Ang panahong ito'y ginugol n~g m~ga civil sa paghanap sa «Hari n~g m~ga tulisán»; n~guni't n~g walang mangyari sa kanilang paghabol ay humuli na lamang n~g apat na taong bukid at siyang pinaratan~gan na nangloob kay kapitáng Ape. Ilang cruz del mérito militar ang naging pinakagantí sa pagkakahuling iyón.
Dátapuwa't ang sundán natin ay si tinintíng Moneng na n~g araw na iyón ay lumuwas sa Maynila.
¿Anó ang dahilán n~g gayón?
Kung ating unawain ang lihim na kagalakáng nalalarawan sa mukha n~g ating matanda na nagbago na n~g asal mula n~g araw na hindi natuloy ang kasal n~g kaniyang anák na si Benita kay kapitáng Ape, ay makikilala natin na ang kasayahang iyón ay galing sa pagkabatid na ang bugtóng na bunso ay ikakasal kinabukasan sa tunay na iniibig.
Nang kinabukasan n~g pagdating ni tinintí sa Maynila ay ikinasal si Benita at si Enrique sa Simbahan n~g Kiapo.
Ang naganák sa m~ga ikinasal ay isang nagngangalang Pedro Gatmaitan; n~guni't kung pagwawariin ang kaniyang mukha ay mákikilala na siya'y kamukha n~g binatang kausap ni matandáng Patíng niyong madaling araw na nasunog ang bahay ni kapitáng Ape.
Sa bayan ay Pedro Gatmaitan at sa bundók ay Juan Masili na pan~gulo n~g m~ga tulisán.
Ang taong ito'y nabubuhay pa n~g taóng 1892, dátapuwa't n~g magkaguló sa Kabite ay hindi na nádin~gíg ang kaniyang pan~galan.