![]() | ![]() |
Nagtaka ako kung bakit nagsipagtakbuhan ang mga girls sa unahan. Nagtititili pa sila na sobrang kilig na kilig. Hindi ako nakatiis. Pinuntahan ko ang pinagkakaguluhan nila. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang lalaking nakataas ang sweater upang ipakita ang tiyan. Oh, my God! He has killer abs! At ang guwapo-guwapo niya! Kamukha niya si Haruma Miura sa Last Cinderella.
Nagpapapicture sa kanya ang mga girls. Mukhang enjoy na enjoy naman siya sa atensyon. Sino kaya siya? Bakit hindi siya nakauniporme? Estudyante rin kaya siya sa school?
May galit na boses sa likuran ko, pero hindi ko iyon masyadong inintindi. Nasa hot guy kasi ang buo kong atensyon.
“Okay, girls. Next time ulit,” pagpapaalam ng lalaki sa mga admirers niya. Nalungkot lahat pati na rin ako. Sayang at hindi ako nakapagpa-picture sa kanya.
Aalis na sana ako patungo sa kinaroroonan nila Ryu nang paglingon ko’y napansin ko siya. Nakahalukipkip siya at madilim ang mukha.
“Ay, Ryu. Nandyan ka pala,” magiliw kong bati.
“Kanina pa,” tipid niyang sagot. Halatang may kinikimkim na galit.
“Sorry hindi kita napansin.” Dinedma ko ang sarcasm niya.
“Halata nga.” At tinitigan ako nang matalim.
“Heto pala ang obento nyo, oh. Nakabili na ako.” At pinakita ko sa kanya ang dalawang supot.
Inagaw niya ang mga ito sa akin. Parang na-bruise pa ang mga kamay ko sa biglaang paghila niya ng mga dala ko. Gusto ko na siyang batukan. Ginawa na nga akong alila, hindi pa marunong magpasalamat.
“Paanong hindi ka matagalan? Abala ka sa kung anu-ano!”
Naalala ko uli ang hot guy. I’m sure, kilala siya ni Ryu.
“Ryu, sino pala iyong guy na pinagkaguluhan nila kanina?” tanong ko bigla. Hindi alintana ang galit niya. Mas nanaig sa akin ang curiosity.
“Bakit sa akin ka nagtatanong? Mukha ba akong police station?”
“Nagtatanong lang, eh. Ang suplado naman nito.”
“Magtanong ka sa nanay mo!” Binilisan nito ang lakad.
Hay buhay. Wala talaga akong pakinabang sa kumag. Hindi ko na siya hinabol pa. Tiyak magbabangayan lang naman kami.
May humarang na mga girls kay Ryu. Kinikilig din sila. Gusto rin nilang magpa-picture sa kanya, pero tinapunan lang sila nito ng matalim na titig at basta na lang tinalikuran. Walang nagawa ang mga babae.
Ito ang kaibahan ni Ryu sa hot guy. Si hot guy mabait sa mga admirers. Binibigay ang hilig ng mga ito. Kaya hindi ako magtataka kung later on ay mauungusan na nito si Ryu. Kahit campus hearthrob ang mokong kapag ganito ang ugali niya for sure mawawalan din ito ng admirers kalaunan.
“Ano ka ba? Iyan nga ang charm ni Ryu,” ang sagot naman ni Haruka nang sabihin ko ito sa kanya. Ang pagiging aloof at snobbish nga raw ni Ryu ang nagpapadagdag ng appeal nito. Kung sa bagay marami namang girls talaga na suplado at mukhang barumbado ang gusto.
Si Haruka na ang nagsabi sa akin kung sino si hot guy. Malamang ang nakita ko raw ay si Keisuke Kobayashi, ang star swimmer ng campus. Silang dalawa lang naman daw ni Ryu ang pinagkakaguluhan ng ganoon.
Keisuke. Ang gandang pangalan.
“Hoy, okay ka lang? Kanina ka pa tulala riyan, ah. Sabi ko, gusto mo ba itong miso soup? Hindi ko kasi maubos,” untag sa akin ni Haruka.
“H-Ha?” Parang nabigla pa ako.
Natawa si Haruka. Parang ang lakas daw ng tama ko kay Keisuke. Hindi ko na nga ikinaila iyon sa kanya. Tinanong ko siya tungkol dito.
“Huwag ka nang umasa. Patay na patay iyon kay Minami.”
Si Minami? Parang tinurok ang puso ko. Ganoon pala ang type niya. Wala na nga akong pag-asa. Maputi at matangkad na babae si Minami. Tantya ko mga five feet and ten inches siya. Ako nama’y mahigit kumulang limang talampakan at apat na pulgada lang. Kung sa Pilipinas, mas maputi ako sa karamihan at tisay ang description sa akin, pero dito sa Japan ang itim ko na. Mapuputi kasi ang mga Hapon.
Pagbalik namin sa classroom, kinausap ako ni Tanaka-sensei. May nakuha na ba akong co-representative sa mga kaklase kong lalaki? Kailangan ko na raw ng katuwang dahil kaming dalawa ang magde-desisyon sa gagawin ng buong klase sa nalalapit na Parents-Teachers’ Day.
Naku, nakalimutan ko na ang tungkol doon. Patay!
“Last year sumayaw kami pero hindi okay ang kinalabasan dahil may mga last minute na nagback-out. Sana kumanta na lang tayo this year. Kung may mag-back out man hindi halata,” suhestyon ni Haruka.
“Okay lang sa akin. Kaso paano ito? Walang may gusto na maging co-representative ko? Bakit hindi ikaw na lang?”
“Naku, hindi puwede. Kung walang leader ang mga boys, tiyak hindi sasali ang mga iyon. Kaya kailangan ng lalaki ring representative. Iyong kayang-kaya silang manduan.”
Sino naman kaya iyon? Pati iyon ba’y poproblemahin ko pa?
Naisip ko si Ryu. Tama! Siya na lang ang hindi ko pa nalalapitan. Tiyak, babarahin ako no’n tulad ng ginawa kay Minami pero I have no choice. I have to try. Bahala na si Batman.
**********
Naiiyak na ako. Wala kasing nakikinig sa akin. Hindi kami magkasundo sa kanta na aawitin namin para sa Parents-Teachers’ Day. Three weeks to go na lang. Pine-pressure pa ako ng class adviser namin na dapat by the end of the week ay mayroon na akong co-representative from the boys. Pero sino ang kukunin ko kung lahat ay umayaw na? Kailangan namin talagang magmiting pagkatapos ng klase para i-finalize lahat pero paano ko sila mapapa-attend nito kung ayaw nga nila sa akin?
“Sorry, I’m busy. May taping pa kami mamaya eh,” sabi ni Minami at kinuwento ang bago nitong TV drama. Part-time actress kasi siya.
“Ang yabang. Pero extra lang siya doon,” bulong sa akin ni Haruka.
Napangiti ako. Kung maka-announce akala mo siya na ang bida.
“Hindi rin ako puwede,” sabi rin ng kaibigan ni Minami. “May baito (part-time job) pa ako mamaya, eh. Sorry.”
“Ako rin. Nagpapasama kasi si Okaasan (mother) na magshopping. Pasensya na, ha?” exaggeratedly sweet na sabi naman ng isa pa.
Nagkakagulo ang room at kanya-kanyang alibi kung bakit hindi sila puwedeng mag-attend ng afterclass meeting nang biglang sumulpot si Ryu. May dala itong malaking backpack. Mukhang kagagaling lang sa praktis.
“Anong oras ba ang meeting mamaya?” tanong nito agad sa akin.
Nagulat ako. Ano naman ang pakialam nito? Malinaw na tumanggi din itong makisali sa activity ng klase. Plus, he flatly refused to be my co-representative nang i-offer ko ito sa kanya kahapon.
“Sabi ko, anong oras ang meeting mamaya para masabihan ko si coach kung anong oras ako darating,” ulit nito.
Aatend si Ryu?!
“Five thirty,” pakli ko, nalilito.
“Ryu, aatend ka?” tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Para itong shocked na shocked. Nanlaki pa nga ang singkit niyang mga mata.
“Bakit naman hindi? Eh ako nga ang representative n’yo?”
“What?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Minami. Tumayo ito at namaywang pa. Sinumbatan niya agad si Ryu. “Akala ko ba ayaw mo?”
“Simple lang. Dahil ayaw kita,” pasuplado nitong sagot na ikinagulo ng lahat. Biglang naging sentro ako—-kami ng atensyon nila. Lumapit si Ryu sa akin at inakbayan muna ako bago nagpaliwanag.
“Matatanggihan ko ba naman ang girlfriend ko?”
Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Girlfriend ako ni Ryu?! Nagkagulo na ang mga kaklase namin. Inulan nila kami ng mga tanong. Interesado raw silang malaman kung paano kami nagkagustuhan gayong mukhang hindi kami magkasundo. Tiningnan ko si Ryu at hinayaan ito sa paghabi ng mga kasinungalingan. Lumilipad kasi ang isipan ko. Palaisipan sa akin kung ano ang nagtulak sa damuhong ipakilala akong girlfriend. Seryoso kaya ito? Baka at the end of it all sasabihin niyang, “Joke lang. Naniwala naman kayo.”
Nakita kong nag-e-enjoy ang mokong sa reaksyon ng lahat lalung-lalo na kay Minami. Sa mga oras na iyon, parang gusto ng lokaret na pumatay ng tao. At ako iyon! Ganunpaman, hindi ako nakaramdam ng takot. Bagkus, nasiyahan ako. Sino ang hindi magiging masaya? Lahat ng mga kaklase nami’y nakikinig na sa akin. Bigla akong naging sikat!
Pinanindigan ni Ryu ang mga sinabi niya hanggang sa matapos ang klase sa araw na iyon kaya nakahinga ako nang maluwag. Saka ko na lang poproblemahin si Minami. Ang importante, may co-rep na ako! Yehey!
“Hindi porke pinakilala kitang girlfriend ay mag-iinarte ka na ring GF ko. Pagkukunwari lang ito. Isaksak mo iyan sa kukote mo,” anas ni Ryu habang naglalakad kami sa hallway.
“Asa ka pa. Siyempre, hindi no! At ano ang nakain mo’t pinakilala mo ako sa kanila bilang girlfriend mo?”
“Hindi pa ba halata sa iyo? Ganyan ka ba talaga ka slow?”
“Magtatanong pa ba ako sa iyo kung alam ko?” Inirapan ko siya. Gustung-gusto ko siyang batukan pero sinikap kong pigilan ang sarili.
“Ginulo ninyong mag-ina ang nananahimik kong buhay kaya guguluhin ko rin ang buhay mo—-ninyo. Tingnan lang natin kung hindi n’yo nanaising bumalik sa pinanggalingan n’yo,” banta niya.
“Bakit hindi mo sisihin ang uncle mo? Bakit kami lang ni mama ang pinagbubuntunan mo ng galit mo?”
Hindi sumagot ang damuho. Tiningnan lang ako nang matiim at saka tinalikuran. Nauna na siyang bumaba ng hagdan. No’n ko naman narinig ang pagtawag sa akin ni Haruka. Hinintay ko siya at sabay na kaming bumaba. Hindi ito nagsayang ng sandali. Kaagad akong inusisa tungkol sa amin ni Ryu. Bakit daw hindi man lang ako nagsabi sa kanya? All along daw kasi akala niya si Keisuke ang gusto ko. Bakit bigla raw nagbago?
“Ikaw din naman ang nagsabing wala na akong pag-asa kay Keisuke dahil may mahal na siyang iba. Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko ro’n? Tapos nandyan naman si Ryu na available pa. Tatanggi pa ba ako?”
Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi ko pero kailangan ko nang panindigan dahil narito na ako sa sitwasyong ito.
“Pero ingat ka, ha?” Makikita sa mga mata nito ang pag-aalala. “Siguradong babalikan ka ni Minami. Matagal na siyang may crush kay Ryu at hindi niyon matatanggap na natalo mo siya nang ganoon lang.”
“Napaka-desperada naman ng babaeng iyon kung gano’n.”
“Sinabi mo pa.”
Pagdating ko ng bahay, tinawag ako ni Ryu. Umakyat daw ako sa ER dahil may pag-uusapan daw kaming importante. May nagawa na naman ba akong ikinagagalit nito?
Pagpasok ko sa ER, sinenyasan niya akong maupo sa silyang kaharap ng inuupuan niya. Hindi ko naiwasang tumingin-tingin sa paligid at naglaway na naman ako sa dami ng gitara sa paligid. Kung sana kahit isa man lang sana niyon ibigay niya sa akin. Hay.
“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong malaman mo ang rules ng charade natin.”
Rules? Ano na naman iyon?
“Rule number one, DO NOT fall in love with me dahil hindi kita type,” walang paliguy-ligoy na sabi nito.
“Okay ka lang? Hindi mo na kailangang sabihin iyan, ano?”
Sinenyasan niya akong tumahimik.
“Rule number two, huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na pagkukuwari lang ang lahat ng ito dahil malilintikan ka sa akin. Not even your bestfriend. Walang dapat makakaalam nito kundi tayo lang.”
Naalala ko ang pagsisinungaling kay Haruka. Ano pa nga ba?
“Rule number three, bawal kang makipaglandian sa ibang lalaki. Dapat ang maibigay mong impresyon sa kanila ay in love na in love ka talaga sa akin. So strictly no flirting. Kuha mo?”
“Ever since hindi naman ako flirt! No need for that rule.”
“Ows? Never?” Hindi niya ako pinaniwalaan.
“Oo. As in never ever! Ba’t ko naman gagawin iyon?”
“Okay, rule number four, kung nahuhulog na ang loob mo sa akin, hindi kita masisisi rito, go back to rule number one. Maliwanag?”
Yabang nito! Kung hindi lang ako nagpipigil kukutusan na kita eh!
“Ba’t naman mahuhulog ang loob ko sa iyo, hindi ka naman attractive para sa akin? Hindi kita type, ano! Bwisit ka!”
“Tingnan natin,” confident nitong sagot at lumabas na ng ER.