CHAPTER FORTY-SEVEN

 

My Dearest Shelby,

I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.

Your loving husband,

Gunter

P.S.

 

Hindi na natuloy sa pagbabasa sa postscript si Shelby. Bigla siyang hiningal. Daig pa niya ang tumakbo ng ten-kilometer dash.

My God! Twenty billion US dollars!

Pinanlamigan si Shelby. Twenty-five ang sabi sa news pero ang sabi ay corporate loans iyon. Ang alam din niya, hindi liable ang mga executives nito to pay the creditors with their own personal money. Babayaran ang mga utang gamit ang mga assets at pera ng korporasyon. Nalilito na siya. Sa pagkakasabi kasi ni Gunter mukhang personal loans ang twenty billion US dollars. Sobrang laki no’n. Kahit pagsama-samahin ang buong San Diego properties at business ay hindi iyon aabot ng five billion US dollars. Tapos here comes their loans at mahigit pa sa five times more ng kabuuan nilang net worth na mag-anak!

Naiyak si Shelby. Hindi na siya nakapasok ng work nang umagang iyon. Marami pa naman sana silang dapat tapusin dahil ilang linggo na lang at mayroon silang malaking event na iho-host. Hindi siya mapakali.

Hey, baby. Natawag ka? Are you alright?” Mommy niya.

Hindi na nakapagkuwento si Shelby. Umiyak na lang.

Calm down! Pinapataranta mo kami ng dad mo, eh.”

Sa paputul-putol na salaysay, kinuwento ni Shelby ang sulat ni Gunter. Biglang natahimik ang mom niya sa kabilang linya. Nang may marinig siyang boses uli, galing na sa dad niya.

Your brothers and I heard about their problem long before it was reported in the news. We did not want to be the ones to reveal it to you, so we just let it be. If you’re going to divorce him now, anak, do not worry. Nasa likuran mo kaming lahat.”

Nagulat si Shelby sa sinabi ng ama. Tapos narinig niya ang ina sa background na parang pinapagalitan ang dad niya. Inagaw nga nito ang telepono sa kanyang ama.

Shelby, anak, if you truly love him, you will accept him with all his imperfections,” malumanay na payo ng mommy niya.

Are you telling your daughter to go ahead with the wedding knowing her husband’s current situation? Paano kung hindi na sila makakabawi? Paano si Shelby at Shy? Gugustuhin mo bang maghirap ang anak mo? She’s our only girl for God’s sake!”

Napangiwi si Shelby sa narinig na mga sinabi ng ama.

What do you want her to do? She just cannot forsake her husband just because he has debts! Gunter needs her now more than ever! Isipin mo naman ang damdamin ng mga bata.”

Umatras ang mga luha ni Shelby. Mukhang naging dahilan pa siya at ang problema nila ni Gunter sa pagtatalo ng mga magulang. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito.

Mom, Dad. Please. Don’t argue because of us.”

Sorry, anak. Narinig mo pala iyon,” ang dad niya ulit.

Magalang siyang nagpaalam na lang sa mga ito.

 

**********

Ini-scroll down ni Gunter ang gallery ng kanyang cell phone at napangiti siya nang masilayang muli ang mga candid shots ng kanyang mag-ina. Hinipo ng kanyang hinliliit ang mapupulang labi ng asawa. Namumula hindi lang mga labi nito sa larawang iyon. Buong pisngi nito’y parang hinog na kamatis dahil sa lamig. Kinuha niya ang picture minsang mamasyal sila sa harbor bago umuwing Pilipinas. Sa sumunod na larawan ay lumiliyad si Shy habang tumatawa na para bagang wala nang bukas. Kuha naman iyon sa Pilipinas nang mamasyal silang mag-anak sa Tagaytay.

Sir, your mom is outside. She wants to come in,” anunsiyo ni Jackson, ang bago niyang assistant.

Mabilis na isinara niya ang photo gallery ng cell phone at binulsa ito. Siya na ang tumayo para salubungin ang ina.

What is the family lawyer talking about, Gunter? Why is he including me in the list of people responsible to pay Henry’s debts? For God’s sake, Gunter! Do something about this! Some of the money may have been spent with that bitch! His mistress! You cannot expect me to partly pay those goddamn loans!”

Mom, please calm down, okay?”

How can I calm down? I do not want to partly pay for these ginormous loans! And that’s final!”

Napatitig nang matagal si Gunter sa ina. Tinatanong niya sa isipan kung paano nito nalansi ang dad niya noon. At kung paano niya ito naging mommy.

You know the conditions to the inheritance he left us, Mom.”

Yes! And I do not care anymore! You can have all of them for all I care! I am not interested anymore! Just clear my name! I do not want to spend a cent to pay for your father’s debts. Period!”

Pinangiliran ng luha si Gunter. Tama nga ang ama niya sa kung ano ang magiging reaksiyon ng mom niya tungkol sa utang. Nalungkot siya nang sobra at nanghinayang.

Alright, mom. Rest assured that you will not be bothered by them anymore,” halos ay pabulong na lang na wika ni Gunter.

Good. I am sorry, son. I just need to protect myself.”

Tumangu-tango rito si Gunter.

Kumusta ka na? Kailan ang libing ng iyong ama?” tanong nito in French. Mahinahon na at masaya na ulit ang tinig.

Akala ni Gunter makokontento na ang ina sa binitawan niyang pangako. Hindi pala. Tinawagan nito ang abogado agad-agad. Mayamaya pa ay kaharap na nila ang bago nitong lawyer. She insisted that he put in writing what he promised her. He was shocked. But he obliged and handed her the note she wanted him to sign pati iyong pagpayag niya na hindi na maghahabol sa mansion ng mga magulang sa Manhattan.

 

**********

“Ms. Shelby, if you do not mind me asking, what’s the occasion? Why are we decorating the house as if we are celebrating something?” tanong ng private nurse ni Shy habang nagkakabit ng mga palamuti sa doorway. Mga ginupit nilang hearts mula sa cartolina ang mga iyon. Tinuhog nila ng string at pinalawit sa dingding, kisame, saka sa doorway.

Inikot ni Shelby ang mga mata sa kabuuan ng townhouse. Satisfied na siya sa hitsura ng living room ng bahay. Mukhang may Valentine’s party. Pero iyon naman ang gusto niyang ma-feel ni Gunter. Mamaya nang kaunti ay parating na rin ito.

Inuunat ni Shy ang kanyang kamay para abutin ang isang hugis-pusong papel. Hinawakan ito ni Shelby sa kili-kili para maabot ang gustong hipuing pusong papel. Tumili pa pagkahipo.

Mayamaya pa, napatingin silang tatlo sa bandang harapan ng bahay. Narinig nilang may tumigil na sasakyan doon. Dali-daling kinuha ng private nurse ang baby kay Shelby at umakyat na ang mga ito sa kuwarto nila.

Nang marinig ni Shelby na nagbukas ang front door, dumagundong sa kaba ang puso niya. Sobrang cheesy kasi itong gagawin niya kaya kinakabahan din siya dahil baka ma-cringe si Gunter. Pumasok muna siya sa kusina at uminom ng tubig para kalamayin ang kanyang loob. Pagbalik niya sa living room, kahit dim ang light, nakita niya ang anino ni Gunter. Nasa gitna na ito ng sala at umiikot para mabistahan ang high schoolish niyang attempt to make him happy.

You’re still here?!” Parang napapantastikuhan na bulalas ni Gunter nang makita siya roon. Ang asul nitong mga mata ay tila namasa-masa. Kumurap-kurap nga ito nang ilang beses na parang pinaglalabanan ang kanyang damdamin.

Where else should I be?” sagot naman ni Shelby.

Inilang hakbang ni Gunter ang pagitan nilang dalawa saka niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.

I thought you were gone! I would’ve understood it if you’ve decided to leave me,” halos ay pabulong nitong wika.

Gumanti ng mahigpit na yakap si Gunter kay Shelby. She felt him trembling na para bagang natakot for what could have been.

I have thought it over. I came to a realization that I would rather be poor helping you pay your debts than be rich and not be with you forever.”

I—I just couldn’t believe it! Dad is right again! With you!”

Your Dad has predicted this to happen?”

Tumangu-tango si Gunter at hinagkan siya sa mga labi.

 

**********

8 AM, December 29th. An hour after Gunter left their townhouse

 

“I cannot understand it, Mr. Schmidt,” sabi ni Gunter sa Finance Director nila nang sinasabi nito ang tunay na katayuan ng Skylark Quandt Corporation. Malayo ito sa lumalabas na balita.

Your dad wanted us to keep this a secret until the real enemy is gone. He wanted to get rid of those people who were more loyal to money and to Mr. Schlossberg than to you or the corporation so that you will be safe even if he is no longer around.”

It was a huge risk, yeah.” At medyo natawa pa rito ang Marketing Director na si Mr. Kafel. “Just so we cannot be sued for misleading our creditors and investors, we actually talked to the big ones and made them swear in secrecy. We also tried to reassure the smaller stockholders to keep calm and trust us because everything will be all right. Although not many of them believed us, at least there are still those who stayed with us.”

Napanganga lang si Gunter sa kanilang tatlo.

You see, five years ago, your dad discovered that Mr. Schlossberg is determined to take over the mining and half of the corporations’ subsidiriary companies. I think he felt your father owed them to him for being loyal all these years and for keeping his well-guarded secrets,” patuloy pa ni Mr. Schmidt.

Kinuwento pa ni Mr. Schmidt na noong kaka-migrate lang daw ng parents niya sa US ay nangako ang ama sa loyal nitong assistant na si Mr. Schlossberg na balang-araw kapag pinalad sa negosyo sa Estados Unidos ay papartehan ito kagaya ng isang kapamilya. Katunayan, dahil daw namatay ang noo’y kaisa-isa nitong anak na si Skylark, nilagay daw ng dad niya sa last will and testament nito na sakaling mamatay siya ano mang oras sa edad na apatnapu’t isa ay hahatiin ang kanyang properties pati na ang negosyo sa kanyang asawa at sa dakila niyang alalay. Iyan ay kung wala na rin si Amy St. Claire. Pero kapag ito’y buhay pa, ang kalahati ay mapupunta sa babae at paghahatian daw ng mom niya at ni Mr. Schlossberg ang kalahating ari-arian ng dad niya.

Dito pinangunutan ng noo si Gunter. “But that cannot be allowed in court, right? Mom is Dad’s legal wife. If that had happened, Mom can contest his last will, I presume?”

Yes. But he was planning to divorce your mom then, so he was confident that he will be able to do it,” sagot naman ni Mr. Barrett, ang Information Technology Director.

Marami pa silang napag-usapan. At kasama na roon ang kondisyones na bago nila sabihin sa mom niya ang tunay na estado ng korporasyon ay kailangan muna nilang alamin kung gaano ito ka-loyal sa asawa’t anak. Ang ibig sabihin ay dapat itong pumayag na kasama ito sa pagbayad sa mga fictional loans. Nalungkot si Gunter dahil kilala niya ang ina. Naisip din niya si Shelby. Paano kung talikuran siya nito dahil sa utang? Malinaw ang bilin ng dad niya. He can only be with someone who would share his joys as well as his sorrows.

Napasinghap si Gunter at napatayo. Hindi siya makahinga.

Are you all right, Mr. Albrecht?” tanong ni Mr. Kafel.

Nagkatinginan ang tatlong lalaking nakaupo sa kanyang couch. Napadako naman si Gunter sa mini-bar niya sa hindi kalayuan. How he wished Frederick is around. Sa ngayon sana ay minamanduan na niya itong igawa siya ng scotch on the rocks para kumalma ang kanyang kalamnan. Masigaw-sigawan nga lang niya ang assistant ay therapeutic na para sa kanya.

Should we continue this meeting some other time?” tanong ni Mr. Schmidt. Medyo nag-aalala sa kanya.

No, no, no. We have already postponed it for the second time. I want to know the rest of the story.”

 

**********

Nang humupa na ang damdamin nila pareho ni Gunter, in-on na ni Shelby ang mga ilaw sa living room. Napabungisngis si Gunter nang makita ang hitsura ng sala nila. No’n nakaramdam ng hiya si Shelby. Naisip agad niya kung masyadong cringey ang ginawa niyang decorations.

Is it too high schoolish?” nag-aalalang tanong ni Shelby.

Lalong natawa si Gunter. Hinila niya uli ang asawa at hinagkan sa ulo nang may tunog.

I love it! God knows how much I love it!”

Kumikislap sa kalokohan ang mga mata ni Gunter. Lalong nagduda si Shelby kung totoo ang sinabi nito o binobola lang siya.

Shy helped us putting the glitters on the hearts.”

She did?” hindi makapaniwalng tanong ni Gunter.

Yeah. She did!” At kinuha nito ang cell phone sa ibabaw ng center table at pinakita kay Gunter ang ilang shots kung saan binubudburan ni Shy ng glitters ang mga pusong papel.

Nagkuwentuhan pa sila tungkol sa preparasyon at pagde-decorate ng bahay bago ito niyaya ni Shelby na tumungo na sa kusina para makapagdinner na sila. Pinaghain ng babae ng baked baby back ribs si Gunter ala-Filipino style. Inihain din nito ang lemony potato salad na ginawa niya kanina.

Pagkalanghap ni Gunter sa baby back ribs, hinawakan agad nito ang kanyang magkabilang mga kamay.

I—I really thought you would leave me. I was so scared to get inside the house thinking I would be greeted by silence.”

Napapisil din si Shelby sa mga kamay ni Gunter.

I have to admit, I was tempted to just go home and leave you. I was scared to even think about our future together. Twenty billion dollars is a lot of money! My family’s assets, even if we all put them together, is barely five billion dollars. We we can’t help you even if we want to,” malungkot na sagot ni Shelby.

Then what made you stay?”

I talked to my mom. Then, I did some self-reflection. I realized I cannot leave you like this. Plus, I also do not know what to do with my life without you.”

Napangiti si Gunter at tuluyan nang tumulo ang mga luha.

Ano ba? Kanina ka pa iyak nang iyak!” natatawang asik dito ni Shelby, pero maging siya man ay naiyak na rin.

 

**********

Gunter was shocked to see who was responsible for stealing back the gold bars Mr. Flynn Schlossberg stole from their ten mining companies. Hindi niya sukat akalain na babawi ang assistant niya.

How are you, boss?” nag-aalangan nitong bati.

He felt like rushing towards him and giving him a hug. It has been a long time. Ang tatlong linggong hindi nito pagpapakita sa kanya ay parang napakatagal.

I can’t complain. You? What the hell were you up to?”

You haven’t changed, boss. You are still the same. Irritable as ever. Are you and Ms. Shelby okay? Did she ditch you for that footballer? I heard Dela Peña went to the Philippines, too. I also heard he went home alone.”

Don’t change the subject, bastard. What the hell were you doing? And who do you work for now? Do not tell me you were working for my dad!” asik niya rito.

Ngumiti na nang mapakla si Frederick. He looked sad now. “I have always been working for your dad. But I have to make Schlossberg believe that I was one of his people.”

What?! Seriously?”

Tumangu-tango ito at binigyan siya ng sulat mula sa kanyang ama na nagpapatunay na nagsasabi nga ito nang totoo. Gunter was flabbergasted. Ni sa hinagap hindi iyon sumagi sa kanya.

 

**********

Natigilan si Shelby sa paghakbang papasok sa opisina ni Gunter nang makita niyang nakaupo sa isa sa mga visitor’s chair na kaharap ng desk ng asawa ang dati nitong assistant. Na-sense siguro ni Shy ang biglang pag-stiffen ng kanyang kalamnan dahil napatitig ito sa kanya tapos sa direksiyon ng ama. Nakaangkla ito sa tagiliran niya kasi. Saglit na napangiwi si Shy dahil siguro nakita nitong medyo nag-aalangan siyang humakbang papasok ng silid, pero nang masilayan nito ang dad ay napatili bigla.

Hey there, my loves,” tumatawang salubong sa kanila ni Gunter. Hinagkan sila pareho sa pisngi.

Although natuwa rin si Shelby na makitang naka-survived si Frederick sa natamo nitong sugat, she felt a bit uneasy knowing that a few weeks ago ay nasa sitwasyong kailangan nitong mamili kung papatayin ba siya o ano.

How are you, Ms. Shelby?”

I am fine. Thank you, Frederick. And how are you?”

Shelby felt like she was reciting an English textbook for beginners. Parang mayroong balakid sa pagitan nilang dalawa. Hindi na tulad noon. Kahit na hindi naman nito sinunod ang utos ng kanyang assistant na patayin siya, the fact na naging bahagi ito ng tauhan ni Schlossberg ay sobrang nakakaduda na.

I am good. Thank you,” sagot din ni Frederick. Magalang. Tumayo na rin ito at nagpaalam na.

Mayamaya pa, bumukas ang silid at sumilip sa maliit na siwang nito ang executive secretary ni Gunter. Si Mrs. Smith. Tinatanong nito ang boss kung okay na raw ba na papasukin ang ka-appointment nito nang araw na iyon?

Who’s that?” tila walang interes na sagot ni Gunter sa sekretarya. Nawiwili ito sa kapapatawa kay Shy na sa bawat pakengkoy look nito’y napapabungisngis ang bata.

Bago pa makasagot si Mrs. Smith ay lumitaw sa likuran nito si Albus Smith, Junior.