matanda. “That is not enough. Make it a hundred each,” he insisted.
Nagtinginan uli ang mga kuya niya. Alam ni Shelby kung bakit hesitant ang mga kapatid sa mas malaking danyos. Kamakailan kasi’y nasunog ang mga grapes na aanihin na lang sana ng kanilang manggagawa. Mahigit kumulang isang daang milyong dolyar ang nilugi nila roon. Malaking kawalan iyon sa pondo ng kanilang winery. Pinaalala nga iyon ni Markus at Matias sa kanilang lolo. Ang dad naman nila’y tahimik pa rin.
“I can chip in fifty percent of the cost of the settlement,” walang anu-ano’y sabat ni Gunter.
Apat na pares ng mga mata ang napatitig kay Gunter. Ang sama ng tingin nila. Napahawak agad si Shelby sa kamay ng asawa. She slightly frowned at her brothers.
“This is our problem not yours. Besides, you also have your own financial woes,” sagot ni Marius agad.
“Just because we invite you here doesn’t mean we are asking for your help. We just want you to be a part of this since your assistant was also involved. His family’s past had a lot to do with why he behaved that way to you or your family,” sabi ni Matias.
“Guys, nagmamagandang-loob lang naman ang tao. Wala siyang ibang pakahulugan doon,” sabi ni Shelby sa mga kapatid.
Napatanong nang pabulong si Gunter. Ano raw ba ang ibig niyang sabihin sa ‘nagmamagandang-loob’.
Imbes na sagutin ang asawa, pinisil na lamang ni Shelby ang kamay nito. He kissed her lightly on her temple.
**********
Namangha si Gunter nang masaksihan ang fireworks pagsapit ng alas dose ng hatinggabi ng ika-dalawampu’t apat na araw ng Disyembre. Nagmistulang paraiso ang bakuran ng mga San Diego sa Alabang. Samu’t saring paputok ang nasaksihan niya. At sa isang katulad niya na nasanay na silang tatlo lang---Mom and Dad niya at siya sa isang malaking mansion, kakaiba ang experience niya ngayon. Sobrang dami pala talaga ng pamilya ng kanyang asawa! Limang kapatid na lalaki at mga partners ng mga ito. Apat lang ang mga kaparehang nandoon. Iyong bunsong si Morris ay nag-iisa lamang. Dinig niya kay Shelby mayroon na rin itong girlfriend, pero mukhang hindi pa ito naipakilala sa pamilya.
Saglit na pumasok sa loob ng bahay ang bunsong lalaki at nang lumabas uli ito ay may dala nang helmet at nakipagtalo pa sa ina dahil nagpupumilit na umalis.
“Mom, I have already given in to your wish. I had dinner with you guys na. May gusto lang akong puntahan. Please?”
His mother-in-law looked sadly into her son’s eyes and suddenly kissed him on his forehead.
“Okay. Ingat ka,” she said reluctantly.
Namangha si Gunter. At parang naiinggit. His mom had never looked at him like his mother-in-law looked at his youngest son just now. How he wished...
“I know it is still the twenty-third of December in New York, but I want to greet Dad a merry Christmas,” nangingiti niyang paalam kay Shelby. Gusto muna niyang pumasok sa loob ng bahay at tumawag sa dad niya. Alam niyang nag-iisa ito ngayon.
She kissed him on his cheeks and told him to extend her greetings to his dad.
Nakangiti pa si Gunter habang pinipindot ang numero sa mansion nila sa New York. Alam niyang nasa bahay lang ang ama dahil nag-usap sila kahapon at sinabi nito sa kanya na wala itong ibang plano kundi ang manatili sa kanila sa Christmas. Kaya medyo na-disappoint siya nang sabihin sa kanya ng stay-in housekeeper ng mga ito na kaaalis lang daw nito.
“Is Mom around?” tanong na lang niya.
Hindi agad sumagot ang housekeeper.
“She is no longer living here, Mr. Gunter.”
“What do you mean?”
“Just ask your dad about it. It is not for me to say.”
Natigilan si Gunter. At napaisip nang malalim.
“What’s wrong?” tanong ni Shelby. Nakalapit na ito sa kanya nang hindi niya namalayan.
“Can we---can we go back to the States by tomorrow?”
Natigilan ang asawa. Ang usapan kasi nila’y sa Pilipinas pa sila magse-celebrate ng bagong taon. Nangako ito sa kanyang lolo’t lola. Gusto nito sanang makasama pa ang mga ito nang matagal-tagal, lalo na ang grandma.
“Dad needs me, Shelby. He---he and mom are filing for a divorce ASAP and---”
“They are?!” Hindi naitago ni Shelby ang pagkagulat. “But I thought your dad has forgiven your mom already!”
“Yes. But he cannot live with her now. He doesn’t trust her.”
“How is your mom taking it?”
“She accepted it peacefully. She said it is for the best. She does not want to be sharing the family’s debts anyway.”
Napayakap si Shelby sa kanya nang wala sa oras. Ramdam niyang gusto siya nitong damayan.
“But---if you want to stay behind for a few more days, it’s okay with me, babe,” sabi niya rito.
“No. We will leave together as a family.”
Nang ibalita nila iyon sa buong mag-anak na San Diego nalungkot ang lahat, pero hindi naman sila pinigilan. Pinupog lang nila ng halik si Shy bago pakawalan.
**********
Hindi na nagawa nila Gunter at Shelby na ipagpabukas ang pag-alis dahil nabalitaang may nagtangkang pumasok sa mansion ng mga Albrecht. Sa mismong Christmas eve daw ay may nanloob doon at itinali pa ang lahat ng mga housekeepers ng pamilya. Buti na lang at hindi umuwi ang ama ni Gunter nang gabing iyon. Ang nakakapagtaka lang ay wala namang nawala sa loob ng mansion maliban sa nagkalat at nasira ang ilang mga gamit. Kasunod ng balitang iyon ay napanood nila sa TV ang manhunt diumano para kay Mr. Flynn Schlossberg. Sa kasamaang palad ay naka-eskapo ito mula sa bilibid. Kasama nito ang pinaka-loyal na tauhan---ang asawa ni Lyndie.
“What about Frederick?” tanong ni Shelby kay Gunter.
“I bailed him out days ago, but he’s fired.”
Hindi na nagtanong pa ang asawa. Napahilig na lang ito sa balikat niya at ipinikit ang mga mata. Naggising na lamang ang babae nang magkaroon ng matinding pag-alog sa eroplano.
“We are about to touch down at JFK Airport. There’s nothing to worry about,” paliwanag niya rito dahil he saw fear in her eyes.
Sinalubong sila ng mga bodyguards niya at ng bagong personal assistant paglapag sa JFK, pero for a while ay hinanap niya si Frederick. Nang ma-realize na kailanman ay hindi na ito makakabalik pa sa kanya bilang empleyado ay nakaramdam na naman siya ng lungkot kaya itinaboy niya agad iyon sa isipan.
“The new house is now ready for occupancy, sir,” magalang na pagbabalita ng bago niyang black assistant.
Ang sinasabi nitong bahay ay ang maliit na townhouse na binili niya para sa kanyang pamilya. Nag-hesitate siya saglit at napabaling kay Shelby nang maalala kung gaano ka liit iyon.
“Is it all right to go straight to our new home?” tanong niya muna sa asawa. Sa isipan niya, kung hihilingin nitong doon dumeretso sa mas maluwang nitong condo ay hindi siguro siya magmamatigas. Nagi-guilty siya na pinagsasakripisyo niya ito.
“Of course,” kaagad naman nitong sagot.
“All right, Jackson. Lead the way,” sabi niya sa assistant.
**********
Nagising si Shelby nang sa kanyang pagbiling ay wala siyang makapa sa tabi sa kama. Napabangon siya agad at pinindot ang kontrol ng ilaw. Wala na nga siyang kasama sa silid. Bumaba siya ng kama at tinakpan lamang ng kulay rosas na roba ang suot niyang nightie at bumaba sa living room nila. Nasa kusina ang private nurse ni Shy at nagtitimpla ng gatas.
“Hi, Miss Shelby. Did you have a good rest?”
“Yeah. What time is it now?”
“It’s half past six in the morning.”
Napahikab siya. Kaya naman pala. Parang naninibago pa ang katawan niya sa oras. Hindi pa siya nakaka-adjust.
“Did you see Gunter?”
“Yes, miss. He already went to work.”
“At six in the morning?”
Ngumiti ang nurse.
“Do you want some coffee, Ms. Shelby?”
Umiling siya saka pinagsalikop ang mga braso sa ibabaw ng mesa at inihimlay ang ulo roon. Napaupo siya nang matuwid nang marinig ang laman ng news na nagmumula sa kaharap na TV.
“It’s Gunter, right?!” tanong pa ni Shelby sa nurse.
“Yes, ma’am!” natataranta ring sagot ng nurse. Si Shelby nama’y tila lalong nanghina at biglang nagdilim ang paningin.