CHAPTER FORTY-EIGHT

 

Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Napakapit nga siya agad kay Gunter saka kinuha si Shy dito. Si Gunter nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng opisina ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. Kinuha dito ni Gunter ang schedule para sa araw na iyon at ito’y napangiwi pagkakita sa pangalang Smith.

You didn’t tell me he was this guy,” anas ni Gunter kay Jackson sabay turo sa pangalang Smith sa schedule for the day.

May binulong din si Jackson kay Gunter. Si Albus Smith, Jr. naman ay nanatili sa bandang pintuan. Naghihintay na senyasan ni Gunter na tuluyang pumasok na. Napatingin ito kina Shelby at Shy na nasa tabi lang ni Gunter. At kahit kakitaan ito ng kawalan ng interes sa mag-ina, nakaramdam pa rin ng takot si Shelby.

I think it’s better for me and Shy to leave you alone for now. Let’s just see each other at the funeral later on.”

Hindi na hinintay pa ni Shelby na sumagot ang asawa. Nagmadali siyang lumabas. Nagkasalubong sila ni Albus Smith Jr. dahil lumalapit naman ito sa mesa ni Gunter. Nang ilang talampakan na lang ang layo nito sa kanialng mag-ina, masidhing galit ang napukaw sa puso ni Shelby. A part of her felt like confronting him right there and then and make him realize what an a*shole he has been. Pero sa kabila ng ganoong damdamin, nangibabaw ang takot niya na baka alam nitong si Shy ay anak nila ni Dane at ngayo’y binabawi na ang bata.

Malapit na sana sila sa pintuan nang mapaliyad si Shy na tila nililingon ang balasubas niyang ama. Kitang-kita ni Shelby na tila nagkatagpo ang mga mata ng dalawa. Habang sinusuportahan niya ang likod ng bata at pinapaharap itong muli sa kanya, napangiwi si Shy. Ang kaninang masayahing baby ay biglang pinangiliran ng luha. At walang kung anu-ano’y ngumawa ito. Napatingin tuloy kay Shy si Albus Smith, Jr.

Inilang hakbang lang ni Gunter ang papunta sa kanilang mag-ina at inalo agad si Shy.

What’s wrong, little one?” tanong pa nito sa masuyong tinig habang hinahawakan ang munting kamay ng bata. Lalong umiyak si Shy. Iyong may pagsinok. Nataranta si Shelby.

Oh, is that your daughter?” nakangiti namang tanong ni Albus Smith, Jr. kay Gunter. Nagsuhestyon ito kung paano patahanin ang bata. Tapik-tapikin daw sa likod o di kaya sa puwet. Epektibo raw iyon. Iyakin din daw kasi ang baby niya na halos kasing edad daw ni Shy kung kaya alam na niya kung paano pinapatahan ang isang nag-aalburutong sanggol.

Saglit na kakitaan ng matinding galit sa mga mata si Gunter, pero kaagad naman nitong kinontrol at hawak na nito ang damdamin nang humarap kay Albus Smith, Jr.

I think you look familiar,” sabi pa ng walanghiya nang magkaharap sila ni Shelby. Hindi kasi sila pinakilala rito ni Gunter. At aalis na lang sana siyang hindi naipakilala sa bisita. Ganoon naman ang gusto niya. Para ano pa kasi? Kahit noon naman, noong nagde-date pa lang sila ni Dane ay hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong pormal na magharap. Ni hindi nga niya alam kung aware itong friend siya ng dating pinaasa.

She must be. She’s one of the most sought after fashion designers in New York,” sagot ni Gunter. Matter of fact ang tono. Pero may pride sa boses.

May katwiran ang asawa niya. Dapat nga siyang makilala nito dahil hindi nalalayo ang negosyo nila. Nasa gowns nga ang pokus ng kanyang boutique pero kahanay pa rin ng negosyo ng hunghang dahil T-shirt ang tinitinda nito, which reminded Shelby. Ano ang sadya nito kay Gunter gayong hindi naman nag-i-invest sa ganoong larangan ang Skylark Quandt? Eh di sana kay Madame Margaux na lang sana sila nakipagsosyo?

I must go. See you later, babe,” paalam niya kay Gunter.

She was wondering about what made Albus Smith, Jr. visit her husband, pero mas lamang na gusto niyang ilayo roon si Shy. Wala na siyang pakialam kung hindi man lang sila pinakilalang mag-ina. O kung medyo bastos ang naging dating niya rito na umaalis nang hindi pormal na in-acknowledge ang presence nito. Iintindihin pa ba naman niya ang pagiging polite o respectful sa taong nagbasura sa BFF niya at sa anak nito?

 

**********

Napakamot na lang ng ulo niya si Gunter nang prente nang naupo sa kanyang harapan ang lalaking kinaiinisan ng asawa noon pa. Siya ma’y mabigat din ang dugo sa hinayupak. Dapat pala’y ni-review niya muna ang appointment nang araw na iyon. Heto tuloy.

I never thought I would have a chance to meet the most elusive businessman in New York City. So the journalists are right after all. You are larger than life,” nakangising pahayag ng lalaki. At napansin agad ni Gunter ang resemblance nito kay Shy. Dito pala namana ng bata ang haba at makapal nitong pilik-mata pati na ang nipis ng mga labi. He soon realized Shy kind of look like him. And he does not like it.

Nasa harapan niya si Smith ngayon dahil naghahanap ang kanilang subsidiary company sa LA ng supplier ng T-shirt para sa ilo-launch nilang campaign na maghihimok sa mga taong maggo-green sa kanilang construction supplies. Swak na swak ang kompanya ni Smith dahil topnotch company ito when it comes to sustainable and eco-friendly T-shirt. Ayon sa kanilang research, non-toxic dyes at organic fabric lamang ang ginagamit ng mga ito sa proseso ng paggawa ng kanilang produkto, isang bagay na hinahangaan ng mga environmentalists. Gusto niyang magkaroon ng spill over effect ang good impression ng mga tao sa kompanya nito sa subsidiary company nila.

Nagtalo ang isipan ni Gunter. Halata na na-sense ni Shy kung sino ang lalaking ito at base sa reaksiyon ng anak niya, ayaw na ayaw nito kay Smith. Paiiralin ba niya ang pagiging negosyante o pipiliing pahalagahan ang damdamin ng kanyang mag-ina?

Umm, I---” Napahilot si Gunter sa sentido.

He was rarely unreasonable pagdating sa negosyo. Hindi siya basta-basta nagpapadala sa kanyang emosyon lalo pa kung ang nakasalalay ay ang interes ng korporasyon. But he was being haunted by Shy’s seemingly painful cry. Parang matindi ang epekto ng presensya ni Smith para masira nito ang mood ng baby. Kanina lang kasi ay tawa ito nang tawa.

Is there a problem, Mr. Albrecht?”

Kumunot nang kaunti ang noo ni Smith. Parang nakikinita na siguro nito na uuwi itong luhaan. Hindi na ito tiningnan ni Gunter nang hinulog ang bomba. Deretsahan nitong pinahayag sa lalaki na pagkatapos daw nitong tingnan ang proposal nito kaninang umaga ay nagbago ang kanyang isipan. Sinabi niya rin dito na may kaunting changes sa gagawing campaign ang subsidiary company nila. Hindi na T-shirt ang gagamitin nitong panghikayat sa mga tao kundi mismong produkto na nila.

Are you saying that you made me come all the way from New Jersey for nothing?” malamig na sagot ni Smith. He was squinting at him. Nakatingin na rito si Gunter nang mga oras na iyon. Kung kanina’y he was very polite, this time kakitaan na ito ng arrogance at insolence sa paraan ng pagsagot nito sa kanya.

My secretary was supposed to call you this morning, Mr. Smith. Perhaps, it slipped her mind because she was busy preparing for my dad’s funeral, which will be in two hours.”

Biglang nagbago ang mukha ni Smith. Tila parang nag-alala ito. “Does this have something to do with what happened between our parents?” tanong nito sa mahinang tinig.

Nagpakita ng pagkabigla si Gunter. Tapos ngumiti siya. He wanted him to see that he did not care about it a little bit.

It was none of my business, Mr. Smith. That was between my dad and your dad. If I do care about them, then we would not have given you an opportunity to submit your proposal for our planned campaign.”

Saglit na natahimik si Smith. Kung tinatanggap nito ang paliwanag niya ay hindi niya alam. Basta tumayo na ito at nagpahayag ng pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang ama at nagpaalam na agad. Pagkalabas nito pinatawag niya si Jackson.

Next time, explain to me who are asking to meet with me personally before setting up an appointment with them.”

Yes, sir. I’m sorry about this. But yesterday when I told you about this eco-friendly company, all you said was set an appointment with their CEO ASAP. So I thought you might want to meet with Mr. Smith before the New Year.”

Pinangunutan ito ni Gunter. Sinabi ba niya iyon? Kahit na! Kung si Frederick ito, hindi sana nangyari ang ganito. Alam ng hudas na iyon kung sino ang bawal at hindi bawal sa kanya.

 

**********

Kumapit sa braso ni Gunter si Shelby nang binababa na sa lupa ang kabaong ni Henry Klaus Albrecht. Nakaramdam siya ng ibayong lungkot. Ganunpaman, naisip din niya na marahil hanggang dito na lang ang dad ni Gunter. At least now, no more loneliness. Makakasama na nito ang babaeng pinakamamahal.

Napatingin si Shelby kay Madame Margaux nang bigla na lang itong nanlambot at muntik nang matumba. Ikinagulat iyon ng kakarampot nilang mga bisita na nakiramay sa pamilya. Mabuti na lang at mabilis na umalalay dito si Lord Randolph. Hindi natuloy na himatayin ang madame.

Binitawan niya ang braso ni Gunter nang bigla itong napapiksi dahil din siguro sa gulat. Dadaluhan din sana nito ang ina, pero sinabihan siya ni Lord Randolph na ito na raw ang bahala kay Madame Margaux.

Hindi na nagkunwaring magpakita ng concern si Shelby. Alam naman niyang dededmahin siya ng babae. Baka mag-eskandalo pa ito roon dahil sa kabila ng lahat ay hindi pa rin siya tanggap bilang asawa ng anak.

Nang matapos ang seremonya ng libing, nakita ni Shelby na tila nalalantang gulay si Madame Margaux habang inaalalayan ni Lord Randolph. Naawa siya rito sa kabila ng lahat.

If you want to invite your mom to our house for the New Year, I’m okay with it,” bulong ni Shelby kay Gunter.

What? No!” mariing pakli ni Gunter.

Why not?”

You know, Mom.”

Babalik na sana silang mag-asawa sa kanilang sasakyan nang marinig na biglang humagulgol si Madame Margaux habang nakatingin sa lapida ng asawa.

I’m so sorry, Henry.”

Ang ibang guests na hindi pa nakakaalis doon ay nagpakita ng simpatiya. Lalo itong nagpalahaw. At nagpatuloy pa ito,“I should have been the one in your shoes, right now, Henry. You were a good man. The best husband a wife can ever have. And the best father, too. Thank you for giving me two wonderful sons.”

Kahit papaano ay na-touch din si Shelby sa mga narinig mula kay Madame Margaux. Maluluha na sana siya nang mahagip niya ang pasekretong pag-roll eyes ng babae nang magtama ang paningin nila ni Lord Randolph. Saglit na may namutawing ngiti sa labi ng assistant nito. Si Shelby ay nabwisit.

 

**********

Halos alas dies na ng gabi nang makauwi ng townhouse si Gunter kung saan nanatili ang kanyang mag-ina. Hindi niya inaasahan na gising pa si Shelby nang mga oras na iyon dahil alam niyang pagod din ito. Bukod kasi sa dumalo ito sa libing ng dad niya kanina, sumaglit pa ito sa boutique. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang madatnan itong aligaga sa paghahanda ng mga pagkain kasama ang private nurse ni Shy.

Hi, babe! Happy New Year!” masigla nitong bati.

Nagising naman si Shy sa party pooper na sinalubong sa kanya ni Shelby. Pagkakita nito sa kanya’y kaagad na umiyak at inunat ang mga braso. Gusto nitong magpakarga sa kanya.

You should have taken some rest, babe,” sabi niya rito.

We, Filipinos, do not sleep until we are done with media noche.” At pinaliwanag nito ang tradisyon daw ng mga Pinoy na maghanda nang bongga para salabungin ang bagong taon.

Naalala ni Gunter ang tradisyong iyon. Isa iyon sa pinaalala sa kanya noon ni Frederick. Napaupo na lang siya tuloy sa mesa habang hinihintay na maluto ang hinahanda nitong baked something. Sa pagod hindi na niya masyadong pinagkaabalahang alamin kung anu-ano ang mga hinanda nila. Basta it smelled good.

Kinuha ni Gunter si Shy sa private nurse nitong si Ellen at kaagad namang pumunta sa kanya ang bata. Hinawakan nito ang magkabila niyang mukha at tumili ito nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Tawa na naman nang tawa ang bulinggit. Ibang-iba sa reaksiyon nito kanina nang makita ang tunay na ama.

Pagkatapos magsalo sa isang masaganang media noche ay nagpaalam na si Ellen na ipapanhik na nito si Shy sa kuwarto nila. Kaagad namang binigay ni Gunter ang bata rito. Sila ni Shelby ang naiwan sa kumedor.

We are leaving this house first thing tomorrow.”

Right away? Why not wait after a few days?”

Pinangunutan ni Gunter ng noo si Shelby. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot mula rito. Alam niyang naliliitan ito sa bahay na iyon dahil kung tutuusin mas malaki pa ang espasyo ng mini-gym nito sa condo sa Upper East Side kaysa sa buong lote na kinatitirikan ng maliit nilang townhouse.

I thought you cannot wait to move to our real home?”

This is also home,” nakangiti nitong pakli.

Pinaliwanag na naman nito sa kanya na sa mga Filipino raw dapat nagsasaya lang at nagre-relax sa bagong taon. Bawal ang paglilipat ng bahay. Ayon daw sa nakagisnan nitong pamahiin baka wala na silang ibang gawin sa buong taong iyon kundi ang magpalipat-lipat ng bahay.

We need to have stability especially at the start of the year.”

If your belief is indeed true, babe, then wouldn’t you want to always be moving to a much better house all year round?” biro ni Gunter sa asawa.

No. Moving houses mean no stability. Na-ah.”

Dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. Ang cute talaga ng babaeng ito, naisip niya. He was licking the icing of the cake on her lips when his phone beeped. Sunud-sunod. May dalawang magkasunod na text messages. Hindi niya sana papansinin ito pero nagkaroon ng pangatlo. Lumayo siya saglit kay Shelby at tiningnan kung saan galing ang mga iyon. Kay Albus Smith, Jr.

I now understand how you and your wife got a baby when it was never reported on the news that you got somebody pregnant.

May nakangising emoticon sa dulo ng text. Na-trigger si Gunter sa munting emoji na iyon. Siguro kung nasa harapan niya si Albus Smith winasiwas niya itong parang talbos ng kamote.

Ang sumunod na mensahe ay nagpahayag na alam na raw nito kung kanino nila kinuha ang bata. Ang third text ay nagsasabi na huwag daw siyang mabahala. Hindi raw nito sasabihin kahit kanino ang nalamang sekreto. May kabuntot itong emoticon na nagtatakip ng bunganga. Although he never mentioned he knew he was Shy’s father, parang ganoon na rin ang intindi ni Gunter sa mensahe ng hudas.

What is it?” tanong nI Shelby sa kanya.

Kaagad niyang itinago ang phone sa asawa.

Let’s go upstairs now, babe. I’m tired,” sabi niya rito sabay hawak sa kamay nito. Hinalikan pa niya ito sa tungki ng ilong.

You seemed worried about the text messages that you received. What is it about?”

It was just work,” sabi niya lang rito.

 

**********

Nagising si Shelby bandang alas tres ng umaga na niyayakap nang mahigpit ni Gunter. She also felt his warm, little kisses on her nape, neck, and earlobes. Nakiliti siya bigla kung kaya impit siyang napatili.

What are you doing?” tumatawa niyang tanong rito.

Nothing,” tila paungol nitong sagot.

You’re crazy, Gunter. We already embraced the New Year with a bang!” she reminded him. At nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang pinaggagawa nila kanina.

Napabungisngis si Gunter. He sounded like a very satisfied and happy man. Shelby was proud of herself. Alam niyang sila ni Shy ang dahilan kung bakit sa kabila ng patung-patong nitong problema ay napagtagumpayan ito ng asawa.

Hinarap niya ito at binigyan din ng little kisses sa mukha. Napaungol si Gunter. And she felt him hardened. She teased him with a little nudge from her knee. Napaungol uli ito at lalong diniin ang hinaharap sa kanyang tuhod. Hindi na nakontento roon. Kinubabawan na agad siya and he pinned her down on the bed and kissed her passionately on the lips. Nagpagulong-gulong sila sa kama. Gunter was about to take off her nighty when his cell phone rang. Nagulat sila pareho lalo pa at tahimik ang buong kabahayan pati na ang neighborhood.

Who was it? It’s three in the morning.”

Maybe some random caller.”

Inabot ni Gunter ang phone at in-off ang ringer. Then, he smiled as he lowered his body to meet hers. Tinaas na ni Shelby ang dalawa niyang binti at pinulupot ito sa baywang ng asawa. Diniin na rin niya ang lower part ng katawan sa harapan nito na ramdam na niyang nag-aalburutong parang bulkang sasabog. She teased him again by pressing her womanhood on it. Tapos ay kinagat-kagat niya ang punong tainga nito na lalong nagpakiliti kay Gunter. Impit din itong umuungol dahil alam nila pareho na nasa kabila lang ang kuwarto nila Shy at Ellen.

Nahubad na nito ang kanyang nightgown at bumababa na ang mukha nito sa kanyang dibdib to claim one of her prized assets nang nag-vibrate ang cell phone nito na nasa side table. Ang lakas. Para bagang nagwawala rin ang CP. Nakikiayon sa kanilang mga damdamin. Nairita si Gunter.

I do not think that’s a random caller, babe. That might be your mom. She might need some help.”

Nawala nang parang bula ang pagnanasang naramdaman kanina ni Shelby. Parang binuhusan ng malamig na tubig sa isiping baka nga nasa panganib si Madame Margaux.

Bumangon si Gunter at tiningnan ang cell phone niya. Naki-usyuso na rin si Shelby mula sa likuran nito. At bigla siyang pinanlamigan nang may makita roong unread message pa.

You have to thank me for your little blessing, Mr. Albrecht. Happy New Year! –AJ Smith.

The bastard knew!” halos ay pabulong na lamang na naibulalas ni Shelby kay Gunter.

Kaagad na hinawakan ni Gunter nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Masuyo pa nitong hinalikan ang pisngi niya. Kahit papaano, Shelby felt comforted.