![]() | ![]() |
Nairaos namin ang partisipasyon ng class sa Parents-Teachers’ Day program. Nakita ko agad sina Mama at Otōsan sa audience. Proud na proud sila sa aming dalawa ni Ryu. Nang matapos na ang presentation namin, pumunta na ako sa kanila at naging part na ng manonood. Si Ryu nama’y biglang nawala. Ni hindi man lang ito nag-hi kina Otōsan. Kung sa bagay, ano pa nga ba ang dapat kong i-expect doon?
Mayamaya ay napatingin ako sa stage dahil medyo nag-iingay ang mga katabi kong estudyante. Nang bumukas ang curtain, sigawan na halos lahat. Kinikilig pa ang mga girls. Iyong ibang bata-batang nanay ay nakisigaw pa. Pati sila kinilig din.
Nakayuko ang limang miyembro ng banda ng school namin. Lahat naka-baggy pants at naka-itim na sweater na may hood. May nakasulat na Bandage sa harapan ng sweater ng bawat isa at halos pare-parehas din ang istilo ng buhok nila. Medyo mahaba na tumitikwas sa gilid katulad ng kay Jin Akanishi noong Kattun days nito.
Parang pamilyar sa akin ang nasa gitna na may hawak ng electric guitar. Ito ang pinakamatangkad sa lahat. Nang mailawan na sila saka ko lang nakilala kung sino ang nakatayo sa pinakagitna. Si Ryu! My gosh! Napakurap-kurap ako. Hindi makapaniwala.
“Ryu! Ryu!” Sigaw halos ng lahat ng mga babaeng nandoon sa audience. Wala naman akong nakikitang reaksyon kay Ryu. Maging sa ibang ka-banda. Seryoso ang mukha nilang lahat.
Pumailanlang ang pamilyar na tono ng isang awitin. Yuuki no Hana ng Kattun! Si Ryu ang kumanta ng part ni Kazuya Kamenashi. Grabe lang. Ang ganda pala ng boses ng kumag. Hindi ko naisip kahit kailan na marunong siyang kumanta Akala ko lang pandagdag lang sa image niya ang pagkanta-kanta niya. Na puro porma lang lahat, boses-palaka naman.
Parang tatalon na ang puso ko sa pride. Nahihiya lang ako kay Mama at Otōsan kung kaya hindi ko maipakita ang tunay na nararamdaman.
Nang matapos ang performance, saka palang pinakilala isa-isa ang band members ng Bandage. Si Ryu pala ang lead vocalist nila. Kaya naman pala ang dami nitong admirers sa school.
Nag-request pa sana ng isa pang kanta ang mga manonood pero hindi sila pinaunlakan ng banda. Naku, si Ryu pa! Hindi iyon madidiktahan eh.
Nang tapos na lahat tinawag ni Kōchō-sensei (principal) si Minami. Lumabas ito mula sa backstage nang naka-strapless long gown.
“Labis kong ikinagagalak na sabihin sa inyong lahat na pasok si Takahashi-san sa Miss Osaka Pageant kung saan ang mananalo ay lalahok sa taunang Miss Japan,” pahayag ng principal. Pinaliwanag pa nito sa mga manonood na kapag ipinanalo raw ni Minami ang Miss Japan Pageant ay siya na ang kakatawan sa bansa sa Miss Universe. Dahil hindi masyadong pamilyar sa mga Hapon ang naturang beauty contest, pinaliwanag pa ni Kōchō-sensei kung gaano ka prestihiyoso ang Miss Universe Pageant para lang ma-appreciate ng lahat.
Aminado akong medyo nainggit ako sa na-achieve ni Minami. Kung bakit kasi five feet four inches lang ako. Disin sana’y sumali rin ako sa mga beauty contest na iyan. Iba na talaga ang matangkad.
Hinanap ko si Ryu nang makalabas na ng teatro. Iko-congratulate ko lang sana siya sa maganda niyang performance pero nawawala na naman ang hudas. Saan na naman kaya nagsususuot iyon?
Lumapit ako sa pinagkakaguluhan ng mga girls sa hindi kalayuan sa parking lot. Akala ko si Ryu na naman ang tinitilian nila. Si Keisuke lang pala. As usual, nagpapakita na naman ito ng abs. Kung dati impressed na impressed ako nagbago na ang tingin ko sa kanya simula nang lokohin niya ako para sumama sa kanya sa matsuri sa Kyoto. Ang kapal ng mukha!
At last, nakita ko si Ryu. May bitbit itong gitara. Papunta yata siya sa parking lot. Susundan ko na sana siya pero napahinto ako bigla dahil maraming babae ang nagsipagtakbuhan sa kanya. Hindi nila alintana ang malamig nitong pagtanggap. May ibang nagpa-picture pa kahit na hindi naman nag-pose sa tabi nila ang kumag. Sige lang ito sa kung ano ang ipinunta sa kotse. Nang mailagay na ang gitara sa backseat ay pumasok na ito sa driver’s side at sinenyasan ang mga babae na umatras na dahil aalis na raw siya.
“Ang sabi ko, umalis na kayo riyan!” asik pa niya sa isang grupo ng makukulit na dalagita. Ako ang nahiya sa inasal niya.
“Ryu, one last picture, please?” pakiusap ng isa.
Matalim na tingin ang sinagot ni Ryu rito. Nag-pout ang babae pero lumayo rin sila sa sasakyan ng mokong.
Buti pumayag si Kōchō-sensei na magdala ito ng kotse ngayon. Bawal dapat ito sa aming mga estudyante. Pinapag-bike kaming lahat o di kaya pinapag-public transportation. Bahagi raw ito ng training namin na maging masinop sa buhay para balang-araw ay matuto kaming huwag mag-aksaya ng gasolina kung pwede rin naman.
Nagkita kaya sila nina Otōsan? Pambihira talaga ang lalaking ito. Ang ibang family ay nagtitipun-tipon pa pero kami ay nagkanya-kanya na. Kung sa bagay, hindi naman kami pamilya talaga. I don’t think he treats us as one. Iyon pa?
Ewan ko ba. Lately, parang lagi ko siyang hinahanap-hanap. Kapag nandiyan naman siya nabubwisit din ako. Siguro masyado lang akong naniwala doon sa nangyari sa Jinshu-jinja.
Sinilip ko ang Entertainment Room pag-akyat ko ng bahay after dinner. Patay pa rin ang ilaw. Dinikit ko ang tainga sa pintuan ng kuwarto niya. Tahimik pa rin sa loob. Nakauwi na kaya iyon?
Nagpahangin ako sa veranda bandang alas onse. Hindi kasi ako makatulog. Naisip ko lang kung may ibig sabihin ang mga malalagkit na titig ni Ryu sa akin paminsan-minsan. Teka, ganoon nga kaya ang titig niya sa akin o masyado ko lang binigyan iyon ng kulay? Knowing him, parang ang hirap paniwalaan na naa-arouse din siya. Palagi kasing indifferent. Kahit sa mga naggagandahang babae sa school, wala siyang pakialam. Bakla kaya siya? Natawa ako sa naisip kong iyon. Parang unlikely naman. Frigid kaya? Mayroon din kayang frigid na lalaki? Hindi ko mapigilan ang matawa nang todo. Nakakatawa lang isipin na frigid si Ryu. Hindi bagay.
“Ang lakas ng tama mo, ah. Ano ba’ng tinira mo at mukha kang high?” narinig kong tanong ng pamilyar na boses sa likuran ko. Nakatayo ito sa bukana ng nakabukas na sliding door na nagko-connect sa veranda at sa pasilyo papunta sa mga kuwarto namin. Naka-jogging pants lang ito. Topless. May hawak pa itong face towel na pinupunas-punas sa basang buhok. Tila kaliligo lang nito.
Shit, topless! Noon lang rumehistro sa utak ko ang hitsura ni Ryu. Kaagad akong tumalikod dahil nag-init na ang pisngi ko.
“Magbihis ka nga muna. Ba’t ka lumalabas nang nakaganyan lang? Hindi lang naman ikaw ang tao rito.”
“Malay ko ba namang nandito ka? Magpapahangin lang sana ako sandali dahil hindi ako makatulog.”
“Eh ngayong nakita mo na nandito na ako ba’t hindi ka bumalik sa kuwarto mo at magbihis?” utos ko pa sa kanya. Nakatalikod pa rin ako dahil hindi ko kayang tingnan ang walang saplot niyang dibdib.
“Naka-jogging pants naman ako, ah. Ano’ng masama? Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad? Hindi ba tuwing summer sa inyo halos nakahubad na lahat ang mga lalaki sa kalye?”
“Iba naman iyon!”
“Ano naman ang pinagkakaiba namin?” hamon nito at lumapit pa siya sa akin. Nakasandal na ito sa railing ng veranda. Nakatingin sa akin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Napansin ko pang kasing ganda din pala ng abs ni Keisuke ang abs niya.
Hindi ko masabi rito na siyempre iba ang mga nakahubad na lalaki sa Pilipinas dahil malalaki ang tiyan nila kung kaya hindi ako affected.
“Mas disente nga ang hitsura ko kaysa sa iyo. Ikaw, tingnan mo nga ang hitsura mo. Ganyan ba ang pananamit ng disenteng babae?”
Awtomatiko akong napatingin sa suot. Oh shit! Naka-camisole at maikling shorts lang pala ako! Pantulog get-up. Hindi ko naman in-expect na aabutan pa niya ako sa veranda kaya hindi na ako nag-alala sa suot ko. Kaagad kong pinagkurus ang dalawang kamay sa dibdib.
Napangisi ang kumag.
“Too late. Nakita ko na, eh!” At tumalikod na ito. Pero bago tuluyang pumasok sa loob, sumandal muna sa sliding door, arms crossed on his chest, at nagsabi ng, “Don’t worry. You have nothing to be ashamed of. I like what I saw this time.”
Pinamulahan ako nang todo sa implikasyon ng mga sinabi niya. Lalo na nang makita ang kapilyuhan sa kanyang mga mata. Nasagot ang mga katanungan ko kanina. Hindi frigid si Ryu!
Bumalik din ako sa loob nang makita kong nakapasok na siya sa kuwarto niya. Nanggigigil na naman ako sa kanya. Tiningnan ko uli ang hitsura ko sa full-length mirror sa kuwarto. At hindi ko naiwasanag mag-blush uli. Bakat na bakat ang nipples ko sa manipis kong kamisola at halos litaw na rin ang pusod ko. Buong legs ko nakabandera din dahil maikli masyado ang shorts ko. Paano ko na siya haharapin bukas?
Nag-beep ang keitai ko.
“Sorry kung hindi kita naisakay kanina. May lakad kasi ang banda at hindi ka pupuwede roon.”
Nakita niya rin pala ako kanina. At himala! Nag-apologize pa ang damuho. Parang so unlike-him. Ano kaya ang nakain nito?
Hindi ako nakatiis. Sinagot ko. “Okay lang.”
Nag-beep uli ang keitai ko. “Bakit hindi ka makatulog?”
Parang na-excite ako sa tanong ng mokong at parang nanibago na rin. Hindi naman kasi siya ganoon. Si Ryu kaya talaga ito?
“Wala,” maikli kong sagot.
“Anong wala? Pwede ba naman iyon?” tanong ulit nito.
“Pakialam mo. Matulog ka na,” sabi ko. Pero maya’t maya'y tsinitsek ko rin ang screen ng keitai ko just in case. Hindi na nga nag-reply ang mokong. Nakaramdam ako ng disappointment.
Pero mayamaya uli, narinig ko ang pamilyar na beep.
“Hindi rin ako makatulog. Kung sasabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog, sasabihin ko rin sa iyo ang dahilan ko.”
Nag-isip ako ng puwede kong maidadahilan.
“May iniisip lang ako,” sagot ko.
“Sino?” reply nito agad.
“Ba’t ba interesado kang malaman?” balik tanong ko.
Hindi siya sumagot. Naghintay ako. Hindi na siya nag-reply pa. Super-disappointed ako. Iniisip ko pa naman na magkukulitan kami magdamag. Shit! Bakit ako nagkakaganito? Hindi ako dapat naggaganito sa kumag na iyon. Baka tini-testing lang ako ng damuho at sa bandang huli ay sasabihin na, “Naniwala ka naman?” Part pa kaya ito ng plano niya? Baka gusto lang niyang mahulog ang kalooban ko sa kanya para masaktan niya ako nang husto later on nang makabawi siya sa ‘ika niya’y ‘panggugulo’ naming mag-ina sa buhay niya.
Hay, shit na malagkit!
Naguguluhan ako! At hindi pa rin ako makatulog!